You are on page 1of 28

2

MADRASAH
Unang Markahan – Modyul:
Naipakikita at naipadadama ang pasasalamat
sa kapwa
ARALING PANLIPUNAN – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pagpapakita at Pagpapadama ng Pasasalamat sa Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rose Andrea G. Bergonio
Editor: Bernadette G. Paraiso PhD
Tagasuri: Racy V. Troy, Marie Ann C. Ligasy, PhD
Tagaguhit:
Tagalapat: Acel M. Lopez
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Merlinda T. Tablan EdD
Ellen C. Macaraeg EdD
Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

MADRASAH
Unang Markahan – Modyul:
Naipakikita at naipadadama ang pasasalamat
sa kapwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang ARABIC LANGUAGE ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Show Gratefulness!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalayon na
mabigyan na higit na kaalaman ang mga
mag-aaral na nasa ilalim ng Muslim
Education Program.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Arabic Language ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Show Gratefulness!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang


marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang pagpapakita ng


pasasalamat at pagkilala sa tulong na nagawa ng ibang tao sa iyo.
Mauunawaan din sa araling ito ang mga paraan ng pagbibigay ng
pasasalamat sa kapwa.

Pagkatapos ng modyul, inaasahang na iyong:


 Maipakikita at maipadadama ang pasasalamat sa kapwa at
mabibigyang-halaga ang kabutihang nagawa sa iyo
Subukin

Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang


taong_____________.
a. puno ng galit c. puno ng biyaya
b. puno ng inggit d. maraming pera

2. Alin ang nagsasaad ng tamang paraan ng pagpapasalamat?


a. Simpleng yakap
b. Pagbibigay ng maliit o simpleng regalo
c. Pagdarasal
d. Lahat ng nabanggit

3. Ang lahat ng biyaya at pagpapalang ating natatanggap ay dapat


na ipagpasalamat natin sa ___________.
a. mga magulang c. mga kaibigan
b. sa Diyos d. sarili

4. Ang mga sumusunod ay dapat nating ipagpasalamat MALIBAN


sa isa. Alin ito?
a. Pagkakaroon ng masayang pamilya
b. Pagiging mainggitin
c. Pagkakaroon ng maayos na tirahan
d. Pagiging malusog at malakas

2
5. Sino sa mga sumusunod ang nagpakita o nagpadama ng
pasasalamat?
a. Si Joy na binigyan ng liham o card ang mga magulang.
b. Si Marco na nagdarasal lamang kapag may kailangan.
c. Si Kelly na nagpasalamat nang hindi bukal sa kalooban.
d. Si Yana na hindi sumunod sa utos ng nakatatandang kapatid.

3
Aralin
Pagpapakita at Pagpapadama ng
8 Pasasalamat sa Kapwa

Ang pagpapasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat.


Ito rin ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa atin ng
kabutihang loob. May iba’t-ibang paraan upang maipakita at
maipadama natin ang ating pasasalamat.

Balikan

Panuto: Suriin ang mga larawan sa iba. Ano ang ipinakikita sa bawat
larawan? Taglay mo ba ang mga ito? Paano ka nagpapasalamat sa
mga biyayang mayroon ka?

wikiclipart.com wikiclipart.com

pngio.com 123rf.com

4
Tuklasin

Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.


Ito ay ang pagkilala o pagtugon sa kabutihang nagawa ng kapwa sa
iyo lalo na sa oras ng matinding pangangailangan. Ang pagpapakita
ng pasasalamat ay pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa nang
mabuti sa ibang tao.

May iba’t-ibang paraan upang maipakita o maipadama natin ang


pasasalamat sa ating kapwa. Narito ang ilang paraan.
1. Magpasalamat sa bawat araw.
2. Magdasal at magsimba.
3. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng
kabutihan o higit na nagangailangan ng iyong pasasalamat.
4. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat.
5. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang walang hinihintay
na kapalit o gantimpala.
6. Magbigay ng munti o simpleng regalo.

Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay


nagdudulot ng kaligayahan sa kapwa. Mahalagang ugaliin natin ang
gawaing ito at gawin natin ito nang bukal sa kalooban.

5
Suriin

Sagutin ang mga tanong ayon sa iyong pagkaunawa.

1. Ano ang iba’t-ibang paraan ng pagpapakita o pagpapadama ng


pasasalamat sa kapwa?
_____________________________________________

2. Naipakita mo na ba ang iyong pasasalamat kahit sa simpleng


paraan lamang? Paano mo ito ipinakita?
_____________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pagpapakita o pagpapadama ng pasasalamat


sa kapwa?
______________________________________________

6
Pagyamanin

A. Panuto: Sa bilang isa hanggang sampu, kung saan ang una ang
pinakamahalaga, isulat sa loob ng puso ang mga pinasasalamatan mo
sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga.

7 5

8 4
6

9 3

10 2

bodyshotperformance.com

7
B. Panuto: Basahin ang iba’t-ibang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang
paraan ng pagpapakita ng pagpapasalamat mula sa biyayang
natanggap.

Tinuruan ka ng iyong nakatatandang kapatid sa iyong


takdang-aralin sa Madrasah.

Paraan ng Pasasalamat: _____________________________

__________________________________________________________

Inihanda ng iyong ina ang mga gamit na iyong dadalhin


para sa inyong camping sa paaralan.

Paraan ng Pasasalamat: _____________________________

__________________________________________________________

Binigyan ka ng iyong kuya ng bagong libro dahil alam


niyang mahilig kang magbasa ng mga kuwento.

Paraan ng Pasasalamat: _____________________________

__________________________________________________________

8
Ibinalita ng iyong guro na nakapasa ka sa pagsusulit sa
Math.

Paraan ng Pasasalamat: _____________________________

__________________________________________________________

Guminhawa ang iyong kalooban nang paggising mo


isang umaga ay nalanghap mo ang sariwang hangin at
binate ka ng masayang huni ng ibon.

Paraan ng Pasasalamat: _____________________________

__________________________________________________________

C. Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng


tsek (/) ang tanda ng isang taong may pasasalamat at ekis (x) kung
hindi.

_____ 1. Laging nagpapasalamat si Kenjie sa mga taong tumutulong


sa kanya kahit hindi bukal sa kanyang kalooban.

9
_____ 2. Si Mira ay kuntento sa kanyang buhay kahit simple lamang
dahil alam niyang pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya
mula sa Diyos at ibang tao.
_____ 3. Nag-aaral nang mabuti si Mav upang maiahon niya sa
kahirapan ang kanyang mga magulang.
_____ 4. Iniingatan ni Rian ang mga bagay na bigay sa kanya ng mga
mahal sa buhay.
_____ 5. Si Jen ay humihingi ng kapalit o gantimpala sa nagawa
niyang tulong sa kapwa.
_____ 6. Si Aling Glenda ay mayroong positibong pananaw sa buhay
sa kabila ng mga nararanasang suliranin.
_____ 7. Hindi kinikilala o binibigyang-halaga ni Mr. Tan ang mga
taong gumagawa sa kanya ng kabutihan.
_____ 8. Laging tumatawag si Sabel sa Diyos sa mga kabutihan at
pagsubok na kaloob sa kanya.
_____ 9. Tinutulungan ni Nene ang kanyang mga magulang sa
gawaing-bahay dahil alam niyang pagod na sila sa kanilang trabaho.
_____ 10. Huminto sa pag-aaral si Harold upang magtrabaho at
makamit ang kanyang pangarap kahit may pangtustos ang mga
magulang.

10
D. Panuto: Gumawa ng isang liham-pasasalamat sa Diyos sa mga
biyaya at talento/kakayahan na ipinagkakaloob niya sa iyo na
makatutulong upang magtagumpay ka sa iyong buhay.

clipart-library.com

E. Panuto: Isulat kung paano mo maipakikita ang iyong pasasalamat


sa mga salitang nasa loob ng bawat hugis.

11
Magulang Kapatid

Maayos na Kalusugan Guro

Talento/Kakayahan

Kaibigan

12
F. Panuto: Panuto: Maraming mga halimbawa o sitwasyon na
nagpapakita ng pasasalamat an gating narinig o nabasa. Ngunit
mayroon din naming hindi marunong magpakita ng pasasalamat.
Suriin ang sumusunod na sitwasyon tungkol sa pasasalamat. Punan
ang tsart batay sa nabasang sitwasyon.

Sitwasyon 1

Si Matthew ay isang lumpong bata. Hindi siya nag-aaral dahil sa


kahirapan. Pangarap niyang makapaglakad, makapag-aral at
makapaglaro kasama ang mga kaibigan. Ngunit dahil sa kanyang
kalagayan, alam niyang hindi niya iyon magagawa. Isang araw, isang
social worker ang nakaalam ng kanyang sitwasyon. Inilapit niya ito sa
kakilalang orthopedic surgeon upang bigyan ng libreng operasyon
upang siya ay makalakad. Laking tuwa ni Matthew nang siya ay
makalakad. Bilang pasasalamat sa social worker, ipinangako niya na
gagamitin niya ang kanyang buhay nang may pasasalamat at tutulong
din siya sa mga taong nangangailangan.

Sitwasyon 2

Si Kylie ay naulila dahil sa isang aksidenteng ikinamatay ng


kanyang mga magulang. Dahil sa awa ng kanyang guro at
kagustuhang makapagtapos siya ng pag-aaral, hinanapan siya ng
taong maaaring magpaaral sa kanya. Isang pari sa kumbento ang
nagpaaral sa kanya hanggang sa makapagtapos siya sa kolehiyo.
Hindi naging madali kay Kylie ang kanyang pinagdaanan dahil
kailangan niya itong sabayan ng sipag at tiyaga. Nakapagtrabaho si
Kylie sa Amerika ngunit hindi niya makakalimutan ang mga taong
tumulong sa kanya upang maabot ang mga pangarap. Bumalik siya sa

13
Pilipinas upang pasalamatan ang kanyang guro at pari na itinuring na
niyang ikalawang magulang.

Sitwasyon Pangunahing Sitwasyong Paano Paano


Tauhan Kinakaharap Nalampasan? ipinakita ang
pasasalamat?

G. Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang wastong pagpapakita ng pasasalamat?


a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng
kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng
pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa paminsan-minsan
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.

2. Ang sumusunod ay gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan


MALIBAN sa isa. Alin ito?
a. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
b. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay

14
c. Paghahanap-buhay para buhayin ang sarili
d. Pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang
maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya

3. Alin ang nagsasaad ng tamang paraan ng pagpapasalamat?


e. Pagdarasal
f. Pagbibigay ng maliit o simpleng regalo
g. Simpleng yakap o tapik sa balikat
h. Lahat ng nabanggit

4. Sino ang taong nagpakita ng pasasalamat?


a. Si Arnel na sumusunod sa utos kapag may gantimpala.
b. Si Grace na laging nagpapasalamat kahit labag sa kanyang
kalooban.
c. Si Ryan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot
ng makakaya
d. Si Olga na walang utang-na-loob sa taong tumutulong sa
kanya.

5. Ang sumusunod ay mga pakinabang dulot ng pasasalamat


MALIBAN sa isa. Alin ito?
a. Pagiging maingat sa mga materyal na bagay na natatanggap
buhat sa ibang tao
b. Pagkakaroon ng kagalakan dahil kinikilala mo ang mga
kabutihang loob ng kapwa
c. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil
nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay
d. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang
pasasalamat sa kanila
H. Panuto: Gumawa ng islogan tungkol sa pasasalamat sa ginawang
kabutihan ng kapwa mo sa iyo.

15
silhouettedesignstore.com

Isaisip

May ibat-ibang paraan upang maipakita at maipadama


natin ang ating pasasalamat. Ito rin ay tanda ng ating paggalang,

16
pagmamahal at magandang kaugalian na dapat nating pagyamin.

Isagawa

Panuto: Bakatin ang hugis ng iyong kaliwang kamay sa loob ng


kahon. Sa bawat daliri ay isulat ang iba’t-ibang paraan ng
pagpapakita o pagpapadama ng pasasalamat.

Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang W kung wasto ang pahayag tungkol sa


pagpapasalamat at DW kung di-wasto.

_____ 1. Pagsasabi ng salamat (shukran) sa pagtuturo sa iyo ng


nakatatandang kapatid.

17
_____ 2. Pagkilala sa nagawang kabutihan sa iyo ng kapwa.

_____ 3. Pagtulong sa kaklase nang may hinihintay na kapalit.

_____ 4. Pagpapasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at


pagsisimba.

_____ 5. Pagyakap at paghalik sa magulang sa pag-aalaga niya sa iyo.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng mga biyaya o


pagpapalang ipinagpapasalamat mo.

18
Susi sa Pagwawasto

Balikan Suriin
- Depende sa sagot ng bata - Depende sa sagot ng bata

Pagyamanin

B C D
de sa sagot - Depende sa sagot ng bata 1. X 6. / - Depende sa sagot
2. / 7. X ng bata
3. / 8. /
4. / 9. /
5. X 10.

F G H
de sa sagot - Pangunahing Tauhan 1. B - Depende sa sagot
1. Matthew 19 ng bata
2. C
2. Kylie
- Sitwasyong Kinakaharap 3. D
1. Isang lumpo at hindi makapag-aral 4. C
Sanggunian:

https://www.slideshare.net/jaredram55/modyul-9

20
21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

22

You might also like