You are on page 1of 19

Pag-aaral ng Epekto ng Pambansang Wika sa

Pakikipagkomunikasyon sa kabila ng Pagkakaiba-iba ng Wika sa

Bansang Pilipinas

Isang Pananaliksik na iniharap kay:

G. Prince Xyruze T. Pontanares

Bilang pagtupad sa Proyektong Metodo ng Pananaliksik sa

Komunikasyon at Pananaliksik

Nina:

Buenafe, Zuriel Mark

Constantinopla, Aleck Nathaniel

Navarro, Marcus Nicholas

Angeles, Nichole France

Cristobal, Naiomy Eunice

Cruz, Joanna Angel

Dueñas, Sean Elia


Abstrak

Ang wika at ang ating kultura ay napaka halaga nito para sa

ating lahat, ito ang nagbibigay ng simbolo, at ito rin ang

kumakatawan o nagpapakilala sa ating bansa. Isa rin sa dahilan

kung bakit ito ay napakahalaga para sa ating lahat ay dahil noon

pa man ipinaglaban natin ang ating bansa upang hindi ito

masakop ng ibat ibang bansa pa, pero dahil sa magigiting na

bayani natin na ipinagtanggol ang ating bansa, tayo parin ay

nananatiling matatag. Inalagaan nang maigi at hindi dapat

makalimutan ang ating wika at kultura dahil ito ang nagsisilbing

puso ng ating bayan. Kaya tayo ay nakilala dahil sa pagkakaroon

ng sariling wika at kultura. Nagkakaroon ng sariling

pagkakakilanlan ang bansa at nagkakaroon ng pagkakaisa dahil

sa sariling kakaibang kultura at wika na mayroon ito.

Ang wika natin ay nagsisilbing tagapagbigay ng

impormasyon upang tayo ay makipagkomunikasyon sa ibat ibang

tao sa ating sariling bayan, kaya ito ang dahilan kung bakit tayo ay

nagkakaintindihan sa bawat isa. Napaka halaga nito para sa atin

dahil ito ang dahilan kung bakit tayo ay nagiging matatag, dahil

tayo ay nagkakaroon ng mas matibay na koneksyon sa bawat isa.

Ito ang nagiging dulot ng pagunlad natin upang makamit natin ang

ating kalayaan. Nang dahil sa wika, mas maayos ang palitan ng


mga ideya natin sa bawat isa upang mapanatili ang pag-unlad,

kaya nagkakaroon tayo ng bayanihan. Simple lang gamitin ang

wika, galangin lamang ito, gamitin at ugaliin ang pag gamit ng sarili

nating wika. Malaki na ng naitutulong mo sa sarili mong bayan

upang tayong mga Pilipino ay umunlad.

Ang kultura naman natin ay ang ating kaugalian at ang ating

paniniwala. Tulad na lamang sa kaugaliang pagsasabi ng ‘po’ at

‘opo’ sa mas nakakatanda bilang pagbibigay galang sa kanila.

Ngunit sa panahon ngayon madalas naman ito ginagamit na rin

kahit sa kaedad natin, lalo na sa mga sitwasyong nakilala mo

lamang yung tao. Sa paniniwala naman, mayroon tayong

tinatawag na relihiyon o sa pagsasamba sa diyos. Mayroon din

tayong tinatawag na bayanihan, ang paraan upang ang isang

grupo ng tao ay magtulungan. Naalala nyo ba yung tinuro sa atin

noong bata pa tayo na ang isang grupo ng tao ay nagbubuhat ng

isang bahay kubo, iyon ang halimbawa ng pagtutulungan ng mga

Pilipino o bayanihan ika nga nila. Isa na rin sa kultura natin ay ang

ating mga pagkain tulad na lamang ng mga sumusunod:

Sorbetes Kare-kare Halo-halo

Adobo Sisig Kakanin

Sinigang Paksiw Turon

Lechon Bulalo Maruya


Ano ng aba ang ipinagkaiba ng kultura ng ating bansa at ang wika

na ginagamit natin?

Unang una sa lahat uulitin natin, ang wika ay pangunahing

ginagamit ng tao bilang instrumento sa pakikipag-ugnay sa lipunan

at kultura, ito rin ang sistema na ginagamit pang komunikasyon, ito

ay ang nagpapahayag o aksyon sa pagkilala ng kultura ng bansa.

Sa kultura naman ito ay nagsisilbing ideya ng pag-uugali natin o

pati na rin ang mga paniniwala natin. Pero pareho silang

sumisimbolo sa ating bansa.

Kuwentong-Buhay

Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang

Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan

umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay

Filipino na. Isang arkipelago ang Pilipinas kung kaya nagkaroon ito

ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito

ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat

etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga

kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing“Isa sa

pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng

Filipinas." Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon,


nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad

sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga

hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang

pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika."

(Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel L.

Quezon ang Institute of Filipino Culture and Language para

manguna sa pag-aaral at pagpili ng pambansang wika. Trabaho

ng Surian na magsagawa ng pananaliksik at magbigay ng mga

patnubay sa pagpili ng pambansang wika ng Pilipinas. Si Jaime de

Veyra na siyang tagapangulo ng komite ay nagsagawa ng pag-

aaral, at pinili nito ang Tagalog bilang batayan ng Wikang

Pambansa. Si Pangulong Quezon noong 1937 ay naglabas ng

Kautusang Tagapagpaganap Blg. Dahil sa ginawa ni Pangulong

Quezon, ang mga tao ay nakakapagsalita na ngayon ng isang

wika at naiintindihan ito. Noong 1940, nagpalabas si Pangulong

Quezon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. Pinahihintulutan ko

ang paglalathala ng wikang Tagalog-Ingles sa Balarila sa Wikang

Pambansa. Sinimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang

Pambansa sa lahat ng paaralan sa buong bansa. Noong 1959,

inilabas ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose Romero ang

Kautusan Blg. 3. Nakasaad sa 7 na Filipino ang opisyal na

pangalan ng wikang pambansa. Noong 1973, ang Pilipinas ay


nasa ilalim ng diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos, at sa

Artikulo 15 ng konstitusyon, nakasaad na ang Batasang

Pambansa ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at

pormal na paggamit ng wikang Filipino. Upang maging mas

malinaw ang mga bagay, sinasabi ng batas na ang Ingles at

Filipino ay mananatiling opisyal na wika ng Pilipinas. Noong 1987,

muling binago ang Konstitusyon ng Pilipinas upang isaad na ang

Filipino ang pambansang wika. Habang nililinang ito, dapat itong

payabungin at pagyamanin batay sa umiiral na wika sa Pilipinas at

sa iba pang mga wika.

Pag-oobserba

Ang kabuuang bilang ng wika na mayroon ang Pilipinas ay

hindi tiyak. Mayroong nagsasabi na ito ay isang daan at

dalawampu (120) at ang sinasabi naman ng iba ay isang daan at

walumpu't pito (187). Ayon naman kay Steffi Mari Sanchez at John

Reiner Antiquerra "Ang tinatawag na 'mga wika ng Filipinas' ay

ang iba't ibang wikang katutubo na sinasalita sa buong kapuluan.

Hindi tiyak ang bilang ng mga ito, ngunit may nagsasabing

walumpu't anim (86) at may nagsasabing isang daan at pitumpu

(170). Itinuturing ang bawat isa na wika (language sa Ingles) dahil


hindi magkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita nito na may

magkaibang katutubong wika. Ayon sa ginawang sarbey ng

Philippine Center for Investigative Journalism, kasama pa rin sina

Sanchez at Antiquerra, sa Ilocos Region ay 64.84% ang sinasalita

ay Ilokano, Panggalato ay 26.26%, samantalang 6.19% lamang

ang Tagalog. Sa Cagayan Valley ay 69.64% ang Ilokano, 8.45%

ang Tagalog at 7.75% ang Ibanag. Sa Central Luzon ay 64.99%

ang Tagalog, 22.91% ang Kapampangan at 9.94% ang Ilokano.

Sa MIMAROPA ay 64.48% ang Tagalog, 6% ang Bisaya at 5.88%

naman ang Cuyonon. Sa Central Visayas naman ay 57.77% ang

Cebuano, 28.72% ang Bisaya at 12.17% ang Boholano. Sa

Zamboanga Peninsula naman ay 54.16% ang Bisaya, 11.78% ang

Zambageño Chavacano at 1.60% ang Cebuano. Bukod sa mga

lugar at wikang nabanggit, mayroon pang mga lugar ang hindi

nasama ngunit nandoon sa sarbey. Base pa rin sa Sarbey ng

Philippine Center for Investigative Journalism na ang

CALABARZON ang nangunguna sa lugar na madalas na

ginagamit ay ang wikang Tagalog na mayroong 97.80%,

pumapangalawa naman ang Metro Manila na may 95.08% at ang

pangatlo ay ang Central Luzon na mayroong 69.64%. Ang mga

Pilipino na may sariling dayalekto o ang unang wika ay hindi ang

wikang pambansa. Maaari itong mapag-aralan at matutunan dahil


tinalaga o nakasulat na ito sa Saligang batas 1987. Nakatutulong

ang pambansang wika sa bawat Pilipino na may iba't ibang

dayalekto dahil nagiging dahilan ito ng pagkakaisa ng bawat

Pilipino upang magkaroon ng mas malawak na pagkakaintidihan at

isa ito sa rason kung bakit nagkakabuklod-buklod ang bawat isa.

Pakikipamuhay

Kagaya ng mga taong may iisang wikang isinasalita ay

pinahahalagahan ko din ang aking wikang kinagisnan dahil dito

aking natutukoy pati ng mga taong nakapaligid sa akin kung saan

ako nagmula. Malaking tulong ito pagdating sa pakikisalamuha,

ang magkaroon ng dalawa o higit pang wika sapagkat

nauunawaan ko ang hindi lamang isang wika at nagagamit ko ito

upang mapalago ang aking kaalaman. Gayon pa man, hindi

madaling matutuhan ang isang wikang hindi ko kinalakihan kung

kaya't minsan ay may mga bagay akong hindi nauunawaan. Sa

araw-araw na pagbabago ng ating mundo ay hindi maikakailang

tayo din ay sumasabay rito, may mga salitang naidadagdag sa

ating mga wika na minsan tayo lang ang nakaaalam, ating mga

kaparehong wika lamang ang nakaaalam. Sa kabila nito ay hindi


hadlang ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang wika hangga't

patuloy tayong natututo at patuloy natin itong ginagamit..

Focus Group Discussion (FGD)

Aking kinapanayam ang aking magulang na si Lanie

Constantinopla at si Noe Constantinopla, na may magkaibang

wika. Ngunit napag-isa sila sa pamamagitan ng ating pambansang

wika upang sila’y magkaunawan sa isa’t isa. Naipaliwanag nila ang

kahalagahan ang ating Pambansang Wika. Sa pamamagitan ng

sagot nila, magkakaroon tayo ng ideya kung bakit nga ba

mahalaga ang ating pambansang wika.

1. Ano ang iyong wika? Paano mo ito natutunan?

Nanay: Ang wika ko ay wikang Bicolana. Natutunan ko ito sa

pamamagitan ng aking mga magulang na nagturo saakin

mag salita ng Wikang ito. Marahil halos lahat kami sa loob

ng bahay ay nagsasalita ng Bicol kaya madali ko lamang ito

natutunan.

Tatay: Ang wika ko naman ay ang wikang Tagalog. Kasi rito ako

pinanganak sa Maynila. Subalit ang aking mga magulang ay

parehong Bisaya. Naiintindihan ko ‘yong salita nila, pero

hindi ako marunong magsalita ng Bisaya


2. Paano mo natutunan ang wikang Filipino gayong may sarili

kayong Wika na una niyong natutunan?

Nanay: Natutunan ko ang wikang Filipino dahil dito na ako nag-

aral sa Maynila noong ako ay nasa ika-limang pangkat

hanggang makapag-tapos ako sa kolehiyo. Bihira ko na

magamit ang salitang Bicol dahil ang aking mga kausap ay

puro na tagalog

Tatay: Hindi ko na kailangan matutunan kasi yun na ang unang

salita na natutunan ko. Ngayong may asawa na ako,

natutunan ko magsalita ng Bicol, dahil ang pamilya ng

aking asawa ay Bicolana.

3. Mahalaga ba na mayroong wikang pambansa sa ating bansa?

Nanay: Mahalaga talaga ang pagakakaroon ng pambansang wika

dahil ito ay pagkakakilanlan ng ating bansa. Mahalaga ang

magkaroon ng sariling wikang pambansa. Sapagkat yan

ginagamit upang magkaintindahan ang bawat Pilipino na

magkakaiba ang salita na ginagamit. Dahil kung wala tayong

ugnayan sa ating bansa ay maaaring hindi tayo

magkakaintindihan marahil sa ibat’t ibang wika natin.


Tatay: Kailangan natin ang pambansa wika upang maipahayag

natin ang ating mga saloobin sa isa’t isa, upang

maintindihan ng kapwa natin Pilipino ang gusto natin

maipahayag. Nagbibigay rin ito ng daan sa pagkakaisa ng

mga mamamayang Pilipino at nagbibigay rin ng tulong sa

pag- unlad sa ating iba't ibang aspekto sa ating bansa. Sa

paggamit ng ating pambansang wika, sa mga transaksyon

sa ekonomiya, mas magiging madali para sa ating mga

Pilipino na mahikayat natin na makisali sa

pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating

ekonomiya.

4. Gaano kahalaga ang wikang pambansa para sa ating mga

pilipino na may iba ibang wika sa bawat rehiyon?

Nanay: Mahalaga ang pambansang wika dahil dito tayo

nagkakaintindihan, sapagkat ang Pilipinas ay may iba’t ibang

lengguwahe at ang pambansang wika lamang ay ang

dahilan ng pagkakaintindihan ang mga Filipino. Isipin niyo

kung wala tayong pambansang wika, halos buong Pilipinas

ay magkakagulo dahil magkaiba ang ating wika. Hindi iikot

ang ating ekonomiya marahil dito.


Tatay: Mahalaga ang pambansang wika upang maipahayag natin

ang ating saloobin sa iba’t ibang bayan. Dahil ito ay

makatutulong kung ano ang saloobin o mensahe ng ating

mamamayan. Nakatutulong din itong maipahayag nang

maayos ang ating opinyon. Ang pagkakaroon ng ekspresyon

ay tumutukoy sa maayos na paglalahad ng iyong opinyon at

saloobin. Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika

na saklaw nito ang mga saloobin natin at may iba’t iba pang

mga bagay na may kaugnayan sa gusto nating sasabihin.

Napagtanto ko na mahalaga ang pagkakaroon ng

pambansang wika lalo na sa ating bansa na may ibat’ ibang

wikang ginagamit sa bawat rehiyon. Sa pamamagitan ng

pambansang wika ay nagkakaintindihan at nagkakaroon ng

ugnayan ang bawat mamamayang Pilipino sa iba’t ibang rehiyon

ng bansa na may iba’t ibang wika.

Pagsasagawa ng Sarbey

Ang aming grupo ay nagsagawa ng sarbey o pagpapasagot

ng talatanungan sa mga taong makapagbibigay saloobin, opinyon,

at impormasyon hinggil sa aming paksa na mayroong titulo na


Epekto ng Pambansang Wika sa kabila ng Pagkakaiba-iba ng

Wika sa Bansang Pilipinas. Mayroong sampung tao (10) ang

sumagot sa aming sarbey. Qng sarbey na ito ay mayroong

kabuuang pitong (7) tanong tungkol sa aming paksa. Ang sarbey

ay naisagawa sa pamamagitan ng 'google forms' at ipinangako

namin sa mga nagresponde na ang kanilang mga impormasyon ay

papanatilihing kumpidensyal.

Mga tanong at resulta ng sarbey:

1. May alam ka bang wika/dayalekto sa bansang Pilipinas bukod

sa tagalog?

 Walumpung porsyento (80%) ang nagsagot na mayroon sila

alam na ibang dayalekto sa bansang Pilipinas bukod sa

Tagalog at nasa dalampung porsyento (20%) naman ang

nagsabing Tagalog lamang ang kanilang alam na wika o

dayalekto.

2. Kung meron, ano ito at saang lugar ito nagmula?

 Karamihan sa mga nagsagot ay ang kanilang alam na

dayalekto/wika sa Pilipinas ay Bisaya na nagmula sa iba't-

ibang rehiyon tulad ng Bicol at Cebu.


3. Sa pakikipag-usap o komunikasyon sa bawat Piipino na galing

sa iba't-ibang rehiyon at may unang wika, nagkakaroon pa rin ba

ng hindi pagkakaunawaan ang bawat isa kahit mayroong

pambansang wika na maari nilang bigkasin sa pakikipag-usap?

Bakit o paano?

 Halos siyamnapu't-lima (95%) ang nagsabing kahit mayroon

tayong wikang pambansa ay hindi pa rin tayo magkaunawaan

sapagkat nasanay na ang mga Pilipino na iisang wika lamang

ang alam at dahil na rin sa limitado ang kaalaman ng mga

Pilipino sa ibang rehiyon patungkol sa wikang Tagalog,

partikulat na sa Visayas at Mindanao. Limang porsyento (5%)

naman ang nagsabing nagkakaunawaan pa rin ang mga

Pilipino dahil maraming marunong magsalita ng Tagalog kaysa

ng ibang wika o dayalekto.

4. Nakasasagabal ba sa inyong kultura o tradisyon ang ating

wikang pambansa? Paano?

 Nasa isang daang porsyento (100%) naman ang nagsabing

hindi nakasasagabal sa kanilang kultura o tradisyon ang ating

wikang pambansa sapagkat kasama na ito sa ating kultura at

tradisyon at hindi ito nakababawa ng halaga sa kanilang

tradisyon o kultura.
5. Para sa iyo, mahalaga ba ang wikang pambansa? Bakit?

 Nasa isang daang porsyento (100%) ang magsabi na

mahalaga sa kanila ang ating wikang pambansa sapagkat ito

ay pangunahing instrumento upang makipagkalakalan at

komunikasyon sa kapwa at nakatutulong din ito yoang lahat

tayo ay magkaroon ng pagkakaintidihan at pagkakaisa.

6. Mahalaga ba sa iyo na alam mo o may alam ka sa wikang

pambansa?

 Sobrang halaga na marunong kang magsalita ng ating wikang

pambansa sapagkat isa ito sa pangunahing ginagamit upang

tayo ay makipagtalastasan at isa itong pagpapakita ng

paggalang at respeto sa ating bansa.

7. Gaano kahalaga o ka-importante na dapat ay marunong ka

magsalita ng ating wikang pambansa?

 Sobrang halaga na marunong kang magsalita ng ating wikang

pambansa sapagkat isa ito sa pangunahing ginagamit upang

tayo ay makipagtalastasan at isa itong pagpapakita ng

paggalang at respeto sa ating bansa.


Rebyu ng kaugnay ng literatura

Ayon kay espina at Borja (1999:1), “Ang wika ay isang

mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang

damdamin at kaisipan.”

Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) “Sapagkat

ang Pilipinas ay multilingguwal at multikultural, nabubuklod ang

ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag

hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon

din sa isahang midyum na Wikang Filipino.”

Ayon sa Kapasiyahan ng kalupunan ng mga komisyoner blg.

14-26,tungkulin ng KWF “Ang pagtitiyak sa higit pang

pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon

ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas”

Ayon sa akda ni J sa sanaysay filipino blogspot, “Ang wikang

Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang

ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ito angnagsisilbing sinturon

upang maitali ang mga mamamayan upang maging isa sila sa

kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa.”


Ayon kay Saragosa (2005) “Marami ang nagsikap at

nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang Wikang Pambansa.

Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang Filipino

bilang Wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwalaang

mga makabayang dalubwika o linggwistiko na ang paggamit ng

Pambansang Wika sa pagtuturo ng kaalamang teknikal at

aghamin ang susi sa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.Mahalaga

ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang

maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino.”

Ayon kay Errold Jhon Dela Cruz, “Ang wika ay nalilinang

dahil sa kultura, ang kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang wika

ay ang kultura mismo.”

Ayon kay Mika Salazar Shiramizu, “Dapat lamang at

napakahalaga na magamit natin ang ating wikang pambansa sa

lahat ng kaparaanan. Hinggil sa ating pakikipagtalastasan saan

man tayong rehiyon nabibilang, dahil bilang isang mamamayan sa

bansa nakapaluob sa ating wikang pambansa ang saliring

kulturang tinataglay na pagkikilanlan ng ating sariling bayan, tungo

sa pag-unlad ng ating pang-economiya at katatagang politika.”


Pag-iinterbyu

1. Gaano kaepektibo para sa kanila ang wikang pambansa

sa kabila ng maraming umiiral na wikang pambansa?

2. Paano kayo nito natutulungan?

1.1 Ang wikang pambansa ay simbolo ng pagkakakilanlan na

kailanman ay hindi makukuha o maagaw ng iba. Ito rin ang

instrumento kung bakit ang mga mamamayan ng isang nasyon o

bansa ay nagkakaisa at nagkakaunawaan kung kaya ang

kahalagahan ng sariling wikang tinatangkilik ay hindi mababago at

hindi nakadepende sa kung kaunti man o marami ang umiiral na

iba pang wikang pambansa.

2.1 Natutulungan ako nito sa paraang ang aking aydentidad ay

aking natutukoy at napapahalagahan at nagkaroon ako ng

kakayahan na makipag-ugnayan sa kapwa ko mamamayan,

makatulong at makapag-ambag sa bawat hakbang ng bansa tungo

sa pag-unad.
Pasasalamat

Unang una sa lahat, laking pasasalamat ko sa panginoon na

ginabayan nya kami na matapos itong proyekto sa komunikasyon

at pananaliksik. Marami kaming pinagdaanan upang magawa

namin at makumpleto ang proyektong ito, hanggat maaari kumuha

kami ng mararaming impormasyon sa aming pagsasaliksik. Laki

ng aming pasasalamat sa mga taong sumuporta para matapos

itong proyekto.

Kung hindi dahil sa mga kagrupo ko hindi ito magagawa ng

maayos, sila ang dahilan kung papaano kami nagkaroon ng

maraming impormasyon tungkol sa wika at kultura. Ibinahagi nila

lahat ng kanilang kaalaman tungkol dito at ipinagsamasama ito

upang makabuo nitong mga kaalaman namin. Nagpapasalamat

din po kami kay Sir Prince upang bigyan kami ng kaalaman at nag

gabay sa amin ditto sa proyekto namin.

Sa mga nainterbyu namin, salamat po sa inyong lahat,

binigyan nyo kami ng mga malilikhaing kasagutan sa mga

katanungan namin. Malaki ang naitulong nyo sa amin, binigyan

nyo kami ng karagdagang kaalaman tunkol sa wika at kultura,

salamat sa pagbabahagi nito sa amin. Kung hindi dahil din sa inyo

natigil na kami siguro sa kakaunting kaalman tungkol sa wika at

kultura.

You might also like