You are on page 1of 10

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

Cities of Mandaluyong and Pasig

MODYUL 1: KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO

RIN MATATAGPUAN

ARALIN 1: KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA

MITO RIN MATATAGPUAN

1. Kapangyarihan ng Kalikasan sa Mito rin Matatagpuan

2. Pagsasaling-wika

Lagom Pananaw

Ang panitikan ng mga Africa ay nakasulat sa wika ng mga European. Ang

mga nakasulat na panitikan nila ay limitado lamang kumpara sa bilang ng kanilang
mga panitikang hindi nakasulat. Kadalasan ay nakabatay ang mga ito sa kultura ng
mga sub-Saharan ng mga taga Mediterranean partikular sa parehong Hausa at
Arabic na isinulat ng mga iskolar na buhat sa hilagang Nigeria at mga tao mula sa
Somali. Mayroon din silang panitikan buhat sa dalawang wika ng Ethiopia na Ge'ez
(Ethiopic) at Amrhic. Gayundin, mayroon silang panitikan na buhat sa timog Africa na
nakasulat sa wikang English at Afrikaans.
Ang panitikan ng Persia naman ay orihinal na nakasulat sa wikang Persian
mula noong ika-9 na siglo na bahagyang may pagkakahawig sa alpabetong Arabic at
Arabic Loanwords. Ang mga makabagong panitikan ng Persia ay kilala ngayon
bilang Farsi ng Iran, ang opisyal na wika ng bansa, at Dari ng Afghanistan na Pashto
ang opisyal na wika na nakasulat sa alpabetong Cyrillic ng mga taga-Tajiks at
Uzbekistan. Sa mga dataong nakalipas ay naging tanyag ang wika at kultura ng mga
taga Persia sa Kanluran Central Asia, sa Indian Sub-continent, at sa Turkey.
Katulad din ng mito ng ibang bansa, ang mga tao sa Africa ay naniniwala sa
pagpapahalagang moral. Hindi tulad ng ibang bansa na pilit pinipreserba ang
kanilang mga mito,para sa kanila, bahagi parin ng kanilang pamumuhay sa
kasalukuyan ang tradisyon at paniniwala sa mito. Kadalasan, ang kanilang mito ay
may temang pinagmulan ng mundo,paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan.

Gabay sa Pag-aaral

KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Cities of Mandaluyong and Pasig

Ang mga sumusunod ang susundan ng mga estudyante upang magampanan

ang modyul;

 Sa araling ito, magkakaroon ka ng pag-unawa sa mga paniniwala ng mga

taga Africa.
 Magkakaroon ka ng ideya sa kanilang tradisyon at kultura.
 Maihahambing mo ang pagkakaiba-iba ng mito sa ating bansa at sa kanilang
bansa.

Kakayahang Matuto
1.Nasusuri ang mga
kaisipang
nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda kilos at gawi ng tauhan
at desisyon ng tauhan.
2. Nangangatuwiran ng sariling reaksyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate at pagtatalo
3. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
4. Nakakasulat ng mito na nakabatay sa sariling karanasan.

Paglalahad ng Paksa

Mayaman ang kultura ng Africa kung panitikan ang pinag-uusapan. Sa

modernong panahon maraming bansa ang pilit na binubuhay ang kanilang tradisyon
at paniniwala, karanasan, at kultura bagama't mayroon lamang silang iisang tema.
Isang halimbawa ay ang paniniwala nila sa espiritu. Naniniwala sila sa mga mabubuti
at masasamang espiritu. Sa kanilang paniniwala, ang mga espiritu ay may mga
mahinang emosyon, mahinang kapangyarihan, at may pagkakahawig sa mga tao.
Naniniwala sila na ang espiritu ay bantay ng mga bahagi ng kalikasan tulad ng
bundok, burol, ilog, halaman, at maging ang panahon ng kanilang nararanasan.

Narito ang isang halimbawa ng mito buhat sa Africa.

KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Cities of Mandaluyong and Pasig

Ang mga Puno

Salin nina: Erika Aina M. Dayao, Diane D. Manlapaz

at Cristine Annie Grace C. Quito

Kilala ang mga African nakadepende sa mga punong kahoy na

pinanggagatong. Hindi nakapagluluto ang kanilang mga asawa kung wala ang mga
ito. Sa ibang dako, ang mga kambing ay umaakyat ng puno upang mangingain ng
mga dahon. Ginagamit naman ng mga Leopard at ulopong ng Uganda ang mga
dahon ng mga puno bilang pangkubli sa kanilang sarili upang makahuli ng kanilang
mga makakaing mga manlalakbay tuwing gabi. Sa mga ilang puno naman
gumagawa ng bahay-pukyutan ang mga bubuyog kung saan nila iniimbak ang
kanilang pulot. Ang bawat malaking puno ay may mga espirito maging ang mga
bahay na nasa puno ay may espirito rin. Hindi madaling tanong kung ang isang puno
ay may espirito o pinamamahayan ng espirito. Sinasabi ng ibang tao na ang puno ay
may espirito o ang puno ay pinaninirahan ng espirito.Ang espirito ay may boses na
maaaring marinig at maunawaan ng mga taong nakauunawa ng wika ng espirito. At
ang boses na ito ay pinapanatili ng tagagawa ng tambol, maging ang tagagawa ng
bangka upang mailigtas sila sa anumang kapamahakan tulad ng paglubog ng
bangka sa isang malikot at mapanganib na ilog.Kapag ang puno ay ginawang
bangka, nagbabago ang hugis nito ngunit nananatili ang espirito nito. Lahat ng mga
puno sa kagubatan ay may mga espiritong nagkakaisa na may sapat na lakas upang
igalang bilang isang Diyos.

Maaaring mapanlinlang ang mga punong kahoy. Sa pamamagitan ng kanilang

mahahabang ugat maaari nilang patirin ang mga manlalakbay naniniwalang sila ay
naeenkanto ng mga ugat ng puno. Ang mga matitinika na bahagi ng puno ay may
parehong gamit gaya ng ugat. Sa Namibia, pinaniniwalaan ng mga tao ang isang
puno na nanghuhuli ng tao ang sanga nito at kinakain ng puno sa pamamagitan ng
pagbubukas ng kaniyang katawan. Sa loob ng puno, maririnig ang biktima na
kumakanta ng isang awiting pamamaalam sa kaniyang mga kamag-anak o kaibigan.
Tanging ang mga woodpecker lamang ang maaaring makapagliligtas sa biktima sa
pamamagitan ng pagtuka at pagbukas sa bahagi ng puno na kinaroroonan ng
biktima.

Isang lalaki sa Zaire ang nagpakasal sa puno. Ipinanganak niya ang

dalawang malusog na anak na isang lalaki at isang babae na kinalaunan ay naging
sikat na albularyo na naggagamot gamit ang mga dahon.

Pagsasaling-wika
Ang pagsasaling-wika ay isang gawain na kung saan inililipat ang diwa ng
teksto sa iba pang wika na pinakamalapit nitong kahulugan. Ito ay hindi birong
gawain sapagkat nangangailangan ito ng sapat na panahon at pagsasanay sa
parehong wikang kasangkot sa gagawing pagsasalin. Isinasagawa ang pagsasalin
upang mailipat at maunawaan ng ibang nasyon ang mga panitikan ng ibang bansa at
upang igalang ang ibang mga paniniwala, tradisyon, at kultura. Sa pamamagitan ng
pagsasaling-wika, mas nagiging ekstensibo ang pag-aaral ng iba't ibang pag-uugali
at pagkakakilanlan ng bawat kultura ng bawat nasyon.
Ang sapat na kaalaman sa dalawang wika kasangkot sa pagsasalin ay lubos
na mahalaga at dapat na taglay ng isang awtor. Maliban sa literal na katumbas ng
bawat salita, kailangang maingat ang tagasalin sa iba pang nakapaloob na

KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Cities of Mandaluyong and Pasig

kahulugan sa salitang kasangkot. Maaari kasing mayroong nakakubling kultura sa

salitang isasalin na maaaring mamali ang interpretasyon ng mambabasa.

Mahalaga ring isaalang-alang ang sapat na kaalaman sa gramatika ng wikang

gagamitin. Ang maling paggamit ng gramatika sa pagsasalin ay maaaring magbunga
ng maling pagpapakahulugan ng mga tema o mensahe ng bawat pangungusap.

Kinakailangan din na ang tagasalin ay may malawak nakakayahan sa pagpili

ng mga salitang ginagamit sa panitikan. May mga piling salita na naaangkop lamang
na gamitin sa pagsulat ng panitikan. Kailangan na ang tagasalin ay maging maingat
sa pagpili nito upang hindi maging kabagot-bagot ang resulta ng isinaling akda.

Hindi rin dapat kalimutan ng tagasalin na kailangang may sapat siyang

kaalaman sa paksang tinatalakay ng tekstong kaniyang isinasalin. Makatutulong ang
malawakang pagbasa ukol sa paksa bago gawin ang pagsasalin.

Isa pa sa mahalagang dapat tandaan ay kailangang alam ng tagasalin ang

dalawang kulturang kasangkot sa pagsasalin. Napakahalagangn tandaan na ang
bawat panitikan ay sumasalim sa kulturang pinagmulan ng akda. Kailangang hindi ito
mawala at mahaluan ng ibang interpretasyon.

Maisasakatuparan mo ang mabuting pagsasalin sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng unang pagsasalin. Dito ay kailangang mong isipin na ang buong
diwa ng pangungusap ang iyong isinasalin at hindi ang salita lamang. Kailangan ding
basahin at suriin ang pagkakasalin. Ang paulit-ulit na pagbasa sa ginawang
pagsasalin ay makatutulong upang lubos na mapaganda ang pagsasalin. Isinagawa
ang pagreresiba pagkalipas ng ilang oras o araw. Hayaan mo munang magkaroon
ng ilang oras na interbal o ilang araw bago gawin ang rebisyon. Dito mo mas
malalaman kung alin pa ang dapat baguhin sa ginawa mong pagsasalin.

Mga Gawain sa Pagkatuto

KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Cities of Mandaluyong and Pasig

Panimulang Pagtataya
Balikan ang mga napag-aralan mo ukol sa mito sa ating bansa. Piliin sa
kahon ang pangalan ng mga karakter na inilalarawan sa sumusunod na mga
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____ 1. Ang diyos ng mabuting gawain.
_____ 2. Ang diyos ng digmaan.
_____ 3. Ang diyos na mabuting ani.
_____ 4. Pangunahing diyos ng mga diyos.
_____ 5. Ang diyos ng hangin at ulan

Talasalitaan
A. Tukuyin Natin
Sa pamamagitan ng etimolohiya, tukuyin ang kahulugan at pinagmulan ng
sumusunod na mga salita. Isulat ang iyong sagot sa inilaang guhit.

Halimbawa: Zaireꟷ buhat sa salita ng mga taga Congo, ito ay isang maliit na unit ng
DemokratikoꟷRepublika ng Congo noong 1971-1996

1. Uganda
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Namibia
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

B. Gamitin Natin

Sa pamamagitan ng collocation gumawa ng iba pang mga salita na maaaring

mabuo buhat sa salitang “bahay pulot-pukyutan.” Halimbawa, kunin ang pantig na
“ba” “at” “lot” na kapag ipinagsama mabubuo ang salitang “ballot”. Gamitin sa
pangungusap ang salitang nabuo. Maaari paghaluin ang bawat titik ng gitnang salita.

KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Cities of Mandaluyong and Pasig

Bahay pulot-poyutan

Hal. Mainam sa
katawan natin
ang pagkain ng
balot.

Pag-unawa sa Binasa
Sagutan ang sumusunod na mga katanungan upang masukat ang iyong
kakayahan sa pag-unawa.
1. Ano ang suliraning pinaniniwalaan ng mga taga Africa ukol sa mga puno? Sa
iyong palagay, makatotohanan ba ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sa mito iyong nabasa, may pagkakahawig ba ito sa kultura at paniniwala ng

mga Pilipino?Sa paanong paraan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Kung totoo ang inilahad sa mito na may espiritu ang bawat puno, aalagaan
mo ba ang puno? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga benepisyong naibibigay sa atin ng mga puno?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Cities of Mandaluyong and Pasig

5. Kailangan bang pangalagaan ang mga puno? Bakit? Sa paanong paraan mo

ito magagawa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Talasalitaan

A. Subukan Natin
Hanapin mo sa mitong iyong binasa ang katumbas na salin ng sumusunod na
mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang na inilaan sa ibaba ng bawat
pangungusap.
1. In some areas the goats can climb trees to eat the green leaves. The leopard
lurks in a leafty tree to fall upon the lonely traveller at night, and vipers do the
same in Uganda.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. The people will say: the tree has spirit or in the tree there is a spirit.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. This voice has to be preserved carefully by the drum maker. The boat maker
too, wants to keep the spirit of the tree in the wood so that it will protect the
boatman against drowning in the treacherous rivers.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Trees can be trickly.

5. A man in Zaire was married to a tree.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Cities of Mandaluyong and Pasig

Pagtataya

Sumulat ng isang mito na nakabatay sa iying karanasan o sa kasalukuyang

pangyayari na nagaganap sa lipunangiyong ginagalawan. Gamitin ang iyong
mayamang guniguni. Maaaring lumikha ng mga bagong karakter at pangalan ng
diyos o kaya naman ay gamitin ang kasalukuyang mga pangalan ng diyos n
nabanggit sa talakayan. Gawing masinig ang iyong pagsulat. Gamiting batayan ang
sumusunod ng mga pamantayan.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Grado Puntos

Kasiningan ng pagsulat 10
Kaugnayan ng kasalukuyang sitwasyon 15
Pagpili ng mga salitang ginamit 5
Kabuoang Puntos 30

Takdang Aralin
KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Cities of Mandaluyong and Pasig

Sanggunian

Tukuyin kung tama o

mali ang sumusunod na mga pahayag. Lagyan ang patlang ng tsek kung tama at
ekis naman kung mali.

_____ 1. Sa pagsasaling wika, kailangang may sapat na kaalaman sa dalawang

wikang kasangkot.

_____ 2. Sa pagsasalin, mahalagang maisalin ang kahulugan ng wika na hindi

pinapansin ang istruktura ng gramatika nito.

_____ 3. Limitado dapat ang kakayahan ng nagsasalin sa larangan ng panitikan.

_____ 4. Kailangan ang sapat na kaalaman sa paksang isinasalin.

_____ 5. Kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang kasangkot na

wika sa pagsasalin.

_____ 6. Kailangang isaisip ang diwa ng isasalin at hindi ang salita nito.

_____ 7. Sapat na ang isang pagbasa sa pagsasalin.

_____ 8. Kailangang rebisahin agad-agad ang ginawa upang hindi makalimutan.

_____ 9. Ang pagsasaling wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika sa

pinakamalapit na katumbas nito.

_____ 10. Sa pagsasalin, kailangang ipabasa sa iba ang isinalin upang matiyak ang
diwa nito

KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Cities of Mandaluyong and Pasig

David, R. J. (2020). Kapangyarihan ng Kalikasan sa Mito rin Matatagpuan. In Bukal

ng mga kasanayan sa Filipino (pp. 178 - 189). Quezon City: Bright House Publishing.

KAPANGYARIHAN NG KALIKASAN SA MITO RIN MATATAGPUAN 133

You might also like