You are on page 1of 1

Ang Tatay Oso at ang Iresponsableng Anak

Sa kagubatan ng Albanya, nakatira ang isang pamilyang ng mga Oso na may-kaya sa


buhay. Ang mag-asawa sa pamilyang ito ay nag karoon ng dalawang lalaking osong anak, si
Uno at Dos. Simula’t sapul, ang ama ay nagbibigay na ng tulong sa kanyang mga anak lalo na
sa paghahanap ng makakain sa kagubatan. Sila rin ay magkasama sa matagal na panahon.
Pero, isang araw, nag pasiya ang bunsong anak na si Dos na kukunin na raw lamang
niya ang mana (ang mga naimbak na mga pagkain) at napag-isipang mag-isa na lamang.
Binigay ito ng kanyang ama at nagsimula nang umalis ang kanyang bunsong anak.

Ngunit, pagkalipas ng panahon, inubos lamang ng bunsong anak ang kanyang manang
pagkain. Bukod rito, hindi pa siya natutong mangalap ng mga pagkain sa gubat o manghuli
ng mga maliit na hayop o mangisda sa ilog. Dahil rito, nagutom ang bunsong anak. Matapos
ito, bumalik naman ang bunsong anak sa kanyang ama at siya rin ay tinanggap.

Nung nalaman ito ng kanyang nakakatandang kapatid na si Uno lumabas ito ng galit sa
kanyang ama. Hindi niya matanggap ang kanyang desisyon. Ngunit, nalaman niya na ginawa
lamang ito ng kanyang amang Oso para malaman niya ang tunay na halaga ng isang pamilya.

Pagkatapos nito, nagbago ang kanyang saloobin sa nakababatang kapatid at


pinatawad niya ito.

Ang aral na makukuha sa kuwento ay dapat maging maingat ka sa pag gamit ng pera at huwag
lamang itong pag-laruan. Bukod rito, ang isang mahalagang aral ng kuwento ay ang pagbigay
halaga sa pamilya.

You might also like