You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao del Norte
TALAINGOD DISTRICT
LUMABAG INTEGRATED SCHOOL
Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte
School ID: 500848

ACTIVITY DESIGN and


PROPOSAL

“BUWAN NG WIKA FOR SY: 2018-2019”

August 1-31, 2018


Lumabag Integrated School
Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte
I. Balangkas
Pamagat : BUWAN NG WIKA 2018
Venyu : Lumabag, Talaingod, davao del Norte
Petsa : Agosto 31, 2018

II. Rasyonale

Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang taon-taon mula sa ika-1


hanggang ika-31 ng Agosto alinsunod sa itinakdang proklamasyon Blg. 1041,
s. 1997. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Filipino: Wika ng
Saliksik”. Isang ritwal ang pagdiriwang na paulit-ulit kada taon. Kailangang
pang gunitain upang ipaalala sa atin ang kabuluhan ng sariling wika, ang
pagpapahalaga ng kulturang Pilipino at ang pagkakakilanlan ng lahing
Pilipino.

III. Layunin
1. Ganap na maipatupad ang pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041:
2. Mapataas ang kamalayang pangwika.
3. Magganyak ang mga mamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang
pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa Gawain kaugnay
ng Buwan ng Wika.

IV. Mitodolohiya

Isang Pambungad na Palatuntunan ang magaganap sa ika-1 ng Agosto


2018 bilang pagbibigay kabatiran sa lahat ng mga guro at mga mag-aaral hinggil sa mga
Gawain ng pagdiriwang. Ang panapos na palatuntunan ay magaganap sa ika-31 ng
Agosto 2018.

V. Aktibiti Matrix

PETSA KALAHOK AKTIBIDADES VENYU

Lahat ng mga mag- Pambungad na Paaralan


Agosto 1, 2018
aaral Palatuntunan Ika-8 ng umaga
Isang mag-aaral sa Silid-aralan
Agosto 24, 2018 I-ispel Mo!
bawat pangkat Ika-8 ng umaga

•Panapos na
Palatuntunan
Pangkat 1-2 ― Tula
Pangkat 3 ― Deklamasyon
― Masining na
Pangkat 4 Lumabag Basketball
Pagkukwento
Agosto 31, 2018 Court
Pangkat 4-6
(Category A) ― Madulang Ika-8 ng Umaga
Pangkat 7-9 Pagkukwento
(Category B)
Pangkat 6-9 ― Sulat-bigkas Tula
Isang kalahok sa ― Isahang Awit
bawat pangkat
Lahat ng pangkat ― Sabayang Awit
Paaralan
Lahat ng Mag-aaral • Larong Lahi
Ika-1 ng hapon
Materyales:

1. Sound System (Microphone and Speaker)


2. Dekorasyon
3. Tarpaulin
4. Papremyo
5. Gamit para sa Larong Lahi

APPROVAL SHEET FOR THE


BUWAN NG WIKA FOR SY 2018-2019

This Activity Design was prepared by:

LEOLEN P. BAGAYAN
School Filipino Coordinator

Recommending Approval:

MARION G. CREAYLA
School Head

JOSE C MELENDRES
PSDS

APPROVED:

JOSEPHINE L. FADUL
Schools Division Superintendent

ANAK
Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na


Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila'y sinuway mo


Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw


At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali

Sabayang Awit 6
"Isang Dugo, Isang Lahi, Isang Musika

Isang tinig ang aking narinig


Minsa’y nanaginip ating bansa’y umaawit

Isang himig
Pag-ibig ang hatid, ang musika’y
Batid sa bawat puso at isip

Ikaw at ako, tayo ay Pilipino


Isang bansa ba’t di magkaisa
Isang dugo, isang lahi at musika
Ang pangarap ko’y bansang mapayapa

Isang himig
Pag-ibig ang hatid, ang musika’y
Batid sa bawat puso at isip

Isang awit ang aking dalangin


Kristiano at Muslim
Magkaisa sa awitin

Ikaw at ako, tayo ay Pilipino


Isang bansa ba’t di magkaisa
Isang dugo, isang lahi at musika
Ang pangarap ko’y bansang mapayapa

Ikaw at ako, tayo ay Pilipino


Isang bansa ba’t di magkaisa
Isang dugo, isang lahi at musika
Ang pangarap ko’y bansang mapayapa

Ikaw at ako, tayo ay Pilipino


Isang bansa ba’t di magkaisa
Isang dugo, isang lahi at musika

Ang pangarap ko, ang pangarap ko’y


Ang pangarap ko’y bansang mapayapa

You might also like