You are on page 1of 1

Bakuna sa CoVid-19

Mga nakalap na Impormasyon:


Hinikayat ng Philippine Heart Association (PHA) ang mga Pilipino
na may altapresyon at iba pang sakit sa puso na magpabakuna kontra
COVID-19 sa gitna ng mga pangambang delikado para sa kanila ang
magpaturok laban sa respiratory illness. Ayon kay PHA President Dr. Orly
Bugarin, walang matibay na ebidensiyang may masamang epekto ang
pagpapabakuna sa mga may high blood. "So talagang ine-encourage po natin
ang ating mga kababayan na magpabakuna kahit kayo po kayo ay may
cardiovascular diseases. Dapat lang po tayo ay controlled o iniinom natin ang
ating medications," sabi ni Bugarin sa Laging Handa public briefing. Pero
pinapayuhan ng mga medical expert ang mga may altapresyon na maghanda
ilang linggo bago magpabakuna. Hindi kasi tinuturukan ng COVID-19
vaccines ang isang pasyente kung may blood pressure itong higit sa 180/120 sa
mismong araw ng vaccination. "Usually 2 to 4 weeks [before vaccination],
sinisiguro nila na tine-take ang medications and see to it na ang blood
pressure nila ay nasa 130/80 and below, para controlled. On the day of
vaccination, dapat may baon rin silang gamot," sabi ng neurologist na si Dr.
Alejandro Diaz. "Kapag ang blood pressure is 180/120 and above, teka muna.
Hindi ka muna lalagyan [ng bakuna], painumin ka ng gamot, relax ka muna
pero hindi ka dapat pauwiin," dagdag niya. Sa tala noong Abril 13, umabot na
sa 1,052,624 ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas
habang 151,059 naman ang nakatanggap ng 2 dose.
Mga stratehiyang ginamit sa pangalap ng mga Impormasyon:
- Pagbasa at pananaliksik
- Interbyu
- Pagsulat ng Journal

You might also like