You are on page 1of 2

Pebrero 11, 2022

Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes


Pandaigdigan Pananalangin sa mga Maysakit

Mga Minahamahal kong Lider Kabataan ng NDYM:

Isang pagbati ng Kapayapaan mula kay Hesus na ating Pastol ang sumainyo!

Dalawang Clergy Meeting na ang nagdaan kung saan pinag-usapan ang nalalapit na Halalan.
Dumalo ang halos karamihan ng kaparian, kasama ng ating mahal na Obispo, Bp. Roberto Gaa,
sa isang masusing talakayan at pagninilay kaugnay rito. Matapos ang Clergy Meeting noong
nakaraang Martes, Pebrero 8, 2022 sa Santuario de San Paulo sa Casa Milan, napagdesisyunan
namin na tayo ay tatahak sa dalawang landasin:

Una, pananatilihin ng karamihan ang “non-partisan” status, kung saan ito naman talaga ang
layunin ng ating inisyatiba sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV),
upang maging tanda ng Simbahan ang landasin tungo sa isang malinis at mapayapang Halalan
ngayong taon.

Ngunit sa mga nangyayari sa kasalukuyan, hindi na lamang ito tungkol sa usapin ng kung sino
ang magaling at pinaka mainam na kandidato sa kasalukuyan. Bagkus, ito ay usapin na ng tama
at mali, ng kabutihan at kasamaan.

Kaya naman, bilang Direktor ng mga Kabataan sa Diyosesis ng Novaliches, ay nais kong
ipagbigay alam sa inyo na buong tapang nating paninindigan ang katotohanan, tungo sa pagpili
sa isang malinis at mabuting kandidato. Kaya naman, inaanyayahan ko ang lahat ng mga Parish
Youth Coordinators, Campus Ministry Heads at Trans-parochial Youth Organization Heads na
patuloy pa rin sa pagkilatis at pagkilala sa ating mga kandidato. Gamitin natin ang mga
instrumento ng Circles of Discernment at Circles of Illumination upang makabuo ng isang
kunkretong hakbang at landas sa pagtanaw sa darating na halalan.

Pangalawa, kung sa palagay ninyong kayo ay nasa bahagi na ng desididong landas upang
suportahan ang inyong mga kandidatong pipiliin sa Eleksyon 2022, inaanyayagan ko kayo na
samahan kami, ka-isa ang buong Diyosesis, na suportahan ang kampanya ng ating mahal na Vice
President Leni Robredo, upang ikampanya bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas. Ipakita natin
ang sama-sama nating pagsuporta at pagkakaisa upang iparamdam na posible din naman talaga
na i-angat ang buhay, ipaglaban ang katotohanan, at iwaksi ang kasinungalingan at mali. Sama-
sama tayo sa darating na Pebrero 13, 2022 sa Quezon City Circle, at ipahayag na natin ang
buong lakas na pagsuporta kay VP Leni, kaisa ng buong Simbahan ng Diyosesis.

Tandaan natin, mga minamahal kong kabataan - kailanman di natin pwedeng ipagsawalang
bahala ang lakas na taglay natin. Hindi lamang tayo ang kinabukasan ng ating Simbahan o ng
lipunan; tayo ang lakas ng kasalalukuyan. Maging bukas nawa tayo sa pagtitiwala na sa
pagsama-sama nating pagsisikap ay mayroon tayong mararating na tagumpay. Tayo na, at
magsilbing liwanag sa mga nasa kadiliman, salamin sa mga naghahanap ng linaw sa buhay. Tayo
ang maging TAGAPAG-DALA ng BAGONG LIWANAG. Nova Luces. Novaliches.

Sa huli, patuloy natin isamo sa mahal na Ina, si Maria tagakalag ng mga buhol ng ating mga
buhay ang ating mga agam-agam, mga takot, at mga di malinaw na pagpapasya. Hayaan natin sa
paglapit natin sa kanya, lubusan niya tayong mailapit at mapakilala sa kanyang anak na si Hesus.
Asahan ninyo ang patuloy kong pakikiisa sa pananalangin at pagsuporta sa lahat ng ating
pagsisikap at initiatibo para sa lahat ng ating mga Kabataan.

Kaisa ninyo sa paninindigan,

Reb. Padre John Harvey D. Bagos


Direktor ng Novaliches Diocesan Youth Ministry
Parochial Vicar, San Bartolome de Novaliches Parish
Diocese of Novaliches

You might also like