You are on page 1of 1

Nararapat na ikulong ang mga Kabataang may Gulang na 16

Pataas na Nasasangkot sa mga Krimen

Karapat-dapat na makulong ang mga menor-de-edad na nasasangkot sa iba’t ibang klase ng


krimen. Sapat na ang kadahilanang sila ay nasa tamang pag-iisip para maposasan. Hindi na rin
tamang iasa sa isang departamento o sa magulang ang pagdedesiplina sa mga ito.

Ilang krimen ang naiuulat araw-araw na kinasasangkutan ng mga edad 16 pataas. Karamihan
sa mga ito ay pagtutulak ng droga at pagnanakaw. Mayroon ding kaso ng panga-gahasa at
pagpa-patay. Kalimitang ibinibigay ang mga menor-de-edad na nagkasala sa Department of
Social Welfare and Development (DSWD), o di kaya’y ibinabalik sa kanillang mga magulang
upang sila ang sumipil sa mga ito. Sa patuloy na pagtaas ng mga krimeng kinasasangkutan ng
mga menor-de-edad, nararapat nang makulong ang mga ito dahil hindi na tama na palagi
silang nabibigyan ng pagkakataon upang magbago at hahayaang ang Departamento o ang
magulang ang magbibigay-leksyon sa kanila.

Nararapat na sila’y makulong dahil nasa tamang pag-iisip na ang mga ito at alam na ang tama
sa mali. Ilang kabataan na nga ba ang nagkasala at kahit ilang beses nang ma-disiplina’y hindi
pa rin nadadala? Pati na rin ang mga edad 13-15 ay nadadawit sa isyung droga at pagnanakaw.
Hindi na madaling sabihin na ang mga ito’y inosente sapagkat napakaraming impormasyon na
ang kanilang nakakalap sa pag-gamit ng teknolohiya. Tuluyan nang magiging delikado ang
ating bansa kung ang mga kabataang may mabibigat na pagkakasala ay hindi isisilid sa likod ng
mga rehas.

Sa aking papanaw, napapabayaan ng mga magulang ang mga menor-de-edad na nasasangkot


sa mga krimen. Marahil walang gumagabay sa mga ito o ang mga magulang nila mismo ang
kanilang modelo at nagtutulak sa kanilang gumawa ng iligal na Gawain. Bukod pa rito, hindi
lingid sa kanillang kaalaman na walang kakayahan ang mga awtoridad na sila’y ipakulong dahil
sa kanilang edad kaya hindi sila natatakot na madawit sa iba’t ibang klase ng krimen. Maraming
nadadamay at naaapektuhan dahil sa mga kabataang malaya pa ring nakagagala at patuloy na
gumagawa ng masasamang gawain sa kapwa. Ang pagpapakulong sa mga nagkakasalang
menor-de-edad ay isang tamang desisyon at ang pinakaangkop na leksyon.

Sang-ayon ako sa ideyang pagpapakulong sa mga edad 16 pataas na nasasangkot sa mga


krimen. Dapat silang managot sa pamamagitan ng mga rehas upang sila’y madala at tumino.
Maaaring wala pa sila sa wastong gulang ngunit nasa tama na silang pag-iisip at hindi na
inosente. Nararapat lang na maging patas ang batas sa lahat ng tao.

You might also like