You are on page 1of 1

926 Josefina 1 St.

, Sampaloc
Manila, NCR, Philippines.
February 19, 2021

Mahal na Pangulong Duterte,

Pagbati! Isang magandang araw po sa inyo, Mr. President. Nawa’y nagkaroon


po kayo ng maayos na araw. Ako po ay naparito upang linawin at humiling ng ilang mga
bagay sa inyo. Nawa’y pagbigyan po ninyo ang ilan sa kahilingan ng mga mamamayan
sa ating bansa at dinggin po ang mga hinaing na mayroon sila, para sa mas ikabubuti ng
kalahatan.
Ako po ay isang estudyante na kasalukuyang nasa ika-sampung (10) baitang at
nakikita ko po na mayroong mga negatibong epekto na po ang naidudulot ng
pandemyang ating kinakaharap. Bukod po sa banta sa kaligtasan ng mga mamamayan sa
ating bansa, tumaas din ang unemployment rate ng ating bansa ng 17.6% nang dahil sa
pandemya po na dala ng Coronavirus. Malaki po ang epekto nito sa mga pamilya dahil
maari po silang maghirap at maaari rin pong bumagsak ang ekonomiya ng bansa. Kung
maaari po sana, ay magsagawa po ng online job fair kung saan po ay makakahanap po
ang mga mamamayan ng mga trabaho kung saan magkakaroon sila ng pagkakakitaan.
Kung maaari rin po sana, ay bigyan din po ng mas mataas na hazard pay ang mga
trabahador upang may pandagdag po sila sa pambili nila ng mga pangangailangan nila sa
pang-araw araw.
Ang mga sumusunod ko pong binanggit ay wala pong nilalayong pinsala at
inaasam ko lamang po ang ikabubuti ng mas nakakarami. Sa huli po ay kayo pa rin po
ang may kapangyarihang gumawa ng desisyon. Nawa po ay matanggap po ninyo nang
maayos at mabasa ang liham na ito. Maraming salamat po at sana po ay mas umunlad pa
ang bansang Pilipinas!

John Carlo A. Labid, 10-Darwin


Lubos na gumagalang,

You might also like