You are on page 1of 5

DIMACULANGAN, ANGEL M.

A1A
KONFILI

Ang Kaugnayan ng Wikang Pambansa at Edukasyon


Emerita S. Quito

Sa mga nagdaang kasaysayan ng wika sa bansang Pilipinas masasabing natatangi

ang bawat kaganapan nito. Sa halip na mamulat sa pansariling wika naumpisahan ng

mga Pilipino ang pag-aaral sa mga wikang banyaga. Ilan na lamang sa mga

pangyayaring magpapatunay rito ay ang mga nagsipag-aral noong pamumuno ng mga

Kastila, sumunod naman ay kung paanong ang mga Pilipino, sa panahon ng

pamamahala ng mga Ingles ay sapilitang nagbabayad ng multa dahil lamang sa

paggamit ng sarili nilang wika, sa loob ng kanila mismong bayan. Pawang pati ang mga

kurikulum ay lipos ng mga kursong Amerikano, ang mga aklat, sine at matataas na

panayam ay isinasagawa sa wikang Ingles. Subalit, lahat ng ito ay nagbago nang sumpit

ang ika-70 dekada kung saan tuluyang namulat ang mga Pilipino sa konsepto ng

nasyonalismo. Nagising sa katotohanang sila’y naging bunga ng isang sistemang

napasasailalim sa kaisipang kolonyal.

Samantala, sa larangan ng edukasyon, nagkaroon ng isang kasunduan sa ilalim ng

tinatawag na Bilingual Educational Policy o BEP. Sa patakarang ito, ang Filipino ay

isinabay sa pag-aaral ng Ingles na siyang naging dahilan ng paghahalo at ang

pagkapinsala ng dalawang wika. Pinatotohanan sa pag-aaral nina Andrew Gonzelez at

Bonifacio Sibayan sa akda nilang Evaluating Bilingual Education in the Philippines (1974-
1985) na bumaba nga ang antas ng edukasyon ng Pilipinas sa nakaraang dekada ngunit

itinangging may kinalaman ito sa BEP, bukod dito nabatid din mula sa datos na ang

wikang Filipino ang itinuturing na may pinakamalaking pakinabang para sa mga mag-

aaral ng mababang antas gayon din sa antas ng intermediary, secondary, at maging sa

mga pamantasan. Ayon din sa estadistika ng isang pananliksik mas mataas ang nakuha

ng mga mag-aaral sa mga tanong na nakasulat sa Filipino kaysa sa Ingles. Nabanggit

din na marahil ay ito ang isang sanhi kung bakit maraming bumagsak sa nakaraang bar

examinations; ang mga mag-aaral ay kulang sa kakayahang magpahayag sa wikang

Ingles.

Sa kabilang banda, itinuturo din na ang edukasyon ang pinakahuli sa kilusan ng

Filipinasyon sapagkat ito ang larangang nakabaon at pinakahuling binitiwan ng mga

Amerikano. Kaya naman nais bigyang diin ng may-akda ang pagtataguyod ng isang

agresibong patakaran na Filipino Muna, kung saan iginigiya ang lubos na pamamatnugot

ng pamahalaan, pati na rin ang puspusang pagtulong ng iba’t-ibang sector na siyang

tatayo upang maging mga unang hanay ng tagapagtaguyod nito.

Sa kabuuan, ang kahinaan ng pundasyon ng wika ay isang malaking balakid sa

pagkakatuto ng mga mag-aaral kaya naman iminungkahi na nararapat lamang na atasan

ng DECS ang bawat paaralan, kolehiyo at pamantasan na magtatag ng isang komite ng

wikang pambansa upang mangalaga sa pagsasalin at pagpapalawak ng paggamit nito

dahil walang ibang wika pa ang kayang sumalamin sa kasaysayan, pagkakaisa,

kasarinlan at kalayaan ng isang bansa kung hindi ang natatangi lamang nilang wika.
Reaksyong Papel

Sa akdang, “Ang Kaugnayan ng Wikang Pambansa at Edukasyon,” ni Emerita S.

Quito, buong ibayo nitong tinalakay ang kahalagahan ng pagpapayaman at puspusang

paglinang sa wikang Filipino bilang isa sa mga daan upang lubos na mabuksan ang

kamalayang nasyonal ng mga mamayan nito, lalo’t higit upang matugunan ang

nakababahalang kahinaan ng bansa pagdating sa edukasyon ng wika. Sa teksto,

madalas ay hindi ko mapigilang mapaisip sa kung ano nga ba ang tunay na estado ng

ating bayan pagdating sa paggamit ng ating wika. Lubos akong naniniwala na

hanggang

sa ngayon, hindi pa rin tuluyang nakakalaya ang mga Pilipino sa pagkakabigkis sa

kultruang kolonyal na nahirati sa ating kasalukuyang panahon.

Tulad ng sinabi ni Quito, “Ang Pilipinas ay dumaranas ng isang matinding

complex. Kapag ang isang bagay ay Pilipino, itinuturing natin ito na mababa ang uri.”

Mamamalas ang ganitong mga pangyayari sa iba’t-ibang klase ng stiwasyon, partikuar

na sa larangan ng edukasyon. Sa kasalukuyan, Ingles ang tinuturan bilang

pangunahing wikang ginamagit na panuruan sa mga paaralan pati narin sa mga

pamantasan. Ang karamihan sa mga aklat na ginagamit ng mga mag-aaral ay pawang

nakalimbag din sa wikang Ingles. Naroon na rin ang pala-palagay na kapag muhusay at

matatas ka sa pagbigkas ng lenggwaheng ito masasabi na isa kang Pilipino na may

mataas na pinag aralan. Halos lahat rin ng mga trabahong may maayos na kita ay
nangangailangan ng pagkadalubhasa sa wikang ito. Kaya naman, mapapatanong ka na

lamang, ano nga ba ang lugar ng wikang Filipino sa sariling bansa nito? Sa aking

pagpapalagay, tila nasasawalang bahala ang potensyal ng ating wika na maging isang

wikang opisyal na siyang gagamitin sa lahat ng larangan, ng gobyerno, edukasyon at

buhay-nasyonal (Gonzalez & Sibayan, 1988:40, 144). Kulang na kulang ang aksyon na

ginagawa ng pamahalaan at ng mga intelektuwal upang matugunan ang kahinaan ng

ating bansa pagdating dito. Lalo’t higit na nga ang pakukusa, pagpupunyagi at

pagnanasa nating matuto ng Filipino.

Hindi sa pagiging mapagpaimbabaw, aking tatapatin na ako man ay nahihirapan

na umunawa ng mga malalim na salitang tagalog. Maski na rin sa aking pagsusulat sa

tekstong ito, kinailangan ko pang gumagit ng mga search engines upang isalin ang mga

salitang Ingles na aking naisip sa salitang tagalog. Tunay na nakatatatwa na, ako,

bilang isang mamamayang Pilipino ay mas higit pang nalalaman ang wikang banyaga

kumpara wikang nakagisnan ko.

Samakatuwid, mahusay na nailahad ni Emerita Quito sa kanyang akda ang

kahalagahan ng paggamit ng wika sa pagkamit at pagtataguyod ng ating pambansang

kamalayan na siyang dapat panimulan sa pamamagitan ng paglinang sa pundasyon ng

edukasyon nito. Patuloy tayong mahangad ng isang wikang masasabi nating tunay na

atin dahil kung ang tao ay wika, sa ngayon, hindi ko mababatid na kayanin at taas

noong saabihin na, ako ang wika ko.

You might also like