You are on page 1of 3

Pahapyaw na Kasaysayan ng Retorika

Ayon sa Wikipedia (2013) sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng
pakikipagtalo sa Syracuse, isang isla sa Sicily noong ika-limang siglobago dumating si Kristo.
Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon ay
binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang
inilit ng nakaraang rehimen.
Ang marunong na si Corax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng
paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga
nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran.
Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag
elemento:
1.      ang proem o introdusyon;
2.      ang salaysay o pahayag nahistorical;
3.      ang mga pangunahing argumento;
4.    mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na
argumento(supporting arguments);
5.       at ang konklusyon. Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang
anumang pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence).
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di
gaanong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa
mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang
retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng
kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas.
Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.) sa pagsasabing walang
hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang
kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi
sustansiya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa
mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain. Kinikilalang
pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436–338 B.C.).
Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa
maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa.
Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng
nakabiting pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya.
Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat
(Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita,
ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.
Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa
siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa
tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o
maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan:
ang enthymemekung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang
batayan, sa halip na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa
o analogypara sa pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay
hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang
pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t
sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang
maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting
pangungusap. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na nagging batayan
sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa
nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan ni Aristotle ang oratoryong
deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing
nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate).
Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng
mga mabubulaklak at madamdaming mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng
papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.

Klasikal na Retorika

510 BC, Athens


1.   sa pagkakatatag ng demokra-tikong institusyon, nagkaroon ng pangangailangan sa
serbisyong publiko.

2.      Kinilala ang pangkat ng mga guro na tinatawag na Sophist

3.      Ang mga Sophistay nagsikap upang gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang


mga tao.

Protagoras -kauna-unahang Sophist at nagsagawa ng isang pag-aaralsa wika at nagturo


kung paanong ang mahihinang argumento ay magiging malakas na pahayag

Corvus Corax ng Syracuse, nagsabing ang retorika ay persuasionat nag-akda ng handbook sa


sining ng retorika
Antiphon -una sa itinuturing na Ten Attic Orators, ang nagsanib ng teorya at Praktika ng
retorika

Isocrates -ang dakilang guro ng oratoryo noon ikaapat na siglo, nagpalawak sa sining ng


retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal

Retorika sa Gitnang Panahon

Sa gitnang panahon, isa sa tatlong sabyek ng liberal na siningang retorikasa mga unibersidad


kasama ng gramar at lohika Retorika sa Gitnang Panahon

Sa panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 siglo) -ang pag-aaral ay muling


ibinatay sa mga akda ng klasikal na manunulat tulad nina Aristotle, Cicero at Quintillian.

Isa sa kontemporaryong disertasyon ng panahong ito ay ang The Art or Crafte of


Thethorykeni Thomas Wilson

Modernong Retorika
 Nabawasan ang importansya ng retorika sa teoretikal na aspeto ngunit hindi sa praktikal (ika-
18 siglo)

·         Mga popular na akda sa panahong ito:


·         Lectures on Rhetoric (1783)-Hugh Blair
·         Philosophy of Rhetoric (1776)-George Campbell
·         Rhetoric (1828)-Richard Whately

Sa unang hati ng ika-20 siglo, nagkaroon ng pagsilang ng pag-aaral ng pormal na


retorika bunga ng pagganyak ng semantiks, isang pag-aaral ng linggwistika

You might also like