You are on page 1of 2

William Lugtu

FIL3 – Written Report

Introduksyon – Ano ang Pananaliksik?


1. Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng
iba’t – ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin
tungo sa klarifikasyon at /o resolusyon nito. - Ayon kay Good (1963)
Own Explanation:
Sa pananaliksik, dito natin matutukoy kung ang isang impormasyon ay makatotohanan or
reliable upang gamitin bilang ating source upang masuportahan ang partikular na konsepto,
pahayag, o kaisipan.

2. Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang informasyon


hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong
paghahanap ng mga pertinenteng informasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap
niyang datos ay mahaharap sa isa pang esensyal na gawain- ang paghahanda ng kanyang
ulat-pananaliksik. - Aquino (1974)
Own Explanation:
Sa salitang “sistematikong pahayag”, dito ay tinutukoy yung step-by-step process na paghanap
ng datos. Halimbawa nito ay mga surbey na dumaan sa mga proseso ng pag tukoy kung alin ang
nararapat na teknik.

3. Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang


malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan . -Manuel at
Medel, 1976
Own Explanation:
Bilang pagtataya sa nasabing pagkilala ng pananaliksik: ang pananaliksik o reserts ay kritikal na
paglahanap ng datos na may kaukulang teknik o disenyo kung paano ito isinasagawa. Ang
pananaliksik ay ginagawa upang masuportahan ang konsepto o teorya; maintindihan ang
kadahilanan ng mga suliranin at mabigyan ng posibleng solusyon sa mga ito.
----
Upang maintindihan natin ang kahalagahan nito, narito ang listahan ng pitong dahilan:
Una.
1. Nagpapayaman ng Kaisipan – lumawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa
walang humpay nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon
Own Explanation:
Sa pamamagitan nito, naeexpose tayo sa maraming impormasyon kaya nadedeveop din ang ating
critical thinking upang pillin ang tama at realizable na mga impormasyon.

2. Lumalawak ang karanasan- napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo


ng pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang
datos, pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literatura.
Own Explanation:
Sa paglawak ng kasanayan, kasabay nito ang pagdagdag din ng experience, maaarin na itong
makapagbahagi ng kaalaman sa iba at makatulong sa ibang field ng propesyon man o kung saan
expert ang mananaliksik.

Ang iba pang kahalagahan ay patuloy na ipapaliwanag ni ____ .

Sanggunian:
https://www.slideshare.net/JuniorPanopio/pananaliksik-1
https://pdfcoffee.com/kahalagahan-ng-pananaliksik-rax-pdf-free.html

You might also like