You are on page 1of 2

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 11

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Pangalan:_______________________________ Lebel:__________
Seksiyon: _______________________________ Petsa:__________

GAWAING PAGKATUTO PAGGAMIT NG WIKA SA IBA’T IBANG SITWASYON

Panimula (Susing Konsepto)


Kabuhol ng kultura ang wika. Ang pag-unlad ng wika ay nakapagpapayaman ng iba’t
ibang paraan ng paggamit natin sa wika alinsunod sa kultural at komunikatibong
sitwasyon na mayroon ang ating lipunan. Ang radyo, tebebisyon, pelikula, pahayagan
at social media ay ilan lamang sa mga maituturing na sitwasyong pangwika ng ating
bansa dahil kinapapalooban ang mga ito ng tiyak na sitwasyon panlipunan. Ang
kanilang pagsulpot ay bunga ng ispesipikong sitwasyon – maaaring tugon sila sa
pangangailangan ng tao, ng mga Pilipino.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipaliliwanag ng pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo at pamaraan ng paggamit ng
wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS – IIb – 89)

Panuto
Basahin ang mga sumusunod na teksto at subuking sagutan ang mga tanong.

Gawain 1
COVID-19 infections sa Pilipinas umakyat sa 12,942 sa pagdagdag ng 224 pa

Tuloy-tuloy pa rin ang pagdami ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease


(COVID-19) sa Pilipinas, tatlong araw matapos ipatupad ang modified enhanced
community quarantine (MECQ) sa ilang lugar sa Pilipinas laban sa virus.
Sa ulat ng Department of Health (DOH), Martes, 12,942 na ang tinatamaan ng
nakamamatay na sakit sa bansa.
Nakita ang panibagong 224 kaso ngayong araw sa mga sumusunod na lugar: National
Capital Region (174) iba pang lugar (33) Central Visayas (17)
Sa mga kasong 'yan, sinasabing 9,262 pa rin ang "aktibo." Ibig sabihin, hindi pa sila
namamatay o gumagaling mula sa COVID-19.
Yumao naman ang dagdag na anim na katao, dahilan para umabot na sa 837 ang
binabawian ng buhay dahil sa virus.
Gumaling naman na sa COVID-19 ang 2,843 katao sa Pilipinas. 'Yan ay matapos
gumanda ang kalusugan ng karagdagang 114 kaso.
Nasa 207,823 katao pa lang ang nasusuri para sa virus ayon sa DOH, bagay na
malayo sa 1.65 milyon hanggang 2.2 milyong katao na target ng gobyerno na matest.
Umabot naman na sa 4.6 milyon katao sa mundo ang nahahawaan ng virus simula
nang kumalat ito mula sa Wuhan, China, ayon sa World Health Organization (WHO).
Sa bilang na 'yan, 311,847 na ang namatay.

Sipi mula sa Pilipino Star Ngayon


Official Website
Mayo 19, 2020
1. Tungkol saan ang balita?
2. Ilang katao na ang apektado dahil sa pandemya?
3. Sino ang tiyak na awdiyens ng mga balitang mababasa sa internet katulad ng sipi?
4. Bakit mahalaga malaman ng mga tao ang ganitong uri ng balita?
5. Malinaw ba ang estilo ng pagkakasulat ng mga impormasyon sa balita?
6. Sa iyong palagay, aling antas ng wika ang taglay ng balitang binasa?
7. Paano kaya sumulpot ang pamamahayag sa internet? Ipaliwanag.

Gawain 4
Basahin ang mga kasunod na teksto. Isa ay isang komik istrip at ang isa ay kinipil na
balita. Suriin ang estilo at paggamit ng mga salita sa mga dayalogo ng komik istrip at
balita.

A. Ilahad ang iyong pagsusuri sa talahanayan sa ibaba.

Pangwakas
Ang paggamit ng wika sa maraming paraan ay may kaugnayan sa sitwasyong
panlipunan ng iba’t ibang pangkat ng tao. May tumatangkilik sa nakalimbag na
pahayagan, mayroon namang higit na gusto ang elektroniko. Ito ay dahil sa
magkakaiba ang panlipunang sitwasyon at sitwasyong pangwika ng mga tao.

Mga Sanggunian
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City: Vibal Group, 2016
Taylan, Dolores R. et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Manila, Philippines: Rex Publishing, 2016 Websites
https://modules.arvicbabol.com/files/FILI111/Lesson%209%20Mga%20Sitwasyong%2
0Pangwika%20s a%20Pilipinas.pdf https://lrmds.deped.gov.ph/detail/14513
www.pilipinostarngayon.net http://saksingayon.com/category/lagay-ng-panahon/

You might also like