You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
N a t i o n a l Ca pi t a l Re g io n
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e o f La s Pi ñ a s Ci t y

Learning Activity Worksheet (LAW) No. 2


Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Pangalan: Maria Bettina L. Dizon Petsa: 10/14/2021 Marka:

Panuto: Mula sa dalawang larawan ay pumili ng isa at gumawa ng isang maikling


sanaysay. Gawan muna ito ng balangkas na papaksa o pangungusap. Maaring
gamitin ang likurang pahina o kumuha ng hiwalay na papel.

[sagot ay nasa dulo ng dokumento]

Panuto: Ayusin at lagyan ng bilang ang tamang pagkasunod-sunod ng mga hakbang


sa pagbabalangkas. Isulat ang numero sa kahon.

4 Desisyunan ang uri ng balangkas at lebel ng balangkas


2 Ayusin at ilista ang mga pangunahing ideya.
1 Ayusin ang tesis na pangungusap.
5 Isaayos ang pormat ng balangkas.
3 Tiyakin ang kaayusan ng mga ideya.
Panuto:Basahing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang salita / mga salitang
nagpamali sa pahayag. Kung walang mali ay bilugan ang numero ng bawat
pangungusap.
1. Ang balangkas ang nagsisilbing giya sa pagsulat.
2. May limang uri ang pagbabalangkas.
3. Ang patalatang pagbabalangkas ang pinakagamitin sa lahat ng uri pagbabalangkas.
4. Ginagamitan ng bilang Roman ang pinakamahahalagang bahagi ng balangkas.
5. Pinagsamang bilang at titik ang mga simbulong ginagamit sa pagbabalangkas.
6. Ang isinasama sa pagbabalangkas ay mga hindi masyadong mahalagang datos.
7. Layunin ng pagbabalangkas na maisaayos at mapabilis ang pagsulat.
8. Hindi na kailangan ang pagbabalangkas sa pagsulat ng akademikong sulatin.
9. Madalas gamitin ang pangungusap na pagbabalangkas.
10. Siguraduhing magkakaugnay ang bawat ideya sa gagawing balangkas.

Markahan: 1
Bilang ng Linggo: Ikatlo-Ikaapat na Linggo
MELC:
• Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a)Layunin (b)Gamit (c)Katangian (d) Anyo
(CS_FA11/12PN-0a-c-90)
• Nauunawaan ang konsepto sa pagsulat ng Akademikong Sulatin at Proseso ng Pagsulat.
(CS_FA11/12PB-0a-c101)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibii)
PANUTO: Suriin ang mga larawang nakikita at tukuyin kung ito ay primaryang
sanggunian o sekondaryang sanggunian. Isulat ang sagot sa kahon sa bawat bilang.

1. Dokumento 3. Pahayagan 5. Larawan


Sekondarya
Primarya Primarya

4. Bibliograpiya
2. Aklat
Sekondarya
Sekondarya

Panuto: Pumili ng isa sa mga paksang nakatala at kumalap ng mga impormasyon


kaugnay nito. Pagkatapos, balikan ang mga naitalang datos at impormasyon kaugnay
sa napiling paksa. Bumuo ng isang magandang panimula, mahalagang katawan ng
sulatin at makabuluhang wakas. Maaring isulat sa likurang o kumuha ng hiwalay na
papel.

Paksa: Edukasyon sa Panahon ng Pandemya


Bakuna sa Panlaban sa Covid-19
Frontliners: Bagong Bayani
[sagot ay nasa dulo ng dokumento]

PANUTO: Isulat ang (BS) kung ang proseso ay ginagawa Bago Sumulat, (HB) Habang
Nagsusulat at (PS) Pagkatapos Sumulat.
BS 1. Brainstorming
PS 2. Pagdaragdag ng ideya
HB 3. Pagtutuon sa mga baybay, bantas, gramatika ng sinusulat.
BS 4.Pagsulat ng unang burador.
BS 5. Pagpapasya ng susulatin at estilong gagamitin sa pagsulat.

PANUTO: Punan ang patlang sa bawat bilang ng tamang salita mula sa kahon sa
ibaba.
PRE-WRITING EDITING
UNANG BURADOR REVISING

1. Sa PRE-WRITINGna yugto, nagaganap ang pagplaplano ng gawain.


2. Sa pagsulat ng UNANG , ang iyong ideya ay kailangang isalin sa bersyong
Markahan: 1 BURADOR
Bilang ng Linggo: Ikatlo-Ikaapat na Linggo
MELC:
• Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a)Layunin (b)Gamit (c)Katangian (d) Anyo
(CS_FA11/12PN-0a-c-90)
• Nauunawaan ang konsepto sa pagsulat ng Akademikong Sulatin at Proseso ng Pagsulat. (CS_FA11/12PB-0a-
c101)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibii)
pelimenari at maaring irebays nang paulit-ulit.

UNANG
3. Sa BURADOR , importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat.
4. Sa REVISING , sinusuri ng manunulat ang sinulat para sa layunin suriin ang dokumento
at magbawas o magdagdag ng ideya dito.
5. Nagaganap sa EDITING ang pagwawasto ng mga pagkakamali sa salita, espeling,
grammar at mga bantas.

Markahan: 1
Bilang ng Linggo: Ikatlo-Ikaapat na Linggo
MELC:
• Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a)Layunin (b)Gamit (c)Katangian (d) Anyo
(CS_FA11/12PN-0a-c-90)
• Nauunawaan ang konsepto sa pagsulat ng Akademikong Sulatin at Proseso ng Pagsulat. (CS_FA11/12PB-0a-
c101)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibii)
Sangunian :

383482735-AKADEMIKONG-PAGSULAT-pptx.pdf - PAGSULAT sa FILIPINO sa Piling


Larangan Akademik Introduksiyon sa Akademikong Pagsulat Layuning Pampagkatuto 1 |
Course Hero

Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat (elcomblus.com)

Bandril , Lolita T. at Villanueva Voltaire M. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik


at Sining ),Vibal Group,Inc.,2016

Mga Larawan:
https://www.facebook.com/sdobulacan/photos/pilipinong-mag-aaral-sa-panahon-ng-bagong-
sistemang-normalisang-malaking-pagbaba/2601358989965208/

https://www.facebook.com/visayandailystar/posts/honoring-frontliners-francis-clavel-valderrama-
from-cadiz-city-negros-occidental/10163520276245632/

https://image.slidesharecdn.com/bahagingpahayagan-140710191427-
phpapp01/95/bahagi-ng-pahayagan-5-638.jpg?cb=1405019711

https://www.georgefox.edu/journalonline/summer20/feature/covid-19-photo-essay.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Aklat#/media/Talaksan:Book_Collage.png

Inihanda ni:
Bb. Diana Rose D. Dullas
Las pinas National Senior High School-Talon Dos Campus
Konsolideytor: Relina O. Batas
LPNHS-SHS

SAGOT SA ACTIVITY 1
Markahan: 1
Bilang ng Linggo: Ikatlo-Ikaapat na Linggo
MELC:
• Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a)Layunin (b)Gamit (c)Katangian (d) Anyo
(CS_FA11/12PN-0a-c-90)
• Nauunawaan ang konsepto sa pagsulat ng Akademikong Sulatin at Proseso ng Pagsulat. (CS_FA11/12PB-0a-
c101)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibii)
Frontliners: Makabagong mga Bayani

I. Gawain ng mga frontliners


a. unang humaharap sa banta ng COVID-19
b. nagtatrabaho para sa kaligtasan ng buong bayan
c. nagseserbisyo sa kabila ng hirap

II. Katangian ng mga frontliners


a. may tibay ng loob
b. tumutulong kahit walang kapalit
c. binabalanse ang pagiging ama/ina

III. Paraan ng pasasalamat


a. paglaban para sa tamang bayad sa kanila
b. pagtulong sa kanila
c. pananatili ng paguunawa

Sa paglaganap ng pandemya, ating binibigyang pugay ang mga frontliners na patuloy na


nagpapatakbo ng ating mundo sa kabila ng banta ng virus na COVID-19. Ang mga
frontliners ang nagsisilbing una nating depensa sa COVID-19. Kung tutuusin, ang mga
frontliners ang lakas o “backbone” ng ating bayan. Halimbawa nito ang mga medical
frontliners na unang humaharap sa mga taong nahawaan ng COVID-19 upang sila ay
makarekober. Sila’y nagtatrabaho para labanan ang virus na para sa kaligtasan ng buong
bayan. Subalit, ang pagiging frontliner ay ‘di lamang para sa mga nagtatrabaho sa
medisina. Kabilang din sa mga frontliner ang mga nagtatrabaho para magpatuloy ang ating
pamumuhay tulad ng mga security guard, kahera, delivery guy, drayber, bankero, at mga
nagpapatakbo ng mga negosyo. Sa kabila ng hirap ngayong pandemya at banta ng
COVID-19, pinipili pa rin nila magtrabaho para sa kanilang mga pamilya. Ang mga
frontliners ay ang mga may pinakamalakas na loob para sa akin dahil sa kabila ng takot nila
mahawa, pinipili pa din nilang magpatuloy. ‘Di man nila alam pero ang munting trabaho sa
kanila ay isang napakalaking bagay para sa ating lahat. Sila ay tumutulong sa ating
pangaraw-araw na pamumuhay nang walang hinihinging kapalit. Idagdag pa natin na sila
din ay may mga pamilya at kanilang binabalanse ang pagiging ama/ina sa kanilang
pagtulong sa mga tao.

Tayo ay dapat lubos na nagpapasalamat sa ating frontliners na pinipiling magpatuloy sa


kanilang serbisyo. Maaari natin silang pasalamatan sa pamamagitan ng pagsama sa laban
nila sa pagkakaroon ng tamang ayuda at benepisyo at pagkakaroon ng patas na pagtrato
sa kanilang lahat. Kung sila man ay nangangailangan ng ating tulong, ‘wag sana natin itong
tanggihan at tulungan natin sila sa ating makakaya. Higit sa lahat, panatiliin natin ang
paguunawa sa ating mga sarili.

Ang panahon natin ngayon ay nakakapanibago at nakakalungkot para sa marami. Ang mga
frontliners ang ating makabagong mga bayani sa kadahilanang sila ang lagi at unang
humaharap sa banta ng pandemyang ito para sa buong bayan.

SAGOT SA ACTIVITY 5

Markahan: 1
Bilang ng Linggo: Ikatlo-Ikaapat na Linggo
MELC:
• Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a)Layunin (b)Gamit (c)Katangian (d) Anyo
(CS_FA11/12PN-0a-c-90)
• Nauunawaan ang konsepto sa pagsulat ng Akademikong Sulatin at Proseso ng Pagsulat. (CS_FA11/12PB-0a-
c101)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibii)
Edukasyon sa Panahon ng Pandemya

Sa simula ng pandemya, napatigil ang normal na paraan ng edukasyon sa buong mundo.


Ang mga paaralan ang nawalan ng mga estudyante dahil iniiwasan nating lahat ang
mahawa ng COVID-19. Sa kabila ng hamon na ito, pinili pa rin nating magpatuloy ang
edukayon sa ating bansa sa pamamagitan ng remote learning methods na inihanda ng
ating kagawaran sa edukasyon. Maaaring mamili ang estudyante kung anong learning
method ang nababagay sa kanya at sa kanyan sitwasyon upang makapagpatuloy sa
pagaaral.

Hindi natin maipapagkait na isang malaking hamon ang pagpapatuloy ng edukasyon sa


panahon ng pandemya. Noong nagsimula ang pagpapatupad ng remote learning at online
classes, halos lahat ng estudyante ay nahirapan at napagiiwanan sa mga dapat nilang
aralin. Isa sa mga pagsubok na hinaharap ng mga estudyante at guro sa panahon natin
ngayon ay ang kakulangan ng mga gadget para sa online classes. Ayon sa SWS, halos
42% ng mga estudyante sa Pilipinas ay hindi nakakagamit ng gadget para sa online
classes. Sa porsyento na nakakagamit, 27% lamang ang mayroong gadget para sa online
classes na kanilang pinagmamayari na. Maliban sa kakulangan ng gamit para sa online
class, isa pa sa mga problema na hinaharap ng mga estudyante at guro ang kabagalan ng
internet connection sa ating bansa. Sa isang sarbey na ginawa ng SWS, 31% ng mga
estudyante ang nagsasabi na mabagal ang kanilang internet na ginagamit sa online
classes. Isa itong hadlang sa mga estudyante at guro sa kadahilanang kailangan natin ng
konesyon upang matingnan ang mga aaralin at kailangan gawin ng estudyante. Maliwanag
na parehas ang estudyante at guro ang nahihirapan sa remote learning setup natin sa
kasalukuyan. Mga karagdagang problema tulad ng ingay sa paligid, hindi komportableng
bahay, at hirap sa pagintindi ng mga aralin ay hindi nawawala sa paglayag ng remote
learning.

Sa kabila ng hirap at hamon ng edukasyon natin ngayon, kailangan nating magpatuloy sa


pagaaral dahil sayang din ang panahon kung hindi tayo magpapatuloy. Bilang karagdagan,
dapat pagtuunan ng atensyon ng ating gobyerno ang ligtas na pagbabalik sa eskwela.
Tunay na nakakapanibago ang edukasyon sa panahon natin ngayon at ang muling
pagbabalik eskwela ay magiging malaking tulong sa pagbangon ng ating edukasyon at sa
paghahanda ng mga estudyante para sa kanilang kinabukasan.

Mga Sanggunian:
https://newsinfo.inquirer.net/1402187/42-of-school-age-filipinos-dont-use-devices-for-
distance-learning-sws
https://newsinfo.inquirer.net/1403566/sws-31-of-families-with-distance-learners-have-weak-
internet-connection

Markahan: 1
Bilang ng Linggo: Ikatlo-Ikaapat na Linggo
MELC:
• Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a)Layunin (b)Gamit (c)Katangian (d) Anyo
(CS_FA11/12PN-0a-c-90)
• Nauunawaan ang konsepto sa pagsulat ng Akademikong Sulatin at Proseso ng Pagsulat. (CS_FA11/12PB-0a-
c101)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibii)
Markahan: 1
Bilang ng Linggo: Ikatlo-Ikaapat na Linggo
MELC:
• Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:(a)Layunin (b)Gamit (c)Katangian (d) Anyo
(CS_FA11/12PN-0a-c-90)
• Nauunawaan ang konsepto sa pagsulat ng Akademikong Sulatin at Proseso ng Pagsulat. (CS_FA11/12PB-0a-
c101)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibii)

You might also like