You are on page 1of 1

Petsa: Jan.

10,2022
Gawain 1 - Finals
Sa bawat taon na lumilipas, patuloy ang pag-unlad ng media at teknolohiya. Sa
kasalukuyang panahon, bihira na lang ang tao na hindi gumagamit nito. Napakalaki ng
naitutulong nito sa bawat tao, ngunit sa kabila ng mga mabubuting naitutulong at dulot
nito sa mga tao ay may kaakibat ito na negatibong epekto. Isa sa mga positibong gamit
o function nito sa atin ay mas napapadali nito ang pagpaparating ng mensahe kahit na
sa malayo tayo. Isang click o press lang ay makakausap na natin ang mga nais natin
makausap na nasa malalayong lugar. Sobrang laki ng gamit nito para mas mapaigi ang
pakikipagkomunikasyon natin sa ibang tao. Isa pa sa mga pinakamahalagang function
nito ay mabilis naipapabalita sa bawat tao ang mga pangyayari hindi lang sa ating
bansa, kundi sa iba’t-ibang panig pa ng mundo. Madali natin nalalaman ang mga
bagong balita at kaganapan sa ating paligid. Madali rin naipapahatid ang mga mensahe
o anunsyo galing sa lokal na pamahalaan. Nang dahil din sa media at teknolohiya ay
namumulat tayo sa katotohanan sa ating paligid, gaya na lang ng kasakuluyang
kalagayan natin ngayon pandemya, nalalaman natin kung may pagbabago ba sa ating
sitwasyon, kung lumalala ba o bumubuti ito. Dahil paparating na ang eleksyon ay mas
natutulungan tayo nito na kilalanin at kilatisin nang mabuti kung sino ang dapat natin i-
boto. Nang dahil sa media at teknolohiya ay nadagdagan ang ating kaalaman at mas
nagiging updated tayo sa mga bagay-bagay.
Kahit na sobrang laki ng naitutulong ng media at teknolohiya sa buhay ng mga
tao ay madami rin ito negatibong epekto. Isa na rito ay ang pagpapalaganap ng fake
news. Ito ang isa sa pinaka hindi magandang gamit ng media at teknolohiya. Sa
panahon natin ngayon ay napaka daming fake news ang kumakalat. Gaya na lang
ngayon pandemya, kapag tumataas ang kaso, may mga nagpapaklat ng post sa social
media na magkakaroon ng hard lockdown. Nang dahil dito ay may mga tao na
nagpapanic, na nagiging sanhi ng pagpapanic buying ng iba. Meron din ginagamit ito
upang makapangloko ng kapwa. Dahil napakabilis na nga magpalitan ng mensahe
ngayon, madali rin nakakagawa ng paraan ang ibang tao upang makapagscam ng
kapwa. Isa rin sa negatibong epekto nito ay may mga mensahe na hindi naipaparating
nang maayos, na nagiging sanhi ng hindi malinaw na pagkakaunawaan sa bawat isa.
Gaya na lang kapag nagamit ng social media application sa pagpapadala ng mensahe
sa ibang tao. Dahil hindi natin ito personal na kausap, minsan ay nagiging iba ang
interpretasyon nito sa ating mensahe. Kaya sa paggamit ng media ay dapat tayo ay
mag-ingat.
Mas napaginhawa ng media at teknolohiya ang buhat ng tao. Ngunit upang
maging mas maayos ang karanansan sa paggamit nito ay maging responsable at
alamin muna kung may katotohanan ba ang mga mensahe na nagagaling dito.

You might also like