You are on page 1of 4

Tampok na Akda

Ang Singapore, kinikilálang isang “city-state,” ay isa sa mga pinakama-


uunlad at inobatibong bansa hindi lámang sa Timog-Silangang Asya,
tropikal na klima kundi maging sa buông mundo. Taglay nitó ang tropikal na klima at
klimang mainit multi-kultural na populasyon. Kilalá ang bansa sa pagiging maunlad
nito na nagsimula sa ilalim ng pamumunò ng ama nitong si Lee Kuan
Yew (1923-2015).
Dahil sa pagiging maunlad, maraming banyagang manggagawa ang
namamalagi sa Singapore. Kabílang dito ang mga gáling sa Malaysia,
Bangladesh, India, Tsina, Thailand, at Pilipinas. Karaniwang nahi-
hikayat magtrabaho ang mga manggagawa sa mga bansang mauunlad
sa hangaring kumita ng malaking halaga, gayundin ang pagkakataóng
mapaunlad ang kanilang mga karera. Bagama’t kumikíta nang malaki
ang mga dayuhang manggagawa, humaharap silá sa sari-saring
sakripisyo at hírap kabílang na ang mawalay sa kani-kanilang mga
mahal sa búhay.
Tunghayan natin ang isang maikling kuwentong iniakda ng isang
manunulat na Singaporean tungkol sa naging karanasan ng isang
dayuhang manggagawa sa kaniyang bansa.

Dalawang Araw sa Banyagang Lupa


Jonathan Tan Ghee Tiong
(Salin ni Aileen Joy Saul)

Sa kabila ng banta Isang napakainit na maghapon. Ang araw sa langit ay nagngingitngit


ng hírap, bakit
sa gálit. Pinapasò nito ang mga mata ni Zheng Nian habang pinag-
marami pa rin ang
naaakit mangibang- mamasdan ang isang karaniwang tanawin sa kaniyang ibabâ—daang
bansa upang táong nakasuot ng dilaw na helmet ang nakabunton sa isang tíla yungib
magtrabaho?
ng konstruksiyon. Nang dumaan sa kaniya ang nakaririmarim na paki-
ramdam, hindi maiwasan ni Zheng Nian na sumilip upang tingnan ang
banyagang lupain mulâ sa kaniyang kinalalagyan.

Alamin ang trivia


tungkol sa larawan.

8
Nakatalagang maglatag ng semento sa bubong, nagtataka si Zheng
Nian kung ang itinatayong gusaling may apatnapung palapag ay kasing-
init ng lugar na kaniyang kinalalagyan. Sa itaas ay ramdam ng kaniyang
mga paá ang bigat ng nakapapasòng init na pumapasok sa kaniyang
bóta. Sa pag-iisip na aksidenteng ihulog ang kaniyang sarili paibabâ,
pumulandit sa kaniyang balát ang malamig na páwis. Bahagya siyáng
umurong mulâ sa gilid ng ginagawang bubong. Patúloy pa rin ang
matinding síkat ng araw na galít na galít.
Maliban sa Nang siyá ay dumating sa Singapore dalawang araw na ang nakararaan,
pangungulila sa mga ang mamasâ-masâ, mabigat, at maalinsangang init ay bumulaga sa
mahal sa búhay,
ano pa ang mga kaniya. Hindi niya mawari ang pakiramdam na maluto sa init ng araw.
hámon na hinaharap Biglang nagbalik sa alaala ni Zheng Nian ang kaniyang bayan sa Hubei
ng isang dayuhang at ang karanasan ng paglalakad sa napakalamig na niyebe. Animo ay
manggagawa? Paano
ito dapat harapin? narinig ng kalikasan ang kaniyang diwa, may bahagyang mainit na
simoy ng hangin ang sa kaniya ay dumampi.
Bágo siyá lumapag ng Singapore, ang katawan niya ay balót ng
pátong-pátong na lana. Nakalaylay hanggang sa lupa ang haba, ang
Hubei mala-gatas na hanging puti ay bumubulag sa kaniyang paningin at
isang probinsiya ang bagsik ng lamig dulot ng tagginaw ay nanunuot sa kaniyang pusò.
sa China Napagtanto niyang ito ay kabaligtaran ng kaniyang kinalalagyan ngayon
napagtanto sa ibabaw ng bubong. Handa na si Zheng Nian na tanggalin ang puting
nalaman, naisip, kamisetang suot upang iwagayway ito sa ere bílang tanda ng pagsuko
o nahinuha sa nakamamatay na init ng araw.
Ang init mulâ sa kongkreto ay labis sa káyang tanggapin ng kani-
Paano naging yang katawan. Bágo siyá nawalan ng málay, bágo tumama ang kaniyang
isang panunuyâ tigang na katawan sa lupa, lumutang ang kaniyang gunita ukol sa bigat
ang naramdaman
ng kaniyang búhay sa bawat palapag ng itinatayong gusali. Hindi niya
ng tauhan?
Nakaramdam o mawari ang panunuya ng búhay—ang pag-asam ng pagiging buháy sa
nakaranas ka na gitna ng kamatayan.
rin ba ng ganito sa
búhay? Paano?

9
Ligtas na bansa ang Singapore. Nabanggit ito sa kaniya ng mga
kakilálang nauna nang nakapunta sa nasabing bansa. Mulâ sa kani-
yang nayon ay mabibílang na ang nakarating sa lungsod. Para sa mga
hindi mapalad na nakakuha ng trabaho, iniwan nilá ang nayon para sa
mas malaki at mayamang lungsod ng bansa—ang hiyas ng Pearl River
Delta—Shenzhen, Guangzhou, at iba pang lungsod sa baybayin. Gaya
ng mga nauna, nais niyang kunin ang pagkakataon bágo ito mawala sa
kaniya. Naramdaman niyang kailangan niyang umalis tulad ng iba upang
bumuô ng mas mabuting mundo para sa sarili at kaniyang pamilya.
Sa loob ng maikling tatlumpung minutong paglalakbay mulâ sa
paliparan patungó sa dormitoryo ng mga manggagawa, nilunod ni
Zheng Nian ang kaniyang sarili sa nakasisilaw na pag-asa ng isang kina-
bukasan na hindi sana maaabot kung siyá ay nagpaiwan sa kanilang
nayon. Magkagayumpaman, siyá ay nakaramdam ng kawalang-pag-asa.
Sa kaniyang pagtanaw sa malinis na kapaligiran at naglalakihang
mga gusaling napalilibutan ng mga punò, napagnilayan ni Zheng
Nian ang kabalintunaan ng kaniyang sitwasyon—naroroon siyá upang
magtayô ng mga gusali habang itinataguyod ang búhay para sa sarili at
pamilya habang ginigiba ang kaniyang presensiya sa sariling tahanan.
Siyá ay napaisip, ilan pa kayâ ang mga gusaling dapat niyang maitayô
upang siyá ay maging malaya? Bagama’t malamig ang van na kaniyang
sinasakyan, ang init na tumatagos sa loob nito ay hindi makayanan ng
kamalayan
pagkaalam o mga mata ni Zheng Nian. May singaw ng katotohanan ang pumasok
kaalaman sa sa kaniyang kamalayan na bunsod ng kaniyang mga naiisip. Pagód na
anoman siyá. Pagód sa pag-iisip ng mga bagay na kaniyang iniwan at sa mga
maaaring dumating pa sa hinaharap.
Sa mga hulíng oras bágo siyá nawalan ng malay sa ilalim ng matin-
ding sikat ng araw, sa kaniyang pakikibáka sa sarili upang hindi mahu-
log sa bingit ng kawalan, bigla niyang naisip kung ano ang kahihi-
natnan ng kaniyang anak sa paglaki nito. Siguro, magiging masayá
ito, magkakaroon ng makabuluhang trabaho, at makapag-aasawa sa
nakaririwasang bansang China. Magiging kamukha niya kayâ ito
o ng kaniyang ina? Tanda pa niya ang kaniyang mukhang punô ng
alinlangan at pangamba nang ibinalita niya sa asawa ang planong magtra-
baho sa Singapore. Huwag kang umalis, pagmamakaawa niya. Bata pa ako,
35 taóng gulang lang, may lakas pa upang makapangibang-bansa, tugon
niya. Nais ko ang isang mas mabuting búhay para sa inyo ng aking
anak. Pagkalipas ng dalawang taon, ako’y magbabalik. Ang ating anak
ay sasapit na sa kaniyang ikatlong taon at marahil sa panahong iyon
ay makapagsasalita na siyá ng “Papa.” Huwag kang mag-alala, walang
mangyayaring masamâ. Ligtas na bansa ang Singapore.

10
Sa iyong palagay, Sa kaniyang huling paghinga ng hanging punô ng alikabok at
makabubuti ba para semento, hindi kawalan para sa kaniya ang hindi makíta ang “lungsod
sa isang bansa ang
pagdami ng kaniyang ng hardin” na kaniyang pinuntahan. Hindi rin niya naitayô ang mga
mga mamamayang gusaling dapat ay kaniyang nagawa, maging ang pangako ng búkas na
nangingibang-bayan
kaniyang dapat ay panghahawakan. Mayroon siyáng hinaharap.
upang magtrabaho?
Bakit o bakit hindi?
Sanggunian: https://www.bananawriters.com/twodaysinaforeignland

Palalimin ang Pag-unawa


Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na mga tanong.
Ang ating
target 1. Paano pinaghambing ni Zheng Nian ang kaniyang bayang Hubei at
F9PB-Ia-b-39 ang Singapore?
Nabubuô ang
sariling paghatol 2. Ano ang nangyari kay Zheng Nian habang pinagmamasdan ang
o pagmamatwid kaniyang pinagtatrabahuhan? Bakit kayâ?
sa mga ideang
nakapaloob sa 3. Ano ang damdámin ni Zheng Nian bágo magtrabaho sa Singapore?
akda
Paano ito nagbágo noong mismong nasa Singapore na siyá?

4. Ano ang naisip ni Zheng Nian tungkol sa kinabukasan ng kaniyang


pamilya?

5. Ano ang kinahantungan ng mga pangyayari sa búhay ni Zheng Nian?

6. Ano-ano ang positibong dulot ng pagtatrabaho sa ibang bansa?


Ano-ano naman ang negatibong dulot nito? Ipaliwanag.

7. Ano kayâ ang mangyayari sa mauunlad na bansa tulad ng Singapore


kung walang mga taga-ibang bansa ang pupunta sa kanila upang
magtrabaho? Mananatili kayâ siláng maunlad? Bakit o bakit hindi?

8. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa Pilipinas kung lahat ng mga Pili-


pinong nagtatrabaho sa ibang bansa ay sabay-sabay na uuwi? Mag-
bigay ng mga tiyak na sitwasyon o esenaryo.

9. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, nais mo rin bang mangibang-


bansa upang magtrabaho? Bakit o bakit hindi?

10. Sa iyong palagay, may katotohanan ba ang nilalaman ng akda batay


sa mga pangyayari sa kasalukuyan sa ating lipunan? Patunayan.

11

You might also like