You are on page 1of 24

9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pambansang Kita

i
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pambansang Kita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Riza B. Vailoces


Editor: Germelina V. Rozon, Vida T. Cabristante
Tagasuri: Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Vanesa R. Deleña
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Pambansang Kita

ii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Pambansang Kita!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan _9_ ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Pambansang Kita!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

v
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Most Essential Learning Competency:


Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

Mga Layunin

Knowledge:
Natutukoy ang pamamaraan sa pagsukat ng pambansang kita.

Skill:
Nakagagawa ng Venn diagram ng pagkakaiba at pagkakahalintulad ng GNI
at GDP.

Attitude:
Nauunawaan ang kahalagahan sa pagsukat ng economic performance ng
isang bansa.

1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat lamang ang titik ng tamang
kasagutan sa kuwaderno.

1. Tumutukoy ito sa pangkalahatang kalagayan ng mga gawaing pang-ekonomiya ng


bansa.
A. economic performance C. indicators
B. economic indicators D. income accounting

2. Ito ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na


nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
A. Growth Rate C. Gross Domestic Product (GDP)
B. Price Index D. Gross National Income (GNI)

3. Sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng tapos na produkto at serbisyo na


ginawa sa isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
A. Growth Rate C. Gross Domestic Product (GDP)
B. Price Index D. Gross National Income (GNI)

4. Sumusukat sa average na pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo.


A. Price Index C. Growth Rate
B. GNI D. GDP

5. Sumasaklaw sa produksiyon at kita na hindi naiuulat sa pamahalaan at hindi nabibilang


sa pambansang kita.
A. Impormal na Sektor C. Pormal na Ekonomiya.
B. Income Per Capita D. White Market

6. Nasusukat ang economic performance sa pamamagitan ng ____________.


A. Growth Rate C. National Income Accounting
B. Indicator D. GNI at GDP

7. Ang halaga ng produkto at serbisyo na umiiral sa pamilihan.


A. Price Tag C. Market Value
B. High Price D. Price Index

8. Sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa


nagdaang taon.
A. Real Price GNI C. Growth Rate
B. Current GNI D. Price Index

9. Ano ang formula sa pagsukat ng GNI batay sa gastos o expenditure?


A. GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA
B. GNI = C + SD + I + G + X-M
C. GNI = C + I + G + SD + NFIFA
D. GNI = G + I+ C+ NFIFA

2
10. Tinatawag din itong Net Primary Income.
A. X-M C. SD
B. NFIFA D. GNI

Balikan
Panuto: Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Isulat lamang ang sagot sa kuwaderno.
Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng Bahaging Ginagampanan
Ekonomiya

1. Sambahayan

2. Bahay-kalakal

3. Pamahalaan

4. Panlabas na Sektor

Tuklasin
Panuto: Suriin ang larawan sa abot ng inyong makakaya. Matapos ang pagsusuri, punan ang
pahayag sa ibaba. Sagutan ang pamprosesong tanong at isulat ang sagot sa kuwaderno.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay:


________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
_____________________________________.

https://www.google.com/search?q=pambansang+kita+poste
r&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2ahUK

Pamprosesong Tanong:
1. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Ano ang naging batayan mo sa pagkompleto ng pangungusap?
3. Sa iyong palagay, ano ang mga ginagamit na panukat upang matukoy ang kalagayan
ng ekonomiya?

3
Suriin
Susuriin natin ang Gross National Income at Gross Domestic Product at ang kahalagahan at
mga pamamaraan sa pagsukat nito bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya.

Kahalagahan ng Pagsukat sa Pambansang Kita


Campbell R. McConnell Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang
Economics Principles, Problems and Policies (1999), ang
kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita ay ang
sumusunod:

1. Ito ay nagbibigay ng ideya sa antas ng produksiyon ng


ekonomiya sa isang partikular na taon at nagpapaliwanag kung
bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.
https://bit.ly/2KgYvPh
2. Masusubaybayan ang direksiyon na tinatahak ng ekonomiya at
malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa
kabuuang produksiyon ng bansa.

3. Gabay upang makabuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa


pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpataas sa economic performance ng
bansa.

4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, walang matibay


na batayan ang mga pagpapasya na may kaugnayan sa ekonomiya ng bansa.

5. Ang National Income Accounting ay pampamahalaang bookkeeping na sumusukat sa


kalusugan ng ekonomiya.

Nasusukat ang pambansang ekonomiya sa pamamagitan GNI at GDP

GROSS NATIONAL INCOME (GNI)


⮚ Tumutukoy sa kabuuang halaga ng produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa (sa loob o labas ng bansa).
⮚ Kalimitang sinusukat bawat quarter o sa loob ng isang taon.
⮚ Ito ay dating tinatawag na Gross National Product o GNP.
⮚ Gawa ito ng mamamayang Pilipino sa loob o labas man ng bansa sa isang
taon.
⮚ Sinasagot nito ang tanong “Sino Ang Gumawa?”
⮚ Gawa Ng mga Pilipino o GNP.

4
GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP)
⮚ Ito ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto
at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
⮚ Lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo
maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay
kasama dito.
⮚ Produksiyon ng mamamayang Pilipino at mga dayuhan sa loob ng Pilipinas sa isang
taon.
⮚ Gawa ito ng mamamayang Pilipino at mga dayuhan sa loob ng Pilipinas sa isang taon.
⮚ Sinasagot nito ang tanong “Saan Ginawa?”
⮚ Gawa Dito sa Pilipinas o GDP

Hindi Kasama sa Paguwenta ng GNI


⮚ Intermediate goods – mga produktong kailangan pang iproseso upang maging yaring
produkto.

⮚ Second-hand goods – mga produktong segunda-mano dahil isinama na ang halaga nito
noong ito ay bagong gawa pa lamang.

⮚ Underground Economy – dahil hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan


ng datos ng kanilang gawain upang ang halaga ng kanilang
produksiyon ay masukat.

MGA PARAAN SA PAGSUKAT SA GNI

Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan sa pagsukat ng Gross National Income:
Ang (1) expenditure approach, (2) income approach, at (3) industrial origin approach.

1. Pamamaraan batay sa gastos (Expenditure Approach)


Ang formula sa pagkwenta ng Gross National Income sa pamamamaraan batay sa paggasta
o expenditure approach ay:

GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA

Kung saan:
C = Gastusing personal
⮚ napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng
pagkain, damit paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba
pa.
G = Gastusin ng pamahalaan
⮚ kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng
mga proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito.

5
I = Gastusin ng mga namumuhunan
⮚ kabilang dito ang mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga
gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng
manggagawa at iba pa.
X - M = Gastusin ng panlabas na sektor
⮚ makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas ang iniluluwas o export
sa inaangkat o import.
X = Export Revenues
M = Import Spending
SD = Statistical discrepancy
⮚ ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi
malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga
transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o
impormasyon.
NFIFA = Net Factor Income from Abroad
⮚ tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang
gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga
dayuhang nasa loob ng bansa.

Halimbawa:
Gamit ang formula na:

GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA

Expenditure Amount

Gastusing Personal (C) Php 144,000,000.00

Gastusin ng Pamahalaan (G) 125,000,000.00

Gastusin ng mga Namumuhuna (I) 112,000,000.00

Exports (X) 2,000,000.00

Imports (M) 4,000,000.00

Net Factor Income from Abroad (NFIFA) 20,000,000.00

Statistical Discrepancy (SD) 1,000,000.00

Gross National Product (GNI) Php404,000,000.00

https://www.youtube.com/watch?v=DWOwIrsCNjk

GNI = 144M + 112M + 125M + (2M-4M) + 1M + 20M


GNI = 404M

6
7. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/Value Added
Approach)
Sa paraang ito pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga
pangunahing industriya ng bansa na kinapapalooban ng sektor ng agrikultura,
industriya, at serbisyo at ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income.
Halimbawa:
Sektor Amount

Agrikultura Php 100,000,000.00

Industriya 218,000,000.00

Serbisyo 62,000,000.00

GDP 380,000,000.00

Net Factor Income from abroad (NFIFA) 20,000,000.00

Gross National Income (GNI) Php 400,000,000.00

https://www.youtube.com/watch?v=DWOwIrsCNjk

3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)


Sa paraang ito pagsasamahin ang kita ng gobyerno, manggagawa o
empleyado, korporasyon o kompanya (National Income).
Isasama din ang iba pang babayaran sa paglikha ng produkto tulad ng Capital
Consumption Allowance at Indirect Business Tax.

GNI = NI + Capital Consumption Allowance + Indirect Business Taxes


KITA NG SALIK NG PRODUKSIYON AMOUNT

Kita ng entreprenyur Php 26,000,000.00

Kita ng manggagawa/empleyado 132,000,000.00

Kita ng gobyerno 120,000,000.00

Kita ng kompanya/korporasyon 109,000,000.00

National Income 387,000,000.00

Capital Comsumption Allowance 8,000,000.00

Indirect Business Taxes 5,000,000.00

Gross National Income (GNI) Php 400,000,000.00

https://www.youtube.com/watch?v=DWOwIrsCNjk

7
Inilalarawan ng GNI at GDP ang produksyon ng bansa. Magandang Makita na papataas
ang GNI at GDP. Ibig sabihin nito, tumataas ang produksyon ng bansa. Dumarami ang
kumikita sa ekonomiya. umaangat ang kabuhayan ng mga kasapi ng ekonomiya .

Current/Nominal at Real/Constant Prices GNI

NOMINAL GNI
Tinatawag din itong CURRENT PRICES, ito ay ang kabuuang produksiyon ng bansa
nababatay sa kasalukuyang presyo sa pamilihan.

Ang Price index ng batayang


taon ay laging nakatakda sa 100
REAL GNI
Tinatawag din itong CONSTANT PRICE, ito ay tumutukoy sa halaga ng kabuuang
produksiyon ng bansa na ang batayan ay presyo ng base year.

Price Index base year x Real GNI


Real GNI =
Price Index current year =

Halimbawa:
Taon Current/Nominal GNI Price Index Real/Constant Prices GNI

2006 7,883,088 100 7,883,088

2007 8,634,132 109.5 7,885,052

2008 9,776,185 124.0 7884,020

2009 10,652,466 135.1 7,884,874

2010 11,996,077 152.2 7,881,785

Base year ay 2006


Real GNI = 100 x 8,634,132
109.5
= 0.913242 x 8,634,132
= 7,885,051.97
= 7,885,052

8
Malalaman naman kung may natatamong pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan
ng growth rate.

GROWTH RATE
Ito ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya
kompara sa nagdaan taon. Kapag positibo ang growth rate masasabi na may pag-
angat sa ekonomiya ng bansa.
Samantala, kapag negatibo ang growth rate, ay masasabing walang naganap
na pag-angat sa ekonomiya ng bansa.
Pagkompyut ng Growth Rate:

Growth Rate = GNI2-GNI1 x 100


GNI1

Kung saan:
GNI 2 = kasalukuyang taon
GNI 1 = nakaraang taon
Sa pamamagitan ng Income Per Capita ay masusukat kung hahatiin ang
Gross Domestic Product sa kabuuang populasyon ng bansa. Sinusukat nito ang
kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan.

INCOME PER CAPITA


Income Per Capita = GNI
Populasyon
Tinataya nito kung sasapat ang kabuuang halaga ng produksiyon ng bansa
upang tustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito.
Ang maliit na populasyon at malaking income per capita ay nangangahulugan
ng malaking kakayahan ng ekonomiya na matustusan ang pangangailangan ng mga
mamamayan nito.
Kapag mas mabilis ang paglaki ng populasyon kaysa sa income per capita,
magiging mahirap para sa ekonomiya na tustusan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan ng bansa. Isa itong batayan upang malaman ang kalagayang
pangkabuhayan ng mga mamamayan .

LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

1. Hindi Pampamilihang gawain


Hindi kabilang ang mga produkto at serbisyong nabuo ng mga tao para sa sariling
kapakinabangan tulad ng pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng pinggan, at pagtatanim
sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran. Bagamat walang salaping nabubuo sa mga
naturang gawain, ito naman ay nakabubuo ng kapaki-pakinabang na resulta.

9
2. Impormal na Sektor
Malaking halaga ng produksyon at kita ay hindi
naiuulat sa pamahalaan tulad ng transaksIyon sa
black market, pamilihan ng illegal na droga, nakaw na
sasakyan at kagamitan, illegal na pasugalan, at
maanomalyang transaksiyong binabayaran ng ilang
kompanya upang makakuha ng resultang pabor sa
https://www.google.com/search?q=illegal+gamblin
g+news+in+the+philippines&tbm=isc kanila.

3. Externalities o hindi sinasadyang epekto


Ang hindi sinasadyang epekto o externalities ay may halaga na kalimitang hindi
nakikita sa pagsukat ng pambansang kita.

4. Kalidad ng Buhay
Maraming bagay na hindi kabilang sa pagsukat ng pambansang kita ay
nakatutulong sa pagbuti ng pamumuhay ng tao tulad ng malinis na kapaligiran,
mahabang oras ng pahinga, at malusog na pamumuhay.

Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Tukuyin kung ang sitwasyon ay isinasama sa pagkuwenta ng GNI o GDP ng ating
bansa. Isulat ang sagot na GNI o GDP sa inyong kuwaderno.

1. Korean Beach Resort sa Dauin.


2. Pilipinong Doctor sa Canada.
3. Grocery Store ng isang Chinese sa Dumaguete.
4. Si Vanessa ay isang guro sa Hongkong.
5. OFW remittances

Gawain B

Panuto: Kompyutin ang Price Index at Real GNI. Gamitin ang 2006 bilang batayang taon.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Taon Nominal GNI Price Index Real GNI

2006 10,500
2007 11,208
2008 12,223
2009 13,505
2010 14,622

10
1. Ano ang sinusukat ng Price Index?
2. Ano ang kahinatnan ng malaking populasyon ngunit maliit na GNI ng bansa?

Gawain C
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapahiwatig
ng kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita at MALI kung ito ay hindi nagpapahiwatig
sa kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Nagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon.


2. Gabay sa pagpaplano sa ekonomiya.
3. Nasusubaybayan ang direksiyong tinatahak n gating ekomoniya.
4. Kung walang paraan ng pagsukat ng pambansang kita ang datos ay hindi kapani-
paniwala.
5. Maaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang diyagram sa ibaba sa pamamagitan ng pagpuna sa mga kahon. Isulat
ang sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang mga paraan sa pagsukat sa pambansang kita?

PARAAN NG
PAGSUKAT NG
PAMBANSANG
KITA

2. Paano ito naiba sa isa’t isa?


3. Sa iyong palagay, bakit dapat na nasusukat ang pambansang kita?

11
Isagawa

Gawain A
Panuto : Punan ng tamang datos ang Venn Diagram na nasa ibaba. Itala ang pagkakaiba ng
GNI at GDP. Isulat sa gitnang bahagi ang pagkakahalintulad ng dalawa. Pagkatapos ay
sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

GNI GDP

Pamprosesong tanong:
1. Batay sa nabuong Venn Diagram, papaano naiba ang Gross National Income sa Gross
Domestic Product?
2. Bakit kailangang sukatin ang Economic Performance ng bansa?
3. Bakit may mga gawaing hindi kabilang sa pagsukat ng GNI at GDP?

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat lamang ang titik ng tamang
kasagutan sa kuwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo


na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
A. Growth Rate C. Gross Domestic Product (GDP)
B. Price Index D. Gross National Income (GNI)

2. Sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng tapos na produkto at serbisyo na


ginawa sa isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
A. Growth Rate C. Gross Domestic Product (GDP)
B. Price Index D. Gross National Income (GNI)

12
3. Tumutukoy ito sa pangkalahatang kalagayan ng mga gawaing pang-ekonomiya ng
bansa.
A. economic performance C. indicators
B. economic indicators D. income accounting

4. Sumusukat sa average na pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo.


A. Price Index C. Growth Rate
B. GNI D. GDP

5. Sumasaklaw sa produksiyon at kita na hindi naiuulat sa pamahalaan at hindi


nabibilang sa pambansang kita.
A. Impormal na Sektor C. Pormal na Ekonomiya.
B. Income Per Capita D. White Market

6. Nasusukat ang economic performance sa pamamagitan ng ____________.


A. Growth Rate C. National Income Accounting
B. Indicator D. GNI at GDP

7. Ang halaga ng produkto at serbisyo na umiiral sa pamilihan.


A. Price Tag C. Market Value
B. High Price D. Price Index

8. Sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa


nagdaang taon.
A. Real Price GNI C. Growth Rate
B. Current GNI D. Price Index

9. Ano ang formula sa pagsukat ng GNI?


A. GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA
B. GNI = C + SD + I + G + X-M
C. GNI = C + I + G + SD + NFIFA
D. GNI = G + I + C+ NFIFA

10. Tinatawag din itong Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos
ng mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.
A. X-M C. SD
B. NFIFA D. GNI

13
Karagdagang Gawain
Panuto: Suriin ang ipinahiwatig ng larawan. Matapos ang pagsuri ay sagutin ang mga tanong.
Itala ang iyong sagot sa kuwaderno.

https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/what-philippine-economy-could-be-like-after-coronavirus

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinapahiwatig sa larawan?
2. Ano kaya ang mangyayari sa ekonomiya ng bansa pagkatapos ng pandemya?
3. Bilang isang mag-aaral mayroon ka bang maitutulong para maibsan ang suliraning ito?

14
15
GDP
Sinusukat ang GNI
mga produkto Sinusukat
at serbisyo na ang
ginawa sa loob kabuuang
ng bansa sa produksiyon
loob ng isang na nagawa
taon
Gawain A
ISAGAWA
ISAISIP
PAGYAMANIN:
Tayahin: Gawain A Subukin
D :
Karagdagang Gawain: 1.GDP
C A
Ang iyong sagot ay batay sa A 2.GNI D
sarili mong kuro-kuro at A C
paniniwala. A 3.GDP A
D A
C 4.GNI
D
C 5.GNI C
A C
B Gawain C: 1-5
A
TAMA
B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat

Dr. Jose V. Camancho, Jr. et al EKONOMIKS Araling Panlipunan Modyul


para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015, Muling Limbag 2017

Mga Websites

https://www.google.com/search?q=pambansang+kita+poster&tbm=isch&hl=en&sa=X&
ved=2ahUK
https://dokumen.tips/education/pambansang-kita-by-princess-jeen-baloyos-and-jilian-
jacinto.html
https://www.youtube.com/watch?v=DWOwIrsCNjk
http://joieyuvienco.blogspot.com/
https://bit.ly/2KgYvPh
https://www.google.com/search?q=illegal+gambling+news+in+the+philippines&tbm=ic
https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/what-philippine-economy-could-be-like
after-coronavirus

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like