You are on page 1of 24

2

MADRASAH
Modyul - Unang Markahan
Naipakikita at Naipadadama
ang Pasasalamat sa Kapwa
ARALING PANLIPUNAN – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul: Pagpapakita at Pagpapadama ng Pasasalamat sa Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rose Andrea G. Bergonio
Editor: Bernadette G. Paraiso PhD
Tagasuri: Racy V. Troy, Marie Ann C. Ligasy, PhD
Tagaguhit:
Tagalapat: Acel M. Lopez
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Merlinda T. Tablan EdD
Ellen C. Macaraeg EdD
Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

MADRASAH
Modyul - Unang Markahan
Naipakikita at Naipadadama
ang Pasasalamat sa Kapwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang ARABIC LANGUAGE ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Show Gratefulness!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalayon na
mabigyan na higit na kaalaman ang mga
mag-aaral na nasa ilalim ng Muslim
Education Program.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Arabic Language ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Show Gratefulness!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang


marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Maging matapat at panatilihin ang integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang pagpapakita ng


pasasalamat at pagkilala sa tulong na nagawa ng ibang tao sa iyo.
Mauunawaan din sa araling ito ang mga paraan ng pagbibigay ng
pasasalamat sa kapwa.

Pagkatapos ng modyul, inaasahang na iyong:


 Maipakikita at maipadadama ang pasasalamat sa kapwa at
mabibigyang-halaga ang kabutihang nagawa sa iyo
Subukin

Panuto: Basahin at unawain. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot


sa sagutang papel.

1. Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang


taong_____________.
a. nakikinig sa magulang c. sumusunod sa Islam
b. nag-aaral nang mabuti d. nagsisikap sa buahy

2. Alin ang nagsasaad ng tamang paraan ng pagpapasalamat?


a. Pagtulong sa kapwa
b. Paggawa ng kabutihan
c. Pagdarasal ng limang beses
d. Lahat ng nabanggit

3. Ang lahat ng biyaya at pagpapalang ating natatanggap ay dapat


na ipagpasalamat natin sa ___________.
a. mga magulang c. mga kaibigan
b. Allah d. sarili

4. Ang mga sumusunod ay dapat nating ipagpasalamat MALIBAN


sa isa. Alin ito?
a. Pagkakaroon ng masayang pamilya
b. Pagiging mainggitin
c. Pagkakaroon ng maayos na tirahan
d. Pagiging malusog at malakas

2
5. Sino sa mga sumusunod ang nagpakita o nagpadama ng
pasasalamat?
a. Si Huzaifa na gumawa ng kabutihan sa kapwa.
b. Si Akhmad na nagdarasal lamang kapag may kailangan.
c. Si Ali na nagpasalamat nang hindi bukal sa kalooban.
d. Si Haniya na hindi sumunod sa utos ng nakatatandang
kapatid.

3
Aralin
Pagpapakita at Pagpapadama
8 ng Pasasalamat sa Kapwa

Maraming mga paraan upang ipahayag ang pasasalamat ngunit


ang pinakamadali at pinakakapaki-pakinabang na paraan ay ang
pagsunod sa Allah sa pamamagitan ng pagtupad sa lahat ng mga
obligasyon sa Islam. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa limang
haligi ng Islam ay naipahahayag natin ang pasasalamat sa Allah.

Balikan

Panuto: Suriin ang mga kasunod na larawan.

dreamstime.com wikiclipart.com

pngio.com pinterest.ph

4
Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
1. Ano ang ipinakikita sa bawat larawan? Taglay mo ba ang mga
ito?
2. Paano ka nagpapasalamat sa mga biyayang mayroon ka?

Tuklasin

Panuto: Sa bilang isa hanggang sampu, kung saan ang una ang
pinakamahalaga, isulat sa loob ng puso ang mga pinasasalamatan mo
sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga.

7 5

8 4
6

9 3

10 2

5
Sagutin ang mga tanong mula sa iyong sagot sa itaas.

1. Sino ang pinakauna mong taong pasasalamatan? Bakit?

2. Sino ang pangalawa?

3. Sino ang pinakahuli sa iyong sagot?

4. Ano-ano ang ginagawa mo upang maipakita ang


iyong pasasalamat sa Allah? iyong mga magulang?

5. Ano ang iba pang paraan ang maaari mong


gawin upang maipakita ang iyong pasasalamat
sa mga taong gumawa ng kabutihan para sa iyo?

Suriin

Ang pagpapakita ng pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga


ng batang Muslim sa kulturang Islam. Ang pagsunod sa Islam sa
paraang itinuro ng Allah ay isang pagpapahayag ng pagtitiis at
pasasalamat. Ang pagiging mapagpasalamat ay nangangahulugan
nang may kababaang-loob at dalisay na damdamin ng pagkilala at
pagtanggap sa lahat ng biyaya na nagmumula sa Allah.

May iba’t-ibang paraan upang maipakita o maipadama natin


ang pasasalamat. Narito ang ilang paraan.
 Pagpapasalamat sa bawat araw sa pamamagitan ng pag aayuno
lalo na sa buwan ng Ramadan.
 Pananalangin ng limang beses sa isang araw.

6
 Pagsunod sa Islam sa paraang itinuro ng Allah.
 Pagpapadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng
kabutihan o higit na nagangailangan ng iyong pasasalamat.
 Paggawa ng kabutihan sa kapwa nang walang kapalit o
gantimpala.
 Pagtulong sa kapwa.

Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay


nagdudulot ng kaligayahan sa kapwa. Mahalagang ugaliin natin ang
gawaing ito at gawin natin ito nang bukal sa kalooban.

Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng
tsek (/) ang tanda ng isang taong may pasasalamat at ekis (x) kung
hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Laging nagpapasalamat si Abdul sa mga taong tumutulong sa
kanya kahit hindi bukal sa kanyang kalooban.
2. Si Noraida ay kuntento sa kanyang buhay kahit simple lamang
dahil alam niyang pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya
mula kay Allah.
3. Nag-aaral nang mabuti si Ibrahim upang maiahon niya sa kahirapan
ang kanyang mga magulang.
4. Si Misuari na nagbibigay ng limos sa mahihirap (zakat).
5. Si Yasser na nagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw
(salat).

7
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang iba’t-ibang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang paraan
ng pagpapakita ng pagpapasalamat mula sa biyayang natanggap sa
sagutang papel.

1. Tinuruan ka ng iyong nakatatandang kapatid sa


iyong takdang-aralin sa Madrasah.

Paraan ng Pasasalamat:

2. Inihanda ng iyong ina ang mga gamit na iyong


dadalhin para sa inyong ALIVE sa paaralan.

Paraan ng Pasasalamat:

3. Binigyan ka ng iyong kuya ng bagong libro dahil


alam niyang mahilig kang magbasa ng mga kuwento.

Paraan ng Pasasalamat:

4. Ibinalita ng iyong Uztadha na nakapasa ka sa


pagsusulit sa Arabic Language.

Paraan ng Pasasalamat:

5. Guminhawa ang iyong kalooban sa tuwing


nananalangin kay Allah.

Paraan ng Pasasalamat:
8
Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Gumuhit ng
puso kung ang isinasaad na kilos ay nagpapakita ng
pasasalamat at ekis (x) kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Si Sadiah ay mayroong positibong pananaw sa buhay sa kabila ng
mga nararanasang suliranin.
2. Hindi binibigyang-halaga ni Malik ang mga taong gumagawa sa
kanya ng kabutihan.
3. Laging tumatawag si Mahnoor kay Allah sa mga kabutihan at
pagsubok na kaloob sa kanya.
4. Tinutulungan ni Amal ang kanyang mga magulang sa gawaing-
bahay dahil alam niyang pagod na sila sa kanilang trabaho.
5. Hindi nag-aayuno si Tahreem tuwing buwan ng Ramadan.

Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Gumawa ng isang liham-pasasalamat kay Allah sa mga
biyaya at talento/kakayahan na ipinagkakaloob niya sa iyo na
makatutulong upang magtagumpay ka sa iyong buhay. Gawin ang
liham sa sagutang papel.

Malayang Pagtatasa 1
Isulat kung paano mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa mga
salitang nasa loob ng bawat hugis. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Magulang Kapatid Guro

9
Talento/
Maayos na Kakayahan Kaibigan
Kalusugan

Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Gumawa ng islogan na matatagpuan sa Qur’an tungkol sa
pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa mo sa iyo.

silhouettedesignstore.com

10
Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Maraming mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng
pasasalamat ang ating narinig o nabasa. Ngunit mayroon din namang
hindi marunong magpakita ng pasasalamat. Suriin ang sumusunod na
sitwasyon tungkol sa pasasalamat. Punan ang tsart batay sa nabasang
sitwasyon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon 1

Si Unaiza ay isang batang may ispesyal na pangangailangan.


Hindi siya nag-aaral dahil sa kahirapan. Pangarap niyang
makapaglakad, makapag-aral at makapaglaro kasama ang mga
kaibigan. Ngunit dahil sa kanyang kalagayan, alam niyang hindi niya
iyon magagawa. Isang araw, isang social worker ang nakaalam ng
kanyang sitwasyon. Inilapit niya ito sa kakilalang orthopedic surgeon
upang bigyan ng libreng operasyon upang siya ay makalakad. Laking
tuwa ni Unaiza nang siya ay makalakad. Bilang pasasalamat sa social
worker at kay Allah, ipinangako niya na gagamitin niya ang kanyang
buhay nang may pasasalamat at tutulong din siya sa mga taong
nangangailangan.

Sitwasyon 2

Si Musfirah ay naulila dahil sa isang aksidenteng ikinamatay ng


kanyang mga magulang. Dahil sa awa ng kanyang guro at
kagustuhang makapagtapos siya ng pag-aaral, hinanapan siya ng
taong maaaring magpaaral sa kanya. Si Ibrahim na isang Imam sa
kanilang lugar ang nagpaaral sa kanya hanggang sa makapagtapos
siya sa kolehiyo. Hindi naging madali kay Musfirah ang kanyang
pinagdaanan dahil kailangan niya itong sabayan ng sipag at tiyaga.
Nakapagtrabaho si Musfirah ng kanyang pag-aaral ngunit hindi niya
makakalimutan ang mga taong tumulong sa kanya upang maabot ang
mga pangarap.

11
Sitwasyon Sitwasyong Paano Paano ipinakita
Kinakaharap Nalampasan? ang
pasasalamat?

Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Basahin at unawain. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Ano ang wastong pagpapakita ng pasasalamat (shukr)?


a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng
kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng
pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa paminsan-minsan
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.

2. Ang sumusunod ay gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan


MALIBAN sa isa. Alin ito?
a. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
b. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay
c. Pagsunod nang may hinihintay na kapalit.
d. Paggawa ng kabutihan sa iyong kapatid.

3. Alin ang nagsasaad ng tamang paraan ng pagpapasalamat?


a. Limang beses na pagdarasal
b. Pagsunod sa Allah
c. Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan

12
d. Lahat ng nabanggit

4. Sino ang taong nagpakita ng pasasalamat?


a. Si Yasser na sumusunod sa utos kapag may gantimpala.
b. Si Shaista na laging nagpapasalamat kahit labag sa kanyang
kalooban.
c. Si Ahmad na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot
ng makakaya
d. Si Ameer na walang utang-na-loob sa taong tumutulong sa
kanya.

5. Ang sumusunod ay mga pakinabang dulot ng pasasalamat


MALIBAN sa isa. Alin ito?
a. Pagkakaroon ng maraming pera dahil ipinapakita mo ang
pasasalamat sa kanila.
b. Pagiging maingat sa mga materyal na bagay na natatanggap
buhat sa ibang tao
c. Pagkakaroon ng kagalakan dahil kinikilala mo ang mga
kabutihang loob ng kapwa
d. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil
nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay

Isaisip

13
Panuto: Punan ng wastong sagot ang bawat patlang.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Ang pagpapakita ng 1. ___________ ay isa sa mga


pagpapahalaga ng batang Muslim sa kulturang 2. _________.
Ang pagsunod sa Islam sa paraang itinuro ng 3. _________ ay
isang pagpapahayag ng pagtitiis at pasasalamat. Ang pagiging
mapagpasalamat ay nangangahulugan nang may 4.
___________ at 5. __________ na damdamin ng pagkilala at
pagtanggap sa lahat ng biyaya na nagmumula sa Allah.

Isagawa

Panuto: Bakatin ang hugis ng iyong kaliwang kamay sa loob ng


kahon. Sa bawat daliri ay isulat ang iba’t-ibang paraan ng
pagpapakita o pagpapadama ng pasasalamat. Gawin ito sa sagutang
papel.

Tayahin

Panuto: Isulat ang W kung wasto ang pahayag tungkol sa


pagpapasalamat at DW kung di-wasto. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

14
1. Pagsasabi ng salamat (shukran) sa pagtuturo sa iyo ng
nakatatandang kapatid.

2. Pagkilala sa nagawang kabutihan sa iyo ng kapwa.

3. Pagtulong sa kaklase nang may hinihintay na kapalit.

4. Pagpapasalamat kay Allah sa pamamagitan ng pag-aayuno.

5. Pagbibigay tulong sa kapwa sa panahon ng Ramadan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng mga biyaya o


pagpapalang ipinagpapasalamat mo kay Allah. Gawin ito sa long
coupon bond.

Susi sa Pagwawasto

Balikan Tuklasin
- Depende sa sagot ng bata - Depende sa sagot ng bata

Suriiin:
Babasahin lamang ng bata

15

Pagyamanin
Sanggunian:

ph.newmuslim.net

newmuslims.com

https://www.slideshare.net/jetsetter22/pananampalatayang-islam

16
17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

18

You might also like