You are on page 1of 3

Jabay, Jessa M.

BSA 3-13

Gawain/ Ebalwasyon:
Talakayin ang mga sumusunod. Isulat ang inyong sagot.

a. Ano ang isinasaad ng Seksyon 6 at 7 ng Artikulo XIV ng Saligang


Batas ng 1987?
Ang inilalahad ng Seksyon 6 at 7 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas
1987 ay ang wikang Filipino na siyang Wikang pambansa at bilang isang
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon. At ang mga wika ng rehiyon ay pantulong ng mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum
ng pagtuturo. At huli, inilalahad rito na ang Kastila at Arabic ay
marapat na itaguyod nang kusa at opsyonal.

b. Ano ang nilalaman ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 ang


kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na si Jose E. Romero
ng Tanggapan ng Edukasyon na ipinalabas noong ika 13 ng Agosto
1959?
Nilalahad nito na upang maihiwalay ang kaugnayan ng ating wika sa mga
Tagalog, ang wikang pambansa ay tatawaging “Pilipino”. Ito ang hakbang
sa pag-alis ng rehiyonalismo ang paggamit ng ‘Pilipino’’ bilang wikang
pambansa.
Ngunit, ang inisyatibong ito ng kalihim ay hindi gaanong nagging
matagumpay sapagkat a ng Pilipino ay hindi pa rin umano matanggap ng
ibang rehiyon bilang pambansang wika dahil ang kanilang pakiramdam ay
ang Pilipino ay isang bagong anyo lamang ng wikang Tagalog.

c. Ano ang ibig sabihin ng Bilinggwalismo? Ipaliwanag.


Ang bilingwalismo ay tumutukoy sa kakayahan na makipag-usap gamit ang
dalawang wika. Tayong mga Pilipino ay isang halimbawa ng bilingwalismo
sapagkat may kakayahan tayong makipag-usap gamit ang wikang Filipino
at Ingles.

d. Ano ang pagkakaiba ng wikang Pilipino sa wikang Filipino?


Pilipino ang mga taong nakatira sa Pilipinas, Tagalog ay ang
pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas na sinasalita. Filipino ay
ang asignaturang tinuturo ng ating paaralan. Ngunit ayon mula sa
Saligang Batas ng 1987, Mula sa Tagalog, napalitan ito ng Pilipino at
ngayon ay naging Filipino. Ang wikang Pilipino ay “wikang gamit ng
Pilipino” at ang wikang Filipino ay “wika na ang tawag ay Filipino”

e. Bakit mahalaga na manatili ang asignaturang Filipino sa mas


mataas na antas edukasyon ayon sa Tanggol Wika?

Sapagkat magreresulta ito sa paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng


ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at pambansang
pagkakakilanlan; at ang paghina sa pundasyon ng ating nasyonalismo,
identidad, kultura, pagkabansa, pagkakaisa, at demokrasya.
Jabay, Jessa M.
BSA 3-13

Dagdag/Pampatibay na Gawain:
1. Bisitahin ang link na ito https://www.youtube.com/watch?
v=uJSbt6cPbmA at pakinggan ang awit na ‘’Panalo”’ na naging trending
sa Social Media nitong nakaraang buwan.

 Ano ang ginamit na wika sa awiting ito? Ano ang mensahe na nais
ipahayag ng awiting ito?
Gumamit ang awiting ito ng wikang Ingles at Filipino. Ang mensahe
ng awiting ito ay maging kahit ano man ang ating wika, Mapa-
tagalog bisaya o ilokano ay panalo pa rin tayo pagkat tayo ay
isang Pilipino.

 Itinaguyod ba ng awiting ito ang wikang pambansa? Ipaliwanag.


Isulat ang iyong sagot.
Opo, sapagkat gumamit ito ng wikang Filipino na ating wikang
pambansa at hinihikayat nito na mahalin natin ang ating pagka
Pilipino.

2. Bisitahin ang sumusunod na link sa ibaba na naglalaman ng artikulo


ni Antonio Contreras ukol sa pambansang wikang Filipino. Sumulat ng
isang sanaysay na hindi lalagpas sa 300 na salita tungkol sa
artikulong binasa at iugnay ito sa inyong karanasan sa paggamit ng
wikang Filipino sa paaralan at sa pang-araw araw na pamumuhay.
Jabay, Jessa M.
BSA 3-13

Sanaysay
Ako ay sang-ayon sa opinyon ni Antonio P. Contreras sapagkat marami
ang pinapakatawanang sila ay Pilipino ngunit hindi nila maipaglaban
ang paggamit ng wikang Filipino. At nagustuhan ko rin ang sinabi niya
na talagang dapat ang mga namumuno sa gobyerno ang siyang maglaban
para dito. Dapat ngang sa mga susunod na taon ay maipaglaban na ang
paggamit ng wikang Filipino sa mga iba’t ibang gawain sa araw-araw at
maging sa mga asignatura sa kolehiyo. Ako man din ay nagtataka kung
bakit ganoon ang sistema ng ating edukasyon, sapagkat napapansin ko sa
aking mga napapanuod na palabas galing sa iba’t-ibang mga bansa ay
gamit na gamit nila ang kanilang lengwahe sa lahat ng bagay mula sa
kanilang libro, pagtuturo at pakikipag-usap sa araw-araw. Dagdag pa
rito, ang labis kong ikinababahala na bakit sa tuwing may pagtitipon
sa kongreso o mga importanteng ganap sa medya kagaya ng SALN o “State
of the Nation Address” ng Pangulo kung saan nakikipag-usap siya sa mga
Pilipino, ay palaging Ingles ang ginagamit, hindi ba dapat na Filipino
ang gamitin pagkat marami pa rin sa mga Pilipino ang hirap makaintindi
ng tuloy- tuloy na Ingles? Isa pa ay dapat ngang Filipino ang gamiting
medyum sa mga importanteng pagharap sa publiko, dahil prayoridad dapat
na ang pangunahing makaintindi ng mga iyon ay ang mga ordinaryong
mamamayan ng Pilipinas, at hindi ang mga taga ibang bansa o mga
makapangyarihang tao na kung tutuusin ay may kakayahan namang
magsaliksik ng pagsasalin ng Filipino sa Ingles. Hinihiling ko na
maisakatuparan ang prinsipyong ito dahil malaking pagbabago ang maaari
nitong ihatid sa susunod pang henerasyon. Dagdag ko rin na walang
dapat ikatakot ang ibang rehiyonalista sa lengwaheng Filipino o
Tagalog pagkat, maging Cebuano, Ilokano, Bisaya pa man ang kanilang
gamitin ay walang makakapagpabago na isa pa rin tayong Pilipino, at
ang pagiging Pilipino ay isang Panalo.

You might also like