You are on page 1of 10

Pangalan: ABEGAIL MARIE A.

LIBRES BSCE 2-C

I. PAGTATAYA

Panuto: Talakayin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong/


inyong mga kasagutan sa isang buong papel. Sampung puntos bawat bilang.

1. Ano-ano ang mga pangunahing metodo sa pananaliksik-panlipunan? Paano


maisasagawa ang bawat isa? Sa ano-anong paksa magagamit ang bawat isa? Bigyan
ng sariling halimbawa bawat isa.

SAGOT: Ang mga pangunahing metodo sa pananaliksik-panlipunan ay ang


mga sumusunod, una ay ang etnograpiya. Ang mananalksik o etnograper ay
nakikipamuhay sa mismong komunidad na kaniyang sinasaliksik. Ibig sabihin, ang
kanyang impormante o mga taong pinagkukunan ng datos ay hindi lamang ang
mga nakatira sa komunidad na kanayang inaaral. Siya mismo ay isa sa mga
impormante. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng imersyon o aktuwal na
pakikipamuhay ng mananaliksik sa lipunang kaniyang nais pag-aralan. Sa
pakikipamuhay na ito, kaisa siya mismo sa pag-aaral at hindi siya hiwalay. Ang
kritikal na etnograpiya ay naglalayong punahin ang mga ‘di binibigyang-pansin o
pinagwawalang-bahalang konsepto at asumpsyong sosyal, ekonomiko, political,
kultural at iba pa. Ang kritikal na etnograpiya ay pamamaraang may-tuon
(focused) at nakabase sa teorya sa isang tiyak na panlipunang institusyon o gawi
na may layuning magmulat at magpabago. Ito ay pananaliksik na kadalasan
ginagamit sa larangan ng agham panlipunan, partikular nasa antropolohiya at sa
ilang mga sangay ng sosyolohiya. Ang ganitong uri ng pag-aaral ay maaaring
gawin, halimbawa sa pag-aaral sa mga tunog ng wika ng mga Itneg, sa pag-aaral sa
mga katutubong tradisyong medical ng mga Dumagat, o sa pag-aaral sa
paghahanap-buhay ng mga maralitang tagalungsod. Halimbawa nito ay ang pag-
aaral sa mga ritwal at tradisyon ng pamayanang Ifugao.

Pangalawa ay ang Kuwentong Buhay. Isinusulat at inilarawan ang buhay ng


Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

isa o higit pang indibidwal. Kinasangkutan ng interdisiplinaryong pag-aaral ng


pagbuo at pag-analisa ng mga karanasan ng buhay ng tao (Scwandt,2015). Ang
pangunahing tuon ng ganitong pag-aaral ang mga mahahalagang karanasan ng
taong pinag-aaralang nailahad sa kanilang mga personal na salaysay. Ang mga
paksang pwedeng hanguin dito ay ang buhay at karanasan ng isang magiting na
bayani, politiko, tanyag na aktor o sa isang matagumpay na tao. Halimbawa nito
ay ang pag-aaral sa buhay ni Henry Sy bago siya nagging isa sa pinakamayamang
tao sa buong mundo.

Sunod ay ang eksperimentasyon. Ito’y proseso ng pag-aaral ng dalawang


baryable. Ang kontrolado o pinanatiling constant at ang isa naman ay manipulado.
Inilalapatan ng interbensyon. Ang manipuladong baryabol o tinatawag sing
eksperimental na grupo ay nilalapatan ng kaukulang tritment para tingnan ang
pagkakaiba nito sa kontroladong grupo. Sa pagsasagawa nito, makikita ang
pagkakaiba, kung mayroon o kawalan ng pagkakaiba ng dalawang grupong pinag-
aaralan. Magagamit ito sa mga paksang medisina, life science, physical science at
produkto. Halimbawa nito ay ang pagsasagawa ng pananaliksik sa COVID-19
vaccine.

Mayroon ding Aral-Kaso, maaari silang gumawa ng detalyadong mga


obserbasyon sa loob ng mahabang panahon, isang bagay na hindi maaaring gawin
sa mga malalaking sample nang walang gastos ng maraming pera. Sa pagsasagawa
ng isang case study, maaaring humango ng mga datos mula sa tuwirang
obserbasyon, interbyu, dokumento, artifacts at iba pa (Yin, 2009). Sa pagsasagawa
ng mga pamamaraang ito, sinisikap na tipunin ang mga espesipikong detalye, mga
‘di karaniwang pangyayari, at mga iba pang mahahalaga at kaugnay na datos
upang higit na maunawaan ang isang kaso. Magagamit ang mga paksang pag-aaral
ng isang napapanahon kaso o mga kaso ng tunay na buhay. Halimbawa ay pag-
aaral tungkol sa epekto ng sikolohikal na stress sa mga mag-aaral ng Carlos Hilado
Memorial State College.
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

Sunod ay ang Action Research. Ito ay maisasagwa sa pamamagitan ng iba’t


ibang yugto; Pagpaplano, Implementasyon, Obserbayon, at Pagmumuni. Ang
action research ay maaaring gamitin sa mga halimbawang pag-aaral ng
pagpapahusay sa komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral, pagpapabilis ng
sistema ng produksyon sa isang kompanya, pagpapababa ng antas ng kahirapan sa
isang barangay, o prebensyon sa pagbaha sa barangay tuwing tag-ulan.
Halimbawa nito ay ang pag-aaral sa pattern ng komunikasyon sa pagitan ng guro
at kanyang mag-aaral.

At panghuli ay ang pagmamapa. Ito ay isang rebyu ng mga pagkakaugnay-


ugnay o linkages. Nakatuon sa mga nakalimbag nang pag-aaral at iba pang midya
tulad ng aklat. Tinitingan sa proseso ng pagmamapa ang pagtukoy kung saan ang
lokasyon ng pag-aaral, kailan isinagawa, o kung ano ang pokus ng pag-aaral
(Cooper, 2016). Ang pagmamapa ay maaaring isagawa sa halos lahat ng paksang
nais pagaralan tulad ng kultura, ekonomiya, politika, edukasyon, at iba pa.
Halimbawa nito ay mga naisagawang pag-aaral sa Pilipinas na may kinalaman sa
GDP ng ekonimiya nga pilipinas at paano ito napaunlad.

2. Ano-ano ang mga pamamaraan sa pagtitipon ng datos? Paano isinasagawa


ang bawat isa? Sa aling pananaliksik akmang gamitin ang bawat isa? Bigyan ng
sariling halimbawa bawat isa.

SAGOT: Merong dalawang pamamaraan sa pagtitipon ng datos: Una ay ang


tinatawag na Video Documentation, pamamaraan upang makaptyur at maiimbak
ang mga mahahalagang pangyayari sa proseso ngpananaliksik. Isang mainam na
teknolohiya tulad ng audio recording, upang maitala ang mga mahahalagang
pangyayaring mahirap makaptyur gamit ang ibang pamamaraan. Isa ring itong
matibay na ebidensya upang patotohanan ang isang panyayari. Ginagamit ito ang
video sa mga etnograpiya, action research, eksperemental na pananaliksik at sa
iba pa. Halimbawa ay ang pagkuha ng dokyumentaryo sa buhay ng isang
maninisid.
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

At panghuli ay ang Literature Review na ang pamamaraan ng paghahanap


ng impormasyong ay may kinalaman sa nais gawing pag-aaral. Nagsasaad ito ng
pagkakatulad, implikasyon at resulta ng iba’t- ibang pag-aaral upang
makapagbigay ng higit na linaw sa mga tunguhin ng pananaliksik. Akmang gamitin
ito sa kahit na anong pananaliksik. Halimbawa nito ay ang literature mo sa
pagsasagawa ng pananaliksik sa mga epekto ng postpartum depression sa mga
bagong silang ina.

3. Ano-ano ang mga pamamaraan sa pagsusuri ng datos? Paano isinasagawa


bawat isa? Sa aling pananaliksik akmang gamitin ang bawat isa? Bigyan ng sariling
halimbawa bawat isa.

SAGOT: Una ay ang Strengths, Weaknesses, Oppurtunities and Threats


Analysis. Ito ay isinasagwa sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga kalakasan,
pagkilala sa mga kahinaan, pag-abang at pagganap ng mga oportunidad at pag-
aydentipay ng mga banta na maiuugnay sa isang proyekto, polisiya, at iba pang
gawain. Maaaring gamitin ito sa mga pagtataya ng feasibility ng isang proyekto,
polisiya o aktibidad na isinasagawa o ipinapatupad ng isang organisasyon,
negosyo, gobyerno, o kahit indibidwal upang tiyaking mas mataas ang posibilidad
ng tagumpay nito. Halimbawa ay ang paggawa ng SWOT Analysis sa ipapatupad
na polisiya sa pagsugpo sa COVID-19 sa Lungsod ng Cadiz City.

Sunod ay ang Discourse Analysis. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng


pagtiyak sa konteksto, paggaulgad sa proseso ng produksyon ng diskurso, pagsuri
ng estruktura ng diskurso, pagtipon at pag-analisa ng mga diskursibong pahayag,
pagtukoy kung mayroong reperensyang kultural, pagtukoy sa mga ginagamit na
mekanismong linggwistik, pagsulat ng interpretasyon at paglahad ng natuklasan.
Maaring gamitin ang Discourse Analysis sa pagsusuri sa paggamit ng wika sa loob
ng panlipunang konteksto. Halimbawa ay ang pagsusuri ng SONA ni Pangulong
Rodrigo Roa Duterte.
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

Bukod dito ay mayroon ring Document Analysis at Content Analysis.


Isinasagawa ang dalawang ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa awtensidad ng
dokumentong susuriin, pagtukoy kung may mataas na subjectivity ang nilalaman
ng dokumento at pagsuri sa latent content ng dokumento - kasama dito ang estilo
at intension ng pagsulat, tono ng pahayag at opinyon at katotohanan ng
nilalaman. Maaring gamitin ang Document Analysis at Content Analysis sa
paggawa ng katanggap-tanggap na prediksyon sa pamamagitan ng pagkokoda at
interpretasyon sa mga teksto sa pamamagitan ng sistematolikong pagtataya.
Halimbawa ay ang pagsusuri sa SALN ng mga politico sa Pilipinas.

Pang-apat na pamamaraan sa pagsusuri ng datos ay ang Policy Review At


Impact Assessment. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng SWOT Analysis,
estardardisadong panukat o pansariling panukat. Ginagamit ito upang matukoy
ang bisa o pakinabang ng isang patakaran o proyekto, programa, pananaliksik
iniimplementa, at natukalasan solusyon at iba pa. Halimbawa nito ay pagsusuri sa
bisa ng polisiya ng Lungsod ng Cadiz na nagdidikta sa mga traysikel drayber na
kulayan ng kulay dilaw ang kanilang mga traysikel.

At panghuli ay ang Comperative Analysis. Isinasagawa ito sa pamamagitan


ng pagtatala ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang aytem.
Ginagamit ito upang makita ang kakulangan at kahigitan ng isa sa iba upang
magamit sa paglinang at pagpapabuti nito. Halimbawa nito ay pag-aaral sa
dalawang vaccine laban sa COVID-19.

4. Ano-ano ang iba pang metodo o pamamaraang hindi natalakay sa


kabanatang ito tulad ng Pananaliksik sa Leksikograpo, secondary data analysis at iba
pa? talakayin ng pahapyaw ayong sariling pagka-uunawa.

SAGOT: Tulad ng Deskriptibo, pinagaralan sa mga palarawang pananliksik


ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng
tugon sa mga tanong na sino,ano,kailan, saan at paano na may kinalaman sa
paksa. Sunod ay Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan, Madalas na inihahanay
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyong normative dahil naglalayon


itong maglarawan ng anumang paksa. Hindi lamang simpleng deskripsyon ang
layunin nito, kundi nagbibigay-diin ito sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng
populasyong pinag-aralan. At huli ay sarbey, tumutukoy sa sistematikong
pamamaraan ng pangangalap ng datos kung saan ang mga tao ay tinatanong ukol
sa kanilang saloobin o opinyon hinggil sa isang paksa. Maaaring isagawa sa
pamamagitan ng paglikha ng isang talatanungan na pasasagutan at panayam sa
mga kalahok sa pag-aaral na mula sa isang populasyon (Trochim, Donnelly, at
Arora (2014).

5. Aling metodo sa pananaliksik-panlipunan ang nais mong gawin kaunay ng


paksang nais mong saliksikin? Aling pamamaraan ng pagtitipon ng datos ang sa
palagay mo ay akma sa napili mong metodo? Aling pamamaraandin sa pagsusuri ng
datos ang sa palagay mo ay akma para roon? Ipaliwanag ang iyong mga sagot.

SAGOT: Ang metodo sa pananaliksik-panlipunan ang nais kong gawin kaunay ng


paksang nais kong saliksikin ay ang Eksperimentasyon. Dahil nais kong saliksikin
ang mga alternatibong gasolina na makakapagbigay ng mas mura na halaga at mas
epektibo kaysa sa mga komersiyal na gasoline sa ngayon. Ang pamamaraan ng
pagtitipon naman ng datos ang sa palagay ko na akma sa napili mong metodo ay
Literature Review dahil upang makakuha tayo ng mga datos na may pagkakatulad,
implikasyon at resulta ng iba’t- ibang pag-aaral tungkol sa paksa. Ang
pamamaraan din sa pagsusuri ng datos na ang sa palagay ko ay akma para roon ay
ang Comperative Analysis. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagtatala ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang aytem. Ginagamit ito upang
makita ang kakulangan at kahigitan ng isa sa iba upang magamit sa paglinang at
pagpapabuti nito.

II. KARAGDAGANG GAWAIN


Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

Maghanap ng isang buong pananaliksik at pagkatapos sagutin ang mga


sumusunod na gabay na mga katanungan na nakapaloob sa bawat kahon sa hanay
A. sa ibaba. Isulat ang inyong katugunan sa nakalaang espasyo sa hanay B.

PANANALIKSIK

a. Ano ang pamagat ng pananaliksik?

b. Sino o sino-sino ang gumawa ng pananaliksik

c. Kailan at saan isinagawa ang pananaliksik?

d. Ano-ano ang mga layunin ng pananaliksik?


e. Ano ang metodong ginamit sa pananaliksik? Ilarawan ang pagsasagawa ng
mananaliksik ng metodo?

f. Anong pamamaraan sa pagtitipon ng datos ang ginamit sa pananaliksik


Ilarawan kung paano isinagawa ng Mananaliksik ang pamamaraan.

g. Anong pamamaraan sa pagusuri ng datos ang ginamit sa pananaliksik?


Ilarawan kung paano isinagawa ng mananaliksik ang pamamaraan .
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

A B
a. Ano ang pamagat ng pananaliksik? MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
KAWALAN NG INTERES SA PAGPASOK
SA PAARALAN NG MGA MAG-AARAL
SA ALEGRIA STAND ALONE SENIOR
HIGH SCHOOL
b. Sino o sino-sino ang gumawa ng CHRISTINE JOY A. SALINO
pananaliksik JIMUEL M. INOCENCIO
JULIE AN M. GIANGAN
MELJAY MAMZA
c. Kailan at saan isinagawa ang Marso 2018
pananaliksik? Paaralan ng Alegria Stand Alone Senior High
school
d. Ano-ano ang mga layunin ng Layuning madetermina ang mga gawi na
pananaliksik? nakakaapekto sa kawalan ng interes sa
pagpasok sa paaralan ng mga estudyante at ito
ay naka pokus lamang sa piling mag-aaral ng
Grade 11 sa Alegria Stand Alone Senior High
School.

e. Ano ang metodong ginamit sa Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng


disenyong deskriptibo. ang pamamaraang ito
pananaliksik? Ilarawan ang
ay nakakatulong sa pagsagot sa mga
pagsasagawa ng mananaliksik
katanungan na naglalayong tuklasin ang mga
ng metodo?
gawi na nakakaapekto sa kawalan ng interest
sa pagpasok sa paaralan ng mga estudyante sa
ASASHS.

Ang desinyong ito ay isang paraan ng


kuwalitatibong deskripsyon na kung saan
inaalam ang mga gawi na nakakaapekto sa
kawalan ng interest sa pagpasok sa paaralan
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

ng mga mag-aaral sa ASA-SHS at mga


usaping pinili para sa pag-aaral.

f. Anong pamamaraan sa pagtitipon ng Ang instrumentong ginamit sa pagkuha


datos ang ginamit sa pananaliksik ng mga kakailanganin na datos sa pag-aaral
Ilarawan kung paano isinagawa ng
Mananaliksik ang pamamaraan. na ito ay sariling talatanungan ng mga
mananaliksik sa mga mag-aaral ng ASA-SHS.
Ang bawat katanungan ay binubuo ng isang
bahagi na naglalayong makakalap ang mga
gawi na nakakaapekto sa kawalan ng interest
sa pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral sa
ASA-SHS sa Emosyonal, Sosyal,
Akademiko, Pinansyal at pang-araw-araw ng
mga aspeto. Ang talatanungan ay nahahati sa
dalawang pangkat ang propayl ng respondente
at ang sarbey ng paksang pinag-aaralan.

g. Anong pamamaraan sa pagusuri ng Sa pagkuha ng resulta at pagbibigay


datos ang ginamit sa pananaliksik? kahulugan sa mga datos na nakalap,
Ilarawan kung paano isinagawa ng
mananaliksik ang pamamaraan . gagamitan ito ng mga estadistika o pormula
upang matukoy ang pinakamataas na salik
tungkol sa isinasagawang pag-aaral. Ang mga
mananaliksik ay gumamit ng mga sumusunod
na estadistika sa pagsusuri:

Weighted Mean. Upang matukoy ang


pangunahing resulta ng bawat sampol at ang
pangkahalatang halaga ng isang set ng mga
datos, ginamit ang weighted mean para
makuha ang average.
Likert Style Method. Isang uri ng panukat na
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

ginagamit upang sukatin ang mga saloobin o


opinyon ng mga respondente. Sa panukat na
ito, hinihingi sa mga mag-aaral na i-reyt ang
aytem sa antas na napagkasunduan.

You might also like