You are on page 1of 4

Mga Propayl ng Papanayamin

Mrs. Roselinda T. Custodio

➢ Isang guro sa Filipino


➢ 12 years bilang isang guro
➢ 37 yrs. Old
➢ 1985, June 17

Mr. Robert D. Rosario

➢ Isang engineer at technical writer


➢ 17 & half years bilang technical writer
➢ 34 yrs. Old
➢ 1988, November 7

Mr. Jose Dela Cruz

➢ Isang licensed attorney


➢ 7 years bilang isang attorney
➢ 35 yrs. Old
➢ 1987, April 13

PANAYAM KAY Mrs. Custodio (Geli—Interviewer)

Geli : Narito po ako upang magtanong ng iilan lamang tungkol sa iyong pagiging guro.

Mrs. Custodio : Hmm, sige.

Geli : Bakit po guro ang napili niyong propesyon?

Mrs. Custodio : Gusto kobg magturo sa mga bata, hmm… gusto kong ibahagi ang kaalaman ko bilang isang guro sa
kanila.

Geli : Kagustuhan niyo po ba o ng mga magulang niyo ang propesyon niyo ngayon?

Mrs. Custodio : Uh, sa una… ‘yong Tatay ko ang may gusto na maging isa akong guro, so naging second choice ko siya.
Iyong first choice ko naman ay maging isang dentista, iyong naka-inline sa medicine, something like that. Pero, mahal
kasi ang gastusin, at marami kaming nag-aaral. Kaya nang sa tingin ko'y maganda naman ang propesyon na guro, iyon
ang pinili ko.

Geli : Kung babalik po kayo sa nakaraan, pipiliin niyo pa rin po bang maging guro? At bakit?

Mrs. Custodio : Yes! Haha, I enjoyed teaching children, gusto ko ‘yon—nakakabata, haha. Kidding. Pero kasi, sa
pagiging guro, hindi ka na-i-stock sa isang knowledge lang. Kumbaga, sa bawat pagdating ng araw, may nalalaman
kang bagong kaalaman na maaari mong maibahagi sa estudyante.

Geli : Uhm, sa mga mag-aaral po na nais ring maging tulad niyong guro sa hinaharap, ano po ang maipapayo niyo sa
kanila?

Mrs. Custodio : Hmm… isang maganda ang propesyong guro, huwag kang makinig sa iba na sinasabi ay wala ka
namang mapapala sa pagiging guro. Dahil sa pagiging guro mo, yayaman ka—ng mga bagong kaalaman na
maibabahagi mo sa mga darating pang estudyante na iyong tuturuan. Kaya sa mga may gustong mag-guro, go lang!
Magandang propedyon ‘yan.

PANAYAM KAY Mr. Rosario (Geli—Interviewer)

Geli : Magandang hapon! Ako'y narito upang magtanong ng iilan sa iyong pagiging engineer at the same time technical
writer.

Mr. Rosario : Yes, go ahead.

Geli : Gaano na po kayo katagal na isang technical writer?


Mr. Rosario : Hmm, siguro mga 17 and half years na rin.

Geli : Ang kurso po bang natapos niyo ay somehow… related sa writing?

Mr. Rosario : Para sa akin, oo. Kasi kailangan e. Dapat meron kang expertise kapag nasa detailed part ka ng documents
lalo na sa projects. Kaya oo, related siya sa writing.

Geli : Okay po, next po ay, ano po ‘yong mga normally na na-encounter niyong hirap sa trabaho niyo as a technical
writer?

Mr. Rosario : Kalimitan, ang nagiging problema d’yan is, kapag yung napatapat sa’yo ay yung linyang, out of your
expertise. Kalimitan kase, kapag na-assign ka lalo na kapag technical writer talaga, ikaw yung inaasahan nila na
gagawa ng lahat ng writings. Pero ang ginagawa namin d’yan, since na, katulad ko, naging team technical writer, ang
ginagawa ko halimbawa sa Electrical, o kaya naman sa Mechanical, di ko naman expertise yung

Geli : Hmm, so para po sa iyo, ano pong skills at attitudes ang kailangan sa pagiging technical writer?

Mr. Rosario : Pag technical writer ka, kase madalas yung technical writer, nagtatrabaho ng mag-isa, so kapag technical
writer ka, para sa akin, dapat friendly ka aside sa pagiging bookish mo or pagiging researcher. Kase hindi mo maishe-
share yung knowledge mo as a writer kung maliit lang yung field of study mo kaya yoon ang pinaka-importante. Kase
halimbawa, baka tanungin ka kung paano mo naisulat ang isang bagay pero kilala ka ng isang tao na wala ka naming
masyadong alam sa aspect na yon, doon mo magagamit yung mga friends mo as connections na pwedeng
mapagtanungan.

Geli : Pagdating naman po sa skills. Saan po dapat mag-excel ang isang technical writer?

Mr. Rosario : Sa English communication dapat. Kase kalimitan, kapag technical writer ka, dapat ilang sentence pa lang,
makuha mo na kaagad yung loob nung kliyente or nung reader. Although minsan, yung pangalan na lang yung
ginagamit kase kilala na at alam ng maraming readers na magaling yung taong ‘yon pagdating sa pagsusulat. Tapos
‘yon, dapat, more on research ka lang talaga. Saka minsan, syempre may mga critics din d’yan kaya dapat yung
grammar mo eh tama at katanggap-tanggap. Basta more on English Communication lang naman kaya basta ma-master
mo yon, pwede ka na.

PANAYAM KAY Mr. Dela Cruz (Geli—Interviewer)

Geli : Magandang umaga po, Attorney. May iilan po akong katanungan sa inyo sa pagiging attorney niyo. Maaari na po
ba tayong magsimula?

Mr. Dela Cruz : Sige lang.

Geli : Ilang years na po kayong Attorney?

Mr. Dela Cruz : Uh, well… mga magse-seven years na rin.

Geli : Ano po bang kurso ang puwedeng kunin kapag Attorney?

Mr. Dela Cruz : Hmm, after college kasi kailangan mong mag-take ng four years course. Tapos kuha ka ng degree, after
no'n pwede ka nang mag-apply for Law School. Sa Law School kase magte-take ka ulit ng four years, kung full load ka.
After mong grumaduate ng four years of full load sa Law School, doon na papasok ang pagre-review mo sa bar exam.

Geli : Doon na po magiging isang ganap na Attorney?

Mr. Dela Cruz : No, syempre aantayin mo pa ‘yong resulta kung pasado ka ba or kung naroon ang name mo sa mga
lists of Attorneys. Pero kung nandoon ka nga, doon na ka na nga magigibg ganap na attorney. Take your oath, then
sign the role of being an Attorney.

Geli : Mahirap po bang maging Attorney?

Mr. Dela Cruz : Hmm… rather saying na mahirap, siguro tanong rin ang masasagot ko. Tulad nalang ng, kung gaano
mo ba kagusto or dedikado ang pagiging Attorney? Kase kung ako, kung para sa akin, hindi mahirap ang pagiging
Attorney kung ito talaga ang gusto mo at dedikado ka talagang maging attorney. Lahat naman ng trabaho, kurso ay
mahihirap… pero kung dedikado ka, may tyaga at sipag, at gustong-gusto mo ang pagiging abogado, doon mo
masasabing hindi mahirap ang pagiging abogado, dahil lahat ng sakripisyo mo, lahat ng aral mo para lang maging
abogado ay magiging worth it.
Mga Listahan ng In-Demand at Oversupply
Jobs Sa Pilipinas

IN-DEMAND JOBS OVERSUPPLY JOBS

MEDICAL DOCTOR VENDORS

ENGINEERS DRIVERS (Jeepney Drivers)

IT PROFESSIONALS RIDERS (Tricycle Riders)

TEACHERS STORE (Sari-Sari Store/Tindahan)

ATTORNEY/LAWYER ONLINE SELLER

MANUFACTURER WAITER/WAITRESS

ACCOUNTANTS MAIDS

PILOTS HELPERS

STEWARD/STEWARDESS JANITORS

PHARMACIST PART-TIME

SINTESIS :

Sa mga napanayam, makikita na ang tatlong taong iyon ay gusto, bukal sa loob, at mahal ang kinuhang propesyon. Sa
kabutihang paggawa, dito mo maisasaalang-alang ang pagkagusto mo sa isang bagay o propesyon, o sa kung gusto mong
maibahagi ang iyong propesyon sa pamamagitan ng kabutihang panlahat. Dito ay marami tayong nalaman na propesyon, at
pagpipiliin na nasa listahan. Makakatulong ang kagalingan sa paggawa ng kabutihang panlahat, dahil sa iyon nga, ang mga
bagay na iyong kagustuhang gawin ay iyong mahal at bukal sa loob ang pagpili. Lahat ng kurso ay mahihirap, ngunit kung
talagang ikaw ay dedikado sa kursong iyong napili, ito ay iyong makakamit. Lahat ng pagsubok, sakripisyo, pag-aral, at pag-
sipag ay masusuklian—sa pamamagitan ng pag-abot mo sa propesyong iyong gusto.

At kung ako naman ang tatanungin, anong kurso ang nais kong kuhanin? Hmm, sa una ay wala akong mapili dahil
hindi ko pa naman naiisip ang pagkuha ng kurso noon. Pero ngayon na ako'y nagka-interes na sa pagsabi ng kung anong kurso
ang kukunin—marami akong gustong kunin. Kaso isa lamang ang kailangan upang hindi mahirapan lalo, pero tulad ni Mrs.
Custodio, ako rin ang may mga choices, ang una ay ang medisina, pangalawa ay attorney, pangatlo ay forensic science. Sa
tatlong iyan ay kuryos na kuryos ako, napapa-isip nga ako kung pwede or kung posible, ay kaya ko bang pagsabayin ang
tatlong kurso na iyan. Pero sa huli ay nakapagdesisyon akong, iba-base ko na lamang sa mga indemand jobs, at iyon ang ang
medisina—ang una kong choice.

Sa kursong ito, para sa akin, marami ka talagang malalaman. Kung paano mo maiiwasan ang mga sakit, ang mga rare
na sakit sa isang tao. Doon palang ay nakaka-curious na, kaya siguro ito ang unang choice ko, at ito ang huli kong
napagdesisyunang piliin, kung ako ay kukuha na ng kurso.
ANGELICA ISUGA
9 – BONIFACIO
PERFORMANCE TASK #4

References :
For panayam sa guro : https://images.app.goo.gl/aTckP99tEGURGY8k8
For panayam sa engineer/technical writer : https://images.app.goo.gl/3cB76TR8JQEtfadP8For
panayam sa abogado : https://youtu.be/XPRp2BDai6U

You might also like