You are on page 1of 3

SAKIT NG LIPUNAN: PROBLEMA SA BASURA, KAILAN BA MATUTUGUNAN?

I. KALIGIRAN NG PAGAARAL
Hindi na iba sa atin ang partikural na isyung matagal nang pilit kinahaharap ng bansa; ang
suliranin natin sa pangangasiwa ng basura. Isinaad sa datos ng World Bank na ang Asya
(Silangan at Gitna), Pasipiko, at Europa ay kabilang sa mga bansang lumilikha ng 40% mula sa
1.3 bilyong toneladang basura sa buong mundo. Bunga na din ng paglobo ng populasyon sa
Pilipinas ang pagdami ng mga patapong nalilikha sa bawat sambahayan. Dito sa ating bansa
iilan ang mga lugar na mayroong sistematikong proseso ng pangongolekta ng basura kaya
naman ang kinalalabasan, sari-sariling pamamaraan na lamang ng pagdidispatya ang
isinasagawa sa bawat tahanan. May ilang nagtatapon sa mga pampublikong dumpsites, may
ibang direkta itong sinusunog o basta na lamang iniimbak sa tabi ng kalsada na siyang nagiging
dahilan ng malubhang polusyon (sa hangin, lupa at tubig), problema sa kalusugan at pagsikip
ng daloy ng trapiko (Kaza et al., 2018).

II. PROBLEMA
Bakit nga ba tila napakahirap para sa bansa nating makaahon mula sa suliraning ito? Na
hindi man lamang natin mabatid isipin na darating ang panahon kung kailan mabibigyang
solusyon ang problemang natin sa basura. Una sa lahat, kulang na kulang ang mga proyekto
naipapatupad patungkol sa pagbibigay kaalaman ng tamang pangangasiwa nito. Ayon sa
resulta ng sarbey na nakalap particular na sa lugar ng Banay banay Ii, Sitio Abra San Jose
Batangas, 81.8% ng mga respondente ay hindi kontento sa mga aktibidad na pinapairal sa
nasabing komunidad. Ayon sa kanila kinakailangan pang pagtibayin ng barangay ang mga
programang kanilang isinasagawa upang tuluyang maresolba ang pansanin nito sa kakulangan
sa mga basurahan, hindi wastong pangangasiwa ng basura, at ang talamak na pagsusunog ng
mga ito. Binanggit rin sa ilang pag-aaral na lubos na apektado ang mga papaunlad pa lamang
na mga bansa dahil sa kawalan nila ng pondo upang makabili ng makalidad at mamahaling
teknolohikal na kagamitan upang suportahan ang mga aktibidad patungkol sa pagsolusyon sa
isyu ng bansa sa basura. (IBRD/WB 1999).
III. Solusyon

Sinasabing mas madaling mareresolba ang isang problema kung batid mo na sa una pa
lamang ay may mali na. Ang suliraning ito ay nag-uugat sa kakulangan sa mga plano ng
barangay at kawalan ng mga pormal na basurahang pang komunidad na nagdudulot ng
pagsunog ng residente sa mga ito. Ilan sa proyekto ng barangay na ngayon ay
makikitang isinasagawa ay ang regular na pagtatabas at paglilinis ng buong baryo. Ang
kahinaan dito ay tumatagal lamang ang paglilinis ng ilang araw na siya ring
humahantong sa pagsusunog sa mga nakalap nilang basura. Pili lamang din ang mga
kasapi sa nasabing paglilinis; sila ay mga myembro ng Pantawad Pamilyang Pilipino
Program (4P’s) at ang mga Barangay Tanod.

IV. Rekomendasyon

1. Webinar: Wastong Pagtatapon ng Basura, Daan sa Kaunlaran

- Papangunahan ito ng mga opisyal na kawani ng barangay. Dadaluhan ng mga


residente ng Sitio Abra. Magkakaroon ng mga gantimpalak upang maengganyo
ang mga dadalo. Upang mas mabuksan ang kaisipan ng mga residente sa
kahalagahan ng tamang pangangasiwa ng basura at magsisilbi rin itong hakbang
sa kanilang pag-unlad. Ayon din sa naisagawang sarbey sa nasabing baryo 73%
ng mga respondente ay nais magkaroon ng seminar patungkol dito.

2. Pagsasatalaga ng Pangkomunidad na Basurahan

- Isa sa mga isyung nabanggit ay ang kawalang ng mga paglalagyan ng mga


basura na siyang humahantong sa pagsusunog sa mga ito. Isa sa mga
disbentaha dito ay ang hindi tiyak na pagsasagawa o pagsesegregate ng mga
naipong basura. Kaya naman ipatutupad ang “No Segregation, No collection”
alinsunod sa Batas Republika Blg 9003. Gayunadin ang pagsasagawa ng
Webinar patungkol sa tamang pagtatapon ng mga ito.
3. Pagtatakda ng mga “Sanitation Workers”

Isa ito sa mga paraan upang mabigyan ng oportunidad ang mga residente na
magkatrabaho. Sabay na nito ay ang pagkakaroon ng mga taong nakatalagang
mangasiwa sa kalinisan ng barangay. Ilan sa kahaharaping isyu dito ay ang
pondo para sa pasahod, mga taong magtatrabaho at ang pagpapanatili ng
kagustuha ng mga itong magtrabaho.

The World Bank 2012 What A Waste: A Global Review of Solid Waste Management
(Washington DC., USA)
Kaza S, Yao L, Bhada-Tata P and Woerden F V 2018 What a Waste 2.0 : A Global Snapshot of
Solid Waste Management to 2050 (Washington DC, USA: International Bank for
Reconstruction and Development / The World Bank)

You might also like