You are on page 1of 2

"ULAT SA ARAW-ARAW NA PAGMAMASID" (Ikalawang Linggo)

Guro: Mr. Sulima

Asignatura: Mathematics

Petsa at Oras: October 11, 2021, 7:00am-8:30am

Obserbasyon:
a
Guro: Ms. Ruth Odias

Asignatura: MAPEH

Petsa at Oras: October 12, 2021, 8:30am-10:00am

Obserbasyon:

Ang guro ay nagturo sa spesipikong asignaturang — Music, subalit bago magturo ang guro ay
nagkaroon ng pagbabalik-tanaw sa nagdaang paksa ng kanyang aralin. Nagbigay din ng mga
layunin kung ano ang dapat na matamo ng bawat mag-aaral o estudiyate sa pagtatapos ng
kanyang aralin. Nagkaroon ng presentasyon ng PowerPoint at nagkaroon ng talakayan sa iba’t-
ibng uri ng instrumentong musikal at ano ang kahalagahan nito. Masasabi ko rin na ang istilo ng
kanyang pagtuturo ay organisado, sapagkat ang bawat mag- ay sumasagot lamang gamjt-gamit
ang paglalagay ng mensahe sa chatbox. Ang interaksiyon ng mga mag-aaral at ng guro ay
aktibo. Sinisigurado na ang bawat opinyon o sagot ng mag-aaral ay nabasa ng guro at
naipaliwanag ng maayos. Subalit, masasabi ko pa rin na ang pag-aaral gamit ang online platforms
ay tila ganoon din gaya ng tradisyunal o face-to-face class, dahil bilang lang ang nagpaparticipate
sa klase. Ngunit, sa kabuuan ay talaga namang maganda at magaling ang klase — guro at mag-
aaral.

Guro: Mr. Rusia

Asignatura: TLE

Petsa at Oras: October 12, 2021, 10:30am-12:00nn

Obserbasyon:

Ang paksa ay tumatalakay sa “Nutrients of an egg”. Laging nagkakaroon ng pagbabalik-tanaw sa


bawat aral, bago tuluyang dumako sa paksang aralin na tatalakayin. Nagbibigay ng layunin na
dapat tunguhin o matutunan ng bawat mag-aaraAng guro para sa akin ay nakahahalina, sapagkat
nagkaroon ng magandang interaksiyon sa pagitan ng guro at ng mga mag-aaral. l. Sa pagtuturo ng
guro ay nagkakaroon ng masayang talakayan dahil nakikita ang lubos na kasiyahan na pagtuturo
ng guro. Ang bawat interaksiyon ng guro at ng mga mag-aaral ay organisado sapagkat ang lahat
ng mag-aaral ay sumasagot o nagbibigay ng opinyon sa pamamagitan ng chatbox. Nagkaroon din
ako ng ibang kaalaman sa bawat parte ng itlog. Sa kabuuan ay magaling at mahusay.

Guro: Mr. Jayson Gabriel

Asignatura: ESP

Petsa at Oras: October 12, 2021, 12:30pm-2:00pm

Obserbasyon:
Ang guro ay nagbigay ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan o nakalipas na aralin. Ang paksa ay
tumatalakay sa konsensiya. Ang pagpapaliwanag ng guro sa paksa ay malinaw, dagdag pa rito,
ang bawat pagpapaliwanag ng guro sa paksa ay nagbibigay aral para sa mga mag-aaral na maaari
nilang magamit sa kanilang buhay o sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Maganda ang
naging interaksiyon ng guro at mag-aaral, masasabi na organisado sapagkat ang bawat mag-aaral
at ang guro ay nagkakaroon ng interaksiyon gamit ang chatbox. Masasabi ko na mahusay ang
bawat mag-aaral at ang guro dahil nagkaroon ng aktibong palitan ng mga mensahe. Sa kabuuan
ay nagkaroon ako ng aral sa aralin, masasabi ko na ang guro ay may hatid na aral sa mga mag-
aaral.

Ipinasa ni: Leymart L. Torren BSED 4-2 (Filipino Major)

You might also like