You are on page 1of 1

Taong 2020 ng lumaganap ang nakakatakot na sakit, ang Covid-19.

Maraming epekto ito na nagpabago


sa pamumuhay na nakagawian ng mga tao. Maraming nawalan ng trabaho, lalong naghihirap na tao,
bumababa din ang antas ng ekonomiya ng bansa at maraming tao ang binawian ng buhay. Dahil nga sa
pandemiya kaya ito ang aking gagawing pananaliksik upang malaman ang mga bagay bagay dito,
mabigyang kasagutan at maiwasan ang paglaganap ng sakit.

Ang Coronavirus na mas kilala sa tawag na Covid 19 ay nalaman noong huling buwan ng taong 2019. Ito
ay nagsimula at unang lumaganap sa bansang China na nanggaling sa bayan ng Wuhan. Ito ay natuklasan
ng isang doktor na kalaunan ay namatay din dahil sa Virus. Dahil nga isa itong communicable disease
mabilis na lumaganap ito sa ibat ibang bansa. Maiipasa sa pakikipag-usap sa may sakit ng Covid,
pakikipag-interact sa mga ito ngunit hindi ito naipapasa sa hangin. Dahil sa banta ng pandemiya,
maraming tao ang nalugmok at patuloy na naghihirap alang-alang sa pag iwas sa naturang sakit.
Maraming nawalan at nahinto sa pagtatrabaho, ang pag aaral na nakagawian ay nagbago, maraming tao
ang hindi na aabot ang kanilang pangangailangan at maraming namatay. Ang ating bansang Pilipinas ay
kasama sa third world countries o mas kilala bilang mahirap na bansa kaya mahirap din na tugunin ang
pangangailangan ng lahat ng Pilipino dahil sa kakulangan sa pera at budget. Ang Covid19 ang siyang
humila sa bansa pababa at patuloy na paglulugmok sa ating mga tao.

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang malaman at mabatid ang mga epekto ng Covid 19 sa ating bansa
at sa ating mga Pilipino. Mahalagang malaman ng mga tao ang maaring maidulot ng nakakahawang sakit
upang maiwasan nila ito. Mahalaga rin ito sa akin na nagsisimula palang sa pananaliksik dahil
makakatulong din ito sa mga tao upang magkaroon ng kamalayan sa banta ng Covid19.

You might also like