You are on page 1of 1

“MISS, MISS, HALIKA DITO”

PAMA, Frances Neil G.


11 Newton

Mga nag-uunahan sa pagsabog na mga paputok, mga batang may hawak ng torotot, mga
kapitbahay na nag-iinuman, at mga pamilyang nagkakantahan. Iyan ang magandang panaginip niya bago
maramdaman ang mahinahong pagtapik sa kaniyang balikat. Unti-unting minulat ang mga matang ang
tanging nasilayan ay kadiliman. Madilim, iyan ang kulay ng ulap sa labas ng kaniyang bintana.
“Anong oras na ba?” humihikab na tanong niya sa kapatid.
“Magbabagong taon na tulog ka pa diyan. Sumama ka raw hahatid niyo ko sa opisina.”
Tinatamad na tumayo ang dalaga sa kama at pumunta sa aparador upang kumuha ng
presentableng damit. Isinuot ng dalaga ang lagpas-tuhod na palda na pinaresan ng putting polo shirt.
Matapos ay tumingin sa salamin upang maglagay ng ilang kolorete sa mukha. Nang marinig ang pangalan
ay madaling kumaripas nang baba sa hagdan ang dalaga at nagsuot ng sapatos. Paglabas ng bahay ay
inaasahan na ng makapatid, kasama ang kanilang ama, na walang pedicab na babyahe ng disperas ng
Bagong Taon kung kaya’t napagdesisyunang lakarin na lamang patungo sa sasakyan. Nadaanan ng mag-
anak ang mga barkadang nag-iinuman at nagkakasiyahan.
“Miss, miss, psst, penge naming digitz diyan oh”
“Miss, miss, baka nilalamig ka”
“Hey, baby”
Magkakasunod na wika ng mga kabataang lalaki. Tulad ng nakasanayan ay dumiretso ang
magkapatid at ipinagwalang bahala ang narinig. Habang patuloy sa pagkukwentuhan ay nawala ang
malakas na tugtugan ng nadaanang barkada na siyang dahilan kung bakit napalingon ang dalawang
dalaga. Sa pagpitik ng ulo ay nasilayan nila ang mga sumitsit kaninang nananahimik at nakaupo s aisang
tabi at ang seryosong paglalakad ng kanilang ama. Sa kuryosidad ay nagtanong ang isa.
“Hala, bakit bigla silang natahimik. Tsk”
“Dapat lang” matigas na sagot ng ama at nauna sa paglalakad.
Sa pagpasok sa sasakya’y hindi inasahang ang narinig.
“Tama lang na ‘di niyo pinansin. Pero yung kanina, ‘di ko lang natiis, wala na sa ayos eh. Sana
kasi nilalagay sa ayos yung mga bagay na hindi dapat. Tsk.”

You might also like