You are on page 1of 8

Tampok na Akda

Kilalá ang Thailand sa kanilang Lakon Jatri na isang anyo ng dulâ. Sa


wikang Thai, ang “Lakon” ay nangangahulugang “drama” samantálang
ang “jatri” ay may kaugnayan sa di-pangkaraniwang kapangyarihan.
Isa sa mga sikát na dulâng itinatanghal sa Thailand ang Manohra na
inilalarawan bílang isang prinsesang kinnaree na may anyong kala-
hating ibon, kalahating tao. Ang pigura niya sa mitolohiyang Thai ang
pinakakilaláng kinnaree. Siyá ay inibig ng prinsipeng nagngangalang
Suton. Tunghayan ang kamangha-manghang kuwento ng pag-iibigan
ng isang diyos at isang mortal at kung paano nilá hinarap ang mga
pagsubok sa kanilang relasyon. Tampok sa aralin ang ikalimang yugto
ng dulâ.

Manohra (Ikalimang Yugto)


Dulâng Lakon Jatri
(Salin ni Aileen Joy Saul)

Mga Tauhan
MANOHRA, babaeng ibon
SUTON, prinsipe ng Pancala
BUN, manggugubat
PUROHIT, tagapayo ng Haring Adhitavongse
CHAIYUT, kaibigan ni Prinsipe Suton
HARING ADHITAVONGSE, ama ni Prinsipe Suton
REYNA CHAN-DEVI, ina ni Prinsipe Suton
HARING TUMARAJA, ama ni Prinsesa Manohra
REYNA CHANKINNAREE, ina ni Prinsesa Manohra
ANIM NA KINNAREE, mga kapatid ni Manohra
MGA ALIPIN
GUWARDIYA AT SUNDALO

95
Unang Eksena
(Ang eksena ay nasa paanan ng bundok ng Krailas. Pagbukás ng mga
ilaw, makikítang natutulog si Suton sa isang upuan na nakalagay sa
kanan ng entablado. May mga telang nakalatag upang magsilbing ilog
kung saan nag-iigib ng tubig ang mga alipin. Papások sa entablado ang
pitóng babaeng alipin na nakapangkat nang dalawa at tatlo. Silá ay
nag-uusap habang paikot-ikot na naglalakad sa tíla makipot na daan.)

Unang Alipin:  Ngayon ang hulíng araw ng seremonya, tama ba


mga kasáma?
Ikalawang Alipin:  Tama! Nakapapanabik, hindi ba?
Ikatlong Alipin:  O, masayá ako para sa kaniya.
Unang Alipin:  Napakatagal nang panahon! Isipin mo. Minaman-
manan ka ng palasyo sa loob ng pitóng taon, pitóng buwan, at pitóng
araw! Hindi ko yata kakayanin iyon!

(Ang unang tatlong alipin ay nakaluhod sa harap ng ilog.)

Ikalawang Alipin:  Iyan ay sa kadahilanang alam mong may naghi-


hintay sa iyo sa iyong tahanan.
Ikatlong Alipin:  Ngunit napapansin mo ba ang mga pagkakataong
tumitingin sa malayo ang prinsesa? Sa tuwing nangyayari iyon,
siyá ay umiiyak.
Ikaapat Na Alipin:  (Nakaluhod sa may ilog) Oo. Minsan nga ako ay
tumugtog ng musika para sa mga táong tagalupa, walang tigil sa
pag-iyak ang prinsesa.
Ikalimang Tauhan:  Sssssh! Hindi mo ba alam na pinakasalan ng prins-
esa ang isang mortal? Dinig ko ay isa siyáng prinsipe.
Ikapitong Alipin:  (Nakaluhod) Ang seremonyang ito ng pagpapadalisay
Paano ka
makatitiyak na ang
ay upang mawala sa kaniya ang mortal na iyon.
pag-ibig ay magiging Unang Alipin:  Alam nating lahat na ito ay isang kahangalan.
panghabambúhay? IKAANIM NA ALIPIN:  Táyo na, mga kasáma. Nag-aaksaya táyo ng
Ano kayâ ang
sekreto ng relasyong oras. Naghihintay ang prinsesa. Matagal na siyáng naghihintay.
pangmatagalan? Magmadali na táyo.

(Sinimulan niláng punan ang kanilang mga daláng sisidlan.)

Ikapitong Alipin:  Alam ninyo, sa palagay ko, nais ng prinsesang


magbalik sa mundo ng mga tagalupa. Tingin ko ay labis na minama-
hal ng prinsesa ang prinsipe.

96
IKATLONG ALIPIN:  Pagbawalan ang kaisipang iyan. Pagbabalik muli
sa lugar na iyon! Tíla wala ka sa iyong tamang kaisipan!
IKAPITONG ALIPIN:  Kung sabagay, naisip ko lámang naman iyon. Ang
mahal na prinsesa ay tiyak na matutuwa kung siyá ay naririto. At
sakâ, ang makíta ang mahal na hari at reyna sa unang pagkakataon
magmulâ sa malagim na araw na iyon ay makapagpapasayá sa kaniya.
UNANG ALIPIN:  Walang mortal ang kailanman ay makararating sa
Krailas. Imposibleng mangyari iyon.
IKALAWANG ALIPIN:  Paanong ang isang mortal ay makatatawid sa
isang gubat na napakahirap pasukin? Wala siláng mga pakpak.
IKATLONG ALIPIN:  Bakit hindi mo siyá puntahan at tulungan?
LAHAT NG ALIPIN:  Alam namin. Nais din naming gawin iyon.
UNANG ALIPIN:  Táyo na. Hindi natin dapat pinaghihintay ang lahat.

(Lahat ay nagmamadaling umalis maliban sa hulíng alipin. Siyá ay


nadapa at natapon ang lahat ng laman ng kaniyang sisidlan.)

IKAPITONG ALIPIN:  Ayos lang. Matapos kong mag-igib ng tubig sa


loob ng pitóng taon, pitóng buwan, at pitóng araw, káya ko muling
gawin ito. (Bumalik siya sa ilog matapos tingnan kung may mga
kasamahang alipin ang nakakakíta sa kaniya). Pagkatapos ng araw
na ito, ang prinsesa ay matatapos na rin sa seremonya ng pagda-
lisay sa kaniya. Hiling ko na sana ay matagpuan ng prinsesa ang
kaniyang kaligayahan.
SUTON:  (Narining niya ang sinabi ng alipin at ikinatuwa niya ito.)
Ang seremonya ng pagdalisay ni Manohra. Ito na siguro ang Krailas!
Purihin ang mga diyos! Dapat kong ipaalam kay Manohra na ako ay
naririto ngunit paano ko ito gagawin? (Pinigilan niya ang alipin sa
gitna ng entablado). Munting binibini, maaari ka bang makausap
pansumandali?
IKAPITONG ALIPIN:  (Labis na natatákot) Ano ang iyong nais?
SUTON: Huwag kang mag-alala, hindi kitá sasaktan. Bakit ka may
bitbit na tubig?
IKAPITONG ALIPIN:  Hindi mo ba alam? Ito ay para sa pagpapadalisay
kay Prinsesa Manohra na nagbalik mulâ sa mundo ng mga mortal.
SUTON:  Si Manohra! Sa wakas!
IKAPITONG ALIPIN:  Ngayon ang hulíng araw ng kaniyang seremonya.
SUTON:  Maaari ba kitáng tulungang dalhin ang sisidlang iyan?
Mukhang mabigat iyan.
IKAPITONG ALIPIN:  Maraming salamat, mabait na ginoo. Ikaw ba ay
nagmulâ sa isang kaharian dito sa Krailas?
SUTON: Hindi sa ganoon.

97
IKAPITONG ALIPIN:  (Nag-iisip) Mukha siyáng isa sa mga mortal. Nag-
tataka ako kung... (kausap si Suton) Alam mo ba ang isang siyudad
na tinatawag na Pancala?
SUTON: Siguro.
IKAPITONG ALIPIN:  (Sinusubok si Suton) Narinig ko na ang Prinsipe
Suton ay napakaguwapong lalaki ngunit masamâ ang ugali.
SUTON:  O, bakit naman?
IKAPITONG ALIPIN:  Iniwan niya si Prinsesa Manohra upang mama-
tay sapagkat nais niyang pakasalan ang ibang babae. Ayaw kong
makasal sa isang lalaking tulad niya, ikaw ba?
SUTON:  Ayaw iwanan ng prinsipe ang prinsesa upang mamatay, aking
kaibigan. Nagtungó siyá sa digmaan upang sagipin ang kaniyang
taumbayan. Sigurado, hindi niya intensiyon na patayin ang prinsesa
at magpakasal sa iba dahil mahal na mahal niya ito.
IKAPITONG ALIPIN:  (Bahagyang sumisigaw) Kung gayon, kung mahal
niya ang Prinsesa, sinundan niya ang kamahalan sapagkat iniibig
din ito nang lubos ng mahal na prinsesa.
SUTON:  (Pamilyar na tingin sa alipin) Marahil ay sinundan nga niya ito.
IKAPITONG ALIPIN:  Naku, dapat na akong magmadali; siguradong
naghihintay na sa akin ang prinsesa para magsimula na ang sere-
monya. Maraming salamat sa iyong tulong (lalabas ng entablado).
SUTON:  Kung kagustuhan ng Diyos na kami ay magkasámang muli,
hayaang ang singsing na ito ang magsilbing simbolo ng aming
walang hanggang pagmamahalan. Harinawang kaawaan kami ng
mga diyos. (Siyá ay masayáng sumasayaw patúngo sa daan kay
Manohra). Manohra, ako’y naririto. Manohra, kung mabibigyan
lámang ako ng pagkakataong masilayan ang iyong mukha! Matagal
nang panahon ang lumipas. Ngunit hindi na magtatagal. Tanaw ko
na ang katapusan.

(Lalabas sa kaliwa ng entablado si Suton.)

Ikalawang Eksena
(Makikíta sa tagpuan ang trono sa Palasyo ng Suvannakorn sa Bundok
Krailas. Ang trono ay nasa gitna at napalilibutan ng telang kulay pilak
at ginto. May anim na Kinnaree, mga kapatid ni Manohra, ang nakaupo
sa isang mahabang silya sa bandang kanan. Ang mga alipin ay nakaupo
sa sahig sa bandang kaliwa. Si Haring Tumaraja ay tumayô mulâ sa
kaniyang trono upang kausapin ang kaniyang Reyna Chankinnaree.
Ang unang bahagi ng eksena ay magbubukás sa paraang patulâ na
tíla ito rin ay bahagi ng ritwal ng pagdalisay.)

98
HARI:  Aking mahal, matagal nang panahon ang lumipas mulâ nang
magbalik ang ating anak mulâ sa mundo ng mga mortal. Hindi pa
ba natatapos ang seremonya ng pagdalisay? Sa aking pagkakatanda
ay nararapat na ito ay matapos na.
REYNA:  Ako’y nagulat, Tumaraja, na hindi mo maalala ang araw na
nagbalik ang ating anak sa ating tahanan.
IKALAWANG PRINSESA:  Sa palagay ko ay ngayon, tama ba?
UNANG PRINSESA:  Wala sa inyo ang makaalala. Ako, tanda ko.
IKALAWANG PRINSESA:  Sabihin mo sa amin!
IKATLONG PRINSESA:  Pitóng taon, pitóng buwan, at pitóng araw na
ang nakalipas magmulâ noong bumalik ang ating Prinsesa. Ngayon
ang araw na siyá ay nagbalik sa ating siyudad.

(Makikítang nakabungisngis ang mga prinsesa.)

IKALAWANG PRINSESA:  Iyan ang sinabi ko, hangal!


IKATLONG PRINSESA:  Hindi mo sinabi iyon.
IKALAWANG PRINSESA:  Ako rin.
IKAAPAT NA PRINSESA:  Hindi niya sinabi iyon.
REYNA:  (Anyong seryoso) Huwag kayong magtálo, mga anak. Kung
hindi, kukunin kong muli ang inyong mga pakpak. (Si Manohra ay
nasa bandang ibabâ kasáma ang isang alipin. Lumapit ang reyna
upang siyá ay aliwin at sumunod ang hari). Tingnan ninyo, naro-
roon si Manohra ngayon. Ang ganda-ganda niya.
HARI:  Pumarito ka, aking munting kinnaree. Ayan, huwag ka nang
umiyak. Tuyuin mo na ang iyong mga luha. Narito na ang iyong ama.
REYNA:  Narito rin ako, aking mahal. Kumusta ka, Manohra?
HARI:  (Patúloy sa pagriritwal) Manohra, sabihin mo sa akin kung saan
at ano ang nangyari matapos kang makíta ng manggugubat na may
Naga hawak na Naga.
sa tradisyonal REYNA:  Nakikiusap kami, Manohra. Sabihin mo na.
na paniniwala ng
iláng mga bansa (Nagbalik ang tatlo sa trono at naupo.)
sa Asya, ito ay
isang nilalang
MANOHRA:  Nang mahúli ako ng Naga, halos mamatay ako sa tákot.
na nahahawig
sa isang Lalo na nang makíta kong lumilipad palayô ang aking mga kapatid.
serpiyente na may Mas tumindi ang aking tákot.
di-pangkaraniwang HARI:  Pagkatapos nito ay pinakasalan mo ang mortal?
kapangyarihan REYNA:  Isang prinsipe, Tumaraja. Guwapo ba siyá?
IKALAWANG PRINSESA: Sabihin mo; nais naming malaman!
UNANG PRINSESA:  Mukhang kapana-panabik. Siguro ay mabibihag
din ako!

99
LAHAT: Ssssssh!
MANOHRA:  (Nagtatago ng isang lihim) Prinsipe Suton ang kaniyang
ngalan.
REYNA:  Prinsipe Suton! Kaygandang pangalan!
HARI:  (May gálit) Kahanga-hangang asawa marahil si Suton! Kung
mahal ka niya gaya ng sinabi mo, bakit kinailangan mong tumakas?
Siguro sinabi niyang gawin mo iyon!
REYNA:  Manohra, aking mahal, bakit ka umalis?
LAHAT:  Oo nga, ipagtapat mo!
MANOHRA:  Alam ninyo, si Purohit ang nais pumatay sa akin. Napa-
kasamâ niyang tao.
IKALAWANG PRINSESA:  Mukha nga siyáng masamâ. Ayaw ko siyáng
makilála.
REYNA:  Kaawa-awa ka naman. Tumaraja, wala ba táyong maaaring
gawin sa demonyong táong iyon?
HARI:  Isinisisi natin ang lahat dito kay Purohit! Manohra, isa kang
hangal mulâ noon pa. Hindi mo ba alam na itong prinsipe mo ang
nagtangkang pumatay sa iyo? Ha! Ang prinsipeng iyon ay katulad
lang ng sangkatauhan. Magnanakaw at mapanlinlang. Tigilan mo
na ang pag-iisip sa mga... hayop.
Ilarawan ang hari MANOHRA:  Ngunit, Ama, si Suton ay hindi katulad ng iba. Walang
bílang isang ama
sinoman ang nagsasabi ng masamâ laban sa kaniya maliban kay
at ang reyna bílang
isang ina kay Purohit. Mahal siyá ng lahat.
Manohra. Nakikíta HARI:  Tigilan mo ang pagpuri sa halaga ng iyong asawa. Ayaw ko
mo ba ang iyong
mga magulang sa
nang marinig ang anoman. Kung mabuti ang iyong prinsipe gaya
kanila? Paano? ng iyong nabanggit, dapat siyá ay patungó na sa Krailas.
REYNA:  Tumaraja, hindi mo ba nakikítang siyá ay umiiyak? Pakiusap,
mahal, tigilan mo na ang pagbibigay ng lungkot sa kaniya. Ito ang
araw para magsayá. Ang kaniyang pagbabalik ay nararapat maging
isang masayáng okasyon.
HARI:  Sige. Pero kung ang Prinsipeng ito ay ang táong iniisip ninyong
taglay ang mga katangiang nabanggit, pupunta siyá rito sa Krailas
upang sunduin ka. Kung gayon, ako na ang magkakasal sa inyong
dalawa.
MANOHRA:  (Tuwang-tuwa sa narinig) Ama, maaari mo bang ulitin
ang iyong sinabi?
HARI:  Kung mahal ka niyang talaga, kung siyá ay matapang, magagawa
niyang sundan ka rito sa ating siyudad.
MANOHRA:  At paano kung nagawa niyang sundan ako, Kamahalan?
LAHAT NG PRINSESA:  Kami ay hindi naniniwala.
UNANG PRINSESA:  Wala pang tao ang nakaabot sa Krailas.

100
IKALAWANG PRINSESA:  Paano niya malulusutan ang lahat ng
pagsubok? Tama ba ako, aking mga kapatid? (Sabay-sabay siláng
tumango.)
Ano ang halaga ng HARI:  Kapag siyá ay dumating, ibibigay ko ang pinakamagandang
pagtupad sa isang
kasalan na magaganap dito sa Krailas.
pangako? Mayroon
ka na bang pangako MANOHRA:  (Masayáng-masayá) Pangako, Ama?
na nabigyang HARI: Pangako!
katuparan mo na?
Ano ito at paano?
REYNA:  Sisiguraduhin kong tutuparin niya ito, Manohra.
MANOHRA:  Nagtiyaga si Prinsipe Suton at sinundan niya ako hang-
gang sa Suvannakorn. Sa oras na ito, siyá ay naghihintay na sa labas
ng palasyo.
HARI:  Ganoon ba? Hindi ako naniniwala.
MANOHRA:  Kung hindi ito totoo, Ama, habambúhay kong pagbaba-
yaran ang aking pagkakasála.
HARI:  (Di makapaniwala) Kung gayon, dalhin siyá rito.
MANOHRA:  Tumungó kayo sa pavilion at papuntahin dito ang prin-
sipe. Magmadali kayo!

(Nagtakbuhan ang mga alipin papunta sa kaliwa.)

HARI:  Isa itong kalokohan! Walang tao ang nakatutuntong sa Krailas!


Imposible ito! (Pumasok si Suton kasáma ang isang alipin. Naging
tuliro ang hari). Ikaw ba ang prinsipeng nagngangalang Suton?
SUTON:  Ako nga po kamahalan. (Lumapit sa trono si Suton, lumuhod
Wai at yumuko, ang mga kamay ay nasa posisyong wai). Isang karan-
isang paraan ng galan ang magbigay-pugay at paggalang sa inyo, mga Kamahalan.
pagbatì ng mga
REYNA:  Hindi ba kalugod-lugod ang kaniyang ginawa? Maganda ang
taga-Thailand na
magkadikit ang
kaniyang ugali at guwapo pa.
kanilang mga
palad malapit (Nagbungisngisan ang mga kapatid ni Manohra at silá ay sumang-ayon
sa dibdib at sa sinabi ng reyna.)
yumuyukô ang ulo
sa direksiyon ng HARI: Mahal! Maghinay-hinay ka lang. Bakâ sabihin ay nasasabik ka
hintuturo
nang magkaroon ng manugang na lalaki! Prinsipe Suton, ano ang
binatá iyong layunin sa pagpunta sa Krailas? Marahil ay napakahalaga
tiniis nitó upang ikaw ay maglakbay nang napakalayò.
SUTON:  Batid na siguro ng inyong kamahalan mulâ kay Prinsesa
Manohra na matapos ang pagkabihag sa kaniya, siyá ay aking naging
asawa. Nang iniwan ni Manohra ang Pancala, hindi ko kinaya ang
kaniyang pagkawala. Dahil sa pagmamahal ko sa kaniya, binatá ko
ang hírap ng Kagubatan ng Himmaphan upang hanapin siyá.

101
HARI:  Kung mahal mo ang aking anak, Prinsipe Suton, bakit kinai-
langan niyang tumakas para sa kaniyang búhay?
Bakit mahalagang SUTON: Nalinlang ako na iwan ang siyudad upang pumunta sa isang
kilalanin muna digmaan. Pagbalik ko, nakatakas na si Manohra mulâ sa seremonya
ang isang tao bágo
makipagrelasyon ng apoy. Naghanda ako agad patúngo sa Krailas. Sinuong ko lahat
sa kaniya? Paano ng pagsubok sa loob ng pitóng taon, pitóng buwan, at pitóng araw
ito magagawa nang upang makarating ngayong umaga.
tama?
HARI:  Narito ang aking mga anak. Tukuyin mo si Manohra. Kapag
nagawa mo ito ay ibibigay ko sa iyo ang kaniyang kamay. Dahil
ikaw ang kaniyang asawa, nararapat na siyá ay makilála mo ba-
gama’t pitóng taon na ang lumipas. Upang mapatotohanan ang iyong
sinabi, kailangan mong pumasá sa pagsubok.
SUTON:  Susubukin ko, aking Kamahalan.
HARI:  Sa palagay mo ay makikilála mo ang iyong asawa?
SUTON:  Magiging mahirap ito, Kamahalan, ngunit susubukin ko ang
aking makakáya, kalakip ng aking alaala at pagmamahal. (Naglakad
paluhod si Suton sa may trono, sang-ayon sa kaugaliang Thai.
Tumayô si Suton sa harapan ng mga Kinnaree.)
HARI:  Mga Anak, magsitayô kayo at hayaang hanapin ng prinsipe si
Manohra mulâ sa inyo. (Pinalibutan ng pitóng Kinnaree si Prinsipe
Suton. Isinayaw niya ang bawat isa. Sa wakas, nang isinayaw niya
si Manohra, nakilála niya agad ito. Perpekto ang galaw nilá sa isa’t
isa. Ikinagalak ito ng hari.) Maghari nawa ang ligaya! Mga Kinnaree,
ating ipagdiwang ang pagsasámang muli ng Prinsesa Manohra at
Prinsipe Suton.

(Unti-unti ay nakisali ang ibang tauhan sa masayáng mag-asawa sa


kanilang pagsasayaw. Maging si Purohit ay nakisali. Ang tunog mulâ
piphat sa piphat ay sinasaliwan ang kanilang galaw tungó sa kasiyahan ng
isang kabuoang búhay. Luluhod ang mga babae at sasayaw ang mga lalaki. Lahat ay
instrumentong titigil sa pagkilos habang nagsasara ang tábing ng entablado.)
pangmusika na
kinabibilangan Sipi mulâ sa Manohra Thailand
ng mga Mulâ sa: https://sirmikko.files.wordpress.com/2011/10/manohra.doc
instrumentong
hinihipan at
pinapalo

102

You might also like