You are on page 1of 6

Week 1 – Aralin 1

Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsulat

I. Subukin
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali

II. Tuklasin
• Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito
sa pamamagitan ng obhektibong paraan.
• Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa
isinisagawang imbestigasyon o pananaliksik.
• Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging obhektibo sa paglatag ng mga kaisipang isusulat
batay sa mga nakalap na impormasyon.
• Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan ng mag-aaral at makikilatis
ang mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
• Maaaliw sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
• Mahuhubog ang pagbibigay pagpapahalaga nang paggalang at pagkilala sa
mga gawa at akda.
• Malilinang ang kasanayan sa pagkalap ng mga impormasyon mula sa iba’t
ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

III. Pagyamanin
1. Akademikong pagsulat - Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panliipuunan. May katangian itong pormal, obhetibo, may
paninindigan, may pananagutan, at may kalinawan.

2. Ang pagsusulat ng akademiko ay makakatulong sa iyo sa pamamahala ng iyong


oras na sa paglaon ay makikinabang sa iyo sa bawat yugto ng buhay at
makakatulong na humantong sa isang matagumpay na buhay. Sa mundong ito ng
puno ng kompetisyon, talagang kinakailangan ang kamalayan at pangkalahatang
kaalaman tungkol sa mga kaganapan sa paligid.

3. Oo, hindi man lahat ng ating kurso ay konektado sa wikang Filipino ito pa din ay
kailangan upang mapalawak ang ating kaalaman.

4. Oo
- isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral
- isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika
- isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng tao ang nais niya ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan
- isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng
mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring mapagsalin-salin sa bawat
panahon.

5. Ang mga gamit o pangangailangan sa pagsulat ay ang wika, paksa, layunin,


pamaraan ng pagsulat (impormatibo, ekspresibo, naratibo, deskriptibo, at
argumentatibo), kasanayang pampag-iisip, kaalaman sa wastong pamamaraan ng
pagsulat, at kasanayan sa paghahabi ng buong sulatin.
Para sa akin, ang pinakamahalaga na pangangailangan ng pagsulat ay ang wika.
Alam naman natin na ang wika ay behikulo upang tayo ay magkakaunawaan bilang
isang lahi. Dahil sa wika maisasatitik natin ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon at iba pa. At pang huli hindi tayo makakabuo ng paksa
kung walang wika hindi natin masusulat ang ating nais isulat kung wala ang wika.

6. Ang akdang susulatin ay dapat magtaglay ng :


- Kakayahang maglahad, magbigay linaw at magpaliwanag o magbigay ng
impormasyon sa paksa sa Isang teksto .
- Paglalayong makikita sa daloy ng paghahanay ng mga ideya o Kaisipan sa Isang
teksto .
- Kakayahang makaakit , mapaniwala at mapasang - ayon any mambabasa batay
sa ideya na ipinghayag sa teksto .
- Magiiwan o magbibigay kakintalan at kaalaman sa mga mambabasa ma
magagamit sa kanilang buhay .

7. Ang pagiging Maliwanag at Organisado dahil kapag ako'y nagsusulat ng


akademikong sulatin ay maayos ang pagkakasunod sunod at pagkakaugnay-ugnay
ng mga salita na aking binubuo. Binibigyang ko ng pansin ang kaisipan o main topic
upang mabigyang-diin sa sulitin upang maiitindihan ng mga mambabasa kung saan
patungkol ang iyong isinusulat.

8. Ang akademikong pagsulat sapagkat sa gawaing ito ay nakatutulong sa


pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan at layunin
nitong ipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ginagawa ng pananaliksik.

1. Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pagsulat


partikular ang pagsulat ng akademikong sulatin?
Mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pagsulat,
partikular sa akademikong sulatin dahil malaki ang magiging tulong nito sa pagpapahayag
natin sa mga ideya na nais nating maiparating sa ibang mga tao. Karaniwan na ginagamit
ang pagsusulat para magpahayag ng opinyon, mungkahi at mga ideya. Ang akademikong
pagsulat naman ay ang karaniwang ginagamit ng uri ng pagsusulat sa paaralan o kaya ay
sa trabaho.

IV. Isaisip
A.
1. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
2. Pamaraan ng Pagsulat
3. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
4. Paksa
5. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
6. Layunin
7. Wika
8. Personal o Eksprisibo
9. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
10. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

B.
Pormal – Iwasan ang
paggamit ng mga salitang
kolokyal o balbal.

Maliwanag at Organisado –
Obhetibo – Mahalaga ang
Sa paglalahad ay nararapat na
tunay at pawang
maging malinaw at
katotohanan ng mga
organisadong mga kaisipan at
impormasyon.
Katangian ng datos.
Akademikong
Pagsulat

May Pananagutan – Ang May Paninindigan –


mga sanggunian na ginamit Mahalagang mapanindigan
sa mga nakalap na datos o ng sumusulat ang paksang
impormasyon ay dapat na nais niyang bigyang-pansin o
bigyan ng nararapat na pag-aralan.
pagkilala.
V. Isagawa

1. Uri ng Akademikong Sulatin :

Reperensiyal na Pagsulat

Nasaliksik

Kahulugan:

Layunin ng sulatin na bigyang pagkilala ang mga


pinagkukunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis, at disertasyon.

Katangian:

1. Nagbibigay ng pangunahing ideya ang tesis.


2. Na babatay sa katotohanan ang ebidensya.
3. Walang kinikilingan sa paghahatid ng impormasyon.
4. Ang konklusyong lohikal ay nilikha mula sa mga
inilatag ng katotohanan.

Sanggunian:

https://prezi.com/mjvbir82qngn/reperensyal/
2.

Uri ng Akademikong Sulatin :

Teknikal na Pagsulat

Nasaliksik

Kahulugan:

Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay


bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang
problema o suliranin.

Katangian:

1. Naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin


samalinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na
paraan.
2. Gumagamit ng deskripsiyon ng mekanismo,
deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at
bunga, paghahambing at pagkakaiba, analohiya at
interpretasyon.
3. Upang masuportahan ang mga talakay tekswal
gumagamit rin ito ng mga talahanayan, grap at mga
bilang.

Sanggunian:

https://www.coursehero.com/file/41096757/FILIPINO-
REPORTdocx/
VI. Tayahin

1. A
2. C
3. B
4. A
5. D
6. A
7. B
8. D
9. B
10. C

VII. Karagdagang Gawain

Add comment…
Kung may balak kang mag-post sa social media, isipin muna ang iyong sasabihin o, ipopost.
Para hindi ka makasakit sa iba.

Maging wais sa iyong mga nakikita sa social media, huwag agad magpaniwala, at manghusga.

Kung may mga pag-aaway man, na naganap sa inyong magkaibigan, magkapitbahay, Mas
mabuting ayusin ito ng pribado at 'wag ng ibahagi pa, dahil hindi naman ito ang magiging
solusyon sa problema.

Eksplanasyon:

Sa tatlong bahagi na ito, Mas magkakaroon ng positibong pananaw, Lalo na sa paggamit ng


social media, at sa mga taong nakakakita Lalo na sa aming mga kabataan.

Mga katangi-tanging kakayahan naman, ang puwede mon g ipahayag upang makapagbigay ka
ng inspirasyon at dedikasyon sa iba, makakatulong ka pa, at mapapaunlad mo pa ang iyong
kakayahan

Like Share

You might also like