KPWKP Q2 Las 06

You might also like

You are on page 1of 6

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 11 Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Pangalan:_______________________________ Lebel:__________
Seksiyon: _______________________________ Petsa:__________

GAWAING PAGKATUTO
IBA’T IBANG REGISTER AT BARAYTI NG WIKA

Panimula (Susing - Konsepto)

Mahalaga ang gampaning-papel ng wika sa ating buhay. Ngunit dahil lagi na natin itong
ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito. Natural na lamang sa
ating ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Wika ang sumasalamin sa kaluluwa ng isang indibidwal. Wika ang simbulo ng kanyang
damdamin, ng pag-iisip, ang naglalahad ng kanyang nadarama, ng nais gawin at
maging mithiin sa buhay. Wika ang nagdadala ng ideya ng tao. Ito ang instrumento ng
paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Ito ang dahilan ng pag-unlad ng
karunungang pantao.
“…habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika, pinangangalagaan
niya ang marka ng kanyang kalayaan gaya ng pangangalaga ng tao sa kanyang
kalayaan habang pinanghahawakan niya ang sariling paraan ng pagiisip.” – Jose Rizal
“Ang wika ay proseso ng malayang palikha; ang mga batas at tuntunin nito ay hindi
natitinag, ngunit ang paraan ng paggamit sa mga tuntunin ng paglikha ay malaya at
nagkakaiba-iba. Maging ang interpretasyon at gamit ng mga salita ay kinasasangkutan
ng proseso ng malayang paglikha.” – Noam Chomsky
“Kapag kinausap mo ang tao sa wikang kanyang nauunawaan, ito’y patungo sa
kanyang isip. Kapag kinausap mo siya sa kanyang wika, ito’y patungo sa kanyang
puso” – Nelson Mandela
Kung gayon, kinakailangang ang isang tao’y may sapat na kakayahang magamit ang
isang wika. Kailangang pagtuunan ng pansin upang sanayin ang sarili sa bawat
tungkulin sapagkat may mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang tungkulin sa
isang sitwasyon at may mga pagkakataon ding kinakailangang gamitin ang dalawa o
higit pang tungkuling pangwika sa isang sitwasyon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Inhinyero, Negosyo,
at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang
ito (F11WG-IIc-87).
Gawain 1

Pagsasanay 1
Panuto
Gamit ang inilaang talahanayan. Maglista ng tigsasampu na gamit na makikita sa bahay.
Pagkatapos ay ihanay ang mga ito sa kahingian ng talahayan.

Pagpapaganda o Pag- Edukasyon Komunikasyon


aayos ng sarili
suklay bolpen cellphone

Pagsasanay 2
Panuto
Makikita sa talahayan ang hanay ng mga wika. Mula rito, magtala ng mga ilang
panumbas ng salitang hinihingi sa wikang Filipino. Isulat ang sagot sa loob ng hanay.

Wikang Filipino Wikang Iloko Wikang Wikang Wikang


Ibanag Gaddang Ivatan
Hlb: baboy babuy bavi bafuy bago,buyis
1. tao (png)
2. bahay (png)
3. aso (png)
4. araw (png)
5. bago (png-uri)

Panuto
Mula sa talahanayan, magtala ng ilang panumbas ng salitang hinihingi sa wikang
Filipino. Isulat ang sagot sa loob ng hanay.

Gawain 2

Pagsasanay 1
Panuto
Magbigay ng register ng wika batay sa hinihingi ng bawat propesyon sa taong
pinaglalaanan ng kanilang serbisyo. Isulat ang kasagutan sa inilaang talahayan.

Propesyon o larangan Tawag sa binibigyan ng serbisyo


Hlb: guro estudyante
1. doktor at nars
2. abogado
3. pari
4. tindero/tindera
5. drayber/konduktor
6. artista
7. politico
8. pulis
9. guwardiya
10. katulong

Pagsasanay 2
Panuto
Ihanay ang mga salita batay sa tamang register ng wika mula sa hinihingi ng
talahanayan sa iba’t ibang propesyon o larang.

pagsusulit batas konsumo awit


klase kongreso awtor puhunan
pamilihan salaysay senado kampus
tauhan korapsyon akademiks pananalapi
kurikulum mitolohiya kalakal korte
eleksiyon enrollement prosa akda
class record pamahalaan kita produkto

Ekonomiks Politika Edukasyon Literatura

Pagsasanay 2

Panuto
Pag-aralan ang sumusunod na halimbawa ng register. Masasabi mo ba kung ano ang
kahulugan ng bituin sa iba pang larangang nakatala sa ibaba? Isulat sa kahon ang
iyong kasagutan.

bituin – sa larangan ng astrolohiya – flaming ball of gas na makikita sa


kalawakan.

pelikula-
edukasyon-

dressing – sa larangan ng medesina – paglilinis ng sugat o pagpapalit ng


benda o takip ng sugat upang maiwasan ang impeksiyon o paglala nito.

agrikultura-

fashion-

pagluluto-

beat – sa larangan ng isports – tinalo o pagkatalo.

Sayaw at awit-

pagluluto-

pamamahayag-

batas trapiko-

medisina-

Pagsasanay 3
Panuto
Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Pagkatapos ay salungguhitan ang
register na ginamit sa bawat pangungusap. Tukuyin kung saang larangan ito ginagamit.
Ibigay ang kahulugan ng register ayon sa gamit nito sa larangan. Maaaring magbigay
ng mahigit sa isang larangan. Gawing gabay ang inilaang rubrik sa pagpupuntos.

Halimbawa. Pinahiram niya ako ng bat para makasali ako sa laro.

Larangan Kahulugan
Isports Kalimitang gawa sa kahoy na
ginagamit panghampas ng bola sa
paglalaro ng baseball at softball
Agrikultura paniki

Magsimula rito:

1.Bumili si Sally ng bagong mouse.


Larangan Kahulugan

2.Gawa sa kawayan ang organo na ginagamit ng choir namin sa simbahan.

Larangan Kahulugan

3.Mamulot kayo ng mga bato sa bakuran.

Larangan Kahulugan

4.Tumawag ng foul ang referee kaya pansamantalang nahinto ang laro.

Larangan Kahulugan

5.Maraming buwaya ang nakita nila.

Larangan Kahulugan

Rubrik ng Pagtatasa
Batayan ng Grado Kaukulang Grado
Puntos
Larangan
•• angkop ang larangan sa register sadyang ginagamit 20 _____
• ang register sa larangang isinulat nagbigay ng
dalawa o mahigit pang larangan sa bawat register
Kahulugan
• tama, tiyak, at hindi pilit ang kahulugang ibinigay sa 20 _____
• register
maayos ang pagsulat ng kahulugan (tamang
gramatika o medaling maunawaan)
Kabuuan 40 _____

35- 40 – Napakahusay 0 - 29 – Nangangailangang baguhin ang ilang sagot 30- 34 –


Mahsuay

A. Sanggunian

A. Aklat

Jocson, Magdalena O. (2016), Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Lungsod ng Quezon: Vibal Group, Inc.

Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D. & Geronimo, Jonathan V. (2016),


Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipno. Sampaloc, Manila:
Rex Book Store, Inc.

B. Website at Online na Dokumento

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/06/10/2019788/editoryal-
walang-bakuna-walang-face-face-classes.

You might also like