You are on page 1of 3

PAGDIRIWANG NG BINYAG SA MAY SAPAT NA GULANG

(mula sa Collectio Rituum 2012, pahina 5)

I. PAGSALUBONG SA PINTO NG SIMBAHAN

Pari:
Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:
At sumainyo rin.

Pari (sa mga Bibinyagan):


Mga kapatid, tayo’y nagagalak na magkatipun-tipon
sa pagdiriwang na ito para sa ating mga kapatid,
na magiging kaanib ng ating Sambayanang Kristiyano.

Sa pasimula ng ating pagdiriwang


mangyari lamang na inyong ipahayag ang inyong layunin.

Nagpapabinyag:
Nais ko pong sumampalataya kay Kristo..

Pari:
Ano ang kapakinabangang idudulot nito?

Nagpapabinyag:
Ito po ay magdudulot ng buhay na walang hanggan.

Pari:
Ito ang buhay na walang hanggan:
ang pagkakilalla sa tunay na Diyos
at kay Hesukristo na Kanyang sinugo,
Si Hesukristo ay ating Panginoong nabuhay mag-uli.
Sa Kanyang pagkabuhay, ikaw ay makakapakinabang,
Sa pagdulog mo ngaun, ikaw ay magiging kanyang alagad.
Ikaw ba ay nakahanda na maging Kristiyano?
Ikaw ba ay nakapakinig na sa Salita ng Kristo
at nakapagpasyang sumunod sa Kanyang mga utos?

Nagpapabinyag:
Opo.

Pari (sa Ninong o Ninang):


Bilang mga ninong at ninang ng mga bibinyagan,
kayo ba ay makapagpapatunay na sila ay kapatdapat maging
kaanib ng Simbahan ?
Ninong at Ninang:
Opo.

Pari:
Bilang tagapagpatunay na sila ay karapat-dapat na maging Kristiyano,
kayo ba ay nakalaang tumulong sa kanilang paglilingkod
kay Kristo sa salita at sa gawa ?

Ninong at Ninang:
Opo.

Pari:
Bilang kinatawan ng Sambayanang Kristiyano,
ikinagagalak kong kayong tanggapin kayong mga bibinyagan
sa pamamagitan ng pagku-krus sa inyong mga noo. 

Ngayon naman mga magulang, ninong at ninang,


kayo ay inaanyayahan ko upang krusan sa noo ang inyong
mga pabibinyagan. 

Pari:
Manalangin tayo.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.

Ama naming maawain,


ipinagpapasalamat namin ang pagkakabatid ng aming mga kapatid
tungkol sa Inyong pagkupkop.
Sa pagtitipon ngayon, kanilang tinutugon ang inyong paanyaya
upang sila ay sumampalataya kay Kristo,
kaya’t papakinabangin mo sila, sa Iyong kaligayahan at bagong buhay.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang-hanggan.

Bayan:
Amen.

II. PAANYAYA SA PAGPASOK SA SIMBAHAN

Pari:
Tumuloy kayo sa loob ng Simbahan upang makisalo sa aming
pakikinabang sa salitang nagbibigay buhay.

Susundan ito ng prusisyon sa pagsisimula ng Banal na Misa.


III. PAGHAHAYO SA MGA KATEKUMENS

Ito ay gaganapin sa pagkatapos ng Homiliya, bago ang Pagpapahayag ng


Pananampalataya at ng Panalangin ng Bayan.

Unang Paraan
Pari:
Mga minamahal kong kapatid,
Ngayon ay sinimulan ninyo ang paglalakbay patungo sa
sa kaluwalhatian ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Kristo.
Si Hesus ang inyong magiging daan, katotohanan at buhay.

Sa kanyang pangalan kayo ay isinusugo


ng kanyang sambayanan na magdiwang,
sapagkat kayo ay bahagi na ng Kanyang mga pinili.

Hanggang sa muli tayong magkita sa mga pagsusuri


at sa inyong binyag,
Humayo kayo sa kapayapaan ni Kristo.

Nagpapabinyag:
Amen.

Kukunin ng isang katekista ang Aklat ng Mabuting Balita, at pamumunuan niya ang
prusisyon kasama ang sakristan at mga nagpapabinyag palabas ng simbahan.

Ikalawang Paraan
Pari:
Mga minamahal kong kapatid,
Kayo ay isinusugo ng kanyang sambayanan,
upang pagnilayan at pagbulay-bulayan
ang Salita ng Diyos na ibinahagi sa inyo sa araw na ito.
Kabilang kayo tuwina sa aming mga panalangin.

Umaasa kaming dumating ang araw


na kayo ay ganap nang makababahagi
sa Banal na Piging.

Kukunin ng isang katekista ang Aklat ng Mabuting Balita, at pamumunuan niya ang
prusisyon kasama ang sakristan at mga nagpapabinyag palabas ng simbahan.

You might also like