Ang paghubog ng pagkatao ng isang bata ay nakasalalay sa kamay ng mapag-
arugang ina. Responsibilidad ng mga magulang kung paano nila palalakihin ng maayos at may takot sa Diyos ang kanilang anak. Ang batang ina ay isang kabataan na maagang napasok sa isang mabigat na responsibilidad ng pagiging isang magulang sila ay nasa edad labing dalawa hanggang labing walong taong gulang. Nagiging isyu sa Pilipinas ang pagdami ng mga kabataang maagang nabubuntis o maagang nakakapag-asawa. Dahil ang pagiging isang magulang sa murang edad ay hindi tama at maraming nagiging epekto.