You are on page 1of 4

Vanessa E.

Vidal
Yunit 2
Marso 22, 2022

Proseso ng Pagpapalago: Ang Puno at ang Wika


Ni: Vanessa Vidal

Sa mga dumaraang konsepto patungkol sa wika isa lamang ang husto kong napagtanto
pagkatapos ng lahat, sa pagpapalawak ng kamalayan sa wika ay para ka lamang natutong
magtanim ng isang puno.

Sa tingin ko’y tapos na ako sa paghuhukay ng lupa katulad nalang ng kinahitnan ng aking
paggalugad sa mga inisyal na kaibahan ng wika mula sa diyalekto, pati na rin ang mga konsepto
at historya ng wikang pambansa, wikang rehiyunal, at mga wikang banyagang dawit dito. Ngunit
sa katapusan ng paghuhukay ay nararapat na itanim na ang buto o ihanda na ang iyong sarili sa
buong-pusong pagsasaalang-alang na isisiksik at itatawid mo ang lahat ng matututuhan sa iyong
kaisipan. Dapat din munang mahinuhang hindi lahat ng lebel ng nahukay sa ating pagtatanim ay
magkakaparehas tulad na lamang ng paunang inihayag ni Deutscher na hindi pantay-pantay ang
wika. Maaaring ang kinagisnan mong salita ay wala pa lang lalim at salin sa iba. Napapanahon din
ang culture at nature sa pang-wikang pananaw na sa tingin ko’y simple lamang ang nais ihayag
ng mga ito. Ang natatanging pagbibigay-salita o marka bilang wika ay sumasalamin sa kulturang
nakagawian ng isang pagkat ngunit ang kabuuang konsepto nito ay sadyang likas o natural na
lamang. Bagaman sa kasalukuyang paglaki ng buto, hustong tumatak din sa akin ang mga
konseptong inihayag, hindi lang ng mga bidyong nakapaloob, ngunit lalo pa’t ang mga itinalaga
nina Saussure, Sapir, at Whorf na sumasaklaw sa wika tulad nalang ng kahalagahan ng mga
konseptong langue o ang lebel ng kaunawaan sa wika ng isang komunidad at ang parole o ang
indibidwalistikong paraan at gamit ng wikang nakagisnan. Higit pa rito, ang kanilang primaryong
inilalahad na kaisipang ang wika ay tunay na isang representasyon ng reyalidad. Hindi
mapagkakailang mahirap nang ihiwalay ang tunog o tatak na salita sa mismong konseptong
tinutukoy nito. Kaya’t kapag sinabi natin ang salitang ‘puno’ ay mahirap nang ibahin sa ating
isipan ang itsura ng isang totoong puno kahit hindi natin ito namamalayan. Aking napagtanto na
ang walang kamalayang konseptong ito ay dahil na rin sa pagbibigay natin ng relasyon sa bawat
salita. Kung una mo lang narinig ang salitang ‘puno ng kamatsile’ ay maaisip mo na kaagad na
maaaring ka-itsura nito ang ibang punong alam mo. Totoong ang wika ay kumakatawan din sa
mga non-verbal cognition. Samantala, naging madali sa akin na intindihin ang isa pang konseptong
tinatawag nilang ‘grammatical gender’. Simple at walang paligoy-ligoy ang ipinapahayag nito na

1
madalas ay naiimpluwensyahan ang paggamit natin ng wika sa ating esteriotipo o nakagawiang
kaisipan sa pagtukoy ng mga iba’t ibang kaugaliang pang-kasarian. Ito ay parang ang pag-iisip mo
na ang itinanim na puno ay magbubunga isang puno ng mansanas ngunit isa pala itong puno ng
malunggay. Bilang karagdagan, ito naman ay mayroong malapit na kaugnayan sa isinusulong na
mga konsepto ni Quindoza-Santiago patungkol pa rin sa wika kaakibat ng kasarian at sekswalidad.
Ngunit masasabi kong matagal ko nang napagtanto ang kabuuang konseptong tinutukoy niya na
ipinagtibay pa ng gawain sa yunit at tila nagsilbing repleksyon sa aking katwiran dito. Sa pag-
usbong ng itinanim sa ibabaw ng lupa ay matututuhan natin na protektahan ito mula sa mga peste
at nilalang na maaaring magmanipula o sumira sa paghihirap na ito. Ito ay magkawangis sa
konseptong ipinapaliwanag ni Paz ayon sa pagpupumiglas sa paghahari ng wikang Ingles. Kung
iisipin, totoo naman na kapag mayroong nagturo sa iyo kung paano palaguin ang mga dahon ng
iyong puno ay nararapat na sila’y pasalamatan. Ngunit mas matimbang at nararapat na sa huli,
ikaw lamang ang magpapasya kung paano mo ito itataguyod sapagkat ikaw ang may-ari nito.
Maaari rin natin maisip na kaya’t may prestige o may mas kapangyarihan ang nagdidikta sayo ay
dahil mas marami rin ang kanilang kagamitan sa pagtatanim at ikaw ay mistulang pandilig lamang
sa tubig ang hawak. Datapwa’t isipin natin na hindi dahil may mas kaalaman ang mga banyaga sa
atin ay mas mababa na tayo sa kanila. Sa halip, gamitin natin kung ano ang mayroon tayo tulad ng
ating sariling wika dahil tunay na iyon ang daan tungo sa sariling kaunlaran. Sa walang hanggang
implikasyon ng wikang Ingles mula sa edukasyon, politiko, pamumuhay, at hanggang sa kalayaan
ng sambayanang Pilipino ay masusugpo lamang kung buong-lakas at kaluluwang tatangkilikin ng
lahat sa kapuluan ang wikang Filipino. Ang pagkikilala sa sariling soberanya ang susi sa muling
paghahari ng ating sariling wika. Mula roon, lahat ay hahantong din sa katiwasayan. Sa huli, tila
prangka ko rin na ihahayag na mas natuto ako sa mga babasahin kaysa sa mga bidyong dapat
panoorin sapagkat simpleng mas malawak ang tangay nga mga ito sa akin.

Gayunman sa hantungan ng pagtatanim, ating mamamalayan na itinaas na pala tayo ng


ating puno paakyat sa kaunlaran at naroon makikita natin sa tanawin ang samu’t saring mga
nilalang na nasa proseso rin ng kanilang pagpapalago— ang iba ay naghuhukay pa lamang, ang
iba ay may kasamang magtanim, at ang iba ay mas mataas na ang puno kaysa sa atin. Datapwa’t
sa wakas, tayo’y magbigay-pugay, manatili, at lalong magpalago na lamang sa punong matatawag
nating sariling atin.

2
Puna: Paumanhin, Ma’am Morales, kung ako po ay gumamit ng metapora sa aking balik-tanaw.
Sadyang dito ko lamang lubos na gustuhing ipaliwanag at mabalikan lahat ng aking natutuhan at
ang apliksyon nitong mga aralin sa totoong senaryo ng buhay na hustong kailangan sa sariling
pagkatuto ko. Marahil ganito po ang tunay at epektibong balik-tanaw para sa akin at nasisigurong
hindi lumihis sa paghahambing sa mga natutuhan—mga konsepto at kaakibat na metapora nito.

3
TALASANGGUNIAN

Deutscher, G. (2010). Through the language glass: Why the world looks different in other
languages. Metropolitan books.

Juronanhon, H. (2020, Mayo 2). Module 3A: Concepts et mots en bisayà. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=z-LjVWj5ezA
Juronanhon, H. (2020, Mayo 2). Module 3B: Langage, compréhension, comportement. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=7x9Z8L6-k7o
Juronanhon, H. (2020, Mayo 2). Module 4A: Discours et puissance. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=26oIZ3ZT6Wg
Juronanhon, H. (2020, Mayo 3). Module 4B: Favoritisme et idéologie. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=TCeRzlaCPFo
Paz, C. J. (1985). Wika ng naghaharing-uri. Lungsod Quezon: UP Press.

Quindoza-Santiago, L. (1998). Wika, Kasarian at Sekswalidad. Lungsod Quezon: UP Press.

Singh, I. (1999). Language, thought and representation. London & New York: Routledge.

Hozier-Byrne, Andrew. "Hozier - Cherry Wine (Official Video)." YouTube, uploaded by Hozier,
14 Feb. 2016, https://www.youtube.com/watch?v=SdSCCwtNEjA.

You might also like