You are on page 1of 4

Tampok na Akda

Ang China ang pangatlong pinakamalaking bansa sa mundo na may


súkat na 9.6 milyong kilometro parisukat. Ito rin ang may pinakamala-
king populasyon na nasa 1.4 bilyong katao ayon sa datos ng World
Bank noong 2017. Nasa Hilagang-Kanluran ito ng ating bansa, pagtawid
sa West Philippine Sea, na tinatawag naman niláng South China Sea.
Isa ang China sa pinakamatatandang sibilisasyon sa Silangang Asya
na ayon sa World Factbook ng Central Intelligence Agency (CIA) ay
nag-ugat pa noong 1200 BCE. Iláng milenyong napasailalim ang China
sa mga emperador na nagsimula kay Qin Shi Huang na nagtatag ng
Dinastiyang Qin noong 221 BCE na nagtagal hanggang 206 BCE. Ang
hulíng emperador ng China ay si Henry Puyi ng Dinastiyang Quing
na namunò hanggang noong 1912. Mulâ 1949, pinamumunuan ang
China ng Communist Party of China, ang pangkat ni Mao Zedong na
matagumpay na nakapagpabagsak sa gobyerno na pinamumunuan
naman ng Kuomintang o Chinese Nationalist Party ni Chang Kai-shek.
Bukod sa mainland China, bahagi rin nito ang Hong Kong at Macau
na itinuturing na mga espesyal na rehiyong administratibo. Isa ngayon
sa mga nangungunang ekonomiya sa mundo na nakikipagtagisan sa
Estados Unidos, hindi matatawaran ang impluwensiyang kultural,
ekonomiko, at politikal ng China sa mundo.

Ang Susô at Ang mga Bubuyog


Isang Pabulang Tsino
(Salin ni Alvin Ringgo C. Reyes)

Kung ikaw ang inang Isang araw, dumaan sa bahay ng susô ang hari ng mga bubuyog at ang
susô, paano mo
kakausapin ang mga
kaniyang mga tagasunod. "Ang iingay nilá!" saway ng inang susô, “Hoy!
bubuyog? Bakit? May labing-anim akong anak na natutulog sa dahon. Kailangang kom-
pleto ang tulog nilá sa loob ng labinlimang araw bago silá makalakad.
Siguradong magigising silá sa ingay ninyo. Kayó ang pinakamaiingay
na insektong dumadaan sa bahay ko. Paano makatutulog ang mga anak
nektar ko? Kahapon, iyang pamilya mo at isang pulutong ng mga hibang mong
matamis na katas tagasunod ang dumaan sa bahay ko. Ang iingay! Ngayon, nandito na
ng halaman na naman kayó? Kapag lang talaga namatayan ako ng isang anak, susugu-
tinitipon ng mga
rin ko ang bahay ninyo at wawasakin. Wala na kayóng matitirhan.
bubuyog upang
makagawa ng Alam n’yo bang sa akin ang punòng ito? Itinanim ito ng amo ko may
pulut-pukyutan dalawampung taon na ang nakararaan para makain ko at ng mga anak
o honey ko ang mga prutas nito. Taon-taon, kapag namumulaklak na ang mga
prutas ng punò ko, darating dito ang mga tao mo at kukunin ang nektar

155
sa mga bulaklak. Aba, hindi n’yo lang ako ninanakawan, iniistorbo
n’yo pa kami sa ingay ninyo. Kapag hindi kayó nagsilayas, tatawagin
ko ang amo ko at ang mga kapuwa ko susô.”
Kung ikaw naman Sumagot ang Haring Bubuyog, “Wala kang amo sa mundong ito.
ang Haring Bubuyog, Gáling ka lang sa alikabok. Lahat ng ninuno mo’y namatay sa kakahuyan
paano mo sasagutin
ang galít na inang at wala man lang may pakialam dahil wala naman kayóng pakinabang.
susô? Bakit? Mahal kami ng mga tao at nananaba silá sa pulut-pukyutan namin na
mas mainam pa kaysa sa gamot. Naninirahan sa iba’t ibang panig ng
mundo ang mga kapuwa ko bubuyog. Gusto kami ng lahat ng tao at
pinakakain kami ng mga bulaklak. Mas marunong pa ba kayó sa tao?”
Naniniwala ka bang Dagdag pa niya, “Isang araw, may batàng tinangkang sirain ang
may bahagi ng
bahay namin. Pero sinaway siyá ng nanay niya, ‘Gambalain mo na
kalikásan na walang
kapakinabangan? ang lahat, huwag lang ang mga bubuyog. Nagpapagód silá buong araw
Bakit o bakit hindi? para mabigyan tayo ng pulut-pukyutan. Kapag pinatay mo ang inang-
bubuyog, aalis ang lahat ng anak niya at wala táyong pulut-pukyutan
na maipampapalaman sa tinapay sa taglamig.’ Sumunod naman ang
batà. Puwede siyáng manghúli ng mga ibon at isda, sumira ng mga
pulut-pukyutan bulaklak, gawin ang anomang maibigan niya liban sa gambalain kaming
malapot at mga bubuyog dahil malaki ang pakinabang namin. Pero kayó, kayóng
matamis na makukupad na insekto, wala kayóng kapakinabangan.”
likido, nililikha ng
Nainsulto ang susô. Pumasok siyá sa kanilang tahanan at nagsabi sa
bubuyog mulâ sa
nektar ng bulaklak, kaniyang mga pamilya, “Kaaway natin ang mga bubuyog. Sa loob ng
ginagamit labinlimang araw, lima sa inyo ang kailangang magpunta sa kanilang
bílang pagkain bahay at sirain ito.”
o pampatamis; Kumilos nga ang mga anak ng susô. Ngunit nang makarating silá
honey sa lungga ng mga bubuyog, walang sinoman ang naroroon. Sabi nilá,
“Mainam naman nang makain namin ang pulut-pukyutan nilá.”
Kumain nga silá nang kumain ng pulut-pukyutan hanggang lumubog
ang araw. Umuwi ang Haring Bubuyog at ang kaniyang mga kasamahan
na masayáng nag-aawitan, nagtutugtugan, at nagsasayawan.
Nang makíta ng Haring Bubuyog ang limang susô sa kaniyang
tahanan, nagwika siyá, “Mga kaibigan, hindi ito ang bahay ninyo at
hindi ninyo iyan pagkain. Bakit kayo nandito at inuubos ang pagkain
namin? Pero gabí na nga naman. Sige, puwede kayong magpahinga
rito basta hindi ninyo sasaktan ang aming mga anak.”
Naranasan mo na Tumawa lang ang matabang susô. Sagot niya, “Ang sarap ng
rin bang abusuhin pulut-pukyutan ninyo. Dito na kami títira ng pamilya ko. Hindi kami
ng iba ang iyong
kabutihan? Paano? matutulog dito ng isa o dalawang gabí lámang kundi panghabambúhay
Paano mo ito na, at magpapakabusog kami sa pagkain ninyo hangga’t gusto namin.”
tinugunan?
Sabi ng Haring Bubuyog, “Papayagan ko kayóng matulog dito nang
isang gabí lang. Hindi kayó puwedeng manirahan sa tahanan ko. Hindi
naman kayo nakatutulong. Sa totoo lang, natatákot akong payagan

156
kayóng manatili rito kahit isang gabí lang. Baka maubos ang lahat ng
pagkain namin at mamatay ang mga anak namin habang nahihimbing
kami ngayong gabí.”
Sinabihan ng Haring Bubuyog ang matatanda at marurunong na
bubuyog, “Huwag kayóng matutulog. Hindi natin mapagkakatiwalaan
ang mga susô.”
Kinabukasan, nag-ulat ang marurunong na bubuyog, “Kamahalan,
tatlumpu’t limang sanggol na bubuyog ang namatay kagabi. Gumala
ang mga susô sa buông lungga natin at nilason silá. Nahaluan din ng
kanilang laway ang ating pulut-pukyutan at nababahala kami na kahit
tao’y mamamatay kapag kinain ito. Kailangan na natin siláng paalisin,
Mahal na Hari.”
“Hulíng isang araw. Kapag hindi pa silá umalis, kikilos na táyo,”
sagot ng Haring Bubuyog.
Hinarap ng Haring Bubuyog ang mga susô at sinabihan, “Mga
kaibigan, ang lulusog na ninyo. Alam ko, masayá kayó rito at naibigan
ninyo ang aming pagkain, ngunit bakit ninyo pinapatay ang aking mga
kapuwa bubuyog at hinahaluan ng lason ang aming pulut-pukyutan?
Palagay ko, alam ko na ang sagot. Kayó ay mga kalaban! Natatandaan
ko na ngayon na may nakaalitan akong inang susô na nagálit sa akin
at sa mga kapuwa ko bubuyog. Palagay ko, mga anak niya kayó. Ano’t
anoman, sinasabi ko na sa inyong mga susô na kapag hindi kayó lumisan
búkas nang tanghali, dito na matatapos ang búhay ninyo.”
“Gawin ninyo ang gusto ninyo,” sagot ng susô, “Pero hindi kami
aalis. Malalaya kaming nilalang. Pupunta kami kung saan namin gustong
pumunta, kakainin namin kung ano ang gusto naming kainin. Gaya
ngayon, gusto naming kumain ng pulut-pukyutan. Kakainin namin
ang lahat ng pulut-pukyutan ninyo kung gusto namin. Walang takdang
panahon ang pananatili namin dito at hihintayin namin kung may
magagawa ba kayó.”
Kítang-kíta sa mukha ng Haring Bubuyog ang matinding gálit. Sina-
bihan niya ang kaniyang mga sundalo na magtipon-tipon at maghanda
sa giyera. Ang unang utos, “Ihanda ninyo ang inyong pamahid hanggang
tanghali!” Ang ikalawang utos, “Patalasin ang inyong mga espada at
maghanda!”
Isang dakilang hukbo ng libo-libong bubuyog na may matutulis
na panusok ang inatasang makidigma at pumatay gámit ang kanilang
lason kung kailangan.
Natakot ang mga susô sa ingay na nilikha ng mga mandirigma at
nagtago sa kanilang mga bahay. Inutusan ng hari ang mga bubuyog na
agad magdalá ng kanilang pamahid. Habang natatákot ang mga susô sa
umaalingawngaw na ingay na mga mandirigmang bubuyog na handang

157
makipaglaban, may mga bubuyog ding nilagyan ng pamahid ang bahay
ng mga susô. Napunô ng pamahid ang kanilang bahay na naging dahilan
upang hindi na silá makakilos o makahinga sa loob.
Bakit hindi dapat “Noong una, akala ko, kayó’y mga kaibigan, at inalok ko kayó ng
maging makasarili? matutulugan at lahat ng pulut-pukyutan na káya ninyong ubusin.
Bakit dapat kilálanin
ang limitasyon ng Ngunit inisip ninyong ang mundo ay nilikha lang ng Maykapal para
sarili? sa inyo at hindi sa iba pang nilalang. Kung ganyan ang ugali ninyo,
paano na lang kapag naging sinlaki kayó ng ibon o ng iba pang hayop,
bakâ wala nang mapaglagyan ang iba pang nilalang. Tinotoo ninyo ang
sinabi ninyong hindi na kayó aalis. Sa ngayon, karapat-dapat kayóng
mamatay,” sabi ng hari ng mga bubuyog.
Isinama ni Haring Bubuyog ang lahat ng kaniyang kapuwa bubuyog
sa bagong tahanan. Iniwan niya ang mga susô para mamatay.
Isang araw, nang akmang kukuha ang táong nagmamay-ari ng bahay
ng pulut-pukyutan, nakíta niya ang abandonadong bahay ng mga
bubuyog at ang limang patay na susô. Nasabi na lang niya, “May lason
na ang bahay na ito ng bubuyog at ang lahat ng pulut-pukyutan rito.
Kailangan itong linisin.”
Sáma-sámang ibinaon sa lupa ang limang patay na susô at ang
pulut-pukyutan na may lason. Patúloy namang nabúhay ang mga
bubuyog, naging masayá, at naging kapaki-pakinabang.

Sanggunian: Davis, M.H. at Chow-Leung. (2019). Chinese Fables and Folk Stories.
New York: American Book Company.

Palalimin ang Pag-unawa


A. Palalimin ang pag-unawa sa nabásang pabula sa pagsagot ng
sumusunod na tanong.

1. Bakit nagálit ang inang susô sa mga bubuyog? Paano niya pinagsa-
bihan ang maiingay na insekto?

2. Paano sinagot ng haring bubuyog ang pagsaway sa kanila ng inang


susô? Paano niya pinaghambing ang mga bubuyog at mga susô?

3. Sa iyong palagay, sino sa dalawa ang nasa katwiran? Bakit?

4. Paano nagbálak ng paghihiganti ang inang susô? Paano ito isi-


nakatuparan ng kaniyang mga anak?

5. Paano tinanggap ng haring bubuyog ang di nilá inaasahang mga


bisita? Kung ikaw ang nasa katayuan niya, papayagan mo bang
manatili ang mga bubuyog sa inyong tahanan sa unang gabí pa lang?

158

You might also like