You are on page 1of 220

-----------------------------------------------------------

Simula:

Papalapit pa lang ako ay kita ko na ang ngisi ng aking mga kaibigan sa akin. I
missed them so much, nakakamiss 'yong mga kalokohan namin. Mukha pa lang nila ay
natatawa na ako. Para bang nakakapag-usap kami gamit ang aming mga mata.

Nakangising nilapitan ko sila at nanggigigil na niyakap silang dalawa.

"Namiss ko kayo!" natatawang wika ko.

Kahit pa araw-araw namin kaming nagkakachat ay iba pa rin kapag kasama sila.

"Oo nga! Parang dalawang linggo lang bakasyon natin, ang bilis pero nakakatamad
naman sa bahay," komento ni Lisa saka kami sabay-sabay na naglakad papasok sa
university namin.

"I watched anime the whole two weeks," natatawang kwento naman ni Alice. Well,
that's not new.

Sila ang mga naging kaibigan ko rito sa school, nasa third year college na kami.
Last sem na bago kami tumuntong ng impyerno---este fourth year. Transferee lang ako
rito last sem pero nakasundo ko na sila kaagad.

Siguro tama nga sila, na kung ano ang barkada mo ay gano'n ka rin? Well, I can say
that we are crazy.

"How about you Sascha?" baling sa akin ni Lisa kumapit pa siya sa kanan kong braso
habang patuloy kami sa paglalakad.

Ngumuso ako habang nililibot ang paningin sa mga kasabay namin naglalakad sa
quadrangle.

"Nothing, natulog lang ata ako buong bakasyon. Pakiramdam ko pagod pa rin ako kahit
kakagising ko lang," humalakhak ako.

Nagtuloy-tuloy pa rin ang kwentuhan namin hanggang makarating kami sa room namin sa
second floor ng education department.

Room 202.

Nagbatian lang kami at iba kong kaklase, pamilyar na sa akin ang mukha nila kasi
sila pa rin naman ang kaklase ko last sem.

Wala pa kaming sitting arrangement kaya naman sa dating gawi dumeretsyo kami ng
kaibigan ko sa dulo kung nasaan si Kevin. My gay friend. Actually apat kami, ako,
si Alice, Lisa at Kevin.

Ang bakla ay histerikal na bumeso pa sa amin.

"Mga baks! Namiss ko kayo!" tili niya.

Natawa kami bago umupo. Lima ang upuan sa isang line kaya may sobrang isa sa gilid
ko sa kaliwa, nasa kanan ko si Lisa kasunod si Alice at Kevin.
Ang ingay sa room namin, para bang isang taon namin hindi nakita ang isa't isa.
Kahit na halos wala pang dalawang linggo iyon dahil nagpapirma pa kami ng
clearance. Yung bakasyon namin ay nakain ng pagpapa-enroll.

Nang dumating ang unang prof namin ay katulad noong nakaraan sem. Pinakuha kami ng
index card at nagpakilala kahit pa alam na namin ang isa't-isa dahil nga bago ang
teacher namin.

Nasa kalagitnaan kami ng klase ay may kumatok sa bahagyang nakasarang pinto kaya
naman lahat kami ay sabay-sabay na napalingon doon.

"Good morning, miss." Kaagad akong siniko ni Lisa kaya bahagya akong sumilip sa
dumating.

Rinig ko ang bulungan ng iba kong kaklase. Over acting naman na napasinghap si
Kevin kaya natawa ako.

"Gagi!" natatawang wika ko kaagad ko rin naitikom ang bibig ko dahil napatingin ang
professor namin sa akin pati ang lalaking bagong dating.

Nakakahiya!

"Yes?" patanong na wika ni Miss.

"I'm sorry for being late Miss, I belong to this class," seryoso ang mukha ng
lalaki.

Alright, matangkad siya at bahagyang nakataas ang buhok. Malinis tingnan, hindi pa
kami naka-uniform kaya nakasuot siya ng itim na shirt at jeans.

"Why are you late? Hindi mo ba alam oras ng klase niyo?" medyo masungit na tanong
ng prof namin.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

"I'm a transferee student. I had a hard time to find the education department
building. I'm sorry."

Tumango naman si Miss bago tinuro ang loob ng classroom. "Okay, don't be late next
time. Before you sit kindly introduce yourself."

Tumango ang lalaki, napanguso ako dahil natatawa ako sa mga kaklase ko na tuwang-
tuwa makakita ng bagong mukha.

"Good morning, I'm Daryl. I'm 19. Nice to meet you."

"That's it?"

"Yes."

"Alright, find your seat."

Nakita ko inilibot niya ang paningin sa buong klase bago ito huminto sa katabing
bakanteng upuan ko. Kaagad akong siniko ni Lisa nang maglakad ang lalaki papunta sa
amin.

"Palit tayo! Palit tayo!" gigil na wika ni Lisa, si Alice naman ay inayos pa ang
suot na salamin. Napalingon ako kay Kevin naabutan ko siyang nakatingin sa pantalon
no'ng Daryl kaya wala sa sariling napatingin din ako doon.
Sakto naman huminto sa tapat namin si Daryl para mag-excuse at dumaan dahil nasa
tabi ng pader ang bakanteng upuan.

Naabutan niya akong nakatingin sa gitnang pantalon niya kaya nag-iwas tingin ako.

Oh my! Nakakahiya leche!

"Excuse me." kunot ang kaniyang noo.

"Oh sure! Sure! Oh excuse raw sabi ni pogi mga bakla!" malanding usal ni Kevin.

Hindi na ako ulit tumingin sa kaniya ng dumaan siya sa harapan ko at naupo sa akin
tabi. Nagtuloy-tuloy ang aming klase.

Nagkaruon kami ng kinse minutos na break bago ang sunod namin na klase.

"Ano sunod natin subject?" tanong ni Alice.

"ENG09 tayo, Mythology and Folklore," sagot ni Kevin.

Bahagya akong yumukod sa lamesa ni Lisa para kausapin sila, "Sino teacher?"

"T.D lang nakalagay e."

Nagkibit balikat ako.

Umayos ako ng upo, bahagya ko sinulyapan si Daryl sa tabi ko na naka-earphone at


nakapikit.

May sariling mundo?

Nawala ang pag-iisip ko doon ng nagsi-pasukan ang mga kaklase kong nakatambay sa
labas. Nagsi-ayos sila ng upo kaya tumuwid din ako.

Nagbulungan ang ilan sa babaeng kaklase ko ng pumasok ang isang lalaki na nakasuot
ng puting long sleeves na nakatupi hanggang siko.

He had tousled dark brown hair, which was thick and lustrous. His eyes were a
mesmerising deep brown black. He had prominent cheekbones and a well-defined chin
and nose.

"Good morning, class," His voice was deep, with a serious tone.

Seryoso ang kaniyang mata.

Napatulos ako sa kinakaupuan ko. Narinig ko mahinang pagsinghap ng mga kaibigan ko


dahil sa lalaking nasa harapan namin.

"Goooood morniiiiiiing Siiiiiiir!" mahabang bati ng mga kaklase ko habang hindi ko


nagawang ibukas ang bibig ko.

"Ang gwapo!" bulong ni Kevin.

Pakiramdam ko ay anumang oras ay hihimatayin siya. Oh okay, that's exaggeration.

Nanuyo ang lalanunan ko ng ilibot niya ang kaniyang paningin sa buong klase. Nang
magtama ang aming mata ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha.
Hindi ko naman alam kung anong itsura ko. Mukha ata akong espasol na patatas.

Bakit siya nandito? He should be on Quezon now! Oh God!

"Call me Sir Travis. I'm your professor for Mythology and Folklore. Kindly get one
half index card. Write your full name, where part of earth did you came from, your
phone number and your guardian number incase you are kidnap or run away with your
lover," matigas na usal niya.

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. Dapat ba kaming tumawa?

Talaga naman nakakaintimida lalo na't iniikot niya ang kaniyang mata sa amin habang
nagsasalita.

Nagmamadali ang mga kaklase ko kumuha ng index card. Nanginginig naman ang aking
kamay na kumuha rin, bahagya pa akong napaigtad ng kalabitin ako ni Daryl.

Napalingon ako sa kaniya, bahagya siyang naka-dungaw sa akin. "Can I borrow one
index card?" tanong niya at nag-iwas tingin. Nahihiya ba siya?

Napakurap-kurap ako, "A-Ahm sure..." inabutan ko siya ng dalawa kung sakaling


magkamali siya.

Paglingon ko sa harap ay nakatingin sa gawi namin ang professor namin!

Nang maipasa ang card ay isa-isa niya iyon binasa para bang tinatandaan niya ang
mukha namin.

"Lisa Montero," tawag niya kay Lisa na katabi ko.

"Sir! It's me!" nakangiting wika ni Lisa na nagtaas ng kamay.

Kinabahan ako dahil ako ang kasunod ng papel na iyon.

"Sascha Gayle De Vega." Nanuyo ang lalamunan ko, kumalabog ang dibdib kong flat.

Siniko ako ni Lisa dahil hindi ako nagtaas ng kamay. "De Vega." madiin ulit niya sa
apelido ko.

Kinagat ko ang ibabang labi bago itinaas ang kanan kong kamay ko.

"S-Sir."

Nakita ko tinitigan niya ako bago pinagkrus ang sariling braso sa dibdib. "Are you
not proud of your surname De Vega?" He asked with a serious tone.

Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko ang paglipat-lipat ng mata ng mga kaklase ko sa


amin.

"A-Ahm... H-Hindi po sa gano'n S-Sir," sagot ko.

Tumango siya kita ko na bahagya tumaas ang sulok ng kaniyang labi bago magtuloy sa
pagtawag ng pangalan.

Bumagsak ang mata ko sa arm rest ng aking upuan.

What should I do now?

My husband, Travis Klaus De Vega is my professor. Oh God!


***-----------------------------------------------------------

Kabanata 1:

MABILIS akong pumasok sa bahay, kaagad salubong ang kilay ko ng maabutan ko si


Travis sa sala na nakaupo sa sofa habang may binabasang libro na kulay itim. He's
wearing a dark blue sweat short and a plain white shirt.

Hindi ko maiwasan mapansin na mas gumanda ang katawan niya kumpara noong huli ko
siyang makita. May panahon pa talaga siyang mag gym huh?

Mas nauna siyang umuwi sa akin, may pasok pa ako hanggang ala-sais at hindi ko alam
kung ano oras siya nag-out.

Kanina sa klase niya ay hindi na ulit ako tumingin sa kaniya dahil nagulat pa rin
ako sa pagdating niya. I didn't see him for what? Four months?

"Why are you here?" bungad ko sa kaniya ni hindi ko pa binababa ang bag ko, huminto
ako sa tapat niya ngunit malayo sa kaniya.

Hindi niya man lang ako nilingon, inilipat niya ang pahina ng libro. Oh gosh, I
wanna punch him straight to his face. Nakakairita!

"As far as I remember this is my house," He pointed out.

Naupo ako sa katapat na sofa niya. Bahagya pa akong napalingon kay Manang na
papalabas sana ng kusina pero ng makita kami ay dali-daling bumalik.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na magiging teacher kita?!" inis na tanong ko sa


kaniya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

"Tinanong mo ba?" tanong niya.

"Magkausap tayo sa phone noong nakaraan, bakit hindi mo binanggit?" tanong ko.

Sigurado akong alam niyang doon ako nag-aaral. Alam niya ang course ko! Hindi ba
niya alam na nakakailang na asawa mo ang teacher mo! Ni hindi ko nga siya matawag
na Sir kanina.

"It wasn't a big deal, really." humalukipkip siya.

Big deal iyon! Gusto ko isigaw sa mukha niya pero itinikom ko lang ang bibig ko.

"Kahit na, dapat ay sinabi mo man lang sa akin para hindi ako mukhang tuod kanina
doon."

"Why are you so mad?" ibinaba niya ng libro.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako, dahil hindi niya sinabi na uuwi siya o dahil
araw-araw ko siyang makikita sa school? Pareho.

Bumuntong-hininga ako.

"So we will see each other everyday," hindi ko na makilala ang tono ko. Hindi ko
alam kung dapat ba ako matuwa o ano.

"Yea, we'll see each other." sinabi niya iyon na para bang wala lang sa kaniya.

Sumandal siya sa sofa at pinaglaruan ang ibabang labi gamit ang daliri na para bang
hinihintay pa ang sasabihin ko. Ni hindi ako makatitig sa kaniya pabalik dahil
nakakaintimida talaga siya.

"Magbihis lang," pagsuko ko. Ayoko na magtanong pa sigurado naman wala ako makukuha
matinong sagot sa lalaking 'to. Saka ayoko rin humarap sa kaniya ng matagal.

Hindi lang talaga ako sanay.

Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. "Manang pahain na po! Magbibihis lang po ako
tapos kain na tayo!" sigaw ko bago pumanhik, ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya
pero hindi na ako lumingon pa.

Sa totoo lang ay hindi naman kami madalas mag-away talaga, hindi pa kami
nagkakaruon ng malaking pagtatalo. Nagkakausap kami sa cellphone, normal lang na
usapan. Tatawag siya tuwing may bayarin dito sa bahay. Kung may kailangan
asikasuhin at kung tungkol sa family namin, doon lang kami nag-uusap.

We are in an arrange marriage.

Tatlong buwan pagkatapos kong mag eighteen ay ipinakasal ako sa kaniya. It's a
family thing, pinagkasundo kami. Family friend ang magulang namin pati mga
grandparents.

Dalawang beses lang ata kami nagkita noon bago magpakasal. Una ay family dinner at
ang sunod ay engagement party na kasama ang piling kamag-anak.

Of course, tumutol ako noon una. Pero napilit din ako ni Daddy. Mahabang
paliwanagan iyon at pagpilit sa akin hanggang pumayag na lang ako dahil ginamitan
ako ni daddy ng salitang 'utang na loob'. I can't disappoint him and mom.
Nakakatawa lang isipin na akala ko'y hindi ito nangyayari sa panahon ngayon pero
nagkamali ako.

Biktima rin kami ng loveless marriage.

Sigurado naman akong pinilit lang din si Travis ng pamilya niya. He's handsome,
alright and I know he's a proffesor. Iyong ang kwento sa akin, nakakatawa lang kasi
asawa ko pero wala akong masyadong alam.

Nang honeymoon namin ay tatlong araw lang kami sa Italy tapos bumalik na kami sa
Pilipinas. Namasyal lang talaga kami doon, normal lang ang pag-uusap namin kumbaga
kaswal lang kami sa harap ng isa't-isa. Masungit siya pero hindi naman siya masama
sa akin. Hindi kami close pero hindi rin kami inis sa isa't-isa.

Pagbalik namin dito sa bansa ay sa bahay na niya ako tumuloy habang siya ay pumunta
sa Quezon kasi doon siya nagtuturo noon. Umuuwi lang siya kada linggo gano'n
hanggang sa hindi na siya umuuwi dahil nakakapagod daw bumiyahe ng malayo tapos
kapag nandito naman siya ay natutulog lang din naman siya.

Wala naman ako problema doon. Mas mabuti ngang wala siya dahil mas kampante ako
gumalaw sa bahay. Kapag nandyan kasi siya ay halos umiwas ako dahil kung hindi siya
nasa sala at nagbabansa or nanunuod ay nasa kwarto namin siya.

Mag pipitong buwan pa lang kaming kasal at aaminin ko malayo pa rin talaga ang loob
namin sa isa't-isa kumbaga kasal lang kami sa papel.
Nang matapos ako magbihis ay bumaba na ako, naabutan ko si Travis na nagbabasa pa
rin. Tsk! Ikakatalino niya pa ba 'yan? Baka pumutok na ulo nyan.

"Kain na," mabilis kong usal bago nagpati-unang pumunta sa kusina.

Ngumiti si Manang ng makita ako, ang totoo niyan ay siya ang nag-aalaga talaga kay
Travis noon bata pa raw ito. Siya lang ang kasama ko rito habang wala ang magaling
kong asawa kaya naman naging close na rin ako sa kaniya.

"Manang kain na po tayo."

Sakto naman pumasok sa kusina si Travis. Nilagyan ko ng pagkain ang pinggan ko,
bago ako sandali nagpray at nagsimulang kumain.

Hindi ako lumingon kay Travis, kung kaya niyang hindi naman ako kausap ay kaya ko
rin! Ha! Akala mo naman napaka gwapo!

"Nako, iha! Dahan-dahan ka naman sa pagkain," puna ni Manang.

Nahihiyang uminom ako ng tubig. Sa sobrang inis ko napapadami pala ang pagnguya ko.

Napalingon ako kay Travis na tahimik na kumakain. Ang arte! Nakatinidor pa siya.

"Nagugutom na talaga ko Manang, sobrang pagod sa school kanina," I lied.

Hindi naman talaga sobrang pagod. Gusto ko lang may maidahilan.

"You didn't even do your activity."

Halos matapon ko ang kanin sa kutsara ko ng magsalita si Travis.

Nagkatinginan kami ni Manang.

"G-Gumawa ako, hindi lang talaga ako natapos. Sino ba naman kasing matinong teacher
na magpapa-activity unang araw ng klase?" dere-deretsyong usal ko.

Tumigil siya sa pagsubo at uminom ng tubig. "What do you expect me to do then?"


taas kilay na tanong niya.

Ngumiwi ako, "Pwede ka naman makipagkwen--"

Tumawa siya mahina na para bang may sinabi akong katangahan, "Kwentuhan?"
pagpapatuloy niya sa sinabi ko. "Where are we? An open forum? A field trip?"
sarkastikong tanong niya.

Naitikom ko ang bibig ko, tumikhim naman si Manang. "Grabe ang sarap ng menudo,"
ani Manang.

Alam ko nililigaw niya ang namumuong sagutan namin ni Travis. Hindi ko ba alam,
maliit lang na bagay pero nagsisimula na kami sa pagtatalo.

Parang away bata.

"I'm done. Thanks for the food Manang, matulog na po kayo kaagad." Tumayo kaagad si
Travis at umalis.

Ngumuso ako kay Manang.


Lumipas ang ilang minuto, "Naiilang po ako sa kaniya Manang parang hindi na ata
kami magkakasundo, bawat opinyon ko ay may sagot siya na salungat sa akin."
Napabuntong-hininga ako.

"Ganyan talaga si Travis iha. Masasanay ka rin, hindi lang talaga siya vocal pero
mabait naman iyon. Lahat naman ng tao may iba't-ibang pananaw. Saka nag-a-adjust pa
lang kayo bilang mag-asawa." Tumango-tango pa siya habang sinasabi iyon.

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko, tumulong ako kay Manang sa paghuhugas pero ayaw
niya kaya naman umakyat na lang ako sa kwarto para makapagpahinga na.

Nadaanan ko pa si Travis sala habang nakatutok ang mata sa flatscreen tv. Napangiwi
ako dahil may kausap siya sa kaniyang cellphone.

Sino naman kaya kausap nito? Hmm.

Hindi ko na siya pinansin, naglinis ako ng katawan sa banyo saka ako lumabas habang
sinusuklay ko ang buhok ko ay sakto naman bumukas ang pinto.

Napalingon ako kay Travis.

Inilapag niya ang libro sa lamesa sa gilid ng kama namin. Tsh! Ang hirap ng ganito
para kaming anino lang sa isa't-isa. Ayoko naman lagi ako ang kakausap sa kaniya.

"Mom called me." Nilingon ko siya sa repleksyon sa salamin.

"Anong sabi? Bibisita ba sila?"

Umupo siya sa kama namin. "They want us to visit them this weekend."

Tumango ako, wala naman akong choice 'di ba?

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang dahan-dahan humiga at dumapa sa kama namin.


Oh, are you tired Sir?

Kahit maayos naman na ang buhok ko ay suklay lang ako nang suklay ayoko humiga ng
dilat pa siya. That's awkward.

Parang gusto ko na lang tumabi kay Manang.

Nang mapansin kong hindi na siya gumagalaw ay dahan-dahan ako nahiga sa tabi niya.
Malaki ang kama namin kaya may pagitan kami.

Tumalikod ako sa kaniya para mas makatulog kaagad, mahirap dahil hindi ako sanay na
may katabi matulog pero pinilit ko hanggang antukin ako.

Ang weird lang ng panaginip ko.

May yumakap daw sa akin at may humalik sa buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam no'n
parang totoo.

**-----------------------------------------------------------

Kabanata 2:

Halos takbuhin ko ang papasok sa school. Nang magising ako ay wala na si Travis!
Hindi ako ginising ni Manang dahil umaalis siya tuwing umaga para mamalengke. Leche
tuloy dahil late ako.

Kahit man lang ba isang yugyog lang sa akin tutal papasok din naman siya e. Badtrip
talaga ang lalaking 'yon.

Paakyat na sana ako sa floor namin ng magkasalubong kami ni Daryl na pababa naman.
Nakapamulsa siya, bahagya ko lang siya ngitian at lalagpasan na sana ng magsalita
siya.

"Gymnasium."

Binalingan ko siya, mukhang nakita niyang hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Nasa gymnasium silang lahat may program daw for first year students," paliwanag
niya.

Napatango ako, kaya pala walang mga tao masyado.

"Gano'n ba?"

Tumango siya't naglakad na pababa kaya naman sumabay na ako sa kaniya. Ilang
sandali kami tahimik na naglalakad may mga ilang istudyante rin kami nakakasabay
papunta sa gymnasium.

"Na-late ka rin?" pambasag ko sa katahimikan. Hindi kasi talaga ako sanay ng ganito
tahimik, nasanay siguro ako kila Kevin na hindi nauubusan ng kuda kapag kasama ako.

Bahagya niya akong nilingon bago umiling.

"Maaga ako, nakatulog ako sa isang vacant room. Pag gising ko walang tao sa room
natin, so I asked one student. Nasa gymnasium daw mga student."

Natawa ako sa kaniya. "Ganyan ka noh?" natatawang usal ko.

"Ganito? Anong ganyan?"

"Yung ang seryoso mo kausap. Parang hindi ka ngumingiti."

Lumingon ako sa paa ko habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan mapangiti dahil
naisip ko si Travis. His serious face. His eyebrows. Yung pagkasuplado niya.

Most of the girls fell for serious man, but not me. Parang mas gusto ko 'yong mga
joker kasama. Ayoko 'yong masungit.

"Hindi naman, ang awkward lang na nakangiti ako lagi. Someone told me I look a
pervert man when I am smiling."

Natawa ako lalo kasi naimagine ko ang sinabi niya. Hindi naman pala siya masungit.
Oh, well...

"Siguro depende sa sitwasyon, kung nakatitig ka sa babae tapos nakangisi ka para


ngang bastos," kumento ko.

Nakangiting tumango siya.

First time ko siyang nakitang ngumiti kaya napatitig ako roon. Si Travis kaya
kailan ko makikita ngumiti sa akin?
"Students are not allowed here."

Halos mapatalon ako ng may nagsalita sa gilid namin kaya parehas kaming napatigil
ni Daryl sa paglalakad at napabaling sa nagsalita.

Mas lumapit siya sa amin, matangkad si Daryl pero mas matangkad si Travis. Maybe
because of the age. Daryl, I think he's on same age like me, while Travis he will
turn twenty five this year. Next month.

Mag na-nineteen pa lang ako.

"Sir." bati ni Daryl kay Travis.

Nakapamulsa ito na kakalabas lang sa faculty.

"You two should be at gymnasuim," malamig na wika niya na kay Daryl ang tingin.

Kinabahan ako.

Hindi ko alam, dahil nakita niya ako kasama si Daryl?

"Yes sir, papunta na po kami doon," sagot ni Daryl sabay turo sa akin.

Tumikhim ako, "Una na po kami Sir." mas diniinan ko talaga ang huling salita.

Nakita ko bahagyang pagtaas ng kilay niya. Tumango siya at hinayaan kami umalis,
napabuga ako ng hangin ng makaliko kami ni Daryl.

"Parang galit siya," komento niya na iiling-iling.

"Paano mo naman nasabi?" kunwaring tanong ko.

Nakikita ko na ang Gymnasium. Rinig na rin ang ingay.

"I don't know. Pakiramdam ko 'yong tingin niya para bang may nagawa tayong mali?
Dahil late tayo? Weird." natawa pa siya sa konklusyon niya.

Gusto ko rin matawa pero hindi ko magawa.

Papasok na sana kami sa loob ng gymnasium ay lumingon ako sa likod namin gano'n na
lang ang gulat ko ng makita si Travis na nandoon sa likod namin pero malayo sa
amin.

Sumunod pala siya?

Umiwas ako ng tingin. Kaagad kong inilibot ang paningin ko sa madaming tao at
nahagip ko si Alice na nagtama ang paningin namin. Kaagad niyang kinalibit si Kevin
at Alice sa tabi niya na sabay lumingon sa entrance. Kumaway sila, alam kong
pinapapunta nila ako doon.

"Tara doon tayo!" yaya ko kay Daryl.

Ayoko naman iwan siya rito, wala pa naman siyang kakilala saka kasama namin doon
mga kaklase namin.

Sumunod siya. Hindi naman nakalagpas sa mata ko ang mga mapanuksong tingin ng mga
chismosang kaklase ko, ang ngisi ni Kevin sa akin ay abot tainga.

"Taray, may sunduan na naganap na ba?" tanong ni Lisa pagkaupo ko. Si Alice naman
ay tinaasan ako ng kilay.

Napailing ako, umupo naman si Daryl sa tabi ko. Alright, back to normal.

Nagsisimula na ang program. Apura ang kuda ni Kevin panay ang turo niya sa mga
gwapo raw na nahahagip ng kaniyang mata. Si Lisa naman ay panay ang sipat sa crush
niyang nasa HRM. Hayon si Alice na may sarili atang mundo na kahit may program ay
naka-earphone at nanunuod ng anime.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong gymnasuim. Halos hindi ko na maintindihan ang


sinasabi ng nasa harap sa stage.

Napataas ng kilay ko ng makita si Travis sa tabi ng mga teacher sa may unahang


parte sa ibaba, dahil nasa bandang itaas kami.

Mas lalong napataas ang kilay ko ng makita iyong isang teacher sa psychology na
katabi niya. Si Mam Bea.

May sinasabi ito kay Travis tapos ay tatawa.

"Lah, tingnan mo si Mam Bea at Sir Travis, ang sweet," rinig kong usal ng nasa
tagiliran namin.

Saan ang sweet dyan? Leche.

"Bagay na bagay parehas teacher," komento ng isa.

Duh, I will become a teacher too! Isang taong na lang graduate na ako.

Eh bakit ba kinukumpara ko sarili ko? Ano bang paki ko?!

"Uy sis, tingnan mo si Mam Bea, inaagaw si Fafa Travis ko," bulong ni Kevin sa
akin.

Sinamaan ko siya ng tingin na hindi naman siya napansin dahil sa harap siya
nakatingin. Nagpapantig ang tainga ko. Bakit ba puro Travis? Nakakaimbyerna!

"Hey," napalingon ako kay Daryl.

"What?"

"You okay?"

"I-I am... W-What?"

"Are you okay? Ang talim ng tingin mo e."

Napakurap-kurap ako. Hindi ko rin namalayan iyon.

"A-Ah yes. I'm fine."

Hindi na ulit siya nagtanong. Hindi na rin ulit ako lumingon sa gawi nila Travis.
Tsk!

Hinawakan ko ang kwintas ko kung nasaan ang singsing ko ang pendant. Hindi ko kasi
pwedeng suotin, hindi ko alam. Ayoko lang malaman ng iba na kasal na ako. Sigurado
akong maraming tanong ang mga tao ayoko lang humaba ang usapan.

Naalala ko pa noong kinasal ako, parang normal na dumalo ako sa isang event.
Pagkatapos no'n back to normal na ulit. Kaya rin siguro hindi ko masyado feel na
may asawa na ako.

Winelcome ang mga freshman saka ang mga bagong teacher. Nang ipakilala si Travis ay
kinabahan ako dahil buong pangalan niya ang sinabi.

Kasunod ng malakas na sigawan.

Deretsyo lang ang tingin ko, wala naman nakapansin noh? Syempre, pwede naman
magkamuka lang ng apelido. Madami nga akong kaklase na Cruz ang apelido.

"De Vega ka rin 'di ba?" halos mapatalon ako ng magsalita si Daryl.

Tumango ako at hindi siya nilingon.

Hindi na siya nagtanong ulit kaya medyo kumalma ako.

Nasa stage si Travis katabi ng ibang teacher habang nagsasalita ang president ng
school.

Hindi ko alam kung imahenasyon ko lang o talagang nakatingin sa gawi namin si


Travis.

"Ang gwapo ni Sir oh, kaso parang laging galit," komento ng nasa itaas ko.

Naitikom ko ang bibig ko. Why are you looking Sir?

Nang matapos ang program ay alas diyes na at vacant namin kaya naisipan namin na
tumambay muna sa field. Tinatamad pa kaming umakyat sa room namin.

"Anong oras next subject natin?" tanong ni Lisa.

"Ala-una pa," sagot ni Alice at sumulyap kay Daryl.

"Daryl saan ka galing school?" tanong ni Kevin.

Nakaupo kami sa isang bench. Katapat ko si Daryl katabi niya si Kevin at Lisa.
Magkatabi naman kami ni Alice.

"Ateneo De Davao University," sagot ni Daryl.

"Woah, tiga Davao ka pala? Paano ka nakapadpad rito sa Pampanga?" buong kuryosidad
na tanong ni Lisa.

"Separated ang parents ko, tiga Davao ang daddy ko dito naman ang mommy ko, my dad
passed away last year. So my mom asked me to stay with her," mahabang paliwanag
niya.

Nalungkot naman ako.

"Hala, sorry natanong namin," ani Kevin.

Tipid na ngumiti si Daryl, "Ayos lang," tapos nilibot ang tingin sa amin "So kayo
magkakaklase na simula no'n?"

"Kaming tatlo, oo. Si Sascha transferee lang din last sem," sabi ni Kevin sabay
turo sa akin.

Nakita ko ang paglipat-lipat ng tingin sa amin ni Alice. Minsan nakakailang din


siya kung hindi ka sanay sa kaniya.

"Bakit ka nga ba nagtransfer dito Sascha?" tanong ni Lisa at pumalumbaba.

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago sumagot, "H-Hmm, lumapit kasi ako ng bahay dito
sa P-Pampanga," totoo naman iyon.

Magtatanong pa sana si Lisa pero tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko iyon tiningnan
at kaagad kumunot ang noo ko ng makitang si Travis iyon.

"H-Hello?" sagot ko.

"Where are you?"

Nakakailang dahil lahat sila ay nakamasid sa akin. "N-Nasa field," sagot ko. Tumaas
ang kilay ni Kevin at bumulong ng sino 'yan.

"Come here at my office," halos manlaki ang mata ko.

"W-Why?"

"Just come." pinatay niya ang tawag.

Ang mga kaibigan ko ay naghihintay ng sasabihin ko, tumayo na ako. "Aalis muna ako,
una na kayo sa room."

"Saan ka pupunta?" usisa ni Alice.

"May kakausapin lang ako."

"Sama na kami."

"Ha? Hindi na sandali lang ako," mabilis na usal ko.

Naglakad na ako palayo, ramdam ko ang pagsunod ng tingin nila. Shit!

Mabilis ang lakad ko papuntang faculty. Napangiwi pa ako ng makita si Travis na


nakatayo sa gilid.

Nang tumigil ako malapit sa kaniya ay luminga-linga muna ako. Wala naman tao,
mabuti naman.

Imbes na pumasok sa faculty ay umakyat kami sa hagdanan. Kunot noo akong sumunod sa
kaniya.

"Saan ba office mo?" mahinang tanong ko.

Ang buong isang building kasi na tatlong palapag ay faculty ng mga teacher. Iba't-
ibang department. Siguro ay sa second floor ang office niya.

Tama ako, kasi binuksan niya ng isang pinto sa dulo.

Kinakabahan ako, baka kasi may makakita sa amin.

Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang isang table, nandoon ang mga gamit niya.
Hindi kalakihan pero sapat na sa isang teacher ang office.

"Bakit mo ako pinapunta?" tanong ko ng isara niya ang pinto.


Hindi ako umupo. Siya naman ay dumeretsyo sa swivel chair niya bago ibinagsak ang
ulo sa sandalan.

Tumaas ang kilay ko.

"I'm hungry," wika niya.

Lalo nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ka ba kumain bago ka umalis?" umingos ako
hindi siya sumagot. "Teka bababa ako bibili kita ng pagkain."

"No, I already bought." Sabay turo niya sa isang maliit na lamesa sa gilid. Doon ko
napansin ang mga styrofoam na may laman sigurong pagkain.

"Oh may pagkain ka na pala, kumain ka--"

"Let's eat."

Napatigagal ako sa sinabi niya, "Huh? Bakit? Bakit ako?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Maybe because you're my wife," sarkastikong usal niya.

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 3:

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman, ang kabahan o matuwa? Kabahan
dahil baka may dumating at makita ang isang istudyante sa office ng lalaking guro o
ang matuwa dahil mukhang sinapian itong asawa ko.

Inaayos ko ang binili niyang pagkain mula sa isang kilalang fastfood. Nasa swivel
chair pa rin siya at nakahalukipkip na pinapanuod ako.

"You look so thin," napalingon ako sa kaniya.

"Huh?"

"Ang payat mo pala," komento niya.

Kumunot ang noo ko at bumaba ang tingin ko sa aking katawan. Hindi naman ako gano'n
kapayat, kumpara kay Lisa ay mas may laman ako.

"Hindi naman, talagang payat lang ang lahi namin," nakanguso ako habang inaayos ang
ulam namin.

Nagulat pa ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko. Animong sinusukat niya iyon gamit
ang daliri niya. Kinilabutan ako dahil doon, mainit ang palad niya.

"Look, sakop na sakop ko ang pulso mo," aniya at pinakita sa akin ang pulso ko.

Pasimple kong inagaw iyon sa kaniya, "Hindi ako payat, mahaba lang ang daliri mo
kaya sakop ang pulso ko," pagdadahilan ko.

Ang yabang niya! Porket maganda ang katawan niya ay nilalait na niya ang katawan
ko! Tsk. Alright, hindi gano'n kaganda ang katawan ko. Straight lang, mag nineteen
pa lang naman ako, may pag-asa pa ako.
"You need to eat more," bulong niya.

Siya ang naglagay ng kanin sa pinggan ko. Naninibago ako talaga sa kaniya. Sinabi
ko na hindi naman kami magkaaway pero hindi rin kami close kaya naninibago ako.

"Tama na ang dami," sabi ko sabay tingin sa pinggan ko.

"Ubusin mo 'yan."

Inirapan ko siya ng palihim bago kami nagsimula kumain. Naging tahimik kami habang
kumakain. Nang matapos kami ay tinapon niya ng lalagyan sa may basurahan sa gilid,
ako naman ay nag-ayos ng mukha ko.

Tumingin ko sa orasan sa cellphone ko, alas dose trenta na.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nahuli ko siyang nakatingin sa cellphone


ko.

"Who are you texting?" kalmadong tanong niya.

Ibinulsa ko ang cellphone ko, "I just checked the time, Sir." pagbibiro ko.

Napangiwi naman siya, bago maglahad ng kamay sa akin. "Can I see your schedule?"

"Bakit?"

"Para alam ko kung kailan ka nasa school, baka mamaya gumagala ka e sayang
pinapabaon ko sa'yo," mayabang na aniya. Ginalaw pa niya ang kamay niya animong
sinasabi naghihintay siya. Gusto ko siyang kutusan. Simula kasi ng maging mag-asawa
kami siya na sumasagot ng lahat. Pag-aaral ko, baon ko at kung ano pa.

Medyo nainis ako sa sinabi niya pero siguro ay gusto niya lang makasigurado hindi
masasayang ang kaniyang pera.

Kunot-noong kinuha ko sa bag ko ang schedule ko at iniabot sa kaniya. Mabilis


niyang inilabas ang kaniyang phone at pinicturan iyon bago ibalik sa akin.

Hindi ko maiwasan mapatitig sa kamay at braso niya. Naka puting long sleeve siya na
nakatupi hanggang siko. Damn!

Napakurap-kurap ako ng seryoso niyang binasa sa phone niya ang sched ko. "So wala
kang pasok tuwing friday. Vacant mo sa second subject mo tuwing tuesday at three pm
ay uwian niyo na tuwing thursday."

Parang sinasabi niya iyon sa sarili niya, para bang sinasabi niya iyon para
matandaan niya.

Nasa gano'n kaming sitwasyon ng may kumatok sa pintuan niya. Gano'n na lang ang
panlalaki ng mata ko. Siya naman ay kalmadong lumingon doon kahit pa nakasara.

Nataranta ako! Oh my god!

Napatayo ako.

Shit! Walang pagtataguan, wala siyang sariling banyo sa office niya! Saan ako
magtatago. Pumunta ako sa bintana, mataas at may rehas hindi ako makakatalon.

"Hey cha, what are you doing?" nanlaki ang mata ko dahil hindi man lang niya
hininaan ang boses niya.

"Ssh." sinenyasan ko siya na huwag maingay mas lumakas ang katok.

"Sir Travis? Sir?" boses iyon ni Mam Bea.

Ang lakas ng kabog ng puso ko, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi pa
ako ready ipaalam sa buong school. Siguradong malaking issue iyon.

Lumapit ako kay Travis na kalmado lang naka-upo, "H-Hindi niya ako pwedeng makita,"
bulong ko.

Tumaas ang kilay niya. "Why?"

"Anong why?! Teacher ka, lalaking teacher tapos istudyante ako." gusto kong ma-gets
niya ang point ko.

Napailing siya, "So you want to hide?" tanong niya.

"Sir Travis?! Bubuksan ko na ang pinto ha?"

Nanlaki ang mata ko. Kaagad akong yumuko at pumasok sa ilalim ng mesa ni Travis
narinig kong pagmura niya dahil nakaupo siya't basta lang ako pumasok sa loob.

Narinig kong bumukas ang pinto. Shit! Mabuti at sarado ang harapan ng lamesa ni
Travis hindi ako makikita. Sinubukan niyang umatras pero sumagad na ang upuan niya
sa pader kaya halos nakadikit na ako sa hita niya.

"M-Mam Bea what are you doing here?" ipinatong niya ang siko sa lamesa siguro ay
para mas lalo akong takpan.

Jusko, naririnig ko na ang sariling tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay aatakihin


ako.

"A-Ahm kanina pa ako kumakatok."

"Ah, I fell asleep. Why?"

"Oh sorry naistorbo ba kita?" malambing na wika ni Mam Bea, narinig ko ang takong
ng kaniyang sapatos na mas lumapit sa lamesa.

Bakit malambing ka Mam Bea? Huwag niyang sabihin ginagamit niya ang natutunan niya
sa Psychology sa asawa ko. Tsk.

"It's okay, so.... why are you here? May kailangan ka ba?"

Bahagya akong sinulyapan ni Travis sa ibaba niya. Pinanlakihan ko siya ng mata


dahil baka mahuli kami, mas nakakahiya iyon dahil sa posisyon namin.

Nag-angat ulit siya ng tingin kay Mam ng magsalita ito. "Maglu-lunch sana kami ng
ilang teacher sa restaurant dyan lang sa labas ng university, baka gusto mong
sumama?"

Napairap ako sa hangin. Busog na siya! Busog na busog!

"Oh, kumain na kasi ako. Salamat sa pag-imbita." nakangiting wika ni Travis.

Naningkit ang aking mata. Bakit ka nangiti ha? Anong kinakangiti mo.
"Gano'n ba? Sige Sir next time na lang," rinig ko ang pagkadismaya niya sa boses
niya bago ko narinig ang pagsara ng pinto.

Bumaba ang tingin sa akin ni Travis. "Really? Are you that desperate to hide
yourself? You are willing to kneel there."

Hindi ko mabasa ang emosyon sa boses niya. Galit ba siya o ano? Nakangiwing
gumapang ako palabas. Namanhid pa ata ang binti ko.

"Anong kneel ka dyan? Nagtago ako baka kasi makita ako, mas magulo 'yon." Sandali
niya akong tinitigan bumukas ang bibig niya animong may sasabihin pero itinikom
niya iyon.

Inayos ko ang sarili ko at lumayo na sa kaniya. Bakit naman kasi gano'n siya
makatingin e.

"Ikaw 'di ba ang teacher namin ngayon? Mauuna akong bumaba tapos after five minutes
sumunod ka."

Tumayo siya at inayos ang damit niya, "Inuutusan mo ako?" taas kilay na tanong
niya.

Napanguso ako.

"H-Hindi sa ganon kaso---"

"Sir Travis!"

Sabay kaming napalingon ni Travis sa pinto ng bigla na lang iyon bumukas at pumasok
si Sir Rico. Teacher sa NSTP. Hindi ko siya naging prof dahil first year lang ang
tinuturuan niya.

Nagulat siya ng makakita ng istudyante sa loob. Kinabahan ako.

Naglipat-lipat ang tingin niya sa amin.

"A-Ah Sir may istudyante ka pala rito..." pati siya nailang ata sa sinabi niya.

Napalingon ako kay Travis ng kalmadong iabot niya sa akin ang isang libro at mga
index card.

"Here, Sascha. Mauna ka na sa room," aniya.

Tumango ako, kagat ko ang ibabang labi bumaling kay Sir Rico, "Good Afternoon po,"
mabilis na usal ko bago lumabas.

Naramdaman ko pa ang bahagyang pagsunod ng mata niya sa akin. Nang makababa ako ng
building ay napapikit ako. Sana naman hindi madulas si Travis.

Kabadong pumunta ako sa room dala ang gamit ni Travis. Nang makarating ako sa room
ay inilagay ko ang gamit niya sa table, may nagtanong pa na kaklase ko kung nandyan
na si Sir Travis kahit obvious naman. Tumango na lang ako.

"Oy, saan ka galing?" kaagad usisa ni Lisa sa kabilang gilid ko.

Si Daryl ay nakayuko mukhang tulog na naman.

"Bakit dala mo gamit ni Sir?" taas kilay na tanong ni Alice.


"A-Ahm. Nagkita lang kami dyan sa ibaba." Okay, I lied.

Magtatanong pa sana si Kevin ng tumahimik ang mga kaklase ko hudyat na pumasok na


si Travis. Halos manlaki ang mata ko ng makitang dala-dala niya ang bag ko!

Shit! Naiwan ko sa office niya.

Sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga kaklase ko dahil kilala nila ang bag ko.
Nanginginig na tumayo ako ng lumapit si Travis sa akin at iniabot iyon ng walang
sali-salita bago bumalik sa harap.

"Alright, good afternoon class." matigas na usal niya animong walang nangyari.

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 4:

Dahan-dahan akong umupo, ramdam ko ang titig pa rin sa akin ng mga kaibigan ko. Ang
ibang kaklase ko naman ay umayos ng upo. Hindi ko alam kung dapat ba akong
magpaliwanag sa kanila.

Alam kong gusto nilang magtanong pero nagsisimula na ang klase.

Dapat kasi hinayaan na lang ni Travis doon ang bag ko at balikan ko na lang mamaya!
Bakit pa niya binitbit? Not to mention my shoulder bag is color peach with a
ribbon. Siguradong pinagtitinginan siya sa labas kanina.

"We will be having your first graded recitation," seryosong wika ni Travis sa
harap.

Kaniya-kaniyang angal naman ang mga kaklase ko. Malamang! Second day pa lang at
magpapa-graded recitation na siya. Ano 'yon? Wala pa ngang naituturo e. Eksena
talaga 'yong lalaki na 'to. Anong akala niya sa amin kasing talino niya?

"Sir, ano isasagot namin?" angal ng isang babae kong klase sa bandang harapan.

"Hala sir hindi kami prepared."

"Sher nemen!"

"I just want to know your stock knowledge about our subject," inilibot niya ang
tingin sa amin. Nag-iwas tingin ako, nahuli ko naman ang titig ni Daryl sa akin
tapos ay kay Travis.

Kumunot ang noo ko sa kaniya, umiling siya bago bumaling sa harap. Is he watching
us? Why?

Dahil kinakabahan din ako sa recitation ay hindi ko na rin maiwasan umangal.

"Sir naman! Hindi ako handa!" angal ko kasabay ng mga boses ng kaklase ko akala ko
ay hindi niya maririnig pero tumingin siya sa akin sandali bago bumuntong-hininga.

"Alright, just tell me if it's true or false," pagsuko ni Travis saka tumingin sa
iba kong kaklase.

Napatitig ako sa kaniya, naiisip kong parang nagiging ibang tao siya kapag ako ang
kaharap at nasa kaklase. Naisip kong ayaw rin niyang ipaalam na kasal kami dahil
noong kahapon ng tinawag niya ako, ang dating sa akin ay nagpapanggap siyang hindi
niya ako kilala.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri animong nag-iisip siya ng unang
tanong. Damn! Bakit ka ba nag-teacher? Dapat sa'yo model.

"First question, Apollo took Aeneas to Pergamos for safety. True or false?" tanong
niya.

Sandali kaming natahimik. Tangina nyan, sino ba 'yong mga 'yon?

Nagtaas ng kamay 'yong kaklase ko sa unahan na matalino, si Nade.

"True, Sir." sagot niya.

"Good," tango ni Travis.

Hanggat maaari ay iniiwasan ko ang tingin niya kasi baka tawagin niya ako. Okay,
hindi ako maalaman sa mythology na 'yan. Mahilig akong magbasa at nakakapanuod na
ako ilang movie pero hindi ko talaga sila matandaan.

"You," napalingon ako sa kaniya ng tinuro ni Travis si Daryl.

Kalmado naman siyang tumayo animong inaantok pa siya. Bakit kaya parang laging
parang puyat 'to?

Bahagyang namulsa si Travis, ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa habang
nakatingin kay Daryl. "Hektor sent fraudulent dream of hope to Agamemnon," wika
niya.

"False," mabilis na sagot ni Daryl.

Bahagya pa akong napanganga, wow. May alam pala 'to? Akala ko puro tulog e.

Paglingon ko kay Travis ay imbes kay Daryl siya nakatingin ay deretsyo ang tingin
niya sa akin para bang binabantayan niya ang galaw ko. Bahagya akong umayos ng upo.

"Stand still," utos ni Travis ng akmang uupo na si Daryl. "What makes it false?"

"It should be Zeus, Sir. Can I sit now?"

Hindi nagsalita si Travis pero tumango siya.

Nagpatuloy ang graded recitation daw namin. Ang iba ay nakakasagot at ang iba ay
hindi, halos natawag na ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ay iniiwasan akong
tanungin ni Travis. O sadyang hindi naman niya ako napapansin?

Padabog na binitbit ni Lisa ang bag niya noong hapon at pauwi na kami. Naglabasan
na rin ang mga kaklase ko. "Grabe 'yong mga prof. natin second day pa lang ako mong
midterm na!" reklamo niya.

"Kailangan kong umuwi kaagad, may pupuntahan kami ni Mama," ani Alice na nakatingin
sa cellphone niya.

Tumayo ako at sinukbit ang bag ko.

"Daryl sabay ka na sa amin palabas!" sabi ni Kevin kay Daryl ng akmang aalis na
ito. Bahagya niya pa kaming tiningnan isa-isa bago tumango.
Ang buong akala ko ay makakaligtas na ako sa mga tanong nila kanina pero mali ako,
nang palabas na kami at naglalakad sa field ay kumapit sa braso ko si Kevin.
Tinaas-taasan niya ako ng kilay.

"Ano 'yong eksena kanina bakla? Chika ka naman," bulong niya.

Nauunang naglalakad si Alice at Lisa habang si Daryl ay kasabay namin ni Kevin.

Alam ko na ang tinutukoy niya pero nagpatay malisya ako, "Ha? Alin?"

"Ay sus! Itong si Papa Travis may pabuhat ng bag mo, ano 'yon ha?" dalawang kilay
na niya ang nakataas.

Tumingin ako sa malayo para hindi niya mahalatang nag-iisip ako. "Wala 'yon.
Nakalimutan ko lang 'yong bag ko tapos siguro nakita niya," kalmadong sagot ko pero
sa loob-loob ko ay gusto ko ng ingudngod si Kevin sa field dahil napaka chismosa.

Kapag narinig siya ng dalawa paniguradong maaalala nila iyon at pati sila ay
sasabunin ako ng tanong.

"Eksena, more tanggi ha? Naiwan talaga? Saan mo naiwan?"

Binukas ko ang bibig ko, handa na ulit akong magsinungaling sa kaniya pero may
busina sa gilid namin. Napasimangot si Kevin dahil sundo niya iyon. Kaagad niyang
umaktong lalaki, nawala 'yong pilantik niya kanina. Sa ilang buwan na kasama ko
siya ay nasanay na ako sa kaniya. Hindi pa siya open sa kanila, sa school ay
lantaran siya pero sa bahay ay ang alam ko ay walang alam ang tatay niya.

"Bye," malalim na usal ni Kevin.

Gusto ko siyang tawanan. Lalo't pilit na pilit ang tuwid na lakad niya papunta sa
tatay niyang kagawad na sundo niya.

Kumaway lang kami sa kaniya hanggang makaalis siya.

"Ingat sis! See you bukas," bumeso sa akin si Lisa at Alice bago sila sabay na
sumakay sa kotse ni Lisa.

Parehas sila ng way kaya sabay na sila palagi habang ako naman ay sa kabilang daan.

"Ikaw saan ka?" tanong ko kay Daryl.

Iyon na naman ang seryoso niyang mukha, bahagya niyang inilibot ang paningin sa
labas ng school namin na madaming nagtitinda.

"Gutom ako," bulong niya sabay hawak sa tiyan.

Natawa ako kasi para siyang bata. Tinuro ko ang siomai-yan sa gilid. "Doon masarap
ang fried siomai, kumakain ka ba no'n?" tanong ko.

Tumango siya, "Yup, hindi naman ako anak mayaman," tipid siyang ngumiti.

Tumango ako, hindi rin naman kami mayaman pero hindi rin kami gano'n naghihirap.
Kumbaga nasa gitna lang kami. Si Travis ay mayaman, ang pamilya nila ang masasabi
kong mayaman. Ang daddy niya ay may travel agency. Saka sa edad ni Travis may
sarili na siyang bahay at sasakyan.

Sabay kaming naglakad ni Daryl. Madami rin istudyante kaya ayos lang.
Umorder ako gano'n rin si Daryl. Habang kumakain kami ay napansin kong nakatingin
siya, "Bakit?" takang tanong ko.

Bumukas-sara ang bibig niya animong may gusto niyang sabihin pero sa huli ay
umiling na lang siya. Ang weird naman.

Nang matapos kami kumain ay may lumapit na babae sa amin para sa bayad. Kinuha ko
ang wallet ko, magbabayad na sana ako ng mapansin kong parang may hinahanap si
Daryl.

"My wallet," takang tanong niya habang hinahalungkat ang bag.

"Bakit?"

"Hindi ko makita," inis na wika niya.

Pinanuod ko siyang frustrated na hinahanap ang wallet niya hanggang sa tumigil


siya't bigong tumingin sa akin. "I lost my wallet," wika niya.

"Hala, magkano laman?"

Hindi siya sumagot, kinagat ko ang ibabang labi ko bago maglabas ng pera.
Nangmakaalis ang babae ay tumingin ako sa kaniya.

"Ako na muna nagbayad, saka mo na lang bayaran," ngumiti ako para mas lalo niyang
makitang ayos lang sa akin.

"I'm sorry, I didn't noticed. I'll pay you tomorrow," mabilis na usal niya.

"Ano ka ba?! Ayos lang 'yon." humalakhak ako.

Hanggang maghiwalay kami ni Daryl ay hingi siya ng hingi ng sorry. Sa akin ay ayos
lang naman iyon, hindi naman kasi big deal iyon sa akin. Sumakay ako ng tricycle
dahil malapit lang naman ang bahay ni Travis dito samantalang si Daryl ay nagpaiwan
doon. Hindi ko alam kung saan siya sasakay.

Nang makarating ako sa bahay ay halos maitapon ko ang bag ko sa gulat. Nakatayo si
Travis sa sala at nakapamewang.

"What time is it Sascha?" nagulat ako sa tono niya. Galit ba siya?

"A-Ahm, may p-pinuntahan lang ako," tuluyan na akong pumasok.

Sinuklayan niya ang buhok niya gamit ang daliri, lagi niya iyon ginagawa.

"Lagi ka bang ganyan umuwi kapag wala ako?" natatawang tanong niya habang hindi
nakatingin sa akin.

Hindi naman ako masyadong ginabi, isang oras late lang ako ng uwi. Ano bang
pinuputok ng butsi nito?

"Maaga akong umuuwi, may ginawa lang ako ngayon."

"Ano?"

"Kumain kami sa siomai-yan."

"With who?"
"Ha?"

"With who Sascha?" tinaasan niya ako ng isang kilay. Hindi ko siya magets bakit
bigla-bigla siyang magtatanong ng ganyan e kadalasan nga ay kapag nandito siya ay
hindi naman niya ako pinapansin.

"With Daryl," kinagat ko ang ibabang labi.

Why I'm guilty? Pakiramdam ko ay may nagawa akong hindi dapat?

Tinitigan niya ako ng ilang sandali. Napailing siya na parang disappointed siya sa
akin bago ako talikuran. Sinundan ko siya ng tingin hanggang pumasok siya sa kwarto
namin.

Napanguso ako.

"Anong problema no'n?" bulong ko.

"Iha nandyan ka na pala," napalingon ako kay Manang na galing sa kusina mukhang
tapos na siyang magluto.

Nagmano ako, "Manang anong oras po umuwi si Travis?"

Bahagya siyang nag-isip. "Mga ala-singko ata nandito na siya. Bakit ngayon ka lang
nakauwi? Alas-sais trenta na 'di ba ala-singko lang uwi mo?" tanong niya.

Napakamot ako sa ulo.

"Manang kasi kumain pa ako sa siomai-yan kasama 'yong kaklase ko e napahaba 'yong
kwentuhan tapos ang hirap pa makasakay ng tricycle."

"Nako iha, muntik ng tumawag si Travis sa barangay kanina kasi wala ka pa."

Napaawang ang labi ko, hindi ko alam kung nagbibiro lang si Manang o ano.

"B-Bakit po?"

"Syempre mag-iisang oras ka ng late e sabi ko hindi ka naman gano'n noon. Nag-
aalala lang iyon," nagkibit-balikat siya bago bumalik sa kusina.

Mas lalo ako nakunsensya.

Kinuha ko ang phone ko at napamura ako ng makita ang walong missed call ni Travis
at tatlong text. Shit! Hindi ko narinig. Na-silent ata ang phone ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Naabutan kong kakalabas lang din ni
Travis sa banyo.

Wala siyang damit sa itaas at tanging tuwalya na nakapalupot sa beywang niya ang
suot niya habang may maliit na towel siya na pinupunas sa buhok.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Inirapan niya ako.

Tuluyan na akong pumasok, inilapag ko ang bag ko habang pinapakiramdaman siya.


Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-sorry sa kaniya kasi late akong umuwi? Pero
baka barahin niya ako.

"Sorry na, Travis."


"Bakit?" masungit na tanong niya habang nakatingin sa akin at patuloy sa pagtutuyo
ng buhok. Mukhang naligo siya sandali.

"K-Kasi nasabi sa akin ni Manang na--"

"Don't think too much, I'm just looking for you baka biglang dumating sila Mommy at
wala ka edi ako ang napahamak. Tsk hindi kasi nag-iisip," aniya bago pumasok sa
walk-in closet namin at padabog na isinara ang pinto no'n.

Tumingala ako dahil ramdam kong nangilid ang luha ko.

Hindi ako iyakin, pero pinaka ayoko 'yong pinagtataasan ako ng boses. Parang na-
late lang ako isang oras kung makapagsalita naman akala mong dalawang araw na akong
hindi umuuwi.

Akala ko pa naman nag-aalala siya, tama siya baka bigla dumating kamag-anak namin,
'yon lang talaga nasa isip niya.

Nang kumain kami ay parehas kaming walang imik, nauna akong pumasok sa kwarto at
naglinis ng katawan.

Ayoko muna siyang kulitin baka sigawan na naman ako.

Natulog na lang ako ng maaga kahit na ang bigat ng kalooban ko dahil sa nangyari.
Mahigpit na yakap ko ang unan ko.

Ang weird ulit ng panaginip ko, isa raw akong prinsesa na nakahiga sa malambot na
kama may malaking palad na humihimas daw sa buhok ko at paulit-ulit na may
dumadamping malambot na bagay sa noo at buhok ko.

'I'm sorry, baby.'

Napangiti ako sa panaginip ko. Hmm. Pamilyar ang boses ng prinsipe ko. Sana, sana
totoo na lang may prinsipe ako.

***-----------------------------------------------------------

Enjoy Reading!

Kabanata 5:

Mabilis na lumipas ang araw. Hindi ko alam kung iniiwasan ba ako ni Travis o
talagang wala naman siyang pakielam sa akin. Ayos lang naman talaga sa akin, edi
kung ayaw niya akong kausapin edi huwag!

Ngayon ang punta namin sa pamilya niya sa San Fernando Pampanga, isang oras din ang
biyahe mula sa amin.

Hindi na ulit nasundan ang pagkain ko sa office ni Travis, hindi naman sa umaasa
akong aayain niya ulit ako. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang kumalat na chismis
sa year namin na nakita raw ng ilang istudyante si Travis at Ma'am Bea sa isang
restaurant.

So he accepted her request.

"Sascha faster!" rinig kong sigaw niya sa labas ng kwarto.


Padabog kong binaba ang suklay at binitbit ang bag ko palabas ng kwarto namin.

"Oo nandyan na, punyeta," bulong ko sa inis.

Hindi ko alam pero mas dumadagdag ang inis ko ng makita ang gwapo niyang mukha na
inip na inip na nakatayo sa ibaba ng hagdan habang nakapamewang at hinihintay ako.
Nakasimangot na nga gwapo pa rin! Dapat krimen na 'yan e.

"Ang tagal mong kumilos, bawat ba gamit sa kwarto kinakausap mo?" inis na tanong
niya.

Inirapan ko siya. Aba, sawang-sawa na ako sa pagsusungit niya buong linggo. Mas
maganda pa ngang wala siya rito mas malaya akong gawin ang gusto ko.

Hindi ko siya sinagot at nagpati-una akong lumabas. Mula sa gilid ng aking mata ay
nakita kong sumunod siya palabas, may sinabi pa siya kay manang bago tuluyan sundan
ako. Bubuksan ko na dapat ang chevrolet trailblazer niya ng patunugin niya ito.

Nang makapasok ako ay pinagmasdan ko siyang umikot para pumasok sa driver seat.

Bahagya pa akong napasinghap ng malanghap ang pamilyar niyang amoy sa loob ng


kotse. Hindi ito ang unang beses na nakasakay ako sa kotse niya pero bakit iba ang
pakiramdam ko ngayon? Kinakabahan ako na naiilang.

Mula sa gilid ng aking mata nakita kong sumulyap siya sa akin habang binubuhay ang
sasakyan niya. Napanguso ako. Alright, I feel uncomfortable.

"Isn't your skirt too short?"

Napalingon ako sa kaniya, sumandal siya't nagsimulang magdrive. Isang kamay lang
ang gamit niya habang ang kaliwang siko ay nakatukod sa kaniyang gilid at
pinaglalaruan ang ibabang labi niya.

"Hindi naman maikli, sakto lang 'to." tukoy ko sa maong na palda ko. Hindi naman
talaga maikli. Above the knee na nga.

Hindi siya kaagad nagsalita parang may pinoproblema siya.

Kunot-noo ako habang pinagmamasdan ang kaniyang masungit na mukha.

"Ganyan din ba kaikli ang skirt uniform mo?" blanko ang kaniyang boses.

Tumingin ako sa labas, sa totoo lang hindi pa kami nag-u-uniform, bali sa monday pa
talaga kami nagsusuot ng uniform.

"Oo ganito---"

"Magpatahi ka ng bago."

Napalingon ako sa kaniya.

"Ha? Bakit? Lima 'yong palda ko hindi na kailangan magpatahi sakto na--"

"Just..." itinikom niya bibig parang iniisip pa niya ano ba ang sasabihin niya sa
akin.

What is it Sir? What's on your mind? I want to know Sir.

"Just do it, itetext ko 'yong nagtatahi sa village magpagawa ka ng bago, ipamigay


mo na lang 'yong mga luma mo," aniya.

Napanguso ako. Hindi ko naman kailangan ng bago, isang taon na lang din ako mag-
aaral. Sayang!

"Ayoko nga."

"Tsh. Don't be stubborn Sascha. Look at your skirt, kapag umupo ka makikita na---"
kinagat niya ang ibabang labi niya at hindi na tinuloy ang sinasabi niya.

Napanguso ako bago bahagyang tumalikod sa kaniya at pumikit.

Bahala siya sa buhay niya, ayoko na makipagtalo. Hindi naman pangit legs ko ah?
Wala naman akong peklat. Hindi ko gets ang lalaki, kapag ibang babae tuwang-tuwa
tapos kapag babae nila ayaw nila kasi nagseselos---

Gulat akong napalingon kay Travis na seryosong nagdadrive.

Don't tell me nagseselos siya?

"What?" singhal niya ng mapansin nakatitig ako.

Ngumisi ako para itago ang pagkapahiya. Hmm.

"Are you jealous, Sir?" nang-uuyam na tanong ko at bahagyang humarap sa kaniya.


"Holyshit!"

Napakapit ako sa seatbelt ng bigla siyang prumeno. "Bakit ka ba bigla humihinto?!"


inis na tanong ko.

Hindi siya nakatingin sa akin, kita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya habang
mahigpit ang hawak sa manubela. Anong nangyari rito?

"Hoy Travis." Tinapik ko ang kaniyang balikat.

"Oh?" baling niya sa akin na kumurap-kurap pa.

"Anong oh? Bakit ka bigla humihinto, baka maaksidente tayo nyan kung gusto mo mauna
ikaw na lang alam kong nangako tayo magkasama habang buhay pero huwag naman damayan
sa pagpapakamatay---"

"Shut up!"

Pinaandar niya ulit ang kotse. Napailing na lang ako. Ang pikon talaga. Bakit ba
ang init lagi ng ulo sa akin? Tsk. Ayoko kaya sa masungit na lalaki.

Lumipas ang oras naging tahimik na ang biyahe namin hanggang makarating kami sa
bahay ng magulang niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto, siguro dahil nakatingin sa
kotse namin ang parents niya na nasa teresa.

"Mom, dad," bati niya at yumakap sa mga ito. Gano'n din ang ginawa ko.

"Good evening po," bati ko sa kanila.

"Mabuti naman at nakarating na kayo, akala ko hindi na kayo tutuloy," nakangiting


usal ng mommy niya.

"She moved so slow," rinig kong bulong ni Travis sa gilid.


"Wow ah? Ako pa talaga? Ikaw kaya 'yong naliligo ng dalawang oras ata. Nahuli ako
kasi huli akong naligo kung hindi ka dalawang oras maligo edi maaga rin ako,"
reklamo ko.

"Daldal mo."

Kumapit sa braso ko ang mommy ni Travis. "Ang cute niyo. Hihi."

"I'm happy you visit us son," ani ng daddy niya at bahagya pang tinapik ang balikat
nito.

"Of course dad, medyo busy lang sa school. You can visit us too to our house,"
sagot niya sa ama habang nakapamulsa.

Our house? Hmm. May naambag ba ako doon?

Naunang pumasok sa loob ng bahay si Travis habang kausap ang daddy niya.  Bahagya
pa akong napaatras ng ilapit ng mommy niya ang mukha sa akin.

"May laman na ba?" excited na tanong niya.

Kumunot ang aking noo dahil sa kinang ng mata niya. "Ang alin po?"

Nginuso niya ang tiyan ko. "Yan, may laman na ba? Yiee, magaling ba anak ko?
Masarap? Malaki... Of course may pinagmamalaki ang anak ko ako ang nanay kaya alam
ko." sunod-sunod na wika niya. Nanlaki ang aking mata at bahagyang napaawang ang
labi ko.

Mukhang nakita niya ang reaksyon ko kaya napangiwi siya. "Ay sorry. So ano nga?"
Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan pumasok sa loob.

Ramdam kong nanlamig ang kamay ko, hindi ba niya alam na ang weird ng tanong niya?
Kung anong kinatahimik ni Travis at siyang kinadaldal ng mommy niya.

"Wala po--"

"Wala?!" histerikal na bulong niya.

"Ma, kasi h-hindi pa po namin iniisip iyon ni T-Travis," hindi ko alam kung tama ba
ang mga salitang ginamit ko.

"Anong hindi pa iniisip? Mag-asawa kayo, magkatabi kayo matulog jusko kahit ba
isang gabi hindi mo sinubukan gapangin ang anak ko?" nanlulumong tanong niya sakto
naman dumating na kami sa kusina nila.

Kaagad nagtama ang mata namin ni Travis na kaagad kong iniwasan dahil naiisip ko
'yong sinabi ng mommy niya.

"Mom, stop being bad influence to my wife," may halong inis na usal ni Travis.
Parang may humaplos sa puso ko ng tinawag niya akong wife.

Pinaupo ako ng mommy niya.

"I'm not bad influence! May tinatanong lang ako sa paborito kong manugang."

"Mom, siya lang naman ang manugang mo."

"Kaya nga!"
Natawa na lang ang daddy niya sa kanila, sasagot pa sana si Travis sa mommy niya ng
may kumurot sa piski ko.

"Hello there, my favorite sister-in-law. I miss you," umangat ang tingin ko sa


nakangising si Terron.

Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, nakakabatang kapatid ni Travis.

Hawak ko ang pisngi ko na nginiwian siya. "Terron! Ang sakit no'n!"

Humalakhak siya na kaagad din natigil ng padabog na binuksan ni Travis ang ref at
kumuha doon ng tubig, lahat kami ay napatingin sa kaniya.

Humalakhak si Terron saka ako inakbayan habang naka-upo ako at siya ay nakatayo sa
gilid. Nakatingin ako sa galaw ni Travis, bakit ba badtrip na naman 'tong lalaking
'to?

Nang ilapag niya ang baso sa lamesa ay sinalubong niya ng tingin ang mata ng
kapatid.

Blanko ang mukhang nagsalita siya.

"Hands off, Terron."

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 6:

Nasa gano'n kaming sitwasyon ng pumalakpak ang mommy ni Travis. Tinanggal naman ni
Terron ang kamay sa aking balikat saka natatawang umupo sa tabi ng daddy niya.

"Kain na tayo! Nagluto ako ng sisig and oh my sweety Sascha nagluto rin akong
favorite mong lumpia!" masayang pahayag ni Mommy.

"Hey kuya."

Natakam ako habang pinapanuod siyang kunin ang mga niluto niya, may tumulong din sa
kaniyang isang kasambahay.

Napalingon ako kay Travis ng nagdadabog na umupo sa aking tabi. Anong problema
nito?

"Huy, galit na galit?" biro ko.

Sinulyapan niya ako bago inirapan.

Grabe, ang sungit. Bahagya siyang dumukwang papalapit sa aking upuan, ipinatong
niya ang siko sa sandalan ng upuan ko, kumalabog ang aking dibdib dahil sa galaw
niya.

Napatitig ako sa platong nasa lamesa ng bumulong siya. Natatakot akong kapag
lumingon ako ay magtama ang aming mukha sa sobrang lapit.

"Don't flirt with my brother," madiin bulong niya bago umayos ng upo.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin, anong flirt? Wala naman akong ginagawa ah.
Umaktong bubulong din ako sa kaniya pero dinakot niya ang mukha ko gamit ang buong
palad saka tinulak ang mukha ko palayo sa kaniya.

"Tss, don't come near me," mahinang aniya at nag-iwas tingin. Asar talo si Sir.

Sasagot pa sana ako ng humalakhak ang mommy niya. "May pabulong-bulong pa kayong
dalawa ah? Mamaya na 'yan," nang-aasar na aniya.

Nahihiyang umayos ako ng upo, nakita kong natatawa ang daddy niya bago kami
magsimulang kumain. Grabe ang sarap talaga, lumpiang shanghai is life talaga lalo
na ang gawa ng mommy niya.

Napansin kong kaunti na lang ang ulam ni Travis kaya nilagyan ko siya ng ulam.
Ilang beses ko iyon ginawa, hindi ko rin alam pero gusto ko 'yon ginagawa ko para
sa kaniya. Hindi naman siya nagrereklamo kaya sa tingin ko ay wala naman problema
roon.

Nang mapatingin ako sa kaniya ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin. "What?"

"Stop putting food on my plate, just eat," aniya.

Napanguso ako. "Ang kaunti mo kumain."

"Hindi ako kaunti kumain, madami ka lang kumain."

Hindi ko siya pinansin hanggang matapos kami. Nang nasa sala kami ay kausap niya
ang daddy niya habang ang mommy naman niya ay may ginagawa sa kusina. Nilapitan ako
ni Terron na may susi na nilalaro sa daliri.

"Sama ka?" yaya niya.

Nagtaas ako ng kilay. "Saan?"

"May inuutos si mommy, bibili lang dyan sa labas ng village. Mukhang bored na bored
ka na e," aniya.

Totoo, kasi wala naman akong ginagawa. Nanunuod lang akong tv. Napalingon ako kila
Travis na seryosong nag-uusap. Nagkibit-balikat na tumayo ako at sumama kay Terron.

Nang nasa biyahe na kami ay pumipito-pito siya. Medyo hawig sila ni Travis, 'yong
itsura niya ay medyo pa-cool unlike kay Travis na seryoso ang itsura na parang
hindi mo mabibiro.

"Any development?" tanong niya habang nagdadrive.

"Development to what?"

"Your relationship with my kuya." Napanguso ako.

"Your kuya dislike me, tuwing kausap ko iyon ay parang galit sa akin. Maayos naman
akong kausap. Ang bait ko kaya sa kaniya," paghihimutok ko.

Narinig kong tumawa siya. "Do you already like my brother?" taas-kilay na tanong
niya.

Hindi ako nagsalita, pumalatak siya. "You like him, don't you?"

"Who wouldn't?" nag-iwas ako ng tingin at napangiti. Naaalala ko 'yong una kong
nakita si Travis halos mapanganga ako no'n. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa
mas matanda sa akin pero noong nakita ko siya parang nagbago pananaw ko.

Maybe deep inside me, I like him. Siguro kaya pumayag din ako sa ganito kasi gusto
ko rin naman.

"Pero hindi naman niya ako gusto, yes hindi niya ako sinasaktan pisikal. Masungit
siya pero hindi siya masama sa akin minsan naiisip gano'n lang talaga siya. Parang
pakikisama lang sa akin," parang may bumara sa lalamunan ko.

"Paano mo naman nasabi wala siyang gusto sa'yo."

"Wala naman siyang sinasabi."

Humalakhak siya bago iliko sa kanto ang kotse. "Ang gulo niyo rin dalawa e. Alam mo
kasi sister-in-law kaming mga lalaki hindi kami vocal."

Napanguso ako. "Pero madaldal ka kaya." Humalakhak siya ulit. Hayop din talaga 'to
e. Ang gulong kausap inuuna pa tawa.

"Iba naman ako, I'm unique kasi. Seryoso na, kung hindi ka gusto ni kuya edi gawin
mo lahat para magustuhan ka niya. You're his wife after all," kibit-balikat na wika
niya.

Napalingon ako sa kaniya. "Parang ang awkward, ako babae tapos ako pa gagawa
paraan."

Napailing ako sa nasabi ko. Alright, I like him pero hindi pa naman ako gano'n
kadesperado para magustuhan ako ng asawa ko.

"Tss, 'yan ang mali sa mga mindset ng mga babae. Para sainyo kasi lalaki lang dapat
kumilos pero sa relasyon dalawa kayo bakit lalaki lang kikilos? Kung hindi ka
kikilos, sino? Kung hindi ngayon, kailan Sascha?" madamdamin aniya.

Kumunot ang noo ko dahil parang narinig ko na iyon.

"Alam mo ang hirap mong kausap."

Sakto naman nakarating kami sa store. Ngumisi lang siya saka bumaba habang naiwan
naman ako sa kotse, pwede ba 'yon sinabi ni Terron? Bakit pa kasi ako nakikinig sa
king ina na 'yon.

Para naman ang desperada ko kapag ginawa ko payo niya, pero asawa ko siya paano
naging desperada 'yon. Kung may lalandi sa kaniya natural na ako 'yon kasi ako ang
asawa. Pero hindi ko nga alam paano makipag-flirt at--- wait...

Si Daryl ba 'yon?

Kunot-noo ko ng tumama ang paningin ko sa resto bar na kahilera ng store. Mas


nagsalubong ang aking kilay ng mas makilala ang lalaking nagseserve sa mga
kumakain.

Si Daryl!

Halatang pagod sa kaniyang mukha. Unti-unting naisip ko ang nangyayari. He's a


working student. Kaya ba lagi siyang tulog sa klase? Ang layo nito sa school namin
tapos dito siya nagtatrabaho?

Pinagmasdan ko si Daryl. Noong kumain kami ng siomai, baka wala talaga siyang pera?
Hindi kaya.
Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Ang bata pa niya, wala bang trabaho ang mama niya?

Halos mapaigtad ako ng pumasok si Terron. "Oy anong tinitingin-tingin mo roon, ikaw
ha! Tinitingan mo mga macho dancer sa bar---aray!" kinurot ko siya sa braso.

"Anong macho dancer ka dyan?!"

"Susumbong kita kay kuya!"

"Che, uwi na nga tayo."

Nangpaalis na kami ay sinulyapan ko si Daryl. Napaawang ang aking labi ng makitang


binatukan siya ng matandang lalaking madaming tattoo. Oh god!

Hanggang makarating kami sa bahay nila ay okupado ang isip ko. May sinasabi si
Terron na movie na maganda raw, papahiramin daw niya ako ng bala. Tango na lang ako
ng tango sa kaniya.

Sinabi ng mommy ni Travis na rito na lang kami matulog. Sa dating kwarto ni Travis.
Unang beses ko lang makapasok dito at mapilyar ang amoy dahil kay Travis. Hindi
gano'n kalaki ang kama niya katulad sa bahay namin.

Naka-upo ako sa kama niya dahil ng dumating kami ay nasa banyo na siya. Nagtama ang
paningin namin ng lumabas siya, nakasimangot na naman.

"Saan ka na naman galing?" kunot-noong tanong niya. Tumutulo ang tubig sa buhok
niya.

"S-Sinama ako ni Terron sa labas."

"I told you not to flirt with my brother," usal niya.

Pinupunasan niya ang buhok niya umupo sa tabi ko. "Bakit ba lapit ka ng lapit sa
ibang lalaki, may asawa ka na," bulong niya habang nakatitig sa akin.

Napakamot ako sa batok.

"Hindi naman kasi maiiwasan 'yon lumapit ako sa ibang lalaki, hindi naman ako
nakikipagflirt." kinagat ko ang ibabang labi ko, "Kung may i-flirt man akong
lalaki, ikaw 'yon. Asawa kaya kita."

Nagulat ako ng tumaas ang gilid ng labi niya.

Nakakahiya! Ahhh!

Bakit ba kasi nakikinig pa ako kay Terron? Nakakahiya.

Akmang tatayo na ako dahil sa kahihiyan sa sinabi ko ng hawakan niya ang pulsuhan
ko.

"Come on, flirt with me. I like it."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hinatak ko ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay
mapapaluhod na lang ako bigla sa harapan niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko.
Ngayon lang 'to!

Mabilis akong lumabas sa kwarto. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko, nakita
ko si Terron sa labas ng kwarto niya na may kausap sa cellphone.
Naisip ko 'yong ipapahiram niyang bala sa akin, kaya mahinang tinanong ko siya.

"Terron, 'yong movie."

Sinenyas naman niya ang kwarto niya bago takpan ang cellphone. "Sa may taas ng tv
ko. Nandoon lang 'yon."

Tumango ako bago pumasok sa kwarto niya. Nakita ko ang sinasabi niyang bala, kaagad
ko iyon kinuha. Nang makalabas ako ay nakikipagtawanan siya sa kausap kaya
sinenyasan ko lang siya na nakuha ko na.

Nang makabalik ako sa kwarto ay nakaupo na si Travis sa kama niya at nakasandal sa


headboard ng kama habang may binabasa. Nag-iwas tingin ako ng sinundan niya ako ng
tingin.

Are you flirting with me, Sir?

Nanginginig ang kamay kong inayos ang tv niya. Pinasok ko ang bala ni Terron.
Bahagya akong umatras habang hawak ko ang remote.

Nang magplay ang movie sinasabi ni Terron ay natulos ako sa kinakatayuan ko ng


umalingawngaw ang boses ng babae sa buong kwarto.

"Ohhhh god! Like that! Deep! Deep baby! Ohhh! Ahhh! Yes! Yes... Fuck me ohh! Baby!"

Nanlaki ang mata ko, dahil hindi ganon movie ang inaasahn ko. Hindi 'to movie.

"Holyshit, Sascha!"

Narinig kong sunod-sunod na mura ni Travis sa likuran ko. Nakaawang ang labi ko sa
screen habang napapanuod ang babae, ang lalaki ay umiindayog sa kaniyang ibabaw.

Nawala lang sa paningin ko iyon ng takpan ni Travis ang mata ko at agawin ang
remote sa akin.

Pinatay niya ang tv bago tanggalin ang kamay.

"Where did you get this godamn thing?!" sigaw niya sabay hagis ng remote.

Napaigtad ako.

Nakaawang ang labi ko, hindi ko alam ang isasagot ko. Nahihiya ako, baka iniisip
niya sinadya ko iyon.

"H-Hindi ko---"

"Are you that desperate?!"

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya.

"I'm not!"

"This is the reason why I don't like kids," napapailing na usal niya parang
disappointed siya.

Parang may kumurot sa puso ko. Sabi ko na nga ba. Wala siyang gusto talaga sa akin.
Pinapakisamahan niya lang ako.
Naramdaman ko kung paano humapdi ang gilid ng mata ko. Ngayon lang ako nasigawan ni
Travis na ganito.

"I don't like you too," bulong ko.

Tumalikod na ako at pumasok sa banyo.

Doon tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung tatagal pa ako sa marriage na ganito.
Dala ko nga ang apelido niya pero hindi ang puso niya.

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 7:

Nang dumating ang lunes ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Travis. Madalas ko siyang
nahuhuling nakatingin sa akin sa bahay pero lagi ko siyang iniiwasan. Naiirita ako
sa kaniya saka baka sabihin na naman niya desperada akong makuha ang atensyon niya.

Nakangiting nilapit ko ang mga kaibigan ko.

"Absent si Alice?" tanong ko kay Lisa ng mapansin wala si Alice. Tumango siya.

"Ihahatid daw 'yong daddy niya sa airport ngayon araw."

Tumango na lang ako, si Kevin naman ay nakikipagdaldalan sa isa pa namin kaklase sa


kabilang dulo kaya halos magsigawan sila.

Napalingon ako kay Daryl na nakadukmo sa armrest niya habang may earphone. Naalala
ko 'yong nakita ko, nagtatrabaho siya sa gabi. Ang hirap siguro no'n. Pagod na sa
school tapos pagod pa sa gabi.

Nang dumating ang professor namin sa unang subject ay kinalabit ko si Daryl.

Mapungay ang matang umangat ang tingin niya sa akin. "Hmm?"

"May teacher na," nginuso ko ang harap.

Doon niya lang napansin ang prof namin kaya umayos siya ng upo. Nasa kalagitnaan
kami ng klase ay umalis si Lisa at Kevin at ilang kaklase ko na sasali sa
sportfest.

Napalingon ako kay Daryl habang nagsusulat ako dahil napansin kong hindi siya
nagsusulat.

Nakakrus ang mga braso niya sa dibdib habang nakatunganga.

"Huy!" tinapik ko ang braso niya.

Gulat siyang napalingon sa akin at kumurap-kurap.

"Ha?"

"Natutulog ka ng dilat?" takang tanong ko.


Bumuntong-hininga siya. "I'm tired," umayos siya ng upo bago magsimula magsulat.

Nang matapos ako ay napansin kong tulala na naman siya. Hindi ko alam pero naaawa
talaga ako sa kaniya.

Napaigtad siya ng agawin ko ang notebook at ballpen niya.

"Ako na," bulong ko para hindi marinig ng prof. namin.

Hindi ko na pinansin ang pagtitig niya sa akin at itinuloy ang sinusulat niya.
Iche-check kasi ang notes namin. Laging nagche-check siguradong mapapagalitan siya
kapag nakitang hindi niya natapos, sasabihin nakikipagdaldalan lang at sino ang
katabi niya? Ako malamang. Kami lang naman naiwan magkatabi. Baka sabihin pa ako
ang kadaldalan.

Nagmatapos ko ang lecture niya ay napalingon ako kay Daryl na nakasandal ang ulo sa
pader habang nakapikit.

Napailing na tumayo ako at pinacheck ang notes namin. Mabuti na lang at hindi
halata ang pagkaiba ng sulat namin.

Gising na si Daryl ng makabalik ako sa upuan. "Thanks." nahihiyng wika niya.

Ngumiti ako, "Ayos lang, nakapagpahinga ka." Ayokong sabihin nakita ko siya. Bumaba
ang tingin ko sa kamay niyang may mga band aid.

"Napano 'yan?"

Kaagad niyang itingo iyon. "Wala 'to."

"Patingin nga."

Kinuha ko ang kamay ni Daryl, may higit tatlong band aid ang nasa iba't-ibang parte
mg kamay niya. Napano kaya 'to? Sa trabaho niya?

Nang dumating si Travis ay naabutan niya kami sa gano'n puwesto. Kaagad kong
binitawan ang kamay ni Daryl at umayos ng upo.

Pagpasok pa lang niya ay sinalubong na siya ng mga haliparot kong kaklase sa harap.
Ang isa pa ay nagpresintang siya na lang ang mag attendance.

Nagpa-activity si Travis, by partner. May isang story at gagawan ng essay tungkol


sa naintindihan namin.

Mapangisi ako, matalino si Daryl. Hindi ako mahihirapan.

"Daryl partner tayo," wika ko sa gitna ng ingay sa classroom namin.

Ngumiti si Daryl. "Sure."

Nawala ang ngiti ko ng magsalita si Travis sa harap. "Girls partner with girls,
boys with boys."

Kaniya-kaniyang angal ang mga kaklase ko. Nang lumingon ako kay Travis kay
nakangisi siya.

Sinasadya ata nito e.

"Sayang, bawal pala," ani Daryl.


Bumuntong-hininga ako, "Hayaan mo na nga." Ang ending ay kapartner niya iyon isang
bakla pa namin kaklase habang ako ay kapartner ang isa kong kaklaseng babae.

Nang matapos kami ay ipapasa sa kaniya.

Nang makatayo ako sa harap ng lamesa niya ay tinaasan niya ako ng kilay.

"I told you to buy another uniform," mahinang aniya.

Kinabahan ako dahil baka marinig ng mga kaklase ko, pero sigurado akong hindi siya
nakikita kasi nakaharang ako sa harap niya.

"Here's our essay, Sir." madiin kong usal sabay abot ng papel.

Umigting ang panga niya na inabot iyon at walang basa-basang chinekan iyon sa
harapan ko.

"Come to my office later," bulong niya sabay abot ng papel sa akin.

Hindi ako nakasagot, nagmamadali akong umalis sa harapan niya. Natuwa naman ang
kapartner ko dahil perfect score kami. Damn it Travis!

Mukhang napansin ni Daryl ang pagkabalisa ko kaya tinapik niya ang aking balikat.
"You okay?"

Hindi ako sumagot, tumango lang ako.

Bago lumabas si Travis ay sinulyapan pa niya ako, hindi ko alam kung imahenasyon ko
lang o talagang kinindatan niya ako?

Nang magtanghalian ay wala pa rin si Kevin at Alice kaya sabay kaming kumain ni
Daryl. Dinamihan ko talaga ang order ko para sa kaniya naisip ko kasing baka wala
siyang pera o kaya gutom siya dahil sa trabaho niya.

Nasa isang table kami sa canteen at tahimik na kumakain ng mag-angat ng tingin si


Daryl sa akin at lumagpas ang niya sa likod ko. Naramdaman kong may nakatayo sa
likod ko.

"Can I join you?" kinalibutan ako sa boses ni Travis.

Nabitin ang pagsubo ko. "Sure, Sir," sagot ni Daryl sabay lahad ng isang upuan.

Nakatingin ang ibang istudyante sa amin. Kumakain naman talaga ang ilang teacher
dito, pero si Travis sa buong linggo ata ay ngayon ko lang siya nakita rito. Sa
gilid ng mata ko ay nakita ko siyang umupo sa kabilang gilid.

Maliit lang ang lamesa, apat na tao lang ang kasiya.

"Ngayon ko lang ata kayo nakitang kumain dito Sir?" tanong ni Daryl at patay
malisya na nagtuloy sa pagkain.

Napainom ako ng tubig.

"Yea, hindi dumating 'yong kasabay kong kumain e." Sumulyap siya sa akin.

"Ganon ba, Sir?"

"Yup, bakit kayo lang? Nasaan ang iba niyong kaibigan," si Daryl ang kausap niya
pero sa akin siya nakatingin.

Dahil nasa pinaka-dulo kami ng canteen ay hindi maririnig ng ibang istudyante ang
usapan namin dahil malaki ang pagitan ng bawat table.

"Sumali sila sa sportfest, Sir."

Bahagya kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa dahil may tela naman sigurado
akong hindi makikita ang ilalim.

Humalakhak si Travis at sigurado akong dahil iyon sa ginawa ko.

"How about you? Wala ba kayong sasalihan?" tanong niya habang kumakain.

"I'm not free, I can play basketball and billiard pero may practice araw-araw
hanggang 6pm tapos meron din tuwing weekends, hindi ako pwede," sagot ni Daryl.

Tumango naman si Travis bago ako nilingon. "And you Sascha?"

Parang nahulog ang puso ko sa gulat. Bakit ba kasi nakatingin siya, bakit hindi na
lang kumain parang nawalan tuloy ako ng gana.

"U-Uhm, I-I can play chess... Hindi ako magaling," dagdag ko.

"May tryout ng chess bukas, why don't you try?" tanong niya at sumandal sa upuan
niya.

Sa ilalim ng upuan ay sinipa niya ang paa ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Oo nga, you must try Sascha," dagdag ni Daryl.

"Pero hindi naman ako maga---"

"I can teach you," sabay kaming napalingon ni Daryl kay Travis.

"Yon pala e, Sir Travis will teach you," hindi na ako sumagot at tinapos ang
pagkain ko.

Tatayo na sana kami ng matapunan ng isang istudyante si Travis ng tubig sa pants.


Napatayo si Daryl, habang nanlaki ang mata ko sa ginawa ng babae. Pinunasan niya
ang hita ni Travis. Narinig ko ang mahinang tawa sa kabilang lamesa, hatalang
sinadya lang nila.

"Nako, Sir! Sorry Sir!" malanding aniya.

"It's okay, you don't have to.. stop.." pigil ni Travis ng kamay ng babae sabay
tingin sa akin.

Bakit ka tumitingin sa akin?

Tumayo siya at siya mismo ang nagpunas sa slacks niya. Nagsorry ang babae bago
bumalik sa mga kaibigan, nagbulungan sila. Naningkit ang aking mata dahil parang
trip lang nila magpapansin kay Travis.

Ganyan na ba mga babae ngayon? Leche.

"Daryl, mag banyo lang ako una ka na sa room," paalam ko.

Mabilis akong tumayo at pumunta sa pinaka-malapit na restroom.


Naghilamos ako ng mukha. "Do you like him?" tanong ko sa sarili ko sa salamin.
"Nagseselos ka," dagdag ko. Napapailing na lang ako sa naisip ko.

Nagpunas ako ng mukha bago lumabas doon. Ganon na lang ang gulat ko ng makitang
nakasandal si Travis sa labas na parang hinihintay ako.

Nakahalukipkip siya doon na nakatingin sa akin.

Lumapit siya sa akin, bahagya akong napa-atras. "B-Bakit ka nandito?" tanong ko.

The last time I check, magkagalit kami.

Napabuntong-hininga siya at mas lumapit.

"Are you mad?"

Nabigla ako sa tanong niya, nagpalinga-linga ako at nagpasalamat na walang ibang


tao.

Umiling ako.

"Why are you avoiding me?" napa-atras ako sa pader. Nabigla ako sa lumanay ng
kaniyang boses. What the hell?

"A-Ano bang sinasabi mo? Bakit naman kita iiwasan?"

"I'm sorry I shouted at you, I didn't mean that," hinawakan niya ang braso ko.

Kumalat ang kaba sa buong katawan ko. Kinapos ako ng hininga.

Pumungay ang mata niya. Nilagay ko ang palad ko sa dibdib niya para hindi siya mas
makalapit sa akin. Kapag may nakakita sa amin siguradong malaking issue 'yon at
baka masira siya sa school. Ayoko 'yon.

"T-Travis baka may makakita sa atin, l-lumayo ka," utos ko.

Mas lumapit siya, nanuyo ang lalamunan ko ng magtama ang aming mata.

"I don't like when you're with other man. I hate it. Just... me... Ako lang. Kung
gusto mo lumandi, sa akin lang. Flirt with me, come on. I'm all in, Sascha."

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 8

Mabilis kong itinulak si Travis dahil sa sinabi niya. May kakaiba akong naramdam sa
sobrang lapit namin. Ang paghinga ko ay naging malalim din. Bahagya pang tumagilid
ang kaniyang ulo dahil sa ginawa ko.

"A-Ano bang sinasabi mo?" tanong ko para itago ang kaba.

Nagkibit-balikat siya bago tapikin ang balikat ko. "Calm down, I wont bite," wika
niya saka siya naglakad palayo sa akin.

Napahawak ako sa pader ng mawala siya sa paningin ko. Sa tagal ko siyang nakikita
noon at nakakasama sa bahay ngayon lang ata ako masyadong kinabahan sa presensya
niya.

Do I like him that much? Maybe I like him for a long time, but I'm just holding
back? Bakit hindi ko man lang nahalata? Pwede ba 'yon? Nabigla mo na lang
mararamdaman na gusto mo ang isang tao?

"Hey," halos mapatalon ako ng kalabitin ako ni Daryl.

"Ano ka ba naman Daryl, nakakagulat ka naman," huminga ako ng malalim. Nakita ba


niya kami ni Travis? "Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya saka umiling, "Nope, why are you always surprised?" takang
tanong niya.

"Lagi ka rin kasing nanggugulat, tara na nga baka nasa room na sila," yaya ko sa
kanila, bahagya ko pang nilingon ang dinaanan ni Travis.

Para akong lutang hanggang makarating kami sa room. Inasar kami nila Kevin dahil
magkasama na naman kami ni Daryl. Iniisip nilang may something kami, hindi ko lang
talaga maiwan si Daryl pakiramdam ko ba ay obligasyon kong samahan siya.

Alam ko kasi 'yong pakiramdam na mag-isa. Yong parang walang gustong sumama sa'yo.
Gano'n ako sa dati kong school, 'yong pakiramdam na may circle of friends ang mga
kasama mo at ikaw ang itsapwera.

Napailing ako sa pang-aasar nila, si Daryl naman ay nag-iwas tingin sa amin.

"Huwag kayong ganyan naiilang na si Daryl," saway ko sa kanila.

"Aysus, namumula si Daryl oh," natatawang wika ni Lisa na tinuro pa siya.

"Hahaha, oo nga no? Baka kayo pa magkatuluyan nyan ah? Aasa na ba kami?" segunda ni
Kevin.

Si Alice naman ay pumalumbaba na tinitigan si Daryl na ilang na ilang. Ako kasi ay


sanay na sa kanila, lahat ata ng makita nilang lalaki ay pina-partner nila sa akin.

"Are you single Daryl?" tanong ni Alice na ikinagulat naman niya.

Natawa ako kasi namumula na siya. "U-Uhm, yup."

Nagtilian sila, napailing ako. "I'm taken," wika ko.

Tinawanan lang ako nila habang si Daryl naman ay napalingon sa akin. "Weh? Kung
taken ka na, bakit wala kaming nakikita ha? Sa facebook bakit wala kang pino-post?"
usisa ni Kevin.

Napailing na lang ako bago umayos ng upo.

Nag-asaran pa sila at pinipilit nila akong sabihin kung sino ang kasintahan ko.
Kung ka-school mate raw ba namin o galing sa dati kong school kahit gusto ko man
magkwento ay alam kong hindi pa pwede sa ngayon.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising, talagang nag-alarm ako dahil alam ko naman
hindi ako gigisingin ni Travis. Nang magising ako ay bumungad sa akin ang malakas
ng buhos ng tubig sa banyo, siguradong naliligo na siya.
Lalabas na sana ako ng kwarto para sana magpaluto kay Manang almusal pero napatigil
ako ng marinig kong kumakanta siya.

Parang may sariling buhay ang paa kong humakbang papalapit sa pinto ng banyo.

Inilapat ko ang aking tainga sa pintuan para mas marinig ang kaniyang boses.
Napangiti ako ng marinig ang malamig niyang boses kasabay ng pagbuhos ng tubig
galing sa shower.

He's singing someone you loved. This is the first time I heard him singing.

Nang tumigil ang tunog ng shower ay mabilis akong umatras at lumabas ng kwarto bago
pa man niya ako maabutan na nakatayo sa labas, baka ano pa isipin no'n. Baka
akalain niya binobosohan ko siya.

Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko si Manang na naghahain na ng umagahan


namin.

"Magandang umaga iha, ang aga mo ata ah," komento niya saka ako nginitian
kasalukuyan siyang nagsasalin ng mainit na tubig sa termos.

"Good morning din po, opo nag-alarm talaga ko hindi naman kasi ako ginigising ni
Travis e," wika ko.

Inabot ko ang isang hotdog at isinubo iyon. Sakto naman pumasok si Travis na
nagpupunas ng buhok, bumaba ang kaniyang tingin sa kagat-kagat kong hotdog bago
nag-iwas tingin at umupo sa pwesto niya.

"Good morning Manang," napanguso ako sa paos niyang boses. Malalim ang boses niya
pero mas gumaganda pa kapag umaga. Pwede pala 'yon?

Inubos ko ang hotdog na hawak ko saka ako naupo sa tabi niya.

Kagabi ay hindi kami nag-usap. Naiisip ko pa rin 'yong sinabi niya aa labas ng
banyo. Flirt with him? Does it mean he likes me too? No, I'm not going to ask him
that, baka umaasa lang ako tapos naglalaro lang siya edi ako ang kawawa. Hindi ko
muna sasabihin sa kaniya na gusto ko rin siya hanggat hindi pa ako sigurado. Hindi
naman siguro masama na magsigurado bago magpadalos-dalos.

"Hey, you're spacing out," pumitik siya sa harap ko kaya napakurap-kurap akong
napabaling sa kaniya na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.

"Ano?"

"Nakatunganga ka dyan," he pointed out.

"May iniisip lang ako," pagdadahilan ko saka ako uminom ng kape.

"Sino? Ako?" tanong niya.

Halos maibuga ko ang kape dahil sa sinabi niya. Napaismid pa ako dahil doon.
Nagpeke akong tawa at iling para hindi niya mahalata ang kaba ko.

"Anong ikaw?" natatawang kunwaring tanong ko.

Hindi nakalagpas sa aking mata ang mapanuksong ngiti ni Manang habang naghuhugas ng
plato.
Napatuwid ako ng upo ng ilagay ni Travis ang braso sa sandalan ng aking upuan.
Pakiramdam ko ay napaso ako ng tumama ang kamay niya sa balikat ko.

Nahigit ko ang aking hininga ng dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Naamoy ko


kaagad ang mabango niyang natural na amoy at ang kaniyang sabon. Pakiramdam ko ay
humigpit din ang hawak ko sa tasa ng ilapit niya ang bibig sa tainga ko.

"A-Anong gi-ginagawa mo?" utal na tanong ko.

Bahagyang tumama sa aking tainga ang kaniyang paghinga. "May muta ka," bulong niya.

Ngingisi-ngisi siyang umayos ng upo habang ako ay nanlaki ang mata dahil sa
kaniyang sinabi, mabilis kong kinapa ang mata ko. Pakiramdam ko ay pulang-pula na
ang mukha ko sa kahihiyan.

"Pinagti-tripan mo ba ako?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Hindi a," ngumiti siya sa akin.

Napa-iwas na lang ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay inaaakit niya ako. And if
he's seducing me, congrats to him because it's working.

Nang matapos akong kumain ay mabilis akong naligo, nagulat pa ako ng makita si
Travis sa labas ng bahay. Nakasandal siya sa kaniyang kotse.

Akala ko umalis na siya, ano pang ginagawa niya rito?

"Get in," aniya ng makita ako.

Kunot ang noo ko lumapit sa kaniya. "Ha? Bakit?"

"Sakay na tss."

"Bakit nga?"

"Malamang isasabay na kita," inis na wika niya.

Bakit ba siya naiinis, e hindi ko naman sinabing isabay niya ako. "Huwag na baka
may makakita pa sa atin sa school," pagtanggi ko.

Kitang-kita ko kung paano niya iikot ang mata at buksan ang pintuan. "Sumakay ka
na, ayokong na-la-late ako," masungit na sabi niya.

Naguguluhan man ay sumakay na ako, pinanuod ko siyang pumunta sa driver seat. "Sino
ba kasing may sabing hintayin mo ako? Karaniwan naman ay nauuna ka talaga ah, bakit
may pasakay ka na ngayon," tanong ko habang inaayos ang seatbelt.

"Because I'm flirting with you," seryosong aniya na deretsyo ang tingin sa harapan
bago paandarin ang kotse.

Napaawang ang labi ko sa sinabi na. What the hell Travis?

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 9
Deretsyo ang tingin ko sa harap habang tahimik na nagda-drive si Travis. Ang ilang
minuto papasok sa iskwelahan ay parang naging kalahating oras sa bagal niyang
pagpatakbo.

Kung anong kinabagal namin ay iyon din kinabilis ng kabog ng dibdib ko.

Hindi ako sumagot sa kaniya kanina, I don't like flirting. I want to hear that he
likes me too. Not for flirting.

Nang isang liko na lang kami bago makarating sa iskwelahan ay tinuro ko ang isang
store. "Dyan mo na lang ako ibaba," usal ko.

Bahagya niya akong sinulyapan. Imbes na bagalan niya ang andar ng kaniyang kotse ay
bahagya niya iyon binilisan.

Nanlaki ang mata ko ng ideretsyo niya iyon sa parking lot ng school. Kinabahan ako
dahil madami na rin istudyante na dumadating.

Hinampas ko siya sa braso ng mai-park niya ang sasakyan sa isang gilid, mabilis
kong tinanggal ang seatbelt at inis na hinarap siya. "Paano ako bababa nyan?!"

"Open the door, tsk."

"Nagbibiro ka ba Travis? May makakakita sa akin na bababa ng kotse mo!"

"Who says I'm kidding? Just fucking open the door and walk naturally. You're just
over thinking. What if they see you? May mata sila natural na makikita nila
Sascha," wika niya.

Bahagya niya pang inayos ang uniform niya at akmang bubuksan ng pinto ng hawakan ko
ang braso niya, bumaba ang kaniyang mata doon kaya kaagad ko iyon binitawan.

"Hindi nila alam na---"

"That we're married?" taas kilay na tanong niya.

Tumango ako. "I'm handsome, I'm a professor, anong kinakahiya mo na asawa mo ako?"
napaawang ang aking bibig sa biglaan tanong niya.

Hindi ko alam pero kakaiba ang tono niya nang sabihin niya iyon.

"Hindi sa gano'n." Umiling pa ako.

"So what?"

"Teacher ka, istudenyante ako. Kahit pa sabibin na legal na tayo hindi pa rin
maganda, may mag-iisip at mag-iisip pa rin ng hindi maganda," paliwanag ko.

Sandali niya akong tinitigan bago bumuntong-hininga. "Stop worrying about what
other people think of you."

Hindi ako nakasagot. "Fine, mauna ka ng bumaba, after five minutes bababa ako kung
'yon ang mas kampante sa'yo," napipilitang aniya.

Napangiti naman ako, mukhang mabait ata si Travis ngayon. "Thanks!"

Mabilis akong lumabas sa kotse niya, may sinasabi pa siya pero hindi ko na narinig
dahil mabilis akong naglakad papasok. Nang makarating ako sa room ay kaunti pa lang
ang mga kaklase ko, naabutan ko si Daryl na kausap si Nade sa dulo. Bahagya akong
ngumiti dahil kahit papaano ay may nakakausap na siya.

"Good morning," bati ko sa kanila.

"Ang aga mo ata ah," komento ni Nade bago tumayo at humarap kay Daryl. "Sige Daryl,
thank you ha," anito saka bumalik sa upuan niya sa harap.

Nakataas ang kilay na bumaling ako kay Daryl. Ano kayang pinag-usapan nila? "Uy,
ano 'yon?" usisa ko.

Ngumiti siya saka umiling. Tama nga ang sinabi niya noon una kaming nagkausap.
Mukha nga siyang malibog ngumingiti ng gano'n. Natawa ako sa naisip ko, "Huwag ka
ngang ngingiti ng ganyan," natatawang usal ko habang inaayos ang bag ko.

Napasimangot siya.

"Do I really look a pervert man?" takang tanong niya saka ngumiti ulit para bang
pina-practice niya kung paano ba dapat ang tamang pagngiti kaya mas lalo akong
natawa.

"Shh. Quiet!"

Napatigil ako sa pagtawa ng sumilip si Travis sa pinto at sinaway kami. Mukhang


dumaan siya at narinig ang malakas kong tawa. Sinamaan niya ako ng tingin bago
dumeretsyo sa kabilang room.

Anong problema no'n?

"Galit ata sa akin si Sir," wika ni Daryl.

Napalingon ako sa kaniya. "Bakit na naman? B-Baka gano'n talaga siya."

Umiling siya. "Hindi e, I feel like he hates me. Yong parang kapag sinasaway niya
tayo ay sa akin siya nakatingin na para bang may nagawa ako, hindi naman ako
maingay sa klase niya."

Kinagat ko ang ibabang labi. Kung pwede ko lang sabihin sa'yo Daryl sinabi ko na.

Hindi na ako sumagot. Mabilis naman lumipas ang oras. Nang maglunch kami ay kasama
ulit namin si Daryl sa canteen. Habang nakapila ako upang umorder ay narinig kong
bulungan sa akin likod.

"Oo nga girl, nagtuturo nga si Sir Travis sa amin kanina tapos mapula mata niya,
may sakit ata."

Hindi ko maiwasan makinig lalo't narinig ko ang pangalan ng asawa ko.

"Siguro nga, kasi no'n nasa room siya namin pinahinaan niya 'yong aircon. Baka nga
may sakit. Hindi ba pwedeng umabsent ang teacher kapag may sakit? Nako kawawa naman
si Sir."

Nagsalubong ang aking kilay. May sakit siya? Kanina naman ay wala. Bakit naman siya
nilagnat bigla?

Mabilis akong umorder at inoble ko iyon para sa kaniya. Siguradong hindi na 'yon
makakababa, bumili rin ako ng gamot. Nakita ako ni Daryl, nagtatanong ang mata niya
ng makitang palabas ako sa canteen pero hindi na ako nagpaalam. Sinenyasan ko
siyang mauna na silang kumain.
Mabilis ang lakad ko papuntang office ni Travis dala ang pagkain at gamot niya.

Kakatok sana ako pero bahagyang nakabukas ang pintuan niya kaya sumilip ako.
Naningkit ang aking mata dahil nasa loob si Ma'am Bea habang pilit na hinahawakan
ang noo ni Travis.

Umiiwas naman si Travis, hindi ko alam pero naiinis ako.

"Sige na kasi Sir Travis uminom ka ng gamot, look oh ang init mo na," anito.

Akmang hahawakan niya ulit ang noo ng asawa ko ay malaking binuksan ko ang pintuan
kaya sabay silang napatingin sa akin. Ngumiti ako, "Sir, ito na po 'yong pinabili
niyong lunch," madiin usal ko saka tumingin kay Ma'am Bea na mukhang nagulat sa
presensya ko. "Good afternoon po Ma'am."

Tumikhim si Travis saka umayos ng upo. "Ma'am Bea you can go now, nandito na ang
lunch ko. You take your lunch too. Thanks for the med," seryosong aniya.

Tumango naman si Ma'am Bea na parang nag-aalinlangan pang umalis. Nang masara niya
ang pinto ay inilapag ko ang tray saka ko chineck ang labas, mabuti at talagang
umalis na siya. Naiirita ako sa paghawak-hawak niya kay Travis.

Lumingon ako kay Travis na pinapanuod ang kilos ko, nakasandal ang ulo niya sa
sandalan ng swivel chair. Bahagyang mapula nga ang mata niya at parang anumang oras
ay makakatulog siya.

Inis na itinabi ko ang gamot na bigay ni Ma'am Bea saka ko kinuha ang binili ko.
"Kumain ka na muna saka ka uminom ng gamot."

"How did you know?" mahinang tanong niya.

Napangiwi ako, "Kahit saan naman ako pumunta puro Sir Travis ang bukang bibig."
Inilapag ko ang kanin at ulam sa kaniya. "Bakit ka ba nagkasakit? Ang lakas mo pa
kanina."

Mahina siyang humalakhak. "Masama lang talaga pakiramdam ko pero hindi pa naman ako
mamamatay, kaya pa nga kitang anakan."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hindi ko siya tiningnan nagkunwari akong
nagsasalin ng tubig sa baso niya na galing sa mineral water.

Halos mapatalon ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko, "Hey calm down," rinig ko ang
pamang-asar na tono niya.

Talagang sinasagad ng lalaking 'to ang karupukan ko sa katawan.

"A-Ano? I-Inaayos ko pagkain mo," nag kunwari akong balewala sa akin ang sinabi
niya pero sa loob-loob ko ay gusto ko ng paglumsay sa office niya.

"Look at me."

Hindi ko siya sinunod.

"Sascha, look at your husband. Come on."

Kinagat ko ang ibabang labi saka tumingin sa kaniya. Ayon na naman ang paghataw ng
kaba sa dibdib ko nang magtama ang aming mga mata. Mapungay ang mata niya habang
may ngisi sa labi, ganito ba talaga 'to kapag may sakit? Kung ano-ano pinagsasabi.
"Why are you so shocked? We are married, of course we will make love, soon.
Magkaka-anak tayo. Don't tell me hindi mo 'yon naiisip?" tanong niya habang
sinisilip ang mukha ko.

Bahagya kong inagaw ang aking kamay sa kaniya, pakiramdam ko kaai ay napapaso ako
sa haplos niya. Mainit na nga siya, dinagdagan pa ng atraksyon na nararamdaman ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Na overdose ka ata sa gamot."

Humalakhak siya, binitawan niya ako saka umayos ng upo. "Sorry, I just want to see
your red face."

"M-Mapula talaga ang mukha ko, kumain ka na nga. May klase ka pa ba mamaya?"
kunwaring inis na wika ko.

"Wala na akong klase." Nginuso niya ang visitor chair. "Move it closer."

Sinunod ko ang gusto niya, inilapit ko 'yon sa kaniya. Nagulat pa ako ng hilahin
niya ako paupo roon. "Let's eat, I'm really hungry."

"Eh mukhang busog na busog ka nga doon kay Ma'am Bea may pa haplos pang ganito,"
ginaya ko ang ginagawa ni Ma'am Bea.

Nakataas ang kilay na sinulyapan niya ako.

"You are jealous, aren't you?"

"Bakit naman ako magseselos doon?"

"You should not," madiin usal niya bago magsimula kumain.

Pagkatapos namin kumain ay ininom kaagad niya ang gamot. Isinandal ulit niya ang
ulo habang pinapanuod akong pagligpit ng pinagkainan namin. Pagkatapos ko ay tinuro
ko ang maliit na sofa sa gilid.

"Gusto mo ba umuwi na o mahiga muna doon?" tanong ko.

Napakunot ang noo ko ng ngumiti siya, 'yong totoong ngiti. Kung noon ay iniimagine
ko lang ang itsura niya kapag ngumiti ay iba pala kapag totoong nakita mo na.

"You treated me like a baby," komento niya.

Natawa ako kahit sa loob ko ay sobrang lakas ng tibok ng aking puso. "Siguro dahil
nakikita ko si Mama noon kung paano itrato si Daddy kaya nasanay na ako," kibit-
balikat ko.

"Why is that? Kapag tayo lang minsan mabait ka, minsan masungit. Tapos sa labas
kulang na lang ay umarte kang hindi mo ako kilala," tanong niya.

Tumayo siya saka humiga sa sofa. Hindi ko siya sinagot. Tinapik niya ang uluhan ng
sofa. "Come here, I need a pillow."

"At mukha akong unan?" tanong ko.

Umupo ako sa tinapik niya, kulang na lang ay tumalon palabas sa lalamunan ko ang
puso ko ng dahan-dahan siyang umunan sa aking hita.

Bahagya kong inayos ang palda ko dahil maikli ito, ngayon ko napagtantong tama si
Travis. Maikli nga.

Bumaba ang tingin ko sa kaniya na nakapikit na. "Travis!" sigaw ko ng umikot siya
paharap sa tiyan ko.

Nakasubsob na ngayon siya sa aking tiyan. Ito na ata ang pinaka intimate na pwesto
namin simula ikasal kami, porket ba may sakit siya kaya naglalambing?

Nakaawang ang labi ko para akong tuod na deretsyo ang upo habang siya ay parang
sarap na sarap sa paghiga. Dahil matangkad siya ay lagpas ang paa niya sa sofa.

Inaantok na nag-angat siya ng tingin. "Pwede bang ganito muna tayo? Kahit ngayon
lang?" parang batang tanong niya.

Wala sa sariling napatango ako.

May sumilay na ngiti sa labi niya bago pumikit at bahagyang hinalikan ang tiyan ko.
"After you graduate, I'll make you pregnant. Lalagyan ko na 'to ng laman," antok na
bulong niya bago tuluyan makatulog

Naiwan naman akong napanganga. Napahawak pa ako sa gilid ng sofa.

Alam kong masama pero pwede ko bang hilingin na araw-araw na lang may sakit si
Travis para ganito siya ka-clingy.

Damn. I think I like him so much.

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 10:

Napangiwi ang nang makita si Kevin sa malayo habang naglalaro ng valleyball.


Masyado naman kasing halata ang bakla na sinasadyang bungguin ang gwapo sa kakampi
niya, sigurado akong nananansing lang ito.

Nakaupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno. Kasama ko si Alice pero pakiramdam
ko'y wala akong kasama dahil tutok na tutok ito sa pinapanuod na anime.

Sinubukan kong dumungaw sa kaniyang cellphone at bahagya pa akong napatigil ng


dalawang lalaki ang naghahalikan doon. Kaagad kong tinabig iyon at napangiwi sa
kaniya, kung anong kina-amo ng mukha ay siyang kinadumi ng isip.

"Ano ba 'yang pinapanuod mo, Alice?" tanong ko sa kaniya kahit pa nga nakita ko na.

"Yaoi," nagkibit-balikat siya saka bumalik sa panunuod.

Hindi ko na siya pinansin at ibinalik ko na lang ang aking tingin kay Kevin na
binubunggo-bungo pa rin ang lalaking kalaro. Si Lisa naman ay hindi namin kasama
dahil table tennis siya sumali.

Napalingon ako sa kanan ko ng may umupo doon. Napangiti ako ng makita si Daryl.

"Tapos na ang last subject mo?" tanong ko. Irregular student siya kaya may ilang
subject siya na sa ibang section lang tini-take.

"Yup, we had a quiz," simpleng sagot niya bago ilibot ang paningin sa buong field
kung nasaan kami.
Marami pang istudyante dahil practice sa hapon.

Nasa ganon kaming posisyon ng may magsalita sa gilid namin. "Daryl, can I talk to
you for a minute?" bahagyang napataas ang kilay ko kay Nade. Iyong kaklase namin.

Bahagyang sumulyap sa akin si Daryl bago sumagit "Sure, Nade. What is it?"

Nag-iwas tingin ako ng ngumiwi siya, "Tayo lang sana."

"Ah, Okay?"

Tumayo si Daryl at lumayo nga sila, pumunta sila sa isang puno sa medyo malayo sa
amin. Hindi na ako lumingon pa, nitong mga nakaraan araw ay napapadalas ang pag-
uusap nila. Hindi naman sa pagiging chismoso, pero parang gano'n na nga. Parang may
tinatago ang dalawa na 'yon.

Pumalumbaba ako saka ko naisip ng sinabi ni Travis ilang linggo na ang dumaan.

He will make me pregnant. Damn.

Naiisip kaya ng lalaki na 'yon ang pinagsasabi niya sa akin no'n? Dahil ng magising
siya ay nagsungit na naman.

Speaking of Travis, tomorrow is his birthday. Dapat ba ay magregalo ako? Ano naman
ibibigay ko? Saka ang baon ko naman ay sa kaniya rin galing. Pera rin niya iyon.

Nakuha ang atensyon ko ng mga kumpol ng babaeng istudyante sa hindi kalayuan.

Napataas ang aking kilay ng makitang si Travis ang sinusundan nila ng lakad. Gosh,
wala bang mga magawa ang mga babae na 'yan? Saan course ba sila? Tourism?

"Tsk," napailing ako ng makitang hinarang ng dalawang babaeng may malaking suso si
Travis at parang may pinapa-check dito.

May inabot silang papel, naningkit ang aking mata.

Nag-uusap sila kaya nilagyan ko sila ng boses. Habang bumubukas ang bibig nila.

"Sir, ito na po ang bagsak namin na grade," ang isang babae ang nagsasalita.
Niliitan ko ang boses ko.

Nakita kong ngumiti si Travis. Nilakihan ko ang boses ko katulad ng sa kaniya. "Ah
sige, tanga ka naman talaga."

May sinasabi pa ang babae, "Thank you, Sir."

Nang lagpasan sila ni Travis ay napabuntong-hininga na lang ako. Nababaliw na ata


ako, mabuti't busy si Alice at hindi narinig ang mga pinaggagawa ko.

"Men like big tits," komento ko habang nakapalumbaba.

"No, not all."

Halos mapatalon ako ng magsalita si Daryl. Lumingon ako kung saan sila nag-usap ni
Nade, nakita kong palayo na ito.

"T-Tapos na kayo mag-usap? Ano ba pinag-uusapan niyo?" usisa ko para maiba na rin
ang usapan.
Umiling siya, gaya noon kapag tinatanong namin siya. "Wala lang iyon."

"Aysus, ganyan din sinabi ng mga magulang ko no'n tapos sila nagkatuluyan,"
humalakhak ako.

Bahagyang tumabingi ang ulo ni Daryl habang nakatingin sa akin kaya naitikom ko ang
bibig ko. Sakto naman na histerikal na naupo si Kevin sa harap namin.

"Mga bakla nakakapagod," hingal na wika niya at ginawang pamaypay ang palad.

"Anong nakakapagod doon sa ginawa mo e ibang bola ang sinasapo mo," pinanlakihan ko
siya ng mata ng tumawa lang siya bago uminom ng tubig na nasa itaas ng lamesa.

Napailing ako.

Aasarin ko pa sana siya ng makatanggap ako ng tawag.

Tatay T calling...

Nangiwi ako ng sinagot ko iyon.

"Come here," kaagad nanuyo ang lalamunan ko ng marinig ang boses ni Travis sa
kabilang linya.

Pinalitan ko talaga ang pangalan niya sa phone ko dahil madalay kasama ko ang mga
kaibigan ko't baka makita pa.

Hindi pag hihinalaan kapag Tatay ang nakalagay, baka nga lang akalain nilang sugar
daddy ko 'to.

"W-Why? Where?"

"Look at faculty building," utos niya.

Bahagya muna akong tumingin kay Daryl na ngayon ay dinadaldal na ni Kevin. Sumulyap
ako sa building na sinasabi niya.

Nabagya pang nanlaki ang mata ko ng makita siyang nakatayo doon at nakapatong ang
braso sa railings habang nakatingin sa gawi namin.

"Come here," ulit niya.

Tatanggi sana ako dahil kasama ko ang mga kaibigan ko pero pinatay na niya ang
tawag saka siya pumasok sa office niya.

Pasimple kong inayos ang buhok ko.

"A-Ano... mauna na kayo umuwi ha. May gagawin lang ako," usal ko saka mabilis na
sinukbit ang bag.

Nagtanggal ng earphone si Alice ng makita akong tumayo. "Hala e saan ka na naman


gogora bakla?" tanong ni Kevin.

"Basta mauna na kayo, may nakalimutan lang ako gawin. Hihintayin niyo ba si Lisa?"
tanong ko.

"Oo, tapos na rin 'yon."


Tumango ako bago naglakad palayo. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin nila kaya sa
ibang daan ako dumaan upang hindi nila ako makita. Kung dederetsyo ako sa field ay
kaagad ako makakarating doon ang kaso ay alam kong nakatingin sila kaya kailangan
ko pang dumaan sa kabila.

Sinigurado kong walang makakakita sa akin ng pumasok ako sa office ni Travis.


Tumingin ako sa bench kung nasaan kami kanina at nandoon pa rin silang tatlo.

Nang makapasok ako ay naabutan ko siyang naka-upo sa swivel chair niya at may
sinusulat.

Napa-angat ang kaniyang tingin sa akin. Nilock ko naman ang pintuan bago lumapit sa
gilid ng lamesa niya.

"Bakit?"

"Here." Inusog niya papalapit sa akin ang isang puting papel.

Kunot-noong kinuha ko iyon at binasa.

Dear Teachers,

I am writing to explain that Sascha Gayle De Vega studying at your class was unable
to attend school today. Since yesterday evening she has been complaining of stomach
ache. I have taken her to the doctor for medicine and hopefully, she will be better
soon.

Thanks for your cooperation.

Sincerely,
Mr. De Vega

Bahagya akong natigilan sa nabasa ko at nagtatakang tumingin sa kaniya. "A-Ano


'to?"

Sumandal siya. "Excuse letter."

"Nino?"

"Do you know another Sascha De Vega?" sarkastikong aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Akala ata ng gurang na 'to nakikipag-biruan ako sa


kaniya e.

"Kanino nga?! Bakit ako aabsent?!" inis na tanong ko.

"That's yours. Hindi ka papasok bukas," kalmadong wika niya.

Napatuwid ako ng tayo saka nagtatanong na tinitigan siya. Wala naman akong sakit,
bakit ako aabsent?

"Bakit?"

Inirapan niya ako na para bang dapat ay alam ko ang dahilan kung bakit ako aabsent
bukas. Attitude ka?
"Travis, bakit nga?! Para naman 'tong ano e."

"Tsk, aalis tayo."

Ibinaba ko ang papel bag ko. "Saan tayo pupumunta? I can't skip a class, mahirap
kaya umabsent ng kahit isang araw," sinimangutan ko siya.

"Basta, just give that excuse letter to your classmates."

"Ay, ayoko nga. Hindi ko naman alam kung saan e," pagmamatigas ko kahit sa loob-
loob ko ay nae-excite ako kung saan kami pupunta.

Napahilot siya sa sentido na para bang hirap na hirap siyang kausap ako. Ang arte.
"Fine, pupunta tayong bundok. Maghihiking tayo."

Namilog ang mata ko. "Talaga?" minsan na akong naka-akyat ng bundok, kasama ko ang
mga pinsan ko noon at sobrang nakakapagod pero masaya kasi maganda ang tanawin
kapag nasa itaas na.

"Yup."

Hindi ko alam pero lalo akong na-excite. "Sige iaabot ko na 'to sa kaklase ko
labas," masayang wika ko saka ako nagmamadaling lumabas para makahanap ng kaklase
ko.

"I'll wait you to our car." narinig kong pahabol niya.

Mabilis ang aking lakad pabalik sa bench kung nasaan kami nakaupo kanina. Napangiti
ako ng maabutan silang apat doon, nandoon na si Lisa.

"Hey, uuwi na kayo?" bahagya pa silang nagulat sa presensya ko.

"Oh, akala namin nakauwi ka na," ani Daryl.

Umiling ako saka inilapag ang excuse letter na ginawa ni Travis. "Pakibigay naman
'to sa mga prof bukas."

Sabay-sabay silang dumungaw roon. Kahit si Alice ay nakibasa rin.

Nang matapos sila ay napaangat ang kilay ni Lisa sa akin. "Masakit tyan mo, advance
mag-isip?"

"Tatay mo nandito?" usisa ni Kevin

Napangiwi ako, yup. Tatay T is here. Waiting outside.

"Basta pakibigay na lang 'yan. Nasa labas na ang Tatay T ko baka sumabog 'yon sa
galit ayaw no'n ng mabagal," biro ko saka kumakaway na tumalikod na.

Narinig ko pang tinawag nila ako pero dumeretsyo na ako sa parking lot. Mabilis
akong pumasok sa kotse ni Travis na umilaw ng papalapit na ako.

"Nabigay mo?" tanong niya kaagad at pinausad na ang kotse.

Tumango ako saka ko siya nahampas sa braso. "Teka 'yong bag ko!" sigaw ko.

Ngumuwi siya sa akin bago hinimas ang kanan braso na pinalo ko. "I got it," aniya
saka tinuro ang likod.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita doon ang bag ko. Bakit ba kasi lagi kong
naiiwan?

"Masakit ba?" tanong ko ng mapansin isang kamay lang pinanda-drive niya habang
hinihimas pa rin ang braso.

"Ang bigat kaya ng kamay mo, kaliit mong tao," imbes na maawa ay natawa ako kay
Travis.

Ang busangot niyang mukha ay napalitan na rin ng ngiti, natawa rin siya ng lumingon
sa akin.

"Wanna eat something baby?" tanong niya habang nakangiti.

Ang ngiti sa labi ko ay unti-unting nawala dahil parang may narinig ako, hindi ko
lang sigurado kung dinadaya ako ng aking tainga.

Mukhang napansin niyang pagtigil ko kaya sinulyapan niya ako. "What?"

"Anong sabi mo?"

"Huh?" takang tanong niya.

Napailing na lang ako, baka naman nabingi lang ako.

**

Nang makarating kami sa bahay ay sandali siyang nanuod ng balita sa tv bago kami
kumain. Ngayon ay nasa banyo siya't naliligo habang nakaupo naman ako sa kama't nag
fa-facebook.

Nang bumukas ang pintuan namin ay dumungaw roon si Manang, "Iha padala para sa'yo."

Kunot-noo akong tumayo at kinuha ang box na inabot niya.

"Kanino raw po galing Manang?"

"Ah, kay Terron iyan galing."

Tumango ako at nagpaalam naman na siya na bababa na. Patakbo akong bumalik sa kama
at sumampa. Ano naman kaya itong padala ni Terron?

Nang mabuksan ko iyon at makita ang nasa loob ay halos bumuga ako ng apoy.

Mabilis ko siyang tinawagan at wala pang tatlong ring ay sumagot na siya, mukhang
hinihintay talaga ng mokong ang tawag ko.

"Hey my favorite sister-in-law!" masiglang bati niya.

"Lintek Terron, anong gagawin ko rito?!" inis na wika ko.

Humalakhak siya. Nanginginig ang kamay ko dahil naiinis ako sa kaniya.

"Whuuut?" inosenteng tanong niya.

"Anong gagawin ko rito Terron? Really? Lingerie, blindfold, handcuffs, buttplug,


dildos--- oh wait what the fuck are these? Vibrators with different sizes and
shapes? What the hell?! " singhal ko.
Mabilis kong sinara ang box na padala niya kuno.

"Thats for my Kuya's birthday." humagikgik siya sa kabilang linya.

Napangiwi ako. "Your kuya is not a pornstar!" diin wika ko.

"Hello---A---E---I---Hindi--ki--ta marinig. Bye!" mariin akong napapikit ng pinatay


niya ang tawag.

Sira ulo talaga ang lalaking iyon. Napapailing na kinuha ko iyon saka ako pumasok
sa walk in closet. Isasaoli ko ito sa kaniya at ipapakain ko lahat 'to sa kaniya.

Itinago ko iyon sa pinaka ilalim ng closet.

Nang makalabas ako ay naabutan si Travis na nakadapa na sa kama, bahagya akong


napangiwi dahil mas matambok pa ang puwet niya sa akin.

Nahiga na rin ako, minsan lang ko naliligo sa gabi at iyon ay kapag sobrang
nadumihan o sobrang lagkit ng pakiramdam ko.

Tumalikod ako sa kaniya, naramdaman ko naman na humarap siya sa gawi ko. Pumikit na
ako pero napadilat din ng maramdaman ko ang hininga niya sa aking batok.

"Who called you?" tanong niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago lumunok. "I-I called Terron."

Mas umusog siya papalapit sa akin, "Why?"

Napatuwid ako ng pagkakahiga, pakiramdam ko ay dumidikit na ang kaniyang labi sa


batok ko.

"May sinabi lang ako," usal ko.

"Uh-huh." wika niya.

Mariin akong napakapit sa bed sheets namin ng maramdaman ko na nga ang labi niya sa
batok ko.

"T-Travis, ang lapit mo," nautal na wika ko.

"I know."

"L-Lumayo ka..." bahagya ko siyang siniko pero maling kilos iyon dahil tumama ang
siko ko sa matigas na tiyan niya.

"Why would I?"

"Travis, l-lumayo ka, masikip."

Narinig ko ang mahina niyang halakhak bago lumayo, doon lang ako nakahinga ng
maluwag.

"I like tight," halakhak niya.

Mariin akong pumikit. Dammit Travis. I'm tight!

***-----------------------------------------------------------
Kabanata 11

Yakap ko ang aking sarili pagkatapos kong ilock ang gate ng bahay. Narinig kong
bumusina si Travis sa aking likod kung saan nakaparada ang trailblazer niya.
Bahagya ko siyang inirapan bago pumasok sa kotse niya.

If he wants me to move fast edi sana ginising niya ako maaga, nang gisingin niya
ako ay nakaligo na siya saka niya minadali.

"Bag?" tanong niya ng paandarin ang kotse.

"Check." Humikab ako.

"Water? Our food?" tanong niya ulit tinanaw ko naman ang ilaw sa mga poste
pagkaliko namin sa highway.

"Nasa backpack na itim," halukipkip ko at niyakap ang suot kong jacket na itim.
Nakasuot ako ng gray na leggings at sa ilalim ng jacket ko ay itim na sports bra.
Baka kasi uminit mamaya edi tatanggalin ko na lang ang jacket ko.

Humikab ulit ako, nakita kong tumango-tango naman si Travis.

Ala-singko pa lang ng umaga at umalis na kami para raw hindi mainit kapag nagsimula
na kaming umakyat ng bundok.

Speaking of bundok, sa Mount Arayat kami patungo. Hindi naman malayo iyon sa amin,
maybe one hour or less.

Bahagya kong sinulyapan si Travis. He's on his usual poker face. Deretsyo ang
tingin niya sa kalsada animong hindi kumukurap, wala naman masyado pang bumibiyahe
kaya mabilis ang andar namin.

Hindi ko pa siya nababati ngayon araw, hindi ko alam paano siya babatiin ng happy
birthday. Should I tap his shoulder and say happy birthday? or just say happy
birthday without looking at him? Damn! Ang awkward lang. Siguro mamaya na lang.
Wala akong biniling regalo sa kaniya, hindi ko alam kung anong gusto niya.

Naisip ko, wala pa talaga akong masyadong alam sa asawa ko.

Gusto ko matawa, asawa? Wow, big word. Hindi ko nga alam kung hanggang saan kami
aabot knowing that we are here in this marriage without feelings, without love.

Napabuntong-hininga ako, kitang-kita ko ang pagbuga niya ng hangin bahagyang


gumalaw ang kaniyang balikat dahil doon.

Kapag tumatama ang ilaw galing sa mga poste na dinaraanan namin at mga sasakyan na
nakakasalubong namin ay mas nakikita ko ang seryoso niyang mukha.

I like him.

Hindi ko lang maamin, siguro dahil sanay ako na ang lalaki ang unang kikilos.
Natatakot akong baka hindi niya masuklian kung ano itong nararamdaman ko.

"Stop it, I can't drive if you continue watching me like that," basag niya sa
katahimikan saka bahagyang sumulyap sa akin.
I bit my lower lip, I realized that I'm watching him too much. Tumikhim ako at
umayos ng upo.

"Travis, ilan naging babae mo?" wala sa sariling tanong ko.

Kita ko ang pagtaas ng kilay niya, inilagay niya ang kaliwang siko sa salamin sa
kaniyang gilid.

"Babae?" he asked flatly.

"Y-Yup, babae. Girl friend? Bago tayo ipagkasundo, bago ka pinilit sa akin. I'm
sure you had a---"

"Wala akong naging kasintahan. I was busy studying when I was on college," simpleng
sagot niya.

Nakuha na niya ang buong atensyon ko pero hindi ko pa rin pinahalata. Kunwari ay
nanlalata at inaantok pa rin ako na nagtanong. "How about highschool year?" taas
kilay ko.

Sumulyap siya sa akin, bahagyang bumagal ang pagpapatakbo niya.

"Bakit noong high school ka ba may lalaki ka na?" tanong niya, ako naman ang
nagtaas ng kilay dahil sa tanong niyang iyon.

Napaismid ako, gusto kong isigaw sa mukha niya na hindi pa ako nagka-boyfriend pero
hindi ko iyon gagawin.

Nagkibit-balikat ako sa tanong niya at nagkunwaring inaantok. Humikab ako,


"Matutulog muna ako ha?" hindi ko na siya hinintay sumagot, pumikit ako pero hindi
naman ako dinalaw ng antok.

NANG makarating kami sa bukada ng Mount Arayat ay nagbayad si Travis ng entrance


namin para maka-akyat. Narinig kong nag-offer ang isa doon ng guide pero
tinanggihan ni Travis. Kapag talaga kami naligaw dalawa ay sasapakin ko siya.

Nakakainis dahil nanuod pa naman ako noong nakaraan ng movie na wrong turn, iyong
naliligaw sila sa gubat at may mga cannibal na makikita sila. Gosh, wala naman
sigurong ganito dito 'di ba? Bakit ba kasi ngayon ko lang naalala. Masyado akong
okupado kagabi sa sobrang excited ko.

Papasikat pa lang ang araw, may ilan kaming nakasabay na umakyat. May ilang grupo
na nauuna sa amin na sa tingin ko ay magbabarkada.

"Travis, paano kapag may mga cannibal dito?" takot na tanong ko saka mas binilisan
ang pagsunod sa kaniya dahil ang laki ng hakbang niya.

Hindi siya sumagot.

"Travis, paano kung may ditawa dito tapos kunin ka? Paano ako uuwi?"

Narinig ko ang hagikgikan ng tatlong babae sa likod namin siguro ay narinig nila
ang sinabi ko.

Huminto si Travis sa paglalakad at nakangiwing bumaling sa akin. Nauna na ang


tatlong babae na nagbubulungan pa. Hah! Chismosa!
"Huwag kang salita nang salita, mabilis kang mapapagod." kunot ng nuong aniya saka
tinanaw ang mga naglalakad na medyo naiwan na kami.

Ngumuso ako saka tumango. Akala ko ay maglalakad ba siya pero sinapo niya ang
backpack na dala ko para bang tinitimbang niya ang bigat noon. Sa akin ang kulay
blue na ang laman ay mga damit namin pamalit, habang dala naman niya ang itim na
bag na may laman tubig at pagkain.

"Mabigat ba?"

Huminga ako ng malalim dahil kumabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko tuloy ay ang
hirap huminga.

"Mabigat?" dinungaw niya ang mukha ko kaya mabilis akong ngumiti at umiling.

"Hindi naman, tara na baka maiwan tayo," yaya ko saka nagpati-unang maglakad.

Hindi naman kasi talaga mabigat.

Noong una ay may daan pa akong nakikita, dahil sa mga dinadaanan ng ibang naghi-
hiking. Hindi pa masyadong mahirap paakyat pero habang tumatagal ay pahirap na nang
pahirap at matarik na.

Kung minsan ay kailangan kong kumapit sa mga kahoy at bato upang hindi ako madulas.
Kung minsan din ay nauuna sa akin si Travis para alalayan ako paakyat, kung minsan
naman ay nasa likuran ko siya para alalayan din ako.

"Ang init!" sigaw ko ng makaakyat ako sa isang bato.

Winagwag ko ang jacket na suot ko. Pinanuod ko si Travis na walang hirap na


pumanhik.

Kinuha ko ang panali ng buhok na nasa aking pulsuhan saka ako nag ponytail. Nang
lumingon ako kay Travis ay naabutan ko siyang nakanguso habang nakatingin sa isang
puno.

"Inom muna tayo," aniko.

Tumango siya saka ibinaba ang bag, uminom ako nang natapos ako ay nagulat ako ng
agawin niya ang tumbler ko at doon din uminom.

"Hey, akin 'yan," angal ko.

Hindi niya ako pinansin, uminom siya't ibinalik ang bote sa loob. Bahagya niya
akong pinasadahan ng tingin, kaya pinasadahan ko rin ang suot niyang sweatshort at
isang sandong itim. Napanguso ako ng makitang bahagyang namumula na ang braso niya.

"Ano suot mo sa ilalim nyan?" turo niya sa jacket ko habang sinusukbit ang bag.

Kumunot ang noo. "Sport bra."

Sumeryoso siya saka humalukipkip. "Let me see it."

"Ha?"

"Titingnan ko, kung ayos naman hubarin mo jacket mo pero kung kulang na lang ay
ilantad mo kaluluwa mo sa lamok dito magtiis ka sa init," masungit na aniya.
Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa mukha, hiya at inis ang parehas kong
naramdaman. Hiya dahil gusto niya iyon makita at inis dahil sa yabang niya.

Inis kong inalis ang bag na dala ko n kaagad naman niyang hinawakan saka ko hinubad
ang jacket na suot ko.

"Oh."

Ngumiti ako para ipakita sa kaniya na ayos naman ang suot ko. Umiling siya na para
bang nakaka-disappoint ang suot ko kaya nainis na talaga ako.

May dalawang lalaki na nilagpasan kami.

"Suotin mo ulit ang jacket mo Sascha," diin wika niya.

Umiling ako saka mabilis na inagaw ang bag at pinasok doon ang jacket bago
nagpatiuna sa kaniya.

Hah! Huwag niyang dalhin pagiging teacher niya rito! Abat akala ata susunod ako
basta-basta sa kaniya. Ayos naman ang damit ko.

Hindi ko siya nilingon, pero alam kong nakasunod lang siya sa aking likod.

Bahagya akong huminto ng makitang mataas na rock formation ang dapat kong akyatin.
Ang naunang mga lalaki na nilagpasan kami kanina ay mukhang napansin na mahihirapan
ako kaya binalikan ako ng isa.

"Tulong?" tanong niya.

Inilahad niya ang kamay sa akin para makaakyat ako saka siya ngumiti, ngumiti ako
bilang ganti sa kabutihan niya pero bago ko pa maabot ang kamay niya ay napasinghap
na ako dahil sa matigas na braso na pumulupot sa beywang ko at iniangat ako.

"Push your body up, wife."

Bahagya akong nagulat kay Travis pero ginawa ko ang gusto niya kaya nakaakyat ako.
Wala naman kahirap-hirap na tinukod niya ang palad at tinulak ang sarili pataas.

Napapahiyang nagbaba ng kamay ang lalaking gustong tumulong.

"Salamat," sabi ko.

Sasagot pa sana ito sa akin pero malakas na pinagpag ni Travis ang kamay. "Tara!
Tara!" aniya saka hinila na ako paalis doon.

Nahihiyang nilagpasan na kami ng lalaki at sumama sa kasama niya. Nang mawala sila
sa paningin namin ay tinaasan ko ng kilay si Travis.

"Napahiya ata 'yong lalaki."

Inirapan niya ako, "So what?" ramdam ko ang inis sa kaniyang boses. "Bakit
kailangan mo pa magpatulong sa iba? Pwede mo naman akong hintayin."

"Hindi naman ako humingi ng tulong, siya mismo naglahad ng kamay niya."

"At tatanggapin mo naman? Tsk." Napailing pa siya.

Hindi na kami nag-usap ulit. "Dadaan tayo sa Takwi Falls mamaya pagbababa na tayo,"
turo niya sa isang daan.
Tumango ako at hinayaan siya. Sana lang ay hindi pa kami pagod no'n. Mukhang tama
nga siya na maalam siya rito dahil kahit naiiwan kami ng iba ay alam niya kung saan
kami dadaan.

Manghang-mangha ako ng marating namin ang tuktok. Naabutan namin ang ibang kasabay
namin na apura picturan na. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sobrang pagod.
Pakiramdam ko ay may isang bagay akong nagawa at sobrang sarap sa pakiramdam na
natapos ko iyon. Manghang inilibot ko ang paningin sa buong lugar mula sa itaas.

Ang ganda!

Hindi ko akalain na gano'n kataas ang inakyat ko.

"Wow."

Naramdaman kong tumabi sa akin si Travis at tinanaw rin ang aking tinitingnan. "Ang
ganda," bulong ko ulit.

"Beautiful, indeed." nang lumingon ako sa kaniya ay sa akin siya nakatingin kaya
nagsalubong ang aking kilay.

Umihip ang malakas na hangin. Napangiti ako dahil bahagyang hinangin ang buhok
niya.

Doon na rin kami kumain pero siniguradong hindi mag-iiwan ng basura. Mabuti at naka
box ang pagkain namin na niluto ni Travis.

Nang matapos kaming kumain ay inayos ni Travis ang bag namin sa gilid habang abala
ako sa pagpipicture sa magandang lugar.

Hinarap ko ang camera sa akin saka ako ngumiti. Pumuwesto pa ako sa ibang parte.
Hindi ko alam kung nakailan take pa ako bago may brasong yumakap sa akin galing sa
likuran.

Napasinghap ako at naibaba ko ang cellphone ko dahil kay Travis. Ipinatong niya ang
baba sa aking balikat, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ang kaliwa niyang kamay ay inalalayan ang kamay kong nanginginig na upang itaas
ito.

"Let's take our first selfie," bulong niya.

Kumalabog ang puso ko, may picture kami noong kasal namin pero never pa kami
nagkaruon ng ganitong picture.

Hindi ko maikilos ang daliri ko. Naglagay siya ng timer na limang segundo saka niya
pinindot.

Nanginig ang sulok ng labi ko at sinubukan kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay


kapag binitawan niya ako ay bigla na lang ako mapapaluhod sa panghihina.

Ngumiti rin siya ng tatlong segundo na lang.

"I love you," he whispered.

Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag clicked ng camera.


***-----------------------------------------------------------

Kabanata 12

Ilang beses akong kumurap dahil sa sinabi ni Travis. Bigla akong nanigas, ramdam ko
ang pagtuwid ng aking tayo. Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko. Siya naman
ay kinalas ang pagkakapalupot ng braso sa aking beywang saka tumabi ng tayo sa akin
gilid.

I couldn't look at the people around us. He's completely conquered my senses.
Ipinatong niya ang kaniyang siko sa barandilya at tumanaw sa malawak na mga puno sa
ibaba.

His biceps are firm. Bahagyang gumalaw rin ang kaniyang adams apple.

Hindi ako makapagsalita! I can't compose even a simple sentence.

Basta nakatayo lang ako doon at nakatingin sa kaniya, naghihintay kung duduktungan
ba niya. Narinig ko ang sinabi niya. Rinig na rinig ko at talaga naman kakaiba ang
epekto ng tatlong salita na iyon sa akin.

I want to say that I feel something for him too! That I'm attracted to him.

Bahagya niyang kinamot ang batok saka niya ako sinulyapan. Nang magtagpo ang mata
namin ay ibig ko na lang lumuhod sa pagkalata ng tuhod ko, humawak ako sa
barandilya para hindi iyon mangyari.

"You don't have to answer that," gagad na usal niya.

Tipid siyang ngumiti pero alam kong pilit iyon. Ibinalik niya ang atensyon sa
kaniyang harapan.

"I just want to tell you my feelings, that's all. Hindi mo naman kailangan
sumagot," malamig na wika niya.

Parang may kung anong kuryente sa batok ko na naglakbay sa aking likod ng ilahad
niya ang kamay sa akin.

Magkatabi lang kami ngunit may distansya. Parang mas gustong niyang mas lumapit pa
ako, matangkad siya kaya bahagyang naka-angat ang aking tingin sa kaniya.

His eyes were dancing with a familiar emotion. My heart pounded and my hand began
to sweat.

Wala sa sariling tinanggap ko ang kaniyang kanan kamay. Pinagsiklob niya ang aming
mga kamay. Malaki ang kaniyang palad pero pakiramdam ko ay saktong-sakto ang aming
mga palad.

He pulled me slightly to get close to him. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-


hininga dahil hindi na ako makahinga. Kinakabahan ako.

Umihip ulit ang malakas na hangin. Maingay sa paligid namin pero parang kabog lang
ng puso ko ang naririnig ko. Ngumuso ako bago tumanaw sa tinitingnan niya sa aming
harap.
He caressed my fingers. Nang matagpuan niya ang aking daliri na may singsing ay
doon siya namalagi. Bahagya niyang hinihimas ang singsing ko doon.

Pwede pala 'yon, ang maging masaya ka kasabay ng sakit at takot. Hindi ko
maipaliwanag ang saya ko ng sabihin niyang mahal niya ako, masakit kasi hindi ko
maramdaman. Parang kulang na kulang pa 'yong mga pagsasama namin. Hindi ko alam
kung paano niya nasabing mahal niya ako gano'n pinagkasundo lang kami.

Natatakot akong baka, baka madali lang para sa kaniya bitawan ang salita na 'yon.
Nakakatakot magtiwala kaagad.

Gusto ko man suklian ang sinabi niya kanina ay nanaig pa rin ang kagustuhan kong
bigyan pa ng mas mahabang panahon ito.

Para kung dumating ang araw na bawiin niya ang sinabi niya at sabihin nabigla lang
siya, ay hindi ako masasaktan ng husto.

Ayoko magpadalos-dalos sa aking nararamdaman. Paano kung dumating ang araw na


naisip niyang hindi pala niya ako kayang pakisamahan dahil mas bata ako, na mas
gusto niya ang mas matured.

"Did you know why your ring has a three diamonds?" pagbasag niya sa katahimikan.

Doon bumaba ang tingin ko sa aking singsing na sinuot ko ngayon dahil aalis kami.
Hindi ko maiwasan pamatingin sa daliri niyang may singsing din. Napangiti ako.

"Bakit?" tanong ko.

Sumulyap siya sa akin. "Three diamonds because I met you three times before our
marriage," kalmadong aniya.

Sinubukan kong alalahanin iyon. "Dalawa lang kaya." Tsk. Dapat dalawa lang, iyong
family dinner tapos engagement party lang.

Ngumisi siya habang nasa singsing ko pa rin ang tingin.

"Tatlo. Bata ka pa noon una, seven years old ka pa lang no'n," napalingon na ako sa
kaniya habang kunot ang noo.

"Talaga? Bakit hindi ko na naaalala?" manghang tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya may sumilay na kakaibang ngiti sa labi niya na parang
may inaalala. "Nakita kitang umiihi sa garden niyo no'n. Hindi ko alam bakit doon
ka umiihi." Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi. "Umiyak ka no'n kasi sabi mo,
bad iyon makita ng lalaki. I was fifteen that time. Imagine a kid crying out loud
because I saw her private part, accidentally." Humalakhak siya.

Alam kong pulang-pula na ang aking mukha. Hindi ko na maalala ang sinasabi niya
pero base sa mukha niya ay totoo iyon.

Nahiya ako sa sinabi niya. Ang bata ko pa noon! Saan ko ba nakuha ang mga gano'n?

Humarap siya sa akin. "You didn't stop crying not until I promised that I'll marry
you when you grow up."

Ngumiti ako pero nalungkot din ako. Kaya ba siya pumayag na ikasal sa akin dahil
doon? Dahil sa pangako na 'yon?

Ang babaw naman ata.


"S-So dahil sa promise mo k-kaya ka pumayag na---"

"No, I married you because I like you. More than that. Sinubukan kong pigilan. God
knows how I stopped myself from wanting a kid."

Mabilis kong binawi ang kamay ko at sinapak siya sa braso.

"Anong kid ka dyan?!" pinandilat ko siya at humalakhak naman siya.

Nang tumigil siya sa pagtawa ay mataman niya akong tinitigan. "I'll work hard to
get your trust, your love, your everything. Sascha. I will do everything to work
this marriage. I will correct everything, I may not be a vocal person but I promise
you, araw-araw kong ipaparamdam sa'yo na tama ang desisyon mo na ako ang kasama sa
pagtanda mo," madamdamin aniya.

Magkatapat na kami, inipit ko ang ilang buhok na tumatabing sa mukha ko dahil sa


hangin.

"Let's work hard. Dalawa tayo rito sa relasyon na 'to Travis." Sa huli ay nasabi ko
rin. I want this too. Gusto ko rin maayos 'to.

Bumuga siya ng malalim na hininga na para bang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi
ko.

Napalunok ako ng halikan niya ang aking ilong. Isang dampi lang 'yon. Napakurap-
kurap ako kasabay ng pagpitik niya sa noo ko.

MABILIS lumipas ang oras. Nanatili kami ni Travis doon, parang may natanggal na
tinik sa dibdib ko ng malaman ang saloobin niya. Nakakatakot pero nae-excite ako sa
mga susunod pang mangyayari sa amin.

I want to give him a chance, I want to give myself a chance too. Siguro ayos lang
naman 'to.

Nang nagsawa na kami sa itaas ay napagpasyahan namin na bumaba na. Nakailang


picture pa kami ni Travis. Ang unang picture namin na malaki ang mata ko na parang
tarsier ay ipinasa pa niya sa cellphone niya.

Kagaya ng sabi ni Travis ay pumunta kami sa isang falls. Medyo pa-hapon na kaya
makulimlim na, hindi malaki ang falls, ang tubig ay hanggang sa tuhod ko lang at
ang falls ay umaagos sa bato pababa.

Sobrang pagod ko dahil ilang rock formation ang inakyat namin bago makarating. Iyon
nga lang ay wala na kaming ibang kasama. Hindi kagaya sa tuktok ng bundok na madami
kami.

Halos lamunin kami ng katahimikan.

Ibinaba ni Travis ang dalang bag sa isang bato kaya ibinaba ko rin ang aking dala.

Mabilis niyang hinubad ang suot na sandong itim dahilan para mapanganga ako.

"H-Hoy Travis anong ginagawa mo?!" nanlaki pa ang mata ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Maglilinis lang ako ng katawan. Di ba may pampalit
kang dala? Maglinis ka rin para hindi ka mangati pagbaba natin."

Tumalikod siya saka lumapit na sa falls. May hindi kalakihang bato sa ilalim ng
falls, naupo siya doon at pumikit. Ni hindi niya tinanggal ang kaniyang sapatos.

Ilang beses ko ng nakitang hubad baro si Travis pero iba pala ang dating kapag
ganyan. Nakapikit siya habang hinahayaan mabasa ang buo niyang katawan ng tubig
galing sa falls.

Tingnan mo 'tong lalaki na 'to. Linis lang daw pero ligo na ang ginawa.

Sumunod ako sa kaniya. Malamig na tubig ang bumalot sa aking hita papunta sa
kaniya. Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko kaya dumilat siya.

Nang makita niya akong papalapit ay kaagad niyang inilahad ang kaniyang kamay.

Napanguso ako dahil para akong batang inaabangan niya sa dulo. Ang titig pa niya ay
nakakakababa.

Nang tuluyan akong makalapit ay pinirmi niya ang kanan kamay sa aking beywang
habang ang isa niyang kamay ay tinanggal ang tali ng aking buhok.

"Travis!" inis na usal ko dahil sumabog ang buhok ko.

Hindi niya ako pinansin, inilagay niya sa pulusan ko ang panali bago bahagyang
suklayin ang buhok ko animong seryosong bagay iyon.

"A-Akala ko ba maglilinis ka lang, bakit naligo ka na?" tanong ko.

Bumukaka siya at mas inilapit ako sa kaniya. Tumama ang aking puson sa bato na
inuupuan niya. Naramdaman kong nabasa ang aking leggings.

Hindi siya sumagot. Pinatalikod niya ako saka ako hinila upang makaupo sa pagitan
ng nakabuka niyang hita.

Napapikit ako ng tumama na rin sa aking ulo ang mahinang tubig sapat lang upang
mabasa ang aking buhok at katawan.

"Hindi ako m-maliligo," bulong ko.

Humalakhak siya bago iyakap ang dalawang braso sa aking beywang.

Napabuntong-hininga ako dahil sobrang lakas na ng kabog ng puso ko sa mga kilos ni


Travis. Nakaupo ako sa gitna niya habang nakayakap siya mula sa likod.

Basa na kaming pareho. Mas humigpit ang yakap niya para bang natatakot siyang sa
sobrang basa ko ay madulas ako't mabitawan niya.

Ipinatong niya ang baba sa aking balikat kaya bahagya ko siyang nilingon.

"I'll be a good husband," bulong niya.

Dinampian ng halik ang aking balikat. Naka-sports bra ako kaya tumama ang labi niya
sa aking balat, kinilabutan ako doon.

"If you are sad, I will be your smile." hinalikan niya ulit ako doon.

"If you feel alone, I will be your shadow." Tumaas ang kaniyang halikan sa ibaba
ang aking tainga, sa aking panga.

Napalunok ako. "If you are lost, I will be your home, Sascha Gayle De Vega."
Napahawak ako sa braso niya ng halikan niya ako sa tainga. Mainit ang hininga niya
kaya nakiliti ako. May kakaiba akong nararamdaman na ngayon ko lang naramdaman.

"T-Travis... what a-are you doing?"

"You made me love you, now I am your responsibility," bulong niya.

Mariin akong napapikit dahil hindi ko na napigilan maiyak. Sobrang saya ko. Yung
pakiramdam na sa wakas ay may nakakakita ng halaga mo, na sa wakas ay may isang tao
na mamahalin ka higit pa sa kaya mong ibigay.

Bago ako sa ganitong pakiramdam kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong
reaksyon. Parang hinahamplos ang puso ko sa tuwa.

Bumubuhos ang tubig sa mukha ko kasabay ng luha. Nang mapansin ni Travis ang aking
pag-iyak ay hinawakan niya ang baba ako saka pinaharap sa kaniya.

Sandali kaming nagkatitigan. Ang mga mata niyang para akong hinihigop.

Lumapit ang kaniyang mukha sa akin, ang akala ko ay hahalikan niya ako sa labi pero
dumeretsyo ang labi niya sa aking mata na para bang gusto niyang alisin ng mga luha
ko gamit ang kaniyang labi.

Dinampian niya ako ng halik sa pisngi. Mas napahigpit ang kapit ko sa braso niya ng
magtama na ang aming ilong.

"Can I kiss you, baby?" He whispered agaisnt my lips.

Mapungay ang mata niya para bang nagsusumamo ito para sa aking mga sagot.

Dahan-dahan akong tumango. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya bago ako halikan
sa labi.

He gave me soft kisses. Dampi-dampi lang iyon animong natatakot siyang baka mabasag
ko. Napapikit ako ng hawakan niya ang panga ko upang mas humarap pa sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano humalik, nakakanuod na ako ng mga pelikula pero kapag ikaw
na pala ang nasa sitwasyon ay hindi mo na alam kung nganganga ka o ano.

Tumayo si Travis habang hindi naghihiwalay ang aming labi. Ang akala ko ay tapos na
ngunit halos mapasigaw ako ng buhatin niya ako paupo sa bato at siya ngayon ay
nakatayo.

Ang halik ni Travis ay unti-unting lumalim. Ang mga munting halik ay nauwi sa
malalalim. Kinagat niya ang aking ibabang labi dahilan upang mapaawang ito.

Sinubukan kong gayahin ang galaw ni Travis sa huli ay ngumiti siya dahil sa
ginagawa ko saka ako mahigpit na niyakap.

Habol ko ang hininga habang mahigpit akong yakap ni Travis. Napakurap-kurap ako sa
pwesto namin.

Halos nakabukaka na ako at siya ang nasa pagitan ko, ang braso kamay ko ay nasa
dibdib na niya. Naiilang na isinarado ko ang aking hita kaya bahagya siyang tumawa.

Ang saya ha!

"H-Hindi ako marunong humalik, sorry kung--" pinitik niya ang noo ko.
"Shh. I'll teach you. Hindi matatapos ang buwan na 'to na hindi ka marunong
humalik," malambing aniya.

Sumimangot ako, natatawang bumalik siya sa pagkakayakap sa akin.

Napangiti ako at napapikit ng mariin ng halikan niya ang buhok ko.

"Bilisin mong lumaki," bulong niya sa buhok ko.

Humalakhak ako dahil doon. Yan, nagpakasal ka ng bata. Magtiis ka.

**-----------------------------------------------------------

Kabanata 13

Humikab ako habang nakapalumbaba sa lamesa sa canteen, kasama ko ang aking mga
kaibigan kabilang na doon si Daryl. Hindi ko alam kung ilang beses na ang humikab
simula kanina.

Si Travis kasi pinuyat ako.

I can't remember what time did we go to sleep. We came home around eight in the
evening. I remember his astounded face when he saw Terron's gift last night.

"What fucking fuck?" rinig kong sigaw niya habang naglilinis ako ng ngipin sa banyo
namin.

Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang sinisipat ang box. Halos manlaki ang mata ko at
takbuhin ang pagitan namin. Hindi ko alam kung paano niya nakita ang box na iyon
gayon na tinago ko iyon sa ilalim ng closet. Hindi ko alam na mapapansin niya iyon.
Mapasinghap pa ako ng agawin ang box na iyon sa kaniya.

He looked at me while his lips parting slightly.

"Sascha." He called me softly.

Kinagat ko ang ibabang labi saka sinabi sa kaniya ang totoo. "Pinadala 'to ni
Terron kagabi. Hindi ko naman alam na ganyan laman nyan."

Bahagya siyang napakamot sa batok saka nakailang mura sa kapatid bago sa akin
kinuha ang box. Hindi ko alam saan niya iyon dinala, ako pa mismo ang nahiya kahit
wala naman ako kinalaman doon, baka lang isipin niya na ako ang bumili no'n.
Hanggang mahiga kami sa ay nanatiling tahimik ako. Siya rin mismo ang bumasag ng
katahimikan, sinabi niyang hindi naman namin kailangan ng gano'n. Halos ilubog ko
ng mukha sa unan dahil sa hiya sa sinabi niya.

Bago matapos ang araw ay binati ko lang siya ng happy birthday. Nagkwentuhan kami
hanggang madaling araw, 'yong tungkol noong highschool ako, pati 'yong pag-aaral
niya at kung ano-ano pa.

"Puyat sis?" napukaw ang atensyon ko ng pumitik si Kevin sa aking harapan.

I blinked twice before I finally realized that I'm spacing out. Napakurap-kurap ako
saka ko lang nakitang nakalingon na silang apat sa akin.

Napanguso ako, "What?" takang tanong ko saka isa-isa silang tiningnan.


Naningkit ang mata ni Lisa sa akin na para bang kaya niyang basahin ang nilalaman
ng aking isip dahil sa ginawa niya. "Umamin ka ha? Bakit wala ka kahapon tapos
puyat ka pa ngayon, ikaw ha Sascha," tukso ni Lisa sa akin.

Ang mata ni Alice ay tumingin sa akin tapos ay bumaling kay Daryl. "Absent din si
Daryl kahapon, he looks so tired too," komento niya.

Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya, sabay-sabay kaming napatingin kay Daryl
na nagtaas ng dalawang kilay na para bang nabigla siya sa sinabing iyon ni Alice.

"What? May ginawa ako kahapon," kaagad depensa ni Daryl saka sumulyap sa akin.

Kung ano man ang naiisip ng malikot na imahenasyon nila ay maling-mali iyon. Siguro
ay sa kakanuod ni Alice ng kung ano-anong anime ay kung ano-ano na rin ang iimagine
niya. Is she trying to say that I was with Daryl yesterday?

Umiling ako. "Huwag kayong issue dyan, masama ang pakiramdam ko kahapon."

Bahagya pa akong tumawa para hindi halata ang kaba ko. Gusto kong palakpakan ang
sarili ko dahil doon, hindi naman siguro masama magsinungaling kahit ganoon?

Nangtama ang mata namin ni Daryl ay tipid akong ngumiti. I wonder if he is still
working. Ayoko kasi magtanong. Umiwas siya ng tingin bago ituloy ang pagkain.

Bago pumasok sa afternoon class namin ay nagrestroom break muna kaming girls habang
hinila naman ni Kevin si Daryl sa men restroom.

"Mwuah!" malakas na tunog ng labi ni Lisa ng maglagay siya ng lipstick. Sakto ay


lumabas ako sa cubicle kaya nagtama ang mata namin sa salamin.

"Lagyan kitang lipstick, Sascha!" maligayang pahayag niya pero mabilis akong
umiling, bumukas naman ang isang cubicle at lumabas si Alice.

"Huwag na, ayoko."

Inirapan niya ako dahil sa sinabi ko. Kung hindi ko siya kilala ay sasabihin kong
mataray siya pero ganyan talaga siya, humarap naman siya kay Alice at ito ang
kinulat na lagyan ng lipstick.

Naghuhugas ako ng kamay ng marinig ko ang usapan ng dalawang babae na kakapasok


lang sa restroom.

"Oo, kitang-kita ko. Nasa field kami noong dumating 'yong babae," bulungan nilang
dalawa pero dahil sa lakas ng boses ay naririnig ko rin.

"Akala ko si Ma'am Bea 'yong girlfriend ni Sir Travis," pinatay ko ang gripo dahil
narinig ko ang pangalan ng asawa ko.

Bahagya kong sinulyapan sila si Alice na ngayon ay nilalagayan ng kilay ni Lisa.


Siguro ay bumili ito ng bagong gamit at pinag-e-eksprementuhan ang mukha ni Alice.

"Iyon din ang akala ko, pero totoo kanina. Hinalikan pa nga ng babae si Sir Travis
sa pisngi. Ewan ko medyo malayo, parang malapit na ata sa lips 'yon. Siguro
girlfriend niya 'yon, bakit naman niya bibisitahin si Sir kung wala 'di ba?"
madamdaming kwento ng babae.

Humarap ako. I can't stop myself.

Naimagine ko kaagad ang sinabi ng babae, sa field pa talaga huh? Sino naman kaya
iyon?

"Nasaan sila Sir Travis?" tanong ko.

Gulat silang napalingon sa akin dahil sa pagsingit ko. Kahit sila Alice ay
napatitig din sa akin. "Hindi ko na alam, kanina pa 'yon," sagot ng babae pagkaraan
ng ilang segundo.

Napatango-tango ako.

"Tara na," yaya ko sa kanila.

Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng gana. Kaayos lang namin tapos biglang may
babaeng pupuntahan siya sa school pa mismo? Tsk. Sino naman kaya 'yon?

Kinagat ko ang dila ko habang naglalagay para pigilan ang nararamdaman kong inis.

Nang makarating kami sa room ay wala na akong imik pa. Nagkaruon kami ng groupings
sa last subject namin at sakto naman lima kada grupo kaya kaming lima na rin ang
magkakasama.

Naunang umuwi si Kevin dahil dumating na ang sundo niya, sumunod sa kanila si Lisa
at Alice.

"Are you sure you okay here?" pang-tatlong na ata ni Daryl sa akin iyan dahil ayaw
niya pa rin akong iwan.

Ngumuso ako habang tinatanaw ang loob ng school, marami pa naman istudyante. Maaga
pa naman, sadyang maaga lang kaming pinalabas ngayon.

"Ayos lang, Daryl may sundo talaga ako. Sige na mauna ka na," wika ko.

Sandali pa niya akong tinitigan. "Hihintayin ko na lang dumating sundo mo saka ako
aalis."

Kaagad akong umiling, napag-usapan namin ni Travis na katulad ng mga nakaraan araw
ay sabay kaming uuwi.

"Hindi na ano ka ba, dadating din sundo ko. Kung gusto mo para mapanatag kang
makakauwi ako itetext na lang kita mamaya," natatawang wika ko.

Mabait naman talaga si Daryl, alam kong hindi niya lang ko maiwan lalo't mag-isa
lang ako rito sa gilid.

Unti-unti tumaas ang gilid ng labi niya. Sumingkit pa lalo ang singkit na niyang
mata na parang pusa.

"Is that your way to get my number?" humalakhak siya.

Sinapak ko siya sa balikat. "Sira," kinuha ko ang phone ko saka mabilis hinarap sa
kaniya. Inilagay niya doon ang number niya at siya mismo ang nagsave.

"Ingat ha, Sascha," pahabol niya nagsimula maglakad. Kumaway pa siya habang
nakatalikod na.

Pinagmasdan ko siyang lumabas. Baka may trabaho iyon ngayon kaya rin ayoko
magpahintay saka maya-maya ay lalabas din naman si Travis.

Dahil naglalabasan ang mga sasakyan mula sa parking lot ay gumilid ako. Doon ako
tumambay sa isang bench sa gilid ng puno habang hinihintay si Travis.

Chineck ko ang phone ko at may dalawang tawag doon si Travia pero tanghali pa iyon.

Tumingala ako sa puno kung nasaan ako. Medyo dumidilim na ang kalangitan, ang
maingay na field ay unti-unti na rin nawawalan ng tao.

Nang bumaba ang mata ko ay kaagad akong napatayo ng makita si Travis dala ang bag
niya. Tatawagin ko sana siya pero nabitin ang aking kamay sa ere ng lumitaw ang
isang maputing babae sa kaniyang likod.

Natatawa itong hinahabol si Travis na natawa rin dahil may sinabi ang babae.

Hindi nila ako nakita dahil malayo ako, kung hindi ko sila tatawagin ay hindi ko
makukuha ang atensyon nila. Iyon ba 'yong babaeng tinutukoy ng ibang istudyante?

Parang may kumurot sa puso ko habang pinagmamasdan ang babae.  Her hair was kohl-
black and it plunged over her shoulders. She had honey sweet lips. They were like
a lilac soft. Her waist was tapered and she had a burnished complexion. A pair of
arched eyebrows looked down on sweeping eyelashes. Marunong akong mag-appreciate ng
magandang babae pero ngayon, inggit ang nararamdaman ko.

Who's that girl?

Sumunod ang aking mata ng pumunta sila sa kotse ni Travis. Sabay silang sumakay
doon. Para akong sinampal ng katotohanan habang pinapanuod kong umalis ang kotse ni
Travis sakay ang isang babae.

Akala ko ba mahal niya ako? Ano 'yon? Hanggang isang araw lang 'yong pagmamahal?

Naikuyom ko ang aking kamay kasunod ng pagpatak ng ulan. Mahina lang noong una
hanggang sa lumaki na nang lumaki ang patak. Nasa ilalim ako ng puno pero hindi
sapat iyon upang iligtas ako sa ambon.

Napakurap-kurap ako dahil sa isang patak ng tubig sa aking pisngi, hindi iyon
galing sa ulan kung hindi galing sa aking mata.

Mabilis akong napayuko.

Akala ko ba we will work hard for this? E ano 'yon umuwi siya kasama ang ibang
babae, ni hindi man lang ako sinabihan.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa isipin kung saan sila pupunta.

Dumilat ako dahil biglang tumigil ang ulan. Nang maidilat ko ang mata ko ay nagtama
ang mata namin ng lalaking nakatayo sa aking harapan habang may hawak itong payong.

Napait akong napangiti. Bumalik siya.

Pinunasan niya ang basa sa aking pisngi gamit ang likod ng kaniyang palad.

"Let's go home?" he asked softly.

"D-Daryl..."-----------------------------------------------------------

Kabanata 14
Niyakap ko ang aking katawan habang nakatitig sa malakas na ulan sa labas.
Pinapanuod ko kung paano tumama ang tubig sa semento galing sa alulod.

Napukaw lang ang atensyon ko nang may maglapag ng cup noodles sa aking harapan.
Kaagad kumalat ang amoy ng usok nito sa aking ilong. Hmm. Seafood.

"Kumain ka na muna," ani Daryl saka umupo sa aking tabi.

Nasa loob kami ng Seven Eleven hindi kalayuan sa school. Pinanuod kong haluin niya
ang noodles sa harapan ko bago iyon ihipan kaunti.

"Salamat," mahinang wika ko.

Pakiramdam ko ba'y nanlalata ako, nang makita niya ako sa school kanina ay sabi
niyang ihahatid na niya ako. Ni hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila na niya
ako palabas ng school ngunit nang lumiko kami sa isang kanto ay biglang bumuhos pa
ang malakas na ulan kaya sumilong muna kami.

Tumango siya saka nagsimulang kumain.

Hindi ko alam kung bakit pa siya bumalik. "W-Wala ka bang pupuntahan? Naabala pa
kita." Pahina nang pahina ang aking boses habang sinasabi iyon. Sinimulan ko n rin
kainin ang binili niya kahit pa hindi naman ako gutom.

"It's okay, hindi na lang ako tutuloy," kibit-balikat na wika niya.

Pinanuod ko siyang suklayin ang medyo basa pa niyang buhok gamit ang kaniyang
daliri. Napanguso ako, alam kong dahil iyon sa akin. Nang payungan niya ako ay siya
naman ang nabasa. Hindi gano'n kalakihan ang payong niya kaya naman nabasa rin ang
balikat niya habang naglalakad kami.

"Who will fetch you? Your father? Brother? You should contact him," ani Daryl
pagkalipas ng ilang sandali namin pagkain.

Napatigil ako doon at naalala kung sino ang dapat susunod sa akin pauwi. Napalunok
ako nang maalala kung paano umalis ang kotse ni Travis. Ni hindi man lang siya
lumingon sa paligid para hanapin kung nandoon na ba ako. Pakiramdam ko ba'y gawa-
gawa lang niya iyong sinabi niya noong nasa itaas kami ng bundok.

Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko sa aking bulsa, pilit akong kumakala. Siguro
naman ay may dahilan si Travis, hindi ko lang talaga maisip kung ano at kung saan
sila pupunta.

Mas bumagsak ang balikat ko ng makitang patay na ang aking cellphone.

Nang-angat ako ng tingin kay Daryl. I smiled at him but deep down I feel that there
is sadness. Binuksan niya ang mineral water habang nakatitig sa akin.

"Lowbat ako," pinakita ko sa kaniya ang screen ng cellphone ko.

Kaagad niyang nilabas ang sakaniya. Bahagya pa akong nagulat dahil mamahalin iyon.
Hmm. Siguro ipon niya dahil sa pagta-trabaho.

"Here, use my phone," wika niya habang nilalahad sa akin ang itim na cellphone
niya.

Umiling ako. "Hindi ko kabisado ang number n-niya." Bakit nga ba hindi ko kabisado?
Eh bakit ko naman kakabisaduhin. Ni hindi nga siya nagte-text.
Itinago niya iyon saka ako dinungaw para bang tinatanya niya kung anong gusto kong
mangyari. Tumingin ako sa labas, gano'n pa rin ang lakas ng ulan.

"M-Magpapatila na lang ako tapos uuwi na ako," nagsimula ulit akong kumain.

Binuksan niya naman ang mineral water sa harap ko saka inabot sa akin, kaagad ko
iyon tinanggap dahil parang may nagbabara sa aking lalamunan. Hindi ako mapakali.
Ang daming tanong sa akin.

Saan sila pupunta? Sino 'yong babae? At anong ginawa nila sa office buong oras at
hapon na sila lumabas? Tanghali pa sila nakita sa field, ibig sabihin simula no'n
ay magkasama na sila.

Huminga ako ng malalim.

Tinapik naman ni Daryl ang likod ko. "Ayos ka lang ba? Pwede mong sabihin sa akin
kung may problema ka," mahinahong aniya.

Nag-iwas siya ng tingin sandali bago ibalik ang tingin sa akin.

Tipid akong ngumiti. "May iniisip lang ako, kahit gusto ko sabihin sa'yo ay hindi
pwede."

Tumango siya ng mabagal para bang iniisip pa niya ang sinabi ko. Lumipas ang oras
ay nanatili kami doon, nalipat ang usapan namin sa school at sa group project na
gagawin namin para sa prelim.

Hinatid ako ni Daryl sa labasan malapit lang sa bahay ni Travis. Hindi na ako
nagpahatid pa sa mismong bahay, baka makita pa niya doon si Travis. Gusto pa niya
akong makita pumasok pero tinawanan ko na lang siya saka kinawayan.

Nang medyo malayo na ako ay nilingon ko si Daryl. Nandoon pa rin siya't nakatayo
habang nakapamulsang nakatingin sa akin animong malalim ang iniisip ng makitang
nakalingon ako ay ngumiti siya saka kumaway. Tumango ako kaya tumalikod na rin
siya.

Mabilis na akong nakarating sa bahay,  naikuyom ko ang palad ko ng makitang wala pa


sa garahe ang kotse ni Travis, ibig sabihin ay hanggang ngayon ay kasama pa rin
niya iyong babae niya.

Napailing ako bago pumasok sa bahay. Mukhang narinig ni Manang ang pagbukas ng
pinto dahil lumabas siya sa kusina habang nagpupunas ng kamay sa apron niya.

Tumingin siya sa relo sa pader saka ako pinagmano. "Ginabi ka ata iha," aniya.

Tumango ako, "Nagpatila pa ho kasi ako ng ulan."

Tumingin siya sa likod pa na parang may hinahanap, alam ko na iyon. Inaasahan


niyang sabay kaming dadating ni Travis.

"Nagkita na ba kayo ng asawa mo iha?" takang tanong niya ng hindi bumukas ang
pinto.

Napalunok ako, parang binambo ang dibdib ko. "H-Hindi po manang." Kumunot ang
kaniyang noo.

"Bakit hindi? Naka-tatlong tawag na iyon dito. Tinatanong kung naka-uwi ka na. Ang
akala ko'y magkasama kayo umuwi."
Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Manang, "Gano'n po ba? Paki-tawagan na lang po
siya at sabihin nandito na ako. Aakyat na po ako Manang, hindi na po ako kakain
busog po ako."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Mabilis akong umakyat sa kwarto,


pagkasara no'n ay para akong nanhina. Nangilid ang aking luha na kanina ko pa
pinipigilan dahil sa inis.

Naiinis ako sa sarili ko kasi nag-aalala ako kay Travis.

Dumeretsyo ako sa banyo para maligo. Mariin akong nakapikit habang nasa ilalim ng
shower. Napapiling na lang ako dahil habang nakapikit ako ay nakikita ko kung paano
sila sumakay sa kotse at umalis.

Parang pinipiga ang puso ko.

Napadilat ako ng marinig ko ang malakas na kalabog ng pinto sa labas. Nandyan na


siya. What time is it? Mag aalas nuebe na ng gabi. Gano'n niya katagal kasama ng
babae na 'yon?

Nang matapos akong maligo ay nakatapis na lumabas ako sa banyo para pamunta sa walk
in closet.

Hindi ko tinapunan ng tingin si Travis na nasa lamesa sa gilid ng kama namin. Sa


gilid ng aking mata ay nakikita kong tinatanggal niya ang kaniyang relo saka
necktie.

"Sascha," parang kulog ang boses niya sa diin ng pagkakatawag sa pangalan ko.

Napahinto ako sa paglakad ngunit hindi ko siya nilingon. "Oh?"

Nagtuloy ako sa pagpunta sa walk in closet. Kumuha ako ng isang pajamang kulay blue
at sandong kulay itim at underwear.

Isasarado ko sana ang pinto sa walk in closet ng magulat ako pagharap ko ay nandoon
na siya't nakasandal sa hamba ng pinto.

Nakakrus ang mga braso niya sa kaniyang dibdib. Suot pa rin niya ang kulay puting
longsleeve na nakatupi na hanggang siko, nakabukas ang tatlong bitones sa kaniyang
leeg.

Seryoso ang kaniyang mukha. Kita ko kung paano gumalaw ang kaniyang panga habang
nakatitig sa akin.  Bahagya akong nailang dahil nakatapis lang ako.

Nang matitigan ko siya ay doon ko napansin basa siya.

"Lumabas ka Travis, magbibihis ako," malamig na wika ko.

"Where the fuck have you been?" madiin na tanong niya.

Naikuyom ko ang aking kamay, nainis ako sa paraan kung paano niya ako kausapin.

"Don't used that word to me, Travis." Nilapitan ko siya upang itulak palabas ng
kwartong iyon pero nagkamali ako.

Nang itulak ko siya ay ni hindi man lang siya natinag sa pagkakatayo. He looked at
me like a predator ready to attact his prey.
I gritted my teeth in so much frustration. Bakit ba ang lakas niya? "Lumabas ka na
Travis, ano ba?!" hindi ko maiwasan mapataas ang boses ko.

Nakita kong mas nagalit siya sa pagsigaw ko. Halos mapahiyaw ako ng  ipalibot niya
ang kanan braso sa aking beywang saka ako itulak sa pintuan. Natakot ko sa galit na
nakita ko sa mata niya, pakiramdam ko ay anumang oras ay sasaktan niya ako.

Napaigtad ako ng itaas niya ang kamay. Napapikit ako dahil akala ko ay sasakalin
niya ako dahil sa pagsigaw ko pero ang malaki at medyo matigas niyang kamay ay
maingat na lumapat sa panga ko.

"A-Are you okay? Nabasa ka ba ng ulan? Hmm?" napadilat ako ng mata sa gulat sa
mahinahong bulong niya.

Nanlaki ang mata ko ng ilapat niya ang kaniyang noo sa akin. Dahil sa lapit namin
ay naramdaman kong nabasa na rin ang tuwalyang nakatapis sa akin.

Nangilid ang luha ko sa inis, nagpaulan siya.

"N-Nagpaulan ka?" tanong ko kahit obvious naman. Bahagya kong iniwas ang mukha sa
kaniya.

Itinagilid ko ang aking noo dahilan para ang kaniyang noo ay lumapat sa gilid ng
aking ulo, sa itaas ng tainga.

"I'm mad," bulong niya.

Kung galit ka, galit din ako. Gusto ko isigaw iyon pero nanatiling tikom ang aking
bibig.

"L-Lumayo ka sa akin, Travis. M-Maligo ka na." Bahagya ko siyang tinulak.

"I looked for you everywhere," tumama ang mainit niyang hininga sa aking pisngi.
Mariin akong napapikit ng mas humigpit ang kaniyang yakap sa akin.

"You scared the hell out of me, Sascha." He mumbled.

Parang may kumurot sa puso ko nang maisip kong hinanap niya ako pero kaagad din
nawala ng maalala ko may kasama siyang babae kanina. Kung hindi siya umalis edi
sana hindi gano'n nangyari.

Nanginginig ang tuhod ko.

"M-Magbibihis na ako."

"Tatlong oras... tatlong oras kitang hinahanap. I called you. Nakapatay ang phone
mo, nag-alala ako sa'yo. Wala ka rin sa bahay. Ang lakas ng ulan, hindi mo ba alam
'yon?" parang pinipiga ang puso ko sa tono ng kaniyang boses.

"Sa ating dalawa ikaw ang basa Travis, ikaw ang nagpaulan hindi ako. Hindi mo ba
alam 'yon?" ginawa ko siya.

Narinig kong malalalim na buntong-hininga niya na para bang kinakalma ng sarili


habang inaamoy ako.

"T-Travis basa ka, nababasa mo ako." malamig na usal ko.

Dahan-dahan siyang humiwalay saka mapungay ang matang tumingin sa akin. Para bang
may hinihintay siyng sabihin ko pa. Inaasahan ba niyang magpaliwanag din ako?
Siguro ay gagawin ko iyon pero hindi ngayon. Masama pa ang timpla ko sa kaniya,
baka may masabi lang akong hindi maganda.

"Sorry kung pinag-alala man kita, hindi na mauulit. Nagpatila lang ako ng ulan."

Buong lakas akong tumalikod sa kaniya at nagmamadaling pumasok sa banyo. Doon na


lang ako magbibihis.

Hinihintay kong sabihin niya sa akin ang tungkil doon sa babae pero hindi niya
naman ginawa, iyon ang gusto kong sabihin niya kung bakit sila umalis.

Kung bakit ako umuwi ng wala siya.

Nang matapos ako ay kahit basa ang buhok ay nahiga na ako, narinig kong pumasok
siya sa banyo.

Pipilitin ko na lang matulog kaagad, hindi ko alam kung kakain pa siya mabuti ng
tulog ako pagtapos niya.

Chinarge ko muna ang phone ko, lagi naman niya iyon tinatanggal kapag matutulog na
siya.

Hihiga na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ni Travis na nasa ibabaw ng
lamesa.

Lumingon pa ako sa banyong nakasara. Malakas ang tunog ng shower, dahan-dahan kong
kinuha ang cellphone niya.

Ito ang unang pagkakataon na papakielaman ko ito. Para akong kakapusin ng hininga
ng makita ang pangalan ng tumatawag.

Angel calling...

Nanginginig ang kamay na sinagot ko iyon kahit pa nanginginig ang kamay ko sa kaba.
Itinapat ko sa aking tainga ang cellphone habang nakatingin sa pintuan ng banyo.

Narinig ko ang buntong-hininga sa kabilang linya.

"Hello, Trav? Thank you for today. I really enjoyed it, hindi ka pa rin nagbabago
ang galing mo pa rin." Humalakhak ang babae. "Anyways, you forgot your wallet here
in the hotel Trav. Ibibigay ko na lang bukas.---Hello? Trav?"

Nangilid ang luha ko sa narinig. Hotel? Enjoy?

"Hello, are you there Trav?" maikuyom ko ang palad ko sa lambing ng boses ng babae.

Mabilis kong pinatay ang tawag ng marinig kong tumigil ang shower sa banyo. Mabilis
kong ibinalik ang phone niya kung saan ko iyon kinuha.

Nahiga ako at nagtalukbong ng kumot. Sunod-sunod na tumulo ang aking luha sa


nalaman. Kinagat ko ng ibabang labi para pigilan ng paghikbi.

Narinig kong bumukas naman ang pintuan sa banyo.

Saan nila ginawa? Sa hotel? Nabitin ba sila sa ginawa nila sa office kaya kumuha
sila ng room sa hotel?

Dahil ano? Dahil bata pa ako at hindi niya ako magagalaw kaya kuma-kama siya ng iba
para sa sex life niya. Mariin akong napapikit ng maisip ko ang opisina ni Travis.
Kung paano niya inangkin ang maputing babae doon. Sinabi ng babae na magaling siya,
siguro ay malalakas ang halinghing nila. Naiisip ko ang pawisan katawan ni Travis
habang gumagalaw sa ibabaw ng babae.

Tinakpan ko ang bibig ko ng aking palad para pigilan ang paghikbi. Ang sakit-sakit
naman. Bakit ba ako umaasang totoo ang sinasabi niyang mahal niya ako. Ang daling
sabihin no'n. Ilang mag-asawa ba ang nasira dahil sa lintek na mapapangaliwa.

Bakit ba hindi marunong makuntento ang mga lalaki? Bakit naghahanap pa rin sila ng
iba kung totoo ngang mahal nila ang asawa nila.

Tahimik akong umiyak.

Naramdaman kong dahan-dahan humiga si Travis sa tabi ko.

Gusto ko siyang sigawan at saktan. Gusto ko siyang sumbatan.

Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga. Hindi ko alam pero umaasa akong
yayakapin niya ako at magso-sorry siya pero lalo akong nadurog ng naramdaman kong
tumayo siya at kinuha ang unan niya.

Narinig ko ang mabigat na yabag ng paa niya palabas ng kwarto at ang pagsara ng
pinto.

Tinanggal ko ang talukbong ng kumot sa aking mukha at napatulala ako.

Nilingon ko ang likod ko, wala nga doon ang unan niya. Mas napaiyak ako sa isipin
ayaw niya sa akin tumabi dahil sa ginawa nila kanina. Baka hindi na niya kayang
tumabi sa akin.

Umiyak ako nang umiyak, hinintay ko siyang bumalik sa kwarto pero nakatulog na lang
ako habang umiiyak ay hindi na siya bumalik.

**-----------------------------------------------------------

Kabanata 15

I let a long sighed when I saw Travis looking around the field, para bang may
hinahanap ito at alam kong ako iyon. Sa tatlong araw na lumipas ay iniiwasan ko
siya, hindi ko alam kung nahahalata niya iyon.

Hindi na ako sumasabay sa kaniya sa umaga at hapon. Tuwing umaga ay gumigising ako
ng maaga para pumasok at gano'n din sa hapon. Tuwing nagkakasabay naman kami kumain
ay nananatili siyang tahimik, kaya mas lalong nadadagdagan ang sama na nararamdaman
ko sa aking dibdib.

It's like he's avoiding that topic.

Minsan naiisip ko kung napapansin ba niya na lumalayo ako o sadyang wala naman
siyang pakielam dahil kung meron ay gagawa siya ng paraan para nagkaayos kami.

I was just waiting for his explanation. That's all. Ayokong magtanong, gusto siya
mismo ay alam niya iyon.

"Hey!"
Halos mapatalon ako ng may pumusok ng pisngi ko. Kaagad akong napalingon kay Daryl.
"What are you doing here?" takang tanong niya.

Kunot-noong sinipat niya rin kung sino ang tinitingnan ko sa field. Mabilis kong
hinawakan ang braso niya saka hinila paalis sa lugar na iyon kung saan ako
nagtatago bago pa man niya makita kung sino ang tinitingnan ko.

Nagpahila naman siya hanggang makarating kami sa isang pasilyo. Bumaba ang tingin
niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya ng huminto kami kaya kaagad ko iyon
binitawan.

"Bakit ka nandito?" pag-iiba ko sa usapan.

"Ikaw bakit ka nandito?" tumaas-taas pa ang kilay niya.

Vacant namin, lahat sila ay naka-tambay sa field sa ilalim ng puno pero nang makita
ko si Travis na pababa sa faculty nila ay kaagad akong nagpaalam na magba-banyo,
hindi ko alam na sinundan niya ako.

"Are you trying to hide to someone?" naningkit ang kaniyang mata.

Mabilis akong umiling. Kinagat naman niya ang itaas na labi niya na para bang hindi
siya naniniwala doon sa sinabi ko.

"Wala naiinitan lang ako sa field," totoo naman din iyon.

Umismid siya. "Lies. Lies. Lies."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita, tinuon ko na lang
ang atensyon ko sa kabilang gilid papunta sa library. Kinakabahan ako na kapag
nilingon ko siya ay malaman niya ang totoo.

"Tara nga, kumain na lang tayo sa canteen. Pang bayad ko sa panlilibre mo ng


siomai," gagad na sabi niya.

"Hindi mo naman kailangan bayaran 'yon kaagad, ayos lang," naalala pa pala niya
iyon. Kahit ako ay nakalimutan na iyon.

Saka baka wala siyang pera, baka baon lang niya 'yong sinusweldo niya. Umiling-
iling ako, sa pagkakataon na iyon ay ako naman ang hinila niya papunta sa canteen.

Pagpasok namin ay kaunti lang ang istudyante, mga ilan na nagmimiryenda. Dumeretsyo
kami sa lagi namin inuupuan sa gilid. "Dito ka lang, ako na oorder." mabilis na
sabi niya saka mabilis na pumunta sa counter.

Nako! Siguradong kapag nalaman 'to nila Kevin ay magwawala iyon. Hayok pa naman
iyon sa libre kahit na may mga pera naman. Mas masarap daw kasi kapag libre.

Sinipat ko si Daryl habang nagbabayad, naningkit ang aking mata ng makita ang
makapal niyang wallet. Sweldo kaya niya? Limang daan ang binayad niya tapos may
sinabi siya sa babaeng kahera. Lumawak ang ngiti nito, nang humarap si Daryl ay
nagkunwari akong binibilang ang buhok ko.

Baka isipin niya iniintriga ko siya.

Number pa lang ang dala niya, siguro ay ihahatid na lang iyong inorder niya.

"Anong ginagawa mo?" natatawang tanong niya ng makita ang ginagawa ko sa buhok ko.
Umupo siya sa aking harapan.

"A-Ah wala. Naka-order ka na?" kunwaring tanong ko.

Bobo Sascha! Kaya nga may number ibig sabihin naka-order na, anong klaseng tanong
'yon.

Tumango siya. "Yup, iinitin lang 'yong spaghetti saka pizza."

Tumango-tango ako, kating-kati akong sabihin na ako na ang magbabayad ng sa akin


kaso baka mapahiya siya.

Nang dumating ang inorder niya ay natakam na rin ako. Favorite ang pizza kahit ano
pang flavor 'yan. Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan kami tungkol sa plano niya
pagkatapos grumaduate.

"Hindi na muna siguro ako mag take ng LET after graduation mga one year pa, gusto
ko muna subukan magturo sa private, Ikaw ba?" aniya.

Tumango naman ako. Ayos naman din iyon. "Ako magtake kaagad, baka kasi makalimutan
ko lahat ng pinag-aralan kapag na-stock ako." Humalakhak ako, natawa rin siya.

Nasa gano'n kaming pwesto nang may pumasok sa canteen. Kaagad nawala ang ngiti sa
aking labi ng makita si Ma'am Bea na hinihila si Travis sa braso papasok sa
canteen. Umiiling-iling pa si Travis habang si Sir Rico at isa pang babaeng teacher
ay tumatawa lang na sumunod sa kanila.

Nang tumama ang mata sa akin ni Travis ay nagpahila na siya papasok sa canteen,
papunta sa isang upuan.

Napaayos ako ng upo dahil nakaharap sa aming gawi si Travis at Sir Rico,
nakatalikod sa amin ay ang dalawang teacher na babae.

Karaniwan ay sa office niya kumakain si Travis, kaya nakakapanibagong nandito ito.

"Ay hindi pala ako naka-order ng tubig, ano gusto mo Sascha? Juice, water or
softdrink?" tanong ni Daryl kaya napalingon ako sa kaniya.

Mabilis akong tumayo, para lang makaalis sa titig ni Travis. "Ako na bibili."

Hindi ko na hinintay na maglabas ng pera si Daryl. Mabilis akong naglakad papalapit


sa counter. Tahip-tahip ang dibdib ko sa kaba dahil sa pagtitig ni Travis. Seryoso
ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin kanina.

Humalukipkip ako para pigilan ang kaba. Bakit ba ako kakabahan? Wala naman akong
ginagawang masama. Siya itong may pa-Angel pa. Tsk.

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang inis.

Halos mapaigtad ako ng may humawak sa kaliwa kong beywang. Mainit na palad na
humimas doon. "Wait me later, let's go home together," mahinang bulong ni Travis sa
likod ko.

Nanlaki ang mata ko saka mabilis na hinawi ang kamay niyang nasa beywang ko.
Nababaliw na ba siya?! Nasa school kami.  Kaunti ang tao pero maaaring may makakita
pa rin ng ginawa niya!

Mabilis kong inilibot ang paningin sa buong canteen. Nakatalikod si Daryl sa gawi
namin kaya sigurado akong hindi niya makikita. Ang lamesa naman nila ay abalang
nagku-kwentuhan ang dalawang babae. Nanlaki ang mata ko sa realisasyon na kasama
niya si Sir Rico sa likod namin.

Oh my God!

Natatakot akong lumingon pero ginawa ko pa rin. Pagsulyap ko ay nasa bulsa na ni


Travis ang kaniyang mga palad habang seryosong nakatingin sa akin. Bahagya kong
dinungaw si Sir Rico sa likod niya na pipito-pito lang at kunwaring tumitingin sa
kisame animong may interesantang bagay doon.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa harap. May dalawa pang nakapila sa harap ko. Mariin
akong napapikit. Shit! Narinig kaya siya ni Sir Rico? Malamang!

Naabutan niya rin kami noon dalawa sa office ni Travis.

"Dalawang ice tea," sabi ko sa tindera sa canteen ng ako na.

Nang kinuha niya ang order ko ay bumulong ulit si Travis sa akin. "Don't let him
touch you. I'm watching you," aniya saka bahagyang lumayo ng dumating na ang
tindera.

Nginitian ako ng nagtitinda pero hindi na ako naka-ngiti pabalik, para akong robot
na bumalik sa upuan namin ni Daryl. Naabutan ko siyang may kausap sa cellphone.

"Uuwi na lang ako sa linggo, Mom. I understand. Alright. See you. Bye! Mom I love
you," aniya sa kausap.

Bahagya akong napangiti habang paupo ako dahil sa sinabi niya sa mommy niya,
mukhang close naman sila. Gusto ko magtanong tungkol sa mommy niya pero nahihiya
ako.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Sa gilid ng mata ko ay nakabalik na sila Travis sa


lamesa nila. I didn't look at his table again. I am afraid that his cold eyes might
caught mine.

Nagkukwento si Daryl pero tumatango-tango na lang ako saka ngumingiti kahit wala
akong naiintindihan.

"Sascha may dumi ka," turo ni Daryl sa mukha ko. "Come here, let me help you."

Nanlaki ang mata ko ng akmang hahawakan niya ang aking pisngi. Kaagad ko iyon
tinabig, halatang nagulat siya sa ginawa ko, kahit ako ay nagulat sa reaksyon.

"A-Ahm, sorry. Ako na." Pinunasan ko ang tinuturo niya sa akin.

"Sorry, nagulat ata kita?" patanong na aniya.

Umiling ako. "Hindi naman, nailang lang ako. Sorry ha Daryl." Tumango siya saka ako
nginitian.

Sabay kaming lumabas ni Daryl ng canteen. Sumulyap ako kay Travis na nakasandal sa
upuan niya. Bahagya siyang nakanguso at nakatitig sa kawalan kahit pa ang mga
kasama niya ay nagdadaldalan.

Bago pa niya ako lingunin ay tumalikod na ako.

Mabilis lumipas ang oras. After lunch ay may dalawa pa kaming subject at parehas
major iyon.
Nakasimangot ako habang naglalakad papuntang banyo, sobrang sakit ng puson ko.
Kanina naman ay hindi kaya nakakainis. Nauna na sa room ang mga kaibigan ko.
Pakiramdam ko talaga ay meron na ako, bahagya ko iyon nararamdaman pero gusto ko pa
rin makita para makasigurado.

"Shit! Bakit ngayon pa?!" inis na wika ko ng makita kong meron na nga.

Hindi kasi nagkakasabay-sabay ang araw ko kaya karaniwan ay hindi ako handa. Inis
na lumabas ako ng banyo, pakiramdam ko ba'y kaunting lakad ko lang ay bubulwak na.

Wala akong dalang sanitary napkin sa bag saka may dugo na rin ang underwear ko.
Badtrip!

Kapag umuwi ako, babalik na lang ako kasi bawal ako umabsent. Lalo't baka may quiz
kami mamaya. Ang kaso ay paano ako papalabasin ng guard, masungit ang guard sa
gate, hindi papalabasin hanggat hindi oras.

Bahagya akong sumilip sa labas ng restroom, nagbabakasakaling makakita ng kakilala.

"What are you doing?"

Halos mapatalon ako at napalingon sa nagsalita. Nakasandal si Travis sa pintuan ng


restroom ng mga lalaki mukhang kanina pa siya doon.

Napangiwi ako at napaayos ng tayo. Hindi pa rin ako tuluyan lumabas ng restroom.
Ang kalahati ng katawan ko ay natatakpan ng pintuan.

"You are supposed to be in your class," tinaasan niya pa ako ng kilay.

"B-Balik na ako doon, u-umihi lang ako."

"And?"

"Anong and?"

"Why are you still there? Go back to your class," masungit na aniya.

Napasimangot ako. Huwag niya ako sasabayan lalo't meron ako baka talagang mabali ko
ang leeg niya sa inis.

"Hindi pwede!"

"Why are you shouting, woman?" takang tanong niya.

Natakpan ko ang bibig ko dahil napasigaw pala ako. Tumuwid siya ng tayo saka
lumapit sa pintuan na pinagtataguan ko.

"Come here, Sascha."

Umiling ako. "H-Hindi pwede," baka may dugo na ako sa palda.

Kumunot ang kaniyang noo sandali saka siya luminga-linga sa paligid. Halos
mapasigaw ako ng kabigin niya ang pinto at pumasok.

"Travis!"

Umatras ako ng isara niya ang pintuan at ilock iyon. Kung malakas na ang kabog ng
dibdib ko kanina ay dumoble pa iyon.
"A-Anong ginagawa mo?" singhal ko sa kaniya at akmang bubuksan ang pintuan ng
hawakan niya ang aking braso.

He look so serious and worried at the same time. Para akong nakuryente sa kaniyang
hawak kaya binawi ko ang aking kamay sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya.

"What's wrong baby?" malumanay na wika niya.

Kumibot ang ibabang labi ko dahil doon. Ang karupukan sa puso ko ay unti-unting
umuusbong pero hindi ko na dapat isipin iyon ngayon, ang dapat kong isipin ay kung
paano ako uuwi.

"K-Kailangan kong umuwi," mahinang wika ko.

Kita kong pag-aalala sa mukha niya, mas lumapit si Travis sa akin. Hinawakan niya
ulit ang aking braso sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na binawi pa.

Bahagya niya iyon hinimas. Kahit may tela ang pagitan ng braso ko't palad niya ay
ramdam ko ang init ng palad niya.

"Are you okay? Are you sick?" mabilis na tanong niya.

Umiling ako saka yumuko kaunti. Kumunot naman ang noo niya habang dinudungaw ako.

"Anong problema sabihin mo? May umaaway ba sayo?" seryosong tanong niya. Kinagat ko
ang ibabang labi ko sa tanong niya.

Damn, Travis. Ano ako bata?

"M-Meron ako."

Kumurap-kurap siya para bang hinihintay pa ang kasunod ng sinasabi ko, animong
hindi niya naintindihan.

Inis na minuwestra ko ang kamay ko sa ibaba ko at pinanlikahan siya ng mata. "Meron


ako!" ulit ko.

Bumaba ang tingin niya sa legs ko, ilang sandali siyang napatitig doon bago tumaas
ulit ang tingin sa akin.

"You have your monthly menstruation?" tanong niya.

Nag-init ang mukha ko sa tanong niya.  Alam kong normal lang sa babae ang gano'n
pero dahil lalaki ang nagtanong at hindi lang iyon, si Travis  ang nagtanong kaya
parang gusto ko lang lumubog sa kinakatayuan ko.

Kinagat ko ang ibabang labi saka tumango.

"W-Wala akong dalang extra sa-sanitary napkin s-saka pamalit," halos mautal ako.

Tumango siya na parang naiintindihan niya ang nararamdaman ko. "Uuwi ka na? I'll
drive you home."

Umiling ako. "Hindi pa pwede, may major subject pa kami baka may quiz kami doon."

"Who's your professor? I'll talk to her."


"Hindi na! K-Kailangan ko lang makapagpalit. Hindi naman ako papalabasin ng guard."

Sumimangot ako. Anong gagawin ko?

Binitawan niya ang braso ko. "Ako na lang uuwi, ano kukunin ko?" presinta niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Wala ka bang klase?"

"Wala pa, mamaya pang four. Kakatapos lang ng isa, pabalik na dapat ako sa office I
just saw you."

Hindi ako nakapagsalita, nagdadalawang isip pa ako.

"What?" tanong niya. Naiinip sa sagot ko.

Bumuntong-hininga ako. "I-I need s-sanitary napkin and underwear," siguro ay


pulang-pula na ang mukha ko. May short naman ako, pwede pa iyon hindi naman pa
natatagusan siguro.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil hindi ko matagalan ang kaniyang mga titig.

Sasagot sana siya ng may nagsalita sa labas at kumatok. Kinabahan ako.

"Tao! Bakit nakasara 'to!"

"Pa-open! May tao ba dyan?" sigaw ng isa pang babae.

Nagkatinginan kami ni Travis. Hihilahin ko na dapat siya para makapagtago pero


tumikhim lang siya doon.

"Cleaning!" malakas na sigaw niya.

Nanlaki ang mata ko. Oh gosh! Tinakpan ako ang bibig niya.

"Ay may naglilinis pala," bulong ng babae sa labas.

"Doon na lang tayo sa kabila, puputok na pantog ko."

Napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ang kanilang paglayo. Papagalitan ko


sana si Travis pero ng ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay naabutan ko siyang
nakatitig sa akin.

Para akong napasong tinanggal ang kamay kong nakatakip sa kaniyang bibig. Doon ko
lang napansin ang malambot niyang labi sa aking palad.

Ngunit bago ko pa iyon maibaba ay hinuli na niya ang aking pulsuhan.

Napasinghap ako ng dalhin niya ulit ang aking kamay sa bibig niya at halikan niya
ang likod ng kamay ko.

Tatlong dami ang iniwan niya doon bago tuluyan ibaba pero hindi pa rin niya
binitawan.

Nagkatitigan kami. "Doon ka na muna sa office ko, kaysa maghintay ka rito. Doon
kita pupuntahan." Kinuha niya sa bulsa ang isang susi saka inilagay iyon sa aking
palad.

Naisip kong mas okay rin iyon dahil baka mamaya ay marami ng tao rito, baka hindi
na niya maabot sa akin.
Tumango ako.

Akala ko ay aalis na siya pero hindi pa pala. Yumuko siya sa papalapit sa akin at
walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi.

Isang matagal na dampi iyon. Tumuwid na siya at lumayo bago may sumilay na ngiti sa
kaniyang labi.

"I'll see you at my office, baby."

**-----------------------------------------------------------

Enjoy Reading!

Kabanata 16

Sinamaan ko ng tingin ang lamesa ni Travis habang nakatitig ako roon. Akala ko'y
magiging madali ang maghintay doon pero habang nililibot ko ang paningin sa buong
kwarto ay kumukulo ang aking ulo.

Bawat sulok ay naiisip ko ang ginagawa nila.

Naikuyom ko ang aking palad. Gusto ko na magtanong kay Travis pero natatakot ako sa
isasagot niya.

Is it possible? To feel urge to know something and feel fear at the same time. Fear
to be hurt because you expected too much. You trust too much.

Napakamot ako sa aking ulo habang nakatayo, ayokong umupo sa sofa dahil baka
nadumihan ko ang kulay gray nitong balot.

Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok doon. Hindi ako nagsalita, kahit pa sirain
ang pinto na iyan ay hindi ako magsasalita. Baka mamaya ay hindi naman si Travis.

"Sascha, it's me."

Napabuga ako ng hangin dahil siya na iyon, mabilis akong lumapit at binuksan ang
pintuan. Kaagad pumasok si Travis, halos wala pang sampong minuto simula umalis
siya. Masyado atang pinaharurot nito ang kotse.

Iniabot niya sa akin ang isang brown na paperbag. Binuklat ko iyon, kinagat ko ang
ibabang labi nang makita ang kulay blue na bulaklaking panty ko. Napakunot ang
aking noo ng makitang isang balot na whisper na violet ang nandoon.

Nang lumingon ako sa kaniya ay napakamot siya sa batok.

"I-I didn't find your sanitary napkin at home, I was about to ask Manang but she's
sleeping. S-So uhm... I went to store..." naputol-putol na kwento niya.

Napakurap-kurap ko habang kinagat naman niya ang ibabang labi. Naimagine ko siya na
pumipili ng napkin sa isang store. Damn!

"Is it right baby?" nag-aalang tanong niya.

Kumabog ang puso ko sa tawag niya sa akin pero kaagad ko rin nilabahan ang
karupukan ko. Dapat ay kahit gaano ko kagusto si Travis ay hindi ako masyadong
magpahalata.

"O-Oo ayos naman 'to. Thank you, Travis." Tumikhim ako.

Tumango siya animong nakahinga ng maluwag sa aking sinabi. "Welcome. Wala akong
banyo rito pero meron doon sa dulo bago bumaba ng hagdan, I'll go with you."

Umiling ako, baka may makakita pa sa amin. "Huwag na. A-Ah ako na lang."

Bumukas ang kaniyang bibig animong may sasabihin pa pero tumalikod na ako para
makapagpalit na.

Mabilis ang kilos ko na naglinis at nagpalit. Hindi ko maiwasan mangiti habang


binubuksan ang biniling isang balot ni Travis. Siguro ay halos pagtinginan siya
no'n bumibili siya. Kay gwapog lalaki ay utusan ng asawa.

Nang makalabas ako ay bumalik ako sa office ni Travis para pasalamatan siya saka
para itabi muna doon ang hinubad kong gamit. Huwag lang sanang makita ng iba.

Pagkapasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo na swivel chair niya habang nakasandal


ang ulo sa sandalan nito. Tulala siya animong malalim ang inisip. Nang mapansin
niyang pumasok ako ay nilingon niya ako.

Seryoso ko siyang tiningnan.

"Iiwan ko muna rito ito, kukunin ko mamayang uwian. Saan ko ba pwedeng ilagay?"
wika ko.

Tumango siya animong pinapalapit ako sa kaniya. Napabuntong-hininga ako bago


maglakad papalapit kung nasaan siya. Para bang pagod na pagod ang kaniyang mga mata
habang pinapanuod akong lumapit sa kaniya.

Nang makalapit ako sa kaniyang gilid ay inikot niya ang swivel chair para mapaharap
siya sa akin. Kinuha niya ang paper bag ko't inilagay iyon sa ilalim ng kaniyang
lamesa.

Magpapaalam na sana ako sa kaniya pero bago pa ako makapagsalita ay pinalibot na


niya ang malaking braso sa aking beywang saka sumubsob sa aking tiyan.

Bahagyang napaawang aking labi, dahil kung ititikom ko ito ay mahihirapan akong
huminga. I can feel his hard breath on my stomach. He gripped my waist.

Nakatayo lang ako doon at hinahayaan siyang yakapin ako.

Parang hinahati ang puso ko. Nakukunsensya ba siya sa mga ginawa niya kaya
naglalambing siya ngayon?

Bumaba ang aking tingin sa kaniya ng maramdaman bahagya niyang hinahalikan ang
aking tiyan na para bang may laman iyon. Kung may laman man iyon ay puro pagkain
lang at bituka. Ang kaniyang halik ay bumaba sa aking puson.

Kinilabutan ako doon kahit pa may damit ako ay pakiramdam ko ay lumalapat ang
kaniyang malambot na labi sa aking balat. If he's not hugging me, I might laying on
the floor right now because of the anticipation.

"T-Travis anong ginagawa mo?" utal na tanong ko para itago ang totoong
nararamdaman.

Umangat ang tingin sa akin. "Masakit ba?" tanong niya.


Kumunot ang tanong ko sa tanong niya. Pakiramdam ko ay double meaning iyon o
sadyang kung ano-ano lang ang naiisip ko.

"Bitawan mo ako Travis, aalis na ako. May pasok pa ako," pilit kong inaalis ang
kamay niyang nakayakap sa akin pero lalo lamang iyon humigpit.

Napailing ako. Gumalaw ang aking panga dahil sa inis na nararamdaman ko.

Nagulat ako ng hilahin niya ako at ipaupo sa kaniyang hita. Nakatagilid ako sa
kaniyang mga hita. Napatuwid ako ng upo dahil sa ginawa niya, itutulak ko dapat
siya para makatayo pero ipinalupot niya ulit ang braso sa akin animong tatakbo ako
kapag pinakawalan niya ako.

"T-Travis ano ba? N-Nasasaktan ako. B-Bitawan mo na a-ako," wika ko habang inaalis
ang braso niya sa aking tiyan.

"I'm sorry, I can't... I can't let you go," bulong niya habang umiiling-iling pa.

Mariin akong napapikit. "Aalis na ako," paos kong wika. Gusto ko lang umalis dahil
baka animang oras ay tumulo na ang luha ko sa harap niya.

"Don't make me miss you, please. Let's make up. Ano bang problema? Bakit iniiwasan
mo ako?" nahihirapan bulong niya.

Gusto ko man siyang lingunin ay hindi ko ginawa dahil baka lalo ako maging marupok
kapag nakita ko ang kaniyang mga mata.

Nanuyo ang lalamunan ko sa kaniyang tanong.

Hindi ako nagsalita. Wala ba siyang alam o sadyang nagpapanggap lang siya?

Pilit niyang hinaharap ang mukha ko sa kaniya pero iniiwas ko iyon. Ayoko! Ayoko
siyang makausap! Lintek na Angel 'yan!

"Baby please look at me, I want to see your eyes, mag-usap tayo hindi kita
papaalisin hanggat hindi ko alam kung bakit ka gumaganyan," malumay na wika niya.

Hindi ko napigilan ay pagak akong natawa at napailing akong nilingon siya.

"Hindi mo alam o nagpapanggap kang walang alam?"

Kumunot ang kaniyang noo.

"Who's Angel?" madiin kong tanong. Kahit ako ay hindi ko makilala ang boses ko,
mamali lang talaga 'to ng sagot sasakalin ko 'tong babaerong 'to.

"What?"

"Narinig mo ang tanong ko Travis, huwag kang ano. Kapag bulungan sa classroom
napapansin mo pa tapos kapag harapan hindi mo narinig," inis na wika ko.

Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa akin.

Naikuyom ko ang kamay ko. Bakit ang tagal niyang sumagot? Nag-iisip pa ba siya ng
dahilan.

"I saw you with her. H-Hinihintay kita sa labas kasi sabi mo sabay t-tayo tapos...
tapos maririnig ko sa ibang istudyante may humalik sa'yong babae tapos kasabay mo
pa umuwi. Tumatawa ka pa! H-Hindi mo ba naisip naramdaman ko habang pinapanuod
kitang sumama sa ibang babae? U-Umuulan no'n pero wala ka! Ni hindi mo man lang
sinabi sa akin kung saan ka pupunta. Pagka-uwi ko wala ka pa rin sa bahay---"

"Sascha..."

"Hindi! Huwag mo ko ma Sascha-Sascha dyan Travis. Gusto mo usap 'di ba? Sige usap
tayo! Pagkauwi ko sa bahay ay wala ka pa rin. Papalagpasin ko na sana kasi s-sabi
mo hinanap mo ako t-tapos may tumawag sa'yo. Nakaka-gago kasi may pa naenjoy raw
niya! That you left your wallet to her hotel room!" napahikbi ako.

"A-Ano? Hindi ka makapagsalita kasi totoo 'di ba? Who's that girl ha? Babae mo?
Girlfriend mo? Babaero ka pala e!" sigaw ko sa kaniya.

Hindi ko mapigilan, sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang nakatingin lang siya
sa akin habang tinatapos ko ang lahat ng sama ng loob ko.

Hinampas ko siya sa balikat habang umiiyak sa kaniyang kandungan. "A-Alam mo bang


nararamdaman ko ha!"

Hinuli niya ang aking kamay. Napahikbi ako ng maramdaman kung gaano ako kaapektado
sa simpleng hawak lang niya.

Sinapo niya ang aking mukha habang mapungay ang kaniyang mata. "I'm sorry, sorry.
Hindi ko alam na nandoon ka pa," mariin  siyang pumikit.

Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil kahit galit ako ay gusto kong marinig ang
kaniyang paliwanag.

"A-Anong hindi mo alam may usapan tayo Travis?!"

"I called you, noong dumating si Angel tinawagan kita ipapakilala dapat kita,"
panimula niya habang nangungusap ang matang nakatingin sa akin. May kumurot sa
aking puso ng marinig ang pangalan na 'yon. "Angel is my friend. She's my childhood
friend, a family friend. Sascha, walang nangyari katulad ng iniisip mo. Inaanak
siya ni Daddy kaya pinapakitunguhan ko siya, She's like part of our family. Galing
siyang States kakauwi lang niya. She asked me to help her to get her a place. Hindi
naman siya pwede kila mommy dahil malayo na iyon sa papasukan niyang hospital.
She's a nurse."

Habang sinasabi niya iyon ay pinupunasan naman niya ang aking pisngi. A family
friend? Bakit hindi ko siya nakita ng kasal namin?

"H-Hapon na siya umuwi ano 'yon buong hapon kayo nagkulong dito? Hinatid mo siya."
I pointed out.

Umiling siya. "I told to her that I had a class. Naghintay siya rito, oo pero nasa
klase ako no'n. Nang hapon ay hinatid ko siya, Oo. I can't let her Sascha wala
siyang kamag-anak dito. Nagmamadali akong bumalik dito kasi hindi ako mapakali kung
umuwi ka na." Inilapat niya ang noo sa noo ko pero tinulak ko ang balikat niya para
magpatuloy sa paliwanag niya.

Bumuga siya ng hangin.

"You know that I will wait," diin usal ko.

"I know baby, sorry. Noong papunta na ako sa faculty nakasalubong ko 'yong kaklase
mo I asked her kung nakauwi ka na. Sabi niya oo raw so I thought you really went
home."
Pumikit siya para bang narealized niya ang pagkakamali niya. Sinong kaklase 'yon?

Umigting ang panga ko. "Ano 'yong nag enjoy raw niya, magaling ka raw?!"
pinandilatan ko siya.

Nanghihina siyang yumakap sa akin. "We played chess, wala pang limang minuto iyon
bago ako pumasok pinilit niya ako maglaro she saw board chess on my table." Tinuro
pa niya ang isang chess board sa gilid.

Naningkit ang aking mata sa kaniya, wala na ang luha ko pero kailangan ko pa ng
paliwanag.

"I promise, wala akong ginawang masama. Oo nagkamali ako nang sinabi ng kaklase
mong umuwi ka na ay napanatag ako akala ko'y umuwi ka na talaga. Bumalik ako I
called Manang wala ka pa sa bahay hinanap kita sa buong school kahit umuulan baka
kako nakulong ka sa isang classroom tapos walang nakakarinig sa'yo. Yung wallet ko,
oo naiwan ko sa kaniya. Damn, ipinakita ko sa kaniya ang picture mo sa wallet ko
nakalimutan ko bawiin." Sinuklay pa niya ang buhok para bang naaalala niya kung
gaano siya ka-frustrate ng oras na iyon.

Kinuha niya ang wallet na tinutukoy niya at binuksan iyon. Kumabog ang puso ko ng
makita ang dalawang picture ko roon. Isa ay noong kasal namin at ang isa ay isang
picture ko sa facebook last year pa iyon. Huwag niyang sabihin pina-print niya
iyon?

"Wala kayong relasyon no'ng Angel na 'yon?"

Ngumuso siya, sa pagkakaton na iyon ay para na siyang natatawa kaya lalo akong
nainis.

"Wala, hahanap pa ba ako ng iba may magandang asawa na ako, mabait, saka bata."
masuyo siyang ngumiti saka hinalikan ako sa noo. Nainis ako sa dulo, okay na 'yung
una bakit may bata pa. "Pinag-alala mo talaga ako Sascha. Akala ko mawawala ka na
sa akin. Alam kong galit ka no'n gabi kaya umalis ako, sa guest room ako natulog
baka kasi hindi ka makatulog kapag katabi ako kaya lumabas na lang ako. Though I
went back when I heard you snoring."

Hinimas niya ang aking ulo. "Nagseselos ka ba?" masuyong tanong niya. Obvious ba?
Sakalin ko 'to e.

"Hindi. Bakit ako magseselos?"

"Right, bakit ka magseselos? My heart is yours. Alam kong hindi pa gano'n kalaki
ang tiwala mo sa akin, I will work hard for that." Ikiniskis niya ang ilong sa
aking ilong. "I will never fall out of love with you, Sascha."

Parang may humaplos sa puso ko sa lahat ng narinig. Narealize ko kung gaano ko siya
kadaling husgahan. Nagkamali rin ako. Inaamin ko iyon.

"Sorry rin, I over think. Akala ko..."

"Shh. It's okay. But I need to punish you," bulong niya.

Sinimangutan ko. "Okay na tapos may punish?!" inis na tanong ko.

Bahagya siyang lumayo sa akin at mas lalo akong hinarap sa kaniya. Hinaba niya ang
kaniyang nguso. "Kiss me, ease the pain baby. Come on. I'll forgive you."
Sinapak ko siya sa balikat. "Alam mo hindi ko alam na ganyan ka."

Humalakhak siya saka masuyo akong niyakap. Inilagay niya ang baba sa aking balikat
saka ako tinitigan.

"Sorry kung nasaktan kita ng hindi ko alam, hindi ko sinasadya," masuyong aniya.
Bahagya niyang hinimas ang braso ko. "Madami pang dadating satin. We will face more
and big problems. Sana sa susunod tanungin mo muna ako. Pag-usapan natin kasi iyon
naman talaga ang mahalaga 'di ba? Huwag ka na ulit iiwas. Asawa mo ako tapos
tinataguan mo ako. Akala mo naman hindi ko alam," parang batang sumbat niya sa
dulo.

Dahan-dahan akong ngumiti sa kaniya. Hindi ako mangangako pero pilit kong gagawin
ang sinabi niya.

Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi, napalunok ako dahil doon.

Hinawakan niya ang aking batok upang mailapit ang labi sa kaniya. Nang maglapat ang
aming labi ay napapikit ako at napakapit sa kaniyang balikat.

Humigpit ang hawak niya sa aking balakang habang hinahalikan ako. Hindi gaya noong
nasa falls kami ngayon ay mabagal niya akong hinahalikan. Bawat sulok ng aking labi
ay kaniyang hinahalikan.

Kusa kong ibinukas ang bibig ko para sa kaniya. He thrust his tongue inside me like
his tongue is looking for something inside my mouth.

Ang isa niyang kamay ay nasa aking beywang at pumipisil-pisil doon. Ang kamay naman
niya sa aking batok ay unti-unting bumababa sa aking likod at hinihimas iyon pataas
at pababa.

He kissed, licked, sucked and nipped my lips. Like it's his favorite fruit. Like
it's the cure in his pain.

Nang tumigil siya ay parehas kaming hingal. Sinapo niya ang panga ko saka ako
pinatakan ng munting halik sa ilong.

Namula ang aking mukha ng makita ang kamay kong mahigpit ang kapit sa longsleeve
niya.

Mas lalo akong nahiya ng makita ang pwesto namin. Halos nakaupo na ako paharap sa
kaniya.

Aalis na sana ko sa kandungan niya ng biglang bumukas ang pintuan. Sabay kaming
napalingon doon, nanlaki ang kaniyang mata sa amin. Halos manigas ako sa hita ni
Travis.

"Holy shit!"

***

#TheWho?

****-----------------------------------------------------------
Kabanata 17

"Holy shit!"

I gasped as I looked at Sir Rico's horrified face. His eyes are wide open. His jaw
dropped. Pakiramdam ko ba'y hindi niya alam ang gagawin habang palipat-lipat ng
tingin sa amin ni Travis.

Nagdadalawang isip siya kung aalis ba siya o papasok. Kung sisigaw o pipikit.

Mabilis akong umalis sa hita ni Travis na bahagya pang sumimangot sa aking ginawa.
Kalmado lamang ang kaniyang mukha habang ako kulang na lang ay lumuhod na sa harap
ni Sir Rico para lang huwag ipagsabi ang nakita.

"S-Sir..."

Sa huli ay dahan-dahan niyang sinara ang pintuan bago tuluyan maisara ay sumilip pa
siya sa labas animong sinisigurado niyang walang tao.

I could feel my nerves tingling like being tickled with a small feather. I could
hear my own heartbeat. Bumukas ang bibig ko para sana tawagin si Sir pero napatuwid
ako ng tayo ng kalabitin ni Travis ang beywang ko.

Bumaba ang tingin ko sa kaniya na prenteng nakaupo, nginuso niya ang buhok kong
hindi ko namalayan na gulo-gulo na. Bahagya ko iyon inayos saka bahagyang lumayo sa
kaniya.

Nang humarap sa amin si Sir Rico ay para siyang aatakihin. May nurse kaya sa
clinic? Baka biglang bumulagta si Sir. Jusko!

"I-I know I should have listen to my gut instict. I have a feelings about this! B-
But I didn't expect to..." hindi niya natuloy ang litanya habang naglalakad-balik
sa harapan ng lamesa ni Travis.

Naikuyom ko ang kamay sa aking palda. Kapag talaga biglang lumabas si Sir Rico
haharangan ko siya. Maybe I can push him to stop? Oh gosh.

Napakamot pa sa batok si Sir Rico saka tumingin sa akin na nagtatanong ang mata
saka bumaba ang tingin kay Travis na bahagya pang ginagalaw-galaw ang swivel chair
niya animong natutuwa sa reaksyon ng kapwa guro.

Gusto ko siyang batukan.

"Travis, alam kong gwapo ka pero bro, hindi ganito. Huwag ganito. Istudyante mo
'yan," bahagya siyang sumulyap sa akin para bang iniingatan niya ang salitang
gagamitin niya bago magpatuloy.  "Alam mo ba ang ginagawa mo? I-I can keep my mouth
shut. P-Pare I respect your decision pero mali 'to. Teacher ka, istudyante 'yan.
She's what? Seventeen?  Fifteen?  Madedemanda ka rito Travis!" madiin usal ni Sir
Rico para bang nakatuklas siya ng isang sakit na hindi niya alam kung paano
malulunasan.

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Humalakhak naman si Travis. "She's


eighteen." pagtatama niya pa!

Napaawang ang labi ni Sir Rico para bang nakakita siya ng multo sa katawan ni
Travis.
"Eighteen. Eighteen. Pwede na, pwede na..." bulong ni Sir Rico sa sarili bago
ngumiwi kay Travis. "But that's not my point, bro. My point is, this is against the
law. Alam mo 'yan, kahit gaano ka ka-attracted sa istudyante mo ay hindi dapat. You
know what will you lose if they found out this. Your work, your license. What will
happen if her parents found out this? Baka kasukahan ka ng magulang nyan. Think
about this bro." Pinandilatan pa niya si Travis.

Namewang si Sir Rico sa harap namin na para bang isa siyang magulang na naabutan
ang anak na may kasamang babae. Nanlamig ang aking kamay.

I feel uneasy and agitated.

"H-Hindi po nila malalaman," gagad kong wika.

Napunta sa akin ang tingin ni Sir Rico. Napailing lang para bang hindi siya
naniniwala. "H-Hindi po namin sasabihin. H-Huwag niyo pong sabihin Sir. Please."

Humakbang ako para sana lapitan si Sir Rico pero hinawakan ni Travis ang aking
pulsuhan.

"Don't say please, my queen don't beg," malamig na wika ni Travis sa akin.

Nagkatitigan kami, gumawa naman si Sir Rico ng madamdaming pagsinghap. "Holy shit!
I can't believe this!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung pwede namin siyang pagkatiwalan
ni Travis. Kung ganitong kalmado naman si Travis sa harapan niya ay baka wala naman
akong dapat pang ipag-alala. Natatakot ako sa sinabi ni Sir Rico na pwedeng mawalan
ng trabaho si Travis kapag kumalat ito. Kapag ba nalaman nilang kasal kami? Anong
mangyayari? Kahit naman ata anong ipaliwanag namin ay magiging madumi pa rin ng
tingin ng iba.

"Can you please calm down, you scaring her," wika ni Travis.

Totoo 'yon, halos manlamig ang kamay ko sa mga eksena sa isip ko na pwedeng
mangyari.

Tumayo si Travis, kinapos ako ng hininga ng ang kamay niya ay awtomatikong hinimas
ang buhok ko animong mawawala no'n ang lahat ng mga naiisip ko.

"Travis!" tawag ni Sir Rico.

Napabuntong-hininga siyang tumingin sa lalaking guro. Itinikom ko ang aking bibig.

"What? Why are you here?" kalmadong tanong niya.

Napailing si Sir Rico sa binigay na reaksyon ni Travis. Dapat ata ay mas maganda
kung pakiusapan na namin siya na huwag ipagsabi sa ibang guro ang nakita.

"I-Itatago niyo talaga 'yan?" hindi makapaniwalang wika ni Sir Rico.

Sumulyap naman sa akin si Travis. Gumalaw ang kaniyang adams apple ng magtama ang
aming mata, parang gusto niyang magsalita pero tinatansya pa niya ang aking
sasabihin.

Tumango ako bilang sagot. "O-Opo."

Bumuga ng hangin si Sir Rico. "Hindi ba't mas maganda kung itigil niyo na muna
'yan. I mean wala ako sa posisyon para sabihin 'to pero mapapahamak kayo." Kinamot
pa niya ang ulo niya.

Nagdilim ang mukha ni Travis sa sinabi ni Sir. Ang kaniyang kamao ay kaagad niyang
naikuyom para bang isang kalabit na lang ay handa na siyang manuntok. Inilagay niya
iyon sa loob ng kaniyang bulsa.

"No, that's not an option. Kung gusto niyang ilihim 'to. Fine. I'll try. But I
can't promise. I can pretend but I can't stop this, I won't let her leave me, Rico
kung iyon ang gusto mo. Honestly, I don't need any opinion about this," madiin
aniya.

"T-Travis ano ba?!" gulat na wika ko dahil masyado na ata ang sinabi niya kay Sir.

Wala naman nagbago sa reaksyon ni Sir. "I'm just suggesting! Wala akong ibang
meaning doon. Malaking problema 'to. You're having an affair with your student."

Hinawakan ko ang braso ni Travis dahil baka kung anong gawin niya. Bumaba naman
doon ang mata ni Sir Rico bago napamewang sa amin. Para bang hinahanda niya pa ang
sarili sa ano pang pwede pang makita.

"Iha, alam ko naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. You are his student--"

"She's not just my student," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Travis. Hinila ko ang
braso niya para tumigil. "If you want me to avoid her for my licence, go on. I will
surely open my arms to surrender and give up my license for her. Mawala na lahat
Rico, huwag lang ang Misis ko."

Napaawang ang aking labi sa sinabi niya, akala ko ay sobra ng lakas ng kabog ng
dibdib ko kanina pero may mas ilalakas pa pala.

Ang gulat na mukha ni Sir Rico ay mas nagulat pa. Namutla siya at hindi
makapaniwalang napatitig sa akin na para bang hindi siya makapaniwalang asawa ako
ni Travis.

"Y-You're kidding me." He gasped.

Hinarap ako ni Travis. Lumapit ang mukha niya na parang bubulong. "Pumasok ka na,
ako ng bahala rito. Sabay tayong uuwi mamaya. Hihintayin kita sa kotse," aniya.

Wala sa sariling napatango ako bago lumabas sa lugar na 'yon. Tulala ako habang
naglalakad papunta sa room namin. Kinakabahan ako kasi nakita kami ni Sir Rico.
Naiintindihan ko ang point niya, siguro ay iniisip niya lang din sa Travis.

Ubos ang enerhiya ko hanggang magklase kami, sinabon ako ng mga kaibigan ko kung
saan ako nanggaling at kung bakit tumaggal pa ako.

"Hindi e, iba talaga sis! Hindi ganyan kapula ang labi mo sis. Anong gamit mong
liptint huh?" nanunuyang usal ni Kevin sabay taas-taas pa ng kilay.

Nagliligpit na kami ng gamit, pauwi. Kanina pa nila ako inaasar ni Lisa na baka raw
sa ibang course ang kasintahan ko.

Si Alice naman ay tahimik lang at nakikinig. Napalingon ako kay Daryl ng marinig
ang malakas niyang buntong-hininga. Palabas na kami ng classroom.

Tumango siya bago sumabay sa akin maglakad habang nasa harapan namin sila Kevin.

"Where have you been?" tanong niya habang nasa bulsa ang parehong kamay.
"May kinausap lang ako, saka masakit puson ko kanina," well, half-truth naman iyon.
Bahagya siyang sumulyap sa sinabi ko.

"Ayos ka na nyan?"

Tipid akong ngumiti at tumango. Huminto kami sa harap ng restroom dahil magre-
retouch muna raw sila Lisa. Naiilang ako sa uri ng titig ni Daryl parang may gusto
siyang itanong pero hindi niya maituloy.

Bubukas na sana ang kaniyang bibig ng may babaeng huminto sa amin gilid. Sabay
kaming napalingon kay Nade. Suot niya ang salamin niya't bahagya pang iniayos.

"Oh Nade," bungad ni Daryl.

"M-May sasabihin ako sa'yo," kay Daryl lang siya nakatingin.

Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ko dahil doon. Nagkatinginan kami ni Daryl
sandali pa niya akong tinitigan bago sumama kay Nade. Katulad noong mga nakaraan ay
lumayo sila sa akin.

Naningkit ang aking mata sa kanila. Something is off. Ano kayang pinag-uusapan
nila?

"Hala uy! Inuunahan na ako ni Nade," madramang wika ni Kevin pagkalabas ng


restroom. Bahagya pa siyang napasandal sa pader at napahawak sa puso.

Lumabas na rin si Lisa at Alice. Humalukipkip si Lisa habang nakatingin sa dalawa


sa malayo. "Ano kayang pinag-uusapan nila?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako, nahagip ng aking tingin ang naniningkit na mata ni Alice sa


akin para bang pinag-aaralan niya ang reaksyon ko.

Nang makabalik si Daryl ay seryoso ang kaniyang mukha. Para bang may malalim siyang
iniisip, nang magtama ang mata namin ay ngumiti siya. Pakiramdam ko ba'y lahat ng
tao ay pinapanuod ang akibg galaw o baka naman nag-iisip na naman ako ng sobra.

Sa parking lot ay naghiwalay-hiwalay na kami. Hinihintay ko silang makaalis lahat,


akala ko'y mahihirapan akong paalisin si Daryl pero dere-deretsyo lang ang kaniyang
lakad palabas na parang wala sa sarili.

Tumunog ang kotse ni Travis ng tumapat sa akin. Mabilis akong pumasok doon. Nagulat
pa ako ng mabilis niya akong halikan sa noo saka pinausad ang kotse. Para saan
naman 'yon?

Tumikhim ako habang nasa biyahe na kami.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng mapansin sa kabilang daan kami papunta.

"Mall, may bibilhin lang ako. You can buy whatever you want too," aniya.

Bahagya niya akong sinulyapan saka inilagay ang palad sa aking hita. He rested his
hand to my thigh. Ramdam ko ang init doon kaya para akong kakapusin ng hininga.

"Dala ko na 'yong paperbag mo." Tumango ako sa sinabi niya.

"A-Anong sinabi ni Sir?"

Bahagya niyang hinimas ang hita ko kaya mas itinikom ko iyon. "Nothing, He can't
believed that I have a beautiful wife," umangat ang sulok ng kaniyang labi.
"B-Baka sabihin niya sa D-Dean."

Napabuntong-hininga siya. "Why are you so scared? Ano naman kung malaman nila,
we're married. Bago pa ako magturo dyan asawa na kita." He pointed out.

"B-Basta, huwag muna. Huwag ngayon." Umiling-iling pa ako para mas maramdaman
niyang ayoko. Hindi pa ngayon.

Tahimik na ang buong biyahe namin hanggang makarating kami sa mall. Hindi kami
sabay maglakad, palagi akong nagpapahuli pero lagi rin niyang binabagalan ang lakad
niya. Natatakot akong baka may makakita sa amin at hindi malabo iyon.

Habang naglalakad kami ay nag-iisip na ako ng idadahilan sa makakakita sa amin.

Pumasok si Travis sa isang bookstore, may binili siya doon gamit niya para sa
school. Pagkatapos no'n ay nadaan kami sa isang pangbabaeng boutique.

Ayoko sanang pumasok pero nahila na niya ako. Kaagad tumama ang mga mata ng mga
babaeng nandoon sa kaniya. Para bang may magnet siya't awtomatikong mapapalingon
ang babae kahit pa may kasamang ibang lalaki.

Humalukipkip ako ng may lumapit na isang saleslady.

"Good afternoon Sir," bati ng babae sabay hawi ng buhok. Sir lang? Ano ako rito?
Mannequin?

Blanko ang mukha ni Travis na hinawakan ang kamay ko, "I want to see your dress,
blouse and pants for her size."

Tumango ang babae na para bang walang ibang tao, nakatitig lang ito kay Travis at
nakangiti. Bumaba ang tingin sa akin ng babae taas-noo ko siyang tiningnan.

"Ay ibibili niyo po ng damit ang kapatid niyo Sir." maligayang wika ng babae.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Eh kung ipalaklak ko kaya sa babae na 'to mga
tinitinda nilang damit? Mukha ba kaming magkapatid? Tsk.

Nang lumingon ako kay Travis ay nakatitig siya sa akin habang may naglalarong ngiti
sa labi. Natutuwa pa talaga siya.

Inagaw ko ang aking kamay sa kaniya. Ayoko na rito!

Tumalikod na ako palabas doon. Hindi ko na sila nilingon pa. Nakakabadtrip! Kapag
lumaki ako babalik ako sa shop na 'yon.

"Sascha!" He chuckled.

Naramdaman kong sinundan niya ako pero mas lalo nadagdagan ang inis ko dahil
naririnig kong tumatawa siya sa aking likod.

Nang makalayo kami sa pesteng shop na 'yon ay hinawakan niya ang aking braso saka
hinarap sa kaniya. Pilit kong iniiwas ang aking tingin. Dahil baka kapag nakita ko
ang mata niya ay mawala ang inis ko.

Ganon ko siya kagusto.

"Cha," tawag niya ulit.


Ngumuso ako at tuluyan tumigil sa paglakad, hinarap niya ako. Hindi ako tumingin sa
kaniyang mukha, nanatili ang aking tingin sa kaniyang dibdib.

"Umuwi na tayo, tapos ka naba sa bibilhin mo?" walang buhay na tanong ko sa kaniya.

"Bibilhan kita ng damit, bakit ka umalis?" malumanay na tanong niya.

Sasagot na sana ng may biglang tumawag sa kaniya mula sa aking likod.

"Trav!"

Nanlaki ang mata ko dahil kilala ko ang boses na iyon. Lumagpas ang tingin ni
Travis sa aking likod. Sa ingay ng mall ay narinig ko pa ang tunog ng kaniyang
stiletto.

"Trav! Oh my! my! my! Ikaw nga. I thought ibang man. I didn't expect you here. You
should tawag me na here ka pala---ohh." Napangiwi ako sa pagsasalita niya. Mukhang
ngayon niya lang din ako nakita.

Blankong mukha akong humarap.

Gusto ko na lang lumubog sa kinakatayuan ko ng makita ang maganda niyang damit.


Kulay pula ito't hapit na hapit ang kaniyang katawan.

Nawala ang ngiti niya labi niya ng makita ako lalo ng ilagay ko sa beywang ni
Travis ang aking kamay. Niyakap ko ang kaliwa kong braso mula sa kaniyang likod.
Narinig kong humalakhak si Travis saka ako inakbayan naman.

Bakit siya tuwang-tuwa? Dahil nandito 'yang Angel na 'yan?

"Angel," tawag niya.

Napakurap-kurap ito saka bumalik ang ngiti sa labi na bumaling kay Travis. "You're
here pala."

"Yup, I'm with my wife." Bahagya niyang pinisil ang balikat ko. "Baby this is
Angel, she's my bestfriend."

Hindi ako ngumiti, tumango lang ako. Bakit ako ngingiti e ayoko sa kaniya. Ang
ngiti ko ay para sa mga taong gusto ko lang.

"Hi," sabi niya sa akin saka bumaling ulit kay Travis. "Do you want to eat? Wala
kasi akong kasama kumain. Sobrang bored sa hotel," kuminang ang mata niya.

Bumaba ang tingin sa akin ni Travis. "Sorry, Angel. My wife is tired and--"

"No, okay lang." Kaagad na sagot ko.

Ayokong isipin na pinag-iiwas ko sila. Inis ako at wala akong tiwala sa babae na
iyan pero dahil sabi naman ni Travis na magkaibigan sila ay pagbibigyan ko.

Mas nauna silang magkakilala bago sa akin.

Pumalakpak siya. "Yey! May na see akong resto, near lang here mukhang delicious
naman. Let's go?"

Tumalikod na siya sa amin at naglakad na halatang proud na proud siya para naman
akong nanliit.
"You sure? We can leave if you want. Sa bahay na lang tayo kumain." Binitawan ko
ang hawak ko sa kaniya saka sumunod kay Angel.

Kakain lang naman. Walang problema.

Nang dumating kami doon ay kaagad tinawag ni Angel ang waiter. Umorder siya't
gano'n din si Travis. Tahimik lang ako, pakiramdam ko ba ay ako ang third wheel sa
dalawang maganda't gwapo sa lamesang ito.

Napalingon ako kay Travis ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking hita. Naka-
uniform pa rin ako kaya ramdam ko ang medyo magaspang niyang palad doon.

"Travis, may know ka bang store na bilihan ng furniture? I think I need to add
more," sa isip ko'y ginagawa kong magsalita si Angel. Ang arte.

"I'll ask my mom," simpleng sagot ni  Travis, pinirmi niya ang kamay sa aking
tuhod.

Tumunog naman ang telepeno ni Angel. Naningkit ang mata ko sa bawat galaw niya.

"Hello? Brother where na you? Oh my gosh, come here na. Ipapakilala kita sa
bestfriend ko." Tumawa pa si Angel sa kausap habang nakatingin kay Travis.

Sumulyap ako kay Travis na nakatingin lang sa akin. "Travis, ano ba?" bulong ko
dahil halos harapin na niya ako.

"What?"

"Umayos ka ng upo."

"I'm good like this."

Napailing ako sa kaniya, gusto ko ang atensyon binibigay niya at nahihiya rin ako.
Nasa public place kami anumang oras ay maaari kaming makita.

"Trav, pupunta rito ang step brother ko. I want you to meet him."

Nilingon na siya ni Travis saka tumango. "Sure, Angel."

Tumayo ako dahil para akong kakapusin ng hininga. "Restroom lang," mabilis kong
usal.

"Let's go," tatayo sana si Travis at sasamahan ako ng umiling ako.

"Hindi na, sandali lang ako."

Sumulyap ako kay Angel na ngayon ay ngingiti-ngiti sa amin. Kaibigan ka ng asawa ko


pero hindi ibig sabihin no'n ay magtitiwala ako. Maraming relasyon ang nasira dahil
sa salitang kaibigan.

Mabilis akong pumunta sa banyo at umihi. Bahagya ko rin inayos ang buhok ko, para
naman kasi akong alalay nila.

Paglabas ko ay napatigil ako ng makitang tatlo na sila sa lamesa. Si Travis ang


nakaharap sa aking gawi.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ang kapatid na tinutukoy ni Angel.

Kumabog ang puso ko.


"D-Daryl..." bulong ko bago umatras.

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 18

Mabilis ang lakad ko palabas sa restaurant na iyon, hinihingal na sumandal ako sa


kotse ni Travis sa parking lot. Hindi ako makapaniwala, ang Angel na 'yon ay
kapatid ni Daryl.

What the fuck? Ang bait ni Daryl para maging kapatid 'yon.

Napailing ako, maybe I'm just being judgemental. Baka naman mabait din siya katulad
ni Daryl, hindi naman siguro siya magiging bestfriend ni Travis kung katulad siya
ng nasa isip ko.

Mabilis kong kinuha ang aking cellphone ng tumunog ito ng dalawang beses.

Tatay T:
Where are you?

Sascha, I'm going to you. Where are you?

Mabilis akong nagtipa ng reply para sa kaniya.

Reply:
Nasa parking lot na ako, sa kotse mo. I saw Daryl there. He can't see me.

Wala pang limang segundo ay nagreply na siya.

Tatay T:
Stay there.

Huminga ako ng malalim bago itago ang aking telepeno. Ilang sandali pa akong
natulala doon bago may humawak sa aking braso kaya gulat na napalingon ako kay
Travis.

Seryoso ang kaniyang mukha, imbes na dumeretsyo kami sa harap ay iginiya niya ako
papasok sa likod. Kunot-noong pumasok ako, nang makapasok siya ay kaagad akong
ginapang ng kaba. Inilagay niya ang pinamili sa sahig ng kotse.

Bakit nandito pa kami? Dapat ay nagdrive na siya pauwi. Baka sinundan siya nila
Angel.

"T-Travis bakit?" takang tanong ko't tinitigan siya.

Sumandal siya saka ako nilingon. His eyes are only focused on me. He let a loud
breath. I can feel his control over his emotions, anger and worried at the same
time.

"Why do we need to hide, baby?" bulong niya.

Nanikip ang dibdib ko sa tono ng boses niya, para bang litong-lito siya sa gusto
kong mangyari kahit pa ilang beses ko ng ipinaliwanag ang dahilan ko. Hindi pa kami
pwedeng makita sa ngayon, hindi ngayon. Gusto ko sanang unti-untiin. Ayoko lang na
masira siya sa school, sa faculty.

I can feel his doubt about my decision, para bang iba ang naiisip niyang dahilan
kung bakit ayokong makita kami.

Hindi ako nakasagot sa kaniya.

"Do you like that boy?" nag-iwas siya ng tingin. He folded his long sleeves
till his forearm.

Umiling ako kahit pa hindi siya nakatingin na sa akin. "No..."

Tumango siya pero hindi ko alam kung naniniwala ba siya o tumango lang siya dahil
akala niya'y nagsisinungaling ako.

"Hindi talaga," ulit ko.

Nang magtama ang aming mata ay kumabog ang puso ko. Nakabusangot siya't pantay ang
kilay halos magsalubong na.

"Are you comfortable with this kind of set up?" mahinahong tanong niya.

Nagulat ako doon dahil matigas ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero malumay ang
boses niya.

Gusto kong sumagot pero naiisip ko rin siya, unfair naman ata 'to sa kaniya.

"Kung saan ka kumportable, sige. But I can't promise you kapag nakikita ko may
ibang lalaking nakapaligid sa'yo nagdidilim ang paningin ko," umiling-iling siya na
parang pati siya ay hindi siya makapaniwala sa sinasabi niya. "Baka makalimutan
kong istudyante sila at guro ako." Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago
bumaba ang tingin niya sa singsing ko na nasa kwintas na ulit.

"Sila Lisa lang naman lagi kong kasama," kaagad na sagot ko.

"And that Daryl," madiin usal niya.

Sinuklay niya ang kaniyang buhok habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Gusto
kong sabunutan ang sarili ko dahil ultimong paglunok niya ay pinapanuod ko't pinag-
aaralan ko bawat kurap niya't pagtama ng pilik mata niya sa ilalim ng mata.

Dahil nabanggit niya si Daryl ay naalala ko ang nangyari sa restaurant.

"K-Kapatid pala ni Angel si Daryl?"

"Ngayon ko lang din nalaman, Angel told me before that she has a stepbrother,
brother from her mother. Iba ginagamit nilang apelido, hindi ko alam," paliwanag
niya.

Tumango ako, "W-Wala bang nasabi si Angel sa akin tungkol kay Daryl? Is she
mentioned my name or what? Sa tingin mo sasabihin niya 'yon kay Daryl?" sunod-sunod
kong tanong.

Hinawakan niya ang aking kamay. "I don't know, kung malaman niya ano naman? As if
It will change everything," mataman aniya.

"H-Huwag kang mainis kay Daryl, mabait 'yon saka alam mo ba nakita ko siyang nagta-
trabaho sa restaurant malapit sa bahay ng magulang mo. He's very hard working,"
tumango-tango pa ako para maniwala siya.
Kahit madilim sa loob ay nakita ko ng pag-irap niya. "I'm more hard working, I own
a house, a car, I have business, and oh I have you."

Dinala niya sa kaniyang labi ang kamay ko't dinampian iyon ng halik.

Ngumisi ako kay Travis. "Hindi ka naman nag hard work sa akin, arrange tayo
remember?" panunuya ko sa kaniya.

Ngumuso siya sa sinabi ko't parang hindi na gustuhan ang aking biro kaya humalakhak
ako bago siya yakapin. Kaagad naman niyang ipinalupot ang braso sa aking beywang.
Walang kahirap-hirap niya akong binuhat paupo sa kaniyang hita.

"Travis!" gulat na sigaw ko't napahawak na lang sa kaniyang balikat.

"There," komento niya ng mapirmi ang sa hita niya.

Nag-init ang aking mukha sa posisyon namin. Nakaupo ako sa harap niya't nakabukaka
paharap sa kaniya. Nakapalda ako!

Pinandilat ko siya.

He smiled at my reaction, he caressed my lips using his thumb.

"I want to shout to the world how much I love you." he whispered while looking at
my lips.

"Hindi ka dapat ininilihim, kung ako masusunod bawat makasalubong ko sa school


sasabihin kong asawa kita," paos na wika niya.

Lumalim ang aking paghinga. Ngumisi ako para itago ang nararamdaman ko. Marupok ako
pero hindi ko 'yon ipapahalata sa kaniya.

"May ka-sweet-tan ka pala sa katawan, samantalang dati halos iniiwasan mo ako kapag
umuuwi ka sa bahay, hindi mo nga ako matingnan e," pabirong sumbat ko.

Humalakhak niya saka ako niyakap, ipinalibot niya ang dalawang braso sa aking
beywang.

"Paano mo naman nasabing hindi kita tinititigan kung ikaw 'yon hindi ako
nililingon? God knows how much I wanted to stay in our house. Kailangan ko pa
tapusin kontrato ko doon para makalipat ako rito, malapit sa'yo. Iniiwasan kita
kasi baka... baka kapag hindi ko napigilan hindi na ako bumalik sa trabaho ko't
hindi na umalis sa bahay," pag-aamin niya.

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. Mas humigpit ang yakap niya dahilan
para mas magdikit ang katawan namin.

Hinawakan niya ang aking baba upang lumapit sa kaniyang mukha. Ramdam ko ang mainit
na hininga niya ng tumama sa aking mukha, nang maglapat ang aming labi ay narinig
ko ang malakas niyang buntong-hininga na para bang kay tagal niyng hinintay 'yon.

Napapikit ako.

I kissed him back, sumuporta kaagad ang isa niyang kamay sa aking batok upang hindi
maghiwalay ang aming labi habang ang isa niyang kamay ay marahan hinihimas ang
aking hita.

"Date ulit tayo sa weekends," bulong niya sa pagitan ng mga halik niya.
Ang kaniyang labi ay unti-unting umalis sa aking labi at pumunta sa aking panga.
His tongue trails down to  my neck. Mas binigyan daan ko siya doon, tumingala ako
para sa kaniya.

"Shit!"  malutong na mura niya saka hinalikan ulit ang aking leeg.

Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang aking uniform, wala akong pagpipigil na
naramdaman. Hindi ko siya pipigilan. Bahagya akong dumilat upang tingnan siya, ang
kaniyang mga mata ay may kakaibang emosyon.

Go on, Sir. Do whatever you want. I'm yours.

Napahawak ako ng mahigpit sa balikat niya ng tuluyan lumantad sa kaniya ang aking
harap.

Huminga siya ng malalim bago dampian ng halik ang ibabaw ng kaliwa kong dibdib.
Kinilabutan ako ng pinadaan niya ang labi sa aking dibdib para bang lahat ng
dinadaanan ng kaniyang labi ay sa kaniya na.

I felt short of breath as he lowered his head and kissed between my breasts and
slowly ran his tongue up my neck.   Ang kamay niya sa aking hita ay napunta bigla
sa ibabaw ng aking kanan dibdib, His hand gently caressed my right boob.

"T-Travis..."

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang mahinang daing na lumalabas sa aking
labi.

Nang dumilat ulit ako ay nagtama ng aming mata, his eyes are burning in so much
passion.

"I-I want you now," paos na boses niya saka mariin siyang pumikit na para bang mali
iyon.

Umiling siya bago mabigat ang kamay na binutones ulit ang aking uniform. Hindi ako
makalagay, nabigla ako sa mga desisyon na. What the hell?

Nang maayos niya ng damit ko'y tipid siyang ngumiti kahit mapungay ang matang
nakatitig sa akin.

"Nag-aaral ka pa, baka mabuntis kita. Kapag nagtuloy-tuloy ako hindi ko na


mapipigilan, I don't like condoms, I will never use that to you. I think I can't do
withdrawal, baka tatlong ulos pa lang naputok ko na sa loob mo," paliwanag niya sa
akin ng makita ang gulat kong mukha.

Para bang nagpapaliwanag lang siya ng isang lesson na hindi ko maintindihan.

Bigla ako nakaramdam ng hiya, kanina ay hindi ko iyon naisip ngayon unti-unti kong
naintindihan ang sinasabi niya. Graduating student ako next sem, kung mabubuntis
ako ay mahihirapan ako sa OJT ko. Iniisip niya lang ang maaaring mangyari, sa pag-
aaral ko. Samantalang ako ay todo bigay.

Bumalik siya sa pagkakayap sa kaniya pumirmi na lang na ipitanong ang baba sa aking
balikat. "Let's stay like this for a while, I need to calm," aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang isang bagay na tumutusok sa


aking gita, kahit nakashort at may sanitary napkin ako'y ramdam na ramdam ko.
Hinimas ko ang buhok niya habang nasa gano'n kaming posisyon.

Nang humupa ang tensyon sa pagitan namin ay nag-ayos ako't lumipat na kami sa
harap. Katulad ng papunta ay naging tahimik ang biyahe namin ang pinagkaiba lang ay
hindi niya binitawan ang kamay ko.

KINABUKASAN ay maaga ako nagising pero nagulat ako ng wala na rin doon si Travis.
Nang bumaba ako ay naabutan ko siyang nakaharap sa kalan. Naka black jogging pants
siya't naka puting vneck shirt. Nasa bungad pa lang ako ng kusina ay naamoy ko na
ng fried rice at longganisa.

Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko dahil bahagya siyang lumingon. Napanguso
ako habang nakatingin sa kaniya na may suot na kulay pink na apron.

"Gising na ang misis ko," bungad niya sa akin sabay lahad ng kamay.

Bahagya kong nilinis ang anumang dumi sa mukha ko nakakahiya namn sa kaniya.
Maaliwalas ang mukha niya, lalo ng tinanggap niya ang kamay niya.

Hinalikan niya ko sa noo. "Matatapos na 'to, kakain na tayo," bulong niya.

Tumingala ako sa kaniya. "Si Manang?"

"Sinundo ni Terron kaninang alas kwatro." Iginaya niya ako paupo sa aking madalas
inuupuan katabi ng sa kaniya.

"Bakit daw? May problema ba sa bahay niyo?"

Umiling siya't pinatay ang kalan. "Wala naman, hindi ko alam kay Terron. Nagising
ako kanina dahil sa busina niya, hihiramin muna raw niya si Manang," kibit balikat
na aniya saka inilapag ang niluto sa lamesa. "Mukhang handang-handa naman si Manang
naka-ayos na dalang maleta e." Tumaas ang kilay ko dahil doon.

"Bakit kaya?" bulong ko.

Nagkibit balikat siya saka naghain ng pinggan. Ako na ang nagtimpla ng kape,
nakakahiya naman sa kaniya.

Nang matapos kami ay siya ang unang naligo, hinugasan ko naman ang pinagkainan
namin tutal ay alas otso pa ang pasok namin ngayon.

Habang naghuhugas ako ay nagpatugtog ako mula sa aking cellphone.

Halos mapatalon ako pagkatapos ko ay nakita ko si Travis na nakasandal sa pader


malapit sa entrance ng kusina. He looked at me with a serious face, napangiwi ako
dahil ang gwapo niya sa uniform niya.

Shit!

Basa pa ang buhok niya, nakasuot na siya ng longsleeve. Nanuot sa ilong ko ang
kaniyang amoy, hindi iyon masakit sa pang-amoy.

Hinubad ko ang apron, "Ako naman maligo," paalam ko.

Lalagpasan ko sana siya ng hawakan niya ang braso ko. Napatuwid ako ng tayo saka
nagtatanong na tumingin sa kaniya.

"B-Bakit?"
Hindi siya nagsalita, marahan niya akong hinarap sa kaniya. Nagulat pa ako ng
ipalupot niya sa akin ang isng braso habang ang isa niyang kamay ay hinawakan ang
kamay ko't itinaas iyon.

Nanlaki ang mata ko sa realisasyon sa pwesto namin. Para kaming sasayaw, 'yong mga
napapanuod ko sa mga fairytale.

Kasabay ng tugtog ko sa cellphone ko na 10,000 hours ay  ang bahagyang pag galaw ni
Travis sa amin.

Marahan niya akong sinasayaw sa kantang iyon.

Ngumiti siya, "I didn't have a chance to dance you on your debut," bulong niya.

Nanginig ang ibabang labi ko at pakiramdam ko'y anumang oras ay tutulo na ang luha
ko dahil sa kilos niya. Dahil sa pinaparamdam niya sa akin.

Marahan niya akong inikot saka ibinalik ulit sa kaniyang dibdib. Hinalikan niya ang
buhok ko habang marahan gumagalaw, halos siya lang ang kumikilos para sa amin.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

"I was there on your debut, nasa malayo nga lang," aniya.

Inilagay ko ang aking ulo sa balikat niya habang sumasayaw kami. "Gusto ko simula
ngayon, sa mga susunod na taon, sa mga dadaan na birthday mo ako na ang kasama mo,"
ang luha sa mata ko ay tuluyan ng tumulo.

Hindi dahil sa lungkot, masaya ako. Masaya ako kasi akala ko walang lalaki
magmamahal sa akin. Hindi perfect family ang pamilya ko.

My father had an affair, bata pa lang kami. Lagi ko silang naririnig ni Mama na
nag-aaway dahil sa ibang babae. Ilang beses ko na rin nakita si Mama na umiiyak
dahil doon, ilang beses ko na siyang nakitang matulog sa sala kakahintay kay Daddy
noon mga bata kami. Ngayon lang sila medyo nagkakaayos. Isa rin ito sa dahilan kaya
pumayag ako magpakasal, para makaalis ako sa bahay. Kapag kasi nakikita ko ang
magulang ko na magkasama pero parang wala na lang, nasasaktan ako. Hindi ko kaya
tumagal doon.

Tinanim ko sa isip ko noon na kapag ako nagkasal sa lalaking hindi magsasawa sa


akin kahit gaano kasawa-sawa ang ugali ko.

Sa lalaking tanggap ako kahit na sarili ko mismo hindi ko matanggap.

Kaya ng pinasok ako sa marriage na 'to, naisip kong magagaya rin ako sa magulang
ko't ibang relasyon. Na baka magsama na lang kami ng magiging asawa ko dahil may
anak kami at hindi dahil mahal namin ang isa't-isa.

Natakot ako, pero ito't pinapatunayan niya ni Travis mali ang lahat ng iniisip ko
no'n.

"I'll never leave you Sascha," bulong niya.

Mariin akong pumikit. Sana nga Travis, sana nga.

"I can’t help myself from falling in love with you every day!" sinapo niya ang
aking mukha. "I want you in my life for today, tomorrow and forever Sascha."

HINDI maalis ang ngiti sa aking labi hanggang makarating kami sa school. Hanggang
magklase ay kahit inisin ako nila Kevin ay parang wala lang sa akin.

Nang magklase kami at si Travis ang professor namin ay ngingisi-ngisi rin siya
minsan ay sinusulyapan niya ako habang nagdidiscuss.

Nang maglunch ay pupuntahan ko na sana si Travis dahil sabi niya ay mag-o-order


siya sa labas at sabay kami kakain pero bago pa ako makarating doon ay may humigit
na ng braso ko.

Gulat akong napalingon kay Daryl.

"Daryl," gulat kong usal.

Kanina sa klase ay hindi niya ako kinausap, tahimik lang siya kaya nagulat ako
ngayon.

Hinila niya ako papunta sa locker room ng mga lalaki. Walang tao dahil nga lunch
break, karaniwan ay nasa canteen.

Gulat akong hinarap siya.

"A-Anong problema?"

Humakbang siya papalapit sa akin hinawakan ang braso ko. "Do you like me?"
deretsahan tanong niya.

Napanganga ako dahil doon. Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako!

Sa gulat ko'y napasinghap ako. Buong lakas ko siyang tinulak.

"Daryl ano ba?!" sigaw ko.

Wala pa akong pakielam kung may makarinig sa amin.

Napakurap-kurap siya sa ginawa ko. "Bakit mo ako hinalikan Daryl, nahihibang ka na


ba?" inis na wika ko.

Tinabig ko siya palayo sa akin.

Mariin siyang pumikit. "I-I'm sorry. Sascha."

Napailing ako, "Kaibigan ang turing ko sa'yo Daryl, pero kapag ginawa mo pa 'to
ulit hindi ko na alam," akmang hahawakan niya ulit ako ay tinabig ko ulit ang kamay
niya.

Huminga ako ng malalim.

Nakita ko ang takot sa kaniyang mata. Hindi sa akin kung hindi dahil sa tao sa
likuran ko.

Kumabog ang puso ko ng maisip na may nakakita sa nangyari, daglian akong humarap.
Hindi ako kumurap habang nakatingin kay Nade.

Deretsyo lang din ang tingin niya sa amin. Wala akong balak magpaliwanag. Tumalikod
na ako sa kanila para makaalis sa lugar na 'yon.

Naikuyom ko ang kamao ko habang papunta sa office ni Travis. Ano bang problema nung
si Daryl? Baka tama si Travis, dapat ko siyang iwasan. Hindi naman siya ganyan.
He's acting weird lately.
Bumuntong-hininga ko bago pumasok sa office ni Travis. Nanigas ako sa kinatatayuan
ko ng makita si Ma'am Bea na nakalapat ang labi kay Travis. Nanlaki ang mata niya't
naitulak si Ma'am ng makita ako.

Karma ko ba 'to dahil kanina?

Hindi ako kumurap.

Tumayo si Travis.

"Sascha," tawag niya sakin. Bumigat ang paghinga ko.

Gulat naman si Ma'am Bea sa reaksyon ko. "I-I have to go," aniya saka umalis.
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang tuluyan makaalis. Siguro ay nahiya siya
dahil may nakakitang istudyante sa kababuyan nila.

Lumapit si Travis sa akin. Tinitigan ko lang siya. Bakit ganon? Kapag masaya ako,
kasunod no'n ay sakit na. Nakakatakot na rin maging masaya.

I saw how scared he is, you should be scared Travis.

Nanuyo ang lalamunan ko habang umuulit ang nadatnan ko.

"S-She kissed me, I-I didn't--"

"Okay."

Hinawakan niya ang braso ko, bumaba ang tingin ko doon. Wala akong maramdaman.
"Baby please, maniwala ka nabigla rin ako. Pumunta siya tapos pinapaalis ko na siya
tapos bigla niya ako hinalikan," pagsusumamo niya.

Naririnig ko ang paliwanag niya pero hindi ko matanggap.

Tumango lang ako habang blanko ang mukha.

"P-Pasok na ako, h-hindi ako gutom," tumalikod na ako. Nanghihina ako.

Bago ako lumabas ay niyakap niya ako mula sa likod ko. Ibinaon niya ang mukha sa
aking leeg. "Baby... Please..."

"N-Naiintindihan ko T-Travis, aalis na ako. Please."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

Tumulo na ang luha ko, nasasaktan na ako Travis, hindi sa yakap kundi sa puso. Ayaw
kitang awayin dahil baka mamaya ako na naman ang mali. Ako na naman. Gusto ko lang
umalis.

"Please stay..."

Sasagot pa sana ako ng bumukas ang pinto. Napaawang ang bibig ko sa dumating.

"Let her go, Sir. You're hurting her." matigas na usal ni Daryl.

***
10,000 HOURS

https://www.youtube.com/watch?
v=jNRp7X7FTxU-----------------------------------------------------------

Kabanata 19

Napasinghap ako dahil kay Daryl. Kalmado lang ang kaniyang mukha habang nakatingin
kay Travis na nakayakap sa akin. Hinawakan ko ang braso ni Travis na nakayakap sa
akin upang kalasin iyon.

"Please believe in me, don't come with him," he said, shaking his head on back of
my neck.

"T-Travis bitawan mo na ako, m-mamaya na tayo mag-usap. M-May klase kami,"


pakiramdam ko ay wala siyang balak na pakawalan ako. "T-Travis, nasasaktan ako sa
hawak mo." I lied.

Dahan-dahan lumuwag ang hawak niya sa akin, kinuha ko ang pagkakataon na iyon para
kumalas sa kaniya. I can see fear and anger in his eyes. His jaw clenched.

"Let's talk, sandali lang..." he mumbled.

Napailing ako, naniniwala ako sayo Travis at naiinis ako sa sarili ko dahil kahit
ano atang gawin mo ay sayo pa rin ako maniniwala. Gusto ko lang talaga umalis,
lumayo muna sa kaniya. Pakiramdam ko kasi mawawala ko ang sarili ko kapag
nagpatuloy ako sa tabi niya.

"M-Mamaya na."

Mabilis akong lumabas doon, narinig ko pang tinawag niya ako pero tuloy-tuloy lang
ako sa paglakad. Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi, I can't believe that I love
him so much. I trust him so much.

Dederetsyo sana ako sa field pero mainit at maraming tao, kailangan ko mapag-isa.
Habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid ay naramdaman kong may tumabi sa
aking gilid.

"Let's go somewhere," I turned my gaze to Daryl.

Nasa kaniyang bulsa ang dalawa niyang palad. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa
mga nagpapractice sa field. Para bang wala lang nangyari, alam kong madami siyang
tanong. He saw us, I can't hide the truth to him now.

Tumalikod si Daryl, sumunod ako sa kaniya.

Tahimik kaming naglakad hanggang makarating sa likod ng school. Akala ko ay hihinto


kami sa garden sa likod ng school pero nagtuloy-tuloy siya sa dulo, madami ng
matataas na damo doon kaya napatigil ako sa paglalakad at pagsunod sa kaniya.

"Anong gagawin natin dyan?" tanong ko sa kaniya, bahagyang kumunot ang aking noo.

Nilingon niya ako. "Gusto mo ng tahimik 'di ba? I'll guide you," kalmadong wika
niya.
Lumingon ako sa pinanggalingan namin, kapag bumalik ako doon saan ako tatambay?
Ayoko pang pumunta sa room. Paniguradong hahanapin naman ako ni Travis.

Napabuntong-hininga ako bago sumunod kay Daryl.

Dumaan nga kami sa matataas na damuhan. Napatigil kami sa paglalakad ng maabot


namin ang hindi kataasan bakod, lalabas na kami ng school. Ngayon lang ako nagawi
rito, ngayon ko nga lang nalaman na may ganito rito. "Aakyat tayo dyan?" takang
tanong ko sa kaniya.

"Yup," ang bakod na sa tingin ko'y hanggang dibdib niya.

Umiling ako, gusto ko mapag-isa pero grabe naman 'to! Baka bigla niya ako iwan sa
kabilang bakod hindi na ako makabalik. Baka mamatay pa ako at mabalian ng buto
dyan.

"B-Bumalik na lang tayo," tanggi ko.

Lumuhod siya at hindi pinansin ang sinabi ko. Hinabad niya ang uniform niya kaya
natira ay ang sando niyang puti, gulat akong lumingon sa kaniya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?"

"Tumungtong ka sa balikat ko para makaakyat ka, dali."

Nag-aalinlangan akong sumunod sa kaniya. Hindi ko maiwasan sa batak niyang katawan,


kita ko ang matigas niyang braso siguro ay dahil sa pagta-trabaho niya.

"Nakapalda ako," usal ko. Nag-aalinlangan.

"I know," bumaba ang kaniyang tingin sa palda ko. "Mas madali nga umakyat nyan e. I
won't look promise," tinaas pa niya ang kamay na parang nanunumpa.

Ginawa ko ang gusto ni Daryl. Nakaakyat ako sa itaas, nakaupo ako sa sementong
bakod. Nilingon ko siya sa ibaba. "Paano ako bababa?" kinakabahan tanong ko.
Naiimagine ko na ang bali kong buto.

Hindi siya sumagot, mabilis siyang umakyat sa bakod ng walang kahirap-hirap habang
nakapatong sa balikat ang uniform niya. Tumalon siya sa kabila saka ako tiningala.

"Come here, I will catch you."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya, baka hindi niya ako kaya. "A-Ayoko," my lips
protruded.

"Dali na, Sascha. Sasaluhin kita, come on babe," pagpupursigi niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya't pikit matang tumalon ako, natatawang sinalo
niya ako sa beywang saka dahan-dahan binaba.

Sinapak ko siya sa braso. "Kapag ako namatay sa mga pinaggagawa mo Daryl,


mumultuhin kita."

Ngumisi lang siya sa akin bago isuot ulit ang uniform niya na hindi inaalis ang
tingin sa akin, inirapan ko si Daryl dahil naiinis ako ngisi niya. Tama nga siya,
mukha siyang malibog kapag nakangisi.

Kung hindi ko siya kilala ay gano'n nga ang iisipin ko.


Hinawakan niya ang aking braso saka ako hinila kung saan, kumabog ang puso ko nang
makita kung saan kami pupunta. Halos manlaki ang aking mata, hindi ko alam na may
ganito rito.

Binitawan niya ako ng makalapit kami sa lawa. Rinig na rinig ko ang mga huni ng
ibon, pakiramdam ko ay bigla kaming napunta sa ibang panahon. Malayong-malayo sa
school na maingay.

Ang bigat sa dibdib ko ay unti-unting nawala. Huminga ako ng malalim.

"Paano mo 'to nalaman?" tanong ko sa kaniya.

Umupo kaming pareho sa damuhan habang pinapanuod ang mga dahon na lumulutang sa
lawa.

"First week of classes. Natatae kasi ako no'n kaya naghanap ako ibang daan
palabas," seryosong aniya.

Natawa ako sa kaniya, "Siraulo."

"Kidding, sa garden lang dapat ako tatambay no'n. Na-curious lang ako kung ano ang
nasa likudan ng bakod."

Tumango ako, huminga ako ng palalim saka ibinalik ang tingin sa lawa. Kalmado ang
tubig.

Lumipas ang ilang sandali ay hindi siya nagsalita para bang hinahayaan niya lang
ako makapag-isip, nakatulong naman iyon.

Bumalik ang isip ko sa nakita ko kanina, sumisikip ang dibdib ko. Bakit ba kasi
nandoon si Ma'am Bea? Pwede naman niya itong itulak, bakit noong nakita niya ako
doon pa lang niya tinulak?

"I'm sorry about the k-kiss," mahinang usal ni Daryl sa aking gilid.

Saan kiss? Sa ginawa niya o sa nakita ko? Hindi ako nagsalita.

Kumuha siya ng bato saka ibinato iyon sa lawa, narinig ko ang pagbuntong-hininga
niya ng malalim.

"Hindi ka ba magtatanong sa nakita mo sa office?"

Tumingala siya sa mga puno, itinukod ang dalawang siko sa damuhan. Bahagya na
siyang nakahiga.

"You are married to him, right?" napakurap-kurap ako sa tanong niya.

Hindi ko inaasahan na iyan ang sasabihin niya. Ang inaasahan ko ay katulad ni Sir
Rico ang magiging reaksyon niya.

"H-How did you know?"

Umangat ang sulok ng kaniyang labi habang nakatingala pa rin. "I'm a very observant
person, napansin ko noong simula pa lang ng klase, iba 'yong tingin niya sa ati.
Akala ko noon bakla si Sir, kasi gano'n siya makatingin sa akin..." Humalakhak
siya. "Hindi pala. Nakita kitang pumunta sa office niya ilang beses, sa banyo
nakita ko rin kayo noong sumabay siyang kumain sa atin. Akala ko hinaharass ka ni
Sir." Tumingin siya sa akin saka sa kamay ko pero wala doon ang singsing ko na alam
kong hinahanap niya. "Noong umuulan doon ko lang talaga napatunayan, hindi naman
ako umalis, nagtago lang ako kasi curious ako sino susundo sa'yo. Kitang-kita ko
ang reaksyon mo ng makita mo si Sir, k-kasama ang A-Ate ko."

Huminga siya ng malalim.

Bumaba ang tingin ko sa aking kamay na sa hita.

"Then, I realized... You are a De Vega too. Imposibleng magkapatid kayo, hindi
gano'n ang magkapatid. Sorry about the kiss, I actually saw Ma'am Bea. Narinig kong
pinipilit niya ang asawa mo na kumain sa labas. Umalis na ako, tapos nakita kita.
Hmm, maybe my reason was a bullshit, hinalikan kita para matigil ka't hindi sila
makita. Iniisip ko kasing may relasyon sila, sorry. Hindi ko inaasahan nandoon si
Nade sa locker room." pahina nang pahina ang boses niya.

May kumurot sa puso ko dahil sa iniisip ni Daryl. Paano kaya kung totoo may
relasyon sila, tapos nadatnan ko ay higit pa doon? Baka makaladkad ko si Mam
palabas ng office.

Huminga ako ng malalim.

"Do you like me?" balik tanong ko sa kaniya.

Bahagyang umawang ang kaniyang labi animong hindi inaasahan ang sinabi ko. "No... I
mean yes... You're different from other girls. You're beautiful inside and outside.
I-I know, you're married now. So you don't have to worry about my feelings. I can
handle it," mabilis niyang usal.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok. "Someday you'll find a woman for you,
Daryl."

Tipid siyang ngumiti saka kami natahimik.

Sabi ko noon, madali lang naman matutunan mahalin ang tao. Pero mahirap pala, mas
maganda pa rin 'yong kusa mong naramdaman na isang araw ay mahal mo na ang isang
tao.

Si Travis, I know...  He's matured, proffesional and goal centered. Samantalang ako
ay hindi ko pa maayos ang desisyon ko sa buhay.

"I love my husband so much, Daryl. Hindi ko rin alam e kung kailan nagsimula.
Siguro noon pa man, kahit minsanan lang siya umuwi sa amin noon, na laging sulyapan
lang kami, maybe I fall for him that time," kwento ko sa kaniya.

"I know, I can see that," aniya.

Tipid akong ngumiti saka ibinalik na ang tingin sa lawa. I will tell him later my
feelings, how much I love him.

"Bakit ka pa nagtatrabaho?" tanong ko kay Daryl pagkalipas ng ilang minuto. Matagal


ko na itong gustong itanong sa kaniya.

Halatang nagulat siya. "Ha?"

"Nakita kita, you're working everynight. Kung kapatid mo ang kaibigan ni Travis
ibig sabihin mayaman kayo."

Ngumiti siya sa akin. "Sila lang ang mayaman, ako hindi." Tumitig ako kay Daryl.
Kung noon na wala pa akong asawa at kung hindi ko pa gusto si Travis ay baka
magkagusto ako kay Daryl. Naaalala ko pa noon, mas gusto ko 'yong tipo ni Daryl.
Ayoko ng matured at masungit katulad ni Travis pero mapaglaro ang tadhana. Doon ako
nahulog sa ayaw ko.

"Ang totoong asawa ng mommy ko ay ang daddy ni Ate Angel, magkaibigan 'yong daddy
ko saka daddy niya. To summarize the story, my mom cheated to her husband, She
cheated with her husband's bestfriend. Limang taon noon si Ate Angel. Nagbuntis si
Mommy sa akin, nagkalabuan sila ng asawa niya. Kinuha ni daddy si Mommy, hanggang
manganak, ilang taon din ganon pero nang magkaisip na ako ay doon ko napansin na
lagi na silang nag-aaway. Na kaya lang nandoon si Mommy dahil sa akin. In the end,
my mom went back to his husband and Ate Angel. She left me to my father in Davao.
Doon ako lumaki, magkakilala kami ni Ate Angel, noon ayaw niya sa akin pero unti-
unti natanggap naman na niya ako, hindi ako sa bahay nila nakatira, may apartment
akong tinutuluyan," mahabang kwento niya.

Tumingala siya, napaawang ang aking labi ng makita ang mapula niyang mata animong
anumang oras ay iiyak na siya.

"That's why I'm working, ayokong makatanggap ng pera galing kay Mommy, dahil alam
kong pera iyon ng asawa niya. Nakakahiya na, bunga na nga ako ng pagkakamali tapos
manggugulo pa ako."

Huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin.

"Don't cheat to your husband. Bata ka pa, madami ka pang makikilala kapag dumating
ang punto na matutukso ka sa iba lagi mong iisipin kung gaanon mo kamahal ang asawa
mo, kung saan kayo nagsimula at kung anong pwedeng mangyari." Hinawakan ko ang
braso niya.

Naaawa ako kay Daryl, ramdam ko ang lungkot sa mga kinukwento niya. Akala ko ay
wala siyang pinagdadaanan.

"I-I will never do that..."

Ginulo niya ang aking buhok. "Good." Tumayo siya saka inilahad ang kamay sa akin.
"Tara na, mukhang okay na. Bumalik na tayo." Tumango ako at tinanggap ang kamay
niya upang makatayo.

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 20

"Kung tayo ay matanda na


Sana'y di tayo magbago
Kailan man, Nasaan ma'y ito ang pangarap ko..." napailing ako ng marinig na
kumakanta si Kevin sa likod namin. Sinabayan pa ni Lisa na kunwari ay may gitara.
Si Alice ay napapailing na lang sa dalawa. Nasa unahan namin silang dalawa at pauwi
na kami.

Simula ng bumalik kami kanina ay inaasar na nila kami, wala naman iyon sa akin.
Kabisado ko na sila Kevin, hindi ko lang alam kay Daryl kung sineseryoso niya ang
mga tukso ng mga ito.

"Tama na 'yan Kevs," awat ni Alice.

"Ang KJ naman ni Alice e, bagay kaya si Daryl saka si Sascha, tingnan mo oh,"
humalakhak si Lisa at Kevin.
"I said stop it!" inis na wika ni Alice saka nagkabit ng earphone saka nagpati-
unang maglakad nagkatinginan kaming apat.

"Hala galit?"

"Ang ingay mo raw kasi," natatawang usal ni Daryl.

"Huwag mo akong ngitian dyan Daryl, baka hindi ako makapag pigil nako!" maarteng
hinawi pa ni Kevin ang imaginary hair niya't hinabol si Alice.

Bumaling naman si Lisa sa amin, "Sa bahay tayo magpapractice ha," aniya saka
tumalikod na.

Napabuntong-hininga ako, nakalimutan kong ngayon nga pala kami magme-meeting para
sa group project namin. Kanina pa pinapa-alala ni Lisa na sa bahay nila kami ngayon
baka raw kasi bigla na lang kaming mawala ni Daryl at kung saan pumunta.

Kung alam lang nila.

Papunta na kami sa parking lot, tanaw namin ang tatlo. Nakabusangot pa rin si Alice
habang inaasar ni Kevin at Lisa. Bahagya akong tinunggo ni Daryl.

"You should text your husband," mahinang aniya.

May mga nakakasabay kasi kaming maglakad. Tumango ako saka ko kinuha ang aking
cellphone. Napanguso ako ng makitang palowbat na ako. Ibang klase rin ang cellphone
na 'to, kahit hindi ginagamit laging nalo-lowbat.

Tatay T:
Mamaya pa ako uuwi, may practice kami. Mag tricycle na lang ako pauwi. Kumain ka
na.

Mabilis kong itinago ang phone ko. Saktong pag-angat ng tingin ko sa daan ay
nahagip ko ng tingin si Nade na nakatayo lang doon, siguro ay hinihintay niya ang
sundo niya.

Nang mapansin niyang nakita ko siya ay bahagya niya akong nginitian, ngingiti sana
ako pabalik pero tumalikod na siya.

Gusto ko sanang ituro kay Daryl pero baka mamaya may something sila, may gusto kaya
siya kay Daryl? Madalas silang nag-uusap ng sila lang. Hanggang ngayon ay hindi
namin alam kung bakit.

Mabilis kaming nakaalis sa school. Dumating ang sundo ni Lisa, lahat kami ay
sumakay doon sa van nila.

Nang nasa bahay na nila kami ay nag meeting lang kami, pinaghati-hatian namin ang
mga dapat namin gawin. Sa susunod na meeting ay doon naman kami kila Kevin.
Nagdinner pa kami kila Lisa bago maghiwa-hiwalay.

Mag-aalas nuwebe na ng makaalis kami kila Lisa. Si Kevin ay nagpasundo sinama na


niya si Alice. Hinatid naman ako ni Daryl sa sakayan ng tricycle.

Natawa pa ako dahil pinicturan pa niya ang driver, kung sakali raw hindi ako
makauwi ng maayos.

Pagod na pagod ako ng dumating sa bahay. Pagod sa meeting pati na rin sa dami ng
nangyari buong araw.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Madilim na sa buong sala, dahil ilaw na lang
galing sa kusina ang bukas. Tulog na kaagad si Travis?

Nilock ko muna ang pinto ng dahan-dahan humarap. Halos mapatalon ako sa gulat dahil
nakaupo si Travis sa sala, sa carpet habang may mga bote sa gilid niya't isa sa
kamay na pinapaikot-ikot pa niya habang pungay ang matang nakatingin lang sa itaas
ng lamesa.

He look messed up. He was mumbling words as he kept running one hand through his
dark, messy hair.

Mabilis kong ibinaba ang aking bag sa isang sofa at lumuhod sa kaniyang gilid, doon
lamang siya napalingon sa akin.

Bahagya pang naningkit ang mata niya sa akin. "Travis ano bang nangyayari sa'yo?"

Huminga siya ng malalim, naamoy ko kaagad ang pinaghalong amoy ng alak at


toothpaste sa kaniyang bibig. Hindi na basa ang buhok niya pero sa tingin ko'y
naligo muna siya bago uminom.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito. Ngayon ko lang siya nakitang
uminom. He smiled when he saw me. Binitawan niya ang bote saka sinapo ang aking
mukha.

"Are you real? Are you really my wife?" bulong niya habang sinisipat ang mukha ko.

Hinawakan ko ang braso niya at bahagyang hinimas. "Ako 'to, bakit ka ba umiinom?"
mahinahong wika ko.

Naging alerto ang mata ni Travis na kahit hindi ito makaderetsyo ng tingin. Parang
ano mang oras ay makakatulog na 'to. Bakit ba kasi iinom-inom, hindi pala kaya?

"I-I didn't kissed her, promise." Pag-uulit niya sa sinabi kanina. "If you w-want I
will tell this to the dean so--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. I kissed him on the forehead and ruffled
his already messy hair.

"Naniniwala naman ako sa'yo, I trust you. Pero huling pagkakataon na 'yan Travis."
Umiling-iling ako sa mga salitang nasabi ko, kaagad naman ay tumango siya.

Niyakap niya ako at sumubsob sa aking leeg. Napabungong-hininga ako sa ginawa niya,
malakas ang kabog ng puso ko. "I thought, you will leave me," bulong niya.

Mas hinigpitan ang hapit sa aking beywang. Hinayaan ko siya sa gano'n posisyon
hanggang kumalma siya, nang medyo nahimasmasan na ay dinala ko na siya sa kama.

Pipilitin ko siyang intindihin.

MABILIS lumipas ang araw hanggang umabot ng biyernes. Hindi na namin pinalaki ang
issue about sa kiss na 'yon. Hindi ko alam, siguro ay gano'n lang talaga kataas ang
tiwala ko sa kaniya na kahit pa nakita ko ay salita pa rin niya ang papaniwalaan
ko.

Bukas ay pupunta kami sa bahay ng magulang ko. Bago 'yon ay idadaan muna namin ang
mga regalo ni Terron noong birthday ni Travis. Si Manang naman ay hindi pa rin
umuuwi kaya hati kami ni Travis sa gawain bahay pagkauwi namin.
Noong nakaraan araw ay tumawag ulit si Angel, nagpapasama siya bumili ng furniture
kay Travis pero tinanggihan ni Travis.

Aminin ko man o hindi ay natuwa ako doon.

Nasa field kami ni Alice, wala ulit si Lisa at Kevin pero papunta na sila rito. Si
Daryl naman ay hindi ko alam kung saan nagsuot.

Huminga ako ng malalim saka lumingon kay Alice. Seryoso siya habang nanunuod na
naman. Hindi ko na sinubok na sumilip sa pinapanuod niya dahil paniguradong nag-e-
espadahan na naman iyon.

Inabala ko ang sarili ko sa pagkalikot sa cellphone ko.

Nasa gano'n akong sitwasyon ng may humawak sa likod ko. Kaagad akong napa-angat ng
tingin kay Travis na nakatingin sa akin.

Bahagyang napaawang ang aking labi.

"S-Sir!" gulat na usal ko.

Napalingon ako kay Alice na napa-angat ng tingin kay Travis. "Good afternoon--"
napatigil siya at sinundan niya ng tingin ang braso ni Travis na nasa likod ko. "S-
Sir."

Tumango si Travis sa kaniya, napalunok ako sa ginagawa niya. Shit ka Travis!

"Kumain na kayo?" tanong niya pero nasa akin na ang tingin.

Bahagya pa niyang hinimas ang likod ko para bang tinitingnan niya kung may pawis
ako o wala.

Bahagya akong lumayo pero umusog din siya papalapit. Nakita kong nagbaba ng tingin
si Alice sa cellphone niya at nagtuloy-tuloy sa panunuod pero alam kong nakikinig
siya sa amin.

Pinandilatan ko si Travis. Ngumisi siya saka bahagyang yumukod para may ibulong sa
sakin. Kinalibutan ako habang nakatitig lang kay Alice at sa reaksyon niya.

"I have a meeting later, hintayin mo ako, sabay tayo uuwi huh?" bulong niya.

Halos tumuwid ako ng upo dahil kitang-kita kong panlalaki ng mata ni Alice habang
nasa cellphone ang mata. Shit! Naririnig niya 'yon syempre!

Bago umalis ay inalis ni Travis ang tali ng buhok. "Cover your neck, baby." huling
wika niya bago umalis.

Hindi ako nakapagsalita at nanatili akong nakatuwid ng upo. Hindi rin nagsalita si
Alice, gusto kong magpaliwanag pero bago ko pa mabukas ang bibig ko'y umingay na sa
paligid.

Ang tili ni Kevin at tawa ni Lisa ang sumira sa katahimikan. Dumating na rin si
Daryl na may kausap sa cellphone.

"You okay?" bulong ni Daryl.

Napakurap-kurap ako saka bumulong sa kaniya. Yung sapat lang para hindi marinig
nila Kevin. "N-Nagpunta rito si Travis, mukhang nahalata ni Alice."
Hindi siya sumagot, parehas kaming umayos ng upo ng tapunan kami ng tingin ni Alice
na para bang alam niyang siya ang pinag-uusapan namin.

"Are you sure you will wait here?" tanong ni Daryl sa akin.

Nasa bungad na kami ng school. Nakauwi na ang tatlo, tumango ako. "Hihintayin ko si
Travis, may meeting lang sila."

Tumango siya bago kumamot ng batok. "If you want a help, just text me okay?" aniya
saka itinaas pa ang cellphone.

Ngumiti ako saka tumango.

Nang tuluyan umalis si Daryl ay naisipan kong maglakad-lakad muna sa school para
hindi ako mainip.

Pumasok ako sa restroom para umihi muna, habang nasa loob ako ng cubicle ay may
pumasok. Lalabas na sana ako pero napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Ma'am
Bea.

"Yup, I know. Alam ko naman hindi siya makakatanggi, unless he's a gay right? Who
would decline my offer? A night with me? Lalaki pa rin si Travis. He will accept
it," sabi niya sa kausap ata sa cellphone.

Humigpit ang hawak ko sa doorknob. Inaakit niya si Travis? What the heck?

Mabilis akong lumabas pero wala na si Ma'am Bea. Mabilis ko siyang sinundan. I
won't let her seduce my husband. Kung kailangan kong ipalaklak sa kaniya ang
singsing namin ay gagawin ko.

Hindi ba siya nahihiya? Pinipilit niya sa lalaking ayaw sa kaniya?

Nang lumiko siya sa pasilyo ay mas binilisan ko ang lakad ko. Hinihingal na
napatigil ako sa paglalakad ng makitang pumasok siya sa isang kwarto.

Shit! Baka nandoon si Travis.

Baka mamaya halikan na naman niya si Travis. Kahit nangako na si Travis ay hindi
ako mapanatag lalo na dahil sa narinig ko.

Mabilis ang aking hakbang papunta sa kwarto na iyon, hinanda ko ang aking sarili sa
maaaring madatnan ko sa pagbukas ko no'n.

Buong lakas na tinulak ko ang pinto.

Kumalabog ito ng tumama sa pader. Ang tapang ko ay biglang nawala, pakiramdam ko ay


namutla ako ng makita ang isang mahabang mesa. Nasa unahan ang President ng school
at mga dean. Ang nasa mahabang mesa ay ang officers ng faculty.

Napasinghap ako sa realisasyon! Shit!

May meeting sila! Binukas ko ang bibig ko para magsalita pero wala doon lumalabas,
gusto ko na lang lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan.

Lahat ng guro doon ay gulat na napalingon sa akin.

"Who are you? What are you doing here?!" matigas na usal ng matandang lalaki na
president ng school.
Kinabahan ako.

"A-Ah..."

Pakiramdam ko ay maiihi ulit ako sa kaba. Bago ko pa mas mapahiya ang sarili ko ay
tumayo si Travis na kalmado ng mukha humarap sa president.

"She's my student, President. Sorry this is emergency. Please excuse us," malamig
na usal ni Travis.

Kunot-noong tumitig sa kaniya ang matanda. Nakita ko kung paano umirap si Ma'am Bea
sa ginawa ni Travis.

"Okay, De Vega."

Mabilis na lumapit sa akin si Travis saka ako hinawakan sa siko't inalalayan


palabas sa lugar na 'yon.

Walang nagsalita sa amin hanggang makarating kami sa office niya. Nang masara niya
iyon ay hinarap niya ako.

"What happened?" nag-aalalang aniya.

Napasinghap ako ng naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko. Akala ko'y magagalit
siya sa akin.

Umiling ako."A-Akala ko kayong dalawa lang ni Ma'am Bea doon," pag-aamin ko. "I-Im
sorry."

Dinungaw niya ang mukha ko saka napanguso siya animong nagpipigil ng ngiti.  "Ang
sweet mo naman sinundo mo pa ako sa meeting," tukso niya.

Tinabig ko ang kamay niya kaya humalakhak siya at niyakap ako't hinalikan sa noo.

"Sabi ni Ma'am Bea, inaya ka niya o aayain ka na niya," mapait na bigkas ko.

"Aayain, saan?" inosenteng tanong niya.

Bahagya siyang lumayo upang makita ang mukha ko, inirapan ko siya.

"Yayain sa ano, yung ano."

Hinimas niya aking beywang. "Hindi ko na siya kinakausap, hindi ko siya


nilalapitan. I won't accept any offer from her. Don't worry I know where I will
stand. I'm a married man, and If I want that, I have you."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nanatili kami sa ganon ng ilang minuto,
hinawakan niya ang aking baba.

His lips brush mine. Not innocently, like a tease but hot, fiery, passionate and
demanding. Napahawak ako sa braso ni Travis dahil sa ginawa niya.

"Meron ka pa ba?" he whispered against my lips.

Wala sa sariling kinagat ko ang ibabang labi ko. "W-Wala na..."

I want to pull away before I lose myself but I can’t seem to…In this minty moment,
my senses have been seduced and I can no longer think straight.
"Good. Very good," he whispers slowly, prolonging each letter as if to savor them.

I smile, my heart fluttering at his voice as I clasp my hands on either side of his
face.

I kissed him, he groaned because of that. Hinawakan niya ang aking beywang saka ako
walang hirap na binuhat habang hindi naghihiwalay ang aming labi.

Narinig ko ang mga nahulog na gamit ng hawiin niya ang mga nasa ibabaw ng lamesa
niya. Inilapag niya ako doon.

My arms reached up and tangled around his thick, strong neck.

"Hmm." I moaned.

His lips was warm and tasted of mint; he had obviously been chewing gum earlier.
His hands were wrapped around my waist and mine locked around his neck pulling him
down slightly.

Hinihingal na naghiwalay ang aming labi.

"Baby, I want a baby." He begged.

Humalakhak ako dahil sa sinabi niya. Oh no, I want too.

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 21

"Anong bus number tayo?" tanong ko kay Kevin na nasa kabilang linya. Hawak ko ang
aking backpack habang naglalakad papunta sa maraming nakaparadang bus.

"Bus number eight sis, bilisan mo dali may upuan ka rito," narinig ko pa ang
tawanan sa kabilang linya.

Napailing na pinatay ko ang tawag at hinanap ang bus na tinutukoy niya. Ngayon ay
may seminar kaming dadaluhan sa Iba Zambales.

Dalawang linggo na simula ng ipahiya ko ang sarili ko sa meeting sa school, mabuti


na lang at hindi naman naging big deal iyon. Alas-kwatro pa lang ngayon, kailangan
kasi ay makaalis kami ng maaga. Ayoko sanang sumama kaso ay sayang din naman, bukod
sa matutunan namin sa seminar ay habol ko rin ang certificate na ibibigay.

Kasama ang ilang teacher panigurado lalo na iyong mga adviser. Kaya hindi kasama si
Travis dahil wala naman siyang hawak na klase, baka nandoon lang sila sa school
nyan.

Nang mataman ko ang bus ay kaagad kong nakita si Lisa at Kevin na kumakaway sa
akin.

Sabay-sabay kaming dumating ni Nade at Alice. Napanguso ako ng makita ang jacket na
may pusang tenga ni Alice. Nang makita ako ni Nade ay tipid siyang ngumiti na
sinuklian ko kaagad.

"Alice, good morning." bati ko kay Alice.


"Good morning," paos na aniya.

Sabay-sabay kaming umakyat sa bus. Sila Kevin ay nasa gawing likod, todo kaway sa
amin. Ako ang nauunang maglakad. Sa katapat na upuan nila Kevin ay si Daryl na
naka-earphone at nakatingin sa binatana, akala ata niya nasa music video siya. Nang
mahagip ako ng mata niya ay kaagad siyang ngumiti.

Saka iminuwestra ang katabi niyang upuan, tatluhan doon at siya ang nasa gitna.
Pwede kaming tatlo nila Alice, lalakad na sana ako papalapit ng lagpasan ako ni
Alice at Nade. Muntik pa akong masubsob sa isa kong kaklase dahil mukhang
nagmamadali sila.

Napataas ang aking kilay ng parehas silang tumabi kay Daryl. Pinapagitnaan nila si
Daryl.

"U-Uhm, sa likod na lang ako." Tipid akong ngumiti saka doon naupo sa likod nila
Kevin.

Ayos lang naman sa akin. Bali ako na ang pinaka nasa dulo, sa katapat kong tatluhan
ay bakante na. Sa likod ko naman ay ang pinaka dulong mahabang upuan na, puro bag
na nakalagay.

Bahagya akong nilingon ni Daryl at sinenyasan kung okay lang ako doon, siguro ay
gusto niyang tabi kami ang kaso ay katabi na niya sila Alice at Nade.

Ayos lang naman sa akin, kaya tumango ako saka tipid na ngumiti. Sa harapan ko ay
dumungaw sa akin si Kevin.

"Ayos ka lang dyan sis?" lumapit pa siya at kunwaring tinakpan pa ang gilid ng labi
para walang makakita ng bukas ng bibig niya. "Dapat kumandong ka na lang kay Fafa
Daryl, bakit ba nakipag-unahan si Nade doon?" intrimitidang aniya.

"Hayaan mo na, puno na rin naman sa harap, mas ma-out place siya kapag dito siya sa
likod, wala siyang makakausap e ako pwede ko kayong kalabitin," wika ko.

Inismidan ako ni Lisa na nakadungaw rin saka ako inabutan ng chichiria. "Dadating
pa si Ma'am, baka siya makatabi mo dyan," aniya.

Tumango ako, umayos naman sila ng upo.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana, madilim pa sa labas. Ang ilang bus ay
umaalis na. Napaayos ako ng upo ng binuhay na ang makina ng bus, aalis na kami!

Pumikit ako.

Ilang minuto akong nakapikit ay may naramdaman akong umupo sa aking tabi. Kaagad
akong napadilat ng makilala ko ang amoy na iyon.

"T-Travis," gulat na wika ko sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin, na para bang natutuwa siya sa naging reaksyon ko. Anong
ginagawa niya rito? Sabi niya sa school lang sila.

"B-Bakit ka nandito?" hininaan ko ang aking boses.

"I asked your adviser if can I take her class, ako ang magbabantay sa sainyo,"
mahinang aniya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Naka-jacket siyang kulay itim at may dala siyang backpack na itim.


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng umandar na ang bus. Sasama nga siya!

"Di nga?" hindi makapaniwalang usal ko.

He chuckled. "Yup."

Inilagay niya sa kandungan niya ang bag niya ganon din naman ang sa akin. Maingay
pa rin sa bus, bukod sa maliit na tv na umaandar ay tawanan ng mga kaklase ko
unahan ang namumutawi sa buong bus.

May maganda rin pa lang dulot ang paghiwalay ko ng upuan.

"Are you hungry?" bulong niya.

Tumuwid ako ng upo sa sobrang kaba, baka naririnig kami nila Kevin. Shit!

Hindi ako nakapag-almusal sa totoo lang dahil nagmamadali ako. Tapos tumawag lang
si Manang ng tricycle para ihatid ako sa school, hindi ko naman siya ginising kaya
nagulat ako at nandito siya. Tulog na tulog pa siya ng iniwan ko sa bahay.

"Hindi ka raw nag-almusal," malumanay na aniya.

"H-Hindi pa ako gutom, mamaya na lang."

Ngumuso siya saka inilahad ang kamay sa akin. Gulat akong napalingon doon, huwag
niyang sabihin magho-holding hands kami rito? Kapag nilingon kami nila Kevin,
makikita iyon.

Nginuso niya ang kamay niya, umiling ako. Inirapan niya ako at siya mismo ang
kumuha ng aking kamay. Mas lalong kumabog ang puso ko ng pagsaklubin niya ang aming
daliri saka iyon nilagay sa pagitan namin.

Natatakpan ng aming bag ang aming mga kamay kaya medyo napanatag ako.

"Buti pumayag si Ma'am na ikaw rito? Nasan siya nasa school?" mahinang bulong ko.

"Nope, nasa kabilang bus ng ilang teachers. Sinabi ko lang na ako na rito pero
mamaya sa venue siya pa rin ang mag guide sa inyo," paliwanag niya.

Napatango-tango ako doon.

Halos malunok ko lahat ng laway ko ng makitang sumulyap sa amin si Alice bago niya
ayusin ang salamin. Tinawag lang siya ni Daryl kaya nawala ang atensyon niya sa
amin.

Umayos ng upo si Travis, sinandal niya ang ulo sa sandalan saka tumitig sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon. Nakakailang kaya kapag may nakatitig sayo ng
ganyan. Bahagya niyang pinisil ang kamay namin.

Inilabas niya ang kaniyang cellphone saka itinapat sa amin. Ang panget ko!

Ang unfair, ang gwapo niya walang kahirap-hirap. Kahit ata hindi siya ngumiti ay
mahuhumaling ka pa rin samantalang ang mukha ko ay parang namamagang siopao.

Napasimangot ako sa unang picture, seryoso naman siya.

Tiningan niya iyon, saka itinapat ulit sa amin ang camera, this time ngumisi siya
sa camera pinilit kong ngumiti pero mukha pa rin akong natatae sa picture.

Inagaw ko 'yon sa kaniya, ako na lang ang kukuha. Kapag talaga iba ang may hawak ng
camera ay panget ako e, depende sa pwesto ng camera.

Inilagay ko sa gawing bintana ang camera, pinindot ko ang timer. Nagulat ako ng
dalhin ni Travis ang kamay ko sa labi saka hinalikan.

Nakuhanan iyon. Ang sunod na kuha ay nilagay niya ang baba sa aking balikat.
Lintek! Ang kabog ng puso ko.

Nang magsawa kami sa camera ay nasa akin pa rin ang phone niya. Ganito pala ang
feelings, na may halong excitement at takot. Yung nagtatago kayo.

Ibinalik niya ang kamay sa ilalim, saka umayos ulit ng upo. Bahagya ko siyang
sinulyapan, nakapikit na siya pero pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. Wala iyong
password kaya mabilis kong nabuksan.

Una kong pinuntahan ang gallery niya. May tatlong album doon, una ay puro
screenshots tingin ko ay mga importanteng lessons or what. Hindi ko alam. Umalis
ako doon pumunta ako sa isang album, kinagat ko ang ibabang labi ko ng picture
namin iyon sa Arayat, noong umakyat kami.

Marami akong stolen pictures, paakyat ako sa bato, meron din noong nasa pinaka
tuktok na kami, nakatalikod ako sa picture. Kinukuhanan pala niya ako no'n?

Umalis ako doon saka pinuntahan ang huling album, nandoon ang mga bagong kuha
namin. Napaawang ang bibig ko ng makita ang pictures ko na natutulog. Kailan 'to?

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nakapikit pa rin siya.

Huminga ako ng malalim para patigilan sa pagkabog ng malakas ang aking puso.
Pakiramdam ko kasi ay nasa aking lalamunan na ang puso ko anumang oras ay maisusuka
ko na ito.

Pumunta ako sa message niya.

Napataas ang kilay ko ng makita ang unang message doon, conversation namin iyon.
Misis ko ang nakapangalan.

Shit, kinikilig ako. Hmm papalitan ko na rin name niya sa akin. Mister ko na ang
ilalagay ko.

Napangisi ako sa naisip ko. Ang ilang message ay galing sa ibang teacher. Meron din
kay Sir Rico.

Napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Ma'am Bea doon. Binuksan ko iyon.
Madaming message si Ma'am Bea at laging isang reply lang ni Travis.

Ma'am Bea:

Sir, gusto mo ba sumabay sa amin kumain?

Good morning, Sir may copy ka ba ng binigay ni Ma'am Grace noon nakaraan? I can
give you a copy.

Sir, nasa school ka na ba?

Where are you, Sir?


Hi sir, remind ko lang may meeting tayo this coming friday.

Travis:
Okay, thanks.

Kailangan talaga updated siya sa asawa ko? Tsk, pasalamat siya teacher siya. Kung
hindi, nako. Sunod kong nakita ang pangalan ni Angel.

Angel:

Trav, please help me na kasi. I'm looking for a furniture you know naman I need it
to my bahay. Are you pwede ba this weekends?

Travis:
Sorry, Angel. I can't. I promise my wife a date at weekends.

Angel:
Trav naman, minsan lang ako mag-ask ng help from you. You know naman ikaw lang
friend ko here. Sa susunod na lang kayo lumabas, you always with your wife naman e.

Travis:
I'll ask Terron to go with you.

Angel:
Hindi ka naman ganyan before,
We always hang out. You always visited me. Nakakatampo ka na, nagvisit lang ako sa
States tapos pagbalik ko ganyan ka na.

Hindi na ba important ang friendship natin, Trav?

Travis:
Because I was single before, walang asawang naghihintay sa akin. Iba na ngayon. I
understand you, and you are important to me, to my family. You are like my sister.
Hope you understand that Angel, stop being stubborn.

Angel:
Trav, naman. I need you kasi.
Paano kung may bad guys habang
namimili ako? Hahayaan mo yon?

Travis:
Order online, I have to go. I will cook dinner for my wife. Close the door and
window to your house before you sleep. Good night.
Nagreply pa si Angel pero hindi na nakareply si Travis. Noong nakaraan linggo pa
ito. Hindi na ulit nagreply si Travis.

Nang lumingon ako kay Travis ay nakatingin na siya sa akin. Seryoso ang kaniyang
mukha animong tinatansya kung ano ang aking reaksyon sa nabasa.

Ibinalik ko ang phone niya sa kaniya.

"Sorry."

"No problem," paos na boses na aniya. Mas bumaba ang ulo niya para bumulong. "I'm
sorry about Angel, medyo spoiled siya. Noong bata kasi siya iniwan sila ng mommy
niya kaya ini-spoiled siya ng daddy niya para lang mapunan 'yon pagkawala ng
mommy," paliwanag niya. Tumama ang mainit niyang hininga sa aking pisngi. "Lagi
siyang umiiyak noong mga bata kami kapag hindi nakukuha ang gusto kaya sinusunod ko
na lang, nasanay ata siya." Bumuntong-hininga siya.

Marahan akong tumango, "A-Ayos lang naiintindihan ko."

"Hmm really," he whispered.

Napalunok ako't kinilabutan.

Hinawakan niya ang baba ko at marahan na hinarap sa kaniya, sobrang lapit na namin.
Hindi ako makahinga, natatakot akong biglang may lumingon sa akin at makita kaming
ganito ang pwesto.

Dinampian niya ng halik ang aking labi.

It was slow and soft, comforting in ways that words would never be. His hand rested
below my ear, his thumb caressing my cheek as our breaths mingled.

Nang humiwalay siya ay ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.

Umayos ako ng upo at gano'n din siya. Sana walang nakakita ng ginawa namin.

Nang bumaling ako sa kaniya ay ngingisi-ngisi na siya sa akin.

"I love you," he mouthed.

**-----------------------------------------------------------

Kabanata 22

The seminar finished at exactly six in the evening. Pagkarating kanina ay nagkaruon
lang ng kaunting program kung tungkol saan ang mga itopic sa seminar bago nagsalita
ang mga guest. Apat ang nagsalita ngayon araw, dalawa noong umaga at dalawan nang
hapon.

Bukas ay may tatlo pa. Hinimas ko ang batok ko habang papalabas kami sa hall. Rinig
ko sa likod namin ang reklamo ni Kevin na namamanhid na raw ang kaniyang puwet sa
kakaupo buong araw.

"Ahh, ano kayang ulam ngayon? Hindi ako nakakain kanina ng madami dahil paksiw ang
ulam," ani Lisa na katabi ngayon ni Alice at Kevin.
"Masarap kaya," segunda ni Kevin habang sumisipat-sipat sa mga lalaki sa ibang
school.

"Ay, hindi ako kumakain no'n e."

Nakarating kami sa isang malaking kwarto, may isang mahabang pila na doon kukuha ng
pagkain. May catering na, hindi katulad kanina na naka-styrofoam ang aming lunch.

Habang naglalakad ay kinuha ang phone ko para itext si Travis. Nakita kong may
tatlo siyang text.

Mister ko:
At the lobby, I'm with Rico.

Baby, I can see you here. One more whisper to that fucking kid, I will drag you
out.

I love you, keep listening to the guest okay? I'm watching you.

Reply:
Done na po. Nasaan kayo nyan?
Nasa hall kami, kakain ng dinner.

Nang-itago ko ang phone ko ay nahuli ko si Daryl nakikibasa ng text. Napanguso ako


sa ginagawa niya, "Baka magulat na lang ako bigla may sumapak sa akin dito,"
natatawang aniya.

Napailing ako sa kaniya, hindi naman siguro 'yon gagawin ni Travis.

Sa isang lamesa ay sama-sama kaming limang, ang tawanan sa lamesa namin at natigil
ng huminto si Nade sa gilid ng lamesa habang may hawak na tray.

"Pwede maki-join?" tanong niya.

Nagkatinginan si Kevin at Lisa, si Alice naman ay binitawan ang kutsara niya't


humalukipkip. Tumingin ako kay Daryl dahil sila ata ang mas close, siya dapat ang
sumagot.

Inosenteng tumingin sa akin si Daryl habang naghihiwa ng porkchop. Nginuso ko sa


kaniya si Nade na nakatayo sa gilid, doon niya lang naisip kung bakit ako
nakatingin sa kaniya.

"Ah, yes. Yes. Sure Nade, have a sit."

"Thanks, Daryl."

Umismid si Kevin saka nagpatuloy sa pagkain. Bahagya kong sinulyapan si Alice na


parang sinasaksak na ang porkchop. Halos tumunog ang pinggan niya sa paghiwa.

Napailing ako bago nagsimula na rin kumain.

"Here," abot ni Daryl sa mga hiniwa niyang porkchop saka kinuha kinuha ang sa'kin
na hindi pa nahihiwa.

"Salamat," wika ko.

"Ang hirap naman hiwain nito," biglang usal ni Nade. Sabay-sabay kaming napatingin
sa kaniya.
Mukha ngang nahihirapan siya, aabutin na sana ni Daryl ang ulam niya para hiwain
pero kinuha na iyon ni Alice. "Ako na hihiwa," madiin usal niya.

Naitikom ko ang bibig ko dahil sa kanilang dalawa. Ano 'to? Love triangle?

Tinaasan ako ng kilay ni Kevin akala niya siguro ay magseselos ako sa dalawa pero
nginisian ko lang siya. Kung asawa ko 'yan baka itinarak ko na sa lalamunan ng
babae ang tinidor.

Nang matapos kami kumain ay binigyan pa kami ng oras upang maglibot-libot sa buong
lugar. Malawak ang resort sa Iba, Zambales. Apura ang pictures ni Kevin at Lisa.
Meron din kaming kuha na kaming lima.

"Magbabanyo muna ako," paalam ko't sinulyapan ang aking cellphone na may dalawang
message.

Lumingon sa akin si Daryl siya lang ang tanging nakarinig dahil busy ang iba sa
pagpi-picture, nakatayo rin sa gilid si Nade. I wonder if she heard me.

"Samahan na kita," ambang sasama si Daryl sa akin ay umiling na ako bago marahan
bumulong.

Sapat lang upang marinig niya. "I will look for my husband."

Naitikom niya ang bibig. "Alright, ako na bahala magdahilan sa kanila, balik ka
kaagad may activity mamaya." Bahagya niyang tinapik ang aking balikat.

Habang naglalakad ay binasa ko ang text ni Travis.

Mister ko:
Kumain ka na? May tinabi akong salad dito. Where are you?

I miss you baby, nasaan kayo? Stay with your girls friend, 'kay?

Napanguso ako habang nagta-type.

Reply:
Nandito ako sa mga puno sa may dulo. Humiwalay lang ako sandali sa kanila.

Mister ko:
Stay there, I will come to you.

Umupo ako sa isang kahoy na upuan sa ilalim ng puno. Wala na masyadong ilaw rito
pero nakikita naman ang daan. Mula sa kinakaupuan ko ay tanaw ko ang mga rooms ng
mga girls,  doon kami matutulog mamaya. Na-orient na kami tungkol doon.

Nang may narinig akong papalapit ay kaagad akong lumingon doon. Nakita ko si Travis
na naka-jacket na itim, nasa loob no'n ang kaniyang palad habang lumilinga-linga.

"Pst, Sir Pogi," tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin saka napangiti. Bahagya ko pang nilingon ang pinanggalingan
niya kung may nakasunod pero wala naman.

Nang makalapit siya ay kaagad niyang inilibot ang braso sa aking beywang. "Namiss
kita," bulong niya sabay halik sa aking noo.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking puso. Pwede bang dito na lang
kami? Huwag na kaming bumalik doon?

Nang bahagya siyang humiwalay ay may dinukot siya sa bulsa niya. Napangiti ako ng
makita ang isang cup na may takip at maliit na kutsara.

"Charan!" aniya.

Natawa na ako, "Salad?" naalala ko kasi 'yong text niya.

Tumango siya saka kami umupo sa bench doon. Umihip ang hangin, bahagya kong niyakap
ang sarili ko.

Binuksan niya ang dala niya, "Kumain ka na nyan? Bakit dinalan mo pa ako? Kumain
naman na ako ng kanin."

"Sa akin dapat 'to, sabi nila teachers lang ang may ganito kaya tinabi ko sa akin,
baka gusto mo," wika niya.

Shit! Kung pwede lang maglumpasay rito ay ginawa ko na.

"Thank you."

"Lapit ka, subuan kita," tinapik niya ang mas malapit na pwesto sa kaniya.

Napanguso ako, "Anong isusubo mo?"

He chuckled. "Ikaw, kung anong gusto mo."

Nangingiting inirapan ko siya.

Inagaw ko ang kutsara sa kaniya saka nagsimulang kumain ng dala niyang buko salad.
Inaalok ko siya pero ngingiti lang siya't iiling.

Nang matapos ako ay kinailangan ko ng bumalik. "M-May bonfire pala mamaya."

"Yes, I'll be there. Always check your phone." Tumango ako. "Anong room number
niyo?"

Napataas ang aking kilay. "Room 202 bakit?"

Kinagat niya ang ibabang labi saka umiling. Naningkit ang aking mata dahil sa
ginawa niya. Ano na naman kayang naiisip niya? Gusto ko sana siyang tanungin pero
huwag na lang.

Ako muna ang unang umalis doon ag bumalik sa mga kaklase ko.

Nang mag alas nuwebe na ay nagkaruon ng games ang bawat section parang bonding na
rin. Ang section namin ay nakapaikot sa isang bonfire. Ang napagkasunduan ay truth
or dare, may ilang teacher na nagbabantay. Nandito ang adviser namin, nagulat ako
dahil nakatayo rin si Travis sa gilid kasama si Sir Rico.

Nakaupo kami sa damo. Ang ibang section ay nag-o-open forum ata dahil may narinig
pa kaming nag-iiyakan kanina at nagyayakapan.

Nagsimula na ang aming laro, karaniwan ay truth ang pinipili.

Nang napunta na kay Kevin at tumili siya't sinapo ang kaniyang mukha. "Oh my gosh,
huwag niyong hirapan ah."
Tumawa ang ibang kaklase ko. Ang huling nagtruth ang siyang magtatanong tatanong o
uutos kay Kevin.

"Nagkaboyfriend ka na?" tanong ng isang babae kong kaklase kay Kevin.

"Yan lang? Of course oo naman yes," maarteng aniya saka pinaikot ang bote.

Nakikingiti at tawa lang ako sa kanila. Nahagip ng mata ko na mag binulong si Nade
kay Daryl saka tumango si Daryl. Nang lumingon ako kay Alice ay nakatitig ito sa
akin. Nginitian ko siya, ngumuso siya saka nag-iwas tingin.

May dapat ba akong malaman?

Ang sunod ay tumapat kay Alice. Humalakhak si Kevin animong mangkukulam. "Alice,
may crush ka ba sa room?" nakangising tanong ni Kevin.

Lahat kami ay nakaabang sa sagot niya. Mahinhin kasi si Alice saka tahimik kumpara
sa amin ni Lisa kaya na-intriga ako.

Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha. "Oo."

Nagtilian ang mga kaklase kong babae. Nang bumaling ako kay Travis ay napairap ako
dahil nandoon si Ma'am Bea parang may kinu-kwento siya kay Travis habang hindi
naman inaalis ni Travis ang tingin sa akin.

Nang pinaikot ang bote ay nanlaki ang mata ko ng sa akin iyon tumapat. Napabaling
ako kay Alice animong pinag-aaralan niya pa ako bago magtanong.

Sumulyap siya kay Daryl at Nade bago bumalik ang tingin sa akin.

"Are you in relationship?" deretsyuhang tanong ni Alice. Naghiyawan ang mga kaklase
ko sabay tukso kay Daryl, hindi ko alam kung bakit.

Napakunot ang aking noo sa tanong niya. "Huh?"

Ngumiti si Alice, gamit ang mapungay na mata animong sinusubukan niya ako. "Are
you?"

Kumabog ang puso ko pakiramdam ko ay lahat sila ay nakatingin sa akin. Umawang ang
labi ko, nilingon ko si Travis na nakakrus ang braso sa dibdib.

Tipid siyang ngumiti sa akin.

Nangilid ang aking luha, napalunok ako.

"N-No. I'm not..."

Ngumisi si Alice, saka napailing hindi ko alam kung para saan iyon. Pumalakpak si
Kevin. "Ayon, bagay na bagay. Singel din si Daryl." Tili niya.

Naghampasan pa sila ni Lisa, nang lumingon ako kay Daryl ay napailing siya.
Nagsimula naman na ulit ipakot ang bote.

Naikuyom ko ng kamao ko. Nang magtama ang mata namin ni Travis ay tumingala siya
saka namewang animong nahihirapan siyang huminga.

Nang magtama ulit ang aming mata ay wala na akong mabasang emosyon doon. Umawang
ang labi ko ng makitang tumingin siya sa kamay niya, nandoon ang singsing niya!
Kahit medyo malayo siya sa akin ay kitang-kita kong hinubad niya kaniyang singsing
saka mabilis na tumalikod.

Parang may tumarak na kutsilyo sa puso ko.

Anong ibig sabihin no'n?

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 23

Nang matapos ang laro ay kaniya-kaniya na ang mga kaklase ko sa pagpunta sa kwarto
nila. Halos hindi ko na nasundan ang laro dahil lutang na ako. Masakit ang dibdib
ko. Gusto ko makausap si Travis pero hindi ko na siya nakita.

Malakas akong napabuntong-hininga ng tapikin ni Daryl ang braso ko. Seryoso niya
akong tiningnan habang nakapamulsa.

"Why did you do that?" mababang tanong niya.

Naibaba ko ang aking ulo. Hindi ko alam. Natakot ako na kapag sumagot ako ng totoo
ay hanapin nila kung sino, natakot ako sa paraan ng pagtanong ni Alice. Nabigla
ako.

Umiling si Daryl na para bang maling-mali ang nagawa ko.

"Hindi mo naman kailangan itago, para saan? Sa sasabihin ng iba, that is selfish
reason. Sa tingin mo naililigtas mo ang relasyon niyo dyan?" pakiramdam ko ay
nanliit ako sa sinabi niya dahil alam kong tama siya.

Hindi ako nakapagsalita. Ginulo niya ang buhok ko. "Go on and sleep. Kausapin mo na
lang siya bukas."

Tumango ako at tipid na ngumiti, umalis na si Daryl dumeretsyo siya kay Nade bago
sila lumayo. Pumunta na ako kila Lisa at Alice na naghihintay sa akin para
makapunta na kami sa kwarto na ibinigay sa amin.

Sabay silang kumapit sa braso ko. Hinimas ni Alice ang braso ko habang naglalakad
kami, si Lisa naman ay isinandal ang ulo sa aking balikat.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Lisa ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.

Tumango ako saka umiling. "May nagawa akong mali." Parang sumisikip na naman ang
dibdib ko habang naiisip ang reaksyon ni Travis.

"Minsan, ayos lang maging mali. Ayos lang maging iba. Ayos lang," seryosong wika ni
Alice.

Sabay kaming lumingon sa kaniya.

Humalakhak si Lisa, sakto naman ay nasa harap na kami ng room namin. "Ang seryoso
ha? May pinaghuhugatan ba kayo?"

Pumasok na kami sa loob. May kasama rin iba namin kaklase, may limang double deck
sa kwarto. Ang pinaka dulo ang natira sa amin.
Kaagad dumeretsyo si Lisa sa ibaba, ngayon iniisip ko kung sino ang katabi niya,
ako o si Alice. Tiningnan ko ang nasa itaas niya, nandoon ang bag ni Nade.

"Sino katabi ko?" tanong Lisa habang inaayos ang unan niya.

Nagkatinginan kami ni Alice.

"Sa taas ka na lang Lisa, tabi kami ni Sascha," mabilis na wika ni Alice habang
nagsusuklay ng buhok.

Ngumiwi naman si Lisa, "Ayoko nga! Malikot akong matulog, mahuhulog ako," tanggi
niya.

"A-Ah ako na lang sa itaas."

Bago pa maka-angal si Alice ay umakyat na ako. Siguro ay dahil hindi sila ayos ni
Nade ay ayaw niya itong katabi? Magka-ayaw ba sila? Kasi kanina hindi naman sila
nag-uusap. Si Kevin naman ay ayaw kay Nade dahil inaagaw raw si Daryl, si Lisa
naman ay ayos lang normal lang ang pakikitungo kay Nade at gano'n din naman ako. I
don't see any problem about Nade.

Binuksan ko ang cellphone ko upang itext si Travis.

Mister ko:
Nasan ka?

Hintay ako nang hintay sa text niya hanggang makatulog na lang ako. Kinaumagahan ay
parang mas bumigat ang puso ko nang makitang wala siyang text. Karaniwan ay
tinatadtad niya ako.

Mabigat ang katawan na naligo ako, sabay-sabay kaming pupunta sa hall para sa
pagkain, tapos may program na ata pagkatapos.

Nang makarating kami ay nandoon na si Daryl at Kevin. Kaagad akong pinaghila ni


Daryl ng upuan, habang si Kevin ay nagsimula ng dumaldal kay Lisa at Alice.

"Nagkausap na kayo?" tanong ni Daryl.

Umiling ako. "Hindi siya nagreply," malungkot kong usal.

"I saw him kanina. Medyo malapit lang 'yong room nila sa amin. Kasama niya si Sir
Rico," bulong niya.

Tumango ako.

"Ayon! Ang aga-aga may bulungan ng nagaganap!" humalakhak pa si Kevin.

"Miss na miss ah?" ani Lisa.

Hinihintay kong magkomento si Alice pero nagtuloy lang siya sa pagkakape. Hindi ko
na rin pinatulan ang asaran nila, wala akong gana.

Nang magsimula na ang seminar ay hindi ako mapirmi sa aming upuan. Palingon-lingon
ako sa buong paligid. Nagbabakasaling pinapanuod ulit ako ni Travis kagaya kahapon
na nakabantay lang siya mula sa malayo.

Nabuhayan ako ng loob ng makita siyang papasok. Kasama niya si Sir Rico at Ma'am
Bea. May ipinakita si Ma'am Bea sa kaniya sa cellphone tumango siya doon at
ngumiti.
Travis, lumingon ka naman.

Nabigo ako ng hindi niya ako hinanap. Wala akong nagawa kung hindi titigan siya,
nagbabakasaling hahanapin niya kung saan ako uupo saka ngingitian.

The aquiline nose he sported complemented his prominent cheekbones. He puts his
hands on his pockets.

May sinasabi si Sir Rico kaya tumawa siya. Akala ko ay malungkot siya, pero ang
makita siyang tumatawa naman at parang hindi apektado sa nangyari kagabi ay hindi
ko mapaliwanag.

Masaya ako kasi hindi na siya malungkot pero nasasaktan din ako sa iisipin na
balewala na ako. Samantalang ako ay halos isipin siya buong gabi.

"Matutunaw yan," ani Daryl saka ako siniko.

"Hindi niya ako pinapansin," parang batang sumbong ko.

"Mamaya kakausapin ka na niyan, makinig ka na lang muna."

Malungkot na tumango ako, pinilit kong makinig sa seminar. Paminsan-minsan ay


lumilingon ako kay Travis. Nakangiti pa rin siya habang nakikipag-usap kay Sir Rico
at Ma'am Bea at sa isa pang teacher.

Napasinghap ako ng magtama ang aming mata, nginitian ko siya. Umaasa akong
susuklian niya iyon pero halos umiyak na ako ng ang ngiti sa labi niya ay biglang
nawala ng makita ako. Naging blanko ang mukha niya saka ulit bumalik sa pakikipag-
usap sa ibang teacher.

Napababa na lang ang tingin ko sa aking kamay sa aking hita. Bumagsak ang aking
balikat.

Galit nga siya.

Buong araw ay hindi na ako umimik. Alas kwatro ng matapos ang seminar. Pwede na
ulit kaming mamasyal kung saan namin gusto hanggang bukas dahil ang uwi pa namin ay
bukas ng hapon.

Gusto ko makausap si Travis. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan dahil lagi
siyang kasama ng ibang teacher.

Ang huli kong nakita ay pumasok sila sa isang kwarto, nandoon ang ibang teacher.

Sinalubo sila Nade ng makitang mag dala silang mga tray. "P-Para ba 'yan sa mga
teacher?" tanong ko.

Kumurap-kurap siya saka tumango, "Miryenda nila, 'yong sa atin nandoon na sa hall."

Kinagat ko ang aking ibabang labi. "U-Uhm pwede bang sumama ako sa loob? A-Ako na
lang naghahatid ng isang tray."

Sandali pa niya akong tiningnan bago tumango, iniabot niya sa akin ang dala niya.
"Sige."

"Salamat."

Kasama ang apat pang istudyante ay pumasok kami sa isang silid. May mga lamesa doon
at nagkukwentuhan ang mga teachers. Kaagad hinanap ng mata ko si Travis. Nang
makita niya ako ay nag-iwas tingin siya sa akin.

Bakit ayaw mo akong tingnan ha?!

Gusto kong sumigaw doon. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang mamigay ng
sandwich at mineral water sa mga teacher. Sinadya ko talagang gawi kila Travis ako
mamigay para malapitan ko siya.

"Thanks," ani Sir Rico saka ako nginitian ng abutan ko siya. Bumaling siya kay
Travis na katabi niya, naitikom niya ang bibig.

Nanginginig ang kamay kong inabutan si Travis. Blanko ang mukhang tinitigan niya
ang bigay ko.

Pekeng tumawa si Sir Rico, siya na lang ang kumuha no'n sa akin saka inilapag sa
lamesa. "Hehe, salamat Sascha."

Nang hindi pa rin ako umaalis sa harap niya ay nag-angat siya ng tingin sa akin.
His eyes focused on me, he crossed his hands over his chest then he frowned at me.

"What?" taas kilay na tanong niya.

"K-Kumain ka na," mahinang wika ko.

"Holyshit," mahinang mura ni Sir Rico sa gilid ko.

Siguro ay natatakot siyang makita kami. Hindi ko sigurado kung may nakatingin nga
sa aming ibang teacher.

Tumalikod na ako, para akong nanghihina nang lumabas doon. Bumalik ako kung nasaan
sila Daryl, naabutan ko silang nagtatawanan.

Unang lumingon sa akin si Alice, ngumiti siya.

"Saan ka galing sis? Nang hu-hunting ka ng boys no?" akusa ni Kevin, tinaas-taasan
pa niya ako ng kilay.

Ngumisi ako at umiling. Pilit kong tinatago ang sama ng loob ko. Alam ko naman mali
ang ginawa ko at nasaktan ko siya. Hindi lang ako sanay na ganito ang trato niya sa
akin, na halos hindi na niya ako pansinin.

"Nagkausap na kayo?" pasimpleng tanong ni Daryl.

Umiling ako. Narinig ko pa ang buntong-hininga niya at hindi na siya muling


nagsalita pa.

Pagkatapos ng dinner ay hinanap ko ulit siya, hindi ko kaya na ganito buong araw
hindi kami nag-uusap. Tinuro sa akin ni Daryl kung saan niya nakitang lumabas si
Travis na kwarto. Hinatid pa niya ako doon bago umalis.

Nilakasan ko ang aking loob, nagpalinga-linga muna ako bago ako kumatok.

Pagkatapos ng tatlong katok ay may narinig akong papalapit sa pinto, kumabog ang
aking puso. Dahan-dahan bumukas ang pintuan, halos manlaki ang mata ni Sir Rico ng
makita ako.

Umawang ang labi niya saka inilibot ang tingin sa labas tinitingnan kung may ibang
tao.
"S-Sascha, anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

Bahagya akong sumilip sa loob. "Nandyan po ba si T-Travis?" nag-aalangan tanong ko.

Dahan-dahan naman siyang tumango.  Siguro ay nakuha niya ang gusto kong mangyari,
binuksan niya ng mabuti ang pintuan. "Sandali lang ha? Magbabantay ako dito sa
labas. Bilisan mo ah?" paninigurado niya.

Masayang tumango. Lumabas nga siya at sinara ang pinto.

Kumpara sa kwarto namin ay dalawang medyo maliit lang ang kwarto nila saka dalawang
kama lang.

Naabutan ko si Travis na nakadapa sa kama niya habang may nakatakip na unan sa ulo.
Natutulog?

Dahan-dahan akong lumapit sa kama niya, marahan akong umupo doon. Wala siyang damit
pang-itaas kaya naman kitang-kita ko ang likod niya. Inalis ko ang unan tumatakip
sa mukha niya.

Kaagad kumunot ang noo niya dahil sa ilaw na tumama sa mukha niya.

"R-Rico patayin mo ilaw," angil niya.

Nang hindi ako nagsalita ay dahan-dahan siyang dumilat halos mapatalon pa siya sa
pagkakahiga ng makita ako sa kwarto nila. Mabilis siyang umupo sa kama. Inilibot
ang paningin sa buong kwarto.

"N-Nasa labas si Sir Rico."

Sinuklay niya ang buhok saka sumimangot, hindi ko alam pero nakahinga ako ng
maluwag ng makita ang singsing niya na nasa kamay na niya ulit.

Hindi na ba siya galit? Bakit ba kasi may patanggal-tanggal pa.

"Why are you here?" masungit na aniya.

Napasimangot ako. "Bakit nagmumukmok ka rito sa kwarto? Dapat nasa labas ka."

Inismidan niya ako. "Bumalik ka na doon."

Humiga ulit siya't tumalikod.

Pinilit ko siyang paharapin. Hinahawi lang niya ang kamay kong humahawak sa balikat
niya. Grabe naman si Travis! Ang arte naman.

"Travis naman, mag-usap tayo."

"Ayoko."

"Galit ka ba?"

Hindi siya sumagot, huminga ako ng malalim. Galit nga siya. Tumigil ako sa pagharap
niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko.

"S-Sana maintindihan mo ako..." mahinang wika ko.

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. "Hindi kita maintindihan Sascha,


sige ipaintindi mo sa akin kung bakit... bakit mo ako nililihim? Am I not good? Not
enough?" walang emosyon tanong niya.

Sa pagkakataon na iyon ay umupo na siya at hinarap ako. Nakatagilid ako sa kaniya.

"Now tell me, why? Why are you afraid? How do I stop you worrying about people's
opinions? Lagi mong iisipin ang sasabihin nila sa'yo, p-paano naman sa akin?" He
said gravelly.

He wrinkled his nose.

Hindi ako nakapagsalita, kung kanina ay ang tapang-tapang ko pangsumugod dito ay


ngayon ay para akong naputulan ng dila.

"I'm mad," he mumbled.

Tumingin ako sa kaniyang mata. Blanko ang kaniyang mukha pero malungkot ang
kaniyang mga mata.

"You know what's hurt the most? That  hurting me didn't hurt you. Pakiramdam ko ay
ako lang ang may gusto sa relasyon na 'to," nanuyo ang aking lalamunan sa kaniyang
sinabi. Pagak siyang tumawa. "Yeah, right. Hindi mo pa ng sinisigurado kung anong
nararamdaman mo sa akin. Ako lang 'tong habol nang habol."

Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamao. Naiiyak na ako.

"Travis, hindi sa ganon kasi..."

Bago pa ako makapagpaliwanag ay bumukas na ang pintuan. "Sorry Sascha kailangan mo


na umalis, nagsisimula na ang games niyo sa labas. U-Uhm, baka rin may makakita
sayo rito."

"Umalis ka na," ani Travis saka nahiga ulit.

Bagsak ang balikat na lumabas ako doon. Tipid akong nginitian ni Sir Rico.

Pagliko ko papunta doon sa gaganapan ng games ay nakakita ko si Daryl na


nakasandal. Hindi pala siya tuluyan umalis, hinintay pala niya ako. Dumeretsyo siya
ng tayo ng makita ako, kaagad niya akong sinalubong.

"Okay na kayo?" kaagad niyang tanong.

Ang luhang pinipigilan ko ay tuluyan ng bumuhos. Nasasaktan ako kasi nasasaktan ko


si Travis. Masyado akong nag-o-over think sa sasabihin ng iba. Yung asawa ko hindi
ko man lang naisip ang mararamdaman.

Narinig kong malulutong na mura ni Daryl bago ako daluhan. Niyakap niya ako at saka
hinimas-himas ang aking likod.

"Shh. Okay lang 'yan. Stop crying." Hindi ko alam pero lalo ako napaiyak, dahil sa
pag-aalo niya. Pakiramdam ko ay isa akong bata na inaalo ng magulang. Napatakip ang
kamay ko sa mukha ko, hinimas-himas niya ang likod ko. "Oh God! Please babe stop
crying, you're creeping me out. Tama na, ayos lang 'yan. Kakausapin ulit natin siya
ha? Sasamahan kita mamaya o bukas. Tama na," mahinahong ani Daryl.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko. Tama! Kakausapin ko ulit siya. Hindi lang ako
nakapag-paliwanag kanina dahil kaunti lang ang oras.

Nang tumahan na ako ay inayos ko ang sarili ko. Sinuklay naman ni Daryl ang ilang
buhok ko na nagulo.

"Ayos ka na?"

Tumango ako. "S-Sorry, lagi mo na lang ako nakikitang umiiyak."

Ngumiti siya. "It's okay."

Sabay kaming naglakad papunta sa mga kaklase ko. Ang mapanuksong ngiti ni Kevin ang
sumalubong sa amin, nagbulungan sila ni Lisa saka naghagikgikan.

Seryoso lang akong tiningnan ni Alice. Si Nade naman ay nag-iwas tingin sa amin.

Umupo ako sa tabi ni Kevin sa damuhan, tumabi sa akin si Daryl sa kabila niyang
gilid ay si Alice.

"Can I sit here?" tanong ni Daryl kay Alice na pasimpleng inirapan ito.

"Nakaupo ka na nga nagtatanong ka pa. Bakit hindi ka doon umupo sa tabi ni Nade?"
rinig kong bulong ni Alice.

Si Nade ay katabi ni Lisa sa kabilang dulo.

Humalakhak si Daryl. "Why are you so mad?"

Nag-talo pa ang dalawa pero hindi na ako nakinig pa. Pinilit kong makinig sa games
namin ngayon. Dahil kagabi raw ay puro truth ngayon naman ay dare. Huwag lang iyon
malalaswang dare o ano man na mapapagalitan kami.

Pumayag naman ang lahat.

Nagsimula na ang laro, sa kalagitnaan ng laro ay nakita ko si Travis na pumwesto


ulit doon sa pinuswestuhan niya kagabi.

Kinabahan ako. Sana maayos ibigay sa akin dare. Ayoko na magalit pa ulit siya.

Nang tumapat sa isang kaklase ko ang bote ay inutusan siyang tumambling ng dalawa.
Nagtawanan kami dahil hirap na hirap siya.

Ang sunod na natawag ay si Nade, inutusan siya noong lalaki kong kaklase na kumanta
ng mataas. Chandelier ang kinanta niya, natawa rin ako dahil halos ilabas na niya
ang lalamunan niya.

Nanigas ako sa pagkakaupo ko ng ako naman ang natapat ng bote. Pumalakpak si Nade
dahil siya ang mag-uutos sa akin.

Shit! Ngumisi siya sa akin.

"Kagabi sinabi mong hindi ka in relationship. Though, I'm not sure about that."
Nagkibit balikat siya. "I want you to hug someone you love. Someone special to
you." Tinaasan niya ako ng kilay.

Umalma ang isa kong kaklase. "Hala baka pagalitan tayo," umismid si Nade.

"Re-rape-pin ba niya? Hug lang naman. Hindi ko naman sinabing laplapin niya. Ang OA
niyo," aniya.

Tumawa ang lahat. Ngumisi si Kevin animong excited.


Namula ang mukha ko ng tumingin ako kay Daryl ay nginitian niya ako para bang
pinapalakas ang loob ko.

Tumayo ako naghiyawan ang mga kaklase ko, kaya halos lahat pati ibang section at
year ay napalingon na sa amin. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nagtama ang
mata namin ni Travis, kumunot ang noo niya.

Huminga ako ng malalim saka nagsimulang maglakad. Sa gitna ako ng dumaan, lahat
sila ay nakatitig sa galaw ko. Nang makalabas ako sa bilog namin ay napasinghap
sila dahil papunta ako kila Travis.

Napahawak si Sir Rico sa poste sa gilid animong matutumba na siya. Si Ma'am Bea ay
kumunot ang noo. Ang adviser ko naman ay naguguluhan din kung bakit ako lalapit sa
kanila.

I saw Travis shocked face. Bahagyang napaawang ang kaniyang labi ng dahan-dahan ko
siyang yakapin sa beywang.

Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang matigas na dibdib. Naamoy ko ang pamilyar
niyang amoy.

Napahawak siya sa likod ko sa gulat, rinig ko ang pagsinghap nila.

"B-Baby..."

"I'm sorry Travis... I love you."

***-----------------------------------------------------------

Warning: SPG

Kabanata 24

Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa hiyang nararamdaman. Parang may dumaang
anghel sa sobrang tahimik ng paligid. Nahihiyang nagtaas ako ng tingin kay Travis.

He pouted his lips like he's stopping himself from smiling. Travis was extremely
amused. He tried to hide it, but his eyes were dancing with amusement.

Tumikhim siya saka masuyong hinimas ang likod ko animong walang ibang nakatingin sa
amin sa oras na iyon.

I could feel sweat beading on my forehead as I stared to him. Nakakahiya! Saan ba


ako kumuha ng lakas kanina para gawin 'to? Ngayon, paniguradong sasabunin kami ng
tanong. Ayos na sa akin, sasagutin ko lahat basta kasama ko si Travis. Ayos na sa
akin.

"I love you too," he said in low but sweet voice.

Narinig ko ang madramang pagsapo ni Sir Rico sa dibdib niya animong nabunutan siya
ng tinik sa dibdib sa narinig at nakita. Sunod-sunod ang bulungan sa paligid, may
ilang napatayo na istudyante para lumapit sa amin. Sa dami ng bumubulong ay wala na
akong maintindihan pa.

"What's the meaning of this Sir Travis?" matinis na boses ni Ma'am Bea ang pumukaw
sa akin. Tinangal ko na ang yakap ko kay Travis.
Kahit siguro gustong-gusto kong manatili sa kaniyang bisig ay hindi pwede.

Hindi ako hinayaan ni Travis na umalis sa tabi niya, hinawakan niya ang aking braso
na para bang kapag lumayo ako ay babaguhin ko pa ang sinabi ko.

"I'm married," iyon lang ang sinabi ni Travis.

Bahagyang lumaki ang mata nila, kahit inaasahan ko na iyon ang magiging reaksyon
nila ay kinabahan pa rin ako. But it's okay to feel this awkward than to feel hurt
because my husband is avoiding me. Mas okay na 'to.

Bahagya pang tumawa si Ma'am Bea, saka napailing animong nagbibiro lang kami. Hindi
ako nagsalita, tiningnan ako ng adviser ko na nagtatanong. Tipid lang akong ngumiti
kay Ma'am.

"You're kidding me," hindi makapaniwalang ani Ma'am Bea.

Hindi siya sinagot ni Travis. Bumaling siya sa akin saka bahagyang yumukod upang
mabulungan ako. "Pumunta ka na muna sa mga kaibigan mo, ipapaliwanag ko lang sa mga
teacher," wika niya.

Tumango ako saka nagsimulang bumalik doon sa mga kaklase ko. Umalis si Travis at
Sir Rico sumunod sa kanila ang ibang teacher. Sigurado akong sasabunin siya ng mga
ito.

Nang makalapit ako kaagad akong nilapitan ni Daryl, ginulo niya ang aking buhok.
"You did a great job," tipid siyang ngumiti. Hindi ko alam bakit hindi iyon umabot
sa kaniyang mata, pakiramdam ko ba'y hindi talaga siya masaya sa ngiti niya.

Napukaw ang pagpansin ko sa ekspresyon ni Daryl nang magtitili si Kevin sa gilid at


naghampasan sila ni Lisa. Dinumog nila ako kaya napangiwi ako.

"Ow. Em. Gi!" tili ni Kevin.

"Tangina bakla manahimik ka!" sigaw ng isang lalaki kong kaklase kay Kevin saka
tumingin sa akin. "Totoo Sascha?" Tumango ako. Napa "O" ang bibig nila.

Nagulat ako ng humalakhak ang lalaki kong kaklase saka bumaling sa iba kong kaklase
na nakapalibot sa akin.

"Oh paano ba 'yan? Talo kayo sa pustahan. Bayad. Bayad na. Bente oh akin na bente
punyeta!" ani ng siga kong kaklase. Nilahad pa niya sa ere ang kamay niya na para
bang nagmamayabang siya.

"Shit naman, talo ako sa pustahan." Naglabas ng bente si Lisa saka inilagay sa
lapag. Gano'n din ng ginawa ng iba.

Tawa naman nang tawa 'yong kaklase kong siga, kasama yong limang barkada niya.
Ilang babae at si Kevin. Naguguluhan akong tumingin sa kanila ng kaniya-kaniya
silang hatian sa pera.

"A-Anong nangyayari?" gulat na tanong ko.

Ngumiwi si Nade sa akin. "Pinagpustahan nila," tinuro niya iyong siga kong kaklase.
"Kung may relasyon kayo ni Sir... Silang anim, tapos apat na babae, ako, si Kevin
at Daryl ay pumusta na meron. Ang iba ay sinabing wala," mahinahong paliwanag niya.

Hindi makapaniwalang napalingon ako kay Daryl. Kinagat niya ang ibabang labi saka
nagtaas ng kamay na parang sumusuko. "Sayang bente, pang siomai," depensa niya.

Tangina? Pinagpupustahan na pala kami ng buong klase? Bakit hindi ko alam 'yon?
Nahalata nila kami?

"K-Kailan nagsimula 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Nakasimangot si Lisa, dahil siguro talo siya. "Doon sa bus. Noong tumabi si Sir
sayo, pagbaba nagpustahan kami," inis na aniya.

Wala sa sariling tumingin ako kay Alice. "Ano pusta mo?" tanong ko sa kaniya.

"Sa wala," aniya. "Akala ko wala."

Tumango-tango ako, dinumog pa ako ng tanong ng iba kong kaklase, puro pagtango at
pag-iling na lang. Imposibleng hindi alam ni Alice, I mean nakita niya kami sa
bench noon. Doon pa lang sigurado akong mahahalata na niya, saka sa bus siya ang
lumingon sa amin. Kung may siya, bakit sa iba siya tumaya.

Pinagtatakpan ba niya kami?

Nang sumapit ang gabi ay bumalik na kami sa kwarto. Hindi pa rin mawala ang topic
na iyon para bang hindi sila makapaniwalang pinatulan ako ni Travis.

Mabait naman ako ah?

Eleven na ng gabi, ang iba ay tulog na ang iba ay gumagamit ng cellphone, ang iba
naman ay nagkukwentuhan pa. Nakahiga na ako sa kama, napipikit na ako.

Naalimpungatan lang ako ng may maramdaman akong humihimas sa aking pisngi. Kunot
noo akong dumilat, kahit patay ang ilaw ay kitang-kita ko ang gwapong mukha ni
Travis. Bahagya pang nanlaki ang mata ko sa gulat sa kaniya.

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Tahimik na't nakapatay na ang ilaw, may
mailit lang na ikaw na nakabukas.

"S-Sorry I wake you up," paos na boses na bulong niya.

Hinimas niya ang aking noo, bahagyang inalis ang ilang buhok na tumatabing sa aking
mukha. "P-Paano nakapasok dito?"

Lumingon siya gilid. Napataas ang kilay ko ng makita si Alice na kukusot-kusot pa


ang mata habang nakahalukipkip sa gilid. Mukhang siya ang nagpapasok kay Travis.

Uupo sana ako pero pinigilan na ako ni Travis. Dahil nasa itaas ako ng double deck
ay pantay ang aming ulo.

"Matulog ka na ulit. I just want to check you, hindi ka ba nila tinanong ng


madami?" he asked with so much concern.

Tipid akong ngumiti saka hinimas ang kaniyang pisngi. "Ayos lang ako. Bumalik ka
na. Bukas na lang," wika ko.

Tumango siya saka ako hinalikan sa noo at labi.

Pinanuod ko siyang lumabas. Nagpasalamat siya kay Alice bago nito isara ang
pintuan. Nang bumalik na si Alice ay nagtama ang aming mata.

"Thanks, Alice."
Ngumiti siya saka tumango ako na mahiga. Hindi mawala ang tuwa sa puso ko hanggang
makatulog ulit ako. Parang lahat ng bigat sa dibdib ko ay nawala, na hindi na ako
kailangan magpunta kay Travis ng palihim.

Kinaumagahan ay parang walang nangyari sa mga kaklase ko, naiintindihan nila. Sa


ibang section ay minsan kapag nadadaan kami ay nagbubulungan.

Mamayang hapon ay uuwi na kami kaya sinusulit na namin ang pag-iikot at picture.

Nasa hall kami para sa almusal, hindi na rin ako tinanong ng mga teacher. Siguro ay
pinaliwanag na ni Travis sa kanila kagabi. Mabuti naman.

Nang magtagpo ang mata namin ni Ma'am Bea ay tipid lang siyang tumango sa akin bago
pumunta sa kwarto kung saan sila kumakain.

Maingay ang lamesa namin, kagaya kahapon ay kasama rin naman si Nade. Humihigop ako
ng sabaw ng biglang natahimik ang lamesa, napa-angat ang aking tingin sa kanila.

Lahat sila ay nakalingon sa likod ko, bago pa ako makalingon ay may umakbay na sa
akin. Halos mapaigtad ako dahil doon.

Gulat na tumingala ako kay Travis. Ngising-ngisi siya sa akin. Maganda ata gising
niya. Napanguso ako ng malanghap ang mabango niyang amoy. Ang gwapo niya sa suot
niyang jeans at simple shirt na kulay puti.

Bakit ba kahit ano suotin niya ay bagay?

"K-Kumain ka na?" naiilang na tanong ko sa kaniya dahil halos lahat ng mata ay


nakatingin sa amin na parang wala naman sa kaniya.

"I will eat here," saka bumaling sa mga kaibigan ko. "Is it okay?" tanong niya.

Halos mabilaukan si Kevin naiwan nakanganga ang bibig kay Travis. Mabilis kumuha ng
upua  si Kevin sa kabilang lamesa saka itinabi sa akin.

"S-Sure. Sure Sir. Kayo pa ba!" humalakhak siya.

"Thanks," aniya saka umupo.

Sobrang bilis ng kabog ng puso ko, ang isang kamay niya ay nakapatong sa sandalan
ng aking upuan.

May ibinulong si Nade kay Daryl, tumango naman siya. Ano kaya 'yon? Nahagip ng mata
ko ang pag-irap ni Alice sa dalawa.

"Kumain ka pa," bulong ni Travis.

Napaigtad ako sa gulat, "O-Oo..." He chuckled.

May isang staff doon na nagdala ng pagkain niya, ang ingay sa lamesa namin ay medyo
humina na dahil siguro sa presensya ni Travis.

Ako naman ay sanay na na kasama siyang kumain kaya ayos lang sa akin. Mang matapos
kami ay sumandal saka ako nilingon.

Umiinom ako ng tubig.

"Pasyal tayo ngayon," aniya.


Nasamid si Kevin at si Lisa. Napakurap-kurap ako sa kaniya. Ayos lang naman iyon sa
akin tutal nakalibot naman na kami ng mga kaibigan ko noong unang gabi at kahapon.

Tumango ako.

Ganon nga ang ginawa namin ni Travis, hinayaan naman ako ng mga kaibigan ko.
Pumunta kami ni Travis sa fish pond, sa mga puno doon, sa magandang garden.

"Tayo ka dyan, pipicturan kita," aniya ng makatapat kami sa madaming bulaklak.

Kahit nahihiya ay ngumiti ako, natatawa ako dahil may maluhod-luhod pa siya habang
kinukuhanan ako ng picture. Feel na feel niya ang pagiging photographer.

"Ayoko na, tama na ang dami na."

"Last na, dali. Talikod ka tapos lumingon ka bigla," humalakhak siya.

Nangingiting sinunod ko ang sinabi niya. Nang matapos ay tiningnan niya iyon sa
kaniyang cellphone. "Ganda naman ng misis ko," aniya ng dumungaw rin ako doon.

"Nambobola ka lang e."

"Hindi ah? Totoo 'yon."

Napailing ako saka ngumiti para pigilan ang hiyang nararamdaman ko.

Buong araw ay gano'n ang ginawa namin. Nang tanghali ay sumabay ulit siya sa amin
kumain. Nang dumating ang hapon ay umulan, mabuti na lang at nakasakay na kami sa
bus.

Sa bus ay katulad noong papunta kami ay hawak-hawak niya ang kamay ko, ang
pinagkaiba lang ay hindi na namin itinatago.

Nakatulog ako sa biyahe, nang magising ako ay nakasandal na ako sa kaniyang


balikat, mukhang nakatulog din siya dahil nakasandal naman siya sa akin ulo.

"Ingat kayo ah?" paalam ko nang nasa parking lot na kami.

"Ikaw ang mag-ingat," ani Sir Rico sa gilid saka siya tumawa ng samaan siya ng
tingin ni Travis. Natatawang kumaway siya saka sumakay na sa sasakyan niya.

Alas siyete na ng gabi.

Malakas pa ang ulan, kumaway si Kevin nang sumakay siya sa kaniyang sunod gano'n
din ang iba.

Nang tuluyan na silang makaalis ay saka lang kami bumiyahe ni Travis. Nasa aking
hita ang kaniyang palad, bahagya niya iyon hinihimas-himas. Kinikilabutan ako sa
init ng kaniyang palad.

Madilim ang bahay ng makarating kami, tulog na ata si Manang?

"Nasan si Manang?" tanong ko, inilapag ko ang aking bag sa sofa.

Naglalambing na niyakap ako ni Travis mula sa likudan. Suminghap siya sa aking


leeg. "Umuwi siya sa anak niya sa Bulacan," bulong niya.

Napalunok ako ng marahan niyang hinihimas ang aking tyan. "A-Ah gano'n b-ba? S-Sige
iinet na lang ako ng ulam, b-baka may ulam pa sa ref," napalunok ako ng ang kanan
kamay niya ay bahagyang tumaas.

He caressed the lower part of my boobs. "Uh-huh," he whispered.

Ang malambot niyang labi ay tumama sa aking leeg at batok. Kakaiba ang pakiramdam
noon, para akong nanlalata sa bawat dampi ng kaniyang labi sa aking balat.

"T-Travis..."

"Yes baby?" He said in a seductive voice.

Napasandal ako sa kaniyang dibdib nang sapuhin niya ang magkabila kong dibdib.
Napahawak ako sa braso niya, hindi ko alam kung gusto ko ba siyang pigilan o gusto
kong mas higit pa roon.

Para akong nahibang ng halikan ni Travis ang ibaba ng aking tainga. "Sascha,"
bulong niya. Napalunok ako ng mabilis niyang itaas ang suot kong blouse at itinapon
iyon kung saan.

Walang kahirap-hirap niya akong hinarap sa kaniya. Hindi ko alam pero wala akong
hiya na naramdaman sa aking katawan, mas lumakas pa ang loob ko ng buong paghanga
pinasadahan ni Travis ang aking dibdib.

Kinagat niya ang ibabang labi bago halikan ang iyon. Napakapit ako sa kaniyang
balikat, he nuzzles the sensitive part between my neck and shoulder while playing
with the straps of my bra.

Walang nagsalita sa amin.

He clasped the back of my bra, my breast quivered.

Mariin akong napapikit ng walang sali-salita niyang dinala iyon sa kaniyang bibig
habang ang isang palad ay abala naman sa kabila.

His hand moved freely on my chest and zeroed in on my hardened bud. His tongue
played with my nipple.

Napa-arko ang aking likod dahil sa sensasyon na aking nararamdaman.

"Akin ka lang, akin 'to," he said possessively, squeezing my breast.

Nanuyo ang aking lalamunan nang lumuhod siya sa aking harap. Habang hindi inaalis
ang tingin sa akin ay hinubad niya ang kaniya t-shirt, hindi ko maiwasan mapahanga
sa kaniyang katawan.

Naging mabigat ang aking paghinga ng ibaba niya ang aking pantalon. Nang maibaba
niya iyon ay kaagad niya akong hinalikan sa aking tiyan. Napahawak ako sa kaniyang
balikat upang hindi ako tuluyan matumba.

My shoulder heaved and my body tensed.

"Travis!" napahiyaw ako ng bigla niya akong binuhat papunta sa kwarto.

Kaagad akong napakapit sa kaniyang leeg, ang aking hita ay awtowatikong ipinalibot
ko sa kaniyang beywang.

Hinalikan niya ako habang naglalakad, bahagya kong ginalaw ang aking katawan sa
kaniya dahilan malakas siyang napamura at parang nanghihinang ibinaba ako sa
hagdanan. Para bang inubos ko ang natitira niyang lakas sa ginawa ko.

Is it bad? I just want to feel him.

Hinawakan niya ang aking panga at masuyong hinalikan habang nakaupo ako sa hagdan,
siya naman ay nakaluhod sa mas babang hagdan sa akin.

His lips trailed down from my sweet little buds to my belly. I gasped when he tore
my panty.

"Travis a-ano ba?!" reklamo ko kahit halos hindi ko na makilala ang sarili kong
boses.

Hinalikan niya ang aking puson. "Ibibili kita, sampo," sabi niya. Hindi ako alam
kung matatawa ako o ano. Itinapon niya iyon kung saan.

Tuluyan ng tumambad sa kaniya ang hubad kong katawan. My heart jumped, Travis
looked at me with so much adoration.

His lustful eyes lingered on me. He cupped my mound. Napaigtad ako sa biglaan galaw
niya. Napakapit ako sa hagdanan. Hinawakan niya ang hita ko upang mas maibukas ko
iyon sa kaniyang harapan.

Kagat ko ang ibabang labi habang bukang-buka ako sa harapan niya. Shit!

His thumb touched my hardened flesh. The tricklish sensation sent goose bumps
crawling all over me.

Hindi niya inalis ang titig sa aking mukha habang marahan niyang hinihimas ang
aking ibaba. Napalunok ako, dahil parang pinapanuod niya ang reaksyon ko.

Lagi niya akong hinahalikan pero iba pala kapag ganito na.

Hindi ko maiwasan hindi mapa-ungol ng dahan-dahan niyang ipinasok ang kaniyang


isang daliri sa aking kalooban.

Naihampas ako ang isang kamay ko sa hagdahan. "Shh baby." awat niya sa akin.

He kissed my forehead.

Halos ibagsak ko ang aking ulo ng dahan-dahan niya iyon ilabas-pasok. My toes
curled when Travis started to move his finger faster.

"Ohh. Travis! Oh."

Halos sumunod na ang balakang ko sa kaniyang daliri. My moans full of lust filled
the house as Travis finger-fúck me. Hard and fast.

"Ahh."

"Like that?" bulong niya mabilis nang mabilis.

Gusto kong sumagot pero wala na akong salitang magawa. Halos mawala na ako sa
ulirat ng maramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga doon.

"Travis! A-Anong--Ohh."

Halos iangat ko ang aking balakang ng maramdaman ko ang kaniyang labi doon. Hindi
niya inaalis ang kaniyang tingin sa akin.
He slid his tongue between my folds, tasted my wetness. I was chanting his name in
a delirious state. He moved his tongue inside me fast and deep.

Napakapit ako sa railings ng hagdan, kailangan ko kumapit dahil pakiramdam ko ay


animang oras ay mawawalan ako ng lakas.

His licked me while his thumb is playing with my clít.

"Travis! T-Travis, baby... stop! Ohh no... don't stop, ganyan nga! Shit!"

After three long licked and sucked on my folds, my legs are quivering in pleasure.

"Fuck!" he growled.

Hingal na hingal ako nang tumigil siya, pakiramdam ko ay tumakbo kami ng sobrang
tagal. Pungay ang mata na pumantay siya sa akin. Hinalika ang aking panga bago
pumasan ang kaniyang labi na basang-basa.

Binuhat niya ako, nagpaubaya ako kung saan man niya ako dadalhin. Bukod sa
nanginginig pa ako sa kaninang ginawa niya ay wala na akong lakas na maglakad pa.

Marahan niya akong inilapag sa aming kama.

Pinanuod ko siyang tumayo sa aking ibaba. Hinubad niya ang natitira niyang suot
habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Napalunok ako ng bumaba doon ang aking
tingin. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi ng makita ang reaksyon ko.

Pakiramdam ko ay lahat ng dugo sa aking katawan ay napunta sa aking mukha.

"H-Hindi... H-Hindi ko k-kaya 'yan..." utal kong usal.

He chuckled as he knelt on our bed, touching up and down his big friend.

Napalunok akong napatitig doon. No, I can't.

"This will fit," paos na usal niya.

Tatayo sana ako pero dinaganan na niya ako, itinikod niya ang siko sa gilid ng
aking ulo. Hinalikan niya ang aking pisngi at noo. Gamit ang hita ay mas ibinuka
niya ang aking hita.

Napasinghap ako ng maramdaman ko siya doon. He slid his manhood outside my folds.
Napaawang ang aking labi dahil doon, hinalikan niya ang aking labi.

"Pretty soaking wet," bulong niya.

Hindi pa man niya pinapasok pero para na akong hihimatayin. He grind his body on
mine.

I moaned.

He breathed into my ear. He pressed himself to me.

"Sa akin ka lang," he whispered.

I was throbbing. Growing hotter and wetter.

"Spread your legs wide," I did. "Good girl."


He perfectly positioned his eréction at my entrance. Halos ihampas ko ang ulo ko ng
hawakan niya ang aking beywang at unti-unting ipasok iyon sa akin.

Napakapit ako ng mariin sa kaniyang balikat dahil sa sakit.

"T-Travis," I moaned in pain.

He thrust, inch by thick inch. He's big... I feel so stretched.

Pinilit kong idilat ang aking mata, titig na titig siya sa akin animong pinag-
aaralan ang reaksyon ko. Gusto kong sumigaw, masakit talaga tangina pero baka
tumigil siya.

Ngumisi ako, hinalikan niya ang gilid ng mata ko. Pinahid ang mamumuong luha doon.

"Okay?" he asked. Hinalikan niya ang balikat ko, marahan minasahe ang aking
kaliwang dibdib.

Hindi muna siya gumalaw, nakatulong iyon sa akin. Unti-unti siyang gumalaw halos
mapaos na ako kakaungol ng pangalan niya.

"Travis... Ohh! Ohh! Sige pa!"

"Fucking tight." He groaned.

He pumped harder and deeper. He gave his cöck a forceful thrust. His fullness felt
devine.

He repeated his movement, from slowly then fast. Slow pull, fast thrust, slowly
pull, fast thrust.

"A-Ahh sige pa!"

"Baby fuck, ohh."

Napatingala siya at mas binilisan pa. He hit an unknown sweet spot inside me that
made me want to scream!

Mukhang napansin niya iyon.

He bit his lower lip, "Sascha's gspot..." he laughed then he hit it again and again
until I cried in so much pleasure.

"Sascha!"

In a loud moan, waves of ecstasy began to roll through my body. He came after me.

Bumagsak siya sa aking leeg.

"I want to marry you again," his voice was a  sexy rasp.

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 25
Humigpit ang hawak ko sa aking bag nang makita ang babae na nakaupo sa isang lamesa
sa gilid. Nang makita niya akong papalapit sa kaniya ay bahagya niya akong
pinasadahan ng tingin.

"Sorry late ako, galing pa ako sa school," panimula ko.

Tumango siya. "It's okay, kakadating ko lang din, I'm not inip pa naman," ani
Angel.

Itinaas niya ang kamay para lumapit ang waiter ng cafe kung nasaan kami ngayon.
Tinext niya ako kanina dahil gusto niya raw ako makausap, hindi ko alam kung paano
niya nakuha ang aking number. I want to talk to her too.

"Anong want mo i-drink? U-Um, What's your pangalan kasi? Tanya?" nakangiting aniya
pero ramdam ko ang tabang sa tono niya.

"Sascha," pagtatama ko. "I'm okay with ice tea."

Nang umalis na ang waiter ay umayos siya ng upo. Hindi ko maiwasan humanga sa kinis
ng kutis niya, maputi rin Daryl pero hindi ganito. Noong nasa mall kami at nakita
ko siya ay hindi ko masyadong pansin ang kutis niya siguro dahil sa ilaw.

"So, you're my brother's classmate," wika niya.

Tumango ako, alam pala niya bakit hindi niya sinabi iyon kay Daryl noon. "Bakit
hindi mo sinabi kay Daryl na kilala mo ako?" tanong ko.

Humigop siya sa ice coffee niya bago sumagot. "Hindi ko ugali mag talk about other
people. Kung hindi niya in-ask sa akin. I won't tell him." Huminga siya ng malalim.

"O-Oh okay, bakit mo ako pinapunta rito?"

"Did you tell Trav about this?" balik na tanong niya umiling ako, hindi ko sinabi
kay Travis. Busy iyon dahil mag e-exam kami sa susunod na linggo. Madaming ginagawa
ang mga teacher.

"Good naman at hindi ka sumbungera," aniya. Kumunot ang noo ko sa uri ng


pagsasalita niya. Halo-halo, may accent siya pero parang conyo na ewan.

"Bakit mo ako pinapunta rito?"

Sakto naman ay dumating na ang ice tea ko. Pinasadahan pa ni Angel ang lalaking
waiter, ngumuso siya saka bumalik ang tingin sa akin. Is she checking that man?
Wtf.

"Well, pinapunta kita here para sabihin sa'yong iwan mo na si Travis," deretsyahan
aniya habang kalmadong nagkakape. Natawa ako sa sinabi niya.

"Ha?"

"Iwan mo siya."

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Because you will hurt each other, hindi kayo good para sa isa't-isa," seryosong
usal niya.

Napailing ako, mukhang isang pagkakamali ang pagpunta ko rito. Ganito ba siya
kadesperado kay Travis?
"Do you like my husband?" tanong ko.

Tumaas ang kaniyang kilay saka humalakhak na para bang may nakakatawa akong nasabi.
"Gosh, you're so innocent. Darling, what if I like your husband huh? Anong gagawin
mo? Magkaibigan kami simula bata pa kami, mas kilala ko siya kaysa sa'yo,"
paghahamon niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa ice tea ko bago bumalik sa kaniya. "Depende kung anong
gagawin mo. Kahit naman akitin mo ang asawa ko ay alam kong hindi siya madadala sa
ganon."

Akala ko ay magagalit siya pero nagulat ako ng ngumiti siya ng malungkot.


Bumuntong-hininga siya, nawala na ang matapang niyang mukha.

"I like you really, you're a good girl," mahinang wika niya saka umiling-iling.
"Pero kay Travis, hindi ka pwede... You will hurt my friend and he will hurt you
too."

Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi niya. Tumayo na siya saka kinuha ang kaniyang
gamit.

"Thanks for the time, Sascha, I will see you soon."

Naguguluhan pa rin ako hanggang makaalis siya. Ano bang pinagsasabi ng babae na
'yon? Noong una parang galit siya tapos noong dulo naging tunong concern na siya.

Napailing na bumalik na ako sa school, mabuti't hindi mahigpit ang guard ngayon
dahil malapit naman na ang exam.

Mabilis akong nakarating sa school, nasa field silang lahat kasama si Nade. Nitong
nakaraan linggo simula ng makabalik kami galing Zambales ay sumasama na siya sa
amin. Balewala naman na iyon sa amin tutal kaklase rin namin siya.

"Uy alam niyo ba 'yong balita? Buntis na raw si Ma'am Bea," chismis ni Kevin ng
makalapit ako sa kanila.

Kaagad akong umupo sa lagi kong pwesto, sa tabi ni Daryl. Kumakain sila ng chips.
Nakikuha ako. Tinaasan ako ng kilay ni Daryl.

"Saan ka galing?"

"Lumabas ako, may kinausap lang," mahinang bulong ko.

Naningkit ang kaniyang mata. "Lalake? Susumbong kita sa asawa mo."

Tinawanan ko lang siya, saka humarap kila Kevin at Lisa na nagchichismisan. Nahagip
ng mata ko si Alice na nakangiti sa akin, ibinalik ko ang ngiti na 'yon sa kaniya.

"Oo nga, rinig na rinig ko sa kabilang section. Buntis nga raw," ani Kevin.

"Wala naman asawa si Ma'am di ba?" takang tanong ni Nade. Nagkatinginan kami ni
Daryl. Oo nga.

"Baka may boyfriend?" usal ni Lisa habang ngumunguya.

"Baka naman nabuntis ng asawa ng iba," dagdag ni Alice. Sabay-sabay kaming


napalingon sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya.
Malisyosong suminghap si Kevin. "Ay hala sis, hindi naman siguro ganyan si Ma'am,
masungit lang iyon pero hindi naman siguro gano'n."

Tumango-tango kami. "E anong plano ni Ma'am? Aalis siya sa pagtuturo?" tanong ko.

Inabot sa akin ni Daryl ang isang C2 na kaagad ko naman ininom.

"Hindi pa naman, kaya pa magturo no'n. Siguro kapag mga seven months na saka
titigil."

Nasa gano'n kaming kwentuhan ng pumalakpak si Nade, "May ibibigay ako sa inyo,"
aniya.

Pinanuod namin siya ng may kunin siya sa kaniyang bag. "Ano yan?" sabay-sabay na
tanong namin.

Inilatag niya sa ibabaw ng lamesa ang anim na keychain. Magkakamukha iyon.


"Personalized keychain 'yan, ako gumawa. I just want to give you a thank you gift
kasi sinasama niyo ako sainyo."

Madramang kunwaring umiyak si Kevin. "Grabe ka sis, nakaka-touch naman!"

Kinuha namin isa-isa iyon saka nagpasalamat kay Nade. Isang lapis na keychain iyon.
Pare-parehas namin sinabit iyon sa bag.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan ng tawagan ako ni Travis.

"Hello?"

"Go to my office, now."

Napakunot ang aking noo ng kaagad niya iyon pinatay. Anong problema nong masungit
na 'yon? "Asawa mo?" nakangising tanong ni Lisa.

Tumango ako. "Una na kayong umuwi ha, ingat kayo!" Kumaway pa ako sa kanila
hanggang makalayo. Mabilis akong umakyat sa office niya.

Nitong nakaraan linggo pagkatapos ng eksena sa Zambales ay tuwing may


nakakasalubong ang istudyante ay lagi nila akong tinatanong tungkol doon. Isa lang
ang sagot ko, Oo kasal kami.

Parang may nabunot na tinik sa aking dibdib dahil doon, ang mga guro ay nagtatanong
din pero kalaunan ay naintindihan din nila. Na nagkasal kami bago pa man siya
magturo rito.

Nang buksan ko ang office niya ay naabutan ko siyang matalim ang tingin sa ibabaw
ng lamesa. Nakatukod ang kaniyang siko sa arm rest ng swivel chair niya habang
pinaglalaruan ng kaniyang daliri ang ibabang labi.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay hindi siya ngumiti kaya kinabahan ako.
Dahan-dahan akong pumasok at lumapit sa kaniya.

"Explain this before I punch that asshole face," inilahad niya sa akin ang mga
larawan na nakalatag sa ibabaw ng kaniyang lamesa.

Napaawang ang aking labi at napasinghap ng makita ang iba't-ibang larawan namin ni
Daryl. Iyong hinalikan niya ako sa locker, yung nakatayo kami sa parking lot at
nagtatawanan, yung ginugulo niya ng buhok ko, iyong papunta kami sa likdo ng
school, yung parehas kaming nakadukmo at natutulog sa loob ng room. Lahat iyon ay
may larawan.

Kumunot ang noo ko.

"S-Saan mo 'to nakuha?" tanong ko. Kung titingnan ang larawan ay parang ang sweet-
sweet namin. Pero hindi ganon iyon.

"Hindi iyon importante, I want to know why you were kissing that fucking Daryl?
Kailan 'to?" malamig na usal niya.

Napailing ako, hindi naman ako kinakabahan dahil wala naman kong ginagawang masaya.

"Y-Yon time na yan, papunta ako sa office mo. Yung time na n-nakita ko kayo ni
Ma'am Bea sa office mo. Maniwala ka hindi ko iyan ginusto, nagsorry na siya. Wala
na sa amin iyan," mabilis kong paliwanag.

Sandali niya akong tinitigan na para bang inaalam kung nagsasabi ako ng totoo.

"Come here." Inilahad niya ang kamay sa akin.

Kaagad na tinanggap ko iyon, kumabog ang aking puso ng paupuin niya ako sa kaniyang
hita. Kaagad niyang ipinalibot sa aking beywang ang kaniyang braso, isinubsob niya
ang mukha sa aking leeg.

Umayos ako ng upo sa kaniyang hita, hinimas ko ang buhok niya. "Akala ko ba ay
galit ka?"

He groaned. "I'm not mad at you, I'm just afraid and jealous. Alam ko naman hindi
mo magagawa 'yon, gusto ko lang marinig mismo sa'yo na hindi totoo."

Hinalikan niya ako sa aking noo. Hindi ko alam kung naririnig ba niya ang kabog ng
puso ko.

Ngumiti siya saka hinimas ang aking hita, sinimangutan ko siya. "Yang kamay mo kung
saan-saan humihimas," pinandilatan ko pa siya.

Humalakhak siya at bahagyang sinuklay ang aking buhok. "Uwi na tayo?" sweetness
laced his voice.

Masayang tumango ako. Pinalo pa niya ang aking puwet bago kami sabay na lumabas.

LUMIPAS ang araw at bukas ay exam na. Hindi kami magkakasama ng mga kaibigan ko
dahil may ginagawa rin sila, galing akong office ni Travis dahil kumain kami ng
lunch. Pagkabalik ko sa room ay tahimik ang buong klase, nalukot ang aking mukha sa
paraan ng pagtingin nila sa akin.

Nandoon ang adviser namin at mukhang hindi siya masaya sa mga nangyayari. Ano bang
meron?

Lumapit ako kila Daryl na seryoso lang ang mukha. "Anong nangyayari?" tanong ko.

Binasa niya ang ibabang labi at hindi ako sinagot. Tumingin ako kila Kevin pero
nag-iwas tingin lang sila sa akin.

"Kayong lima sa likod at ikaw, miss Nade sumama kayo sa akin, dalhin niyo ang mga
gamit niyo," seryosong usal ni Ma'am.
Napataas ng kilay ko, tahimik na sumunod sila kay Ma'am. Hinawakan ni Daryl ang
aking siko habang ginigiya ako pasunod sa iba. Naguguluhan ako sa nangyayari.

"Daryl what happened?"

"Alam ko hindi ikaw gumawa no'n, huwag kang mag-alala hahanapin natin," umigting
ang kaniyang panga ng sabihin niya iyon. Mas lalo akong naguluhan.

Hindi na siya umimik pa hanggang makarating kami sa office. Kinabahan ako, bakit
kami pinatawag? Nang makapasok kami ay nandoon ang dean ng education deprtment,
ilang teacher kasama na rin si Ma'am Bea.

"Maupo kayo," utos ni Ma'am.

Hinilot niya ang sentido saka kami pinasadahan lahat. "Bukas na ang exam, nawawala
ang answer sheet ng education department," panimula ni Ma'am.

Napakunot ang aking noo. Hindi ba't dapat sa buong klase niya iyon sinasabi? Bakit
sa amin lang?

Naglakad sa harapan namin si Dean, may inihagis siya sa lamesa. Napaigtad ako dahil
galit na siya. "Kanino 'to?" aniya sa keychain.

Nanlaki ang mata ko doon, sabay-sabay kaming nagkalingunan. Iyon ang ibinigay ni
Nade sa amin.

Huminga ng malalim si Dean. "Ayoko ng umabot tayo sa ganito, kaya umamin na kung
sino ang nagnakaw ng answer sheet. Education student pa naman kayo! How can you do
that? Para sa grade? I can't believe this!" tumaas ang kaniyang boses.

Natatakot na ako. Huwag niyang sabihin isa sa amin ang mandadaya?

"M-Ma'am baka po nagkakamali kayo, hindi po namin iyon gagawin," lakas loob na usal
ko.

"Yes Ma'am, we can't do that." segunda ni Daryl.

Napailing ang adviser namin saka nag-iwas tingin. "This is the evidence, nakita ito
sa office kung saan nakatago ang mga sagot para sa darating na examination.
Nagtanong-tanong na kami kanina sa bawat section at nalaman namin na gawa mo ito
Miss Nade," taas kilay na tanong niya kay Nade.

Kinabahan ako, para ng maiiyak si Nade. Hindi niya magagawa iyon, malito si Nade.
Anong dahilan para gawin niya iyon?

"O-Opo Dean. Gawa ko po 'yan. S-Sa amin pong lahat," mababang boses niya.
Pakiramdam ko ay anumang oras ay iiyak na siya.

Tumango-tango si Dean. "So lahat kayo meron nito? Ibig sabihin, isa sainyo ang
nawawalan ngayon."

Nanlaki ang mata ko. Hindi pwede, wala sa amin iyon.

"Let me see your keychain," matigas na utos ni Dean. Napalunok ako.

Nanginginig ang kamay ni Nade na hinalungkat ang bag. Nakahinga ako nang maluwag ng
makita na ang keychain niya sa wallet. Sunod na inilabas ni Kevin ang sa kaniya,
gano'n rin si Lisa na nakasabit lang sa bag ang keychain. Itinaas ni Daryl ang
keychain sa kaniyang cellphone.
Nagkatinginan kami ni Alice, halata kong naiiyak na rin siya. Laging seryoso lang
si Alice pero alam kong kinakabahan na rin siya.

Sabay namin hinalungkat ang bag namin. Napakunot ang noo ko dahil wala sa bag ko
ang sa akin. Shit! Nasaan na yon?

"Tsk. Tsk. Tsk." Napaawang ang aking bibig ng ilabas ni Alice ang sa kaniya.

Napaiyak na siya, nagyakap sila ni Lisa na para bang alam na nila na papagalitan
ako.

Marahas akong umiling.

"H-Hindi po ako, Dean. Wala po sa akin kahit po ilabas ko lahat ng gamit ko Dean,
wala po," mabilis kong usal.

"Kung gano'n bakit nakita itong keychain mo sa lugar kung saan nawala ang sagot sa
examination?!" malakas na sigaw niya.

Pinakalma siya ng ibang teacher, nanginginig ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay


kahit anong paliwanag ko ay hindi nila papakinggan.

Napaawang ang labi ko dahil sa kaba. Yung wala ka naman kasalanan pero natatakot ka
dahil alam mong hindi nila papaniwalan ang sasabihin mo.

"Why did you do that Mrs. De Vega?" tanong ng adviser ko.

Umiling-iling ako. "M-Ma'am hindi po talaga."

Napailing ang ibang teacher. Hindi ako makalingon sa mga kaibigan ko dahil
natatakot kong makita ang reaksyon nila. Hinuhusgahan din ba nila ako?

Nang mapalingon ako kay Ma'am Bea ay iiling-iling siya sa akin.

"Umamin ka na Sascha," aniya.

Naningkit ang aking mata, wala akong aaminin dahil wala akong masamang ginagawa.
Hindi ako ang kumuha no'n.

Naglakad balik ang matandang Dean. Hinampas niya ang lamesa, alam kong galit siya
dahil ngayon lang iyon nangyari. Naiintindihan ko sila pero hindi sana ganito.

Dapat inaalam muna nila, hindi porket nawala ang keychain ko ay ako na.

"Why did you do that?!" sigaw ulit niya na halos mapaigtad kami sa gulat.

Bumukas ang pinto, napaawang ang aking labi ng seryosong pumasok si Travis. He's
mad. I can see that on his serious face. His jaw clenched.

Nasa bulsa niya ang kaniyang mga kamay. Kinabahan ako dahil kita ko ang nakakatakot
niyang emosyon.

"Don't shout at my wife, Dean," matigas na usal niya.

Nanginig ang labi ko, ang takot ko kanina ay mas lalong lumabas na. Ang tapang ko
ay biglang nawala.

Seryosong naglakad si Travis papalapit sa akin. Umiling ako, "T-Travis hindi ko


kinuha, wala akong ninanakaw na sagot."

Hinawakan niya ako sa kamay saka ako tinayo doon. Hinarap niya ang mga ibang tao
doon, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya sa galit habang hawak ako.

"My wife can't do that. I can prove that," pinasadahan niya ng tingin ang mga
kaibigan ko pati ang ibang teacher. "And if I find out who's behind this stupid
stunt, I will make you suffer," matigas na usal niya.

Hinila na niya ako palabas doon. Hanggang makarating kami sa office niya ay
nanatili siyang seryoso igting ng kaniyang panga na sinapo ang mukha ko.

"You okay?"

"O-Oo, kumalma ka muna Travis, n-natatakot ako sa'yo..." usal ko.

Huminga siya ng malalim inilagay niya ang noo sa akin. "I'm sorry baby. I'm mad.
They're hurting you."

Mabilis kong pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisngi, ang takot na tinatago ko
kanina ay inilabas ko sa harap niya.

Mahigpit niya akong niyakap. "Shh. It's okay hahanapin ko 'yong totoong kumuha,
lilinisin natin ang pangalan mo."

Tumango ako.

"Someone is stabbing you from your back, baby," matigas na wika niya.

May nagta-traydor sa akin.

Mariin akong pumikit sa realisasyon. Keychain ko ang nakita doon, ibig sabihin ay
may nag frame up sa akin?

Hindi ako makahinga sa isipin na isa sa mga kaibigan ko ang gumawa no'n. Sila lang
ang nakakalapit sa aking bag, ang nakakalapit sa akin. Sino ba ang maaring gumawa
no'n?

Daryl can't do that, can he? Malapit na kami ni Daryl, siya rin ang unang nakaalam
ng tungkol sa amin ni Travis. Anong dahilan para traydorin niya ako? Anong makukuha
niya?

Kevin? Why? Wala akong makitang dahilan. We are good friend same as Lisa and Alice.
Matatagal na kaming magkakaibigan, simula pa ng lumipat ako rito. They can't do
that to me.

Nade? Siya ba? Siya ang nagbigay ng keychain sa akin, sa amin. Para saan? Matalino
siya, hindi ko alam kung bakit niya nanakawin ang sagot.

Si Ma'am Bea, is it posibble? Gusto niya si Travis iyon ang alam ko. Maaari niya ba
iyon gawin?

Angel, how can she do that? Wala siya sa school, unless kung may uutusan siya.

Hindi ko na alam kung sino pa, natatakot akong malaman kung sino dahil natatakot
akong masaktan kapag lumabas na ang totoo.

Who's the traitor?


***-----------------------------------------------------------

Enjoy Reading!

Kabanata 26

Napatingala ako habang mas idiniin ko ang aking palad sa tiles ng banyo, mahigpit
ang hawak ni Travis sa aking balakang habang madiin na umuulos sa aking likuran.

He thrust faster while rubbing my clít. I bit my lower lip to stifle a shriek.

"Don't hold back baby, moan come on," he whispered.

"Travis!" I heard myself cried out.

Mas binilisan niya ang ginagawa. After three more hard pumped, the waves traveled
from my head to toes. After me, Travis spasmed inside me.

Pakiramdam ko ay mapapaluhod na lang ako sa sahig ng banyo sa sobrang panlalata,


ngunit kaagad niya akong niyakap. Binuksan niya ang shower at nilinisan ako. Hingal
pa rin ako habang pinapanuod siyang paliguan kaming dalawa.

Well, ako lang naman talaga ang maliligo dahil may pasok kami ngayon ang kaso ay
bigla siyang pumasok sa loob ng banyo.

"Tired?" malambing na tanong niya.

"Paano hindi mapapagod? E nakadalawa ka," humalakhak siya.

Pinalibot niya sa aking katawan ang tuwalya saka ako marahan binuhat palabas,
inilapag niya ako sa kama. Nagbihis muna siya ng boxer bago humarap sa akin.

Tahimik lang ako habang binibihisan niya ako ng uniform, siya naman din ang may
kasalanan kung bakit nanlalata ako. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na lang mahiga
kaysa pumasok.

Pinatuyo niya ang aking buhok bago siya tuluyan magbihis. Siya rin ang nagluto bago
kami sabay pumasok. Hindi katulad noon napatago pa ako bumababa sa sasakyan niya ay
ngayon ay landakan na.

May ilang tumitingin pa rin sa amin, ang iba ay naiingit, ang iba naman ay may
panghuhusga.

"Sabay tayong maglunch, susunduin kita sa room niyo," aniya.

Ngumiti ako bago tumango, ginulo niya pa ang buhok ko bago umalis. Pagpasok ko sa
classroom ay kaagad nagbulungan ang mga kaklase ko, alam kong dahil iyon sa
nangyari kahapon.

"Baka alam niyang babagsak siya," rinig kong usal ng isang kaklase ko na hindi ko
masyado kasundo.

"Kaya siguro kinuha 'yon sagot saka kumakapit sa teacher para sa grades," ani ng
kaibigan nito.

Napabuntong-hininga na lang ako't dumeretsyo sa upuan ko sa likod. Nandoon na si


Daryl, lagi naman siyang maaga. Wala pa ang iba.
Tipid akong ngumiti sa kaniya, tinitigan niya lang ako hanggang makaupo sa tabi
niya. "Hoy! Tulala ka." Pumitik ako sa harapan niya.

Napakurap-kurap siya't parang doon pa lang natauhan. "Hah?"

"Ayos ka lang?"

Bumuntong-hininga siya saka marahan tumango, "Kamusta kayo ng asawa mo?" biglang
tanong niya.

"Ayos naman." Ngumiti pa ako sa kaniya para malaman niyang ayos kami ni Travis.
Siguro ay sadyang nag-aalala lang si Daryl dahil sa nangyari kahapon.

Pinasadahan niya ng dila ang kaniya labi bago ngumiti. "That's good," paos na
aniya.

"About yesterday, I know it's not you." Tumigil siya sandali saka pinasadahan ng
daliri ang buhok. "Do you have any idea about that? Any suspect for that?" kunot-
noong tanong niya.

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata, umiling ako. "Hindi ko na alam
Daryl, sino naman ang gagawa no'n sa akin? Ano makukuha niya kung sakali? Hindi
ba?" pinag-aralan ko ang reaksyon.

Wala ako mabasa doon.

Hindi sa pinagdududahan ko rin si Daryl, kagaya ng sinabi sa akin ni Travis baka


isa sa malalapit sa akin ang may gawa no'n. Sabi rin niya kakausapin niya ang
security sa school, para icheck ang cctv. Sa ngayon, hindi ko alam kung sino ang
totoo at hindi sa paligid ko.

Nang dumating sila Lisa, Alice at Kevin ay naging tahimik sila, alam kong iniiwasan
lang nila ang magtanong tungkol doon.

Nang dumating ang tanghali ay nagpaalam ako sa kanila na sabay kaming kakain ni
Travis. Pupuntahan ko na lang siya.

Wala si Daryl at Alice kaya kila Kevin lang ako nagsabi.

"Sigurado ayos ka lang sis ha?" ani Kevin habang inaayos ang bag niya.

"Oo nga, Sascha kung gusto mo ay ihatid ka namin sa faculty," ani Lisa.

Ngumiti ako't umiling. "Hindi na, malapit lang naman pasabi na lang kila Daryl ha?
Nasaan na nga pala sila? Bigla na lang nawala."

Nagkibit-balikan ang dalawa. "Si Alice magbanyo raw, si Daryl hindi ko alam."

"Ah sige, alis na ako para makabalik ako kaagad."

Habang naglalakad ako sa hallway ay may ibang tumitingin sa akin, hindi ko alam
kung dahil sa issue namin ni Travis o dahil kahapon.

Paliko na sana ako papunta sa faculty ng may humawak sa balikat ko, kaagad akong
napalingon sa humawak sa akin. Bahagya pa akong nagulat ng makita si Nade.

Inaayos niya ang suot na salamin.


"N-Nade? B-Bakit?"

"Pwede ba kitang makausap?" mahinahong aniya.

Pinalibot ko muna ang tingin ko sa paligid. Maaga pa naman, "Sige, ano ba 'yon?"

"Doon tayo sa gilid." Turo niya sa likod ng hagdanan.

Kahit naguguluhan ay sumunod ako sa kaniya. Nang nasa ilalim na kami ng hagdanan ay
inalis niya ang kaniyang salamin. Hindi naman ako kinakabahan, naku-curious ako sa
kung anong maaaring sabihin niya.

"Nag-away ba kayo ni Sir Travis?" tanong niya, bahagya pang tumagilid ang kaniyang
ulo habang hinihintay ang aking sagot.

"U-Uhm, hindi naman. Bakit?"

"M-May mga nagpapadala ba sa kaniya ng kung ano-ano? May napapansin ka ba weird na


bagay?" tanong niya.

Nagpeke ako ng tawa, "Ano bang sinasabi mo Nade? May dapat ba akong malaman?"
tanong ko. Ang totoo ay may naisip ako, 'yong mga pictures na nakita ni Travis.
Hindi ko pa natanong kung sino ang nagbigay no'n sa kaniya. Ang makikipag kita sa
akin ni Angel at ang mga nakapaligid, ang weird.

Malakas siyang bumuntong hininga saka umiling. Magsasalita pa sana siya ng may
tumawag sa kaniya.

"Nade!" sabay kaming napalingon kay Daryl na hinihingal pa.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila. Mabilis na lumapit sa amin si Daryl,


mabigat ang kaniyang paghinga na hinawakan si Nade sa braso.

"What the hell, Nade?!" inis na aniya. Kita ko ang paghigpit niya sa braso ni Nade.

"A-Anong nangyayare?" gulat na usal ko.

"Wala akong sinabi sa kaniya, Daryl. Bitawan mo ako."

"Let's go, Nade." Hinila niya si Nade palayo sa akin. Kahit medyo malayo na sila ay
rinig ko pa rin ang pagtatalo nila. Anong nangyari do'n? May love quarrel ba sila?

Bakit gano'n ang reaksyon ni Daryl? May dapat ba akong malaman?

Bumuntong-hininga ako bago dumeretsyo sa office ni Travis, mamaya pagbalik ko ay


saka ko na lang sila kakausapin.

"Kayo ang magdesisyon, Sir."

Napatigil ako sa pagpasok sa loob ng office ni Travis nang marinig ko ang isang
boses ng babae sa loob.

Kumabog ang puso dahil kilala ko kung kaninong boses iyon, dahan-dahan akong
sumilip. Kumabog ang aking dibdib ng makita si Alice doon.

Mas nagulat ako ng makita ang galit na mukha ni Travis habang nakatingin kay Alice.
Umiigting ang kaniyang panga.

"What do you what?" malamig na tanong niya kay Alice.


Humigpit ang hawak ko sa hamba ng pintuan, nakatalikod si Alice sa aking gawi kaya
hindi ko alam kung anong reaksyon niya.

"I already said what I want, Sir," kalmado ngunit madiin usal ni Alice.

Bago pa ako mahuli na nakikinig ay mabilis akong umalis doon at nagtago sa ilalim
ng hagdanan. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Mas sumiksik pa ako sa gilid ng
makita kong pababa na si Alice.

Anong gusto niya? Bakit magkausap sila ni Travis? Shit. Sumasakit na ang ulo ko sa
mga nangyayari.

Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang aking sarili bago bumalik sa office ni
Travis na kunwari ay wala akong nakita.

Ngumiti ako pagbukas ng pinto. Naabutan ko siyang hinihilot ang kaniyang batok
habang nakasandal sa kaniyang lamesa.

Nang makita niya ako ay kaagad siyang ngumiti. Lumapit ako sa kaniya, nang magtapat
kami ay hinimas niya ang aking pisngi.

"How's your study baby?" malumanay na aniya na para bang hindi siya galit kanina.

I wonder how can he control his feelings like that? Kasi kapag ako, kapag nainis
ako kahit siguro isang oras na ang lumipas makikita pa rin sa aking mukha ang
pagkainis.

"Ayos lang, ikaw kamusta? May b-balita na ba?" tukoy ko sa nangyari kahapon.

Bumuntong-hininga siya't hinimas ang aking leeg. "Wala pa," bumaba ang kaniyang
kamay sa aking braso pababa sa aking kamay. Nang mahawakan niya ay dinala niya iyon
sa kaniyang labi upang halikan.

Masuyo kong hinimas ang kaniyang panga.

"May problema ba, Travis?" buong pag-aalalang tanong ko.

Ngumiti siya, pakiramdam ko ay may tinatago siya sa akin. Gusto ko magtanong pero
natatakot akong magsinungaling siya, mas masakit iyon. Hindi naman niya siguro
itatago kung gusto niyang sabihin, hindi ba?

"Mahal na mahal kita, Sascha."

Parang may humaplos sa puso ko ng sabihin niya iyon, ngumiti ako. "Ikaw ah,
pinapakilig mo ba ako?"

"Gumagana ba?"

"Kaunti."

"Tara nga dito, payakap," bulong niya.

Nagulat ako ng hilahin niya ang aking pulso, tumama ako sa kaniyang dibdib. Bago pa
ako makareklamo at makalayo ay mahigpit niya akong niyakap.

Hinimas ko ang kaniyang likod.

"T-Travis ayos ka lang?"


"Whatever happens I will never leave you."

Mariin akong napapikit, hinalikan niya ang aking buhok. Hindi na kami nagsalita pa,
nanatili kaming ganon.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na ako. Hinihintay kong may sabihin pa siya pero
wala na.

Hinatid ako ni Travis sa building namin. Syempre hindi maiiwasan may tumitingin sa
amin.

Nang makasalubong namin si Ma'am Bea, ay tipid niya akong nginitian bago lampasan.
Anong nangyari doon?

"Susunduin kita mamaya sa room niyo," sabi ni Travis ng nasa floor namin na kami.

Umiling ako. "Hindi na, sa parking lot na lang tayo magkita."

"O-Okay, kapag may problema text mo ko ha?" Kinagat niya ang ibabang labi.

Napatitig ako sa mapula niyang labi, saka napalunok. Umangat ang sulok ng kaniyang
labi dahil sa ginawa ko.

"You want to kiss?" he whispered.

Naitikom ko ang aking bibig, tumawa siya saka mabilis akong hinalikan sa labi kahit
pa madaming istudyanteng nakatingin.

Nanlaki ang mata ko sa gulat, bago pa ako makapagsalita ay pinitik na niya ang noo
ko bago umalis.

Nang pumunta ako sa room ay tahimik na ang mga kaibigan ko. Sumulyap si Nade sa
akin bago mag-iwasn tingin. Si Daryl naman ay hindi man lang ako nilingon.

Ngitian naman ko ni Alice, bago niya ayusin ang salamin saka naging abal sa
cellphone. Tanging bunganga ni Kevin at Lisa ang maingay sa linya namin.

May kinukwento si Kevin tungkol sa isang thai drama na pinanuod niya.

Nang dumating ang hapon ay akala ko'y sasabay si Daryl sa amin apat pero nilagpasan
niya kami saka dumeretsyo kay Nade.

Lumabas sila, nagpapadyak si Kevin. "Letcheng Nade 'yan inaagaw si Papa Daryl ko!"
aniya.

Ngumisi si Lisa, "Aysus, ihahanap na lang kita tutal tayo na lang naman ni Alice
walang lovelife kasi itong si Sascha e happily married na," wika niya.

Kumapit sa braso ko si Alice, naalala ko 'yong sa office kanina.

Naiisip ko rin kung nagseselos ba siya kay Daryl at Nade, hindi ba't may gusto siya
kay Daryl?

"Sinong may sabing wala akong lovelife?" nakangiting tanong ni Alice.

Napasinghap si Kevin, kunwari pang napasapo sa puso. Buong atensyon namin tiningnan
si Alice.
"Weh? May boyfriend ka Alice? Hala siya, tatahimik-tahimik ka matinik ka pala,"
pang-aasar ni Lisa.

Nakangising nagkibit-balikat lang si Alice. Tinapik niya ang balikat ko, "Mauna na
ako ha? May gagawin pa kasi ako sa bahay."

"Sus may date ka lang e," tukso ni Lisa.

Umalis na si Alice, naningkit ang mata ko habang nakatingin kay Lisa na nag-aayos
pa saka kay Kevin na nakikigamit ng liptint. Sa kanilang dalawa wala naman akong
weird na nararamdaman pero sa tatlo ay meron.

Nang matapos sila mag-ayos ay umalis na kami. Nang nasa field na ako ay may nagtext
sa akin.

'Magkita tayo sa fooftop ng building three. Hihintayin kita, may sasabihin akong
importante. May kailangan kang malaman. Importante 'to.'

Hindi ko kilala kung kaninong number iyon. Mukhang napansin nila Lisa ang pagtigil
ko.

"Ayos ka lang sis? Saan kayo magkikita ni Sir? Parking lot?" tanong ni Kevin.

Hinigpitan ko ang hawak sa aking bag.

"A-Ah may kakausapin lang ako, mauna na kayo ha?"

"Huh? Sino? Samahan ka na namin," ani Lisa.

Umiling ako. "Hindi na. Salamat. Ingat kayo ha?"

Humakbang na ako pabalik bago pa man sila makasama sa akin. Pumunta ako sa building
na tinutukoy ng nagtext. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko.

"May tao ba dito?" sigaw ko ng makarating ako sa rooftop.

"Hello?! Nandito ka ba? Lumabas ka!" sigaw ko ulit pero wala naman tao.

Ano 'yon? Naloko lang ako? Baka naman may nantitrip lang sa akin. Hahakbang na sana
ako pabalik, pero halos mapatalon ako ng makitang nakatayo si Travis sa pintuan.

Nakaigting ang panga niya nakatitig sa akin.

"T-Travis anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Why are you here?" malamig na usal niya.

Napalunok ako. Lumapit siya sa akin marahan niyang hinawakan ang aking braso.
"Let's go home," seryosong sabi niya.

"P-Paano mo nalaman nandito ako?"

Bumuntong-hininga siya. "I saw you, so I followed you. Why are you here anyways?"

Kinagat ko ang ibabang labi. "May nagtext kasi sa akin. Siguro may nanloloko lang
sa akin."

"Yeah, next time tell me if someone message you okay?" malumanay na tanong niya.
Marahan akong tumango. Tahimik kaming umalis doon. Pakiramdam ko at may tinatago si
Travis sa akin pero ano yon?

Bilang mag-asawa hindi ba'y dapat sinasabi niya sa akin kung mah problema.

Hindi ko na kasi alam kung kanino pa ako pwedeng magtiwala, kahit si Travis ay may
tinatago sa akin.

Kanino ako lalapit?

KINABUKASAN ay hindi na ako mapakali pa, kaya nang nagkaroon ng oras na mapag-isa
ay sinulit ko iyon. Nasa labas ang lahat ng kaklase ko dahil nagkaruon ng fire
drill.

Malakas ang kabog ng aking puso, isinarado ko ang pintuan saka mabilis na pumunta
sa upuan ni Nade.

Pakiramdam ko ay manhid na ang aking kamay habang sinisipat ang kaniyang bag.
Walang ibang kasuspetsa doon.

May nakita akong drawing book, iyon lang.

Nagmadali akong pumunta sa bag ni Daryl. Naghahanap ako ng answer sheet na nawala o
kahit ano na pwedeng pahinalaan pero bigo ako.

Isasara ko na sana ang bag niya ng makita ko ang nakalukot na bond paper sa bulsa
ng bag niya.

Mabilis ko iyon binuksan. Napasinghap ako dahil mukha ko ang naka-drawing doon.
Nakatagilid ako, sa tingin ko ay habang nakikinig ako sa prof namin ay iginuhit
niya ako.

Ibinulsa ko iyon. Sinunod kong tingnan ang bag ni Lisa, bukod sa mga make-up ay
wala na akong makita na kahina-hinala. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano ng
makita ko ang bag ni Kevin na puro picture ng koreano.

Kumabog ang puso ko ng kay Alice naman ang binuksan ko. Walang kakaiba sa bag ni
Alice. Napasabunot ako sa aking ulo. Kung ganon wala sa mga kaibigan ko, sino?

Si Ma'am Bea, naging tahimik naman siya ng malaman niyang may asawa na si Travis.
Tahimik lang ba siyang gumagalaw? Ganon ba niya kagusto si Travis?

Si Angel, she can't do this. Wala siya rito saka noong last usap namin ay binalaan
niya ako.

Hindi ko alam kung sino ba ang totoo. Ang hirap pa lang gumalaw na alam mong isang
kilos mo lang ay may titira sayo.

Nasa ganon akong posisyon ng bumukas ang pinto, ang inosenteng mukha ni Alice ang
bumungad sa akin. Hindi siya nagulat sa aking presensya na para bang inaasahan
niyang makita ako rito.

"A-Alice tapos na ba ang drill?" tanong ko at pilit itinago ang kaba.

Shit!

Bahagyang tumabingi ang kaniyang ulo saka isinarado ang pintuan. "Ikaw bakit ka
nandito?" tanong niya.
Bumaba ang tingin niya sa bag na hawak ko, ang kaniyang bag. Kaagad ko iyon ibinaba
at nagpeke akong tumawa.

"A-Ahaha, masakit kasi tiyan ko."

"Anong kinalaman ng tiyan mo sa bag ko?" seryosong aniya.

Tinitigan ko siya, nawala ang ngiti sa labi ko. Nang makita niya ang kaba sa mukha
ko ay humagalpak siya ng tawa.

"I'm just kidding," aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi saka kumalma. Lumapit siya sa akin, nakangiti siya
habang nakatitig sa akin kaya nailang ako.

"B-Bakit Alice?"

"Hmm, ang ganda mo." Tumango-tango pang wika niya.

Natawa ako sa sinabi niya kahit naiilang na ako. Ano bang ginagawa niya, mas
lumapit pa siya sa akin napaatras ako hanggang tumama ang aking likod sa pader.

"Ang ganda-ganda mo Sascha," malambing na aniya.

Tinanggal niya ang kaniyang salamin. Kinilabutan ako ng matamis siyang ngumiti sa
akin. "A-Alice tara na lumabas na tayo."

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi, unti-unting nangilid ang kaniyang luha. "You
don't trust me right? Pinaghihinalaan mo ako na ako ang trumaydor sayo. Gano'n ba
Sascha?"

Parang may bumara sa aking lalamunan. "H-Hindi sa ganon..."

"Then what?!" Mas lumapit siya sa akin. "Tama lang na ikaw ang sisihin nila!" sigaw
niya.

Napaawang ang aking labi sa sinabi niya para akong sinampal sa realisasyon.

"I-Ikaw ang gumawa no'n? Alice how could you?!" pumiyok ang aking boses. "B-Bakit
mo nagawa iyon sa akin?!" tumaas na rin ang aking boses.

Hindi ko maintindihan, bakit? Paano?

"H-Hindi naman dapat ikaw talaga ang gusto kong suspect, ang tanginang keychain
lang ang naging problema ko. Si Travis dapat, pero dahil nabulilyaso na ako naiba
ang plano," kwento niya na para bang wala lang sa kaniya iyon.

Napasinghap ako habang maulit-ulit na sumisikip ang puso ko. Hindi ko maisip na
magagawa ito ni Alice.

"S-Si Travis? Bakit mo gagawin 'yon sa asawa ko?" sigaw ko.

Kumuyom ang kaniyang kamao, mas nangilid ang luha niya. "I want him gone! I want
him gone!" sigaw niya.

Napaawang ang labi ko ng tuluyan tumulo ang luha niya.

Naisip kong may gusto rin siya kay Travis, katulad kay Ma'am Bea. Nasaktan ba siya
noong nalaman mag-asawa kami? Kaya ginusto na lang niyang paalisin si Travis? Kaya
niya kinuha ang answers para isisi kay Travis? Ang kaso nahulog niya ang keychain,
kaya binago niya ang plano. Kinuha niya ang sa akin? Pero bakit ako?

"M-May gusto ka kay Travis?" hindi makapaniwalang usal ko.

Malakas siyang tumawa habang umiiyak. "Ang tanga-tanga mo. Ikaw ang gusto ko
Sascha! Ikaw! Noon pa, ikaw pero simula ng dumating 'yang Travis na yan ay hindi mo
na ako napapansin! Lagi ka doon sa office niya! Ikaw lang ang meron ako, nang
dumating ka rito ay sumaya ako pero kinuha ka niya sa akin!" sigaw niya.

Napatakip ako ng bibig sa nalaman ko. Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi ni Alice.

Bumukas ang pintuan, humahangos na pumasok ang iba kong kaibigan. Umiiyak na si
Lisa, para bang nalaman na nila.

Nangilid ang aking luha. Mabilis na lumapit si Nade at hinarangan ako kay Alice.

"Tama na Alice," singhal niya rito.

Tumalim ang tingin ni Alice kay Daryl at Nade.

Dinuro niya ang dalawa.

"Kayo! Kayong dalawa ang pakielamero! Sinabi ko ng tigilan niyo ang pangingielam!"
sigaw niya.

Pilit nilalayo ni Daryl si Alice pero pilit akong inaabot nito.

"A-Alice..."

Lahat kami ay napalingon sa pintuan ng igting ang panga na pumasok si Travis. Ang
luha na kanina ko pinipigilan ay bumuhos na. Nasasaktan ako.

"T-Travis..."

Kaagad niya akong dinaluhan. Seryoso ang kaniyang mukha, hindi siya nagtanong kung
ano bang problema kaya pinilit kong magsalita.

"S-Si Alice... S-Siya a-ang gumawa..." sumbong ko.

Tiningala ko siya, dumilim lang ang ekspresyon ng kaniyang mata. Hindi siya
nagulat.

"Travis naririnig mo ba ako? Sabi ko si Alice ang nag frame up sa akin?!" bigong
wika ko.

Napalingon ako kay Alice ng humalakhak siya. "Bakit hindi mo sabihin kay Sascha ang
totoo ha?! Sir?!" nanunuyang aniya.

"A-Anong totoo?" naguguluhan tanong ko. Pilit siyang nilalayo ni Daryl at Kevin.

Hinawakan ni Travis ang braso ko pero hinigit ko iyon. Tumigil ang luha ko. "Let's
go Sascha."

"Anong totoo Alice?"

"Stop it Alice!" ani Travis.


Ngumisi siya. "Na alam niya na ako ang may gumawa pero hindi niya sinabi sayo, na
ako ang may bigay ng picture pero hindi niya sinabi sayo. Alam niyang ako pero
inilihim niya."

Hindi ako makapaniwalang napalingon kay Travis na mapungay  ang mata nakatitig sa
akin. "A-Alam mo? B-Bakit hindi mo sinabi Travis? A-Alam mong pinag-uusapan na ako
ng ibang istudyante dahil dito! Alam mong gustong-gusto ko lumabas ang totoo!"
sigaw ko.

Pilit niya akong hinahawakan pero umiilag ako, sunod-sunod na tumulo ang aking
luha, napahikbi ako.

"B-Baby please... Calm down..."

"Alice tama na!" sigaw ni Daryl.

Nahihirapan na ako huminga, inalalayan ako ni Nade. "Kayo ang tumigil! She deserve
to know the truth! Bakit niyo ililihim sa kaniya?!"

"B-Bakit mo sakin ginagawa 'to Alice? Kaibigan kita..." lalong lumabo ang aking
mata sa luha.

"Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo?!" pinunasan niya ang luha niya.

"Shut the fuck up, Alice!" hinarangan ako ni Travis para hindi ko makausap si Alice
pero tinulak ko siya.

Kung may dapat pa akong marinig ay gusto kong marinig ngayon para isang sakit na
lang.

"You shut up, lying asshole!" sigaw ni Alice.

"Alice ano bang sinasabi mo? Anong totoo."

Pilit akong hinahawakan ni Travis, kita ko ang takot sa kaniyang mukha.

Nawala ang emosyon sa mukha ni Alice, desidido siyang sabihin kung ano man iyon.

"You are not a De Vega, Sascha. You are not married to him!"

Natulala ako sa sinabi ni Alice, ang malabo ko ng mata ay mas lumabo. Umulit sa
tainga ko ang sinabi niya, napamura si Daryl, napahagulgol si Nade sa tabi ko.

Hindi ko alam kung ano reaksyon nila Lisa dahil nasa gilid sila. Nagtatanong na
tumingin ako kay Travis.

Umaasa na sabihin niyang kasal talaga kami, na sinisiraan lang siya ni Alice. Pero
nang makita kong nangilid ang luha niya ay mas napahikbi ako.

Hindi totoo? Kasinungalingan lang lahat? Lahat ba sila alam 'yon? Paanong nangyari?
Paano? Apelido niya ang gamit ko, ano 'yon gaguhan?

"B-Baby... let me explain..." pumiyok ang kaniyang boses habang masuyong niyayapos
ako.

Gusto niya akong yakapin pero tinabig ko siya.

"Totoo ba?" hindi niya sumagot, hindi niya inalis ang mata niyang nakatitig sa
akin, ano mang oras ay iiyak na rin siya. "Travis baby, please tell me she's lying?
I'm your wife right? I'm a De Vega right?" paos na tanong ko habang humihikbi.

Niyakap niya ako paulit-ulit na hinalikan sa ulo. Umiling-iling ako dahil hindi
iyon ang gusto kong makuhang sagot.

Oo o hindi lang.

Pinilit ko siyang ilayo sa akin. Nakita ko kung paano tumulo ang luha niya na para
bang nasaktan siya sa ginawa ko.

Travis mas masakit ginawa mo.

"N-Nagkaruon ng problema ang papeles natin, h-hindi nalegal ang k-kasal..."

Halos mapaluhod na ako kung hindi lang ako inalalayan ni Nade, humagulgol ako.
Itinago nila sa akin ng bagay na iyon. Pati ba pamilya namin alam?

"P-Pwede kayong magpakasal ulit." Napalingon ako kay Daryl ng magsalita siya.
Malungkot ang mata niya na animong alam niya ang sakit na nararamdaman ko.

Pwede ba yon sinabi niya? Magpakasal ulit? Wala naman sigurong problema. Mahal na
namin ni Travis ang isa't-isa. Pwede kami kahit simpleng kasal lang para maging
legal. Walang mababago.

Para akong nabuhayan ng loob. Mapapatawad ko pa naman siguro si Travis sa pagtatago


no'n. Kaya ko pa naman siguro tanggapin. Maayos pa namin 'to.

Ang kaunting pag-asang naramdaman ko ay nawala ng tumawa ulit si Alice. Mahigpit na


hinawakan ni Travis ang kamay ko.

Paulit-ulit niyang binubulong kung gaano niya ako kamahal pero parang nabinggi na
ako, tanging si Alice na lang ang naririnig ko.

"Magpakasal ulit?" nanunuyang aniya saka umiling. "How can they married again huh?
When in the first place, you can't marry her. You can't marry Sascha. A married
man, can't marry another woman unless you are divorce. What can you say Sir Travis
De Vega? Husband of my sister, Aryan De Vega."

***-----------------------------------------------------------

Enjoy Reading! Song for this chapter --- The one that got away (Katty Perry) 😂

Kabanata 27

I sniffed and wiped my eyes, while trying to smile. I remember how he said that he
loves me. The way he caressed my hair, his kisses, his laugh, the way he looked at
me like I'm the most wonderful woman.

All I could do was embrace myself and let the torrent of my tears to soak through
my shirt.

"Here."

Hindi ko siya nilingon, kinuha ko ang bato na iniabot niya saka malakas na binato
iyon sa sapa. Nagbabakasakaling bawat batong maihagis ko'y mawawala ang sakit na
nararamdaman ko.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na umiiyak. Ito ang unang beses na umiyak
ako na kahit pilit kong pigilan ay patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Tuyong-
tuyo na ang aking lalamunan sa paghikbi. Apat, lima? Hindi ko na alam kung ilang
oras pero kahit gano'n ay hindi pa rin maalis ang sakit.

"Sascha, gumagabi na ihahatid na kita." Napalingon ako kay Daryl na nakaupo hindi
kalayuan sa akin.

Nang tumakbo ako kanina ay sa likod ako ng school dinala ng aking paa, ni hindi ko
na maalala paano ko natalon ang bakod na ako lang mag-isa. Hindi ko rin namalayan
na nasundan ako ni Daryl, namalayan ko na lang na nasa tabi ko na siya't tahimik na
sinamahan ako.

Madilim na ang paligid.

"D-Daryl may nagawa ba akong masama? Bakit naman ganito? I-I wanted to have a
peaceful and happy life, k-kakaamin ko lang ng nararamdaman ko tapos ganito."
Umiling-iling ako habang nanlalabo ang aking mga mata.

Hindi siya nagsalita.

My lungs rummaged for oxygen, my mind created memories and scenarios that made the
tears continue.

"M-Matatanggap ko pa na alam niya 'yong tungkol kay Alice, matatanggap ko pa na


naglihim siya tungkol doon d-dahil alam kong may eksplanasyon siya doon. M-
Matatanggap ko pa na sabihin hindi pa pala kami kasal, O-Oo masakit! Sobrang sakit
pero tatanggapin ko pa rin kasi ganon naman ang m-mag-asawa hindi ba? Nag-
iintinidihan. Iisipin kong natakot lang siya na sabihin sa akin. S-Siguro dadaan
lang ang ilang linggo tapos papatawarin ko na siya..." Napahikbi ako mas sumikip
ang dibdib ko habang nagsasalita.

Lumapit si Daryl sa akin at marahan na hinihimas ang aking likod.

"P-Pero ito Daryl hindi ko kaya... Hindi ko 'to gusto. G-Ginawa niya akong kabit.
Maiintindihan ko pa hindi kami na-legal na kasal dahil sa edad? May papeles na
nagkamali? Hindi napasa ang dokumento? Pero ito, he can't marry me because he's a
married man. Oh God!"

Napatakip ako sa mukha ng palad. Kanina ko pa hinihiling na sana panaginip lang ang
lahat. Na bigla akong magigising habang yakap-yakap niya.

"Maybe he has a reason," mahinang wika ni Daryl.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Kahit ano pang dahilan 'yon tingin ko hindi sapat
'yon para ilihim ang ganon bagay sa akin, pagkatao ko ang ginago nila. Buong akala
ko kasal na ako, tinanggap ko na! Tapos malalaman kong yong lalaking akala ko
kasama ko tatanda may ibang naiharap na pala sa altar? Ano ako? Panakip butas? Sawa
na siya sa asawa niya kaya ako naman?!" sigaw ko.

Pumungay ang mata ni Daryl, umiling ako ng akmang hahawakan niya ang aking braso.
Pakiramdam ko ay isa rin siya sa mga nanloko sa akin.

"Anong alam mo?" malamig na tanong ko. Pinunasan ko ang aking pisngi. "Do you know
everything? Do know that I'm a mistress?" pumiyok ang aking boses.

Marahas siyang umiling. "Y-You're not a mistress Sascha."

"Then I'm what? Ano tawag sa babaeng binabahay ng lalaking may asawa na Daryl? Alam
mo ba nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ang dumi ko e! Pumatol ako sa may
asawa, paano kung may anak sila ha? Nakakasira na ako ng pamilya na hindi ko man
lang nalalaman!"

Napasabunot ako sa buhok na kaagad pinigilan ni Daryl.

"Don't hurt yourself babe, please..." he said with full of concern.

Hinawakan niya ang dalawang pulsuhan ko upang hindi ko iyon magamit. Hindi ko naman
gusto saktan ang sarili ko, pero gusto ko makaramdam ng kahit ano para mabaling ang
sakit ng nararamdaman ko doon.

Huminga siya ng malalim bago nagkwento.

"I didn't know Sascha, kung alam ko ay sasabihin mo sa'yo. Hindi ko alam ang
tungkol sa kasal niyo. Ang tanging alam lang namin ay tungkol kay Alice." sumikip
ang puso ko ng banggitin niya ang pangalan na tinuring kong kaibigan.

"Nade found out first. She told me that Alice is acting weird, napapansin niya ang
masamang tingin nito sa akin. At first, we concluded that she liked me, that she
was jealous because we are close. Hindi ako kaagad naninwala kasi hindi ko naman
napapansin, but Nade kept on talking to me. She's worried about Alice, para raw
kasing may mali. So sinubukan namin pagselosin si Alice pero mukhang wala naman
epekto, then seminar happened. Doon namin talaga na patunayan, she doesn't like me.
She likes you, she loves you so much." Kinilabutan ako, hindi dahil sa pagkatao ni
Alice, wala naman akong problema doon pero dahil tinuring ko siyang kaibigan ay
hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon.

"Gustong sabihin sayo ni Nade, pero pinigilan ko kasi wala naman siyang masamang
ginagawa. Pero noong nangyare sa office, hindi kami sigurado na siya because how
can she do that to you? She's your friend. So I tried to talk to her pero hindi
niya ako kinakausap, iyon yung time na nakita ko kayo ni Nade sa hagdanan. I am
sorry Sascha. Noong din na hinalikan kita sa locker room nandoon din si Alice, Nade
said she saw Alice, she took a picture of us."

Mariin akong pumikit, bumibigat na ang aking ulo sa mga nalalaman. Namamanhid na
ang labi ko sa kakahikbi, ang aking mata ay magang-maga na.

Tahimik akong umiyak, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Alice
dahil sinabi niya o magalit?

Nang lumipas ang oras ay inaya na ako ni Daryl umuwi, pagod na sumama ako sa
kaniya. Bahagya pang nagulat ang guard nang makita kami dahil madilim na at
kakalabas lang namin sa school.

Kahit ayoko man lingunin ay kusa akong napalingon sa parking lot kung saan siya
madalas pumuwesto. Wala na doon ang kaniyang kotse, parang may sumaksak sa puso ko.
Umuwi na siya? Hinahanap niya ba ako?

Inalalayan ako ni Daryl hanggang makalabas ng school. Pumara siya sa tricycle at


tahimik kaming sumakay doon.

Tumikhim siya.

"Saan ang bahay niyo?" ilang na tanong niya.

Umiling ako. "A-Ayoko munang umuwi." Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa.
Nakapatay na iyon, hindi ko alam kung nasan ang bag ko. Naiwan ko iyon kanina.
"Saan kita ihahatid?"

Umiling-iling ako, hindi ko alam. Ayoko munang umuwi. Ayoko siyang makita. Kahit
anong paliwanag niya alam kong hindi ko naman iyon na mapapakinggan ngayon, hindi
ko nga alam kung mapapakinggan ko pa.

"I can't take you to my apartment, bawal ang babae doon e." Kumamot siya sa
kaniyang batok.

Bahagya akong nahiya dahil malaking abala na ako. "A-Ayos lang, ibaba mo na lang
ako dyan."

"Are you kidding me? Hindi kita iiwan sa tabi-tabi lang. Kung ayaw mo umuwi sainyo,
sige sasamahan kita," madiin aniya.

Hindi na ako nakipagtalo pa, wala na akong lakas para tumanggi pa sa gusto niya.

Kinalikot niya ang cellphone na parang may tinetext, pumikit naman ako upang
ipahinga ang aking mata ngunit sa pagpikit ko ay mukha ni Travis ang nakikita ko.

He was the perfect example of ideal husband. Matalino, gwapo, maalalahanin, sweet,
hindi siya nagkulang sa akin kahit hindi pa kami gano'n kalapit noon, hindi niya
ako pinapabayaan kaya ngayon hindi ko alam. Yung perfect husband na iniisip ko,
yung taas ng tingin ko kay Travis biglang gumuho.

Sinabi ko noon na hindi ako gagaya sa magulang ko na magulo. Na hindi ko hahayaan


na may kabit ang asawa ko. In the end, ako pala ang kabit.

Lahat kasinungalingan. Lahat hindi totoo.

Napahikbi ako habang nakapikit, mabilis kong pinunasan ang aking luha para hindi
mahalata ni Daryl ngunit pagdilat ko ay nakatitig na siya sa akin.

Pinasadahan niya ng dila ang kaniyang ngipin habang nakasara ang bibig animong
paraan niya iyon para kumalma. Tinapik niya ang braso ko. "Hindi kita babawalan
umiyak, umiyak ka hanggang gusto, sumigaw ka hanggang mapaos ka, nandito lang ako
Sascha. Sasamahan kita."

Bumagsak ang mata ko sa aking tuhod. Nang sabihin iyon ni Daryl ay napaiyak ulit
ako, hinayaan niya nga ako.

Hanggang makarating kami sa isang building. Inalalayan niya ako papasok doon, hindi
ko alam kung nasaan kami o kung saan kami pupunta.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta, dito kana muna."

Bumukas ang elevator, iginaya niya ako sa isang pintuan. Pagkatapos ng tatlong
katok ay bumukas iyon. Bahagya pa akong nagulat sa babaeng nagbukas.

Mukhang inaasahan naman niya kami dahil binuksan niya ng malaki ang pintuin.

"Pasok kayo," ani Angel na hihikab-hikab pa animong kakagising lang.

Inalalayan ako ni Daryl pumasok. Kinagat ko ang ibabang labi ko, bakit kami
nandito?

Nang makaupo kami sa sofa ay pumunta naman si Angel sa kusina, inilibot ko ang
aking mata sa bahay. Ang kusina ay tanaw sa sala, may naghahati lang doon na
lamesa. May dalawang pintuan sa gilid at isa sa kabila na sa tingin ko'y banyo.
Kaunti pa lang ang gamit ng bahay niya.

Nang bumalik si Angel ay may inilapag siyang tubig.

"Don't be choosy ha? Hindi pa me nakakapag-groceries. So just choose if you gusto


niyo magdrink ng water or hindi," aniya saka umupo sa isahang sofa.

Tinanggal naman ni Daryl ang polo niya't sapatos habang tahimik lang akong
nakamasid sa magkapatid.

"Oh Daryl, doon mo ilagay sa malayo ang shoes mo, it's so mabaho kaya," maarteng
aniya at kunwari pang tinakpan ang ilong.

Inirapan siya ni Daryl bago tumayo papunta sa tinuro ni Angel na lagayan ng


sapatos.

"What mabaho? Ate kahit amuyan mo yan mas mabango pa ang sapatos ko sa'yo,"
naiiling na wika ni Daryl.

"Anong sini-say mo dyan? FYI, for your information mabango ako. Dalawang beses
akong naliligo sa isang araw not like you, pawisin ka ew..."

Napanguso ako kasi nagbatuhan sila ng maliit na unan sa sala. Nang matigil sila ay
doon lang nila ako napansin.

"So why are you here? Not that ayaw ko kayo here pero why?"

Tumingin ako kay Daryl. "Ayaw niyang umuwi sa kanila, I can't let her sleep to my
apartment. Puro lalaki sa building na 'yon hindi rin siya papayagan umakyat."

"Ohh, why? Nag-away kayo ni Trav?" takang tanong niya.

"I found out everything," paos na usal ko.

Napabuntong-hininga siya na parang alam na niya ang sinasabi ko. Uminom siya ng
tubig. "Gosh, sabi ko na kay Trav you will found out this, sabi ko magtalk kami
I'll help him pero lagi niya dine-decline ang call ko. Dinadahilan ko na nga ng
furniture para rito so I can meet him but he always avoid me, damn that Ape."

Bumagsak ang aking mata sa lamesa sa harap namin, alam ni Angel. Of course,
magkaibigan sila. Talagang malalaman niya 'to.

Iyon ba 'yong tinutikoy niya na magkakasakitan lang kami ni Travis? Na iwan ko na


lang si Travis.

"Alam mong kasal siya," hindi iyon tanong.

Nang mag-angat ang mata ko sa kaniya ay nakakita ako doon ng awa. Ayoko iyon makita
pero alam kong nakakaawa nga ako. Pinagtatawanan ba nila ako dahil wala akong alam?

Na bulag ako sa mga katotohanan.

"I-I'm sorry, I know I should have told you about that, pumunta ako sa school niyo
nang nalaman ko. Kakausapin sana kita but Trav saw me. I know its wrong, but he's
my bestfriend. Nang magmakaawa siyang huwag kong sabihin sayo, I-I promised to him,
na hindi ako makikialam. He said he want to tell you, siya ang magsasabi. I am
sorry, Darling. You are precious to me, you're a good girl and friend of my brother
but Travis is like my big brother. I can't betray him," mahabang paliwanag niya.

Kalmado ang mukha niya pero buo ng pakikiramay ang boses.

Marahan akong tumango, mabilis kong pinunasan ang luha ko ng tumulo ulit iyon.
Unti-unti kong iniisip ang sinabi niya.

Naiintindihan ko siya pero ang sakit lang. Kasi pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng
mga tao. Lalo na ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.

"D-Do you know his w-wife?" pumiyok ang boses ko.

Kinagat niya ang ibabang labi.

"Y-Yes, I know her. Siguro mas mabuti kung si Travis ang tanungin mo about that,
wala ako sa position to tell you the story that I am not belong."

Marahan hinimas ni Daryl ang braso ko animong pinapatahan ako.

"Dito siya matutulog ate, dito na rin ako matutulog. Dito na lang ako sa sala."

"Sure, doon na lang si Sascha sa guest room, and bunso you can sleep to my room
malaki naman ang bed ko saka aalis naman ako ng madaling araw dahil may duty ako."

Inaya nila akong kumain ng dinner pero wala akong sa mood. Gusto ko lang ay mahiga
at matulog baka sakaling paggising ko ay wala na ang sakit.

Hinatid nila ako sa kwarto ko, pinahiram ako ni Angel ng damit. Nauna siyang umalis
sa kwarto dahil babalik na raw siya sa pagtulog. Nang maiwan kami ni Daryl ay
marahan niyang ginulo ang buhok ko.

"Matulog ka na, dyan lang ako sa kabilang kwarto. If you need something just call
me okay?" aniya.

Tumango ako saka tipid na ngumiti. "Salamat Daryl ha?"

Ngumiti siya. Nagulat pa ako ng halikan niya ako sa buhok bago siya nagmamadaling
lumabas sa kwarto at isara iyon.

Para akong latang-lata na nahiga, masakit na ang ulo ko sa sobrang nangyayari.


Hindi ko kinakaya.

Nakatulog ako ng umiiyak, hindi ko na malayan na nakapikit na ako. Nagising lang


ako ng may maramdaman akong marahan na humihimas sa aking pisngi.

Kahit antok ay pinilit kong idilat ang aking mata.

Noong una ay akala ko'y nananaginip lang ako pero nang matitigan ko si Travis na
nakaupo sa kama ko ay napabalikwas ako.

Kaagad akong napabaling sa pintuan, nandoon si Angel na naka nurse uniform na.
Madilim pa sa labas!

"I have to go Trav, I'm sorry Sascha I called him. You both should talk. Aalis na
ako, please magtalk kayo ng mahina lang my brother is sleeping."

Nang maisara niya ang pintuan ay para akong natulos sa pagkakaupo ko sa kama.

Hindi ko matingnan si Travis, pakiramdam ko ay bigla na lang ako iiyak kapag nakita
ko ang mga mata niyang malungkot.

"B-Baby please look at me, please," he begged.

Pilit niyang hinahawakan ang aking baba ulang iharap ang aking mukha, iniiwas ko
iyon sa kaniya pero sa huli ay nagtagpo na ang aming mata.

Magulo ang kaniyang buhok, may itim sa ilalim ng kaniyang mga mata na mugto. Ang
suot niya ay iyong suot pa rin niya sa school noong huli namin kita.

Napalunok ako kasi parang may nagbabara na sa lalamunan ko.

"Lets go home," mahinang wika niya. Hahalikan sana niya ang noo ko pero iniwas ko
iyon sa kaniya.

Nakita kong may gumuhit na sa akin sa mata niya pero binalewala ko iyon.

"Bakit ka nandito?" malamig na usal ko.

"I was worried, hinahanap kita kung saan-saan. Umuwi na tayo huh baby? Uwi na
tayo," naiinis ako sa lambing na boses niya.

Hinawakan niya ang pulso ko pero tinabig ko ang kaniyang kamay.

"H-Hindi na ako uuwi doon Travis, u-uwi na lang ako sa b-bahay ng magulang ko o k-
kaya tatapusin ko 'tong school y-year titira muna ako sa upahan." Iniwas ko ang
tingin sa kaniya.

"Why? May bahay tayo Sascha. Sa atin 'yon. Pinagawa ko 'yon para sa'yo," madiin
usal niya.

Nilingon ko siya, umigting ang kaniyang panga. Nangilid ang aking luha. "Ganyan din
ba ang sinabi mo sa asawa mo?"

Nakita kong natigilan siya.

"Now tell me Travis, why? Why you made me a mistress? W-Why?" tuluyan na akong
napaiyak.

Hindi siya nakapagsalita.

"A-Ano? Travis? Doon ka ba umuuwi noong mga unang buwan natin na akala kong kasal
tayo? Doon ka umuuwi? Ano yon tig-six months kami? Kaya ka nandito kasi schedule ko
naman. Putangina ka!" napahikbi ako.

Pilit niya akong niyakap pero tinulak ko siya't malakas na sinampal sa kanan niyang
pisngi, namanhid ang palad ko sa lakas. Nanginginig ang isang kamay ko na sinampal
ulit siya sa kabilang pisngi, mariin siyang pumikit ng lumagapak iyon.

Pinaghahampas ko siya.

"Manloloko ka Travis! Naniwala ako sayo! Bakit mo ginawa 'to sa akin?! Ang tahimik
ng buhay ko na wala ka tapos guguluhin mo ng puro kasinungalingan! Ang sama mo! Ang
sama-sama mo!"

Hinayaan niya akong paghahampasin at sampalin siya. Tinanggap niya iyon lahat, nang
mapagod ako ay nang hihinang itinakip ko na lang sa mukha ko ang dalawang palad.

Para akong bata na inagawan ng candy. Sana ganon na nga lang sana candy na lang ang
mawawala sa akin hindi ang lalaking mahal ko.

Ikinulong niya ako sa kaniyang bisig. Hinalikan niya ang aking buhok, hindi ko siya
tinulak. Hinayaan ko kaming ganon.

Bibigyan ko siya ng pagkakataon magpaliwanag. Magpaliwanag sa lahat, pero hindi ko


maipapangakong kaya ko siyang matawarin.

"Four years after I met you... I met her." panimula niya, nanikip ang aking puso.
Naalala ko iyong sinabi niya na noong fifteen years old siya ay nakita na niya
akong umiihi. Apat na taon pagkatapos no'n ay doon niya nakilala ang totoong asawa
niya.

Shit! Fucking bullshit!

Napahagulgol ako. "I-Ituloy mo! Tangina ka ituloy mo!" bulong ko.

"W-We were college classmate, I was nineteen. Birthday 'yon ng kaklase namin nasa
palawan kami noon, bakasyon namin magkakaibigan. We got drunk and something
happened between us," humigpit ang yakap niya sa akin. Tahimik akong umiiyak,
bahagya ko siyang tinulak upang makita ang mukha niya.

Mapungay ang mata niya, ang mata niyang puno ng pagmamahal kapag tumitingin sa akin
kaya naloko ako.

Umiling siya na parang ayaw na niyang magkwento pero sa huli ay tinuloy rin niya.

"I got h-her pregnant. I was devastated because I don't love her at all... Pero
anak ko 'yon, h-hindi ko 'yon aabandunahin. N-Nagpakasal kami, civil wedding isang
linggo pagkatapos namin malaman nagbunga 'yon. H-Hindi alam nila Daddy, sa pamilya
niya ay tanging kapatid lang niya ang nakaalam dahil patay na ang magulang nila..."

Nangilid ang luha niya, hinawakan niya ang aking kamay para bang dokn na lang siya
kumukha ng lakas. Wala na silang magulang? Bakit ang alam ko ay may magulang pa si
Alice?

Nakatulala lang ako habang pinoproseso ang kaniyang sinabi.

Nagkaanak sila?

"M-May anak kayo?" mariin akong pumikit.

Anong na lang mangyayari sa bata dahil sa nagawa ko.

Malungkot niya akong tinitigan. "We hide that we are married..."

"L-Like us?"

Marahas siyang umiling. "No baby. Itinago namin dahil hindi namin mahal ang isa't
isa nagpakasal kami para sa bata, masyado kaming pabigla-bigla. Ang naisip namin
ayaw namin lumabas 'yong bata na walang ama, na hindi ko apelido ang magagamit, na
walang kumpletong pamilya. I forgot about my plans, I forgot you, I focused myself
to my child..." tumulo ang luha niya bahagyang napaawang ang bibig niya. "Akala ko
ayos lang, akala ko kaya ko, akala ko makakaya kong magmahal ng iba pero hindi ko
kaya, hindi ko siya natutunan mahalin. Nang maglimang buwan na ang tiyan niya..."
mariin siyang napapikit.

Gumalaw ang kaniyang balikat tanda na umiiyak na rin siya.


"We lost our baby."

Napasinghap ako. Mahigpit niyang hiwakan ang kamay ko saka maingat iyon hinalikan.

"Na-depressed ako no'n, kahit h-hindi ko ginusto iyon bata noong una kasi masisira
buhay ko, masisira lahat ng plano ko ay minahal ko na ang bata, dugo ko iyon at
laman, sa akin nagmula kaya sobra akong nasaktan. Natuto akong magbisyo, ang sira
na namin pagsasama ni Aryan ay lalong nagulo ng mawala ang nag-iisang dahilan kung
bakit nagsasama kami."

Pinunasan niya ang luha niya, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya pero bakit
ganon? Bakit parang napupunta sa akin lahat?

"That was five years ago, bigla na lang nawala si Aryan e. I want a divorce. I want
to give you my name, I want you to be my legal wife but I can't find her. Then my
parents arranged our marriage, akala ko magagawan ko ng paraan na hanapin siya, na
makipaghiwalay bago tayo ikasal pero na bigo ako. Nasa manila ako ng mga unang
buwan na kasal tayo, I tried to look for her, pero hindi. Wala siya. Kahit mga
kaibigan namin noon walang balita sa kaniya."

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko, kahit alam ko na ang totoo ang sakit pa rin.

"I'm sorry, I failed you."

Ibinukas ko ang bibig ko para huminga, dahil barado na ang ilong ko kakaiyak.

"D-Dapat sinabi mo sa akin, maiintindihan ko naman. Travis, pero kasi sa ibang tao
ko pa nalaman kaya sobrang sakit, nagmukha akong tanga. Proud na proud pa ako na
asawa kita ngayon pala wala naman ang pinanghahawakan."

Umiling-iling siya. "No, para sa akin ikaw ang asawa ko, ikaw."

Malungkot ang ngumiti. "Sa mata ng batas, sa mata ng Diyos at tao ay si Aryan ang
legal mong asawa. Hindi ako."

Paulit-ulit akong sinasaksak sa puso sa sinabi ko, ang bigat sa dibdib. Ang sakit.

"U-Umalis ka na lang muna Travis... Please..."

"Nagpaliwanag na ako, Sascha please come home, mababaliw ako kapag wala ka sa tabi
ko please, kung gusto mo mag-isip, iiwan kita sa bahay basta sa bahay ka lang ako
lalayo please huwag ganito."

Lumuhod si Travis sa lapag, kaagad kong hinawakan ang braso niya para tumayo.

"T-Travis tumayo ka, kapag nasa bahay mo ako bawat sulok no'n maaaalala kita---"

"You want to forget me?" pumiyok siya.

Tipid akong ngumiti "I want to forget the forbidden things we made... Please hayaan
mo muna ako Travis... Kailngan ko mag-isip..."

Bumukas ang pinto, malamig ang mukhang pumasok si Daryl.

"Move, Sir. Get out," madiin usal niya.

Tumayo si Travis habang igting ang panga at nakakuyom ang palad. "Huwag kang
makielam dito."
Nagulat ako at halos mapatalon ako ng biglang sinapak ni Daryl si Travis. Na kahit
mas malaki si Travis ay nagawa niyang patumbahin.

"Daryl!"

"You fucking dimwit! Ayaw kang makita ni Sascha! Hindi mo nagegets? Akala ko ba
matalino ka?! I will let you hurt her, but I won't let you hurt her twice. Kung
hindi mo siya kayang alagaan, ako ang gagawa!"

Halos mapabangon ako ng sinapak ni Travis si Daryl. Kaagad dumugo ang ilong nito.

Humarang na ako bago pa mas lumama.

"P-Please Travis... Umalis ka na... Umalis ka na!" sigaw ko.

Nakita ko ang pagtigil niya, matalim niyang tiningna si Daryl. "Pinapalampas ko ang
pahawak-hawak mo sa asawa ko, pero hinding-hindi mo siya makukuha sa akin! Akin
siya! I won't let her fall for you, I'm taking what's mine!"

"Travis ano ba?!"

Huminga siya ng malalim bago malamig ang matang umalis na. Narinig ko pa ang
malakas na kalabog ng pintuan.

Pinunasan ni Daryl ang kaniyang ilong. "I'll make you mine." madiin nyang usal bago
ako iwan sa kwarto.

HINDI ko alam kung paano ulit ako nakatulog o nakatulog nga ba ako o sadyang dilat
lang ako at tulala.

Mugto ang aking mga mata habang nakatitig sa kisame, parang panaginip lang ang
lahat.

Sana nga, dahil ang sakit ay nandito pa rin.

Dahan-dahan akong bumangon ng marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Chinarge ko


kanina dahil nag-aalala ako baka nagtetext na sila Kevin.

Kumunot ang aking noo sa number ng mommy ko.

"Hello m-mom?" bungad ko. Halos wala na akong boses.

"Hello? Kamag-anak niyo po ba ang may-ari ng number na ito?" napakunot ang noo ko
sa boses ng lalaki.

"O-Opo, sino po ito? Kay mama po iyan number?" kabadong tanong ko.

"Nasa ospital po sila, pumunta po kayo rito," snabi niya kung saan ospital.

Nanginginig ang kamay ko habang naglakakad papasok sa ospital sa Pampanga, hindi ko


alam bakit nandito sila mommy? Pupuntahan ba nila ako? Bakit sila pumunta ng
Pampanga?

Ang sabi ng pulis na nakausap ko sa telepeno kanina ay nasangkot sa aksidente ang


magulang ko. Iyon lang.
Kasama ko si Daryl, lumapit kami sa mga police.

"N-Nasan na po ang magulang ko Sir? Nasa ER po ba? Ano po bang nangyari?" halos
histerikal na usal ko.

Kung hindi ako hinahawakan ni Daryl ay baka natumba na ako.

Hindi sumagot ang pulis sinamahan niya kami sa isang kwarto.

Halos mapaluhod ako ng makita ko ang dalawang katawan na nakatakip ng puting tela.

Nanlabo ang aking mata. "H-Hindi po... Hindi po yan ang magulang ko Sir..." marahas
ang umiiling habang humihikbi. Humarap ako kay Daryl na namumutla na rin. "D-Daryl
iuwi mo na ako, hindi yan magulang ko Daryl. Niloloko lang nila tayo tara na."

"Sascha..."

"H-Hindi e! Bakit niyo ba ako ginaganito?! Bakit lahat kayo nagsisinungaling hindi
nga yan ang magulang ko!"

Binuksan ng pulis ang mga tela. Nang tumambad ang duguan katawan ng magulang ko ay
nawalan na ako ng malay.

NANG magising ako ay tulala na ako, hawak ko ang cellphone ni Mama, si Daryl ay
maraming kausap sa cellphone niya.

Mahigpit na hiwakan ko ang phone. Manuot ang galit at sakit sa puso ko ng makita
ang dahilan kung bakit nagpunta ang magulang ko rito.

Tinext sila ni Travis kagabi na nawawala ako.

Kung hindi niya sinabi iyon sa magulang ko ay hindi sila bibiyahe ng madaling araw,
hindi sila maaksidente, hindi sila mawawala.

Si Travis ang may kasalanan!

HINDI KO ALAM kung ilang linggo na ang dumaan. Hindi na ako pumapasok, pilit akong
kinakausap ni Travis pero ayoko na siyang makita. Tinataboy rin siya ni Daryl.
Binibisita ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila kinakausap. Ayoko na.

Tulala ako habang nasa kwarto. Kinakagat ko ang aking mga kuko. Kinakabahan ako,
hindi ko alam kung bakit? Baka saktan din nila ako? Baka may binabalak silang
masama sa akin.

Hindi ako nag-isa. Puro tango at iling lang ang kaya kong ibigay.

May doctor na kasama si Daryl at Angel. Hindi ko alam kung bakit? Bakit?

"Doc, halos dalawang buwan na po siyang ganyan, nag-aalala na po kami," usal ni


Angel.
Akala ba nila ay hindi ko sila naririnig? Naririnig ko sila pero wala lang ang
akong ginagawa. Ayoko na, gusto ko na lang din magpahinga.

"She's suffering from severe depression."

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 28

Huminga ako ng malalim nang makita ko ang High school na papasukan ko. Marami na
rin istudyante ang nagsisipasukan ang iba ay napapalingon pa sa akin, siguro ay
dahil ngayon lang nila ako nakita.

Dumeretsyo ako sa principal office. Pagkapasok ko ay kaagad tumambad sa akin ang


may katandaan ng babae.

"Good morning po, Ma'am." Ngumiti ako, iminuwestra naman niya na pumasok ako sa
loob ng opisina.

"Good morning, are you the new English Teacher?" aniya sa masuyong boses. Bahagya
pang tumaas ang kaniyang kilay dahil sa sariling tanong.

Tumango ako. "Yes Ma'am. Dito po ako dumeretsyo dahil sabi sa nakausap ko sa skype
pumunta muna raw ho ako rito bago ibigay sa akin ang sched ko."

Tumayo na siya. "Ah, ganon ba? Isa ka sa mga nag-apply online?"

"Yes Ma'am."

"Bakit?" Lumabas na kami sa office siguro ay ituturo na niya kung saan ang magiging
faculty ko.

"Ah, I went abroad po kasi. I can't apply here last summer so I asked for online
interview and demo po," paliwanag ko sa kaniya.

"Ah, kaya pala. Ako pala si Ma'am Beth, guidance councilor ako rito." Napalingon
ako sa kaniya. May ilang istudyante na bumabati sa amin.

"Akala ko po kayo ang Principal," wika ko na medyo naguguluhan.

Humalakhak siya. "Hindi, may inaayos lang ako sa office kanina katabi no'n ang
guidance office. Mabuti at ako ang naabutan mo doon, ako rin naman ang magtuturo
sa'yo ng faculty. As for now, hindi pa fix ang sched ng mga teacher, ipapakita ko
muna sayo ang magiging table mo pwede mo na ayusan iyon."

Natuwa ako sa sinabi niya. Iyon ang gusto kong gawin, 'yong design-nan ang sarili
kong lamesa. Maybe I can buy a glass for my table.

Nang makarating kami sa isang mahabang faculty ay napalingon sa amin ang ibang
teachers na nandoon. Ang iba ay halos kasing edad ko lang at ang iba naman ay may
edad na.

"This will be your table," tapik niya sa isang lamesa sa dulo.

Ayos sa akin ang pwesto, tabi ng bintana saka sa gilid. Malaki ang faculty siguro
ay sampo kaming teacher na nandoon.

"This is the grade eight teacher's faculty. Bawat grade level ibang faculty."
Tinuro niya ang ibang teacher na nandoon na at ipinakilala isa-isa. "Sila ang
makakasama mo rito. Mababait yan." Humalakhak na naman siya.

"Thank you po Ma'am."

"Walang anuman, sige na't babalik na ako sa ginagawa ko."

Pagkaalis niya ay kaniya-kaniyang lapit sa akin ang ibang teachers, ang iba ay
binigyan lang ako ng ngiti na ginantihan ko naman.

"Hi, I'm Trisha. Bago ka? Saan ka galing school?" tanong ng isang babae na sa
tingin ko'y kasing-edad ko lang. Medyo may kalusugan si Trisha.

"I'm Sascha, I was an english tutor at Los Angeles, California for almost four
years." Inilapag ko ang dala kong bag sa aking upuan.

"Wow, sosyalin ka pala Ma'am, so four years kang nasa ibang bansa?" tanong ng isang
binatang istudyante. Kung tama ang pagkaka-alala ko ay Renz ang pangalan niya.

Ngumiti ako. "Six years akong nandoon."

"Ah, e bakit four years ka lang nagturo doon? Siguro ay kakapakasal niyo lang doon
kaya sinulit niyo 'yong naunang two years," ani ng isang babae na nakasalamin.

Hinampas siya ng isang matabang teacher na sa tingin ko'y bakla. "Ano ba naman
'yang pinagsasabi mo, Ma'am Lia malay mo naman sinulit lang ni Ma'am Sascha ang
first two years niya doon."

Ngumuso iyong nakasalamin. "Nagtatanong lang naman, Ian. Syempre curious."

Mahina akong natawa sa kanila. Mukhang makakasundo ko naman silang apat, hindi ako
mahihirapan.

"I was in medication in the first two years I was there."

Gulat silang napalingon sa akin. "Anong sakit mo Ma'am?" tanong nong Renz.

Sasagot pa sana ako ng tumunog ang bell, sabay-sabay silang napabuntong-hininga


saka bumalik sa table nila.

Tinapik ni Trisha ang aking balikat. "Sabay ka sa amin maglunch mamaya Ma'am
Sascha. May klase kasi kami," aniya.

"Sige, thank you."

Hinayaan ko na sila umalis at pumunta sa mga klase nila, wala pa akong sched ngayon
araw kaya inabala ko ng aking sarili sa pagsipat sa lamesa ko. May ilang gamit na
akong dala na inilagay ko sa ibabaw. Siguro ay mamaya ay bibili na lang ako ng iba
pang pwede kong gamitin.

Kapag may dumadating na teachers at kinakausap naman ako, tama si Ma'am Beth
mababait naman sila saka approachable sila.

Nang dumating ang tanghali ay sinama nga ako nila Ma'am Trisha sa lunch nila sa
canteen. Apura ang kwento nila tungkol sa mga hawak nilang section.
Nalaman kong kasing edad ko lang si Ma'am Trisha at Sir Ian. Twenty five years old
na rin sila, si Ma'am Lia naman ay twenty four habang si Sir Renz ay first
graduate, Twenty one pa lang siya.

Kapag may tinatanong sila ay sinasagot ko naman. Hindi naman na sila nagtanong
tungkol sa ibang bansa. Wala na rin naman sa akin kung pag-usapan iyon.

Nang sumapit na ang hapon sabay-sabay kaming lumabas. May sundo si Ma'am Trisha,
ang asawa niya. May isang anak na pala siya, nang dumating ang isang puting kotse
ay lumabas doon ang asawa niya.

Bagay sila ni Ma'am. Ang cute nilang tingnan. Kumaway pa siya bago sila umalis.

"Ikaw Ma'am Sascha may sundo ka ba? Saan ka ba nakatira Ma'am?" tanong ni Lia.

"Sa malapit na village lang dito, may susundo sa akin." Inayos ko ang suot kong
bag.

Si Renz ay may dalang mio na motor. Sabay naman uuwi si Lia at Ian. Hindi muna sila
umalis dahil hinihintay nila ang sundo ko, hindi ko alam kung nag-aalala ba sila o
gusto lang nilang makichismis kung sino ang susundo sa akin.

Sinuklay ko ang buhok kong hanggang beywang nang makita ko ang pamilyar na
trailblazer na itim na papalapit kung nasaan kami.

Napanguso ako ng huminto ito sa harap namin saka lumabas ang isang lalaki. Kaagad
kong pinasadahan ang suot niyang formal attire. Naka dark blue siyang longsleeve.

He had bristly eyebrows. He had a hawkish nose. He had a concrete jaw. Habang mas
tumatanda siya ay mas nadedepina ang masungit ngunit gwapo niyang mukha.

"

Ay taray bigatin ng asawa ni Ma'am Sascha," bulong ni Lia kay Ian. Naghampasan pa
sila bahagya.

Lumapit sa akin ang sundo ko, hindi ata 'to bagay gawin driver mas bagay ditong
gawin model. Para akong katulong kapag kasama ko siya.

"Hi there beautiful," Daryl said in a deep voice before he kissed my forehead.

Kinuha niya kaagad ang dala kong bag, mas napanguso ako na kahit pambabae iyon ay
bagay pa rin sa kaniya.

Napalingon ako kila Ian ng malakas itong tumikhim.

"A-Ahaha, sino 'yan Ma'am Sascha? Hindi mo naman sinabing ang gwapo pala ng asawa
mo."

Ngumuwi ako bago sila hinarap.

"U-Uhm, Daryl, ito ang mga co-teachers ko rito sila Lia, Renz, Ian. Guys, this is
Daryl.

Naglahad ng kamay si Lia, "Ay hehe, Hi po."

Tinanggap iyon ni Daryl, "Hey."

Ganon din ang ginawa ni Ian at Renz. Pagkatapos no'n ay umalis na kami, natatawang
napailing ako habang nasa biyahe na kami pauwi.

"Type ka ata ni Ian, kita mo 'yong paghagod niya sayo," natatawang aniko.

Sumimangot siya pero sa huli ay ngumiti na lang siya sa akin. Kinuha niya ang aking
kamay saka iyon ipinagsiklob sa kaniya habang nagda-drive.

"May problema ba?"

"Nothing, hindi lang ako sanay na hindi tayo magkasama. Sa LA halos araw-araw
kitang nakikita tapos ngayon, ugh! I hate to take my Uncle's company. Mas gusto ko
magturo kaso..."

"Kaso kailangan mo kasi may sakit si Uncle?" pagpapatuloy ko.

Bumuntong-hininga siya saka tumango.

"How's your day by the way? The students? Are they good? How about the teachers?
Sabihin mo kapag binubully ka nila huh? Susunugin ko 'yang school," matigas na
aniya kaya natawa ako.

"Ang oa mo naman, mabait naman sila saka wala pa akong klase, baka bukas ko pa
malalaman kung saan ako ilalagay."

Bahagya niya akong sinulyapan saka ngumiti. Hinalikan niya ang aking kamay at hindi
na inalis doon habang hanggang makarating kami sa bahay.

Nang makababa kami ay kaagad nagliwanag ang mata ko ng makita ang isang kotse.
Mabilis kaming pumasok hindi nga ako nagkamali nandito nga siya!

"Ate Angel!" masayang bungad ko.

Karga-karga niya ang tatlong taon gulang na anak niya. Kaagad akong lumapit at
bumeso sa kaniya.

Nag man-hug naman si Daryl at kuya Jace. Asawa ni Ate Angel.

"Akala ko hindi na kayo uuwi e." Umirap siya sa amin natawa na lang ako. Kabisado
ko na ang ugali niya.

Hinalikan ko sa pisngi ang anak nila saka ko nginitian ang asawa niya. "Bakit
nandito kayo, Ate?" tanong ko.

"Dumaan lang kami, paalis na ng kami. Bumisita lang." Bumaling siya kay Daryl. "Mom
is looking for you, visit her this weekend."

"Yes, ate."

Nang umalis na sila ay nasalampak na naupo si Daryl sa sofa. Tinanggal niya ang
kaniyang necktie saka isinadal ang ulo, tinawag niya ang isang kasambahay namin.

"Ate, pahingi naman po ng tubig. Nasaan po sila?"

"Nasa kwarto po nila Sir."

Sumenyas ako sa kaniya. "Magbihis lang ako, tapos kunin ko na sila."

Mabilis akong nagpalapit ng damit pangbahay para makapagluto ng dinner. Dahan-dahan


kong binuksan ang pintuan sa kabilang kwarto.
Kinagat ko ang ibabang labi ng makita ang dalawa na naglalaro sa carpet. Malaking
binuksan ko ang pinto.

"Hey baby."

Sabay silang napatingin sa akin, masaya silang pumalakpak. "Yehey! Momma is here!"

Natawa ako ng sinalubong nila ako ng yakap. Kinapa ko kaagad ang likod nila, "Ahh,
look. You two are sweating."

"Momma, I miss you!" ani Genesis.

Hinalikan ko siya sa noo bago tanggalin ang sando niya, kaagad tumambad ang
malaking tyan niya kaya hinimas ko iyon. "Aw my chubby baby."

"Mom I have a chubby cheeks too," singit ni Revelation.

Binihisan ko rin siya ng bagong damit saka pinolbuhan ang leeg. Naglalambing na
hinalikan nila ang sa magkabilang pisngi.

"Behave ba kayo habang wala ako?"

Sabay silang tumango. "Yes po."

Nagpapakarga sila pero umiling ako, "Hindi ko kaya buhatin kayong dalawa anak,
lalabas ang matres ko sainyong dalawa."

"What is matres momma?" takang tanong ni Gen.

"Yea, what is it momma?" ani Rev.

Itinikom ko ang aking bibig, sasagutin ko sana sila ng pumasok si Daryl. Nakapang
bahay na siya.

"Daddy!" sigaw ng dalawa saka ako inabanduna at tumakbo sa ama nila.

"Hey kiddo." Walang kahirap-hirap na binuhat niya ang dalawa.

Natatawang kiniliti pa niya ang mga ito, napapailing na inilagay ko sa toy box ang
mga kotse nila at robot.

"Inabanduna ako ng mga anak mo ng makita ka," kunwaring tampong wika ko.

Humalakhak si Daryl.

"Aw, my babe."

Ibinaba niya ang dalawang bata saka natatawang niyakap ako.

"Tara buhatin din kita," ngumisi siya.

Sinimangutan ko siya at kinalas ang yakap niya. "Buhatin mo mga anak mo, baba na
tayo at magluluto na ako."

Humarap si Daryl sa dalawang bata. "Gen... Rev, baba na kayo."

"Yes po Daddy," hawak kamay silang lumabas sa kwarto.


Nang mawala ang dalawa ay hinalikan niya ako sa noo. "Ang bilis nilang lumaki,
grabe apat na taon na sila. Noon ang gaan pa nila ngayon para na akong bumubuhat ng
tv."

Natawa ako. Inayos ko ang ilang hibla ng buhok na bumagsak sa noo niya. Napasinghap
siya bahagya sa hawak ko sa kaniya.

"Baba na tayo."

"Hmm. Mayang kaunti, namiss kita." ungot niya.

"Daryl!" pinandilatan ko siya.

Inakbayan niya ako saka ginulo ang aking buhok. "Tara na nga, naghihintay na ang
mga bata. Bakit ang sungit mo? Buntis ka ba?" biro niya.

Sinapak ko siya sa tagiliran.

Pagbaba namin ay sinalubong kami ng kasambahay.

"Ate, mag bisita po kayo."

"Huh? Sino po? Papasukin niyo po." Sino naman kaya iyon? Kakauwi lang namin galing
ibang bansa, hindi ko alam kung sino ang pwedeng bumisita sa amin.

Inalis ni Daryl ang pagkakaakbay sa akin, inilipat niya kaagad ang kamay sa aking
beywang.

Binuksan ng kasambahay ang pintuan.

Napaawang ang bibig ko ng makita kung sino iyon.

Holy!

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 29

Nanlaki ang aking mata na sinalubong ng yakap si Lisa at Kevin. Nangilid ang luha
ko habang tumatawa ng makitang umiiyak na si Lisa na mahigpit akong niyakap. Tumuon
ang mata ko kay Nade na nakatayo lang doon at nakatitig kay Daryl.

Bahagya pa siyang kumurap-kurap.

Nang maghiwalay kaming tatlo ay si Nade naman ang nilapitan ko't mahigpit na
niyakap na ginantihan naman niya.

"Buti nakapunta kayo, paano niyo nalaman nakauwi na kami?" nakangiting wika ko.

Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng anim na taon ay muli ko silang makikita.


Hindi ko mapigilan mapaluha dahil matagal ko na silang gustong makita sa personal
pero ngayon lang kami nakabalik.

Wala na akong facebook o kaya ano pang social media kaya hindi ko naman sila
nakakausap. Ang huli kong balita ay nagsent si Lisa ng email kay Daryl.
Pinaupo namin sila sa mahabang sofa habang nakaupo ako sa isahan, si Daryl ay nasa
armrest ng sofa nakaupo at bahagyang nakaakbay sa akin.

Ngumisi ako ng makita ng maigi ang pinagbago nila, mas nag matured na talaga.

"Grabe Sascha, hindi namin akalain makikita ka ulit namin, nagmessage lang si Daryl
kahapon kaya kami pumunta umabsent kami sa trabaho," halakhak ni Lisa sabay hawak
sa kamay ni Kevin.

Nagkatinginan kami ni Daryl.

"K-Kayo?" gulat na tanong ko sa kanila.

Tumawa si Kevin, gano'n pa rin ang kilos niya malambot pa rin siya. Nakangiting
tumango siya. "Yup, hindi ko alam sa malditang 'to pala ako babagsak."

Kahit halata na ay nagulat pa rin ako sa narinig ko lalo na sa kanila pa


nanggaling. "Wow ha, ikaw nga patay na patay sa akin. Noong nagkaruon ako ng
boyfriend lagi niya akong inaaway, akala ko may gusto siya sa ex bf ko ngayon pala
in love na sa akin ang bakla, ayaw pang umamin. Kung hindi ko pa ginapang e,"
natatawang kwento ni Lisa.

May binulong sa kaniya si Kevin, siguro ay pinapatigil niya sa pagkukwento pero


tumawa lang si Lisa. Bumaling ako kay Nade na nakangiti rin sa dalawa.

"Ikaw Nade may lovelife ka na? Pamilya?" tanong ko.

Nakita kong lumunok siya. Inilagay ko ang kamay ko sa hita ni Daryl, bumagsak doon
ang kaniyang tingin. Naitikom ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Bahagyang
pinisil ni Daryl ang balikat ko.

"A-Ah wala pa..." mahinang aniya.

Tumawa si Kevin. "Wala talaga, wala naman lalaking nakakalapit dyan. Reserve ata.
May hinihintay ata e ang kaso mukhang wala naman ng hihintayin."

Hindi ko alam kung tama ang hinala ko.

Nahihiyang pabirong himpas ni Nade si Kevin. "Ano ka ba Kevin nakakahiya," aniya.

"Kanino ka mahihiya? Kay Sascha? Kay Daryl? Nako bakit ka mahihiya sila nga hindi
nahihiya naghahawakan ng hita." Humagalpak ng tawa ni Lisa.

Inalis ko ang kamay ko sa hita ni Daryl.

Nag-iwas tingin si Nade. Bahagyang yumukod si Daryl upang bumulong sa akin.


"Kukunin ko lang ang mga bata." Tumango ako at hinayaan siyang umalis.

Naiisip kong sana ay kumpleto na kami, reunion sana ang kaso ay may kulang.
Napabuntong-hininga ako doon.

"Hindi mo pa ba siya binibisita?" pambasag ng katahimikan ni Nade.

Umiling ako. "Hindi pa, siguro bukas kapag maaga ako umuwi o kaya weekends."

Tumango siya. "You should." Bumaba ang kaniyang mata sa kamay ko na parang may
hinahanap. Nang mahagip ng mata niya ang singsing ko ay pakiramdam ko ay bumagsak
ang kaniyang balikat o sadyang nag-iisip lang ako ng kung ano.
"Kasal na kayo ni Daryl?" tanong ni Lisa.

Sasagot sana ako ng may nagtatakbuhan na galing sa kusina. "Momma! Momma!" Kinagat
ko ang aking ibabang labi na nag-unahan kumandong si Genesis at Revelation sa akin.

"Momma who are they?" bulong ni Gen.

Iniayos ko sila sa aking kandungan. Niyakap ko ang aking braso sa kanila saka
iniharap sa mga kaibigan ko.

Sinenyasan ko si Daryl na ipakilala ang mga bata. Ngayon lang nila nakita ang mga
ito sigurado akong marami silang tanong.

"Guys, this my sons Genesis and Revelation. Kiddos, they are Daddy and Momma's
friend. I told you before right? May friend si Daddy rito."

Napa "O" ang bibig ng dalawa saka nagmamadaling bumaba, lumapit sila sa gulat pang
mga kaibigan ko. Nagmano sila. Napakurap-kurap si Nade sa mga bata.

"K-Kamukang-kamuka sila ni D-Daryl," bulong niya.

"Oo nagmana ang mga iyan sa ama nila," masayang pahayag ko.

Tumayo na ako saka inaya silang pumunta kami sa kusina. Nagkukuwentuhan kami nila
Lisa at Kevin habang nagluluto ako, ang mga bata naman ay pinalinisan ko na ng
katawan sa kasambahay namin.

"Nasan na si Nade?" takang tanong ni Lisa ng mapansin nawawala ito.

Natawa ako kasi kanina ko pa nahalata nawala si Nade, mukhang alam ko naman na kung
saan siya pumunta. They need to talk, I know and I understand.

"Baka nagbanyo lang," inilapag ko ang nilito kong chicken curry sa lamesa.
Nagreklamo pa si Lisa dahil diet daw niya at hindi niya makakakain ng marami.
Kailangan daw niyang magpapayat para sa gown na susuotin niya sa kasal nila ni
Kevin.

Nag-asaran silang dalawa, hindi pa rin ako makapaniwalang sa huli ay sila pala ang
magkakatuluyan. Mukhang masaya naman sila saka kilala na nila ang isa't-isa iyon
naman ang importante.

Kilala mo ang taong mahal mo.

Mapait akong napangiti, saka napailing na lang sa naisip ko. Matagal na 'yon. I
already moved on.

Nang bumalik si Nade ay kaagad niyang iniwas ang mata sa akin. Ilang sandali pa ang
pumasok na rin sa kusina si Daryl at mga bata.

Nilagyan ko ng pagkain ang mga bata, habang nilalagyan naman ni Daryl ang aking
pinggan. Bahagya ko siyang sinipa sa ibaba ng lamesa saka mahinang bumulong.

"Your lips are swollen red, you horny old man," wika ko saka tumuwid ng upo.

Nginiwian niya ako saka bumulong din. "Shut up babe."

Humalakhak ako saka nagpatuloy na lang sa pagkain, tinutukso pa kami ni Lisa at


Kevin. Nginingisian ko lang sila, si Nade ay naging tahimik na.
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin silang umalis dahil may trabaho pa sila bukas,
nagplano na lang kaming magkita ulit sa sabado o linggo.

Naglinis ako ng katawan habanh sinamahan naman ni Daryl ang mga bata hanggang
matulog, mariin akong pumikit habang dinadamdam ko ang tubig na dumadaloy sa aking
katawan.

Mapait akong napangiti, hindi ko alam na makakabangon pa ako paglipas ng panahon.


Ang akala ko ay tuluyan na akong malulugmok.

Who would believe that at the age of eighteen, I lost my parents, my study, my
husband and unborn child.

Napayuko ako habang tumutulo ang luha ko kasabay ng pagdaloy ng tubig sa aking
mukha.

I suffered from depression, hindi ko ginusto iyon pero bumigay ang isip at katawan
ko. Kahit pilit ko man tinatakbuhan ang nakaraan parte na iyon ng pagkatao ko.

Nang mawala si Travis ay akala ko ay makakaya ko, kaya ko pa. Lalaki lang yan.
Makakamove on ako. Naisip kong may magulang pa naman ako natatanggap sa akin. Na
babalikan ko pero nang bumagsak sa akin ang balitang namatay sila ay gumuho rin
ako.

Dumating ang punto na gusto ko na rin wakasan ang buhay ko, hindi dahil gusto ko
kung hindi natatakot na ako sa mga magagawa ko kapag nabuhay pa ako.

Tumigil ako sa pag-aaral.

Ang tanging pag-asa ko na lang noon ay ang naging bunga ng ginawa namin ni Travis.
Sinabi ko non ay babangon ako, para sa bata.

Naaalala ko pang excited akong sabihin kay Travis iyon.

Umuwi ako sa bahay namin, sa bahay niya pero walang tao. Naghintay ako pero hindi
siya dumating.

Hindi ko alam kung nasaan siya noon mga panahon na iyon. Two days after that, I
lost my baby. Wala ng pulso, wala ng buhay.

Ang natitira kong pangarap ay tuluyan ng nawala. I almost killed myself. Ganon pala
kapag sobrang nasaktan ka, hindi mo na maiisip ang tama at mali.

Pagkatapos ko lumabas sa ospital no'n wala pa rin Travis. Wala pa rin.

Hindi ko sa kaniya nasabi.

Ate Angel helped me and Daryl to went abroad habang nagpapagaling ako ay nag online
school ako. Kung wala si Daryl ay hindi ako makakatapos.

Siya ang nagpursigi sa akin magpatuloy, siya ang gumabay sa akin noong mga panahon
na wala na akong makapitan dahil ng kinakapitan ko ay iniwan ako.

Nang makuha ko ang certificate ay isang taon ng graduate si Daryl. Nag trabaho siya
doon sa isang University habang nag tutor naman ako.

Ganon ang naging buhay namin sa ibang bansa.


"Babe you okay?" napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Daryl sa labas.

Nakakailang katok na pala siya. Pinatay ko ang shower. "Oo, magbibihis lang ako."

Nang makapagbihis ako at lumabas ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama. Tulala at


mukhang madaming iniisip. Nang makita niya ako ay pinilit niyang ngumiti.

Umupo ako sa harap ng salamin, kinuha niya ang blower ko't siya mismo ang nagpatuyo
ng aking buhok.

Nagkatinginan kami sa salamin ni Daryl. Nakita ko ang marahas niyang paglunok, sa


tagal namin magkasama sa abroad ay alam ko na ang bawat galaw niya at bawat
reaksyon sa mukha niya.

"What is it Daryl?" tanong ko.

Pinatay niya ang blower saka naupo sa gilid ng kama, humarap ako sa kaniya.

"Genesis and Revelation asked again about their mother, I-I don't know how to tell
them... what I will say to them? I-I can't see my sons hurting," mariin siyang
pumikit at napayuko.

Bumuntong hininga ako saka hinimas ang kaniyang pisngi, Daryl is a good man. A good
father, a good bestfriend, a good brother.

"Tell them the truth Daryl, that's the only way. Masasaktan sila pero atleast ikaw
ang nagsabi at hindi galing sa iba," mapait kong usal.

Malungkot siyang ngumiti.

"Gagawin ko lahat para mapunan ang pagkukulang na 'yon, sisiguraduhin kong hindi
sila magkukulang sa pagmamahal na deserve nila," mahinang aniya.

Parang may tumusok sa puso ko sa sakit ng kaniyang boses.

"Hindi mo ba naisip minsan na humanap ng katuwang sa pagmamalaki sa mga bata?"

"Nandyan ka naman, you will help me right?"

Pinitik ko siya noo. "Of course I will help you, the best ninang ata ako pero alam
mo naman na hindi naman habang buhay ay nandito ako, you know. I'm planning to find
him."

Napatango-tango siya.

"Hindi ko pa alam, I mean... kaya ko naman palakihin ang mga bata na ako lang,
lumaki sila ng tayo lang."

"Kailangan pa rin nila ng mommy, nang matatawag nilang Ina nila. Oo nandito ako
gagabayan ko sila. But how about you Daryl? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo
tumanda kasama ang isang tao? Na buo ang pamilya?" takang tanong ko.

Sandali niya akong tinitigan. "So what's your point? Sascha, you know I can't move
that fast. Noong sayo, natanggap ko na na hanggang kaibigan, best friend lang ang
kaya mo. Natanggap ko iyon, then I found Genrevy... I thought we will be happy,
akala ko yon na e."

Pumikit siya saka sumandal sa balikat ko. Tinapik ko ang likod niya. Naiintindihan
ko siya alam ko ang pakiramdam ng mawalan.
Nang nasa LA na kami ni Daryl ay napag desisyunan namin na hanggang kaibigan lang
talaga, para na siyang kapatid sa akin, best friend.

Nakakilala siya ng isang babae. Genvery is a sweet and kind girl, bagay na bagay
sila ni Daryl. Ang kaso noong ipinanganak niya sila Gen at Rev hindi niya
nakayanan. Namatay siya sa araw na ipinanganak niya ang mga bata kaya simula no'n
ay pinagtulungan namin ni Daryl ang pagpapalaki sa mga anak niya.

Lumayo na si Daryl, kinuha niya ang aking kamay saka tinitigan ang singsing ko na
binili ko sa ibang bansa.

"A promise ring..." aniya.

Alam naman niya kung anong ibig sabihin ng singsing na 'yan. Kung bakit ako nagsuot
nyan.

I promised myself than I will back here when my heart is already healed. When I
finally forgive everyone. When I'm free.

"I promised that I will back for him, I will take whats mine Daryl."

Nginisian niya ko. "Proud ako sa sarili ko kasi pinalaki kitang matapang."

Humagalpak ako sa sinabi niya. "Abat ikaw ba nagpalaki sa akin? Hoy, bata pa ako
non pero malaki na ako noh."

"Pero ako ang kasama mo magmatured ka, proud ako kasi hindi kita sinukuan. Proud
ako kasi nagpatawad ka sa kabila ng lahat."

Nangilid ang luha ko saka mahigpit na niyakap si Daryl.

"T-Thank you for staying and taking care of me Daryl. I'm so happy to have you, to
be my friend, my big brother."

Tinapik niya ang likod ko. "Sige na matulog ka na, mag-iiyakan na naman tayo e, sa
anim na taon puro na tayo iyakan tama na. Hahaha. Pupunta na ako sa kwarto ko.
Maaga ka pa bukas, gigisingin na lang kita kapag nagtulog mantika ka na naman. Good
night babe." Hinalikan niya ako sa noo bago lumabas ng kwarto.

Kinabukasan ay naibigay na sa akin ang mga section na hahawakan ko, nakapagpakilala


na rin ako sa ibang section. Kagaya kahapon ay ganon pa rin, unang umalis si Trisha
nang uwian na.

Ako naman ay sinundo ni Daryl dahil may pupuntahan kami.

Hindi ko alam kung ilang beses akong huminga ng malalim para itago ang kaba sa
aking dibdib. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang aking palad habang nakakuyom sa
ibabaw ng aking hita.

"Just calm down," hindi ko na mabilang kung ilang beses na iyan inulit ni Daryl sa
akin.

Isang oras na biyahe ay nakarating kami sa sinadya namin lugar. Tulala ako ng
pagbuksan niya ako ng pintuan. Sabay kaming naglakad, bahagya niya pa akong
inaalalayan sa siko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita ang pangalan ng lugar.


Mental Institution.

Alam ng mga staff na pupunta kami, sinabi ni Daryl ang taong sadya namin.

Mula sa malayo ay kita ko siya, hinawakan kaagad ni Daryl ang siko ko upang hindi
ako matumba. Napasinghap ako habang pinapanuod siyang tulala sa isang bench doon.

Nanlaki ang aking mata at napatakip ako sa bibig ng makita ko siyang bumubulong-
bulong sa kung saan at tatawa habang pumapalakpak pa.

***-----------------------------------------------------------

Kabanata 30

Tinapik ni Daryl ang aking balikat, hindi ko siya magawang lingunin. My eyes
settled on my friend, Alice. Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito.

"I'll stay here, the staff told me you can come near her, kapag may ginawa siyang
mali just call me huh? I will watch you here," mahinang ani Daryl.

Wala sa sariling tumango lamang ako sa sinabi niya. Ano nga ulit ang sinabi niya? I
don't know.

Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kaniya, ang kaniyang mga mata ay paikot-
ikot sa kung saan. Hindi mapirmi, parang may hinahabol sa kawalan ang mata niya
kahit wala naman.

Kinagat ko ang ibabang labi ng makalapit ako sa kaniya, ang kaniyang buhok ay gupit
pang lalaki na, nakasuot siya ng kulay puting bestida.

"Alice..." I called her.

Parang may kumurot sa puso ko ng hindi man lang niya ako sinulyapan na para bang
wala ako doon, na hindi niya ako nakikita sa gilid. Ang babaeng mahinhin at laging
may naka-handang ngiti sa akin ay wala na, mas naging balingkinitan ang kaniyang
katawan.

Umupo ako sa kaharap niyang upuan nagbabakasakaling mapapansin niya ako, ngunit
bigo ako. Patuloy siya sa pagbulong ng bahay na hindi ko naman naiintindihan.

Tahimik akong umiyak habang nakatingin sa kaniya. Alice is a good friend, I treated
her like a sister. Alam kong lahat ng tao ay hindi perpekto, nagkakamali at
nakakasakit. They said, she loved me too much to the point that she can hurt other
people just to get me.

Gano'n naman talaga siguro, normal na magmahal ang tao. Ang mali ay kung paano nila
ipaparamdam ang damdamin na iyon, nagkataon lang na mali ang nagawa niyang
desisyon.

May nagawa siyang mali, pero nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya dahil sinabi niya
sa akin ang lahat.

Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit binawi niya lang iyon saka tumingin sa
itaas.
"A-Alice, nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Nagtuturo na ako ngayon, alam mo bang
nagkita kami nila Kevin, Lisa at Nade kagabi? Bumisita sila sa bahay ni Daryl. Do
you still remember them, us?" napahikbi ako, kaagad kong pinunasan ang pisngi ko
saka ngumiti. "Daryl is a father now. Kevin and Lisa, they will getting married.
Mas masaya kung nandoon ka, please come back Alice. I don't know if you still
remember me but I'm your sis, Sascha..." bahagyang tumabingi ang kaniyang ulo
habang nakatingin sa akin.

Hinimas ko ang ulo niya.

Sabi nila, hindi na rin nakapagtapos si Alice. She dropped out. I don't why. Bigla
na lang daw hindi nagparamdam si Alice at nang mahanap nila siya ay nasa mental
institution na siya.

Iniisip kong wala siyang malapitan noon, unlike me kasama ko sila Daryl at Ate
Angel. Tinulungan nila akong bumangon, kung wala sila ay baka natuluyan na rin ako.
Hindi ko rin naman alam kung ano pang pinagdadaanan niya noon.

Sinenyasan ako ni Daryl na tapos na ang oras na ibinigay sa akin. Sa huling


pagkakataon ay hinalikan mo si Alice sa kaniyang noo.

Nakita kong pagtulo ng kaniyang luha sa kaniyang mata ngunit nakangiti ang kaniyang
labi. Para bang hindi rin niya alam kung bakit siya umiiyak.

"Lagi kitang bibisitahin Alice, sa susunod na bumalik ako rito. May isasama akong
tao. I hope I can find him Alice, may parte sa amin na tinakasan ko at ngayon ay
handa na akong balikan. Isasama ko siya rito kapag nahanap ko siya." Tumayo na ako,
bago ako tumalikod ay sinabi ko ang salitang matagal ko ng gustong sabihin sa
kaniya. "I-I'm sorry if I can't love you the way you love me a-and I forgive you
for everything."

Mabilis akong humakbang doon, kaagad akong sinalubong ni Daryl ng masuyong yakap.

"You did a great job," wika niya.

Tumango ako bago kumalas sa kaniya. Naging tahimik kami pabalik sa bahay, unti-unti
ko ng binabalikan ang mga naiwan ko noon. Ang mga taong tinakasan ko noon.

Isang tao na lang. Siya na lang.

I wonder if he's looking for me. Hinanap ba niya ako? Anong nangyari sa kaniya
noong nawala ako? Nagtuturo pa rin kaya siya sa dating school na pinag-aralan ko
noon? Nagkita na kaya sila ng asawa niya? May anak na kaya sila? Baka naayos na
nila ang relasyon nila.

Natatakot akong makita siya pero may parte rin sa akin gusto siyang makaharap. Sa
lumipas na anim na taon, lagi kong iniisip kung anong gagawin ko kung magkita kami,
lagi kong iniimagine ano ang reaksyon niya. Anong mararamdaman ko kung makita ko
siya?

Ako pa rin kaya o hindi na? Sabi ko noon tatanggapin  ko naman kung nagkaayos na
sila ng asawa niya.

Gusto ko lang siyang makausap. Gusto ko lang sabihin sa kaniya lahat ng hindi ko
nasabi noon.

Nakarating kami sa bahay. Ako ulit ang nagluto ng dinner, ang totoo nyan ay sa
ibang bansa ay wala kaming kasambahay ni Daryl kaya kami talagang dalawa ang
nagtutulong.

Ako ang nagpatulog sa mga bata nang sumapit ang gabi dahil may tinatapos si Daryl
sa maliit na kompanya ng tito niya. Iyon din ang tumulong sa amin sa ibang bansa
kaya naman bilang utang na loob at ngayon nagkasakit ito ay inako ni Daryl ang
obligasyon doon.

May topak si Revelation, ang hirap niyang patulugin inabot kami halos ng eleven na
ng gabi dahil hindi siya inaantok, panay ang kwento niya halos ako na ang napipikit
habang nagsasalita siya.

Nang tuluyan silang makatulog ay bumaba ako, naabutan ko si Daryl sa sala habang
tutok na tutok sa laptop. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang likod.

Napataas ang aking kilay ng makita kung anong tinitingnan niya.

"Bakit hindi mo kasi i-add?"

Natawa ako ng mapabalikwas siya sa gulat. Kaagad niyang sinara ang laptop niya at
nag-iwas tingin sa akin na para bang bata na nahuli ng magulang.

"You're stalking Nade's facebook account," nakangising usal ko. Tinaas-taas ko pa


ang kilay ko.

"Napadaan lang sa timeline," dahilan niya.

I mocked him with a laughed. "You creepy stalker, ano ka highschool? Hating gabi
nagtitingin ng picture ng babae."

Inismidan niya ako saka binato ng unan sa sofa mas natawa ako kasi hindi siya
makasagot. Huling-huli ko siyang nakatambay sa account ni Nade.

"Chineck ko lang kung in relationship siya."

Umupo ako sa tabi niya, hindi na ako nagulat pa ng bigla siyang humiga at umunan sa
aking hita.

"You like her since we were on college," puna ko.

Umiling siya. "No, I like you."

Imirap ako sa kaniya saka isinadal ko ang ulo ko sa sofa. "Hindi rin, maybe you
like me as a friend, a little sister at namali ka lang ng tingin doon. Sa tingin ko
talaga, siya ang gusto mo noon. Huwag kang magdeny yung mga pabulong-bulong niyo
noon. Nako."

Ngumuso siya. "B-But I like you before."

"Sige lokohin mo sarili mo Daryl. You know to yourself that you don't like me
romantically,  because if you like me as a woman bakit noong sinabi kong ayoko at
hanggang friend lang pumayag ka kaagad, see? Kasi nga ganon din naman nararamdaman
mo."

Hindi siya nakapagsalita kaagad.

"Nade is a good woman. Intelligent and gorgeous. Yes, maybe I'm attractive to her
pero may anak na ako," mahinang aniya.

"And so? Hindi kayo kasal ng ina ng mga anak mo. You can open your heart again
Daryl."  Umayos siya ng higa sa hita ko bago bumuntong-hininga.

"May anak na ako at---"

"At sa tingin mo hindi matatanggap ni Nade ang mga bata? Hindi naman ganon si Nade
saka pakiramdam ko naman ay may gusto rin siya sayo hindi naman sa gusto kitang
umasa pero feeling ko lang, tingin mo bakit wala pa rin siyang boyfriend ngayon?
Kung gugustuhin niya ay makakahanap siya, iyon e kung may iba siyang hinihintay."
Ngumisi ako habang nakatingin sa kaniya.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"T-Tingin mo? She's single and beautiful madami sigurong lalaking nanliligaw sa
kaniya. Bakit naman niya pipiliin ang lalaki may anak na."

Umismid ako, this man is so insecure.

"Basta nasabi ko na ang opinyon ko, nasa iyo na iyan kung kikilos ka o forever ka
ng single." Tinapik ko ang balikat niya para tumayo.

Bumalik siya sa pagkakaupo. "Akala niya kasal tayo." Humalakhak siya.

Napansin ko rin iyon. Siguro ay hindi lang sila sanay sa kilos namin ni Daryl.
Hindi ko alam, iisang bahay kami tumira ni Daryl noon masyado kaming komportable sa
kilos namin.

"That's why you kissed her?" taas-kilay na aniko.

"N-No..."

"Utot mo! Anong no? Kitang-kita ko ang pula ng labi mo noon nandito sila, ano
nagsipsipan kayo saan? Sa garden? Sa sala? Sa ilalim ng hagdan? Sa kwarto ng mga
bata? Gosh, Daryl ligawan mo kung gusto mo hindi pahalik-halik ka."

"Hindi ko nga siya hinalikan."

"Sus, tatanggi pa. Paalala ko lang no, anim na taon tayo magkasama sa ibang bansa
kulang na lang nguyain ko kakainin mo, alam ko na galaw ng bituka mo Daryl saka
ilang beses na kitang nakitang nakipaghalikan sa iba't-ibang babae. Ilang beses na
tayong pumunta sa bar para sumaya ako, ilang beses nakita nakitang nakipag make out
sa public. Alam ko kapag may ginawa kang kabulastugan," mahabang wika ko.

Tumayo na ako, narinig ko na lang ang hagalpak na tawa niya. Akala ata niya hindi
ko na naaalala mga kabaliwan namin.

KINABUKASAN ay maaga akong inihatid ni Daryl sa school. Dalawang section lang ang
hawak ko ngayon, isang seven thirty at ang sunod ay ten na.

Nang matapos ang morning class ko ay bumalik na ako sa faculty, nagulat pa ako ng
maabutan nag-aayos ang mga co-teachers ko. Kahit ang mga matatanda!

"Anong meron?" takang tanong ko, inilapag ko sa aking lamesa ang chalk box ko.

"Half day lang ang mga istudyante Ma'am, may meeting mga teacher mamayang one,"
sagot ni Lia habang nag-aayos ng kilay.

Pinanuod ko naman si Trisha na nagsusuklay. Hindi ko alam kung dapat din ba akong
mag-ayos o ano. Meeting ba iyon gaganapin? Para kasing JS prom na kung makapag
lagay ng blush on si Ma'am Lia.
Si Ian naman ay nanghiram pa ng pang curl sa pilik mata niya. Parang mas malandi pa
siya kay Kevin noon. Well, si Kevin nga naglilipstick.

"May ano ba bakit nag-aayos kayo?" hindi ko maiwasan magtanong.

Dahil pati matatanda ay nagtatanungan pa kung mabango naman ba sila. Gosh, what the
hell?

"Nako, Ma'am Sascha mag-ayos ka na rin." tumawa pa si Lia.

Kahit naguguluhan ay nag-ayos na rin ako, para hindi man lang ako naiiba sa kanila
na abala. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok, naglagay ako ng kaunting liptint.

Nang sumapit ang ala-una ay sabay-sabay kaming pumunta sa gaganapan daw ng meeting
ng lahat ng teachers.

Nginitian ako ni Ma'am Beth ng magtama ang mata namin, bumati ako saka sumama kila
Trisha. Hindi ko kilala ang ibang teachers, dahil nang lumipas ang araw ay kung
wala ako sa faculty ay nasa klase ako. Hindi pa ako nagagawi sa ibang faculty room.

Nang makaupo kami ay may isang teacher na lalaki na sa tingin ko'y kasing edad ko
lang na nginitian kami.

"Si Sir Ruel iyan, math teacher ng grade ten," mahinang wika ni Trisha sa akin.

Nasa tabi ko siya, naglahad si Sir Ruel ng kamay sa akin. "New teacher? I'm Ruel,"
magiliw na aniya.

Tinanggap ko ang pakikipag kamay niya.

"Sascha."

Nang magbitaw kami ay bumaba ang mata niya sa singsing ko, ngumiti ako dahil doon.
Ops! Sorry I'm reserved.

Tipid siyang ngumiti sa akin bago umayos ng upo. Nakikisama ako sa kwentuhan ng
ibang teachers. Hindi ko alam kung bakit hindi pa kami nagsisimula, may hinihintay
pa ata.

Kinuha ko ang aking phone upang itext si Daryl na sunduin ako ng medyo maaga dahil
meeting lang naman ngayon hapon.

Sakto pagkatago ko noon ay may pumasok na isang teacher. "Nandyan na si Sir,"


deklara niya.

Naguguluhan ako nagpalinga-linga dahil kaniya-kaniya ang mga babae ng ayos ng


buhok.

Napainom ako sa mineral water na nasa aking harapan.

"Principal," ani Ruel sa gilid ko siguro ay nakita niya ang gulat sa mukha ko.

Magtatanong pa sana ako kung ano nga bang pangalan ng Principal ng school ay
saktong bumukas ang pintuan.

Halos maibuga ko ng tubig sa akin bibig ng makita iyon. Inabutan ako ni Ruel ng
panyo pero hindi ko maialis ang aking tingin sa lalaking Principal na ngayon ay
binabati ng mga teachers.
My breath hitched on my throat.

I was transfixed by the tall-dark haired man that stepped inside the room.

Naibaba ko ang hawak kong mineral bottle habang nakatingin sa kaniyang mukha. He's
wearing a fitted tux that threatened to accentuate his mascular, lean frame.

His cheeks were as a chiseled. He revealed his first smile to the people inside the
room.

Kung ang mas masungit niyang mukha noon ay halos kabaliwan na sa school masasabi
kong ang itsura niya ngayon ay luluhudan mo na lang. Mas nagmatured ang kaniyang
itsura, mas lumapad ang kaniyang balikat at braso na bumagay sa kaniyang suot.

Ang makapal niyang kilay ay mas lalong nadedepina kapag nagsasalubong.

How old is he? Thirty two? Fuck. Sinong mag-aakalang sa edad na 'yon ay Principal
na siya. A hot freaking Principal.

Hindi na ako nagtataka kung bakita ganoon ang reaksyon ng ibang kababaihan.

He roamed her eyes inside the room, kumalabog ang puso ko. I was froze when his
magnetic gaze pull my eyes.

Nakita ko ang gulat din sa kaniyang mukha, umigting ang kaniyang panga.

Kung noon ay naimagine ko na ito, ilang beses ko na rin napaginipan ang pagkikita
namin hindi ko inaakalang ganito ang magiging epekto sa akin.

Kinabahan ako.

Sa kabila ng kakaibang emosyon ko ay pinanatili kong blanko ang mukha ko.


Pinasadahan naman niya ng daliri ang kaniyang buhok.

I bowed my head to avoid his stares.

Nagsi-ayos naman ng upo ang ibang teacher. Sa gilid ng mata ay nakita kong pumunta
siya sa gitna. Naikuyom ko ang kamao ko sa hita.

"Sorry for being late," he said in a low  voice.

Binasa ko ang ibabang labi ko, kinilabutan ako sa kaniyang boses na anim na taon ko
ng hindi naririnig.

His words fluttered around my ears and I couldn't fight the urge to lift my head.

Napaawang ang labi ko dahil nasa akin pa rin ang kaniyang mata.

He briskly looked over my face, his eyes scrutinized me. Para bang pinag-aaralan
niya bawat sulok ng mukha ko.

I almost choked when a tiny smirk formed on his lips.

"For the new teachers, I'm the Principal and also the School Division
Superintendent, Mr. Travis Klaus De Vega." He said while looking at me, in an
effortless baritone that resonated so deep it made me shiver.

***
#WelcomeBackSirT 😂-----------------------------------------------------------

Kabanata 31

Mabilis ang paghinga ko ng matapos si Travis magsalita sa harap. May mga sinabi
siya tungkol sa school at pag welcome sa mga bagong teacher pero wala na akong
maintindihan.

Kapag nagtatama ang mata namin ay sandaling tumitigil iyon sa akin. Hindi ko alam
kung sinasadya ba niya o talagang napapatigil siya.

Nang matapos siyang magsalita ay kaagad siyang binati ng ibang teacher habang
lumabas na ang iba, mabilis akong tumayo upang makaalis sa lugar na iyon.

"Ma'am Sascha saan ka pupunta?" humarang si Lia sa dadaanan ko. Hinawakan niya ang
braso ko habang kumikinang ang kaniyang mata. "Tara lapitan natin si Sir," excited
na aniya.

Kaagad akong umiling. "H-Ha? Huwag na. Naiihi na ako."

"Tara na Ma'am Sascha, sandali lang tayo papakita lang tayo kay Sir para makilala
ka niya," dagdag ni Ian.

Tumango pa si Trisha habang nakangiti na para bang maganda nga iyon na ideya. Sa
tingin ko'y hindi.

Naunang lumapit sila Renz at Ruel, sumunod si Ian at Trisha. Hindi ko alam kung
bakit kailangan namin magpakita sa kaniya, hindi naman siguro tataas ang sahod
namin kung makita man niya kami. Pati ilang student teacher ay binabati siya.

Hinila ako ni Lia, halos kumapit ako sa upuan para lang hindi niya ako mahila.

Kung noon ay praktisado ko na ang sasabihin ko kapag nagkaharap kami. Ngayon, hindi
ko na alam paano ko siya haharapin.

Huminga ako ng malalim ng makalapit kami, pinanatili ko ang seryoso kong mukha.

Hindi ko na alam kung kailan kami nag-usap ng natural. Noon huli kong naaalala
nagkausap kami ay depressed na ako't halos hindi ko na siya kinakausap noon dahil
sarado ang isip ko sa lahat ng paliwanag niya.

"Hi, Sir good afternoon po!" magiliw na usal ni Lia.

Nag-iwas tingin ako ng humarap siya sa kupol namin. Nakakahiya! E bakit naman ako
mahihiya? Anong kinakahiya ko? Bakit naman ako kakabahan? Wala naman akong
ginagawang masama.

Taas-noo akong sinalubong ang kaniyang tingin. Nanginginig ang kamay ko habang
hawak ang ilalim ng uniform ko.

"Hey," bati niya.

Bahagya niyang binasa ang kaniyang labi saka inilagay sa bulsa ang isang kamay.
"Kamusta po Sir ang bakasyon niyo sa Los Angeles Sir?" tanong ni Ian kaya
napatingin ako sa kaniya. Nagbakasyon si Travis doon? Kailan?

"Fine, hows your vacation?" iginala niya ang mata sa mga kasama ko saka tumigil sa
akin ang tingin.

Hindi ako nag-iwas ng tingin. Ang mga mata niya noon na puno ng pagmamahal ay
blankong nakatingin sa akin na para bang pilit niyang inaalala kung sino ako.

"Ay Sir, ayos na ayos po." Hinila ako ni Lia, "Sir isa po siya sa mga bagong
teachers, Si Ma'am Sascha po."

Tumango-tango si Travis saka naglahad ng kamay sa akin. Bumagsak ang aking tingin
sa kanan kamay niya. "Nice to meet you, Sascha," kinilabutan ako ng bangitin niya
ang aking pangalan.

Tinanggap ko ang kamay niya, para akong napaso doon kaya mabilis na inalis ko iyon
bago tumango.

Kinausap pa siya nila Trisha, mabilis na akong tumalikod. Akala ko'y magiging
madali ang sunod namin pagkikita ngunit hindi.

Dumeretsyo na ako sa banyo, hindi ko alam kung gaano ako katagal naglagi doon para
kumalma.

Nang lumabas ako ay dumeretsyo na ako sa faculty, nandoon na rin ang ibang
teachers. Ang iba ay umuwi na, mabilis kong inayos ang bag ko para makauwi na.
Kailangan ko talagang makausap si Daryl, kung anong gagawin ko.

Habang papunta sa labas kung saan ko hinihintay si Daryl ay tinext ko na ito na


pauwi na ako. Kaagad naman siyang tumawag.

"Hey babe."

"Daryl, makakasundo ka ba? Maaga kasi kaming umuwi."

"I'm sorry, Sascha. May meeting ako hanggang five pm. Wala pala ang mga bata sa
bahay, hiniram sila ni Ate Angel," narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Gano'n ba? Sige mamamasahe na lang ako pauwi, ingat ka ha."

"Ikaw rin. Bye na Sascha, nandito na mga singkit na ka-meeting ko."

Napasimangot ako ng ibinulsa ko ang aking cellphone. Saan nyan ako sasakay? Hindi
ko alam kung saan ng sakayan, o baka naman may dadaan dito.

Nakatayo lang ako doon habang nag-aabang ng masasakyan ng may humintong itim na
mercedes benz sa aking harapan. Bahagya pa akong umatras dahil baka magasgasan ko
pa iyon, nako wala akong pambayad.

Naningkit ang aking mata ng dahan-dahan bumaba ang salamin nito. Nakailang kurap pa
ako bago ko makilala ng husto ang driver ng magarang sasakayan.

"Who will fetch you?" tanong niya sa mababang boses.

Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago sumagot, "M-Mamamasahe."

Nakita kong bahagyang paghaba ng nguso niya saka niya binuksan ang pintuan.
"Get in," his voice was firm.

Sandali ko siyang tinitigan kaya tinaasan niya ako ng kilay. Sa huli ay pumasok sa
kaniyang sasakyan. Kaagad kumalat sa aking ilong ang pamilyar niyang amoy.

Tumuwid ako ng upo ng abutin niya ang seatbelt sa upuan ko at ayusin iyon. Bahagya
akong napasinghap dahil ang bango niya!

Shit, hapon na bakit ang bango niya?!

"Sa Adams Village lang ako, pwede mo na akong ibaba sa labas maglalakad na lang ako
papasok," kaagaran kong usal dahil siguradong hindi naman niya alam kung saan ako
nakatira ngayon.

Tumango siya, isang kamay lang ang nakahawak sa manubela.

Halos hindi ako gumagalaw, pakiramdam ko nga ay limitado lang din ang aking
paghinga. Ikinabit niya ang phone siya sa bluetooth earphone bago may tawagan.

Hindi na ako lumingon, pero pinapanuod ko siya mula sa gilid ng aking mata.

"Hello? Can I reserve a table for two? Yes, in the private room," aniya sa kausap.
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero napagtanto ko rin na
restaurant ang kausap niya.

"Yup, just put... reservation for Travis and his wife. It's a dinner date."

Mabilis akong lumingon sa binata at bahagyang tumalikod sa kaniya. Tangina? Alam ko


naman na baka magkaayos sila noong Aryan na 'yon pero ang sakit pala kapag harapan.
Bakit ba pinasakay pa niya ako? Gusto ko na lang bumaba at sapakin lahat ng
makakasalubong ko.

Nakailang lunok ako para pigilan maluha. Magdidinner sila? Edi wow.

Tumikhim ako.

"Ibaba mo na lang ako dyan, kung may lakad ka pa," seryosong usal ko. Kung may
award ng pagiging mapag-panggap, I'm sure. I'm the champion.

"Let's eat first, I'm hungry," he demanded.

Kaagad akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Ano?"

"Let's eat somewhere, nagpa-reserved na ako."

Umawang ang aking labi sa sinabi niya. Totoo? Weh?

Bakit sabi niya dinner nila ng asawa niya? Umiling na lang ako sa kaniya. Hindi na
ako nagsalita, may pagtutol sa akin mero'n din naman pagpayag.

Nang makarating kami sa mall ay pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kotse. Bahagya
akong lumayo sa kaniya habang naglalakad kami papasok. Ayoko nga! Kapag magkalapit
kami para akong kakapusin ng hininga.

"Saan ba tayo? Kailangan ko ng umuwi. Madami pa akong gagawin." kunwaring bagot na


wika ko.

Hinimas niya ang kaniyang batok. "Sandali lang tayo. U-Uhm... Let's go?"
Iginiya niya ako sa isang mamahalin restaurant.

Kinausap ni Travis ang nagbabantay sa labas, sinamahan kami papunta sa isang


pribadong kwarto. "Room for Travis and his wife," basa ng binata sa hawak na papel
sabay bukas ng pinto.

Halos mapaigtad pa ako ng hawakan ni Travis ang siko ko papasok. May isang lamesa
sa loob, may mga kandila pa at flat screen tv sa gilid.

Hapon pa lang, dinner na kaagad?

Naupo ako sa isang upuan. Nakita kong paglipat-lipat ng tingin ni Travis sa pagitan
ng upuan namin dahil magkaharap iyon sa magkabilang dulo.

Napatuwid na lang ako sa pagkakaupo ng buhatin niya ang upuan at ilipat iyon ng mas
malapit sa akin.

"T-Travis ano ba? Bawal 'yan ilipat."

Umirap siya saka naupo. "I hate being far from you."

Napasinghap na lang ako sa sinabi niya. Imagine a thirty plus old man rolling his
eyes and bitching like a teenager.

Hindi na ako nagsalita, dumating ang waiter na kukuha ng order namin. Umorder nang
umorder si Travis, ako naman ay palihim na namamangha sa bawat kilos niya kahit ang
bahagyang paggalaw ng buhok niya sa pagtango.

Nang umalis ang waiter ay uminom siya ng tubig saka ako nilingon. Kaagad akong nag-
iwas ng tingin.

"N-Nasaan ang asawa mo?" mapait na tanong ko.

Kinagat niya ang ibabang labi para sa pigilan ang sumisilay na ngiti sa labi lalo
akong nainis dahil doon. Anong nakakatawa ha?

"Bakit mo ba ako dinala rito?"

"Kakain."

Bahagya akong napairap sa sinabi niya. Nang lumingon ako sa kaniya ay nakatingin na
siya sa singsing ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi, ang singsing na ito ay
binili ko sa ibang bansa. Ang singsing na ibinigay niya sa akin dati ay iniwan ko
sa bahay niya.

Hinihintay ko siyang magtanong pero tumikhim lang siya saka niya ibinulsa ang
kaniyang kamay.

Naging tahimik kami habang kumakain, paminsan-minsan ay nagtatama ang aming mata.

Noong natapos na kami ay akala ko'y uuwi na kami pero dumeretsyo siya sa isang
boutique. Kunot-noo ako habang sinusundan siya, pumili siya ng mga hair clip.

Parang may kumurot sa puso ko, para  kanino yan? Sa asawa niya o sa anak niya?
Fuck.

"What color do you want?" tanong niya habang sinisipat iyon.


Bahagya pa akong napaatras ng itapat niya sa buhok ko. He look amused to my
reaction.

"Don't you like the color? Wait, I'll ask for another design."

Humarap siya sa sales lady.

Napataas ang kilay ko ng matitigan ko ang sales lady. Kilala ko siya! Siya iyong
sales lady dati sa mall na sinabing kapatid ko raw si Travis!

Tama siya 'yon!

Sineryoso ko ang mukha ko saka kumapit sa braso ni Travis, na nagulat na napatingin


sa akin. Umawang pa ang labi niya sa ginawa ko, hindi ko siya pinansin.

Bahagyang napasimangot ang sales lady nang makita ang aking kamay na nakakapit sa
malaking braso ni Travis, hah!

"Hubby, I want this one," nilambingan ko pa ang boses ko sabay himas sa braso ni
Travis.

Itinikom ni Travis ang labi niya animong natatawa siya pero pinipigilan niya. "Sure
baby," lumingon siya sa sales lady. "Miss, isa nga na ganitong style," turo ni
Travis sa clip na may butterfly na naituro ko.

"A-Asawa niyo po Sir?"

Umirap ako sabay himas ulit sa braso ni Travis. "Oo miss bakit?" tanong ko.

Marahan umiling ang babae bago kumuha ng ganon design.

Bumaling ako kay Travis. "Ano pa baby?" nakangising usal niya sa akin.

Inirapan ko siya't inalis ang hawak ko sa braso niya saka bahagyang lumayo. Tss,
hindi ko naman gagawin 'yon kung hindi nandoon 'yong saleslady e.

Nang dumating ang clip ay binayaran iyon ni Travis, halos gusto ko iyon ibalik
dahil halos limang daan ang halaga no'n. Para sa isang maliit na clip? Jusmiyo.
Baka itago ko na lang 'to.

Nang makabalik kami sa kotse ay naging mas tahimik kami, hindi ko alam kung paano
ko siya papakisamahan.

Kumunot ang aking noo ng makitang lumagpas na ang village.

"Travis dyan lang ako."

"I know," malamig na aniya.

Napalingon ako sa kaniya. "Lumagpas na tayo. Ibaba mo na ako," medyo tumass ang
aking boses.

Humigpit ang hawak niya sa manubela.

"I know baby, give me a minute with you," nahihirapan bulong niya.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko kahit alam ko na ang gusto niyang mangyari.
Ngayon lang ulit kami nagkita pagkaraan ng madaming taon.
Of course, we need to talk!

Pero hindi ko inaasahan na kaagad-agad. Sabagay, bakit pa patatagalin. Gano'n din


naman. Ang kaso ay natatakot ako. Ano 'tong magiging pag-uusap namin, closure? Good
bye message?

Hindi ko namalayan na huminto na kami, narinig ko lang ang pagbukas ng pintuan ng


kotse, pinanuod ko siyang maglakad palapit sa pintuan ko at buksan iyon.

Napipilan na bumaba ako. Kaagad kong inilibot ang paningin sa lugar kung nasaan
kami.

Park? Play ground?

Hinawakan niya ang braso ko at marahan hinila papunta sa isang swing. Hinawakan
niya ang balikat ko at pinaupo doon, naupo naman siya sa kaharap na swing.

Bahagya kong ginalaw ang swing, wala masyadong tao sa pwesto namin. Karaniwan ay
nandoon sa mga fountain na umiilaw.

Tumikhim siya pagkaraan ng ilang minuto.

"So you're a teacher now," may sumilay na ngiti sa kaniyang labi. Para bang isa
siyang ama na nakapagpatapos ng anak.

Tipid din akong ngumiti. "And you are a Principal now."

"Yeah," bahagya siyang tumango.

Itinulak ko ulit ang swing gamit ang aking paa. Ang makausap si Travis ng ganito
pagkaraan ng maraming tao ay iba ang pakiramdam. Parang nabuhay ulit lahat ng
nabaon kong emosyon.

Bumaba ang aking kamay sa kaniyang kamay, bumigat ang aking paghinga ng makita ang
isang singsing doon. Hindi na 'yong singsing namin dati.

Is that his wedding ring with Aryan? Where's that girl, by the way?

"S-So you're still married?" tanong ko.

Shit! Bakit ko tinanong 'yon? Baka isipin niya umaasa akong single na siya. Ang
tanga Sascha!

"I-I mean..." I trailed off.

"Yes, married," wika niya habang titig na titig sa akin.

Nakaupo lang siya sa swing. Bahagyang nakabuka ang mga hita niya, nakapatong ang
siko sa tuhod habang nakapalumbaba.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinanatili kong kalmado ang mukha ko't ngumiti sa
kaniya kahit deep inside pinupunit na ang puso ko.

"T-That's g-good then, mabuti naman at na-naayos niyo, I-I'm hap-py," pumiyok pa
ako sa dulo.

Bumagsak ang mata ko sa singsing ko, my promise ring. Natupad ko na ang pangako ko
sa sarili ko, nakabalik na ako. Wala na akong babalikan.
"Are you really happy, Cha?" malamig na tanong niya.

Marahan akong tumango sa kaniya na taimtim na nakatingin sa akin.

"But baby, why are you crying?"

Napaawang ang bibig ko, mabilis kong pinunasan ang aking pisngi. Nataranta ako
dahil doon lalo ng itinulak niya ang sarili upang makatayo siya. Dahan-dahan siyang
lumapit sa akin saka lumuhod sa aking harapan.

Hinawakan niya ang dalawang gilid ng swing upang hindi ako makagalaw.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Travis miss na miss na kita. Kailangan kita, please
ako na lang ulit. I'll be a good wife.

Pinunasan niya ang aking pisngi gamit ang likod ng kaniyang kamay.

Napapikit ako dahil sa kuryenteng naramdaman ko sa aking likod papunta sa batok.

Sa lumipas na taon na wala siya, doon ko napatunayan kung gaano siya kahalaga sa
akin. Sa mga kaya kong gawin para sa kaniya.

Talagang nasaktan lang ako noon.

Ibinaba niya ang kamay at inilagay sa aking tuhod. Lumagapak ang mata ko singsing
niya. Nanlaki ang aking mata doon, naglipat-lipat ang aking tingin sa singsing niya
at sa akin.

Magkamuka iyon! Parehas may guhit at may tatlong bilog, ang pinagkaiba lang ay mas
makapal ang sa kaniya. Nanlaki ang mata kong umangat ang tingin sa kaniyang mukha.

"M-Magkamuka..." bulong ko.

Ngumiti siya. "Pwede ba naman magkaiba tayo ng singsing," malambing na aniya.

Parang may pumiga sa puso ko. Umiling ako. "M-Mali 'to Travis, kasal ka ayoko ng
maulit iyong nakaraan. Maling-mali 'to."

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon habang hindi inaalis ang tingin sa
akin.

"You're finally home," mahinang aniya.

Umiyak na ako, gusto niya ba ulit ako gawin kabit? Bakit siya umaakto na ganito?

"I'm sorry I wasn't there when you needed me, I'm sorry for being a coward moron.
Sobra akong nasaktan noong sinabi mong hindi mo na ako mahal, na hindi mo naman ako
minahal," malungkot wika niya kasabay ng pagtalim ng mata kung saan.

Kunot ang noo ko, pinunasan niya ulit ang aking pisngi. "K-Kailan ko sinabi?"

Wala talaga akong maalala ba sinabi ko iyon, nasaktan ako no'n, Oo. pero 'yong
pagmamahal ko sa kaniya gano'n pa rin. Mas lumalim pa.

Malungkot siyang ngumiti. "Sa apartment ni Angel, lagi akong nandoon. Walang araw
na hindi ako pumupunta halos doon na nga ako tumira, nandoon ako pero parang hindi
mo naman ako nakikita. It hurt me like hell, sila lang ang kinakausap mo parang
nawala na ako sa'yo. I was there when the Doctor said that you are suffering from
depression, nasa labas lang ako ng kwarto mo. I was fumming mad at myself. Umalis
ako no'n kasi gustong-gusto ko na itama ang nagawa ko, I looked for Aryan again,"
sumikip ang dibdib ko sa sinasabi niya.

Bakit hindi ko maalala na nandoon siya? Alam kong pumupunta siya minsan pero hindi
ko alam na nasasabihan ko na siya ng masasakit na salita.

Pumikit siya ng mariin.

"I went to ilo-ilo for two weeks, nalaman ko pagbalik ko na pinuntahan mo ako sa
bahay, t-that you're pregant... I-I'm sorry we lost our baby... Wala ako sa tabi
mo... Pagbalik ko nakaalis na kayo. I'm sorry... sorry..."

Napayuko si Travis sa tuhod ko at unti-unti kong naramdaman ang pamamasa doon. Mas
lalong sumikip ang dibdib ko sa nalaman.

"B-Bakit hindi mo ako hinanap? H-Hindi mo ba ako hinanap?" napahikbi ako sa


sariling tanong.

Umiiyak pa rin siya sa tuhod ko. Tahimik pero ramdam ko ang sakit no'n.

"H-Hinanap kita, I went abroad the next day. Pinaki-usapan ako ni Angel na huwag
muna na hindi mo pa kaya, na baka mas ma-trigger ka kapag kasama mo ako. S-So I let
them took care of you... P-Pumupunta ako doon kada ikadalawang buwan. Sa kabilang
apartment niyo ako tumutuloy, hindi alam ni Daryl. Si Angel, ang tumutulong sa akin
para makita ka na palihim."

Unti-unting pumasok sa aking isip ang sinabi niya! Pumupunta siya sa LA at sa


katabing apartment lang siya kapag bumibisita! Sa loob ng anim na taon?

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Y-Yung mga binibigay na regalo ni Ate Angel, i-
ikaw may bigay no'n?" paninigurado ko.

Marahan siyang tumango saka tipid na ngumiti. "I bought a ring like yours, nandoon
ako no'n." Ipinakita niya ang singsing sa akin. Holyshit!

Malakas ang kalabog ng aking puso.

Hindi ako nakapagsalita. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay kong may singsing.

"I'm sorry, kasalanan ko kung bakit nawala sila mama--" niyakap ko siya sa kaniyang
leeg.

"I'm sorry Travis for blaming you for everything, hindi mo kasalanan iyon. Wala
kang kasalanan."

Narinig ko ang hikbi niya. "H-Hindi ko naman gusto na maaksidente sila, s-sobra
lang ako nag-alala sa'yo kaya naitext ko sila no'n. I'm sorry baby."

Humiwalay ako at sinapo ang kaniyang malungkot na mukha, wala na ang masungit na
mukha niya kaninang umaga. Ngayon ay kitang-kita ko lahat ng emosyon na parang
itinago niya sa matagal na panahon.

"It wasn't your fault, aksidente iyon. Walang may gusto, tanggap ko na lahat
Travis."

Binitawan ko ang mukha niya saka ako tumuwid ng upo, hinawakan niya ulit ang swing
at bahagyang inilapit sa kaniya.

Hinawakan niya ang aking ibabang labi, napasinghap ako ng akmang hahalikan niya
ako.

Bahagya ko siyang tinulak sa balikat.

"T-Travis mali 'to."

Hindi siya nakinig, dinampian niya ng malambot na halik ang aking labi. Lahat ng
bigat sa dibdib ko ay nawala pero iniisip ko pa rin mali, dahil kasal pa rin siya
sabi niya.

Tinulak ko ang balikat niya, sapat lang upang maghiwalay ang aming labi.

Inilagay niya ang kaniyang noo sa akin.

"T-Travis mali 'to, may asawa ka..."

"Uh-huh," mahinang aniya saka ulit ako dinampian ng halik. "Can't I kiss my wife
now?" bulong niya.

Parang may kamao humawak sa puso, ano bang sinasabi niya?

Hinalikan niya ako sa pisngi. Buong lakas ko siyang tinulak kahit nanghihina na
ako, pasalamat na lang talaga dahil nakaupo ako kung hindi ay baka napaluhod na
ako.

"Three months after you went to California, I found Aryan," para akong binuhusan ng
malamig na tubig dahil doon.

Nagbalikan sila? Bakit suot niyang singsing ay kamuka ng akin? Nagloloko ba siya sa
asawa niya?

Hindi ako nakapagsalita.

"Alice told me everything." Umiling-iling siya na hindi pa rin siya makapaniwala.

"W-What everything?"

"The reason why Aryan was missing years ago..." naka-luhod pa rin siya sa harap ko.
"Akala ko noon lumayo siya dahil sa nangyari sa magiging anak sana namin, pero
hindi." Umiling-iling siya. "Nagtago si Aryan kay Alice."

"B-Bakit?" napasinghap ako.

Umigting ang panga niya. "Alice pushed Aryan, that is the reason why we lost our
baby. Talagang may sayad na si Alice noon pa man, noong nalaman niyang nagbuntis
ang ate niya ay nagalit siya rito at itinulak, hindi sa akin sinabi ni Aryan iyon.
Bigla na lang siya nawala pagkatapos niyang sabihin wala na ang bata. I thought she
was just devastated, but Alice told me everything, she confessed that she killed
her sister after that day."

Kumabog ang puso ko at nanlaki ang aking mata.

"N-No way!"

Malungkot siyang ngumiti na parang sinasabi niyang ganito rin ang reaksyon niya
noon. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya.

"Ako ang nagpasok kay Alice sa mental institution, she needs help. She asked me
too, to help her."
Ilang segundo akong tulala pilit kong iniisip ang mga nalaman ko, parang sasabog
ang ulo ko. Hindi ko 'yon kayang gawin ni Alice pero kung siya mismo ang sumuko sa
nagawa niya, baka nakunsensya na siya pagkalipas ng panahon.

Dinala ni Travis ang dalawa kong kamay sa kaniyang labi.

"I'll tell you everything next time, but to make the story short... You are my
legal wife. Nang kinasal tayo ay wala na akong asawa, that made our wedding valid
and made you my legal and only wife. You're still my wife."

***

#pUtuKaNnA 😂💦🎉-----------------------------------------------------------

Kabanata 32

Ipinarada ni Travis ang kaniyang kotse sa harap ng bahay ni Daryl. Pagkatapos namin
mag-usap sa park ay nanatili muna kami doon ng kalahating oras bago namin
mapagpasyahan umuwi.

Bahagya pang napakunot ang aking noo nang makitang nandoon na ang kotse ni Daryl
pero hindi maayos ang pagkaparada, parang iniwan lang sa gitna.

"Nice parking," panunuyang ani Travis. Sinamaan ko siya ng tingin bago dumeretsyo.
Bakit kaya hindi naiparada ni Daryl ng maayos ang kotse niya?

Tahimik ang buong bahay pagbukas ko, wala ang kasambahay siguro ay pinasama sa mga
bata.

Kaagad nilibot ni Travis ang tingin sa bahay ni Daryl. Hindi 'to kasing laki ng
bahay namin noon at wala pang masyadong gamit dahil kakabili lang ni Daryl dito.

"Where's the kids?" tanong ni Travis.

Gulat akong napatingin sa kaniya. "K-Kilala mo sila?" takang tanong ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Oh baby, I'm your number one stalker for almost six
years. Lahat ng tungkol sa'yo alam ko," magaspang na aniya.

Napailing ako bago ilapag ang aking bag sa sofa. Nang bumaling ako kay Travis ay
matalim ang tingin niya sa isang bagay bago ako tapunan ng tingin.

"Is that yours?" duro niya sa isang bra na kulay itim sa sahig.

Nanlaki ang mata ko, kaagad kong nalaman hindi sa akin iyon, hindi gano'n style ang
mga bra ko saka kung sa akin 'yan bakit ko naman ikakalat sa sahig sa sala. Doon ko
rin napansin ang isang blouse sa malayo.

Umiling ako, "No..."

Nagkatinginan kami ni Travis, nanlaki ang mata ko sa realisasyon. Mabilis akong


umakyat para makasigurado sa hinala ko, ramdam kong sinundan ako ni Travis.

Pagtapat sa kwarto ni Daryl ay kaagad ko iyon binuksan, halos mapatalon ako sa


gulat ng makitang nakapatong si Daryl sa isang babae.

"Daryl what the fuck?!" sigaw ko.

Gulat siyang napalingon sa akin, bahagyang napabukas pa ang bibig niya. Kaagad kong
isinara ang pintuan, hindi ko alam kung ako ba dapat ang mahiya o siya. Naramdaman
kong humalukipkip si Travis sa gilid.

Nang lingunin ko siya ay ngumiti lang siya. Siraulo.

Shit naman ni Daryl, nag-uwi siya ng babae? Ano porket wala ang mga bata? Akala ko
ba attracted siya kay Nade, anong nangyare?

Mabigat ang aking paghinga, maya-maya'y lumabas si Daryl na nakabusangot sa amin,


nakasuot na siya ng puting sando at boxer. Bahagya pa siyang nagulat ng makita si
Travis na nakahalukipkip sa aking tabi. Naglipat-lipat ang tingin niya sa amin.

"Whats the meaning of this?" tanong niya.

Umikot ang aking mata. "I should asking you the same. Whats the meaning of this
Daryl? Bakit ka nag-uwi ng babae, oh my gosh!" hindi makapaniwalang aniko.

Pakiramdam ko ay isa akong magulang na nahuli ang anak na nakikipaglampungan sa


anak ng kapitbahay. Alam ko naman bahay niya ito, iuuwi niya kung sinong gusto niya
pero hindi e! Hindi ganito!

Napakamot siya sa batok.

"A-Ahm... Ano kasi..." he trailed off.

Napatabingi ang aking ulo ng bumukas ang pintuan, lumabas ang isang babaeng
balingkinitan. Suot na niya ang malaking t-shirt ni Daryl. Handa ko na sanang pag
sabihan ang babae na may mga anak na si Daryl at may ibang gustong babae pero
napaawang aking aking labi ng mag-angat ng tingin ang babae.

"N-Nade!" gulat na usal ko.

Nagulat ako ng umiyak siya saka hiwakan ang aking braso. Napasinghap ako sa ginawa 
niya.

"Sorry Sascha! Sorry hindi ko napigilan! Sorry gustong-gusto ko ang asawa mo noon
pa man! Patawarin mo ako nadala ako, wala siyang kasalan. Walang kasalanan si
Daryl, nakita niya lang ako sa labas ng bahay niyo. Sorry Sascha ako ang unang
humalik kay Daryl, a-ayokong makasira ng pamilya sorry patawarin mo ako... Please
huwag mo hiwalayan si Daryl! Ang mga bata! Mahal na mahal ko lang si Daryl, a-akala
ko wala pa siyang asawa hinihintay ko siya bumalik," hagulgol niya.

What the fuck?

Sumipol si Travis sa gilid, mukhang tuwang-tuwa pa siya! Nanlaki ang mata ko kay
Daryl na hindi ko alam kung gulat sa ginawang pag-iyak ni Nade sa harapan ko o ang
pag-amin nito sa mismong harapan namin.

Hindi sinabi ni Daryl na hindi kami mag-asawa? Ang akala talaga ni Nade ay anak
namin sila Gen at Rev.

Humihikbi siya sa harapan ko't sorry nang sorry hinawakan ko ang balikat niya.

"Nade, ayos lang."


Gulat siyang napatigil sa pag-iyak. "W-What?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Daryl is not my husband," wika ko nang dahan-
dahan pakiramdam ko kasi ay tulala siya't hindi niya iyon maiintindihan.

"P-Pero may anak kayo."

"Anak ni Daryl ang mga bata, dito lang ako nakatira dahil hindi pa ako kinukuha ng
asawa ko," turo ko kay Travis sa nakakrus ang braso at maganang-maganang nanunuod
sa drama.

Napasinghap si Nade, hinawakan ni Daryl ang braso niya saka tumingin sa akin.

"Ako na magpapaliwanag sa kaniya." Tumingin siya sa lalaking nasa gilid ko bago sa


akin ulit. "Madami ka rin ipapaliwanag sa akin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay
pumasok na sila sa loob ng kwarto.

Napakurap-kurap ako dahil doon. Wow! Gusto nila ang isa't-isa.

Napukaw lang ako sa pag-iisip ng tusukin ni Travis ng aking pisngi.

"Where's your room?"

Hindi ko siya sinagot, naglakad ako papunta sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw
pagpasok, parang pagod na ako dahil sa dami ng nangyari buong araw. Hindi pa rin
ako makapaniwala sa sinabi ni Travis.

Asawa niya talaga ako? May paalis-alis pa ako lintek! Pero hindi ko naman
pinagsisihan iyon, madami akong natutunan sa buhay ko.

May aalis, may dadating at may mananatili.

Umupo siya sa aking kama habang pinapasadahan ng tingin ang aking kwarto.

"This is big compare to your room in California," bulong niya habang sinisipat ang
kwarto ko.

Nagulat na naman ako sa sinabi niya kahit pa ilang beses na niyang sinabing
binabantay niya ako sa ibang bansa.

"N-Nakapasok ka sa kwarto ko doon?"

Ngumisi siya saka hinimas ang kama ko, "Yea, Angel helped me."

Inirapan ko siya habang inaalis ng kwintas at hikaw ko. "So Ate Angel is helping
you all this time. Akala ko pa naman hindi na kayo nag-uusap kasi wala naman siyang
nababanggit sa akin doon."

Nagtama ang mata namin sa salamin, taimtim siyang nakatingin sa akin. "My
bestfriend never betrayed me, maybe she's spoiled but she's a good friend."

Ngumiti ako sa sinabi niya saka tumango bago pumasok sa banyo upang makapagpalit ng
damit.

Totoo iyon. Medyo maarte at spoiled nga si Ate Angel, siguro ay dahil na rin nga
noong bata siya. Pero masasabi kong kahit gano'n ay mabuti siyang tao, hindi niya
ako pinabayaan sa ibang bansa.
Nasa Pilipinas siya pero madalas niya kaming binibisita, kahit pa nagka-asawa na
siya ng Doctor sa pinagta-trabahuhan niya ay lagi pa rin siyang nakaalalay sa akin.
Sila rin gumastos sa mga gamot ko noon.

Para ko na talaga silang kapatid ni Daryl. Ako ang bunso.

Nagkamali talaga ako sa panghuhusga sa kaniya noon. Sa kanila ni Ma'am Bea.


Speaking of Ma'am Bea, nasaan na kaya 'yon?

Lumabas ako ng banyo, naabutan ko siyang yakap-yakap ang unan ko habang nakaupo sa
gilid ng kama.

"Nasaan na pala si Ma'am Bea?" tanong ko nang magtama ang aming mata.

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo na parang inaalala kung sino ang tinutukoy ko.

"Oh, She's married to Rico now," kibit balikat na aniya.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. "Diba buntis siya bago ako umalis?"

"Yeah, the father is Rico." Tumaas ang sulok ng labi niya saka naglahad ng kamay sa
akin.

Kinagat niya ang ibabang labi habang pinapanuod akong lumapit sa kaniya.

Tinanggap ko iyon, napasinghap pa ako ng paupuin niya ako sa kaniyang hita


natagilid.

"Travis!"

Hindi siya nagsalita, kaagad niyang ipinalibot ang kamay sa aking beywang at
ipinatong ang baba sa aking balikat.

Malakas ang kabog ng aking puso, pakiramdam ko ay ang liit-liit ko sa kaniyang


kandungan.

"Tomorrow we'll check our marriage certificate, I know you wont believe me that
fast."

Tumango ako sa sinabi niya, gusto ko rin naman makasiguro. Mahirap na!

Iyon ang pagkakamali namin noon, hindi namin chineck! Dahil lang sinabi ni Alice.
Saka siguro dahil nasa isip din ni Travis talaga ay nawawala lang si Aryan. I feel
bad for her, I mean. I know what's the feeling of losing your child, masakit kahit
hindi pa iyon lumalabas.

Tapos sarili mo pang kapatid ang gumawa sayo non? I still can't believe. Alice did
that. She killed her sister.

Bumaba ang kamay ko sa braso ni Travis, kitang-kita ko ang ilang ugat sa kaniyang
kamay na kahit naka-relax lang ang kaniyang kamay ay lumalabas pa rin.

Hinimas ko ang braso niya. Suminghap siya sa leeg ko. "I-I thought you are mad
until now," aniya.

Umiling ako dahilan para tumama ang kaniyang ilong sa akin pisngi. "I'm not mad,
I'm just disappointed and hurt that time. Sayo, sa palagid at sa sarili ko. Pero
lumipas man ang panahon Travis, uuwi at uuwi pa rin ako sa'yo."
Naramdaman ko ang marahan pag dampi ng labi niya sa aking pisngi.

"And I will always wait for you, wait for you to come back to me."

Nang bahagya siyang lumayo ay nagtama ang aming mga mata. May masuyo siyang ngiti
na kaagad na iginawad sa akin.

"Being close to you like this after years makes my heart warm, iba pa rin kapag
malapit ka at nahahawakan kaysa sa binabantayan kita sa malayo."

Parang may kumurot sa puso ko, bakit ba naging makasarili ako noon? Bakit sarili ko
lang ang naisip ko? Travis was hurt too. Hindi lang ako.

Naisip kong sa relasyon, hindi sapat na kilala niyo lang ang isa't-isa. Dapat
kilala mo siya at tanggap mo kung ano siya, kung ano ang mga nangyari sa nakaraan
niya kasama na ang masama at mabuti doon.

Hinilig niya ang ulo sa aking pisngi, tumama sa aking leeg ang mainit niya hininga.

"S-Sorry we lost our baby..."

Mariin akong pumikit, hinimas niya ang tiyan ko. Gusto kong maiyak, naaalala kong
gustong-gustong magkaanak ni Travis noon. Tapos noon nagkaruon kami sumabay sa
problema namin.

"I-I'm sorry rin, h-hindi ko naalagaan ang bata... I'm not a good mother."

Marahas siyang umiling.

"You are the most amazing woman I've ever met Sascha, noon hanggang ngayon. Siguro
may dahilan ang Diyos bakit nangyari iyon, I lost my child, twice. And here I am,
still fighting and standing... waiting for you to come back," paos na aniya.

Nangiti ako sa sinabi niya. Noon nasa ibang bansa kami, nire-ready ko na ang sarili
ko kung wala na akong mababalikan.

"Our relationship may not be perfect, we lied and we made a mistake. We lost on the
wrong path. But baby, you are the compass that guides me in life.  I am a better
person because of you. You help me be the best person that I can be," he said slow
and sweet.

Napapikit na lang ako ng halikan niya ang aking labi. Naramdaman ko ang kaniyang
kamay sa aking likod pumasok iyon sa aking blouse.

Napasinghap ako ng kalasin niya ang hook ng aking bra.

"Sleeping with a bra on may result in many health problems," pangangaral niya.

Napanguso ako. "Yes sir."

Ngumisi siya saka niyakap ako ulit.

MABILIS lumipas ang araw, madalas kaming magkita na ni Travis. Katulad ng sinabi
niya ay kinabukasan noon ay tingnan namin kung nakarehistro ang kasal namin, and
yes.

Travis Klaus De Vega and Sascha Gayle De Vega are found.


Sa school ay nagkikita naman kami ni Travis pero hindi ko siya talaga pinapansin,
nakakahiya kasi. Kadalasan ay sinusundo niya ako sa bahay at tama nga siya kilala
siya ni Gen at Rev hindi ko alam kung paano.

Tito T pa nga ang tawag sa kaniya, siguro ay kagagawan na naman ni Ate Angel.

Nasabi ko na rin kay Daryl na ayos na kami ni Travis, unti-unti ay inaayos namin.
Paunti-unti.

Ibinaba ko ang bulaklak na hawak ko. Kaagad ko naman naramdaman ang bisig na
yumakap sa akin mula sa likuran.

Nilingon si Travis mula sa aking likuran, tuwing nag-uusap kami lagi namin pinag-
uusapan ang nakaraan. Paulit-ulit humihingi ng tawad sa isa't-isa.

Hindi ko alam, siguro dahil alam namin pareho na parehas kaming nagkamali. Siya sa
pagsisinungaling at ako ay sa pabigla-bigla ng desisyon.

Bumisita kami sa libingan ni Aryan. Though, I don't know her or her face. Base
naman sa kwento ni Ate Angel, mabait daw ito. Kabatch nila noon.

Sa totoo ay wala akong nararamdaman galit sa kaniya, bakit ako magagalit? Wala pa
ako sa buhay nila ng maging parte siya ng buhay ni Travis. Bata pa sila noon,
padalos-dalos at siguro ay takot.

I feel sorry to her, sa kanila ni Alice.

Hinigpitan ni Travis ang yakap sa akin. "Aryan, this is the woman I love." Bumaba
lang ang tingin ko sa lapida niya. "I told you before, I will back here with her.
Sorry pala kung hindi kita nadalaw sa mga lumipas na panahon. I know you're happy
there with our baby. Nawalan din kami ng anak, Aryan. Please guide our baby there,
pwede mo silang paglaruin dalawa," natawa siya sa sinabi niya pero naramdaman ko
ang sakit doon.

Marahan kong hinimas ang braso niya.

"Thank you for being a good friend and mother," huling sabi niya kay Aryan animong
sasagot ito, bago ako halikan sa gilid ng noo. "Let's go?"

Tumango ako bago kami umalis doon.

Aryan if you can hear me, please take care of my baby there in heaven.

KINABUKASAN ay maaga kaming pumasok, ganoon pa rin sabay akong kumakain sa mga
ibang teachers. Katext ko naman si Travis na nasa office niya.

Nang maghapon na ay naabutan kobg maingay ang faculty.

Sinalubong ako ni Lia.

"Ma'am Sascha, sama ka sa amin!" nakangising aniya mukhang excited kung saan man.

Ibinaba ko ang chalk box ko sa lamesa saka naglagay ng alcohol sa kamay.

Hindi ako sumagot, pinag-iisipan ko kasi kung may usapan ba kami ni Travis.

"Sige na Sascha, birthday kasi ni Sir Ruel," dagdag ni Ian.


Napalingon kaagad ako kay Sir Ruel saka ilang teacher sa kabilang faculty na
nandoon pala, napakamot ng batok si Sir Ruel.

"Nako, baka may gagawin si Sascha e," nahiya ako dahil lahat sila ay nakatingin sa
akin para ngang ready na ready na silang umalis.

"Sa food park lang tayo, kakain saka videoke. Sige na Ma'am Sascha," ani naman ni
Renz. Tumango naman si Ma'am Trisha.

Ngumiti ako. "Sige."

"Yon!" ani Sir Ruel.

Itetext ko na lang si Travis, kagaya ng gusto nila ay sumama nga ako. May dala
silang kotse ang iba ay angkas naman ng iba. Halos dose kami.

Kay Sir Ruel ako sumakay, kasama namin si Trisha at Lia.

Sa biyahe ay kwento nang kwento si Lia tungkol sa mga istudyante niyang nagsuntukan
kanina.

"Syempre natakot ako! Ako ang bantay tapos nagtuturo ako bigla na lang ako
makakarinig ng kalabog nagbangasan na pala sa likod," iiling-iling na usal ni Lia.

"Ang mga babae naman ang problema sa mga alaga ko, jusko. Nagkakaklase kami
nagbabasa ng wattpad, alam niyo 'yon? Yung sa phone, at ito pa ang dahilan ng isa
kasi sabi ko itago ang cellphone bawal magbasa aba't maglabas ba naman ng libro na
wattpad din, hays! Kabataan ngayon hindi ko alam kung ano nangyayari," mahabang
litanya ni Trisha.

Natawa kami ni Ruel. Bahagya siyang sumulyap sa akin. "Yung sa akin naman kanina
iihi raw, hindi na bumalik. Ayon nakita ko sa canteen, kumakain na ng kwek-kwek."
aniya.

Ngumisi ako sa kanila, buhay teacher talaga. Nakakatanda talaga.

"Ikaw Sacsha? Ano ganap sa mga anak mo?" tukoy ni Lia sa istudyante ko.

"Ayos naman, mabuti at wala masyadong pasaway, may umiyak lang kanina kasi nakipag-
break daw boyfriend niya," natawa ko. "Take note, She's twelve."

Nagpatuloy ang kwentuhan namin sa biyahe.

Tumunog ang aking cellphone, halos mapamura ako dahil si Travis iyon. Kinuha niya
ang number ko noong nakaraan.

Travis ♡:
Where are you baby? 30 minutes na ako sa parking lot.

Shit! Bakit ba nakalimutan ko?

Me:
Sorry Travis, sinama ako nila Ma'am Lia, birthday kasi ni Sir Ruel.

Travis ♡:
Where? Who's Ruel? The one with a big lips?

Me:
Sa food park, hala grabe ka makalait.

Travis ♡:
I'm just describing him baby, hindi ko nilalait.

Hindi na ako nagreply pa sa kaniya. Hay nako! Mga dahilan talaga niya.

Sakto naman dumating na kami kung saan kami kakain, pinili nilang pwesto ay 'yong
nasa gilid na pwedeng mag grilled.

Umorder sila ng barbeque at iba pang pagkain. Lumipas ang minuto, malakas na ang
tawanan sa lamesa namin. Hindi naman kami nag-iinuman, talagang malakas lang ang
asaran.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng napatayo si Lia. "Hala, Sir!" aniya.

Nanigas ako sa pagkakaupo tumingin kay Lia, nakatingin siya sa likod ko.

"Sir, nandito rin po pala kayo, sama po kayo sa amin," ani ng isang teacher.

"Yea, I just passed by." Kinilabutan ako sa boses ni Travis.

Nag-angat ako ng tingin ng huminto siya sa gilid ng mahaba namin lamesa.

"What's the occasion?"

"Birthday ko po, Sir," napakamot pa sa batok si Ruel.

Tumango siya sa mga bati ng iba, kinuhanan siya ng upuan ni Lia at inilagay iyon sa
tabi niya. Bali kaharap ko si Lia. "Sir dito po kayo. Kain po kayo."

"Thanks."

Lahat kami ay pinanuod si Travis na lumapit doon, bahagya akong napasinghap ng


buhatin niya ng walang kahirap-hirap ang upuan gamit ang isang kamay saka inilagay
sa aking tabi dahil ako na ang nasa dulo.

Bumagsak ang mata ko sa aking pinggan, pakiramdam ko pinagtitinginan nila kami.

Mabuti at tumawa si Trisha at sinabing kumuha pa ng sawsawan dahil ubos na.

"Eat more," ani Travis na hindi man lang nag-effort na hinaan ang boses.

Pakiramdam ko ay pinapanuod kami nila, tumango lang ako sa kaniya.

Nagsimula na ulit akong kumain, siya rin ay nilagyan ng pinggan. Halos gusto ko na
lang lumubog sa kinakaupuan ko ng ipaghimay pa niya ako ng barbeque, hindi siya
nahiya na ilagay iyon sa pinggan ko.

Bahagya ko tinama ang binti ko sa kaniya.

Tumikhim si Lia, nanunuksong tumingin naman si Ian sa akin. Si Ruel ay may


nagtatanong na tingin, ngumiti lang ako sa kanila.

"Ang hirap naman hiwain nito," ani Lia sa barbeque niya.

Humagalpak ng tawa si Renz, "Ma'am Lia ako na hihiwa."


Mabuti at kumain na rin si Travis, kumakanta na si Ian sa videoke.

Tapos na kaming kumain ng dinner, nilalantakan namin ang halo-halo at leche plan.

Nasa ganon kaming posisyon ng napasinghap ako at nabitawan ko ang tinidor ng


biglang kumalas ang hook ng bra ko sa aking likod!

Shit!

Napahawak ako sa itaas ng dibdib ko para hindi gumalaw, inaalala ko ang sinuot ko,
iyong kilay cream na isang lock lang.

Hays!

"Anong problema Sascha?" malakas na boses ni Trisha mukhang napansin ang gulat ko.

Napakurap-kurap ako.

Lahat sila ay nakatingin na sa akin.

"What happened?" tanong ni Travis sa gilid ko.

Lalo ako nailang, hindi ako makatayo dahil baka gumalaw.

Tiningan ko siya na naiiling, kaagad ko rin iniwas ang tingin ko dahil titig na
titig siya.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko nakahawak sa dibdib ko. Kinagat niya ang ibabang
labi at bahagyang lumapit upang bumulong.

"Natanggal?" aniya.

Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa tanong niya. Idagdag pa ng mga matang


nakatingin sa akin.

Kinapa niya ang likod ko ng walang pag-aalinlangan. Nakita kong nanlaki ang mata
nila doon sa ginawa niya.

"Turn around,"  he said sweetly.

Hindi na niya ako hinintay, inikot niya ang upuan ko patalikod sa kaniya.

Napatakip pa ng bibig ang ilang teacher.

Napasinghap ako ng ipasok ni Travis ang kamay sa blouse ko at walang kahirap-hirap


na kinabit iyon. Bahagya pa akong napaigtad ng maramdaman ang mainit niyang palad
doon.

Nanigas ako sa kinakaupuan ko. Inayos niya ulit ang upuan ko. Nakaawang ang labi ko
sa gulat sa mga ginawa niya.

Tumayo siya saka inalalayan ako tumayo. Tumango siya sa mga gulat pa rin teacher.
Pakiramdam ko ay mahihimatay pa ang iba.

"Happy birthday again Ruel. Thanks for the dinner. I have to go, I'll take my wife
with me," seryosong aniya saka ako hinila paalis doon.
***

One more chapter, wakas, and special chap. We will say good bye to our
Sir.-----------------------------------------------------------

Enjoy Reading!

Kabanata 33

SPG

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis, simula ng malaman nila na asawa
ko si Travis noong nakaraan araw ay tampulan na ako ng tukso, ang iba ay feeling
close sa akin na halos dalhan na ako ng pagkain sa table ko at paypayan samantalang
ang iba ay may lihim na pag-irap kapag dadaan ako.

Wala naman na sa akin iyon ngayon, kung noon bata pa ako ay baka isipin ko ang
sasabihin nila, ngayon ay wala na.

"Good bye, class. I will check your portfolio tomorrow, okay?"

"Yes ma'am!" sabay-sabay usal ng mga istudyante ko bago kaniya-kaniya ng labas.

Lunch na't tapos na ang pangatlong klase ko ngayon araw. Mamaya ay wala na akong
klase samantalang bukas ay full ang sched ko.

Hawak ko ang chalk box habang naglalakad sa hallway, nginitian ako ni Sir Ruel ng
madaanan ko siya na nagtuturo sa isang silid. Nang makadating ako sa faculty ay
iilan pa lang ang teacher, siguro ay hindi pa nagpapalabas ang iba.

Napalingon ako sa isang matandang teacher na nandoon, napansin ko kasing hinihilot


niya ang kaniyang sentido kaya tumayo ako.

"Ma'am masakit po ulo niyo? May gamot po ako sa bag," magalang na wika ko.

Bahagya siyang tumingala sa akin at tipid na ngumiti. "Okay na iha nakainom na ako,
tumaas ata presyon ang sakit ng ulo ko. Ang dami ko pa naman kailangan asikasuhin,"
aniya.

Tumingin ako sa madaming papel sa kaniyang lamesa. Tutal wala naman na akong
gagawin, tutulungan ko na lang siya.

"Ano po ba gagawin pa baka matulungan ko kayo Ma'am?" tanong ko habang sinisipat


ang lamesa niya. I can check the papers and in code the grades.

Gulat siyang napatingin sa amin. "Nako, hindi na iha."

"Sige na po kahit 'yong simpleng bagay lang, para mabawasan naman gagawin mo po."

Naiilang man ay inabot niya sa akin ang isang papel. "Papapirmahan iyan sa
Principal, project kasi iyan para sa garden sa likod. Hindi pa na aaprubahan ni
Sir, baka pwedeng pakisuyo iha."

Ngumiti ako saka tinanggap iyon bago lumabas. Pipirma lang pala, madali lang iyon.
Nakakapanibago rin kasi kahit mga matatanda ay Sir na rin ang tawag kay Travis.

Nang makarating ako sa office ni Travis ay kakatok sana ako pero ng marinig ko ang
malakas na sigaw niya. Bahagyang  nakabukas ang pintuan kaya sumilip ako doon.

May tatlong lalaking nakatayo habang nakayuko ang ulo, si Travis ay nakatayo rin
kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mata.

"Sinabi ko na sainyo iyan noong bago pa mag pasukan! I told you to change the
contractor of that fucking building! Ngayon nagkakagipitan sa akin kayo
magrereklamo?!" he shouted.

Napakurap-kurap ako. Parang ngayon ko lang ata siya nakitang galit na galit.

"Sir sorry po kasi--"

"Enough saying sorry! Ayusin niyo 'yan! Ang tagal na nyan!" matalim na aniya.

Tumango ang tatlong lalaki bago lumabas, bahagya akong gumilid para makalabas sila.
Nagulat pa sila sa presensya ko doon pero nilagpasan na rin ako.

Dahan-dahan akong pumasok sa Principal Office. Sinarado ko ng pintuan, naabutan ko


siyang nakaupo na sa swivel chair niya habang hinihilot ang noo.

Kinagat ko ang ibabang labi saka lumapit sa kaniya.

Nang maramdaman niya ang aking presensya ay nag-angat siya sa akin ng  tingin. Ang
matalim niyang mata ay unti-unting lumambot, sumubsob siya sa aking tiyan ng
makalapit ako.

"Sorry you have to see me like this," mahinanh wika niya.

Hinimas ko ang kaniyang buhok. Suminghap siya sa tiyan ko. Hindi ko na kailangan
itanong sa kaniya kung tungkol saan iyon. Noon nakaraan gabi ay sinabi niya sa akin
ang problema tungkol sa bagong ipapagawa building.

"I'm stress and mad, fuck."

Napabuntong-hininga ako, ayokong nakikitang ganito si Travis. "Ano gusto mo gawin


para kumalma? Kumain ka na ba?" malumanay kong tanong.

Nag-angat siya sa akin ng tingin, bumitaw siya sa akin. "Calm me."

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. "O-Oh okay? What do you want? Hilutin ko ulo mo,
kumain na muna tayo---"

"Ride me."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya habang seryoso ang mukha niya sa akin. "W-What?"
gulat na tanong ko ng maisip ko ang sinabi niya.

Wala sa sariling bumaba ang aking tingin sa gitna ng kaniyang hita. Nang inangat ko
ang tingin ko sa kaniyang mukha ay may kakaibang emosyon na sa kaniyang mukha.

"A-Ang halay mo."

He chuckled. "Baby, you can make me calm. Don't you miss me?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko, I will lie if I say I don't missed him. In six
years, I can't count how many times I imagined myself making love with him. Siya
lang, siya lang ang nag-iisang lalaki na nagpaparamdam sa akin ng gano'n.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang aking panga, mas mapasandal ako
sa kaniyang lamesa.

Masuyo niya akong tinitigan, para bang tinatandaan bawat sulok ng aking mukha.

"Hindi ko na kaya malayo ka pa sa akin, Sascha. Iyon na ang huli na hahayaan kitang
lumayo. Simula ngayon hindi na pwede, sa bahay na rin kita uuwi. Please don't say
no. Maraming taon na ang nawala sa atin, " buong pusoong pangungusap niya.

Tumango ako. "K-Kung iyan ang magpapasaya sayo, Travis."

Tama siya, mag-asawa kami. Dapat magkasama kami sa bahay. Siguro ay kakausapin ko
na si Daryl pag-uwi ko mamaya, pati na rin ang mga bata.

Marahan siyang tumango, bumaba ang mukha niya. Napapikit ako ng dumampi ang
kaniyang malambot na labi sa akin. Mainit ang kaniyang hininga na tumatama sa aking
mukha.

Sa una'y marahan ang kaniyang bawat halik, hanggang paunti-unti ay lumalalim na.
Pilit na ipinapasok ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. His lips brush mine.
Not innocently, like a tease but hot, fiery, passionate and demanding. I want to
pull away before I lose myself but I can’t seem to… In this minty moment, my senses
have been seduced and I can no longer think straight.

Hinawakan niya ang aking pang-upo at binuhat, kaagad kong ikinawit ang aking maliit
na braso sa kaniyang leeg.

Iniupo niya ako sa ibabaw ng kaniyang malapad na lamesa. Mabilis na inalis niya ang
iilang gamit sa gitna at hinayaan mahulog ang iba.

"Sascha, mahal na mahal kita," he whispered.

His hand rested below my ear, his thumb caressing my cheek as our breaths mingled.
Mariin akong napasinghap ng bahagya niyang kagatin ang ibabang labi ko.

Nanginginig ngunit eksperto niyang binuksan ang aking blouse, nakapalda ako kaya
hinila lamang niya iyon pababa saka itinapon kung saan.

I pulled him closer until there was no space left between us and I could feel the
beating of his heart against my chest.

Inilagay niya sa aking likod ang kaniyang mainit palad habang patuloy sa paghalik
sa akin na masuyo kong ginagantihan.

Napasinghap ako ng bumaba ang labi sa aking leeg kasabay ng pagkalas niya ng aking
bra.

He began nuzzling my neck with delicate kisses. He sucked and licked my neck as his
right hand traveled on my thigh.

 "T-Travis..."

Lantad na ang aking katawan sa kaniya, tanging isang cotton short at underwear na
lang natitira sa akin.

Tanging pagkapit na lang sa lamesa bilang suporta ang aking nagawa ng bumaba ang
labi mula sa aking leeg pababa sa aking dibdib at walang salitang pinaikot ang dila
sa aking utong.

"Travis..." napaliyad ako sa kaniyang ginawa. Bahagya pa niyang iniangat ang aking
katawan upang tuluyan mahubad ang natitira kong saplot.

Ang init na mula sa kaniyang bibig ay kumalat sa aking katawan. Pinilit kong
dumilat upang makita siya.

Nang magtama ang aming mata ay mas nadagdagan ang pagnanasang nararamdaman ko.
Patuloy siya sa pagsuso sa aking dibdib habang minamasahe ang isa.

Halos mapamura ko ng sapuhin ni Travis aking kaselanan, gusto kong sumigaw pero
baka may makarinig sa labas kaya mahihinang daing lang ang nagagawa ko.

Nilaro niya ng isang daliri ang aking kaselanan na pumipintig pa dahil sa


pagnanasang nararamdaman.

"Travis ohh..."

"Shh baby..." saway niya sa akin ng medyo napalakas ang ungol ko. "Basang-basa ka
na Sascha."

Napaawang ang aking labi habang nagkatitigan kami ni Travis. I gulped when he slid
his middle finger inside my wet mound.

Kumapit ako sa braso niya habang mas idiniin ang daliri sa aking loob. Inikot pa
niya iyon kaya mas lalo akong namilipit sa pinaghalong sarap at sakit.

Pakiramdam ko ay may humaba ang kaniyang daliri kumpara doon. Daliri pa lang!

My breathing ragged, I was panting.

Travis pleasure me with his sinful finger. His finger moving in and out, hindi pa
siya nakuntento doon dahil dinagdagan pa niya ng isa pang daliri.

"Ohh, T-Travis..."

Shit!

Kagat ko ang aking ibabang labi habang sinasalubong ang dalawang daliri niya na
marahas na pumapasok-labas sa akin.

"Ahhhh!" my legs are quivering in pleasure.

Hingal na hingal ako. I can't help but to moaned as wave and wave of pleasure
ripped through me.

Nang magtapat ang mukha namin ay hinalikan niya ako sa noo. Dumilit ako, ngayon ko
lang napagtanto na lantad na ang buo kong katawan habang siya ay bihis na bihis pa.

Holy shit! I was lying naked on Travis's table.

Bumaba ako sa lamesa kahit pa nanghihina ang aking tuhod. Pumunta ako sa sofa doon
at lumuhod, "Come here," utos ko sa kaniya.

Kunot ang noo na sinunod niya ako. Nang huminto siya sa harapan ko ay dahan-dahan
kong binuksan ang kaniyang polo. Tutulungan sana niya ako pero pinigilan ko ang
kamay niya.
"Let me..." paos na wika ko.

Kagat labi na tumango siya. Tuluyan kong nahubad ang kaniyang damit. Tumambad sa
akin ang kaniyang katawan.

Mas nadepina ng edad ang kaniyang katawan.  Sumisigaw iyon ng awtoridad na kapag
nakita mo'y susuko ka na lang. He had grown into those features, his bone structure
was fine and perfectly symmetrical. It was manly. And as he aged he became all the
more striking.

Bahagya akong umagat upang halikan ang kaniyang labi na kaagad niyang tinugunan,
sandali lamang ako doon dahil pinaglandas ko ang aking labi sa kaniyang leeg pababa
sa kaniyang dibdib.

May kaunting buhok siya doon, maninipis. He groaned when I licked his right nipple.

Natuwa ako sa naging reaksyon niya. Napaawang ang kaniyang bibig sa aking ginawa,
mas bumaba ako sa kaniyang matigas na tiyan. Inilabas ko ang aking dila at nilandas
ang gitna na naghihiwalay sa kaniyang abs.

Nakita ko kung paano gumalaw ang kaniyang adams apple ng hawakan ko ang kaniyang
belt.

"B-Baby..."

Ngumisi ako sa kaniya, hindi naman ako gano'n na kainosente. Sa tagal kong kasama
si Daryl, malala pa ang mga nakita ko sa cellphone niya noon.

I unzipped his slacks. Hinila ko pababa ang kaniyang pantalon, tinulungan niya ako.

Napaawang ang aking labi ng makita ang kaniyang pagkalalaki. Nang huli ko itong
makita ay madilim kaya hindi ko na masyado maalala pero ngayon harap-harapan na
lang para akong lalagnatin.

His cock is hard and proud.

Dahan-dahan kong inilapit doon ang aking labi kasabay ng malulutong na mura niya. I
licked the head of it then kissed a little. I chuckled when he groaned in
frustration.

Oh my Sir is so impatient now huh?

Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya ng dahan-dahan kong ipinasok ang umiigting
niyang pagkalalaki sa aking bibig. Bahagya pa niya akong hinawakan sa balikat
habang nakaawang ang kaniyang bibig na nakadungaw sa akin.

I moaned when I tasted him in my mouth. Mas lalo akong nabasa sa isipin na ang
tirik na tirik niyang pagkalalaki ay nasa makipot kong bibig.

"Shit! Cha, ang sarap," deliryo niya.

Mas ginanaham pa ako, nagsimula akong gumalaw. Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng
ulo ng pagkalalaki niya sa lalamunan ko, hindi ko pa sinasagad iyon ay puno na ang
aking bibig.

Mas pinag-igihan ko ang ginagawa. I want to pleasure my husband. Taon ang nawala sa
amin, ngayon pa ba kami mag iinarte?
Lumiliko ng tunog ang paglabas masok ng ari niya sa aking bibig. Bahagya na rin
gumagalaw ang kaniyang balakang upang salubungin ako.

I feel him growing big and hard inside my mouth.

I sucked his cóck while massaging his balls. Nang tiningala ko si Travis ay
nakahawak na siya sa buhok niya habang nakatingala. Nagiging madiin na ang bawat
pag-ulos ng kaniyang balakang sa akin na nakakadagdag pa ng sensasyon sa akin
katawan.

"Ohh! Sascha baby, faster! Ohh!" he moaned.

Parang wala na kaming pakielam kung may makarinig man sa amin sa labas.

Iniluwa ko ang kaniyang pagkalalaki, hindi ko na hinintay na umangal siya. I licked


his balls. Halos mapaigtad siya doon. Itinaas baba ko ang aking kamay sa kaniyang
kahabaan habang ginagawa iyon.

Mula sa ibaba ay pinaglandas ko ang aking dila sa katawan ng kaniyang kahabahaan


hanggang ulo.

Nang makarating ako sa dulo ay isusubo ko sana ulit ng hawakan niya ang pisngi ko.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Hingal na hingal siya habang mapungay ang mata
na tiningnan ako.

"Don't you like it, Sir?" tukso ko sa kaniya.

"I don't want to come yet, I want inside your pussy," he whispered.

Tumango ako, hinawakan niya ang aking balakang. Siya mismo ang naghiga sa akin sa
sofa.

Pumatong siya sa akin at halos mabaliw ako sa sarap ng kiliti at sakit ng


maramdaman ko siyang unti-unting pumasok sa akin. Pakiramdam ko ay naulit-ulit
iyong una namin.

Hinalikan niya ako sa bibig, gusto ko sanang tumanggi sa halik na iyon dahil galing
iyon sa pagkalalaki niya tapos malalasan niya pero mukhang balewala sa kaniya iyon.

Mariin akong pumikit at kumapit sa balikat niya ng isagad niya ang umiigting na
pagkalalaki sa akin.

Bumitaw siya sa paghalik. Pakiramdam ko ay punong-puno na ako, banat na banat para


sa kaniya.

He looked at me like I'm his prey.

He slowly moved inside me. He fuck me slowly and deep.

"Ohh, Travis... Ahh Sir sige pa.. Ohh! Bilisan mo pa!" deliryong aniko.

Travis let out a sexy deep chortle. "Yea, like that baby? Huh? Ang sikip-sikip mo
pa rin. Ang sarap mo."

Hindi ko na alam kung naka-ilang ulos pa siya sa aking loob. I was chanting his
name over and over. I came so fast, I orgasm around his dick.

Patuloy siya sa pag-ulos. Halos mapaliyad ako sa ginagawa niya. Halos mapasigaw ako
ng buhatin niya ako habang hindi inaalis ang pagkalalaki sa aking loob.
"I wanna bang you against the wall of my office," his voice was sexy raspy.

Iyon nga ang ginawa niya. Nakapit ako sa balikat niya nang mahigpit ipinalibot niya
sa kaniyang balakang ang aking hita.

I rolled my eyes when he pushed inside me against the wall. Pakiramdam ko ay


lalabasan na naman ako, bahagya niyang pinalo ang aking pang-upo.

"L-Lalabasan na-naman ako T-Travis... Ohh..."

"Come on baby, give it to me," he ordered. He pumped faster.

Parang gatilyo ang aking katawan na sumabog dahil sa sinabi niya. After two deep
thrust. Travis exploded inside me. Blasting his hot released. I moaned.

Kaagad niya akong kinarga ng matanggal ko ang pagkakapalupot ng paa ko sa beywang


niya. He kissed my temple.

"Let's make love to the restroom of my office," he said then walked inside the
restroom.

"I love you baby, hanggang sa huli kong hininga, ikaw pa rin," malambing na wika
niya habang karga-karga ako.

ILANG araw ang lumipas. Nasabi ko na kay Daryl ang pag-alis sa bahay niya, na
lilipat na ako sa bahay ni Travis. Pumayag naman siya pero para siyang tatay ko
kung magpayo sa mga dapat kong gawin. Sinabi pa niyang kakausapin muna niya si
Travis.

Hindi ko na alam sa kanila.

Ngayon ay nasa bahay ako dahil sabado. May usapan kaming kakain sa labas at
bibisitahin namin ang magulang ni Travis kaya nag-aayos na ako.

Wala ang mga bata, kinuha sila ng mama ni Daryl. Doon muna raw ang mga apo niya
ngayon araw.

Nang makuntento na ako ay lumabas na ako sa aking kwarto naabutan kong nanunuod ng
tv si Daryl. Nang makita niya ako ay pabirong sumipol siya.

"Aw, my babe," napairap ako doon. "Susunduin ka ni Travis?" tanong niya.

Tumango ako. "Padating na 'yon, sabi niya kanina nasa biyahe na siya."

Sasagot pa sana si Daryl ng tumunog ang kaniyang cellphone, kunot-noong sinagot


niya iyon.

Pinanuod ko ang eksoresyon sa kaniyang mukha.

Bahagyang nalukot iyon bago napalitan ng gulat. Nanlaki ang kaniyang mata saka
napalingon sa akin.

"What?" I mouthed.
"O-okay..."

Mabilis siyang tumayo at kinuha ang kaniyang susi, naguguluhan ako sa kilos niya
lalo ng hawakan niya ako sa braso.

"Lets go."

"Teka! Daryl saan tayo pupunta? Dadating na si Travis!" gulat kong usal.

"N-Nandoon si Travis."

Sumama ako sa kaniya kahit naguguluhan. Sasapakin ko talaga 'to kapag wala naman si
Travis sa pupuntahan namin.

Tumingin ako sa orasan, 9:35 pm na.

Mas lalo akong naguluhan dahil huminto kami sa ospital.

Mabilis siyang bumaba at inalalayan ako.

Tanong ako nang tanong sa kaniya habang pumapasok kami, may naiisip na akong
dahilan pero ayoko iyon isipin. Hindi!

Para akong natulos sa kinakatayuan ko ng makitang umiiyak si Ate Angel habang nasa
harap ng isang kwarto.

Anong meron?

"A-Ate bakit?" kabadong tanong ko.

Umiiling-iling siya habang umiiyak, dinaluhan siya ng kaniyang asawa. Para bang
hindi siya makapagsalita sa sobrang pag-iyak.

Hinawakan ni Daryl ang braso ko at iginiya kami ng mga tao doon papasok sa kwarto.

Napakapit ako sa hamba ng pintuan dahil parang nangyari na ito noon. Nangilid ang
luha ko sa sobrang kaba. Sino ba ang pupuntahan namin? Akala ko ba nandito si
Travis?

Binuksan ng nurse ang pintuan unang pumasok si Ate Angel at ang asawa niyang
Doctor.

Napatulala ako ng makita ang lalaking nakahiga sa kama. Umawang ang aking labi sa
dami ng dugo sa kaniyang mukha. Napahikbi ako habang nakatingin kay Travis.

Madaming nurse sa paligid. Lumabo na ang mata ko, inalalayan pa akong mas pumasok
ni Daryl pero wala ng lakas ang tuhod ko.

Tanging hagulgol ni Ate Angel ang umaalingawngaw sa kwarto. Nang lumingon ako kay
Daryl ay nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin.

"D-Doc..." tawag ko sa doctor para sana tanungin kung anong nangyayari.

Umiling siya sa akin. Parang may bumuhos ng malamig na tubig sa akin.

"I'm sorry Mrs. De Vega. We did our best to save your husband. I'm sorry, he died
at 9:30 pm."
***

#EpilogueNext.-----------------------------------------------------------

Wakas

I roamed my eyes on the dark garden. The stone path was punctuated with weeds after
every stone. The dishevelled, un-manicured lawn was more moss than grass. I walked
on stone path while thinking why I am here.

We had a dinner with a family friend. Hindi ko alam kung bakit sinama pa ako nila
Mommy, kung hindi niya ako pinilit na sumama rito siguro ay tapos ko na ang ini-
sketch kong bahay.

Ipinasok ko ang dalawa kong palad sa bulsa ng aking jacket nang umihip ang malakas
na hangin. Pinagmasdan ko ang kabuoan ng bahay. Maganda at simple lang.

I sighed and listen to my surrounding.

My eyebrows shot when I heard a weird noise. Ginala ko ang aking mata sa hardin,
halos mapaatras ako sa kinakatayuan ko ng makita ang isang batang babae na naka-upo
sa gilid at ... wait, what the fuck is she doing there?

Nang magtama ang aming mata ay bahagya pang napaawang ang kaniyang manipis na labi
sa presensya ko. Even my mind is blank right now, I turned around.

Wtf? Bakit doon niya ginagawa iyon? Sino ba ang bata na 'yon?

"Are you done?" I asked her after a minute.

"Y-Yes."

Humarap na ako sa kaniya at mas lumapit. Why I suddenly want to see her closely
huh? Nakabusangot ang kaniyang mukha na tiningala ako.

I couldn't even guess how long we've been standing in here. Her eyes stayed on
mine. Looking at me as if studying me.

Tumikhim ako. "Who are you and... why did you... nevermind," I trailed off.

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang tanungin sa kaniya iyon.

"Ikaw sino ka? Bahay namin 'to iihi ako kung saan ko gusto, naiihi na ako. Sino
ka?" she asked me. I stared at her lips as she spoke.

Napataas ang kilay ko tono niya.

Walang galang na bata.

"I'm older than you, you should respect me, kid." I pointed out.

Inismidan niya ako at inirapan. Oh, baby don't rolled your eyes like that infront
of me again. 

Mas lumapit pa ako sa kaniya upang mas makita ang kaniyang mukha. She had a pink
cute lips. Her eyelashes were velvety.

Ang matapang niyang mukha ay unti-unting nawala, nagulat ako ng bigla niyang
humikbi. Kinagat niya ang ibabang labi. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o
aalis na ako para tumigil siya sa pag-iyak.

"B-Bakit mo ako pinapagalitan?! Ikaw na nga may kasalanan!" sigaw niya.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Shit! Kapag hindi tumigil ang batang 'to baka ako
pa ang pagalitan kahit wala naman akong ginagawa.

"Hush, huwag kang umiyak, inaano ba kita?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

Inalis niya ang aming pagitan, halos matuloy ako sa aking kinakatayuan ng hampasin
niya ang aking tiyan. Pakiramdam ko'y buong lakas niya akong sinuntok sa tiyan pero
nang tumama ang maliit niyang palad sa akin ay malambot iyon.

Hinawakan ko ang dalawang pulsuhan niya para tumigil siya. Mas lumakas ang iyak
niya.

I twitched my nose.

Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang aking palad. Inaano ko ba 'to? Bakit umiiyak?

Nagpumiglas siya sa ginawa ko at sa huli ay kinagat niya ang aking kamay dahilan
upang mabitawan ko siya.

"Ano ba?" I feel irritated.

"Ikaw pa galit! Ang bad mo! Sinilipan mo nga ako! Tapos sinisigawan mo pa ako! Ang
sabi ng teacher ko bad daw 'yon, bad ang gano'n! Bawal 'yon makita ng iba kasi
private 'yon!" she shouted. Naningkit ang aking mata sa sinabi niya. Pulang-pula
ang kaniyang mukha. Can I pinch her cheeks? Damn.

I was stunned to her words and I'm amused at the same time.

I chuckled. "Yep, it's bad. Unless we are married." I said unknowingly.

Natigilan ako sa sarili kong salita, saan ko ba'yon nakuha? Nakita kong tumigil
siya sa pag-iyak. Dahil sobrang lapit namin ay tumingila siya sa akin.

"But you're older than me..." she whispered.

This little girl gave me a headache, I don't know if I want to laugh or what. Wala
naman akong intensyon sa sinabi ko, ang totoo ay wala naman akong nakita sa kaniya.
Sobrang dilim at kung may makita man ako, wala siguro iyon sa akin. She's just a
little girl.

Ginulo ko ang kaniyang buhok. Malambot iyon, bahagya ko pang naamoy ang kaniyang
buhok. What is that? Strawberry shampoo?

"That's why you need to grow up fast," pang-uuto ko sa kaniya.

Sinimangutan niya ako. I protruded my lips.

"Ayoko sayo! Nilagay ko doon sa diary ko, teacher ang papakasalan ko. Katulad ni
Ma'am teacher din ang asawa niya," she said.

I repeat her words on my minds, trying to understand. Bahagyang tumaas ang aking
kilay. I'm planning to take Engineering but...

"I'll be a teacher then," wika ko.

Ang simangot ng kaniyang mukha ay napalitan ng matamis na ngiti, malakas na


kumalabog ang dibdib ko. Naikuyom ko ang aking kamao dahil doon.

What the fuck Travis?

MAINGAY ang tawanan ng mga kaibigan at kaklase ko, nangingiti lang ako habang
nakapikit at nakasandal ang ulo sa kawayan na upuan. Today is my friend's birthday.
Nasa palawan kami, huling gala namin bago magpasukan.

College life sucks.

Ngayon taon ay student teacher na kami, kaya sinusulit na namin ang mga natitirang
araw namin.

Malakas ang tawanan at nakakarinig ako ng kumakanta pero inaantok na ako. My


alcohol tolerance is not that high. Minsan lang ako uminom at iyon ay kapag may
okasyon lang, bilang na bilang ko lang kung ilang beses pa lang akong uminom.

Naramdaman kong may tumapik sa aking pisngi, nang dumilat ako ay kaibigan kong
lalaki iyon. What's his name again?

Tumatawa siya habang may sinasabi na, ngumisi ako saka tumayo. What the fuck are
you saying dickhead?

I groaned when he pulled me up. Inalayayan niya ako kung saan, wala na akong lakas
para tumigil at tanungin siya. Gusto ko na lang matulog.

Nang inilapag niya ako sa malambot na kama ay napabuntong-hininga ako. Finally! A


bed.

May sinabi pa siya sa akin pero wala na akong pakielam. Narinig kong nagsara at
bukas ang pintuan. Natulog na ako. Bukas ay sasapakin ko sila isa-isa dahil dinaya
ata ako sa tagayan.

Nagising ako dahil pakiramdam ko'y lumamig ang paligid pero mainit sa pakiramdam.

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko sa madilim na kwarto.

Kaagad bumaba ang mata ko, halos mapabalikwas ako ng bangon ng makita si Aryan na
hawak-hawak na ang pagkalalaki ko habang mapungay ang matang nakatingin sa akin.

Shit! Shit! Shit!

My mouth dropped open when she sucked me. Her mouth is warm, her tongue twirl
around my sharp.

"A-Aryan... What the... fuck?!"

"Travis please, I want you inside me... Sir."

Pakiramdam ko'y nawala na ako sa ulirat ng dahan-dahan siyang umupo sa aking


ibabaw.

I grabbed her waist before claiming her lips. I fucked her hard.

HALOS isang buwan lang ang lumipas ng sabihin sa akin ni Aryan na may nabuo kami sa
isang gabi na nagpadala kami sa tawag ng laman.

I brushed my hair using my fingers. What should I do now?

I'm just nineteen, nag-aaral pa kaming dalawa. Tangina!

Nilingon ko siya habang umiiyak sa tabi ko. Isang linggo na simula ng sabihin niya
sa akin iyon, noong una ay iniwasan ko siya. I was frustrated, naisip ko lahat ng
mangyayari sa akin. But in the end I realized I was being selfish. I should think
about her feelings too.

Katulad ko ay bata pa rin siya, ano na lang ang sasabihin ng iba kung lumaki ang
tiyan niya at takbuhan ko siya.

Bahagya kong pinunasan ang luha niya pisngi gamit ang likod ng aking palad.

Nasa rooftop kami ng university namin.

"H-Hindi 'to pwede Travis... Nag-aaral pa tayo, madami pa akong balak. Yung kapatid
kong babae ako na lang ang kasama niya Travis," hindi ako nakapagsalita sa sinabi
niya.

Kasalanan ko rin naman, bakit ba kasi hindi ko napigilan? Tangina naman. Kung
napigilan ko edi sana hindi aabot sa ganito. Kung tinulak ko siya't hindi nagpadala
sa libog sa katawan.

Huminga ako ng malalim.

"I'll take care of you and the baby, Aryan. I'll take the responsibility. Pag-
aaralin ko ang kapatid mo, magtatayo ako ng maliit na negosyo para habang nagtuturo
ako may iba pang pagkikitaan. Huwag ka na umiyak. Hindi kita papabayaan. Ginawa
natin 'yan pareho. Kung iniisip mong ipalaglag 'yan, hindi kita mapapatawad. So
think straight, okay?" mahinahong usal ko.

Marahan siyang tumango. Hinimas ko ang likod niya para lalong tumigil sa pag-iyak.

God, please help me.

Gano'n nga ang ginawa ko, I know we moved so fast, nagpakasal kami na tanging kami
at ang kapatid niyang babae lang ang nandoon. Simpleng kasal, basata naisip lang
namin na bago lumabas ang bata ay kumpleto siyang pamilya.

Hindi na ako makapag-isip ng tama. Ang naiisip ko lang ang bata, bahala na sa akin.
Bahala na. Siguro ay kapag lumipas naman ang panahon ay matututunan ko rin mahalin
si Aryan, maybe I can love her because she's the mother of my child.

But the destiny played so bad to me.

Dinugo si Aryan ng maglimang buwan ang tiyan niya. We lost our baby.
I clenched my jaw. I punched the door. Fucking life!

Kailan tanggap ko na saka mawawala! Kailan unti-unti tinatanggap ko at handa na


akong sabihin sa magulang ko saka mawawala.

I cried that night. I drink until I passed out.

Baby ko 'yon e, that was my first child. My blood.

Simula noon hindi ko na nakita si Aryan, I tried to looked to her but she's nowhere
to be found. Sinubukan ko siyang hanapin sa bahay nilang magkapatid pero sabi ng
kapatid niya'y umalis daw ang ate niya.

Mabilis lumipas ang buwan. Handa pa rin akong pag-aralin si Alice, Aryan's sister.
Kahit bigla na lang siya naglaho, I will keep my promised. Ako ang nagpa-aral kay
Alice. Nag-aaral ako habang nagta-trabaho sa gabi, I don't want to ask any money to
my parents. I know they will happily give me but I can't. Gusto ko ako ang tatayo
sa sarili kong paa, walang tulong.

HINILOT ko ang aking sentido, kakatapos lang ng klase ko't tumawag na si Mommy. She
said we will having a dinner with her friend. Which friend? Bakit ba sinasama pa
ako? Nandoon naman si Terron, baka pwedeng hindi na ako?

But of course, I can't say no to my mother's drama.

"Hi kuya!" bati ni Terron saka pabirong niyakap ako nang sumaopit na ang dinner
with friends na tinutukoy ni Mommy.

I tapped my brother's shoulder.

"How's your study?" tanong ko.

Naglakad kami papasok sa isang restaurant.

Tumaas ang kaniyang kilay. "Syempre pasado!" ngumisi lang ako sa kaniya.

Dapat lang, sayang ang perang ginagastos sa'yo kung puro ka bagsak.

Seryoso ang aking mukha ng makalapit kami sa isang malawak na lamesa. I saw my
mother's wide smile. Medyo kinabahan ako, kapag ganyan ngumiti si Mommy ay
pakiramdam ko'y may pinaplano siyang kabaliwan.

"Oh! Nandito na pala si Travis!" Tumayo siya saka sinalubong ako.

I hugged her and kissed her on her right cheek. "Hey mom."

Bumalik siya sa upuan niya, I hugged my father too. "Anak mabuti't nakapunta ka,"
ani Daddy.

As if I have a choice here? Gusto ko sanang sabihin pero itinikom ko na lang ang
aking bibig.

Pumalakpak si Mommy saka inilahad ang kamay sa mga tao sa harap namin. Doon pa lang
ako tumingin sa kanila.
My eyes darted on a small kid. She looks familiar. Wait...

"Travis, do you remember them? This is Tita Chris and Tito Sendro, of course their
daughter Sascha." pakilala ni Mommy.

Hindi ko kaagad na alis ang mata ko sa kaniya. Do you remember me kid?

She looked at me blankly. I suddenly feel annoyed. Bakit hindi siya apektado? Damn.
Ano bang paki ko?

Tumikhim ako. "Good Evening, Tito, Tita."

Nakangiting tumango sila sa akin. Umupo na ako, sa mismong harapan niya.

Hindi naman siya nakasimangot pero pakiramdam ko'y ayaw niya rin na nandito siya.
Napipilitan ka? Edi umalis ka na.

Nasa kaligitnaan kami ng pagkain ay paminsan-minsan ay may tinatanong sila sa akin


na agaran ko naman sinasagot.

I looked at her, nahuli ko siyang nakatingin din sa akin kaya nginisian ko siya.
Hmm.

"Di ba iha mag de-debut ka na?" excited na tanong ni Mommy.

Uminom ang ng ice tea habang nakasulyap sa kaniya. Oh, kid.

"O-Opo, tita."

"Nako, don't call me Tita iha, Mommy na lang," humalakhak silang matatandang.

Napakunot ang aking noo. Wtf, mom?

Natapos ang dinner na 'yon. After days, my father told me that I will marry that
kid.

Hindi ko alam pero hindi ako nagalit o nagtanong kung bakit. Tumango lang ko.

Kahit sila ay gulat sa reaksyon ko. Hindi ko alam.

"Kung ayaw mo kuya ako na lang, maybe we will click." ngumisi si Terron.

Sumandal ako sa upuan at pinagkrus ang aking braso sa dibdib. I really want to
punch my brother's face right now.

Nakipagkita ako kay Angel, isang araw. Kinuwento ko sa kaniya ang pinaplano ng
magulang ko. Angel is my bestfriend. Well, magkapit bahay lang kami sa village kaya
halos sabay na kami lumaki. Medyo hindi lang kami nagkita ng mag-college na ako
dahil umalis na ako sa bahay ng magulang ko.

"Woah, so what you're trying to say Trav? Na hindi ka tumanggi," usisa niya habang
kumakain ng pasta.

Nagkibit-balikat ako. "Yup, I don't know, why? What should I do now Angel? Sabi ni
Daddy after ng debut niya, engagement party na," sumandal ako sa upuan.

Tinaasan niya ako ng kilay. "You know naman ang sasabihin ko about that, you should
ayos muna the first problem bago iyan isa pang problem," alam ko ang tinutukoy
niya.

Angel found out that I married Aryan years ago. Wala naman ako matatago sa babaeng
'to.

"Hindi naman 'to problema."

Napanguso siya. "So it is not a problem, e ano? Blessing?" panunuya niya.

Hindi naman kasi talaga problema ikasal sa bata na 'yon. I mean... Ugh.

Nagkibit-balikat ako.

"Is it mahirap ba mag decide? You should hanap na si Aryan if you want to tuloy
that marriage to a little girl," humagikgik siya.

Tinaliman ko siya ng tingin. "Stop it, Angel. She will be legal soon. Magbibirthday
na siya," bakit ba nagpapaliwanag ako?

Mas humalakhak siya. "Sorry Trav, kaya pala nirereto kita sa mga kawork kong nurse
at iba pa kasing edad natin ayaw mo. You like kids pala," aniya na natatawa.

Binato ko siya ng tissue. "Kumain ka na nga lang, and please stop being fucking
irritating conyo. Bakit ba ginaganyan mo salita mo?" inis na usal ko.

Ngumisi siya. "Wala lang, nakakatuwa lang makita reaksyon ng kausap ko kapag
ginagawa ko 'yon. Hahaha."

Napailing na lang ako. Please remind me why this girl is my bestfriend?

I LOOKED at the crowd, I looked at the happy faces of my family. The wedding was
small and simple. Wala pa atang singkwenta ang imbetado.

Binasa ko ang ibabang labi ko.

My chest was hammering as the doors open and my bride stepping out with her
parents.

I couldn't help but to look over her lovely frame. Her smooth skin adorned in
fitted lace that covered her arms.

I sighed when I saw her looking at me intently. Ano kayang inisiip niya? Kapag
tumakbo talaya siya paalis ay handa ko siyang habulin. Natatakot ako, baka... baka
ayaw niya sa akin? Am I too old?

Baby, I'm just twenty four.

Nang huminto siya sa harap ko ay hindi ko magawang ngumiti, ganon din siya. Hindi
ako makangiti hindi dahil hindi ako masaya.

I'm fucking happy!

But I know... this is wrong. I lied to them.

"Travis, do you take Sascha as your lawfully wedded wife?"


My hand held her hand tightly. Baka bigla siyang tumakbo atleast hawak-hawak ko
siya.

"I do," I whispered.

Bahagyang umawang ang labi niya. Huminga ako ng malalim dahil mabilis ang tibok ng
puso ko. Ang ganda niya tangina!

"Sascha, do you take Travis as your lawfully wedded husband?"

Her lips parted.  "I do."

NANG maikasal kami ay kaagad siyang lumipat sa bahay ko, kapag nag-uusap kami ay
parang iwas siya lagi. Napagdesisyunan kong tapusin ang pagtuturo ko sa Quezon,
ilang buwan ako pabalik-balik lang bahay. Kinuha ko rin ang pagkakataon upang
hanapin si Aryan.

Pero wala talaga.

Nang makauwi na ako sa Pampanga ay sinadya kong sa School niya ako nag-apply. I
missed month of her, gusto ko naman makita siya araw-araw.

Hindi na ako nagulat ng makita ko doon si Alice, ang ipinagtataka ko ay umaarte


siyang hindi niya ako kilala. Ayos lang sa akin, kung iyon ang gusto niya at doon
siya komportable.

MABILIS lumipas ng buwan, kung kailan naamin ko na kay Sascha ang lahat doon pa
niya nalaman ang totoo. Kung kailan niya sinabing mahal niya rin ako ay doon pa
nabunyag ang tinatagao ko.

Yakap-yakap ko siya habang umiiyak siya sa harap ng kabaong ng kaniyang magulang.


Para akong hindi makahinga habang nakatingin sa kaniya na tulalang umiiyak, nandito
ang mga magulang ko rin.

"B-Baby, please calm down..."

Hindi niya ako pinansin, pakiramdam ko'y unti-unti'y mawawala na siya sa akin.

Hindi ko iyon kakayanin.

Nang malaman kong na-depressed siya ay hindi ko maiwasan sisihin ang aking sarili.
Kasalanan ko naman talaga, katulad ng paulit-ulit niyang sinasabi tuwing nakikita
ako sa dumaang buwan.

Hinimas ko ang kaniyang ulo habang natutulog. Hinalikan ko iyon.

"Aalis ako ng ilang araw o linggo. Babalikan kita ha? Ayusin natin 'to. Babalik
ako. Mahal na mahal kita, Sascha," bulong ko.

Umalis ako papuntang ilo-ilo, sabi sa akin ni Alice na nandito raw ang ate niya.
Halos dalawang linggo ako doon pero wala akong napala.

Nang makauwi ako sa Pampanga ay wala na si Sascha. Angel told me everything, how my
wife break down. How we lost our baby.

Pangalawang anak ko na ang nawala, at ngayon pati ang babaeng mahal ko ay umalis na
rin.

I understand her but I'm hurt too. Ganon lang niya ako kadaling iwan? Para bang ako
lang ang kumakapit sa kaniya. Kahit gusto ko siyang kausapin at magmakaawa na umuwi
na kami ay hindi ko na ginawa. Alam kong kailangan niya iyon.

Tuwing may pagkakataon ay binibisita ko siya sa ibang bansa. Iyon nga lang ay sa
malayo lang ako.

Gustong-gusto ko sa kaniyang sabihin lahat. Na sumuko na si Alice. Alice killed


Aryan, she's obsessed to her sister. Pakiramdam niya ay iiwan siya nito dahil
kinasal kami, parang kung paano niya tingnan si Sascha. Maybe she triggered again,
pakiramdam niya ay kukunin ko si Sascha sa kaniya kung paano ko kinuha ang ate
niya.

I don't know about her mental illness. Ipinasok ko siya mental institution. Sa
kagustuhan din naman niya.

Mabilis lumipas ang taon.

I smiled when I saw her on the airport. Finally, my baby is home now. I will get
you back! I will take what's mine.

HUMINGA ako ng malalim ng umalingawngaw ang malakas na pag-iyak ni Angel sa kwarto.


Sabi nila, iyon daw ang clue na nasa kwarto na si Sascha.

I don't know how they forced me here. I asked our friends to help me to propose to
Sascha. I want to marry her again.

Actually, gusto ko sana simple dinner lang at doon ko siya tatanungin pero si Angel
ay sinabing boring daw iyon, dapat daw ay excited para hindi makakalimutan.

So everyone planned this.

Kunwari ay naaksidente ako at kapag daw umamin na si Sascha ng todo ay doon pa lang
ako babangot. Damn it, I don't want my baby cry but somehow, I feel excited.

Narinig kong humagulgol si Sascha ng sinabi ni Rico na patay na ako. Fuck you, for
making my baby cry.

Hindi ko alam bakit hindi nakilala ni Sascha si Rico, siguro ay dahil naka-mask
ito. Ang mga nurse sa paligid ay ang mga kaibigan niya. Nandito rin si Terron na
nagpanggap na nurse.

I gulped when she held my hand. Pinigilan ko ang aking hininga ng sumubsob siya sa
aking kamay at doon humagulgol.

Damn it! Hindi ko na kaya.


Bahagyang idinilat ko ang mata ko at nilingon siya habang umiiyak. Pinandilatan ako
ni Daryl at sinenyasan ako na pumikit ulit.

Gago, ikaw kaya rito tingnan ko kung makaya mo makita asawa mo umiiyak.

"T-Travis... G-Gumising ka na ano ba naman? H-Huwag ganito Travis. Hindi ko kaya!


Hindi ko kaya! A-Ayoko!" hagulgol niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, may kaunting pekeng dugo na pumasok sa bibig ko.
Sasapakin ko talaga si Terron pagkatapos nito, sabi ko kaunti lang pero pinaligo sa
akin lahat.

Mas lumakas ang ang iyak niya sa aking kamay. Nakayuko siya doon. Dinaluhan siya ni
Daryl, sinamaan ko siya ng tingin ng hawakan niya si Sascha sa balikat.

Kung sapakin kaya kita? Abat.

"S-Sascha tanggapin na lang natin," pag-aalo niya sa asawa ko.

Umiling-iling si Sascha.

"A-Ayoko! Travis ano ba gumising ka! I love you so muxh!" sigaw niya.

Hindi ko na napigilan, pakiramdam ko ay ang sama-sama ko dahil pinagkaisahan namin


siya. I'm sorry baby.

Mabilis akong umupo, gulat siyang tumingin sa akin. Nanlaki ang mata niya, umawang
ang mapula-pula niyang labi, parang may kumurot sa aking puso ng makita ang mugto
niyang mata.

"T-Travis!"

Mabilis kong sinapo ang kaniyang mukha. "I'm sorry, baby. I love you too. I'm so
sorry." Inilabas ko ang singsing sa bulsa ko saka inilahad sa kaniya.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na inilahad sa kaniya.

"Please, marry me again..." I said to her while looking at her eyes.

I expected her to shout at me, to slap me hard, to walk out because of what we did
but what surprised me is when she jumped on the bed and hugged me tight.

"Yes! Yes! I'll marry you again! Thanks God you're alive," bulalas niya. Nagpalakan
ang lahat ng nandoon pero parang wala na kaming nakita at narinig na iba.

Umawang ang aking bibig. Ginantihan ko ang kaniyang yakap. Napabuntong-hininga ako.

"A-Are you n-not mad?"

Umiling-iling siya habang mahigpit ang yakap sa akin. Parang mag humaplos sa aking
puso.

"N-No. Mas masaya ako kasi hindi totoo na hindi mo ako iiwan. Hindi ko kaya
Travis." Sinapo niya ang aking mukha. Ang mainit niyang kamay ang dahilan upang
mapapikit ako.

"Thank you for loving me, Travis. Thank you for teaching me how to love and the
importance of forgiveness. Thank you for teaching me to see the beauty in my
surroundings, that wherever you are and wherever life leads, there is beauty to
enjoy, breathe in, and be a part of."

My lips trembled, my tears rolled down to my cheek.

I love this woman so much.

***-----------------------------------------------------------

Special Chapter

"Good bye class, have a good day," wika ko saka inayos ang aking mga dala.

Nagsi-labasan ang aking mga istudyante, ngumiti ako sa kanila. Lumapit ang isa kong
istudyante. "Ma'am kami na po magdala sa faculty ng mga notebooks," ani ng isa.

Ngumiti ako saka tumango. "Sige, pakilapag na lang doon sa may lamesa sa gilid ha,
tapos umuwi na kayo pagkatapos. Thank you."

Lumabas na ako sa classroom saka hinawakan ang medyo kalakihan ko ng tiyan. Hmm,
nagugutom na ako. Naglakad ako, may ilang istudyanteng binabati ako, binabati ko
rin sila pabalik.

I wonder if I can buy a mango shake.

Mang makarating ako sa Principal office ay kumatok ako bago pumasok. Kaagad akong
napangiti ng makita ang aking asawa na may kausap sa cellphone. Nang makita ako ay
kaagad siyang lumapit saka kinuha ang aking bag bago ako halikan sa labi ng
mabilis.

"Yes, maybe next week. Thanks," usal niya sa kausap bago patayin ang tawag.

"Tired?" tanong ni Travis.

Niyakap niya ako mula sa likod dahil takot siyang maipit ang baby namin. Hinalikan
niya ang aking leeg. "Hindi naman, masyado. Nagpa-lecture lang ako kanina."

"I told you baby, mag leave ka na. Kabuwanan muna sa susunod na buwan," mahinahong
aniya.

Hinimas ko ang pisngi niya habang nasa ganoon kaming posisyon. "Ayos lang naman
ako, saka mababagot lang ako sa bahay kaya ko pa naman magturo."

He groaned on my neck. Hindi na siya nakipagtalo pa, lagi na namin itong pinag-
uusapan. Noong nalaman namin na buntis ako ay gusto na nga niyang huminto ako sa
pagtuturo kahit na hindi pa man malaki ang aking tiyan noon.

Pero ayoko talaga, pakiramdam ko'y kapag nasa bahay ako ay manghihina ako saka
kilala ko naman ang aking katawan. Alam ko kung nahihirapan ako o hindi.

"Gusto ko ng mango shake," usal ko.

Naramdaman kong pag-angat ng sulok ng labi niya sa aking pisngi. "Sure baby, let's
go home?" malambing na aniya.
Hawak kamay kaming lumabas sa office niya. Hindi ko maiwasan hindi siya hangaan.
Nakaka-proud lang na asawa ko siya, na masasabi kong sa akin siya.

"Don't look at me like that baby," aniya ng mapansin ang pagtitig ko sa kaniya
habang naglalakad kami.

Ngumisi ako. "I love you Sir." wika ko.

Naitikom niya ang bibig, kitang-kita ko kung paano niya pigilan ang pagngiti niya.

"Ayieh, kinikilig ang asawa ko oh," humagalpak ako ng tawa.

Ngumuso siya saka ipinalibot ang braso sa akin.

"Sa'yo lang naman ako kinikilig, Ma'am."

Kinindatan pa niya ako bago inalalayan pumasok sa kotse.

NANG SUMAPIT ang sumunod na linggo ay isinama ako ni Travis sa Nueva Ecija, Bulacan
dahil may seminar siya doon ng ilang araw. Kahit gusto kong magpa-iwan ay hindi
siya pumayag.

Hindi raw siya mapapakali na malayo ako lalo't buntis ako.

Humigop ako ng buko juice na nasa aking baso habang nanunuod ng tv. Ako lang mag-
isa sa tinutuluyan namin bahay dito. Hindi namin inaasahan na aakyat ng bundok ang
seminar nila, magseseminar sila sa mga nakatira doon sa itaas ng bundok. Medyo
liblib na ang lugar kung nasaan kami.

Sabi ni Travis ay babalik siya kaagad. Pangalawang araw na namin dito, hanggang
apat na araw lang kami rito.

Hinimas ko ang tiyan ko saka ako napangiwi dahil biglang kumirot ang aking tiyan.

Kinagat ko ang aking ibabang labi ng maramdaman kong may umaagos na likido sa aking
hita. Shit! Pumutok na ang panubigan ko.

Suminghap ako't habang pilit na pinapakalma ang aking sarili. Nakangiwing inabot ko
ang aking cellphone para tawagan si Travis.

Nakailang ring pa lang ay sumagot na siya.

"Hello baby?"

"Travis! Ma-Manganganak na ako!"

Hindi kaagad siya nakapagsalita, tiningnan ko ang aking phone dahil akala ko ay
wala na siya pero nandoon pa rin, anong nangyari?

"Travis ano ba?!" sigaw ko.

Napakapit ako sa upuan ko. Ang sakit!

"O-Oo a-andyan n-na ako... K-Kumalma ka muna, uuwi n-na ako," naramdaman ko ang
pagpapanic niya.

Huminga ako ng malalim, sinubukan kong tumayo. Lilipat ako sa kama.

"Kumalma ka Travis, bilisan mo."


Pinatay ko na ang tawag, pinilit kong kumalma kahit halos mamilipit na ako sa
kirot. Mabilis ang aking paghinga, napahikbi na ako ng dugo na ang nakikita ko sa
aking hita.

Tinanggal ko ang suot kong panty, mabuti at naka-duster ako. Pinilit kong kumalma
sa kama, pilit kong inalala ang itinuro sa akin kapag manganganak na.

Pakiramdam ko ay lalabas na!

Para akong bubuga ng apoy na humahangos na pumasok si Travis. Namumutla na siya.


Nang makita niya ang dugo umaagos sa hita ko at kumakalat sa kama ay nanigas siya
doon.

Shit!

"Travis ano ba?! Dalhin mo ako ospital!" sigaw ko.

Doon siya kumurap-kurap at dinaluhan ako. "Y-Yes baby... nagpakuha na ako ng


sasakyan sa labasan para makapunta tayo sa pinaka-malapit na ospital. Calm down
okay, follow me. Exhale, inhale," paulit-ulit na aniya.

Pakiramdam ko ay mas kailangan niya iyon. Parang siya pa ang mas namumutla. Shit!
Matagal pa 'yon kung hihintayin at bibiyahe pa. Lalabas na talaga!

"T-Travis, hindi ko na kaya! Ahhh!"

Nahampas ko siya sa sobrang sakit.

Itinaas ko ang aking suot na duster. Pakiramdam ko ay lalabas na talaga hindi ko na


kaya!

"T-Travis lalabas na."

Nanlaki ang mata ni Travis. Dinungaw niya ang aking pagkababae mas lalo siyang
namutla sa nakita doon. "B-Baby 'yong ulo lumalabas na!" sigaw niya.

Kaagad siyang pumunta sa aking ibaba. Napaiyak na ako sa sakit, umiri ako nang
umiri. Kailangan ko mailabas ang anak ko, nilakasan ko ang loob ko.

Mahigpit na kumapit ako sa bed sheet, halos maihampas ko na ang aking ulo sa
sakit.

Huminga ako ng malalim saka umiri ulit.

"Good job, baby. More... sige pa! You can d-do it," wika ni Travis.

Naririnig ko ang pagnginig ng boses niya pero mas nananaig ang sakit sa akin.

"H-Hawak ko na, iisa pa. Kaya mo 'yan mahal. Last na ibigay mo na lahat! Come on,
I'm here," kinakabahan wika niya.

"Ahhh!" malakas na iri ang ginawa ko.

Hapong-hapo ako, pagkatapos. Naiiyak ako bumaba ang tingin kay Travis. Mas
napahikbi ako ng marinig ko ang iyak ng baby namin.

Nangilid ang luha ni Travis habang nakatingin sa anak namin, saka tumingin sa akin.
"Y-You did a great job, baby."

Pagod akong ngumiti sa kaniya, naibagsak ko ang binti ko kanina'y nakabukas.

Pakiramdam ko ay ang bigat ng talukap ng mata ko, bago ako pumikit ay tiningnan ko
muna ang anak namin na karga niya at bahagyang tinatanggalan ng dugo.

Napangiti ako, my baby.

Bago ako makatuloy kita ko pang umiiyak na si Travis habang hawak ang aming anak.

--

"I'm home!" napangiti ako ng marinig ang boses ng aking asawa mula sa sala.

Pinatay ko ang kalan saka humarap sa ref para kumuha ng juice. Nang isara ko iyon
ay siya naman pagpasok ng lalaki.

Ngumiti siya ng makita ako.

Lumapit siya't naglalambing na yumakap.

"Ang bango naman ni Misis," komento niya.

"Yung niluto ko 'yon, hindi ako."

Inabutan ko siya ng juice na kaagad naman niyang tinanggap. Nang matapos siyang
uminom ay pinaharap niya ako sa kaniya.

Nang magtama ang aming mata ay kumabog ang aking puso. Ganon pa rin ang epekto niya
sa akin kahit lumipas pa ang panahon.

Bahagya kong hinimas ang aking kamay sa kaniyang buhok na may puting buhok na. Hmm.
Still handsome even at the age of 50.

"Wala pa ang mga bata?" tanong niya habang marahan akong sinasayaw kahit pa wala
naman tugtog.

Nakapalibot ang kaniyang braso sa aking beywang, habang ang sa akin ay nasa
kaniyang leeg.

"Maaga pa, mamay pang ala-sais ang mga iyon," wika ko.

Marahan niya akong pinaikot saka ibinalika sa kaniyang bisig. "Hmm, noon ang ingay
pa ng bahay dahil maliliit pa sila, ngayon malalaki na nakakamiss mag-alaga ng
bata."

Humalakhak ako.

"So anong ibig mong sabihin Mr. De Vega? Na gusto mo ng bata ulit sa bahay? Ipapa-
alala ko lang sayo 43 years old na ako. Okay na 'yong apat na anak natin," naiiling
na wika ko.

Inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib habang marahan kaming umiikot.

"Kaya pa 'yan," malambing na aniya.

Natawa na lang ako sa sinabi niya, always horny. Nako! Hindi na talaga nag bago.
Tumingala ako sa kaniya. "Something hard poking my tummy," pinaningkitan ko siya ng
mata dahil naramdaman ko ang kaniyang alaga na tumatama sa aking puson.

Humalakhak siya.

"You are so beautiful, and I love you I can't help it, baby."

Piningot ko ang kaniyang ilong. "Uuwi na ang mga bata, mamaya na lang gabi."

Ngumisi siya saka hinalikan ako sa noo.

"Okay, I'm excited."

Nangingiting ibinalik ko ang ulo sa kaniyang dibdib. Mas lalo akong napangiti ng
marinig ang malakas na kabog ng puso niya sa tapat ng aking tainga.

Hmm, my husband loves me.

Nagpatuloy kami sa marahan na magsayaw, napapikit ako ng marinig ang pagkanta niya.
Ang aming love song, yung kanta namin noong kasal. You're still the one.

Thank you Lord, for giving me this man.

Hinalikan niya ang aking noo habang kumakanta.

Looks like we made it


Look how far we've come my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there someday.

Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng naging desisyon ko. Marahan niyang hinimas
ang aking likod saka siya tumigil sa pagkanta.

Tumingala ako sa kaniya. Nawala ang ngiti sa aking labi ng makita namumula ang
kaniyang mata.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

Umiling siya saka ngumiti sa akin.

"Thank you for teaching me how to compromise, be selfless, appreciate the small
things, and make sacrifices," he whispered.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya saka masuying ngumiti.

"No, ako dapat ang magsabi niyan. Thank you for everything, Sir."

~ THE END ~

Author's Note:
Thank you for reading and supporting "Teach Me, Sir". Hope you like the story of
Travis Klaus De Vega and Sascha Gayle De Vega.

I know this is too much but please leave a message/comment about this story or for
the author. Gusto ko lang malaman kung ano reaction niyo sa story.

Thank you! See you on the next story. Share niyo rin sa mga friends or kakilala
niyo 'tong story. Salamat.

Started: Dec, 20 2019


Ended: Jan, 31, 2020

S A V I O R K I T T Y

You might also like