You are on page 1of 6

Osias Colleges, Inc.

F. Tañedo St., San Nicolas, Tarlac City


(045)982 -02-45, e-mail: osiastrc@pldtsl.net
http:/www.osiascolleges.edu.ph

Kurso: Filipino 103: Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon


Paksa: A. Kurikulum: Kahulugan at Kahalagahan
B. Pag – unlad ng Kurikulum sa Iba’t Ibang Panahon
Modyul 2
Layunin:
Pagkatapos mabasa at masagotan ang mga gawain ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matukoy at maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng kurikulum
2. Maisa – isa at maipaliwanag ang pag – unlad ng kurikulum sa Pilipinas sa bawat
panahon.
Pagtatalakay sa Aralin:
Basahin:
A. Kurikulum
 Kahulugan
 Kahalagahan
B. Pag – unlad ng Kurikulum
 Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
 Panahon ng Kastila, Amerikano, Hapon, Martial Law at 1986 Rebolusyon
 Kasalukuyang Panahong
a. Sanggunian: Ang Guro ng Bagong Melinyo – Mga Kagamitang Panturo sa
Filipino d. 33 – 35
b. Pagsaliksik sa Internet

Pagninilay:
Ibigay ang iyong repleksyon bumuo sa iyong isipan.
 Natutunan ko ang katuturan ng kurikulum sa modyul na ito, ang kurikulum ay ang
batayan ng lahat ng pinag aralan,at ang batayan ng mga bagay bagay na puspusang
sinuri upang maging maayos at naiintindihan ng nakararami.
Pagtugon:
Sagutin ang mga tanong at gawain sa sagutang papel.
Osias Colleges, Inc.
F. Tañedo St., San Nicolas, Tarlac City
(045)982 -02-45, e-mail: osiastrc@pldtsl.net
http:/www.osiascolleges.edu.ph
Astrero, Kristine Joy G.
BSEd 1-A Major in Filipino
Binibining. Delita Bacnis
Kurso: FIL103 Ang Filipino sa kurikulum ng batayang edukasyon
Paksa: Pananaliksik sa FIL103
Sagutang Papel
A. Katuturan o Kahulugan
1. Katuturan ng Kurikulum
♥ Ang kurikulum ay ang kabuuan ng nilalaman ng isang pinag aaralan, mga gawain at mga
pinagbatayan na puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad sa mga paaralan sa natatanging
gawaing pantao bilang isang institusyon ng karunungan at makataong pagpapaunlad. Sakop
ng kurikulum ang kabuuang tuon o layunin, na dapat isakatuparan ng mga paaralan at
maabot ang mga tiyak na tunguhin ng pagtuturo.
Ayon kina Ragan at Shepherd ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali kung saan ang
paaralan ay may responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga mga
karanasang pampagkatuto. Sa pamamagitan ng kurikulum, ang mga mag-aaral aynaisasama
sa
karanasang pang-edukasyonal at tunay na makatutulong sa pagpapaunlad ng sitwasyon ng
lipunan.
2. Katuturan ng Batayan
♥ Ang salitang batayan sa ibang salita ay maaring isaling saligan. Ang batayan o saligan ay
napakahalaga lalo na sa mga legal na usapin, o kaya naman sa ating pagdedesisyon sa
anumang bagay dapat ito ay may saligan,pinaghuhugutan, o batayan. Bilang halimbawa
nito ay ang paniniwala natin na may Diyos salig ito at batay ito sa bibliya at sa mga
nakikitang nilikha o nilalang.
3. Katuturan ng Edukasyon
♥ Sa pinakamalawak na kahulugan nito, ang edukasyon ay nangangahulugang ang proseso
kung saan ang kaalaman, gawi, kaugalian at halaga ng isang lipunan ay nailipat sa susunod
na henerasyon.Ang edukasyon ay nagmula sa Latin edukado na nangangahulugang
'kumuha', 'kunin', at Magtuturo ako na nangangahulugang 'form', 'magturo'.
♥ Kasama rin sa edukasyon ang paglagom at pagsasagawa ng mga pamantayan ng kabutihang
loob, kaselanan at paggalang. Samakatuwid, sa tanyag na wika ang pagsasagawa ng mga
kaugaliang pagsasapanlipunan ay inuri bilang mga palatandaan ng a mabuting edukasyon.
♥ Sa pang-teknikal na kahulugan, ang edukasyon ay ang sistematikong proseso ng
pagpapaunlad ng pisikal, intelektwal at moral na kakayahan ng tao, upang mas mahusay na
maisama sa lipunan o sa kanilang sariling pangkat. Iyon ay upang sabihin, ito ay isang pag-
aaral upang mabuhay.

B. Alamin ang mga sumusunod


1. Katangian at panuntunan ng kurikulum
♥ Ang kurikulum ay kinakailangang nakasentro sa mag-aaral, mapansangkot at angkop sa
antas ng pag- unlad;
♥ Ang kurikulum ay kinakailangang makabuluhan, tumutugon, at batay sa pananaliksik.
♥ Ang kurikulum ay kinakailangang sensitibo sa kultura;
♥ Ang kurikulum ay kinakailangang isakonteksto at pandaigdigan.
♥ Ang kurikulum ay kinakailangang gumamit ng mga pagdulog na pedagohikong mapagbuo,
batay sa pagsisiyasat, mapagmuni, nakikilahalok, at mapambuod;
♥ Ang kurikulum ay kinakailangang umayon sa mga prinsipyo at balangkas ng Edukasyong
Multilingguwal na Batay sa Inang Wika (MTB-MLE) na nagsisimula kung saan nagmumula
ang mga mag-aaral at kung ano na ang alam nila, umuusad mula sa alam patungong di-
alam; kinakailangang may mga materyales na panturo at mga gurong may kakayahang
ipatupad ang kurikulum na MTB-MLE. Para sa layuning ito, tumutukoy ang MTB-MLE sa
edukasyong pormal o di- pormal kung saan ay ginagamit sa silid-aralan ang inang wika at
karagdagang mga wika ng mag-aaral;
♥ Ang kurikulum ay gagamit ng pagdulog na spiral na pagsulong upang matiyak ang
pagkadalubhasa sa kaalaman at kasanayan matapos ang bawat antas;
♥ Ang kurikulum ay kinakailangang bukas upang maaaring isalokal, isakatutubo, at pabutihin
pa ito ng mga paaralan batay sa kanilang mga partikular na kontekstong pang-edukasyon at
panlipunan
2. Pag-unlad ng kurikulum
PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA.
♥ Pagtuturo sa loob ng tahanan ng mga pangunahing gawain upang patuloy na mabuhay.
PANAHON NG KASTILA
♥ Ginamit na paaralan ang kombento, at mga pari ang nagsisilbing mga guro. -Ginamit nila
ang mga akda nilang mga dayuhan at isinalin sa wikang katutubo upang palaganapin ang
kristiyanismo.
PANAHON NG NGA AMERIKANO
♥ Dito naitayo ang mga paaralang pampubliko.
♥ mga kawal na amerikano ang kanilang naging guro.
♥ Ginamit nilang aklat ang mga dalang babasahin at itinuro ang wikang ingles.
♥ Itinuro rin ang pagbasa, Pagsulat, pagbilang, paghahalaman, at pangkalusugan.
♥ naging pormal ang sistema ng edukasyon.
PANAHON NG HAPON
♥ Ipinagbawal ang patuturo ng wikang ingles.
♥ pagtuturo ng wikang niponggo at wikang pilipino.
PANAHON NG MARTIAL LAW AT 1986 REBULUSYON
♥ Ipinatupad sa panahong ito ang bilingual education, family planning.
♥ pagbubuwis sa reporma sa lupa.
KASALUKUYANG PANAHON
♥ Kinikilala bilang panahon ng makina.
♥ Naging bahagi ang kurikulum ang kompyuter at mga makabagong teknolohiya.
binigyang diin din ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, ang wikang ingles, inclusive
education, at especial education.
♥ Pagtuturo ng multiple intelligences, learning styles at iba pa.
C. Tanong pagbibigay ng depinasyon ng kurikulum
1. Ano-ano ang responsibilidad ng paaralan ayon kay Ragan at Shipherd kaugnay ng
kurikulum.
♥ Ayon kina Ragan at Shepherd ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali kung saan ang
paaralan ay may resposibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga
karanasang pampagkatuto.
♥ Sa pamamagitan ng kurikulum, ang mga mag-aaral naisasama sa karanasang pang-
edukasyonal at tunay na makatutulong sa pagpapaunlad ng sitwasyon ng lipunan
2. Ano-ano ang kaugnay ng kurikulum sa mga gawaing pampaaralan.
♥ Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama rito ang sumusunod:
♥ Ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral,
♥ Ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto,
♥ Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa programa.
♥ Ang mga kagamitang panturo.

You might also like