M3 Fil103 Tin (B)

You might also like

You are on page 1of 2

Osias Colleges, Inc.

F. Tañedo St., San Nicolas, Tarlac City


(045)982 -02-45, e-mail: osiastrc@pldtsl.net
http:/www.osiascolleges.edu.ph

Astrero,Kristine Joy G.
BSED 1A Major in Filipino
Binibining:Delita Bacnis
Kurso: Filipino 103: Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Paksa: Batayang Legal at Opisyal na Paggamit ng Filipino Wika ng Edukasyon
 Artikulo XIV, Seksyon 7 ng 1987 Konstitusyon
Modyul 3
Layunin:
Pagkatapos mabasa at masagotan ang mga gawain ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Maisa – isa at maipaliliwanag ang mga batayang legal at opisyal na paggamit ng Filipino
bilang wika ng edukasyon.
2. Mapahalagahan at masuri ang isinasaad ng Artikulo XIV, Seksyon 7, ng 1987
konstitusyon, ayon sa mahahalagang nilalaman nito.
Pagtatalakay sa Aralin:
Basahin:
 Batayang Legal at Opisyal na Paggamit ng Filipino Bilang Wika ng Edukasyon
Artikulo XIV, Seksyon 7 ng 1987 konstitusyon.
Sanggunian: Mga Kagamitang Panturo: nina Norma S. Mayos, at et. Al.
Pagsasaliksik - Internet
Pagninilay:
Ano – ano ang mga reaksyon o repleksyon mo sa aralin
♥ Dito sa bahagi ng modyul na ito tinalakay ang tungkol sa legal at opisyal na paggamit ng
filipino bilang wika ng edukasyon, sa aking repleksyon masasabi ko na dapat talagang
mas paigtingin ang paggamit ng wikang sariling atin upang mas lumawak pa ang
kaalaman ng bawat isa at ang wikang Filipino parin ang sumisimbolo sa ating katauhan
bilang isang Pilipino.
♥ Natutunan rin natin kung ano ang mga nilalaman ng mga artikulo XIV,Sekyon 7, ng 1987
konstitusyon.
Pagtugon:
Sagutin ang mga tanong at gawain sa sagutang papel.
Osias Colleges, Inc.
F. Tañedo St., San Nicolas, Tarlac City
(045)982 -02-45, e-mail: osiastrc@pldtsl.net
http:/www.osiascolleges.edu.ph

Sagutang Papel (Modyul 3)

Pag-unlad ng Sariling Kakayahan

1. Isa – isahin at ipaliwanag ang mga batayang legal at opisyal na paggamit ng Filipino bilang wika ng
edukasyon.
♥ Legal ang batayan ng paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng edukasyon. Isinasaad ng artikulo XIV,
Sek. 7 ng 1987 konstitusyon na "ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles."
♥ Nagsilbi namang opisyal na batayan ang mga kautusan at memoranda na ipinalalabas ng Kagawaran
ng Edukasyon.
2. Ipaliwanag ang mga sumusunod na batayang legal at opisyal sa paggamit ng Filipino sa edukasyon.
Ito’y mga kautusan at memoranda na ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Komisyon sa
lalong Mataas na Edukasyon (CHED)
1. DECS Order 25, s.1974
♥ "Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinguwal."
Ang patakaran na naglalayong linangin ang magkatimbang na kasanayan sa Ingles at Pilipino, ay para sa
lahat ng mga paaralan, elementarya, sekondarya, at tersyarya.
2. DECS Order N0. 50, s. 1975
♥ " Supplemental Implementing Guidelines para sa patakaran sa Billingual Instruction sa mga Tertiary na
institusyon."
Sa DECS Order 25, binigyan ng opsyon ang mga institusyon sa antas tersyarya na magdebelop ng
kanilang sariling iskedyul ng pag-implementa sa programa.
3. MEC Order N0. 22, s. 1978
♥ “Pilipino as Curricular Requirements in the Tertiary Level”
Bilang pagalinsunod sa patakarang bilinggwal at sa iniaatas ng DECS Order 50,s. 1975,nagtakda ng tiyak na
programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas tersyarya.
4. DECS Order 52, s. 1987
♥ Bilang pagtugon s mga probisyong pangwika ng konstitusyon ng 1987,nirebisa ang patakarang
bilinggwal at ipinagkalat ang impormasyong tungkol dito sa pamamagitan ng dalawang kautsan.
-“Filipino and English shall be used as media instruction,the use allocated to specific in the curriculum as
indicated in DECS order No.25,s 1974”.
-“Tertiary level institutions shall lead in the continuing intellectualization of filipino.The program of
intellectualization,however,shall also be pursued in both the elementary and secondary levels”.
5. CHED Memo Order 59, s. 1996
♥ “New General Education Curicculum (GEC)”.
6. CHED Memo 04, s. 1997
♥ Nang sumunod na taon muling nagpalabas anf CHED ng bagong memorandum,ang CM No.04,s
1997,pumapaksa sa mga patnubay sa implementasyon ng CM 59,1996.
7. CHED Memo Order 11, s. 1998
♥ Muli naming nagrebisa ng kurikulum ang mga HEI,particular an Teacher Education Institutions ang
ilabas ng CHED ang bagong kautusan tungkol s minimum na rekwayrment ng general education para
sa magiging guro.

You might also like