You are on page 1of 1

Mga Paksa at Bilang ng Tagapapag-ulat

Paalala:
1. Kailangang hindi lamang basahin ang ulat, bagkus ay ipaliwanag ang mga konsepto maging
ang mga binigay na kahulugan.
2. Mainam rin na bigyan ito ng mga halimbawa.
3. Dapat makikita ang mukha sa pag-uulat. Hindi dapat naka-mask.
4. Dapat na may tekstong mababasa sa iskrin habang nag-uulat.
5. Malayang gumamit ng app sa pag-uulat.
6. Ayusin sa pagbigkas ng pangalan upang ikaw ay makilala kasama na rin ang pagbanggit ng seksyon.
7. Dahil sa isang FB Page kayong lahat na 7 seksyon, sikapin na hindi magkatulad ang sasabihin sa
ulat. Malalaman sa naturang page sinuman ang naunang nagpasa maging ang nahuli sa pag-post.
8. Ang paghahati-hati sa pag-uulat ay banggitin sa gc na halimbawa: k3m1p1 – saguing at
Sancho. Ibig sabihin, ang kwarter 3, modyul 1, paksa 1 ay inangkin na ng gayong mga tao.
Maaaring sa gayong paksa ay 2 grupo, ibig sabihin k3m1p1 ay sina saguing at sancho tapos may
isa pang maaaring umangkin noon para ang lahat ay makapag-ulat.
9. Makipag-ugnayan sa akin sa gc kung may katanungan o may nais linawin.
10. Sana ay natuto na ang lahat kapag hindi gumawa at nagkulang sa kanyang tungkulin bilang mag-aaral.
11. Ipinagbabawal ang pagkuha/pagpapakita sa ibang tao ng vidyo/presentasyon ng mga mag-
aaral para gawing katatawanan kung sakaling sa iyong palagay ay hindi ito maganda sa
pagbigkas at iba pa.
K3M1
1. Tekstong Impormatibo – 2 Tao
2. Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo – 7
3. Uri ng Tekstong Impormatibo - 4
K3M2
1. Tekstong Deskriptibo – 3
2. Mga Elemento o Paraan ng Paglalarawan – 3
3. Paggamit ng 20 Uri ng Tayutay – 21
4. Uri ng Paglarawan – 3
Kung mapapansin, may 42 grupo lahat. Dahil sa ang bilang ng mga mag-aaral sa isang seksyon
ay nasa 60 – 80, kung kaya at maaaring maging times 2 ang bilang ng reporter. May ilang
seksyon ding ang ulat sa isang paksa ay dalawang grupo, may ilang paksa na iisang pangkat lang.
Ang ibig sabihin ng dalawang grupo ay, parehong paksa ngunit posibleng iba ang paglalahad.
Sana ay naintindihan. Malayang magmensahe sa messenger kung may nais ipakiusap o itanong.
LAVAN KABATAAN.

You might also like