You are on page 1of 1

A.

Gaano kahanda o kaepektibo ang Filipino upang magamit sa pormal na


sitwasyong pangkomunikasyon gaya ng isang senate hearing?

Simula pagkabata ay wikang Filipino na ang gamit natin. Kung tutuusin ay


mas gamay na ng karamihan ng mga mamayanang Filipino ang wika na ito.
Kapag wikang ingles ay nagkakaroon pa ng kaunting paghihirap sa
pagpaparating ng mensahe at hindi lahat ay bihasa sa paggamit at intindi nito.
Kung wikang Filipino na ang gagamitin mas naipapabatid natin kung ano ba ang
nais natin maiparating. Gaya na lang sa napanood na video tungkol sa debate sa
RH bill. Mas naiparating ni Sen. Lito Lapid ang kaniyang saloobin tungkol sa RH
bill. Kung titimbangin ang Filipino or iba pa wika o diyalekto ay mas madali
magpaliwanag kung wikang Filipino ang gamit. Ang kaalaman ng mga
mamayanan sa paggamit nito ay mas malawak at madami na kumpara sa ibang
wika o diyalekto. Kaya base sa aking opinyon, ay sobrang epektibo ang Filipino
upang magamit sa pormal na sitwasyong pangkomunikasyon dito sa ating
bansa.

B. Gaano kahanda ang tao sa pagtanggap sa Filipino bilang gamit sa senate


hearing o mga pormal na pagpupulong patungkol sa mga batas?

Sa kasalukuyang panahon ngayon, mas umuusbong ang paggamit ng


wikang Ingles. Tila dumadami na ang mga mamayanang Filipino na tila parang
baniyaga sa sariling wika. Halos dumadami na ang mas gustong gamitin ang
wikang ingles at para napakalaking bagay kapag hindi marunong at maayos ang
pagkakagamit nito. Kaya ang mga tao ay hindi pa lubos na handa sa pagtanggap
sa Filipino sa mga pormal na pagpupulong patungkol sa mga batas. Meron mga
mas kumbinsido kapag wikang Ingles ang gamit, at may mga tao na parang
bumababa ang tingin sa iba kapag Filipino ang gamit sa mga pormal na
pagpupulong. Para ba nagiging basehan ng intelektuwal na kapasidad ng isang
tao ang pagkabihasa sa paggamit ng wikang Ingles. Kapag Filipino rin ang gamit,
parang hindi ganun sineseryoso ang nagsasalita ng mga nakikinig. Kahit na mas
madali ito maintindihan ng karamihan sa mga tao ay hindi pa ito lubos na
tanggap para sa mga pormal na pagpupulong.

You might also like