You are on page 1of 6

NOBENA KAY SAN TARCISIO

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

Panalangin kay San Tarcisio


O Kabanal banalang San Tarcisio, martir at marubdob na umiibig sa Banal na Eukaristiya, na sa
pamamagitan ng iyong malalim na Pananampalataya ay hindi ka nag-alinlangan upang dalhin
ang Santissimo Sakramento. Hindi mo inalintana ang panganib, pinanindigan mo ang iyong
pinananampalatayanan at buong tapang mong inialay ang iyong buhay upang maging sanggalang
sa Katawan ni Kristo na tunay na naroroon sa Banal na Sakramento. Bilang pabuya, minarapat na
ikaw ay makaisa ng Panginoong Eukaristiko. Sapagkat ang Ostiya na iyong ipinagtanggol kapalit
ng iyong buhay ay hindi nasumpungan sa iyo mang kamay o sa iyong damit bagkus ito’y naging
laman ng iyong laman, na bumuo ng walang batik na Ostiyang inihahandog sa Diyos.
Ipanalangin mo kami na sa iyong halimbawa ay magkaroon kami ng katapangan at
malalim na pananampalataya. Nawa ay palagi naming mabatid kung gaano kahalaga ang Banal
na Eukaristiya at nang ito ay aming tanggapin ng buong pagmamahal at paggalang.
Ipamagitan mo kami, O batang-martir ng Eukaristiya upang makamit namin ang grasyang
lubha naming kinakailangan at kasagutan sa aming mga kahilingan. Higit sa lahat, San Tarcisio,
ipanalangin mo kami, nawa ay matularan naming ang iyong halimbawa upang maipagtanggol
ang karangalan ng Banal na Sakramento sa buo naming buhay at maging sa aming kamatayan.
Amen.

Pagsisisi
O Diyos ko, pinagsisisihan kong lubos ang pagkakasala ko sa Iyo dahil Ikaw ang Diyos
ko na ubod ng kabutihan at karapat dapat sa buo kong pag-ibig. Nagtitika akong lubos, sa tulong
ng Iyong biyaya, na iwasan ang mga kasalanan at ang mga pagkakataon ng pagkakasala at
tuparin ang utos Mo. Amen.

UNANG ARAW:
O San Tarcisio! Itinatagubilin namin sa iyo, ang simbahan na humaharap sa matinding pagsubok at
panguusig. Para sa iyong matamis na Simbahang Katolika, ang Ina na sa iyo’y kumalinga at sa amin ngayon ay
nangangalaga, na nasa sa lahat ng panig ng daigdig ay nagbabata ng lahat ng uri ng masasamang paratang,
nagdaranas ng matinding paghihirap at pang-uusig, dahil sa katapatan sa turo ni Hesukristo, ang ating Panginoon at
manunubos.

1
Ipagkaloob Mo sa Iyong Simbahan, O Panginoon, ang grasya na Iyong ipinagkaloob sa batang martir, na si
Tarcisio na ipalaganap ang katotohanan ng Pananampalatayang Katolika ng may katapangan, katatagan at malalim
na paninindigan.

IKALAWANG ARAW:
O San Tarcisio! Hinihiling namin sa iyong makapangyarihang pamamagitan ang intensyon ng Banal na
Papa N.N., ganoon din ang mga kahalili ng mga apostol, ang mga obispo, at ang lahat ng mga kaparian, mga
relihiyoso at relihiyosa at sa itinalaga ng ating Panginoon bilang Kanyang kabiyak, ang Banal na Simbahang
Katolika.
Hinihiling namin sa Iyo, O Panginoon, na iadya Mo ang Iyong mga hinirang sa lahat ng masama upang
patuloy Ka nilang papurihan. Ipagkaloob Mo ang biyaya ng pagsunod sa Santo Papa at sa lahat ng kanyang mga
kahalili katulad ng kay Tarcisio habang dala-dala niya ang Banal na Misteryo.

IKATLONG ARAW:
O San Tarcisio! Pinipintuho ka namin bilang iyong mga kapatid sa maluwalhating Pananampalatayang
Katoliko, umaasa kami na nawa ay maialay namin ang aming kabataan para sa Panginoon at aming masayang
masambit ang mga salitang iyong winika: “Ang aking kabataan ang pinakamabisang sangalang para sa Eukaristiya”
Hinihiling namin sa Iyo, O Katamis-tamisang Panginoon, na ipagsangalang Mo kami ng may
Pananampalatayang katulad ng sa bata upang makapiling Ka namin sa Iyong Makalangit na Kaharian. Ipag-adya Mo
kami sa lahat ng pang-aakit ng demonyo; sa lagim ng kahalayan, karahasan at mga bisyo na makapaghihiwalay sa
amin sa pagtanggap sa Iyo sa Banal na Sakripisyo ng Misa, bigyan Mo rin kami ng katatagan upang ikumpisal sa

pari ang aming mga kasalanan upang Ikaw ay muli naming makatagpo. IKAAPAT NA ARAW:
O San Tarcisio! Nawa ay pamarisan ka namin at sariwain ang aming pakikipagkaibigan sa ating Panginoon,
na matutunan na mamuhay na kasama Siya sa tuwi-tuwina, na sinusunod ang landasin na Kanyang itinuturo sa atin
sa pamamagitan ng Kanyang salita. Sa pagiging saksi ng Kanyang mga Santo at mga Martir na ating naging mga
kapatid sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag.
Ipinagdarasal namin, O Panginoon, na sa pagiging saksi ng pagkamartir at buhay ng Iyong mga santo,
marapatin mong balang araw ay tularan namin sila. Sa pamamagitan ng malalim na pagninilay sa Ebanghelyo; at sa
pagkakaalam na ang Kristong ipinanganak ng mahal na Birheng Maria, nagpakasakit at namatay sa krus, at nabuhay

na mag-uli ay ang Kristo rin na ating tatanggapin sa Banal na Komunyon. IKALIMANG


ARAW:
O San Tarcisio! Sa pamamagitan ng iyong gantimpala bilang martir ng Eukaristiya, pukawin mo ang aming
kamalayan tungkol sa Sakripisyo ng Misa. Na ang bawat maliliit na butil ng tinapay at bawat patak ng alak ay ang
ating Panginoong si Kristo na iyong pinag-alayan ng buhay.
Ipinapanalangin namin, O Panginoon, ang pagbabayad puri sa lahat ng mga hindi karapat-dapat na
tumatanggap ng Iyong Kasantusantusang Katawan at Dugo. Pagkalooban Mo kami, Panginoon, na nagnanais
pamarisan ang kabayanihan ng mumunting si Tarcisio na ikumpisal ang aming mga kasalanan at manatiling nasa
Iyong grasya bago Ka tanggapin sa Banal na Komunyon; sapagkat sa pamamagitan nito ay para Ka na rin naming
ipinagtanggol hindi lamang sa mga nagnanais na Ikaw ay yurakan kundi sa mga hindi marapat naming pagtanggap
sa Iyo sa Banal na Pakikinabang.

IKAANIM NA ARAW:
2
O San Tarcisio! Hinihiling namin sa iyo na ipamagitan mo yaong mga nanlalamig sa kanilang
pananampalataya at doon sa mga nasa labas ng Santa Iglesia. Nawa sa pamamagitan ng iyong pamumuhay at
halimbawa, ay magbagong loob ang mga nasa labas ng Simbahan at patuloy na patatagin ang pananampalataya ng
mga malapit ng mawalan nito.
Pinipintuho namin, O Panginoon, na palambutin mo ang puso ng iyong mga anak na nahiwalay sa tunay na
daan ng kaligtasan at nasa labas ng Iyong simbahan. Katukin Mo rin ang puso ng mga nakakalimot sa kanilang

sinumpaang tungkulin bilang mga Katoliko. IKAPITONG ARAW:


O San Tarcisio! Mahigpit mong hinawakan ng iyong kamay ang Banal na Sakramento sa iyong dibdib
kagaya ng pagdadala ng Mahal na Birheng Maria sa ating panginoon sa kanyang sinapupunan. Hipuin mo kami
upang sambahin si Kristo gaya ng pagsamba na iniukol mo at ni Santa Mariang Birhen noong kayo ay naririto pa sa
lupa.
Panginoon ko at Diyos ko, nawa ay magkaroon kami ng malalim na pakikipagtagpo sa Iyo sa
Kabanalbanalang Sakramento. Marapatin Mong kamtin Ka namin sa aming mga puso habang nakadaupang palad
ang aming mga kamay sa panalangin. Ipahintulot Mo na maging katulad kami ng Iyong Inang Birhen at ni San

Tarcisio na may pagmamahal na sumunod sa Iyo sa wakas ng kanilang buhay sa lupa. IKAWALONG
ARAW:
O San Tarcisio! Na biniyayaang mag-ingat ng makalangit na yaman sa iyong mga abang kamay, na hindi
nakalimot na ” Huwag ibigay sa mga aso ang anumang banal, ni ihagis man ang mga perlas sa harap ng mga baboy”
(Mateo 7:6) at ipagtanggol ang “Banal na Misteryo” ng kanyang buhay, ipanalangin mo ang iyong mga mahihinang
kapatid.Nawa ay masambit namin na : “Mas nanaisin kong mamatay” kaysa ibigay ito (Santissimo Sakramento) sa
kanila (Pagano)”
Nananalangin kami sa Iyo, Panginoon, na biyayaan Mo kami ng grasya upang magkaroon ng malalim na
pagmamahal at pagsamba para sa Banal na Eukaristiya. Sapagkat ito ang Tinapay ng Buhay, ito ay si Jesus mismo
na aming naging kalakasan. Buksan Mo ang aming puso upang malaman ang hindi maihahambing na halaga nito na

magaakay sa amin sa buhay na walang hanggan. IKASIYAM NA ARAW:


O San Tarcisio! Na sa sandali ng iyong pagkamartir, ang Santissimo Sakramento ay hindi natagpuan sa
iyong kamay o sa iyong kasuotan. Bagkus ang Banal na Tinapay na iyong ipinagtanggol sa pamamagitan ng iyong
buhay ay naging laman ng iyong laman, na bumuo kasama ng iyong katawan, ng walang batik na Ostiyang
inihahandog sa Diyos.
Panginoon, habang kami ay naninikluhod sa Iyo sa anyo ng tinapay at alak. Marapatin Mong maalala namin
ang paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, ang aming Panginoon at Diyos, upang tubusin sa sala ang buong
sangkatauhan. Kagaya ng aming Patron, ipagkaloob Mong mamatay kami para sa Iyo at para sa Iyong Simbahan.
Paalalahanan Mo kami sa tuwi-tuwina, O Panginoon, na ang pinakamatinding pagkauhaw, pagkagutom at
pangangailangan ng pagmamahal na kinakailangan ng bawat tao ay matatagpuan lamang sa isang maliit na Ostiya.

3
ANG ROSARYO NG PAGSAMBA AT
Kabanal-banalang PAGBABAYAD PURI
Santisima Trinidad,
Ama, Anak at Espiritu
Santo, sumasamba
kami at iniaalay naming
sa Iyo ang
pinakamamahal na
katawan, dugo,
kaluluwa at ang pagka-
Diyos ng aming
Panginoong Hesukristo
na nasa lahat ng mga
Tabernakulo sa mundo- O Diyos, nananalig kami
bilang pagbabayad puri
sa Iyo, sumasamba kami
sa mga pag-aalipustang
sa Iyo, umaasa kami sa
Siya rin ang nasasaktan.
Sa pamamagitan ng
Iyo at umiibig kami sa
walang hanggang Iyo. Hinihiling namin ang
kabutihan ng kanyang iyong kapatawaran para,
Kamahal-mahalang sa mga hindi nananalig, sa
Puso at sa pamamagitan mga hindi sumasamba, sa
ng Kalinis-linisang mga hindi umaasa, at sa
Puso ni Maria, mga hindi umiibig sa Iyo.
nagmamakaawa (kapalit ng Aba Ginoong Maria)*
kaming tulutan Mong
magbagong-loob ang
mga makasalanan.
(kapalit ng Ama Namin)* LUWALHATI

ABA PO SANTA 3 ABA GINOONG MARIA


MARIANG HARI
*pagtatapos
AMA NAMIN

SUMASAMPALATAYA

4
Espiritwal na Pakikinabang
O Hesus ko, naniniwala ako na ikaw ay tunay na naririyan sa Banal na Sakramento. Minamahal Kita ng
higit sa lahat at ninanais ko na Ikaw ay tanggapin sa aking kaluluwa. Bagama’t sa sandaling ito ay hindi
Kita matatanggap sa paraang sakramental, pumarito ka man lamang sa aking puso sa paraang espiritwal
…. (tumigil) Tinatanggap Kita na Ikaw na naririto at buong puso akong nakikipag-isa sa Iyo. Huwag
mong pahintulutang ako’y mapahiwalay sa Iyo. Amen.

Panalangin sa Paghingi ng Tulong


O Diyos ko, tulungan mo akong makaiisa si Kristo sa Kanyang Sakramento. Maria, ang aking matamis na
Ina, ipanalangin mo ako sa iyong anak na si Hesus. Lahat kayong mga Banal sa kalangitan, ipanalangin
ninyo kami. Aking kinakandiling Anghel na tagatanod, akayin mo ako sa Altar ng Diyos.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

LITANIYA KAY SAN TARCISIO


Panginoon, kaawaan Mo kami. Kristo,
kaawaan Mo kami.
Panginoon, kaawaan Mo kami.
Kristo, pakinggan Mo kami.
Kristo, Pakapakinggan Mo kami.

Diyos Ama sa Langit, kaawaan Mo kami.


Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan, kaawaan Mo kami.
Diyos Espiritu Santo, kaawaan Mo kami.
Santissima Trinidad na Tatlong Persona sa Iisang Diyos, kaawaan Mo kami.

Santa Maria, Reyna ng mga Martir, ipanalangin mo kami.

San Tarcisio, ipanalangin mo Kami.


San Tarcisio, batang martyr ng Eukaristiya, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, patron ng kabataan, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, Modelo ng marubdob na pagmamahal sa Banal na Sakramento, ipanalangin
mo Kami.
San Tarcisio, tagapagtanggol ng “Banal na Misteryo”, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, na ang pagkamartir ay katumbas ng kay San Esteban, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, kaaliwan ng mga tinutuligsang Kristyano, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, kaaliwan ng Simbahang tinutuligsa, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, na inialay ang kanyang kabataan upang maging sanggalang ng Banal na Eukaristiya,
ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, ginigiliw ng Katakumba, ipanalangin mo Kami.

5
San Tarcisio, na nagkamit ng kahindik-hindik na kamatayan kaysa sa ibigay ang Banal na Katawan sa
mga nagngangalit na aso, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, patron ng mga sakristan, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, halimbawa ng kabataan, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, kaparis ng naghihirap na Kristo, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, mapagmahal sa paghihirap ni Kristo, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, itinatangi at dinakila ng mga Santo Papa, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, tagapagtanggol ng Banal na Sakramento sa Altar, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, maningning na hiyas ng Santa Iglesia, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, na ang dugo ay naging punla ng Kristiyanismo, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, templo ng pananampalatayang tulad ng sa bata, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, na piniling mamatay para sa kaligtasan ng mga kaluluwa, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, mumunting martir na nagtanggol sa walang labang Ostiya kapalit ng kanyang
buhay, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, bumuo ng walang batik na Ostiyang inihahandog sa Diyos, ipanalangin mo Kami.
San Tarcisio, matamis na kaibigan ni Kristo, ipanalangin mo Kami. San
Tarcisio, maluwalhating ng tagapamagitan ng Matagumpay na Simbahan,
ipanalangin mo Kami.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Maawa Ka sa amin.


Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Paka-pakinggan Mo kami. Kordero
ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Maawa Ka sa amin.

Ipanalangin mo kami, O Maluwalhating San Tarcisio.


Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong ating Panginoon.

Manalangin Tayo!
O Diyos, na pumili sa batang si Tarcisio upang maging saksi sa katotohanang natatago sa Banal na
Sakramento, hinihiling namin, na sa pamamagitan ng Kanyang halimbawa, ay kami’y mapagindapat na
maging buhay na saksi ng Eukaristiya sa pamamagitan ng pamumuhay na puno ng pag-ibig, ng
pagmamahal sa Diyos, ng buo naming puso, isip, at lakas, at sa pagmamahal sa aming kapwa tulad ng
pagmamahal namin sa aming mga sarili. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, Iisang Diyos, magpasawalang
hanggan. Amen.

Ama Namin.. Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Roman Catholic Archdiocese of Lipa

You might also like