You are on page 1of 4

GUMAMIT NG IBANG PAPEL PARA SA IYONG KASAGUTAN

ISULAT ANG PANGALAN AT SEKSIYON ( PAPIRMAHAN SA MAGULANG ANG SAGUTANG PAPEL )

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tunay na tunguhin ng kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
2. Alam ni Bea na mahalaga sa pakikipagkapuwa ang pagmamahal. Ano ang gagawin niya?
A. Igagalang ang mga mayamang tao.
B. Igagalang ang mga guro niya ngayon sa Baitang 9.
C. Tulungan ang mga taong makapagbigay ng anomang kapalit.
D. Tulungan ang mga nangangailangan na hindi naghihintay ng gantimpala.
3. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng isang mapayapa na lipunan?
A. Tahimik ang lugar ni Adam dahil kaunti lang ang mga tao dito.
B. Mapayapa ang lugar ni Lyka dahil sa curfew tuwing gabi.
C. Umiiral ang paggalang at katarungan sa lugar ni Melvin.
D. May presensya ng martial law sa aming lugar.
4. Ang sumusunod ay mga elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Kapayapaan B. Paggalang sa indibidwal na tao
C. Katiwasayan D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
5. Aling sitwasiyon ang hindi nagpapakita ng kabutihang panlahat?
A. Ibinabahagi ni Art ang kaniyang mga sagot sa kaniyang katabi.
B. Nag-aaral si Allan upang makapagsilbi sa kaniyang lipunan bilang doktor.
C. Pina-iiral ang 4 P’s upang makatulong sa mga kababayang naghihirap sa buhay.
D. Isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan.
6. Paano isasabuhay ni Rose ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat?
A. Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
B. Magdasal araw-araw para patnubayan ng Diyos.
C. Tulungan ang mga magulang sa gawaing bahay.
D. Linangin ang sarili para umunlad bilang tao at maibahagi ang sarili sa iba.
7. Bakit kailangan ng bawat isa sa atin na kumilos upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. Dahil may kani-kaniya tayong kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan
B. Dahil ayaw natin makaroon ng mga tamad sa lipunan.
C. Dahil hindi tayo mabubuhay na mag-isa lamang.
D. Dahil may karapatan tayong kumilos.
8. Ang tunguhin ng lipunan ay dapat tunguhin ng bawat indibidwal. Sang-ayon ka ba rito?
A. Oo, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
B. Oo, dahil sa ganitong paraan matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
C. Hindi, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat indibidwal.
D. Hindi, dahil ang bawat indibidwal ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
9. Ano ang pinakamabisang solusyon sa problema ng kahirapan?
A. Education for All (EFA) C. Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)
B. Sagip Kapamilya Foundation (SKF) D. Philippine Health Insurance Corporation (Phil. Health)
10. Misyon ng tao ang pagpapanatili ang kabutihang panlahat. Alin dito ang hindi totoo?
A. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
C. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.
D. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan
11. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at
pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?
A. Lipunang Pang-ekonomiya C. Prinsipyo ng Pagkakaisa
B. Lipunang Politikal D. Prinsipyo ng Pagtutulungan
12. “May kailangan kang gawin na hindi mo kayang gawin mag-isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako
naman ay may kailangang gawin nang mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo.” Ang balangkas ay
tungmutkoy sa anong prinsipyo?
A. Prinsipyo ng Lipunan B. Prinsipyo ng Pagkakaisa
C. Prinsipyo ng Subsidiarity D. Prinsipyo ng kabutihang Panlahat
13. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
A. Pagkapanalo sa halalan
B. Angking talino at kayamanan
C. Kakayahang gumawa ng batas
D. Angking talino at katangiang pinagkakatiwalaan ng mga tao
14. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
A. Batas B. Mamamayan C. Kabataan D. Pinuno
15. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na
pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ng kabutihang panlahat?
A. Panlipunan B. Pampolitika C. Pagtutulungan D. Pagkakisa
16. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng Subsidiarity?
A. Pagsisingil ng buwis C. Pagbibigay daan sa Public Bidding
B. Pagsasapribado ng mga gasolinahan D. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay
17. Ano ang tawag sa pagkakabuklod o pagkakabigkis ng grupo o indibidwal sa lipunan upang matamo ang iisang layunin ng lahat?
A. Bayanihan B. Kabutihang Panlahat
C. Prinsipyo ng Pagkakaisa D. Prinsipyo ng Susidiarity
18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
A. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamaya.
B. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
C. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan
D. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang
19. Alin sa mga sumusunod ang maaaring ihambing ang isang pamayanan?
A. Pamilya B. Barkadahan C. Organisasyon D. Magkasintahan
20. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga
hangarin ng isang pamayanan?
A. kultura B. relihiyon C. batas D. organisasyon2
21. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay?
A. Lahat ay nilikha ng Diyos. B. Lahat ay iisa ang mithiin
C. Lahat ay dapat mayroong pag-aar
D. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman.
22. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.
C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.
23. Ito ay tumutukoy sa mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
A. Lipunang Politikal C. Lipunang Pang-ekonomiya
B. Lipunang Pagkakaisa D. Lipunang Sibil
24. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng
kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng
kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang
ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.” Ano ang kahulugan ng
pahayag na ito?
A. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
B. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya
C. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya
D. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kanilang naisin
25. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kanilang pag-aari?
A. Sa pag-iwas na maitali ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila
B. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit
C. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ng dami ng naimpok na salapi
D. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa
kanyang sarili.
26. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?
A. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
B. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.
C. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
27. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A . kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
B. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
D. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
28. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
A. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
B. Sa ganito natin maipapakita an gating pagkakaisa.
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
29. Bakit gumagawa at nagpapatupad at ang pamahalaan ng batas?
A. Upang matiyak ang lahat ay maging masunurin.
B. Upang matiyak na walang magmamalabis sa lipunan.
C. Upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
D. Upang matiyak na bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
30. Bakit gumagawa at nagpapatupad at ang pamahalaan ng batas?
A. Upang matiyak ang lahat ay maging masunurin.
B. Upang matiyak na walang magmamalabis sa lipunan.
C. Upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
D. Upang matiyak na bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.
31. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?
A. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
B. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.
C. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
32. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
A. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin
B. Sa ganito natin maipapakita an gating pagkakaisa
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon
33. Ano ang kahulugan ng mass media?
A. Impormasyong hawak ng marami
B. Paghahatid ng maraming impormasyon
C. Impormasyong nagpapasalin-salin sa marami
D. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon
34. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
B. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
D. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
35. Ito ay tumutukoy sa mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
A. Lipunang Politikal C. Lipunang Pang-ekonomiya
B. Lipunang Pagkakaisa D. Lipunang Sibil
36. Bakit mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
A. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya
B. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
C. Sa pamamagitan nito, mas naisaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.
D. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.
37. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng badyet sa isang bahay.
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkuan nito sa mga pangangailangan ng tao.
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan.
38. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Santo Tomas de Aquino?
A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.
C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao
39. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay?
A. Lahat ay nilikha ng Diyos. B. Lahat ay iisa ang mithiin
C. Lahat ay dapat mayroong pag-aari. D. Lahat y may kaniya-kanyang angking kaalaman
40. “May kailangan kang gawin na hindi mo kayang gawing mag-isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako
naman ay may kailangang gawin nang mag-isa,tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo.” Ang balangkas ay
tumutukoy sa anong prinsipyo?
A. Prinsipyo ng Lipunan B. Prinsipyo ng Pagkakaisa
C. Prinsipyo ng Subsidiarity D. Prinsipyo ng kabutihang panlahat
41. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na
pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ng kabutihang panlahat?
A. Panlipunan B. Pampolitika C. Pagtutulungan D. Pagkakaisa
42. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng Subsidiarity?
A. Paniningil ng buwis
B. Pagsasapribado ng mga gasolinahan
C. Pagkakaroon ng Public Bidding
D. Pagkakaloob ng lupang gagamitin para sa pabahay
43. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng
sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layunin ng lipunan?
A. Lipunang Pang-ekonomiya C. Prinsipyo ng Pagkakaisa
B. Lipunang Politikal D. Prinsipyo ng Pagtutulungan
44. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
A. Batas B. Mamamayan C. Kabataan D. Pinuno
45. Ang sumusunod ay mga elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Kapayapaan B. Paggalang sa indibidwal na tao
C. Katiwasayan D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
46. Ano ang tunay na tunguhin ng kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
47. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng isang mapayapa na lipunan?
A. Tahimik ang lugar ni Adam dahil kaunti lang ang mga tao dito.
B. Mapayapa ang lugar ni Lyka dahil sa curfew tuwing gabi.
C. Umiiral ang paggalang at katarungan sa lugar ni Melvin.
D. May presensiya ng martial law sa aming lugar.
48. Alam ni Bea na mahalaga sa pakikipagkapuwa ang pagmamahal. Ano ang gagawin niya?
A. Igagalang ang mga mayamang tao.
B. Igagalang ang mga guro niya ngayon sa Baitang 9.
C. Tulungan ang mga taong makapagbigay ng anomang kapalit.
D. Tulungan ang mga nangangailangan na hindi naghihintay ng gantimpala
49. Aling sitwasiyon ang hindi nagpapakita ng kabutihang panlahat?
A. Ibinabahagi ni Art ang kaniyang mga sagot sa kaniyang katabi.
B. Nag-aaral si Allan upang makapagsilbi sa kaniyang lipunan bilang doktor.
C. Pina-iiral ang 4 P’s upang makatulong sa mga kababayang naghihirap sa buhay.
D. Isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan.
50. Paano isasabuhay ni Rose ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat?
A. Itapon ang basura sa tamang lalagyan
B. Magdasal araw-araw para patnubayan ng Diyos
C. Tulungan ang mga magulang sa gawaing bahay
D. Linangin ang sarili para umunlad bilang tao at maibahagi ang sarili sa iba

You might also like