You are on page 1of 1

Pagpapalaganap ng ka-alaman tungkol sa pag-taas ng numero ng mga kabataang buntis

Magandang araw! Sa inyo aking kapwa mag-aaral hinihikayat ko kayo na ihanda ang inyong sarili upang
makinig sa paksang aking tatalakayin ngayong araw. Ako nga po pala si Jana Grace O. Mendac mula sa
baitang labing-dalawa (12) GAS- SocSciCom-1. Para sa ating mga Filipino ang kabataan ang pag-asa ng
bayan kaya naman kaya naman ano ang ating gagawin pag ang mga kabataan na tinuring natin na pag-asa
ng bayan ay tuluyan mapa bilang na sa mga numero ng mga kabataang buntis at na ka buntis, luma lalim
na ba ang inyong kuryusidad? Kung ganon halina’t makinig at akin nang tatalakayin ang napapanahong
isyu tungkol sa pag-taas ng numero ng mga kabataang buntis sa ating bansang Pilipinas.

Lingid sa ka alaman ng karamihan dati pa mataas ang numero ng mga kabataang buntis. Sa paglipas ng
mga taon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng napakalaking bilang ng teenage pregnancy. Humigit-kumulang
6% ng mga babaeng Pilipino ay buntis bilang mga tinedyer. Maaaring mukhang maliit na porsyento iyon,
ngunit ayon sa Save the Children's Global Childhood Report mula 2019, ito ang pangalawang
pinakamataas na rate sa Southeast Asia. Sa pangkalahatan, 538 na sanggol ang ipinanganak sa mga
teenager na ina ng mga Filipina araw-araw noong taong 2017. Sa pagbubuntis ng mga kabataan, malinaw
na hindi sila handa sa pagiging magulang, at wala silang nakikitang mapagkukunan ng pera, na maaring
humahantong sa kahirapan o, sa pinakamasamang sitwasyon, pagpapalaglag o pag-abandona sa kanilang
mga anak. Ang paghahanap ng solusyon sa problemang ito ay mahalaga sa ating lipunan dahil ito ay
makatutulong upang mabawasan ang bilang ng mga pagbubuntis na nagiging sanhi ng paglaki ng ating
populasyon. Tuturuan din nito ang mga kabataan tungkol sa mga implikasyon ng hindi paggamit ng
pagpaplano ng pang pamilya at kung paano ito makakaapekto sa kanilang buhay gayundin sa lipunan.
Pamilyar tayo sa salitang “Teenage Pregnancy” dahil ito ay isa sa mga karaniwan na problema na
kinahaharap ng mga bansa hindi lang pilipinas noon pa man. Ang teenage pregnancy ay isang
pandaigdigang isyu na kailangan harapin upang pagaanin ang mga problema ng maternal adolescent
childbearing, lalo na sa mga bansang third world. Sa pagsimula ng pandemya kapansin pansin lalo ang
pagtaas ng numero ng mga kabataang nabubuntis lalo na noong nag anunsyo and deped na maaari na
mabalik ang tradisyonal na klase o mas kilalang face-to-face ngunit nabigyang pansin din ang pagtaas ng
mga kabataang buntis dahil sa mga nagkalat na TikTok bidyo ngayon. Karamihan ng mga kabataang buntis
ay hindi na nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang responsibilidad na dapat nila gampanan dahil
sa pagsubok sa isang bagay na hindi pa sila handa dahil sa kakulangan sa ka-alaman patungkol sa bagay
na iyon.

Ang mga inilahad ko sa aking talumpati ay isa lamang sa mga bilang ng impakt ng pagbubuntis ng kabataan
sa ating lipunan, ako po ngayon ay nagsusumamo na pakinggan at intindihin ang aking talumpati bilang
isang mag-aaral na gusto ma-ikalat ang kaalaman patungkol sa isyu na kinakaharap ng mga estudyante na
ating pag-asa ng bayan. Muli ako po si Jana Grace Mendac taga kalat ng kaalaman upang magbigay
kamalayan sa mga kabataan.

You might also like