You are on page 1of 3

Script sa Pecha Kucha

Panimula (Aubrey): Isang magandang umaga mga Binibini't Ginoo at kay Ginang
Justine Wong. Halina't ating balikan at pag-usapan ang mga naiambag ni Rizal sa ating
bansa at sa ating mga Pilipino. Ngunit ipapakilala muna namin sa inyo ang ating
Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

Slide 2 (Aubrey): Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ang itinuturing
na Pambansang Bayani ng Pilipinas at isa siya sa pinakadakila at pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa ating bansa noong panahon ng pananakop ng mga
Kastila.

Slide 3 (Keith): Siya rin ang naglathala ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na


kung saan ang dalawang nobela na kanyang isinulat ang siyang tumulong na magmulat
sa ating mga Pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan at ang ating bansa sa kamay ng
mga mananakop.

Slide 4 (Keith): Dumako na tayo sa pinakamahalagang detalye ng usapang ito. Ano


nga ba ang ang mga kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa ating bansa at sa ating mga
Pilipino noon at hanggang sa kasalukyang panahon at bakit nga ba maraming
bumabatikos sa kanyang mga naiambag? Halina't ating pag-usapan.

Slide 5 (Margaux): Kilala ng marami sa atin si Jose P. Rizal bilang isang duktor, isang
manunulat, isang makata, at lengwista. Ngunit sa tingin ko ay kakaunti lamang ang
nakakakilala sa kanya bilang isang historyador. Para kay Jose Rizal ay may saysay ang
kasaysayan.

Slide 6 (Margaux): Marahil alam naman natin na ang kanyang dalawang nobela na
pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang isa sa mga kanyang naiambag
sa ating bansa na nagpamulat sa atin sa tunay na kalagayan ng ating bansa noong
panahon ng paghihimagsik ng mga Kastila.

Slide 7 (Richelle): “Sa Noli Me Tangere, isinalarawan ko sa inyo ang kasalukuyang


kalagayan ng ating bayan,” anya sa pambungad ng kanyang anotasyon o komento
sa 1609 Sucesos de las Islas Filipinas (Mga Pangyayari sa mga Isla ng Pilipinas) ni
Antonio de Morga.
Slide 8 (Richelle): Kalalabas pa lamang noon sa imprenta ng Noli Me Tangere o
Huwag Mo Akong Salingin at naghahanap siya ng inspirasyon sa susunod niyang
nobela, ang El Filibusterismo o Ang Pag-aalburoto. Iilan na lamang ang natitirang kopya
ng libro na nagkukwento sa kasaysayan ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila.

Slide 9 (Keith): Kaya nag-ipon siya ng pamasahe at pumunta sa London noong 1888.
Inilathala ni Rizal noong 1889 ang libro ni Morga. Sa pamamagitan nito ay napukaw
niya ang ating pag-iisip tungkol sa ating nakalipas, at nabura sa ating alaala o naitama
ang mga kasinungalingan o paninira sa ating lahi.

Slide 10 (Aubrey): Ganun kahalaga ang kasaysayan para kay Rizal. Bagay na napulot
sa kanya ng mga umiidolo; isa na rito si Andres Bonifacio. Hanga talaga si Bonifacio sa
kanya. Sobra, peks man. Binasa nito lahat ng mahawakang sinulat ni Rizal at pati siya’y
nakumbinse na mahalagang pag-aralan ang kasaysayan.

Slide 11 (Margaux): Isa pa sa mga kontribusyon ni Rizal ay ang kanyang katalinuhan


at ang kanyang mga salita para ipakita sa mga Pilipino na tumayo para sa kanilang
sarili at lumaban sa mga kastila. Ang paglalaban niya ay hindi sa paggagamit ng
espada, dahas or pagkitil ng buhay ng isang tao, kundi ang kanyang panulat at mga
salita.

Slide 12 (Richelle): Isa rin sa kanyang mga kontribusyon ay ang pagbuwis ng kanyang
buhay at ang mga aral na kanyang ibinahagi sa atin na naiplanta sa ating mga isipan.
Naramdam niya ang sakit ng mga Pilipino at ang kanyang bansa kaya talagang
pinaglaban niya ang kanyang pangarap hanggang sa kanyang pagkakamatay.

Slide 13 (Keith): Ngunit maraming bumabatikos sa kanyang mga nobela at isa na rito
ang simbahang Katoliko dahil inilarawan ni Rizal ang kabuktutan ng mga paring kastila
at korapsyon sa gobyernong Kastila. Galit ang simbahan sa mga taong tumutuligsa sa
kanila at kumokontra sa kanilang doktrina.

Slide 14 (Richelle): Hindi lamang mga batikos ang natanggap ni Rizal kundi ay may
mga kontrobersiya din ang lumutang at nahalungkat sa panahon ngayon. Isa na dito
ang liham ng retraksiyon ni Rizal o liham ng pagbawi. Ito ang naging pinakamalaking
kontrobersya at pinaka-pinag-uusapan at pinaka-pinagtatalunan tungkol kay Rizal.
Slide 15 (Aubrey): Apat na dokumento ang lumabas na naglalaman ng retraksyon kay
Jose Rizal isang araw bago siya bitayin. Ang retraksyon o pagbawi ay nagsasaad ng
pagtanggi ni Rizal sa pagmamason at pagtanggi sa kanyang mga salita, sulat,
publikasyon at pag-uugali na laban sa Simbahang Katoliko.

Slide 16 (Margaux): Sa pagsusuri ng mga eksperto may mga bersiyong dinagdagan at


meron din naman kulang ang mga nilalamang salita. May lagda at naaayon nga sa
estilo ng pagsusulat ni Rizal ang pagbawi subalit ito’y may bahid ng pamemeke at di
makatotohanan. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito napapatunayan.

Slide 17 (Richelle): Naging laman din ng mga debate at usap-usapan ang tungkol sa
pagiging ambivalent hero o fence sitter ni Rizal. Ang pagkaunawa kay Jose Rizal bilang
ambivalent hero ay nagbunga ng apat na magkasalungat na patotoo ni Pio Valenzuela.
Ang mga patotoong ito ay tungkol sa pakikipag-usap niya kay Jose Rizal sa Dapitan.

Slide 18 (Keith): Kaya masasabing kahit papano ay kailangan malaman ang mga
nobela ni Rizal sapagkat madaming mga kabataan ang napapariwara sa panahon
ngayon dahil sa kakulangan sa kaalaman na sila ay napaka swerte kung ito ay
ikukumpara sa nakaraan at upang mamulat ang kabataan na sila lamang ang daan
upang ipagpatuloy ang paglago ng Pilipinas.

Slide 19 (Margaux): Sa mga pangyayaring ito dapat ipatupad ang kanyang mga nobela
sa kadahilanan na upang matutu tayo sa mga pinagdaanan nila noon at hindi na maulit
ang ganitong pangyayari sapagkat maging tayo ay ayaw maulit ang nakaraan na halos
hindi na mawari kung makakaraos ba ang Pilipinas sa delubyo nang nakaraan.

Slide 20 (Aubrey): Pinaka importante maaring ito ang basehan o susi nating mga
Pilipino sa pagpili ng nararapat na tatayo sa pwesto ng mga kandidato upang mapalago
ang pilipinas dahil maaring naka lathala sa nobela niya ang pagkakamali noon kaya
hindi naiwasan ang digmaan upang hindi na ito maulit ang magdusa ang mga Pilipino.

You might also like