You are on page 1of 14

Halimbawa ng Pagsusuri Gamit ang

Dulog Realismo

Bb. CHARITY D. RIM


REALISMO
Ipinaglalaban ng dulog na realismo ang katotohanan kaysa
kagandahan. Itinataguyod ng mga realista ang pagtinging
dapat na ilarawan ang buhay o mga pangyayari sa lipunan
nang makatotohanan at buong katapatan.

Layunin nito na ipakita ang mga karanasan na nasaksihan ng


may-akda sa kanyang lipunan sa makatotohanang
pamamaraan.
REALISMO
 Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na
nangyari sa lipunan tulad ng:
• Kurapsyon o katiwalian
• Prostitusyon
• Kahirapan o Digmaan
• Pagkaapi o Diskriminasyon
• Pakikibaka ng mga manggagawa
HALIMBAWA NG PAGSUSURI

BANGKAL PAPEL
Ni: Genoveva Edroza Matute

Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera.


Unang nailathala ang maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946, ang
taon kung saan nagkamit ang Pilipinas ng tunay na kalayaan. Ito rin ang
unang taon kung saan maaring maglathala ng mga kwento ang awtor. Bakas
sa kwento ang kinimkim na saloobin ng awtor tungkol sa digmaan noong
binalak na sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas. Ang kwentong ito ay tungkol
sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita siya ng mga
batang nagpapalutang ng bangkang papel.
A. Sa pagbubukas ng kwento ay maaaninag ang iilang mga kabataang nahuhumaling sa
pagpapalayag ng bangkang papel.

Sa pahayag na “Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel,


nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.”

Makikita ang likas na katangian ng mga kabataan. Ang kanilang inosenteng diwa at
sensitibong pagkatao ay siyang nagbibigay ng kakintalan sa kanilang mumunting daigdig.
Ang kanilang pagkawalang muwang sa mga kaganapan sa lipunan ay siyang naging
kalasag nila sa mapait at mapanakit na realidad.

Sa mga mata ng isang bata, lahat ng bagay ay maganda at makulay. Lahat ay simple at
hindi komplekado. Lahat masaya, walang galit, poot, inggit at pagkukunwaring
gumagapos at unti-unting nagpapatigas sa puso ng mga tao. Puro at totoo ang kanilang
pagkatao, sumasalamin sa personang bigong maisakatauhan ng nakararami sa atin.
B. Ipinapahiwatig din sa kwento na ang isang bata ay nangangailangan ng presensya na
kakalinga at papawi sa walang muwang niyang pagka-uhaw sa kaloob-looban na
tanging ang isang ama lamang ang makakapagbigay.

Pinatutunayan ito sa pahayag na “Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay?
Anong oras na ba?” “Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at
bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.”

Kung tutuusin, nasa harapan ng bata ang kanyang ina ngunit hinahanap-hanap niya parin
ang presensya ng kanyang ama. Tila ba may kakaibang init na dala ang pagkalinga ng
isang ama na tanging makapapawi sa lamig na tumusok sa kanyang pagkatao.

Dito na pumapasok ang mga responsibilidad ng isang magulang. Ang kanilang katauhan
ay nagdudulot ng napakalaking impak sa paglinang ng mga kabataang magtataguyod ng
kinabukasan ng ating bansa
C. Ipinapakita rin sa kwento ang realidad na nararanasan ng mga taong
nadadamay sa digmaan.

Sa pahayag na..
“Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas
ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.”

“Handa na ba kayo?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay


magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas.
Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito...
Kaya’t walang maaaring maiwan.”
Nagsasaad ang mga linyang ito na may nangyayaring kaguluhan kaya nais na
masiguro ang kanilang kaligtasan.

Mapapansin na ang salitang “papasok dito” ay nagpapahiwatig na sila’y nasa


loob ng isang tagong lugar o pamayanan o maaring masabi nating kuta ng
isang hindi kinikilalang grupo o samahan.

Sa pagbanggit naman ng mga salitang “kawal at taong-bayan” ay


mapapatunan ang naging hinuha. Ang sagupaang naganap sa bayan ay
labanan ng rebelde at kawal ng pamahalaan. Isang kaganapang palasak at
napapanahon saan mang sulok ng mundo. Mga labanan ng magkakalahi at
magkababayan.
D. Ipinapakita rin sa kwento ang realidad na nararanasan ng mga taong
nadadamay sa digmaan.

Sa pahayag na..
“Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas
ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.” “Handa na ba
kayo?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo.
Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa
man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t walang
maaaring maiwan.”
E. Naipapamalas din sa kwento ang masakit na realidad na ito’y
nagdudulot pa ng mas malaking sigwa sa bayan kung ang pag-
uusapan ay ang kabataan.

Ang linyang “Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”

Ito ang tanong ng nakararaming kabataang nasasangkot sa labanan.


Silang naiipit sa gulo at nakasasaksi ng patayan. Mga kabataang walang
muwang at inosente. Silang mga anghel na unti-unting dinudurog ng
kaguluhan.
F. Naipapamalas din sa kwento ang masakit na realidad na ito’y
nagdudulot pa ng mas malaking sigwa sa bayan kung ang pag-uusapan
ay ang mga kabataan.

Ang linyang “Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”

Ito ang tanong ng nakararaming kabataang nasasangkot sa labanan. Silang


naiipit sa gulo at nakasasaksi ng patayan. Mga kabataang walang muwang at
inosente. Silang mga anghel na unti-unting dinudurog ng kaguluhan.
G. Naibabahagi din sa kwento ang realidad sa pagkasira ng mga pangarap
na naglalayag sa puso ng mga kabataan dahil sa mga nagaganap sa
lipunan.

Sa pahayag na:
“Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na
kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-
hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal.”

“Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na


hindi niya napalutang kailanman...”
Ang naturang madilim na pangyayari ang nagbura sa kanyang diwa
at maagang nagmulat sa kanya sa katotohanang hindi lahat dito sa
mundo ay maganda at kaaya-aya. Dahil sa likod ng kagandahang
nakikita ay may nakakubling madilim at masang-sang na realidad.

Isinisiwalat din ang iniwang resulta ng sakuna, ang pagkasira ng


bawat butil ng pangarap sa kaloob-looban ng mga kabataan. Ang
pagkawala ng kislap sa kanilang mata at nag-iiwan ng isang durog na
kaluluwa. Ang pagbanggit ng bangkang papel sa kwento ay nagsisilbing
representasyon ng mga pangarap na naglalayag sa puso ng mga
kabataan. Ngunit dahil sa malupit na lipunang kinagisnan hindi paman
nakalalayag ang pangarap ay dinurog na ito ng mga alon ng sakit.
Maraming
Salamat!

You might also like