You are on page 1of 18

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 5:
Mga Salik na Nakakaapekto
sa Pagkonsumo

AIRs - LM
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Araling Panlipunan 9
Unang Markahan - Modyul 5: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Remielyn C. Lazaro


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Christopher D. Caranta at Ariel V. Villanueva
Language Reviewer: Remedios Elsie P. Apostol at Jerry P. Palabay
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Dana Kate J. Pulido

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph D, EPS in Charge of LRMS
Mario B. Paneda, Ed D, EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union

Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union


Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 5:
Mga Salik na Nakakaapekto
sa Pagkonsumo

LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Sapulin

Ikaw ay nasa ika-limang modyul na. Sa puntong ito, ikaw ay may ganap nang
kaalaman sa mga konsepto ng pagkonsumo. Magagamit mo na ang mga konseptong
ito upang higit mong maunawaan ang tungkol sa ugnayan ng Kita, Pag-iimpok at
Pagkonsumo.

May inihandang mga gawain sa modyul na ito na tataya sa iyong kaalaman


hinggil sa ugnayan ng Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo. Inaasahang ikaw ay
mahihikayat na pagyamanin ang iyong kaalaman at maunawaan ang mga bagay na
nakaapekto sa kung ano at gaano karami ang ating bibilhin at kukunsumuhin.
Samantala, ang salapi namang maiimpok ay nakabatay kung magkano ang
matitirang salapi matapos ibawas ang salaping ginamit sa pagkonsumo. At ang mga
ugnayang nabanggit ay mauunawaan sa araling ito.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


• Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

Pagkatapos ng modyul, inaasahang iyong:


• Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo
• Natutukoy ang mga salik sa pagkonsumo
• Nauunawaan ang kahalagahan ng ugnayan ng kita, pag-iimpok at
pagkonsumo.
• Nakagagawa ng campaign aadvocacy para sa tamang pagkonsumo

1
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Simulan

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo na kinabibilangan ng mga


anunsiyo sa radio, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang
social media?
A. Demonstration Effect
B. Kita
C. Mga Inaasahan
D. Pagkakautang
2. Ang paraan ng panghihikayat sa mamimili na gumagamit ng mga kilalalang
tao upang ipakilala at hikayatin ang mga tao na bumili at gumamit ng isang
partikular na produkto.
A. Paraang Brand
B. Bandwagon
C. Pag-aanunsyo
D. Testimonyal
3. Sa anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo napapabilang ang mga
kalamidad?
A. Kita
B. Demostration Effect
C. Mga Inaasahan
D. Pagkakautang
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad na ang tao ay hindi
naaapektuhan ng demonstration effect?
A. Hindi sumusunod sa uso
B. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
C. Binibili ang mga napapanahong gamit
D. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista
5. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
A. Nagsasara ang mga malalaking tindahan
B. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan
C. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
D. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga
salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
A. Kaarawan
B. Kalamidad
C. Araw ng eleksyon
D. Palabas sa telebisyon
7. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
A. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan
B. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
C. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
D. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito

2
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
8. Anong karapatan ng isang mamimili ang ipinapakita sa kanyang paghahanap at
pagkukumpara ng kanyang mga bibilhin?
A. Pumili
B. Bumili
C. Magbayad
D. Kaligtasan
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkonsumo?
A. Panahon
B. Artista
C. Okasyon
D. Pangagagaya
10. Alin sa sumusunod ang ugaling Pilipino na hindi salik sa pagkonsumo?o?
A. Hospitalidad
B. Kaisipang kolonyal
C. Rehiyonalismo
D. Pagmano sa mga matatanda
11. Ito ang naglilimita sa pagkonsumo.
A. Kita
B. Okasyon
C. Presyo
D. Paggaya
12. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?
A. Kakaunti ang suplay
B. Marami ang suplay
C. Mataas ang presyo
D. Mababa ang presyo
13. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?
A. Kakaunti ang naiipon sa pera mula sa kita
B. Lumulubo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
C. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
D. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
14. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti ang
utang?
A. Lumalaki ang ipon sa bangko
B. Walang utang na kailangang bayaran
C. Tumataas ang kakayahang kumonsumo
D. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
15. Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The General
Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936
MALIBAN sa _____.
A. Malaki ang epekto ng kita sa konsumo
B. Ang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan
C. Kapag lumiliit ang kila lumiliit din ang kakayahan kumonsumo
D. Kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumo

3
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Gawain 1: Pabili Po!
Panuto: Suriin ang sitwasyon at sagutan ang pamprosesong tanong. Ipagpalagay na
mayroon kang ₱1000 at may pagkakataon kang bumili ng iba’t-ibang pagkain. Alin
sa mga pagkain sa ibaba ang iyong bibilhin?

Pinagkuhan ng larawan:
https://www.google.com/search?source=univ&tbm=isch&q=larawan+ng+mga+pagkain&sa=X&ved=2ahUKEwiXi7K
0hZryAhUWBt4KHfXxA5MQjJkEegQIBxAC&biw=1366&bih=657#imgrc=TdRlhReAGMomGM

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga pagkain ang iyong bibilhin?
2. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili mo ng pagkain?

Gawain 2: Pag-isipan Mo!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ng iyong sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Panahon ng tag-init, ano ang kakainin mo tsamporado o halo-halo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Araw ng mga puso, ano ang mabili bulaklak o sapatos?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Nagtinda ka ulit ng mga halaman nitong pandemya, mas malaki ang iyong
kita. Sa parehong produkto at presyo nito noong nakaraang taon, mas
marami ka bang mabibili o mas kaunti ang iyong mabibili sa iyong
kinita ngayong pandemya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Lakbayin

Sa bahaging ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaalaman na


makakatulong sa iyo upang higit na maunawaan ang paksang-aralin. Ang mga
gawaing inihanda ay tiyak na magagabayan ka sa pag-unawa sa mga impormasyong
kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahahalagang
ideya tungkol sa iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo. Inaasahang
magagabayan ka ng mga inihandang tekstong babasahin at gawain upang iyong
masuri ang mga salik na ito. Halika na at umpisahan ang masayang pagbabasa at
pang-unawa sa paksa.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo


Sa parteng ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaalamang tutulong sa
iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay
maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong
kinakailangang malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahahalagang
ideya tungkol sa iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo. Inaasahang
magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at gawain upang iyong masuri ang
mga salik na ito. Halika at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pang-unawa
sa paksa.

1. Pagbabago ng presyo

Ang presyo ng produkto ang salik na naglilimita at makadaragdag sa


pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ang pag-alam sa presyo o
halaga na katumbas ng produkto at serbisyo ay mahalaga upang mabatid
kung kaya ng isang tao na bilhin ang isang produkto. May pagkakataon na
nagiging motibasyon din ng isang mamimili ang presyo ng produkto o serbisyo
sa kanyang pagkonsumo. Kadalasan, mas mataas ang pagkonsumo kung
mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang
presyo. At kapag mura ang isang produkto o serbisyo mas marami silang
mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang
presyo nito.

2. Kita

Ito ay tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao katumbas ng


ginawang produkto at serbisyo. Ang pagkonsumo ng tao ay naaayon sa kita
na kanyang tinatanggap. Ayon kay John Maynard Keynes, isang
ekonomistang British, sa kanyang aklat na The General Theory of
Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936, malaki ang
kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo. Sa kanyang pagsusuri,
habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na

5
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba
ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya
naman, mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga taong may
malalaking kita kung ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang.

3. Mga Inaasahan

Ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa


pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, dahil idineklara ang pagpapatupad
ng Enhanced Community Qurantine sa buong Kamaynilaan, inaasahan ng
mga tao na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto dahil sa
pandemya, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang
paghahanda sa pangangailangan sa kadahilanang di sila makakalabas sa
kanilang mga tahanan. Kapag may banta naman ng kaguluhan sa isang lugar
o may inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap, ang mga tao ay pinipilit
na magtipid o kaya’y di ginagasta ang salapi at binabawasan ang pagkonsumo
upang mapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na araw. Kung
positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa
inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang
inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo.

4. Pagkakautang

Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring


maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay
magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang
kaniyang kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang
kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran
niyang utang.

5. Demonstration Effect

Maliban sa uso o napapanahon ang mga kalakal may mga taong


bumibili ng produkto na ginagamit ng kapatid, kaibigan, kapitbahay, artista
at iba pang tanyag na tao. Ang salik na ito ang dahilan ng pagkakaroon ng
magkakatulad na produkto na kinokonsumo ng mga tao. Madaling
maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon,
pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga
tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng
media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik. Ang
mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay may
mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon
lamang.

6
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Galugarin

Gawain 3: Pagtapatin mo!


Panuto: Piliin sa Hanay B and salik na nakaiimpluwensya sa pagkonsumo na
inilalarawan sa bawat bilang sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
___ 1. Salapi na tinatanggap kapalit ng A. Pagkakautang
ginawang produkto o serbisyo. B. kita
___ 2. Halaga na katumbas ng produkto o C. presyo
serbisyo. D. Demonstration Effect
___ 3. Mabili na naman ang alcohol at facemask E. Inaasahan
dahil sa napabalitang bagong variant ng
Covid-19.
___ 4. Buwanang paghuhulog ng Housing Loan
___ 5. Pamamaraan ng pagpapakilala ng
produkto sa pamamagitan ng testimonya
ng mga kilalang artista, pagpapakita ng dami
ng tao na kumukunsumo ng nasabing
produkto.

Gawain 4: Isaayos Mo!


Panuto: Batay sa sagot mo sa naunang gawain, isaayos ang mga ito ayon sa iyong
pinaniniwalaan na siyang pinakamahalagang salik na kinakailangang
isaalang-alang sa pagkonsumo. Isaayos ang mga ito mula sa itaas bilang
pinakamahalaga at pinakababa bilang panghuli sa halaga. Lagyan ng paliwanag ang
bawat kahon.

7
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Palalimin

Gawain 5. Head, Heart, Hands (3H)


Panuto: Sa gawain na ito ay susubukin ang iyong nalaman at naunawaan sa mga
nabasa at iba pang Gawain na sinubok at sinagutan mo. Buuin ang tsart sa ibaba
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na makikita sa bawat kahon.

•Anong konsepto •Anong mga aral o •Paano


HEAD

HEART

HANDS
and natutunan pagpapahalaga magagamit ang
ko? ang nakuha ko? aking natutunan
sa totoong
buhay?

RUBRIK SA PAGGAWA NG TSART

Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman ng
Pagsasanay
Nilalaman
(Malinaw na
nailahad ang 5 4 3 2
punto na nais
iparating)
Gramatika
(Nagamit ng
wasto at 5 4 3 2
epektibo ang
wikang Filipino)
Organisasyon
(Maayos ang
pagkakalahad 5 4 3 2
ng mga ideya
na nakapaloob)

8
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Gawain 6: Poster Mo, Ikampanya Mo!

Sa kasalukuyan ay kinakaharap ng ating bansa ang malaking suliranin dahil


sa kawalan ng trabaho o kita ng mga mamamayan dulot ng pandemya na siyang
ugat ng kahirapan. Ngunit sa kabila nito kapansin-pansin na bagamat hindi sapat
ang kita, marami sa mga tao sa kasalukuyan ang kulang sa financial literacy kaya
ang pagkonsumo nila ay lagpas na sa kanilang pinansiyal na kapasidad. Bilang isang
kabataang mulat sa ganitong sitwasyon, marami kang magagawa upang makatulong
na maipaunawa ito sa iba kahit sa simpleng paraan. Isa na rito ang paggawa ng
campaign poster na bahagi ng adbokasiyang turuan at imulat ang mga kabataang
tulad mo pati na ang mga mamamayan sa inyong komunidad sa wastong
pamamahala ng kanilang konsumo at pinansiyal na kapasidad. Bilang bahagi ng
huling gawain sa modyul na ito, ikaw ay gagawa ng campaign poster na nagpapakita
na kamalayan sa pagkonsumo at pamamahala sa pinansiyal na kapasidad. Sundin
ang tiyak na patnubay at rubric sa ibaba.

1. Gumamit ng matibay na materyal (e.g. cardboaord, illustration board).


2. Ang poster ay may sukat ng isang ¼ na illustration board.
3. Kung gagamit ng materyal na maaring mabasa, lagyan ito ng balot o cover na
hindi nababasa.
4. Idikit ito sa lugar na nakikita ng maraming tao sa iyong komunidad at ipadala ang
larawan sa guro.

RUBRIKS SA PAGGAWA NG POSTER CAMPAIGN

Rubrik sa Pagmamarka
Nakuhang
ng Poster Campaign Deskripsiyon Puntos
Puntos
Pamantayan
Angkop at 10
Kaangkupan ng
makabuluhan ang
Nilalaman
mensahe
Organisado ang ideya at 10
malinaw na
Mensahe
naiintindihan ang nais
ipabatid sa nagbabasa
Mapanghikayat at 10
Kahusayan sa paggawa makapukaw-pansin ang
ginawa
Kabuuang puntos 30

9
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Sukatin

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ito ang salik na naglilimita o nakakadaragdag sa pagkonsumo ng mga produkto


at serbisyo.
A. Kita
B. Presyo
C. Okasyon
D. Paggaya
2. Ang pagkonsumo ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng tao. Alin sa mga
salik ng pagkonsumo ang dahilan ng pagkakaiba sa paraan ng pagkonsumo ng
isang doktor at sang mananahi?
A. Kita
B. Mga Inaasahan
C. Pagkakautang
D. Pagbabago ng Presyo
3. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan
ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na
araw o panahon. Anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ang
ipinapahiwatig nito?
A. Kita
B. Mga Inaasahan
C. Demonstration Effect
D. Pagbabago ng presyo
4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit ng pinagmumulan ng
demonstration effect?
A. Billboards
B. B. Internet
C. Pahayagan
D. Radyo
5. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo. Alin sa mga
salik na ito sinusuri ang halaga ng bilihin?
A. Presyo
B. Mga Inaasahan
C. Pagkakautang
D. Demostration Effect
6. Mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kpag mura dahil
mas marami silang mabibili. Anong salik ng pagkonsumo ang tinutukoy sa
pahayag na ito?
A. Panahon
B. Presyo
C. Okasyon
D. Mga Inaasahan

10
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
7. Gumagastos ang mga kompanya sa pag-aanunsiyo upang ipakilala ang produkto.
Ano ang inaasahang magiging bunga ng hakbanging ito ng mga kompanya?
A. Pangunguna sa kompetisyon.
B. Higit na maraming benta at malaking tubo.
C. Makapagpapasaya sa tauhan ng kompanya.
D. Makababawas sa buwis na babayaran ng kompanya.
8. Bumili si Eunice ng mga rekado para sa pagluluto ng spaghetti at maja blanca
dahil sa kaarawan ng kanyang ina at nais niyang ipaghanda ito ng masarap nna
pagkain. Anong salik ang nakaimpluwensiya sa desisyon niyang bumili at
komunsumo ng mga nasabing produkto?
A. Kita
B. Pagkakautang
C. Demonstration Effect
D. Mga Inaasahan
9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magandang epekto ng pag-aanunsiyo?
A. Bilini agad ni Jhonny ang limited edition ng bag sa online shop.
B. Pinili ni Cedrick ang produktong mura ngunit maganda ang kalidad.
C. Bumili ng bagong smartphone si Rica dahil mas bago ang mga
features nito.
D. Paboritong artista ni Robert si Piolo Pascual kaya bumili siya sa produktong
ini-endorso nito.
10. Sino ang ekonomistang British na may-akda sa aklat na “The General Theory of
Employment, Interest and Money” na nagsabing malaki ang kaugnayan ng kita ng
tao sa kanyang pagkonsumo?
A. Adam Smith
B. John Maynard Keynes
C. Robert E. A. Farmer
D. Gregory Mankiw
11. Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, nais nito na matugunan ang mga
pangangailangan at kagustuhan upang maging maayos at maligaya. Paano
madarama ng tao ang katuparan ng mga hangarin sa buhay maging personal,
panlipunan o pambansa ito?
A. Pag-impok
B. Pag-aksaya
C. Paggastos
D. Pagkonsumo
12. Paano mo patutunayan na isa kang matalinong mamimili?
A. Madalas tatawad sa mga bilihin.
B. Madalas na tatawad sa mga bibilhin.
C. Alam ang karapatan at pananagutan.
D. Mahilig sa mura ngunit de-kalidad na bilihin.
13. May mga ilang konsyumer na naiimpluwensiyahan ng mga anunsiyo sa radyo,
telebisyon, pahayagan at maging sa internet at iba pang social media na nagiging
dahilan sa pagtaas ng pagkonsumo sa isang inendorsong produkto. Alin sa
sumusunod na salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ang tinutukoy nito?
A. Kita
B. Mga Inaasahan
C. Demonstration Effect
D. Pagbabago ng presyo

11
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
14. Kung magkakaroon ka ng trabaho at may pamilya na sa hinaharap, paano mo
maiiwasan ang pagkabaon sa utang?
A. Huwag gumastos ng higit pa sa kinita. Mag-impok.
B. Walang problema kung may utang dahil bahagi ito sa buhay ng tao.
C. Huwag isipin kung gaano katagal bayaran ang utang dahil may
trabaho ka naman.
D. Maaaring humingi ng tulong pinansiyal sa kamag-anak kapag kapos
sa pera.
15. Bakit mahalagang masuri ang iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa
pagkonsumo?
A. Upang hindi maloko sa iyong pamimili.
B. Upang magmjlamit ng maayos ang produktong nabili.
C. Upang maisaalang-alang ang mga proseso sa pamimili.
D. Upang malaman ang iyong karapatan bilang mamimili.

Magaling! Natapos mo nang matagumpay ang modyul na ito!

12
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Sanggunian

Mga Aklat
• Balitao, Bernard, Cervantes Meriam, Nolasco, Liberty, Ong, Jerome,
Pongsaran, John, Rillo, Julia Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Para sa Ikaapat na Taon, Bagong
Edisyon: Vibal Publishing House, Inc.,2012

• Bernard R. Balitao et.Al. Ekonomiks – Araling Panlipunan Modyul para sa


Mag-aaral. Unang Edisyon 2015. Muling Limbag 2017

Iba pang Sanggunian


• Modyul sa Araling Panlipunan 9-Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon

• Halaw: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo,
J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines:
Vibal Publishing House, Inc.
• https://www.google.com/search?source=univ&tbm=isch&q=larawan+ng+m
ga+pagkain&sa=X&ved=2ahUKEwiXi7K0hZryAhUWBt4KHfXxA5MQjJkEegQ
IBxAC&biw=1366&bih=657#imgrc=TdRlhReAGMomGM

14
LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

You might also like