You are on page 1of 9

FILIPINO SA PILING

LARANG
(AKADEMIK)
Ikalawang Semestre – Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning
Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external
resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team

Developer: Evaluator/s:
Carlos Tian Chow C. Correos
Illustrator
Layout Artist:
Learning Area EPS:
PSDS/DIC: Carlos Tian Chow C. Correos

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur


Balilahan, Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates
Facebook Messenger: Learning Resource Concerns

Telefax:

Email Address:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-102, CS_FA11/12PT-0m-o-90

Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na


may kaugnayan sa piniling sulatin
2. Nailalahad ang katangian nang isang piniling sulating
akademiko
3. Napahahalagahan ang kahalagahan ng mga katawagang
akademiko sa pagbuo ng sulatin.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Alamin…

Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Larawang - Sanaysay

Ang larawang sanaysay ay isang koleksiyon o limbag na mga imahe o


larawang inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag
ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
Ito ay gaya rin ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa
pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang mga binuong
larawan o dili kaya’y mga larawang may maiikling teksto o kapsyon. Malaki ang
naitutulong ng larawang may teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa mga
ideya/ kaisipang ipinakikita ng larawan. Ang pagtataglay ng larawan ay dapat
na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng
kwento o kaisipang nais ipahayag. Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng
mga larawang may kronolohikal na ayos.

Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong


pagkakasunodsunod ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng
pangyayari ay maaari nang gamitin ang isang larawang may natatanging dating.
Ibig sabihin, sa isang kuhang larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.

• Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang


sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng
magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito.
• May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais
bigyang-diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o
paggawa ng larawang-sanaysay.

• Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong


paggamit ng larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng
kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng
mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
• Hindi limitadoangpaksa.
• Maaaringseryeng imahen.
• Maaringpatungkol sa isangtaoo mgakakaibangpangyayari.
• Naiibadahil larawananggamitsapagsasalaysay.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat Larawang-Sanaysay

1. Maghanap ng isang paksa ayon sa iyong interes.

2. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang Larawang-Sanaysay.

3. Hanapin ang “tunay na kwento”. Matapos ang pananaliksik, maaari mong


matukoy ang anggulo na gusto mong dalhin ang iyong kwento. Ang
pangunahing dahilan ng bawat larawan ay nararapat na lumikha ng isang
kapani-paniwala at natatanging kwento.

4. Ang kwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.


Pinakamahusay na paraan ito upang ikonekta ang iyong larawang-sanaysay
sa madla at ang damdamin nakapaloob sa kwento.

5. Pagpasyahan ang mga kukuning larawan. Magsimula sa paglikha ng isang


listahan ng mga kuha para sa kwento. Ang bawat “shot” ay tulad ng isang
pangungusap at dapat bigyang-diin. Ang iba’t ibang mga konsepto o
emosyon na maaaring pinagtagpi -tagpi kasama ng iba pang mga larawan.

Basahin ang sumusunod na Larawang Sanaysay

ANG MGA MAG-AARAL NG UST SENIOR HIGH SCHOOL (UST-SHS)


SA LOOB AT LABAS NG BGPOP
ni Trisha Capulong

Kasabay ng maligayang
pagsalubong sa mga bagong mag-
aaral noong Thomasian Welcome Walk
ay ang pagtanggap nila sa lahat ng
mga responsibilidad na kanilang
haharapin bilang isang mahabagin,
maaasahan, at tapat na Tomasino.

Credits: Thomasian Welcome Walk 2016 Album from the Facebook page of University of Santo Tomas
Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag-aaral sa Arch of the
Centuries, nagsimula na ang pormal na klase. Tuloy-tuloy ang mga gawaing
ibinibigay – PeTas, pagsasanay, pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa
kolehiyo na tunay ngang nagbigay ng pagsubok sa kanila.

Dahil sa mga aktibidad na


ipinapagawa, nagkakaroon ng
magandang pagsasama ang
bawat klase na binubuo ng mga
mag-aaral na may iba’t ibang
pinanggalingan, ugali, pananaw,
at talento.

Hindi lamang sa silid-aralan


natututo ang mga mag-aaral,
mayroon ding mga kaganapan sa
labas ng kanilang mga kweba.
Nagkaroon ng senior high school
week na pinaghandaan ng lahat
kahit binigyan lamang ng kaunting
oras. Dito nagkaroon ng tagisan ng
mga natatagong talento.

Nag-imbita rin ng mga


propesyonal sa iba’t-ibang
larangan upang magbahagi ng
kanilang kaalaman sa mga mag-
aaral.
Bukod sa pagpapahusay sa
mga katalinuhan ng Senior High
School, tinuturuan din sila kung
paano magkaroon ng teamwork,
kung paano makipagkaibigan, at
magpakumbaba. Kitang-kita ito sa
pagdiriwang ng Senior High School
ng kanilang Intramurals na
pinamagatang Synergy.
Nagkaroon ng oportunidad ang
mga Tomasino na ilabas ang
kanilang angking galing sa
larangan ng pampalakasan.

Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan, at lahat ng mga pangyayaring


nagaganap sa kanila sa labas ng kanilang gusali, o mas kilala na BGPOP, ay ilan
lamang sa mga humuhubog sa kanila upang maging handa sa labas ng
unibersidad. Mapapansing malayo man sa pagiging perpekto ang UST-SHS,
ginagawa nila ang kanilang makakaya upang bumuo ng Tomasinong hindi
lamang hasa ang utak, kundi malaki rin ang puso para sa iba.

Gawain 1:
Panuto: Suriin ang kahulugan, mga katangian, layunin, gamit, anyo ng Larawang-
Sanaysay. Isulat ito sa papel.

Larawang-Sanaysay
Kahulugan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo (porma)
Gawain 2
Panuto: Mula sa binasang larawang-sanaysay na pinamagatang “Ang mga Mag-
Aaral ng UST Senior High School (UST-SHS) sa Loob at Labas ng BGPOP”, ilahad ang
katangiang ipinapakita sa ginawang akda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang mga Mag-Aaral ng UST Senior High School (UST-SHS)


sa Loob at Labas ng BGPOP

Katangian ng
Akda

Layunin ng
Akda

Gamit sa Akda

Anyo
(porma)na
ginamit sa
Akda

Gawain 3.
Panuto: Basahin at unawain ang tanong. Sagutan ito ng maayos ayun sa
iyong opinyon.

Bakit mahalagang matutunan ang mga katawagang katawagang


akademiko sa pagbuo ng sulatin?
_____________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagsusulit

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat tanong. Isulat ang TAMA, kung ang
pahayag ay nagsasabi nang tamang sagot at isulat ang MALI kung ang
pahayag ay hindi tama. Bigyan ng kaunting paliwanag na sumusuporta sa
mga pahayag na inilalahad. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang Larawang- Sanaysay ay laging kinapalooban ng mga konsepto


na sanaysay, sanay at lakbay.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ang Larawang- sanaysay ay isang sulatin kung saan higit ng


nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Marami ang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi


maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang
nais bigyang-diin.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lang sa


mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Isipin ang mga manonood o titingin sa iyong Larawang-Sanaysay upang


maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay
gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng kapsyon.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ipaliwanag:

1. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Larawang-Sanaysay?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1, 2 at 3

Sagot: Nasa guro ang pagpapapasya kung tama ang sagot.

Mga Sanggunian

Aklat

Ailene,Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan(Akademik)


Phoenix Publishing 2016

Internet

https://brainly.ph/question/800816

https://www.slideshare.net/reign26/photo-essaysanaysay-ng-larawan

https://www.elcomblus.com/paglikha-ng-pictorial-essay-o-larawang-sanaysay/

https://quizlet.com/378437324/ang-pictorial-essay-o-larawang-sanaysay-flash-cards/

https://www.scribd.com/presentation/437310093/LARAWANG-SANAYSAY

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

You might also like