You are on page 1of 3

Vanessa E.

Vidal
Modyul 4
Marso 22, 2022

Papel Mayor: Pinagmulan at Kahahantungan


Ni: Vanessa Vidal

Marahil ang pagkilala sa sariling mga pagkukulang ng bayan ang maaaring maging daan
sa tunay na pag-unlad kaya’t ang tatlo (3) na mga salitang aking napili ay tila lahat hango mula sa
salitang Ingles: “xenophobia”, “vagabond”, at “cybersecurity”.

Xenophobia ay isa sa mga salitang walang direktang salin sa wikang Filipino na


nangangahulugang pagkakaroon ng lubos na kamuhian at pangamba ng isang likas at natibong
mamamayan sa mga estrangherong banyaga. Madalas na inihahalintulad ang salitang ito sa
‘Racism’ o rasismo sapagkat nasa magkalapit na paraan ang pagpapakahulugan ng mga Amerikano
rito. Ngunit masasabi rin na tunay na magkaiba ang dalawang konseptong ito dahil ang rasismo ay
mayroong mas malawakang sakop. Ang pagtaguyod ng mga Amerikano sa konseptong ito ay tila
kumakatawan sa pagkakaroon ng lubos na presensya ng xenophobia sa pangkaraniwang buhay ng
mga tao sa kanilang lipunan. Sa kasalukuyan, ang bansang America ang mayroong pinakamataas
na porsyento ng mga imigrante sa buong mundo kaya’t hindi matatakasan ang takot o galit ng mga
natibong mamamayan sa mga bagong salta at may ibang lahi (World Population Review, 2022).
Isa lang ang maaaring mahinuha mula rito, laganap ang diskriminasyon sa mga Asian, African,
Mexican, at iba pang kakaibang lahi dahil na rin sa mataas na pagtingin ng mga Amerikano sa
kanilang sariling lahi— bunga ng paghahambing sa rasismo (Ho, 2021). Sa kabilang banda, ang
pagkawalang-salin naman nito sa wikang Filipino ay ibinubunyag din ang maaaring hindi
pagkilala ng mga Filipino sa manipestasyon ng kaugaliang nakapaloob dito. Tunay ngang nasa
kultura na ng mga Pilipino ang pagiging “hospitable” o mainit na pagtanggap at likas na pagiging
pala-kaibigan sa mga bisitang banyaga o anumang lahi. Tila ang walang salin ng salitang
xenophobia ay sumisimbolo sa katotohanang naiintindihan natin ang pwesto ng mga banyagang
nakararanas nang nakalulungkot na diskriminasyon kaya’t kasalungat nito ang konseptong ating
nakagawian.

Bilang karagdagan, ang aking pagpili sa sumunod na salitang “vagabond” o ang isang
taong walang tirahan ay isang representasyon naman sa sitwasyong wala ng terminong maisalin
mula sa wikang pinanggalingan sapagkat sobrang laganap na sa lipunan ang katumbas na konsepto
nito. Sa katunayan, puwedeng maihalintulad ang vagabond sa kahulugan ng ‘pulubi’ ngunit

1
malayo ang konsepto nito kung tayo ay nasa America. Ang mga vagabond sa America ay
kumakatawan sa mga taong nagkakaroon naman ng trabaho ngunit sadyang pinili ang walang
permanenteng tirahan na pamumuhay. Madalas ang mga taong ito ay namamalagi sa kanilang mga
sasakyan o di kaya’y sa mga kwartong pang-renta lamang. Laganap at natural ang ganitong
pamumuhay sa America subalit sa ating bansa, kaagad na ating maaisip kapag sinabing walang
tirahan ay isa na itong ‘pulubi’ na tila namamalimos sa daan. Malinaw ang implikasyon nito sa
agwat ng pamumuhay ng mga laylayang mamamayan sa magkabilang bansa. Subalit
mabibigyang-diin din na hindi lantarang dumaranas nang matinding kahirapan ang lahat ng mga
mamamayang walang tirahan sa America sapagkat hindi nito laging katumbas ang tunay na taong
walang-wala. Bagaman dito sa bansa, nakagawian na natin ang ideyang ang mga taong walang
tirahan ay sumasalamin sa pagdaranas ng totoong kahirapan. Ang kawalan ng salin ng salitang
vagabond sa atin ay kumakatawan na masyado nang laganap ang kahirapan sa bansa kaya’t tila
parang imposible na ang pamumuhay ng isang vagabond.

Ang salitang “cybersecurity” naman ay masasabi rin na walang malinaw na salin sa


wikang Filipino. Simpleng kahulugan lamang nito ay ang proteksyon sa kahit anong hindi-
awtorisadong pananamantala ng mga impormasyon at sistemang teknolohikal. Malaki ang
kahalagahan ng cybersecurity maging sa kahit anong bansa sapagkat halos lahat ng mga
mahahalagang impormasyon ngayon ay isinasalin na sa mga software. Mababatid na
kinakailangan ang salitang ito sa wikang Ingles sapagkat laganap din sa America ang pagsasanay
sa teknolohiya at mga disiplina rito. Ang mga simpleng terminong pang-teknolohiya tulad ng
bluetooth, mouse, cache, at iba pa ay tunay rin na walang direktang salin sa wikang Filipino
sapagkat lubos na kumakatawan dito ang malaking kakulangan naman ng ating sariling bansa sa
teknolohiyang kaunlaran. Hindi man pang-huli, ngunit pang-limampu’t siyam (59th) pa lamang
ang Pilipinas sa antas ng teknolohiya at konekta mula sa pitumpu’t siyam (79 th) na mga bansang
kalahok. Kakaunti pa rin ang mga terminolohiyang teknolohikal sa wikang Filipino maaaring dahil
ito sa nakalulumbay na kawalang-bahala natin sa pagpapaunlad ng kabuuang konseptong ito.

Sa rami ng pagpipiliang mga salita, ang “xenophobia”, “vagabond”, at “cybersecurity”


ay hindi mapagkakailang ilan lamang sa mga konseptong nagpapahiwatig na hindi lamang payak
ang wikang ginagamit ng sinuman datapwa’t malalim ang mga pinagmulan at lalo pa’t
kahahantungan nito patungong kaunlaran.

2
TALASANGGUNIAN

D'Von Daily, R. (2020). Vagrants and Vagabonds: Poverty and Mobility in the Early American
Republic by Kristin O'Brassill-Kulfan. The Pennsylvania Magazine of History and
Biography, 144(2), 237-238. https://doi.org/10.1353/pmh.2020.0016

Eleazar-Dela Cruz J. (2021). PH ranks 59 out of 79 countries in the 2020 Global Connectivity
Index. GOVPH. https://dict.gov.ph/ictstatistics/ph-ranks-59-out-of-79-countries-in-the-
2020-global-connectivity-index/

Ho, J. (2021). Anti-Asian racism, Black Lives Matter, and COVID-19. Japan Forum, 33(1),148-
159. https://doi.org/10.1080/09555803.2020.1821749

O'Leary, K. (2010). Last refuge for the homeless: Living in the car. TIME.
http://content.time.com/time/nation/article/0,8599,1963454,00.html

Paz, C. J. (1985). Wika ng naghaharing-uri. Lungsod Quezon: UP Press.

Pison, G. (2019). Which countries have the most immigrants?. The Conversation, 1-6.

Quindoza-Santiago, L. (1998). Wika, Kasarian at Sekswalidad. Lungsod Quezon: UP Press.

Singh, I. (1999). Language, thought and representation. London & New York: Routledge.

World Population Review. (2022). Immigration by country 2022. World Population Review.
https://worldpopulationreview.com/country-rankings/immigration-by-country

You might also like