You are on page 1of 8

ABUYOG COMMUNITY COLLEGE

Abuyog, Leyte

Isang kahingiang Proyekto mula sa asignaturang


G.E 10: Dalumat ng/sa Flipino

KONSEPTO NG EPEKTO NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA MGA


KABATAAN
Titulo:

Ipinasa ni:
Charie C. Taña
BSED Soc. Sci. 2-D

Ipinasa kay:
Bb. Eleonor Antigra
Guro

Petsa:
November 4, 2020

Serye 2020-2021
I. SANLIGAN

Ang larong online ay isang ay isang laro na nilalaro sa ilang uri ng ng

computer work. Ito ay halos palaging gumagamit ng ng internet o katumbas na

teknolohiya, at kung anung teknolohiya ang mayroon. Ang paglawak ng online gaming

ay sumasalamin din sa pangkalahatang pagbabago ng ng mga network sa internet at

ang paglago ng internet mismo. Sa paglalaro ng computer games, naaapektuhan ang

pag-iisip ng mga kabataan dahil sila ang nagkakaroon ng pantasya ukol sa nilalaro niya

o maaring sabihing sila ay naadik sa larong kanilang nilalaro. Ayun sa mga expert, ang

paglalaro ng online games ay aksaya ng oras at kinakain nito ang oras ng mga

kabataan upang mapaunlad ang kanilang mga sarili at kanilang pag-aaral.


II. PANIMULA
Ang larong online ay isang ay isang laro na nilalaro sa ilang uri ng ng

computer work. Sa paglalaro ng computer games, naapektuhan ang isip ng isang

manlalaro dahil siya ay nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro niya. Ang

madalas na nagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na

kasama. Mga larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang

nakakamatay.

Ang adiksyon sa paglalaro ng online games ay ang naglalayo sa mga kabataan

sa tunay na mundong kanilang ginagalawan. Mas binigiyan nila ng atensyon ang

paglalaro kaysa sa kanilang pag-aaral at pamilya. ng labis na paglalaro ng online

games ay nagdudulot ng pagbaba ng grado ng mga estudyante dahil mas pinipili nilang

lumiban ng klase at maglaro na lamang ng mga online games. Winawaldas din nilang

ang kanilang mga pera upang ipambili ng tinatawag na “Skin” o perang ginagamit sa

ilang mga online games. Ayon sa mga eksperto, ang paglalaro ng mga larong ito ay

aksaya sa oras at kinakain nito ang oras ng mga kabataan upang mapaunlad ang

kanilang mga sarili at kanilang pag-aaral.


III. LAYUNIN

Ang layunin ng pananliksik na ito ay mapag-aralan ang mga dapat gawin

upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga kabataan tungkol sa palalaro ng

online games.

 Tukuyin kung bakit nawiwili ang mga kabataan sa online games

 Matukoy kung paano nila mababawasan ang oras ng paglalaro ng online

games

 Alamin ang mga aspeto sa buhay ng batang mahilig maglaro ng online

games

 Importansiya ng pahahati ng oras sa paglalaro at pag-aaral

 Tukuying ang mga bagay na maaaring gawin sa halip na paglalaro ng

online games
IV. NILALAMAN
Mga paraan kung paano maiiwasan ang pagka-adik sa online games.

1. Mag set ng limitasyon - Mag bigay ng limitasyon kung anong oras lng dapat
maglaro, lugar o araw lang dapat mag laro ng online games sapagkat ang online games
ay parang droga na nakaka adik.

2. Tuluyang alisin ang gadgets kung hindi gumana sa pag set ng limitasyon -
Isipin mo na mabubuhay ka naman kahit hindi ka maglalaro.

3. Itago ang gadgets - Mag enjoy sa ibang pagkaka abalahan, maaring maglaro,
manood ng TV, magluto o kahit ano pa man na puwede mong pagka abalahan.

4. Mag hanap ng iba pang pagkaka abalahan o libangan - kung may iba pang
puwedeng gawing libangan mag focus na lamang doon.

Masamang epekto ng paglalaro ng online games.

 Marami pa dito ang nawawaldas ang kanilang pera sa paglalaro. Inaaksaya din
nito ang oras na sana ilalaan para sa sarili at pagaaral.
 Nilalayo rin ng online games sa kabataan ang tunay na mundo na dapat para sa
kanila.
 Ang online games din ang isang rason Kung bakit nakakasira nang reason sa
pamilya, kaibigan, gf or bf at asawa.dahil inaaksaya nito ang pera at oras na
sanaigugol sa kanila.

Mabuting epekto ng paglalaro ng online games.

 Isa na rito ang pantangal ng pagkabagot at stress sa trabaho, pag- aaral at kung
saan man.
 Ginagawa itong libangan ng karamihan. Tinutulongan din niton na mahasa ang
kanilang mga utak o pag iisip.
V. KONSEPTONG MAPA

Tuluyang alisin ang


gadgets kung hindi
Mag set ng limitasyon dumana ang set ng
limitasyon

Pag-iwas sa
paglalaro ng online
game

Maghanap ng ibang
Itago ang gadgets pagkaka - abalahan
VI. MGA NATUKLASANG BAGONG KAALAMAN

Mga kadalasang nilalarong online games ngayon:

 Mobile legends
 Dota
 League of legends
 Genshin impact
 Among us
 Clash of clans
 Arena of valor
 GTA
 Crossfire
 Rules of survival
 Tekken

Mga bagay upang makapaglaro ng video games.

 Cellphone – para sa mga online games na sa cellphone lang malalaro


 Computer – para s aonline games na sa computer lang malalaro
 Internet – pangunahing kailangan sa paglalaro ng online games
 Pera – ay ginagamit sa pagbili ng mga gusting bilhin sa inline game na nilalaro

Mga sakit na nakukuha sa sobrang paglalaro ng online games

 mental diorders
 migraine
 depression
 agresibo
 Carpal Tunnel Syndrome at Compuer Vision Syndrome - pagsakit ng ulo na
maaring dahil sa matagal na pagtitig sa screen
VII. MGA IBA PANG IDEA O KONSEPTO

 Impluwensiya ng online games sa physical at mental na aspeto sa mga kabataan

(Baguio & Fortes, 2017)

 Panganib sap pag-oonline ng bata (ABS-CBN NEWS)

 Mabuting epekto ng online games (www.wordpress.com)

 Bilang ng mga kabataang nalululong sa paglalaro ng online games

 Pagbabago sa ugali ng mga kabataang naglalaro ng online games

 Edukasyon sa kabataan upang maiwasan ang pagkalulong sa online games

You might also like