You are on page 1of 13

IKATLONG MARKAHAN IKALIMA-IKAPITONG LINGGO

1
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

• Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
• Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
• Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
• Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo
ito!
2
ARALING PANLIPUNAN 8
REBOLUYONG PANGKAISIPAN, REBOLUSYONG AMERIKANO AT PRANSES

ALAMIN NATIN

Panimula:

Nalalaman natin ang dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Enlightenment


bagamat maraming naging salik upang makapekto sa daigdig.

Talakayin natin ang paglaganap ng Rebolusyon Kaisipan at damdamin Makabayan sa


bansa Amerika at Pransya kung saan nagbigay daan sa pagbabago sa Agham , Panlipunan, Pulitikal
at Sistema ng pamahalaan ng bawat isa at sa pagtalakay sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan
mo ay: Ang konsepto ng paksa at may malalalim na pagsusuri sa Transpormasyon tungo sa
makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan
sa agham, politika at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan. Ating Alamin?

Layunin:
*Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyon Pangkaisipan at Rebolusyon Amerikano at
Pranses.

SUBUKIN NATIN

Panimulang Pagtataya: Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang tamang sagot.

1. Kinilala itong Oath of the Tennis Court dahil sapilitang sumumpa ang mga miyembro ng National Assembly
upang kaagad silang makabuo ng Konstitusyon para sa Pransiya at ito’y ginanap sa _________?
A. Basketball Court B. Badminton Court C. Tennis Court D. Baseball Court

2. Anong damdamin na tumutukoy sa bayan at paghahangad ng kalayaan ?


A. Nasyonalismo B. Patriotismo C. Liberalismo D. Demokrasya
3. Anong makina na ginamit sa panahon ng kaguluhan sa Pransiya at naging simbolo ng hinahangad na
reporma ng mga tao?
A. Lethal injection B. Silya Elektrika C. Gas chamber D. Guillotine
4. Sinong Hari ng Pransiya na naging malabis na maluho at mnyanagarbo sa kag pamumuno kahit ang
kanyang mga nasasakupan ay naghihirap ng lubusan?
A. Henry VIII B. Louis XVI C. Edward III D. Peter I

3
5. Sinong mga pangunahing lider ng grupong Jacobins na nagpabagsak sa monarkiya sa Pransiya?
A. Danton at Robespierre C. Napoleon at Josephine
B. Louis XVI at Marie Antonette D. Nelson at Duke ng Wellington
6. Nagpasimula ang paghahangad ng kalayaan ng 13 kolonya sa Timog Amerika sa Britanya dahil sa
A. paghingi ng karagdagang buwis
B. pagpigil sa malayang pagsasagawa ng kanilang pananampalataya
C. pagkuwestiyon sa aral at doktrina ng Simbahan
D. hangad na patalsikin ang hari ng Britanya
7. Ang naging pangunahing islogan na ginamit ng 13 kolonya sa Timog Amerika bilang protesta sa
Parliamento ng Britanya.
A. Ang paglaya namin ay mahalaga para sa kinabukasan
B. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa pamamagitan ng himagsikan
C. Maging Malaya at isang karangalan
D. Walang pagbubuwis kung walang representasyon
8. Insidente na nagpakilala ng malabis na galit ng mga kolonyang Amerikano sa Britanya dahil sa pagdaragdag
ng buwis sa tsaa na kanilang inaangkat?
A. Saratoga Massacre C. Boston Tea Party
B. Battle of Waterloo D. Unang Kongresong Kontinental
9. Sinong kinilalang bayani ng digmaan ng paghahangad ng kalayaan sa Amerika
A. Thomas Jefferson C.Thomas Paine
B. George Washington D. Paul Revere
10. Sinong abogado na nagsulat ng deklarasyon ng kalayaan ng dating 13 kolonya sa Britanya at
pagbubuo ng Estados Unidos
A. George Washington C. Thomas Jefferson
B. Thomas Paine D. Paul Revere
11. Sinong pinuno ng mga rebolusyonaryong aliping itim sa Saint Domingue o Haiti laban sa mga Pranses
A. Napoleon Bonaparte C.Francois Dominique Toussaint Louverture
B. Lacroix D. Thomas Paine
12.Anong kasunduan na nagtapos sa digmaan sa 13 kolonya at ng Britanya ?
A. Kasunduan sa Ausburg C. Kasunduan sa Paris
B. Kasunduan ng Tordesillas D. Kasunduan sa Vienna
13. Isang insidente sa Pransiya kung saan maraming mga “royals” ang pinutulan ng ulo sa
pamamagitan ng guillotine dahil sa paghahangad ng mga taong patalsikin ang hari at magtatag ng
republic
A. Pagbagsak ng Bastille C. Rebolusyong Pranses
B. Reign of Terror D. Tennis Court Oath
14. Anong kulungan na sumisimbolo sa di makatarungang pamamalakad ng monarkiya
A. Karlskrona B. Bastille C. Santiago D. Warsaw
15. Anong Konsehong ehekutibo na binubuo ng limang direktor
A. Parliamento B. Kongreso C. Diet D. Directo

4
BALIKAN NATIN

Panuto : Unawain mabuti ang sumusunod na tanong.Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
patlang bago ang numero.
A. Simbahang Katoliko E. Enlightenment I. Vasco de Gama
B. Portugal F. Protectorate J. Amerika
C. White Mans Burden G. John Locke
D. Nicoalas Copernicus H. Thomas Hobbes

_____1. Anong Salik ang naglalarawan nito naging malakas na sandalan ng mga tao sa Panahon ng Medyibal
ang mga institusyon naging salik at paghubog ng imahen ng Europa sa Kristiyanismo.
_____2.Nagsimula noong ika-15siglo ng Europa ay nahati sa mga nation –state na nagpaligasahan sa
Kapangyarihan , Nagbunga ang paglisahang ito ng pagpapalawak , Anong Bansa?
____3.Tinaguring New World oTeritoryo lampas sa Kanilang Kinagisnan, Anong Bansa ito?
____4. Siya ang sumulat ng Leviathan na nagsasaad na kapag walang pinuno hahantong sa isang magulo sa
lipunan.
____5. Tawag sa pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa paglusob ng ibang bansa
____6.Siya maglalakbay nakilala sa maaring makarating sa Silangan Asya sa pamamagitan ng pagikot sa
Africa .
____7.Siya ay Polish na nagsisimula ng mga pagtatag tungkol mundo ay bilog at hindi sentro ng
sansinukob kundi ang araw.
____8.Nagkaroon ng Panahon ng Europeo kung saan nagsulputan ang mga ambag ng mga
intelekwal na nagsilbing pundasyon ng mga modernong Ideya na may Kinalaman sa Pamahalaan at
Edukasyon , Demokrasya at maging sa Sining.
____9.Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng mga Europeo na tungkulin nilang ayusin at paunlarin ang
kabihasnan sa mga katutubo ng kolonyang nasakop?
____10. Binigyan diin niya na ang kaisipan ng tao ay maihahalintulad sa Tabula rasa o Blank state

TALAKAYIN NATIN

Sa pagkakaroon malaking pagbabago sa kaisipan sa Europa tinutukoy ang rebolusyon


sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan. Isa sa mga bunga ng pamamarang
makagham ang pagbabagong ginawa nito sa iba-ibang aspekto ng buhay ng tao.

BARON DE MONTESQUIEU (Mon tehs kyoo) - Isa sa kilalang pilosopo sa panahong ito
dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang nararanasan sa France sa
panahong iyon. Aklat na “The Spirit of the Laws” (1748), tinalakay niya ang iba’t ibang
pamahalaang namayani sa Europe.

5
Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng pamahalaang monarkiya na ang
kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament. Mas kinilala ang kaisipang balace of power Montesquieu na
tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan pamahalaan sa tatlong sangay (ehekutibo,lehislatura,at hudikatura).
Philosophes Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 na siglo,isang pangkat ng mga taong tinawag na philosophes
ang nakilala sa France.
FRANCOIS MARIE AROUET sa sa itinuturing na maimpluwensiyang philosophes mas kilala sa
tawag na Voltaire nakapagsulat ng higit 70 aklat na may temang kasaysayan,pilosopiya,politika,at maging
drama. Madalas gumamit ng satiriko so Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali tulad ng mga
pari,aristocrats,at maging ang pamahalaan.
THOMAS HOBBES AT JOHN LOCKE - may magkataliwas na ideya tungkol sa katangian ng
pamamahalang nararapat na mamuno sa mamamayan.
JEAN JACQUES ROUSSEAU kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na
tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibiduwal (individual freedom).Binigyang diin niya ang
kasamaan ng lipunan (evils of the society) ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at labis na
kagustuhan sa pagkamal nito. inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa kaniyang aklat
na The Social Contract.
PAGPAPALAGANAP NG IDEYANG LIBERAL

➢ Denis Diderot(dee DROH) - nagpalaganap sa ideya ng mga philosophe sa pamamagitan ng


pagsulat at pagtipon 28-volume na Encyclopedia na tumatalakay sa iba-ibang paksa.
➢ Binatikos nila ang Divine Right at ang tradisyonal na relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng
pamahalaan at simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang mga Katolikong bibili
at babasa nito.
➢ Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang na 20,000 kopya ang naimpenta sa mga
taong 1751-1789. Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightment o Rebolusyong Pangkaisipan
hindi lamang sa kabuuan ng Europa kundi maging sa America at kalaunan ay sa Asya at Africa.
➢ Mga Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment .Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay
tinitignan ng mga philosophes na hindi akma sa kababaihan.Unti-unting nabago ang pananaw
na ito sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo (1700s) nang magprotesta ang ilang kababaihan sa
ganitong uri ng pagtingin Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang uring
kababaihankaysa kalalakihan.

REBOLUSYON AMERIKANO

Sa Pitong taong digmaan ng Britanya at Pransya na may kalakip na pagkaubos ng kaban ng


bayan ng Inglatera sa laban sa Pransya dahilan sa ganitong kalagayang ng ekonomiya tinaasan
ng Hari ng Britanya ang mga kolonya ng buwis. Isa na ang mga Amerika natamaan ng ganitong
suliranin ito ang mga naging dahilan.

6
Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga representante ng bawa’t isang
kolonya maliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala
ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila. Noong ika-5 ng Setyembre,
1774, 56 kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito at binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula
sa isang kialalng kinatawan na si Patrick Henry, na wala ng dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia,
Pennsylvania, New York at New England.

Sa Petsa ng Abril 1775 nagpadala ang Britanya ng tropa ng mga sundalo sa Boston upang kunin
puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord. Isang Amerikanong panday na nagngangalang
Paul Revere ang naging kasangkapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British.
Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya ang mga tao
na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano
ang humadlang sa mga sundalong Brtish na papalapit sa bayan ng Lexington. Nagpalitan ng putukan ang
magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa
kalayaan ng mga Amerikano.

Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo, 1775 at idineklara
ang pamahalaan na tinawag nilang “United Colonies ofAmerica” ( Pinagbuklod na mga kolonya ng Amerika).
Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na “Continental Army” at ang naatasan na commander-in-chief ay si
George Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston nguni’t natalo sila saDigmaan sa
Bunker Hill.
Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang
pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa sapagka’t tuluyang napaalis nila
ang mgasundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso, 1776.

ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN


Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Britanya sa Atlantiko upang tuluyang durugin
at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng
Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay
isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang manananggol at binigyang diin ng dokumento na ang dating mga
kolonya ay di na sa kasalukuyan teritoryo ng Britanya. Sila sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang
nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika. Noong Diyembre, 1778 ay nakuha ng mga British ang
daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia.
Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay tinangkang sakupin ng
Britanya ang Timog Carolina. Nguni’t sa pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses
ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan sa
Cowpens ng mga unang bahagi ng 1781.
Nag-ipon ng lakas sa kanyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila
sa Yorktown. May karagdagan pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang
sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin ng lubusan ang mga British. Kaya noong Okrubre

7
19,1781 ay minabuti ng sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang
kanilang kalayaan.

GAWAIN # 1
Tanong : Pagbibigay ng sariling opinyon: Sa iyong palagay mabisang paraan ba ng pagtatamo
ng kalayaan ang paggamit ng dahas?Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

REBOLUSYONG PRANSES
Noong 1774, umupo sa trono ng France si Haring Louis XVI Minana niya ang isang
kaharian na pinatakbo ng makalumang patakaran, isang sistemang walang ipinagbago sa loob ng
mahabang panahon.
FIRST ESTATE Ang unang antas o First Estate ay binuo ng mga pari na siyang may
hawak sa buhay pulitika at panlipunan ng bansa. Sila ang nagmamay-ari ng ikalimang bahagdan
ng buong lupain ng France. Karapatan din nilang mangolekta ng buwis sa mga magsasaka at hindi
rin sila kasali sa pagbabayad ng buwis.Isang katangian ng lumang rehimen ay ang magarbong
pamumuhay ng hari simula pa kay Haring Louis XVI na siyang dahilan ng pagbagsak ng bansa..
MAHARLIKA Ang mga maharlika ang bumubuo sa Ikalawang Estado. Nagtaglay din sila
ng mga karapatan tulad ng di pagbabayad ng buwis.
KARANIWANG TAO Ang Ikatlong antas ay binuo ng mga karaniwang tao, na siyang
pinakamarami sa buong populasyon ng bansa. Sila ang mga mangangalakal, propesyonal,
manggagawa, at mga magsasaka.
ANG ESTADO HENERAL Napilitang ipatawag ni Louis XVI ang Estado Heneral o ang
Kongreso ng France, na hindi na nagpupulong mula pa noong 1614, na ang layunin ay upang
makakuha ng pondo. Nang magpulong ang Estado Heneral sa Versailles noong 1789, bibuo ito ng
tatlong kapulungan – ang Unang Estado, ang Pangalawang Estado, at ang Ikatlong Estado.
Tinanggihan ito ng mga pari at maharlika. Hindi gumawa ng anumang aksyon ang hari tungkol sa
bagay na ito, kung kayat pagkaraan ng mahabang panahon ng pagdedebate, ay ipinroklama ng
Ikatlong Estado na sila na ang Pambansang Asamblea.
Pinasara ng hari ang silid-pulungan nang makita niyang handa nang magpulong ang Ikatlong
Estado, kaya’t sila ay lumipat sa may tennis court sa loob ng palasyo at dito sumumpa silang di
maghihiwalay hanggat di nakabubuo ng mga maharlika at pari upang sumama sa kanila.
ANG PAGBAGSAK NG BASTILLE
Nagsimula ang kaguluhan sa Paris ng lumusob ang mga taosa Bastille noong Hulyo 14, 1789. ang
Bastille ay isang moog na ginawang bilangguang pulitikal. Dahil dito, ang Bastille ay naging simbolo

8
ng kalupitan ng Lumang Rehimen. Nagapi ng taong bayan ang mga tagapagtanggol sa kayat napalaya
ang mga bilanggo.
Hindi nakisimpatya ang hari at kanyang mga tagapayo, bagkus ay kanilang inudyukan ang hari
na ipahanda ang mga kawal sa pagkakataong maaaring maghimagsik ang Asamblea. Kumalat ang
balita sa Paris na bubuwagin ang hari ang Asamblea ng pagbagsak ng Bastille ay nagbigay-hudyat sa
pagkawasak ng Lumang Panahon sa France, at ang Hulyo 14 ay itinuring na pambansang araw ng
France.
Nabuo ang Pambansang Asamblea ang isang kasulatan ng deklarasyon ng mga karapatan ng
tao noong 1789. Ipinahihiwatig sa kasulatang ito ang liberal na kaisipan. Ipinahihiwatig din sa
kasulatan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao.
Ang pamahalaang mapaghimagsik sa France ay nagtatag ng hukbo upang maipagtanggol ang bansa
sa mga lulusob. Masiglang tumugon ang mga Prances nang dahil sa madamdaming pag-awit sa bagong
Pambansang awi, ang Marseillaise. Ginamit nilang islogan ang “Kalayaan, Pagkakapantay–pantay , at
kapatiran” (Liberty, Equality , and Faternity).
Nagsiklab sa galit ang mga Pranses, ibinilanggo ang pamilya ng hari at nag-utos ang Asamblea na
magkaroon ng halalan ng mga kinatawan para sa Pambansang Kumbensyon upang makagawa ng
bagong Saligang Batas

ANG UNANG REPUBLIKA NG FRANCE


Noong 1792, nagpulong ang Pambansang Kumbensyon at tuluyan nang inalis ang monarkya
at ipinalit ang Unang Republika ng France. Nilitis ni Louis XVI at napatunayang nagkasala sa bansa.
Pinugutan siya ng ulo noong 1793 sa harap ng maraming tao.

ANG PAGHAHARI NG LAGIM


Ang Pamhalaang Panghimagsikan ng France marami pa ring pag-aalsa ang naganap sa bansa.
Upang mabigyan ito ng solusyon, binuo ang komite ng Kaligtasang Pambayan
(Public Safety) noong 1793, sa ilalim ng pamumuno nina Robespierre, Danton at Marat. Nais
linisin ni Robespierre ang France at ang lahat ng kaaway nito. Dahil dito, libu-libong tao ang
namatay sa pamamagitan ng gullitione. Kabilang na rito sina Reyna Marie Antonette, at si Danton,
isang kasapi ng komite na pinugutan din ng ulo nang dahil lamang sa pagpapaalala niya na
magdahan-dahan si Robespierre.
Noong Hulyo, 1794, hinuli si Robespierre ng kanyang mga kaaway at inihatid sa gullitione.
Samantala, nagkaisa ang malalakas na bansa sa Europe laban sa France. Binubuo ito ng Austria,
Prussia , Britain , Spain , Holland , at Sardinia, ngunit napigilan sila ng isang hukbo sa pamumuno
ng isang magiting na heneral na si Napoleon Bonaparte.

9
SURIIN NATIN

GAWAIN # 2

Tanong : Pagbibigay ng sariling opinyon: Sa iyong palagay tama ba ang pagkakaroon ng


paguuri sa lipunan upang magkaroon ng magandanng pamumuhay ?Bakit
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

PAGYAMANIN NATIN

GAWAIN # 3

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Bakit ginusto ng mga kolonistang Amerikano na maging malaya sa Inglatera?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2.Bakit napahalagang dokumentong Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3.Sa paanong paraan naging sobra na ang mga pangyayari na hindi na makatao katulad sa Rebolusyon
Pransya at Amerikano?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

10
ISAISIP NATIN

➢ Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang


sa kabuuan ng Europa kundi maging sa America at kalaunan ay sa Asya at Africa.
➢ Marami sa mga kolonya ang detreminadong bumuo at gumamit ng mga radikal na
pamaaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain.
➢ Agosto 27, 1789 nang isulat ng mga Pranses ang Declaration of the Rights.

ISAGAWA NATIN

GAWAIN # 4
Panuto: Unawain ng mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot..
______1. Ang makasaysayang panunumpa na hindi sila aalis sa lugar na iyon hangga’t
nakakabuo ng isang konstitusyon ay nagaganap sa

A. Tennis court B. Supreme court C.Volleyball court D. Basketball court

______2. Panahon libu-libu tao ang nagamatay nag walang sapat na paglilitis
A.Panahon Lagim B. Panahon ni Louis XIV C.Panahon ni Louis XV D. Panahon Merkantilismo
______3. Sinong mga pangunahing lider ng grupong Jacobins na nagpabagsak sa monarkiya sa
Pransiya?
A. Danton at Robespierre C. Napoleon at Josephine
B. Louis XVI at Marie Antonetti D. Nelson at Duke ng Wellington
______4. Sino sumulat ng Levitan ?
A.John Locke B. Thomas Hobbes C.Thomas More D .Voltaire
_______5. Siya ay magaling na abogado sumulat ng Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4
A.John Locke B. Thomas Hobbes C.Thomas Jefferson D .Voltaire
______6. Insidente na nagpakilala ng malabis na galit ng mga kolonyang Amerikano sa Britanya dahil sa
pagdaragdag ng buwis sa tsaa na kanilang inaangkat?
A. Saratoga Massacre C. Boston Tea Party
B. Battle of Waterloo D. Unang Kongresong Kontinental

_____7. Sinong Hari ng Pransiya na naging malabis na maluho at magarbo sa kanyang pamumuno
kahit ang kanyang mga nasasakupan ay naghihirap ng lubusan?
A. Henry VIII B. Louis XVI C. Edward III D. Peter I

11
______8. Anong pangkat ng uri ng tao ang firs Estate?
A. Hari B. Pari C. Nobility D. Karaniwang tao
______9. Anong bansa ang kupkubin ng Amerika ngunit natalo sila?

A. Argentina B. Canada C. Columbia D. Peru

______10. Anong damdamin na tumutukoy sa bayan at paghahangad ng kalayaan ?


A. Nasyonalismo B. Patriotismo C. Liberalismo D. Demokrasya

KARAGDAGANG GAWAIN

▪ Kung kayo ay may internet sa bahay maaari ninyong panoorin ang isang
pelikula na may pamagat : The French Revolution (1989)
https://www.youtube.com/watch?v=JBR6bUCaG2k
▪ Isulat sa inyong journal ang inyong saloobin sa inyong napanood

SANGGUINAN

▪ Batayang Aklat-Kasaysayan ng Daigdig


▪ Kayamanan -Kasaysayan ng Daigdig Rex
▪ k12 GabayPangkurikulum

12
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Katherine A. Vallangca

Mga tagasuri: Jocelyn C. Alvis, Araling Panlipunan - Head Teacher III

Elisa P. Apolis, Araling Panlipunan - Head Teacher III

Naglayout: Robert Valera

Management Team: Margarito B. Materum

Assistant Schools Division Superintendent

Dr. George P. Tizon

Chief SDOG

Dr. Ellery G. Quintia

CID Chief

Dr. Daisy L. Mataac

EPS LRMS

Ferdinand Paggao

EPS-AP

Sa mga katanungan ,maaring tumawag o sumulat sa …..

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan


Taguig City

Telefax: 8384251

13
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like