You are on page 1of 1

Ulysses C.

Porte
TCPE 1-2
Komunikasyon

Kabataan sa Responsableng Pagboboto

Magandang umaga/hapon sa inyo mga kapwa ko mag-aaral at lalo na sa ating guro ngayon.

Matagal na nating gusto ang magkaroon ng lider na magiging tagapagligtas at tagapagtanggol ng ating bansa, ang
magtutustos sa kakulangan at pangangailangan ng pamahalaan at mga mamamayan, at ang lulunas sa matagal
nang lumalalang kahirapan. Mahabang panahon na ang lumipas, ngunit mukhang magtitiis pa ang mga “Boss ng
Bayan” sa bunga ng mga palpak at depektibong serbisyo ng mga ilang nagdaang namuno, nagsilbi, at naglingkod
para sa bayan.

Sa paglipas ng mga araw, papalapit nang papalapit na ang pinakahihintay na ‘Halalan 2022,’ ang simula ng
pagbabago ng lumang administrasyon. Syempre, hindi mawawala sa ganitong klaseng aktibidad ang pandaraya,
vote-buying, at iba pa. Ang mga pangunahing tauhan lang naman mga kandidato at mga mamamayan mismo. Hindi
naman natin masisisi ang ilan na mapilitang tangggapin ang mga inaalok na bayad ng isang mayamang kandidato
para lang sila’y iboto. Sila lang naman ang isa sa mga milyun – milyong mahihirap na may matinding
pangangailangan sa katayuang pinanasal.

Kampanya dito, kampanya doon. Mga magagandang mga mensaheng gustong iparating para sila’y maihalal sa
puwesto. Kasabay ng mga nagsusulputang mga flyers, naglalakihang slogans, posters at kung ano pa diyan, lalo na
mga patalastas sa telebisyong kinawiwilihan ng mga manonood. Ganyan sila at gagawin ang lahat sa una. Aasa
nanaman ba ang mga tao sa kanilang mga mabubulaklak na salita? Alam niyo ba, tinawag ni Sen. Sergio Osmeña
na “pinakamahirap na posisyon sa balat ng lupa” ang puwesto ng presidente. Ayon naman kay Sen. Miriam
Santiago, “Tinatayang 20 bilyong piso ang halagang kailangan para sa kampanya ng isang nagnanais na maging
pangulo ng Pilipinas,”. Para lang sa pinag-aagawang posisyon, nagkakasiraan kung minsan at nakagagawa ng
kasalanan ang isa’t isa. Pare – pareho lang tayong nagpapalala ng sitwasyon. Kung tutuusin, hindi na tayo
nakatira sa isang “Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan” kung ito ay pinamumunuan ng mga nilalang na walang
dakilang gawa at marangal na katauhan.

Kung hanggang pangarap lang si Juan dela Cruz, walang mangyayari at pupulutin sa tambakan ang hinaharap ng
ating bayan. Tayo ang “Boss ng Bayan” at nasa ating mga palad nakasalalay ang kinabukasan nitong “Lupang
Hinirang”. Kaya naman. . .

“Sabay nating ipakita ang pagiging makabayan


Parang binabawi natin ang sariling kalayaan
Sana’y bigyan natin ng katuparan ang pagbabago
Sa atin magsisismula, posisyon na tayo gagawa ng plano.”

You might also like