You are on page 1of 2

Impak ng modernong panahon sa larangan ng Edukasyon.

Statement of the Problem


Sa pag-usbong ng makabagong panahon, maraming pagbabago ang naganap hindi lamang
sa pamumuhay ng tao kundi nagdulot rin ito ng maraming pagbabago sa larangan ng
edukasyon. At isa sa mga dala Ng pag-usbong nito ay Ang makabagong Teknolohiya na
nagkaroon Ng malaking Impak sa mga kabataang nag-aaral na gumagamit ng iba’t ibang
gadgets na nagiging sanhi ng negatibong impak sa pagkatuto.

Teknolohiya at Pang-akademikong Kagamitan: Impak sa pang-akademikong performans


at pagkatuto sa mga mag-aaral ng katutubong mangyan sa sekondarya ng Fe del
Mundo National High School.

Statement of the Problem


Ang makabagong teknolohiya ay mahalaga at may malaking naitutulong sa buhay ng isang tao
lalo na sa pang-araw-araw niyang buhay. Subalit malaki ang Impak nito sa buhay ng mga
mag-aaral lalo na sa mga mag-aaral ng katutubong mangyan na nagiging suliranin ang
kawalan ng kaalaman sa paggamit nito lalo sa pang-akademikong pagkatuto, na naging sanhi
ng pagtigil sa pag-aaral, maagang pag-aasawa at kawalan ng interes sa pagkatuto.

Epekto sa Pagkatuto ng paggamit ng Ikalawang Wika sa Pagtuturo; Isang Pag-aaral

Statement of the Problem


Ang pagkatuto sa paggamit ng ikalawang wika sa pagtuturo ay mahalaga sa talakayan lalo na
sa loob ng silid-aralan sapagkat mas nauunawaan at nabibigyang linaw ang bawat aralin o
paksang tinatalakay ng guro. Dahil sa pag-usbong ng makabagong panahon nagiging
moderno na ang lahat kung kaya malaki ang pagbabago nito sa buhay ng mga kabataan lalo
na sa pananalita sa iba’t ibang larangan sa paggamit ng wika na may malaking epekto sa
pakikipagkomunika hindi lamang sa loob ng paaralan kundi sa lipunan na kanyang
ginagalawan.

Kasanayan sa pagkatuto at suliraning nararanasan sa pang – akademikong kagamitan


ng piling mag-aaral ng Fe del Mundo National High School.

Statement of the Problem


Ang akademikong kagamitan tulad ng libro na siyang pondasyon na pinagkukunan ng mga
impormasyon ng mga mag-aaral sa kanilang mga gawaing pampaaralan. Dahilan sa
kakulangan ng pinagkukunang sanggunian sa loob ng paaralan. Maraming mga mag-aaral
ang nagiging suliranin ito sapagkat ang kasanayan nilang matuto sa pagkalap ng iba’t ibang
impormasyon mula sa mga kagamitang pampaaralan ay hindi ito nagagampanan.
Ang Paggamit ng Mga Plataporma ng Social Media upang Pahusayin ang Pag-unlad ng
Bokabularyo sa Pag-aaral ng Bagong Wika: Isang Pagsusuri sa Wika

Statement of the problem


Ang Social Media ay isa sa may pinakamaraming kinapapalooban ng iba’t ibang plataporma
na kinahuhumalingan ng mga tao sa buong mundo. At ang ilan dito ay ang Facebook,
Instagram, Messenger, YouTube, Tweeter at iba pa. Dahil sa iba’t ibang plataporma ng social
media nagkakaroon ito ng malaking epekto sa paggamit ng wika ng mga gumagamit nito lalo
na sa kabataang nag-aaral. Nagkakaroon ito ng hindi magandang impluwensiya sa pag-unlad
at pagpapalawak ng kanilang bokabularyo. At dahil sa hindi maayos na paggamit ng social
media, nagiging sanhi ito ng bisyo ng ilang mag-aaral.

You might also like