You are on page 1of 2

Module 2 PPITP

Gawain 5.

Jasmin Aquino Photo essay

11-STEM C

Aking Ina
Ang buhay ng bawat dakilang ina ay nagpapaalala sa atin ng kanilang
pagmamahal at walang hanggang pagsasakripisyo upang mapalaki ng
maayos angkanilang mga supling. Ang bawat magulang, partikular ng
mga ina ay walang hinangad kung hindi ang magandang kinabukasan ng
kanilang mga anak bilang mga bagong taona sa hinaharap ay gaganap
ng mahalagang papel sa lipunan.

Sa siyam na buwan na ako'y nasa kanyang sinapupunan inalagaan niya


ako at ni minsan hindi niya ako pinabayaan. Dala-dala niya ako nang
may buong pag-iingat at pagmamahal. Hindi pa man ako lumalabas ay
ramdam ko na ang pagmamahal niyang walang sino man ang
makakapantay.Hanggang sa ako'y lumaki at nagkaisip siya ang
nagsilbing idolo at inspirasyon ko. Sa bawat daan na aking tinatahak
siya ang naging traffic light, na nagsilbing gabay kung kailan ako hihinto
at kalian ako didiretso. Hindi man siya marunong umukit ng walang
pormang kahoy o bato, pati na rin sapaglilok ng mga marmol na tao
ngunit daig pa niya ang isang dakilang iskulptor sapaghubog niya sa
aking katauhan.Siya ang band aid ng mga sugat ko sa buhay. Isang ngiti
niya lang sa akin alamkong maaayos din ang lahat. Sa tuwing ako'y
madadapa siya ay andiyan upang ako'y tulungang tumayo. Para sa
kanya masaktan lang siya huwag lang ako na anak niya.Bawat sakit na
nadarama ko alam kong dobleng sakit para sa kanya. Sa tuwing ako'y
umiiyak siya'y nagiging tissue na nagtatanggal sa mga luha ng aking mga
mata. Nagiging tsokolate upang gumaan ang aking pakiramdam.Bawat
pagkakamali ko'ys iya'y nagiging pulis at abogado. Pinaparusahan at
sinisigurong hindi ko na uulitin ang pagkakamali katulad ng isang pulis
ngunit sa bawat sitwasyon siya ay palaging nasa aking panig katulad ng
isang abogado. Ang mga pagsubok na napagdaan ko hinding hindi ko
iyon malalampasan kung hindi dahil sa kanya. Sa mga bagyong
dumating sa aking buhay siya ang nagsilbing araw na nagbigay sa akin
ng pag-asa upang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Siya ang aking
milagro sapagkat sa piling pa lang niya ay ligtas na ako at sa bawat
haplos ng kaniyang kamay ay ayos na ako.

You might also like